Amber PovBigla akong napabangon sa kama nang makita kong nahulog si Phil sa ibaba. Hindi ko kasi inaasahan ang ginawa niyang paghalik sa akin kaya naitulak ko siya ng hindi sinasadya. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya," nakangiwing paumanhin ko kay Phil na halos hindi ma-drawing ang mukha sa pagkakasimangot. "Anong nangyari, Amber? Bakit biglang nahulog si Phil sa ibaba ng kama?" tanong naman ni Lolo Fidel na biglang nagising mula sa mababaw niyang pagtulog."Masyado po kasing maliit ang kama para sa aming dalawa kaya siya nahulog, Lolo," mabilis kong sagot bago pa man ako maunahan ni Phil sa pagpapaliwanag.Natawa ng malakas si Lolo nang marinig ang sinabi ko. "Sinabi ko na kasing yakapin niyo na lang ang isa't isa para magkasya kayo sa maliit na kamang iyan at hindi kayo mahulog."Muling bumalik si Phil sa ibabaw ng kama at tinapunan ako ng matalim na tingin. Sa aking paningin ay muling nagbalik ang dating Phil na aking kilala. Kanina kasi kumikilos siya na parang hindi siya si Phil
Phil PovHalos mabasag ang bote ng beer sa aking kamay dahil sa higpit ng aking pagkakahawak. Ilang araw na akong palaging laman ng bar na pinagtatrabahuhan ni Amber. Magmula nang umalis siya sa ospital ay hindi na ulit kami nagkapag-usap. Kapag nagpupunta siya sa ospital para bisitahin si Lolo ay talagang itinataon niya na wala ako roon. Pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako. At mabigat ang loob ko dahil sa ginagawa niyang pag-iwas sa akin. Kung tutuusin ay dapat hindi ako makaramdam ng ganito dahil wala akong gusto sa kanya. At saka ginagawa niya ang kanyang trabaho bilang asawa ko, iyon ay ang pasayahin ang aking lolo sa mga natitira niyang araw sa mundo. Ngunit hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Parang nasasaktan ako na iniiwasan niya ako. Kaya naman hindi ako nakatiis at nagtungo ako rito sa work place niya para siya lihim na makita. Ngayon nga ay nasa loob ulit ako ng bar kung saan siya nagtatrabaho ngunit hindi niya alam na nandito ako
Amber PovIsinukbit ko sa aking balikat ang aking shoulder bag pagkatapos ay lumabas na ako sa locker room. Hindi ko napigilan ang maghikab. Inabot ako ngayon ng halos hatinggabi dahil ako ang nag-cover sa shift ni Mildy. Wala sana akong overtime ngayon pero dahil nag-undertime ang kaibigan ko kaya ako na lamang ang pumalit sa kanyang oras. Kulang kasi ngayon ng mga waitress dahil dalawa ang hindi pumasok kanina para sa kanilang shift."Uuwi ka na ba, Amber?" tanong sa akjn ng waiter na si Anjo nang mapadaan ako sa tapat niya."Oo. Uuwi na ako. Inaantok na rin ako kanina pa," sagot ko sa kanya pagkatapos ay muli akong naghikab."Ingat ka sa pag-uwi mo," paalala niya sa akin. "Dapat kasi may boyfriend ka na para laging may maghahatid at magsusundo kapag pumapasok at umuuwi ka galing sa trabaho. Kung sana lamang ay sinasagot mo na ang panliligaw ko sa'yo ay may boyfriend ka na sana ngayon," biro niya sa akin. Biro na may halong katotohanan. Matagal na kasi siyang nagpaparamdam sa akin n
