Share

Chapter 172

Author: Darkshin0415
last update Huling Na-update: 2024-12-28 19:25:50

172

3RD POV

“Hi!” Napatingin si Aaron, kay Hailey. Habang nasa gilid ito ng pinto sa kanyang condo.

“Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya habang napatingin sa paligid. Masyado kasing tahimik, kaya napakunot ang kanyang noo.

“Kanina pa pala kita hinintay.” Wika ni Hailey sa kanya, kaya muli niyang binalik ang kanyang phone sa kanyang bulsa.

“Bakit? Anong kailangan mo sa akin? At paano mo nalaman ang condo unit ko?” Tanong niya habang binuksan ang pinto.

“Sinabi sa akin ni Hanma.” Sagot nito, kaya natigilan siya.

“Alam mo?” Tanong niya rito habang nilingon niya ito at tumango.

“Anong kailangan mo sa akin?” Muling tanong niya.

“Pwede bang tumuloy muna tayo?” Wika nito.

“Tuloy ka.” Wika ni Aaron, kaya pumasok ito at umupo sa sofa.

“Bakit sinabi ni Hanma, sa ‘yo kung nasa'n ako? At bakit mo tinatanong sa kanya?” Tanong ni Aaron, habang umupo ito sa kanyang tapat.

“Gusto ko lang kasi magpasalamat sa ‘yo.” Napakunot ang noo ni Aaron, dahil sa sinabi ni Hailey.

“Pasalamat? Saan?”
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Mysterious Wife   Chapter 173

    173 3RD POV Nang nagmulat ng mga mata si Aaron, ay agad siyang napatingin sa paligid, dahil hindi gaanong maliwanag ang ilaw. “Mabuti naman at gising kana.” Nag-angat siya ng mukha ay pilit na inaninag ang mukha ng babaeng nasa harapan niya. “Helena…” Sambit ni Aaron, habang napangiti ito sa kanya. “Kilalang-kilala mo talaga ako Aaron, kaya ‘yan talaga ang nagustuhan ko sa ‘yo.” Napakunot ang noo ni Aaron, dahil sa sinabi ni Helena. Nang mapansin ni Aaron, na nakatali ang mga kamay niya, ay muli niyang tiningnan si Helena. “Bakit mo ako dinala rito? Pakawalan mo ako Helena.” Asik ni Aaron, habang masamang tiningnan si Helena. Napa-halakhak naman ito habang nakatitig sa kanya. “Bakit ko naman gagawin ‘yon? Bakit kita papakawalan?” Ngiting wika nito sa kanya, habang hinawakan ang kanyang pisngi. “Kung pera ang kailangan mo, handa kung ibigay sa ‘yo ‘yon! Magkano ba ang gusto mo?” “Hindi ko kailangan ang pera mo! Ang gusto ko ay ikaw!” “Manahimik ka Helena!” Taka na napatingin

    Huling Na-update : 2024-12-29
  • My Mysterious Wife   Chapter 174

    174 3RD POV “Hanma…” Sambit ni Aaron, sa kanya. Habang ngumiti ito sa kanya. “‘Wag kang matakot Sir, Aaron, ayos lang po ako.” Sagot ni Hanma, habang pilit itong tumayo. “Pasensya kana sa mga kapatid ko, Sir, Aaron. Ang totoo mababait naman sila.” Ngiting wika nito matapos niyang punasan ng tissue ang kutsara. “K-kumain kana ulit.” Inumag niya muli ang kutsara sa bibig ni Aaron, matapos niya itong lagyan ng pagkain. “T-tubig.” Wika nitong muli, habang hawak nito ang baso na may laman na tubig. Matapos uminom ni Aaron, ay pinunasan ni Hanma ang bibig niya. “Sabihin mo lang kung hihiga kana. Aayusin ko ang tali mo.” “Ano ba Hanma!” Sigaw na naman nitong muli, habang napahawak sa kanyang ulo. “Helena… ‘Wag ka munang lumabas pakiusap. Kailangan ako ni Sir Aaron..” “Kailangan? Ang Sabihin mo lalandiin mo lang siya?” “Mali ka Helena… Hindi ko ‘yon gagawin, kaya paki-usap. ‘Wag ka munang lumabas..” Iyak na wika ni Hanma. Nakatitig lang sa kanya si Aaron, habang tahimik na naka-u

    Huling Na-update : 2024-12-29
  • My Mysterious Wife   Chapter 175

    175 3RD POV Nang marinig nito ang pagbukas ng pinto ay agad itong nagtago sa gilid ng pader. “Pumapayag kana ba?” Tanong ng ginang sa kanya, habang nakatayo ito sa kanyang harapan. “Bukod sa Daddy ko, ano pa ang gusto mong kapalit?” Kunot-noo na tanong ni Aaron, sa kanya. “Wala na, siya lang ang gusto ko. Alam ko na ikaw ang pinakamatalino sa inyong dalawa, kaya ikaw ang pinadukot ko.” Wika nito habang may ngiti ito sa kanyang labi. Napatitig naman si Aaron, sa mukha ng ginang, dahil naalala niya na nakita na niya ito. Maliban doon sa condo. “Pag-iisipan ko.” Sagot ni Aaron sa kanya. “Bilisan mo lang, dahil medyo mainipin akong tao.” Wika nito sa kanya, habang napatingin sa gilid ng pader. “Kunin niyo ang bal*w na ‘to rito!” Malakas na sigaw nito, kaya napatingin si Aaron, sa pinagtataguan ni Hanma. ‘Damn! Hindi pala ‘yon si Hanma.’ Umiiyak ito habang hinawakan ng dalawang lalaki. Doon lang din napagtanto ni Aaron, na hindi lang si Hanma, at ang ginang ang kasama niya, dahil

