2923RD POV “Tulong!” Malakas na sigaw niya, matapos niyang makita ang isang kotse. Ni-lingon niya naman si lalaking humabol sa kanya, at nakitang umatras, ito matapos nitong makita ang kotse na papalapit kay Dell. Hinihingal at napahawak si Dell, sa kanyang mga tuhod, habang huminto ang kotse sa kanyang harapan. “J-Jackson?” Utal na wika niya, matapos niyang makita ang lalaki na bumaba, mula sa kotse. Gulat naman itong napatingin sa kanya, habang nilingon ang paligid. “Anong ginagawa mo rito? Bakit ka napadpad dito?” Kunot-noo na tanong nito. Napansin naman ni Dell, na nawala ang kayabangan nito, lalo na sa kanyang pananalita. Hindi niya rin maiwasan na mailang dito, lalo na kapag naalala niya, kung paano niya ito tratuhin, sa pabrika. “Pwede mo ba akong tulungan?” Tanong niya rito, habang napapansin niya na tumitingin pa rin ito sa paligid. “Sige, pero saglit lang. Sino ba ang kasama mo rito? At paano ka nakarating dito?” Muling tanong nito sa kanya. “May kumidnap sa akin.” S
2933RD POV “Lumayo ka sa akin!” Sigaw nito at tangka niya sana na tadyakan ito. Pero mabilis na nahawakan nito ang kanyang paa. “Hindi na o-obra sa akin ‘yan, lahat sila ay ginawa na ‘yan.” Ngising wika nito sa kanya. “Ganun ba?” Wika niya, at mabilis na inumpog ang noo niya sa mukha nito. Napasigaw naman ito sa sakit, habang nakita ni Dell, ang dugo nito sa ilong ka. “Mukhang mas lalo akong masisiyahan sa ‘yo.” Namilog ang mga mata niya, habang nakikita itong dinila*n ang kamay nito na pinahid niya sa kanyang dugo.“Halika na rito!” Malakas na sigaw nito, habang hinila ang paa niya. “Bitawan mo ako!!” Muling sigaw niya rito, habang patuloy itong tinadyakan. Pero gulat siyang napatingin, sa kanya, dahil parang hindi ito nasasaktan. “Tulong!!” Malakas na sigaw niya, nang mahigpit nitong hawakan ang kanyang paa, at hinila siya papalapit dito. “Bitawan mo ako ano ba!!” Hindi napigilan ni Dell, na mapa-iyak. Nang umpisahan nitong dinil*an ang kanyang hita. Buong lakas niya naman
2943RD POV “Titigan mo nalang ba ‘yan?” Tanong nito sa kanya, kaya masama niya itong tiningnan. “Bakit? Anong gusto mo? Punitin ko ‘to?” Wika niya rito. “Hindi ko sinabi na punitin mo. Ang gusto ko, pirmahan mo.” “Bakit ko naman pi-pirmahan ‘yan? Hindi ako baliw, para magpakasal sa ‘yo!” Sigaw niya rito. “Madali naman akong kausap. Sige, pumili ka, kung sino sa kanila ang uunahin ko?” Napakunot ang kanyang noo, habang napatingin sa harapan niya. Nakita niya ang malaking monitor, at agad na namilog ang kanyang mga mata, matapos niyang makita ang ate Catherine niya, kasama ang kanyang mga pamangkin. “Sino kaya ang uunahin ko?” Muling wika nito, kaya agad na tumayo si Dell.“’Wag mo silang galawin!” Galit na sigaw niya rito. “Madali akong kausap, basta pirmahan mo ‘yan.” Ngising wika nito sa kanya. “Mas mabuti pang bulagin mo nalang ulit ako, kaysa magpakasal ako sa ‘yo!” “Ayoko, nagbago na ang isip ko. Gusto na kitang pakasalan, para mapasa-akin na ang yaman na mapupunta sa ‘y