Amber PovNaramdaman ko ang paglapat ng isang malambot at mainit na bagay sa aking mga labi habang pinagbabalikan ako ng aking kamalayan. Agad na rumihistro sa aking isip ang ginawa sa akin ni Mr. Gustavo kaya kahit nakapikit pa ang aking mga mata pinagkakalmot ko na siya."Stop it, Amber! It's me, Phil!"Sa malas ay hindi ko naririnig ang kanyang sinasabi dahil ang tanging nasa isip ko lamang nang mga sandaling ito ay ginagawan ako ng kahalayan ni Mr. Gustavo. Patuloy akong nagpumiglas at pinagkakalmot ang lalaking nasa tabi ko. Ngunit napahinto ako sa aking ginagawa nang bigla na lamang akong halikan ng taong nasa tabi ko. Pamilyar sa akin ang mga labi ng taong humahalik sa akin ngayon. Pamilyar din sa akin ang pakiramdam habang hinahalikan niya ako. Phil! hiyaw ko sa aking utak. Ang galit at takot na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng masarap at tila nakakakiliting pakiramdam. Ganito ang nararamdaman ko noong hinalikan niya ako. Ilang segundo lamang tumagal ang halik dahil
Amber PovKagaya nga ng sinabi ni Phil ay sinundo niya ako kinabukasan ng hapon. Nasa bahay pa niya ang mga gamit ko kaya wala akong dinalang mga damit ko pabalik sa bahay niya. Talagang may mga damit ako sa apartment ni Mildy para kapag sa kanya ako natutulog ay may maisusuot akong damit at iyon ang mga ginamit ko habang pansamantalang nakatira ako sa kanya."Bukas ng umaga uuwi si lolo at gusto kong makita ka niya agad pagdating niya," kausap ni Phil sa akin habang nagmamaneho siya ng kanyang kotse pabalik sa bahay niya."Huwag kang mag-alala dahil gusto ko rin makita si Lolo kaya tiyak na mag-aabang ako sa kanyang pagdating," mabilis kong sagot sa kanya. "Ngunit huwag mong isipin na bahagi ng trabaho ko lamang ang pagpapakita ko ng concern at kabaitan sa lolo mo. Napalapit na siya sa akin at itinuturing ko na rin siyang tunay kong lolo kaya naman masaya ako na makakalabas na siya ng ospital," dugtong ko sa aking sinabi nang makita kong bahagya siyang napakunot ng noo."Bakit ka nag
Amber PovKatatapos ko pa lamang magbihis dahil katatapos ko lang din maligo nang may kumatok sa pintuan ng aming silid. Malakas at tila galit ang paraan ng pagkatok kaya natitiyak ko na hindi si Phil ang nasa labas. At isa pa, hindi na siya kakatok sa pintuan kundi papasok na lamang. Kung ang mga maid naman na kasundo ko ang nasa labas ay hindi sila kakatok ng ganyan. Kaya dalawang tao lamang ang naiisip ko na posibleng nasa labas ng pintuan. Kung hindi si Tita Aloha ay si Karen. Ibinaba ko muna ang hawak kong suklay sa ibaba ng aking dressing table bago ko binuksan ang pintuan. At tama nga ang nasa isip ko dahil si Karen ang nakita kong nasa labas at naghihintay na pagbuksan ko ng pintuan."Ano ang kailangan mo?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Tumayo ako sa gitna ng pintuan dahil wala akong balak na papasukin siya sa loob. Itinulak ako ni Karen papasok sa silid. Mabuti na lamang mabilis ajong nakahawak sa doorknob kaya hindi ako natumba. Mukhang gulo ang hanap ng babaeng
Amber PovSinalubong ko agad si Lolo Fidel pagdating niya mula sa ospital kasama si Phil. Tuwang-tuwa namang niyakap niya ako. Napansin ko na mas nagkaroon siya ng sigla ngayon kaysa noong nasa loob siya ng ospital. Well, kahit man ako ay mas manghihina kapag nasa ospital kaysa ang nasa bahay. Ayoko kasi ng amoy ng ospital sa totoo lang. Ngunit dahil kailangan kong bisitahin doon si lolo kaya tiniis ko ang amoy ng ospital. Pasalamat nga ako na nakalabas na siya dahil hindi ko na siya kailangang puntahan pa sa ospital."Lalo ka yatang gumaganda, Amber," nakatawang puna ni Lolo matapos niya akong pakawalan sa kanyang pagkakayakap."Ganoon talaga kapag maganda, Lolo. Lalo pang gumaganda kapag hindi mo palaging nakikita. Makikita mo sa mga susunod na araw sasabihin mo naman na pumapangit ka yata Amber," nakatawang sagot ko naman sa kanya. Nakita ko sa sulok ng aking mga mata ang pag-ismid at pagsimangot ni Karen ngunit nang mapatingin sa kanya si Phil ay bigla siyang ngumiti ng matamis. S
