Share

Chapter 24

Amber Pov

Bigla akong napabangon sa kama nang makita kong nahulog si Phil sa ibaba. Hindi ko kasi inaasahan ang ginawa niyang paghalik sa akin kaya naitulak ko siya ng hindi sinasadya.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya," nakangiwing paumanhin ko kay Phil na halos hindi ma-drawing ang mukha sa pagkakasimangot.

"Anong nangyari, Amber? Bakit biglang nahulog si Phil sa ibaba ng kama?" tanong naman ni Lolo Fidel na biglang nagising mula sa mababaw niyang pagtulog.

"Masyado po kasing maliit ang kama para sa aming dalawa kaya siya nahulog, Lolo," mabilis kong sagot bago pa man ako maunahan ni Phil sa pagpapaliwanag.

Natawa ng malakas si Lolo nang marinig ang sinabi ko. "Sinabi ko na kasing yakapin niyo na lang ang isa't isa para magkasya kayo sa maliit na kamang iyan at hindi kayo mahulog."

Muling bumalik si Phil sa ibabaw ng kama at tinapunan ako ng matalim na tingin. Sa aking paningin ay muling nagbalik ang dating Phil na aking kilala. Kanina kasi kumikilos siya na parang hindi siya si Phil
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status