2953RD POV “Bakit ganyan ang itsura mo?” Tanong ni Noah, matapos itong makapasok sa kanyang silid. Hindi siya sumagot at sinimangotan lang ito. “Tinatanong kita.” Inis na wika nito sa kanya, kaya tumayo siya. “Dapat hindi mo nalang ako pinapakain!” Sigaw niya rito, kaya napakunot ang noo nito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Isa pa, bakit bigla ka nalang nagkaganyan, buntis kaba?” Kinuha naman ni Dell, ang unan at binato ito sa kanya. “Ang pinag-tataka ko lang, paano ka nabuntis? Alam mo naman na hindi pa kita kinama, dahil ayoko sa ‘yo, nakakasuka ka, at higit sa lahat. Pangit ka pa.” Malakas na napasigaw si Dell, at sinugod si Noah. “Walang hiya ka talaga!!” Tumakbo si Noah, habang natatawa. Lalo na dahil hindi siya mahuli-huli ni Dell. “Siguro ang matanda na ‘yon ang ama niyang dinadala mo?” Wika nito, kaya natigilan si Dell, at galit na galit itong napatingin sa kanya. Hindi rin napigilan nito na mag-wala, dahil sa sinabi ni Noa, kaya lahat ng gamit na kanyang nakikita ay b
2963RD POV “Ayos ka lang ba? Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Kunot-noo na tanong muli ni Aaron, sa kapatid niya. Hindi niya mapigilan na magtaka, dahil sa kinikilos nito. “Kuya, alam kung kasabwat siya ni Noah! Nando’n siya eh! Kilala ko ang boses niya!” Sigaw niya.“Ma’am Dell, hindi ko po alam, ‘yang pinagsasabi mo, at isa pa po, matagal na pong umalis si Noah, sa lugar na ‘to.” Napakunot ang noo, niya matapos niyang marinig ang sinasabi nito. “Umalis?” Ulit na wika niya. “Opo Ma’am Dell, dahil hindi na po niya, kaya ang ginagawa ng mga tao sa kanya.” “Sino ba ‘yang pinag-uusapan niyo? At Dell, kailangan mo ng umuwi. Hinahanap kana ni Mommy.” Wika ni Aaron, kaya napatingin siya rito. “Tama na ‘yan, siguro nanaginip ka pa.” Wika nito. “Hindi ako nanaginip. Totoo ang sinasabi ko.” Wika niya, habang napatingin pa rin sa paligid. “Ayusin mo na ‘yang sarili mo, dahil aalis na tayo.” Muling wika ni Aaron. “Bago tayo umalis, gusto kung pumunta sa pabrika natin.” “Bakit? Anong gaga
2973RD POV “Tayo? Anong klaseng tanong ba ‘yan?” Natatawa na wika nito. “Hindi tayo ang dahilan, isa pa, hindi ko nga nakita ‘yong kapatid niya.” Muling wika ni Evo. ‘Kung ganun, bakit ganun nalang ang galit na nararamdaman niya sa akin at sa pamilya ko?’ “Gusto mo bang pumunta sa bahay?” Tanong nito, dahil napansin nito na natahimik siya. “Sunod nalang Kuya, marami pa kasi akong gagawin.” Sagot niya at tumayo. Gusto niya sana na puntahan ang kuya Aaron niya, pero alam niya na wala siyang makukuhang sagot mula rito. Matapos niyang bumalik sa kanyang opisina, ay tinawag niya ang kanyang tauhan. Inutusan niya ito na manmanan si Noah. “Alam mo na ba, kung saan siya ngayon?” Tanong niya rito. “Nasa Korea, lang po siya Ma’am, at hindi po siya pumunta sa ibang lugar, kapag wala pong event, tungkol sa negosyo.” Sagot nito, kaya napakunot ang noo ni Dell. “Anong ibig mong sabihin?” “Nasa Korea, lang po siya Ma’am Dell, at hindi po siya pumunta rito sa Pilipinas.” Malakas na hinampa
2983RD POV “Bakit Mommy, kilala mo ba siya?” Taka na tanong ni Dell, sa kanyang ina. Matapos niyang mapansin ang gulat sa mukha nito. Umiling naman ito sa kanya, at tumayo. “Mommy…” Malambing na wika niya. “Tama na ang paglalaro mo Dell, at ‘wag na ‘wag kang magpanggap na katulong sa taong ‘yon!” Wika nito at iniwan siya. Napahinga siya nang malalim, matapos niyang makita ang kanyang ina, na lumabas. “Kainis! Sino ba ang tutulong sa akin?” Asar na wika niya. Bigla siyang napangiti nang malala niya ang lola Helen niya. “Sa bahay tayo ni Lola Helen.” Wika niya sa kanyang driver. Nilingon naman siya sa isa niyang tauhan, na nakaupo sa front seat. “Anong problema?” Taka na tanong niya rito. “Wala po kasi ang lola Helen mo, sa mansion nila Ma’am Dell, nasa ibang bansa po siya, kasama ng lolo niyo.” Wika nito sa kanya. “Ibang bansa? Hindi pa rin ba sila umuwi?” Tanong niyang muli rito. “Hindi pa po, ayon po kasi sa narinig kung usapan sa mga tauhan nila, na naiwan sa kanilang ma