Amber PovNaka-leave pa rin ako sa aking trabaho kaya ako na muna ang nag-aalaga kay Lolo Fidel. Busy kasi si Phil sa company at ganoon din naman si Tita Aloha na sa kompanya ng kanyang ama nagtatrabaho. Si Karen naman ay abala rin sa kanyang pag-aaral dahil graduating na ito sa taong ito kaya wala siyang time na awayin ako. Mas napatututukan ko ang pag-aalalaga kay Lolo dahil madalas wala si Karen na palaging hinahanapan ako ng mali sa ginagawa kong pag-aalaga kay Lolo. Gaya ngayong araw, malibanns amga maid ay tanging kami lamang ni Lolo ang nandito sa bahay dahil wala rin si Pao, nasa bahay ng kanyang grandparents sa mother side. Tiningnan ko ang oras sa aking wristwatch dahil oras na para uminom ng kanyang maintenance na gamot si Lolo. Mahigpit na ipinagbilin sa akin ni Phil na huwag ko raw kalilimutan na painumin ng kanyang gamot sa tamang oras si Lolo. Lumabas ako sa silid namin at nagtungo sa kuwarto ni Lolo. Sa labas pa lamang ay dinig ko na ang galit na boses niya habang may
Amber PovNamutawi sa aking mga labi ang mahinang ungol habang pinagbabalikan ako ng aking malay. Napangiwi ako nang maramdaman ko na masakit ang aking bahagi ng aking ulo kung saan ay walang pag-aalinlangan na pinukpok ako ng baril nang isa sa tatlong lalaking kumidnap sa akin. Akmang hihimasin ko ang aking batok ngunit hindi iyon natuloy nang matuklasan ko na nakatali pala ang aking mga kamay at ganoon din ang aking mga paa. Talagang sinigurado nila na hindi ako makakatakas kahit na magtangka man akong tumakas.Mula sa pagkakahiga sa malamig at maruming semento ay pinilit kong bumangon kahit makaupo man lang. Nang magtagumpay akong makaupo ay agad kong iginala sa aking paligid ang aking mga paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa aking likuran ang walang malay na si Lolo Fidel."Lolo Fidel! Wake up!" medyo malakas ang boses ang ginawa kong panggigising sa kanya para mabilis siyang magising. Agad naman itong nagmulat ng mga mata at napakunot ang noo nang makitang naroon d
Phil PovNasa loob ulit ako ng bar ni Alex at umiinom ng alak. But this time, hindi na ako nagbabasag ng bote sa halip ay tahimik lamang akong umiinom. Today is Amber and Jared's wedding kaya ako umiinom ng alak kahit na umagang-umaga. Sarado naman ang bar ng kaibigan ko dahil mamaya pang hapon ang opening ng bar niya kaya mag-isa lamang akong customer sa loob.Mabigat na mabigat ang dibdib ko sa ideyang ikakasal ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Ngunit kasalanan ko ang lahat kaya nararapat lamang sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon."Sa halip na maglasing ka ay bakit hindi ka tumakbo papunta sa simbahan at pigilan ang kasal nina Amber at Jared? Kapag hinayaan mo silang ikasal ngayon ay habam-buhay mo itong pagsisisihan, Phil," payo sa akin ni Alex nang lapitan niya ako. Alam ko na pinoproblema niya ngayon si Mildy ngunit heto at inaalala pa niya ako kaysa ang sarili niyang problema. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa makikipagbalikan si Mildy sa kanya magmula nang makipag-b