2993RD POV Napa-tingala si Dell, habang napatingin sa malaking mansion ni Noah. Lalo kasi na hindi niya maintindihan, kung bakit ito pumasok sa pabrika nila. “Ano pa ang ginagawa mo r’yan?” Maldita na tanong ng isang babae sa kanya. Kampanti naman si Dell, na hindi siya makilala ni Noah, dahil ginaya niya ang ginawa nito. Nagsuot siya ng kulot na wig at naglagay ng nunal sa kanyang baba. Nagsuot din siya ng damit, para mataba siyang tingnan. “Kaya mo kayang mag-tatrabaho?” Muling wika nito sa kanya. “Kaya ko, kaya ‘wag mo akong husgahan.” Inis na sagot niya rito. Gulat itong napatingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. Hindi kasi nito inakala, na sasagutin siya ni Dell. “Kabago-bago mo pa lang, ganyan na ang ugali mo!” Napahinga ng malalim si Dell, habang napatingin dito. “Gusto mo bang matanggal agad sa trabaho?” Napangiti si Dell, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Sa tingin ko, hindi ikaw ang boss ko, kaya wala kang karapatan, para sabihin sa akin niyan, dahil katulong ka lan
CHAPTER 5 3RD POV Halos malula si Daisy, nang makita ang nag-tataasan na pader. Kanina pa siya paikot-ikot sa bakuran, pero wala siyang makitang gate. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng kaba, matapos makita ang lalaking nakasuot ng mascara. Muli siyang tumakbo, at naghahanap muli ng daan, na pwede niyang labasan. “Mapapagod ka lang!!” Napatingala siya, at doon niya nakita ang mga naglalakihang speaker na nasa taas. “Kung ako sa ‘yo, bumalik kana.” Muling wika nito, pero hindi pa rin siya tumigil sa kata-takbo. ‘Anong klaseng lugar ba ‘to? Bakit walang daan palabas?’ Hindi niya maiwasan na maiyak, habang nakaramdam na nang pagod. Gusto na niyang sumuko, pero nasa isip niya pa rin ang tumakas. Kailangan niyang makawala sa lalaki. “Hindi kaba talaga hihinto?” Natigilan siya matapos makita itong nakatayo sa harapan niya. Namilog din ang kanyang mga mata, matapos niyang makita ang dala nito. Itinaas ni Daisy, ang kanyang mga kamay. Habang tinutok ng lalaki ang baril na hawak niya sa
CHAPTER 4 3RD POV Napabalikwas si Daisy, sa kama at napatingin sa paligid. Ang akala niya, ay nanaginip lang siya. Pero nang magising siya, na nag-uunahan na naman sa paglandas ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Nang makita niya ang mga paper bag, na nasa sofa ay tumayo siya at nilapitan ito. Isa-isa niya itong binuksan at tiningnan, ang laman. Napakunot ang kanyang noo, matapos niyang makita ang mga damit, na nasa loob ng paper bag. Puro kasi ito mga sexy na damit at kadalasan ay night dress. “Ano ba ang akala mo sa akin? Sumasayaw sa night club?” Galit na wika niya, habang nakatingin sa cctv camera. Kinuha ni Daisy, ang isang damit at akmang pupunitin ito. Pero narinig niya ang malakas na sigaw mula sa speaker. “Subukan mong punitin ‘yan. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo.” Galit na wika nito, kaya napalunok siya at binaba ito. Iniisip niya naman na mukhang wala itong trabaho at wala itong ibang ginagawa kun’di ang tingnan siya. “Maligo kana.” Wika nito, kaya