Amber PovIsang huling sulyap sa apartment ni Mildy ang ginawa ko bago ako tuluyang naglakad palabas ng gate. Malaki ang naitulong sa akin ng apartment na ito. Ito ang naging tahanan ko ng ilang taon. At magmula mamayang gabi ay hindi na ako matitulog sa apartment na ito dahil sa bahay n ni Jared ako titira pagkatapos ng aming kasal."Sigurado ka ba talag sa desisyon mong magpakasal kay Jared, Amber? Natitiyak ka ba na hindi mo ito pagsisisihan balang araw?" tanong sa akin ni Mildy nang makapasok kami sa knyang kotse. Ang kotse niya kasi ang ginawa kong bridal car na maghahatid sa akin papunta sa simbahan kung saan naghihintay sa akin si Jared."Sa tingin mo ay hindi ako seryoso gayong nakasuot na nga ako ng wedding dress t papunta na sa simbahan para magpakasal?" naiiling na sagot ko sa kanya."Paano kung bigoang dumating si Phil sa simbahan at tumutol sa kasal mo kay Jared? Ano ang gagawin mo, Amber?" seryoso pa rin ang mukha na tanong niya sa akin.Huminga muna ako ng malalim bago
Amber PovPagmulat ko ng aking mga mata ay agad pumasok sa aking isip ang kalagayan ng aking anak. Mabilis kong kinapa ang tiyan ko at dinama kong may laman pa ba itong bata. Nakadama ako ng matinding pag-aalala para sa baby ko nang maalala ko na bigla akong dinugo habang pinipilit akong ipasok ni Phil sa kanyang kotse. Kapag may mangyaring masama sa baby ko ay hinding-hindi ko siya mapapatawad kahit na kailan."Buntis ka pala. Sino ang ama ng dinadala mo?" Napatingin ako sa aking right side nang marinig ko ang malamig na boses ni Phil. Sa sobrang pag-aalala ko sa magiging anak ko ay hindi ko napansin ang kanyang presensiya sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko.Nang tingnan ko ang mukha ni Phil ay blangko ang expression ng kanyang mukha. Ngunit kahit hindi ko makita sa mukha niya kung ano ang reaksiyon niya sa kanyang natuklasan ay dama ko naman sa kanyang tinig ang galit. Marahil ay iniisip niyang anak ko kay Jared ng bata sa tiyan ko at hindi galing sa kanya.Mas maganda nga na iyo
Amber PovHindi ako makapaniwala mtapos kong marinig ang katotohanan mula sa bibig ng aking ama. Inamin niya sa akin ang lahat at wala siyang itinago. Natatakot daw siya na baka bigla na lamang siyang maglaho sa mundo't maisama niya sa hukay ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Phil. Inamin niya sa akin kung paano ang ginawa nila para isipin ng lahat na patay na siya.Ayon sa kuwento ng aking ama ay sa loob palang ng kotse ay parehong malalim na raw ang tulog ng kanyang mga boss dahil may halong gamot pampatulog ang kape na ipinainom niya sa kanila bago sila lumulan sa kotse. Dinala niya papunta sa lugar kung saan niya isasagawa ang planong pagpatay sa mag-asawang boss niya. Sa lugar kung saan madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan. At sa lugar din daw na iyon ay may malaking truck na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada na siyang gagamitin niya para sadyaing banggain ang kotse ng kanyang boss habang nasa loob ang mga ito para isipin ng lahat na isang a
Amber Pov"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Phil," sabi ko kay Phil. Para kasi akong biglang nabingi sa kanyang sinabi sa akin."Ang sabi ko, ANG AMA MO ANG PUMATAY SA AKING AMA!" mariing ulit niya sa sinabi niya. Binigyang diin pa niya ang mga salitang hindi ko paniniwalaan.Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ako papayag na pagsalitaan at pag-isipan niya ng masama ang aking ama."Hindi mamamatay tao nag Dad ko, Phil! Kaya kung wala kang magandang sasabihin ay umalis ka na lamang!" sigaw ko sa kanya. Lalong dumilim ang mukha ni Phil nang hindi ko pinaniwalaan ang kanyang mga sinabi. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mariin ang isa kong braso."Bakit, Amber? Nasasaktan ka ba dahil sinasabi kong mamamatay tao ang ama mo? Paano naman ako? Hindi ba ako nasaktan nang pinatay niya ang mga magulang ko?" nanlilisik sa galit ang mga matang tanong niya sa akin.Akmang ibubuka ko ang aking bibig para kontrahin ang kanyang sinabi ngunit hindi iyon natuloy dahil biglang sumakit a