CHAPTER 33RD POV Buong lakas na tinumba ni Daisy, ang taong nasa loob ng kurtina. Matapos niya itong maitumba, ay dali-dali niyang kinuha ang kurtina, para makita ang mukha nito. “S-sino ka?” Utal na tanong niya, nang makita ang mukha nito, na nakabalot ng isang silicone mask. Napangiti ito, at hinawakan nang mahigpit ang kanyang mga kamay. “Bitawan mo ako!!” Malakas na sigaw niya. Habang binuhat siya at muling binalik sa kama. “A-anong gagawin mo?” Takot na wika niya rito, habang nakita ang hawak nitong tali. “Ano ba! Bitawan mo ako!!” Patuloy na nanlaban si Daisy, sa lalaki. Pero matagumpay pa rin siyang naitali nito. “Bakit mo ba ginagawa sa ‘kin ‘to? Sino kaba talaga?” Iyak na tanong niya, habang tinali nito ang kanyang mga paa. Nang matapos siyang itali nito, ay agad itong lumabas. Ni hindi man lang niya narinig ang boses ng lalaki. “Pakawalan mo ako rito! Hay*p ka!!” Iyak na sigaw niya. Napalingon ulit si Daisy, sa pinto nang makitang bumukas ito. “Sino kayo?” Tanong n
CHAPTER 23RD POV Nang magising si Daisy, ay napatingin siya sa paligid. Wala siyang ibang nakita kun’di puro maitim na kurtina. Mabilis siyang napa-bangon at lumapit sa pinto. Sinubukan niya itong buksan pero hindi niya ito mabuksan. “Buksan niyo ang pinto!!” Malakas na sigaw niya, habang hinampas ang pinto. “May tao ba r’yan?!” Muling sigaw ni Daisy. “Mapapagod ka lang.” Napatingala siya matapos marinig ang isang boses. Doon niya nakita ang mga cctv camera na nakapaligid sa kanya. Kasama ng isang malaki na speaker. “Sino ka?” Galit na wika niya, habang masama na tiningnan ang cctv camera. “Sumagot ka!!” Malakas na sigaw niya. “Pakawalan mo ako rito!!” Muling sigaw niya, pero hindi na niya ulit ito narinig. Mabilis naman ang kilos niya, at isa-isa na binuksan ang mga kurtina. Pero wala siyang ibang nakikita kun’di puro pader. “Sino kaba talaga? Bakit mo ba ‘to, ginagawa? Ano bang naging kasalanan ko sa ‘yo?!” Hindi na niya napigilan pa na mapa-iyak, dahil sa galit na kanyang
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK X CHAPTER 1 3RD POV Kahit pinipigilan ni Daisy, ang kanyang mga luha ay kusa pa rin itong bumagsak. “Ayos lang po ba kayo Ma’am?” Nag-alala na tanong ng kanyang driver sa kanya. Kahit hindi siya okay, ay pilit siyang tumango at ngumiti rito. “’Wag mo akong intindihin Manong, ayos lang ako.” Ngiting wika niya, habang pinunasan ang kanyang mga luha. Sa tuwing iniisip niya kasi si Johnson, ay bumabalik ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya akalain na-mamahalin niya ito ng husto, kahit pa alam niya na hindi siya ang mahal nito. Sinubukan niyang gawin ang lahat para mahalin siya nito, pero bigo pa rin siya, dahil ang kanyang ate Ellie, ang mahal nito. “Wala naman talaga akong laban kay Ate..” Iyak na wika niya, kaya muling napatingin sa kanya ang kanyang driver. “’Wag mo na akong pansinin pa.” Wika niya at pilit na kinalma ang sarili. Nang tumunog ang phone niya, ay agad niya itong tiningnan. Nakita niya naman ang pangalan ng kakambal niya sa screen n
CHAPTER 42 3RD POV “Hindi mo ba talaga ako nakilala?” Iling na wika ni Ellie, habang tinitigan ito mula ulo. Hanggang paa. “Itinuring kita na parang kapatid noon, pero ano ang ginawa mo? Niloko mo lang ako!” Galit na sigaw niya rito. Akmang aawat sana sa kanya ang kasama nitong bodyguard. Pero mabilis itong hinarang sa mga kasama nilang bodyguard. “Pinagmukha mo akong tanga.” “E-Ellie..” Hindi makapaniwala na wika nito, at tumingin kay Johnson. “I-ikaw ba ito Ellie?” “Ako nga.” Taas kilay na sagot niya rito. “Jameson.. B-bakit ka nakipag-balikan sa kanya? Hindi ba sinabi ko sa ‘yo, na ‘wag mo siyang mahali-.” Malakas siyang sinampal ni Ellie, kaya hindi nito natapos ang sasabihin nito. “Ang kapal talaga ng mukha mo!” Galit na sigaw niya. “Anong nangyari rito?” Tanong ng isang lalaki na medyo may edad na. “Mahal, sinampal ako ng babaeng ‘yan!” Iyak na wika ni Camille, habang niyakap ang lalaki. Halos matawa naman si Ellie, dahil sa itsura ng lalaki. Para na kasi itong tatay