Amber PovMabilis kong tinakpan ng palad ko ang bibig ni Mildy dahil napalakas ang kanyang boses."Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka may makarinig sa'yo," nakasimangot na sita ko sa kanya.Agad na inalis ni Mildy ang palad ko sa bibig at pinagtaasan ako ng kilay. "Nandito tayo sa loob ng kuwarto sa ospital kaya sino ang makakarinig sa'yo? At saka kahit marinig ng mga tao diyan sa labas na buntis ka ay wala naman silang pakialam dahil hindi ka naman nila kilala.""Kahit na," mabilis kong sagot sa kaibigan ko."Alam ba ni Jared ang tungkol sa kalagayan mo? At higit sa lahat ay alam ba ni Phil na ipinagbubuntis mo ang anak niya?"Tumango at umiling ako. "Ngayon lang nalaman ni Jared na buntis ako at tungkol sa pangalawa mong tanong ay hindi ang sagot ko. At katulad ng sinabi ko kay Jared ay wala akong balak na ipaalam kay Phil na magkakaanak siya sa akin," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya.Napailing si Mildy. "So itatago mo ang anak mo sa kanyang ama?" Hindi ako umimik kaya
Amber PovNang pagbalikan ako ng aking malay ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Agad na kinapa ko ang aking tiyan na hindi pa naman gaanong maumbok sa pag-aalalang baka napahamak na ang aking baby. "Huwag kang mag-alala dahil ligtas ang baby mo," narinig kong kausap sa akin ni Jared na kapapasok pa lamang sa pintuan at naabutan ang ginawa kong pag-check sa aking tiyan. Nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang sinabi ngunit bigla akong natigilan nang ma-realized kong alam na niya ang aking pagbubuntis."I'm sorry dahil itinago ko sa'yo ang totoo, Jared. Pero maniwala ka na hindi ko binalak na ipaako sa'yo ang bata. Balak ko rin sabihin sa'yo ang tungkol sa pagbubuntis ko kapag handa na akong makipag-usap sa'yo tungkol sa bagay na ito," paumanhin ko sa kanya. Maintindihan ko kung lalayo na siya sa akin ngayong nalaman niyang buntis ako at si Phil ang ama. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay kayang tanggapin ng buong puso ang anak aa ibang lalaki ng babaen
Amber PovKagaya ng sinabi ni Jared ay stop muna ako sa nighlife. Nanatili lamang ako sa apartment kahit na sobrang bored na ang pakiramdam ko. Sinunod ko rin ang payo sa akin ng doktor. Iningatan ko ang aking sarili hindi lamang para sa kapakanan ko kundi para na rin sa kapakanan ng baby sa aking sinapupunan.Hindi pa alam ni Jared ang tungkol sa magiging anak namin ni Phil. Aminin ko man o hindi ngunit nag-aalala ako na baka hindi niya matanggap ang aking baby sa ibang lalaki. Although malulungkot ako kapag hindi kayang tanggapin ni Jared ang bata ngunit mas lamang ang mararamdaman kong disappointment. Dahil iniisip kong naiiba siya sa lahat ng mga lalaki. Hindi siya judgemental na tao. Pero okay lang din kahit na hindi niya tanggapin ang anak ko dahil hindi na ako mapipilitan pang magpakasal sa kanya. Ginamit ko lang naman talaga siya para pasakitan at ipamukha kay Phil na nakapag-move on na ako sa kanya ngunit kinarma ako kaya nauwi sa totohanan ang pagpapanggap ko na may gusto ak