CHAPTER 413RD POV “Daddy, saan tayo pupunta?” Tanong ni John-John, kaya napalingon dito si Johnson. “Mamasyal.” Ngiting sagot nito. “Mamasyal? Bakit hindi mo sinabi? Ang pangit tuloy ng suot ko.” Inis na wika niya rito. Hindi na kasi siya nagbihis, dahil ang sabi ni Johnson, ay lalabas lang sila saglit. “Hindi mo na kailangan pang mag-ayos pa, Wife. Kahit ano pang isuot mo. Maganda ka pa rin.” Wika nito, habang napatingin siya kay Johnson. “Tse!” Wika niya, habang lihim na napangiti at tumingin sa bintana ng kotse. “Totoo naman ang sinabi ko, kahit pa nga may laway ka sa labi. Maganda ka pa rin.” Dagdag nito, kaya hindi na niya napigilan pa na mapangiti. “Mommy, bakit ka tumawa?” Tanong sa kanya ng anak nilang si Jun-Jun. “Hindi tumawa ang mommy mo, Anak. Ngumiti lang.” Sagot ni Johnson, dito. “Kasi bolero ang daddy niyo.” Ngiting wika niya, habang napatingin kay Johnson. “Sasakay pa tayo rito?” Taka na tanong niya, habang nakikita ang private plane ni Johnson. “Oo, bakit?
CHAPTER 40 3RD POV Hindi maiwasan ni Ellie, na magtaka. Matapos siyang makababa sa kanyang kotse. Masyado kasing tahimik ang bahay nila. “Wala ba si Johnson, sa loob?” Tanong niya sa guard. “Hindi ko po alam Ma’am.” Napakunot naman ang kanyang noo, dahil sa sinabi nito. “Hindi ba ikaw ‘yong guard? Bakit hindi mo alam?” Wika niya, habang nag-yuko ito ng ulo. “Kapapalit ko pa lang po sa kasama ko Ma’am.” Mahinang sagot nito sa kanya. Napahinga naman siya nang malalim, at iniwan ito. “Ang sabi niya, nandito siya. Sinungaling talag-.” Natigilan si Ellie, matapos makita ang mga bulaklak na nasa sahig. “Ano naman ‘to?” Inis siyang nagyuko para kunin sana ang mga bulaklak, pero agad siyang natigilan nang bigla nalang lumiwanag ang paligid at narinig niya ang sigawan ng kanyang mga anak. Nang mag-angat siya nang kanyang mukha ay nakita niya si Johnson, na may hawak na bulaklak. Ganun din ang dalawa nilang anak. “D-Dad..” Sambit niya, matapos makita ang kanyang ama. Na nakangiti sa k
CHAPTER 393RD POV Gulat na napatingin si Ellie, sa mga taong naghakot sa mga gamit niya. Kagigising niya lang, at hindi niya alam kung saan nila dadalhin ang kanyang mga gamit. “Ibaba niyo nga ‘yan! Saan niyo ba ‘yan, dadalhin ha?” Galit na wika niya, habang sinusundan sila. “Hija..” Napalingon siya sa kanyang ina, at dali-dali itong nilapitan. “Mom, sa’n nila dadalhin ang mga gamit ko? At nasa’n ang mga Anak ko? Bakit hindi ko sila nakikita?” Taka na tanong niya rito. “Hiniram ng mga biyenan mo. Ibabalik nalang daw nila mamaya, hindi kana rin nila ginising.” Sagot nito sa kanya. “A-ang mga gamit ko? Bakit nila kinuha? Pinapalayas niyo na ba ako Mom?” Halos maiyak na tanong niya rito. “Pina-lipat na ‘yan ni Johnson. Ang sabi niya, dapat nasa bahay niyo na raw ang mga gamit niyo ng mga bata.” Sagot nito, na kina-bilog ng kanyang mga mata. “Bakit kayo pumayag Mom? Hindi niya naman ‘yon, sinabi sa akin?” Inis na wika niya, kaya hinawakan ng kanyang ina ang kanyang kamay. “Asawa