    Huling Na-update : 2024-12-30
  • My Mysterious Wife   Chapter 176

    1763RD POV Dinala ni Aaron si Hanma, sa bagong bahay na binili niya, walang ibang nakaka-alam sa bagong bahay niya, kun'di ang kanyang pamilya. Mahimbing naman na natutulog si Hanma, sa kama. Habang nilagyan niya ng tali ang kamay at mga paa nito. Noong una ay wala siyang balak na itali ito, dahil naawa siya rito. Pero alam niya kasi na kapag magising ito bilang si Hanma, ay babalik ulit ito sa babaeng tinatawag nitong mommy. “Sir, Aaron. Narito na po ang doctor na pinapatawag niyo.” Wika ng kanyang katulong. “Papasukin mo.” Sagot niya, kaya agad itong tumalikod. “Mr. Martinez.” Wika ng doctor habang nilahad ang kamay nito sa harapan ni Aaron. Agad naman itong inabot ni Aaron, at nakikipag-kamay rito. “Nandito siya.” Wika niya habang nauna na naglakad. “Bakit siya nakatali?” Taka na tanong ng doctor sa kanya. “Kailangan, ayoko na mawala siya.” Napatitig naman ang doctor kay Hanma, na mahimbing pa rin na natutulog. “Ang dami niyang pasa.” Napatingin siya rito, habang nakatiti

    Huling Na-update : 2024-12-30
  • My Mysterious Wife   Chapter 177

    1773RD POV “Bilib kana ba sa akin?” Ngiting wika nito, habang lumapit sa kanila. “Hi, Mommy, Daddy.” Matamis itong ngumiti, matapos niyang halikan sa pisngi si Aira. “Paano ka nakawala?” Tanong ni Aaron sa kanya. “Madali lang naman, ‘yon.” Sagot nito at pinulupot ang kanyang kamay, sa braso ni Aaron. “Bakit mo ba ginagawa ‘to Helena?” Tanong ni Aira sa kanya. “Bakit ganyan ang tanong mo sa akin Mommy? Hindi mo man lang ba ako pasalamatan? Dahil ako ang nag-save sa anak niyo.” “May hinanda na ako para r’yan.” Wika ni Aira, habang namilog ang mga mata ni Helena, dahil sa kanyang narinig. “A-ano po ang hinanda mo Mommy?” Tanong ni Helena, habang hindi nito maitatago ang excitement sa kanyang mukha. “Five million pesos.” Napasinghap si Helena, dahil sa narinig niya. Agad din niyang kinuha ang cheke na inabot ni Aira, sa kanya. “Kahit nakakahiya ay tatanggapin ko pa rin ito Mommy.” Ngiting wika nito. “Gusto mo bang dagdagan ko pa ‘yan?” Gulat muli na napatingin si Helena, kay H

    Huling Na-update : 2024-12-31
  • My Mysterious Wife   Chapter 178

    1783RD POV “Anong pinagsasabi mo? Hindi kita anak! At wala akong ibang anak, kun'di sila lang!” Galit na wika ni Dylan, habang nilapitan si Hanma. “Ang sabi ng Mommy ko, kayo ang Daddy ko… Sir Dylan.” Iyak na wika ni Hanma. Inis na hinawakan ni Dylan ang pisngi niya at muling sinigawan. “Tama na Dylan!” Galit na sigaw ni Aira. Sabay naman silang napalingon nang makarinig sila ng malakas na palakpak. “Kung sa tingin mo matalino ka! Mas matalino ako sa 'yo!” Wika nito habang nakatingin kay Aaron. “Paano ka nakapasok dito?” Malakas na sigaw ni Aaron, habang hinila ang mga magulang niya at si Evo. Malawak naman itong ngumiti habang nakatingin kay Dylan at Aira. “Britney…” Sambit ni Dylan, kaya napalingon si Aaron, sa kanyang ama. “K-kilala niyo si Dad?” Taka na tanong ni Aaron, habang tumango sa kanya si Dylan. “Hindi mo man lang ba ako kumustahin Love?” “L-Love?” Kunot-noo na sambit ni Evo. “Hoy! Bakit mo tinatawag ng love ang Daddy ko?” Galit na tanong ni Evo sa kanya. “Bak

    Huling Na-update : 2025-01-01
  • My Mysterious Wife   Chapter 179

    1793RD POV Habang nasa mansion na sila ay tumawag ang mga tauhan ni Aira, at sinabi nitong nakatakas si Britney. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Tanong ni Dylan, matapos nitong maibaba ang phone. “Sinadya kung ilihim sa ‘yo ‘yon, dahil alam ko na babalik si Britney.” “Pero dapat sinabi mo pa rin sa akin Wife!” “Para ano? Pwede ba, Dylan, ‘wag na natin ‘yong pag-usapan. Ang mahalaga ay ligtas ang anak natin. “Pero paano ‘yong anak niya Mom?” Tanong ni Evo. Napahawak naman si Aira, sa kanyang ulo. Habang umupo ito sa sofa. “Hindi na natin ‘yon, kasalanan anak. Ang mahalaga ligtas ang kapati-.” Napakunot ang noo ni Aira, nang mapansin nito na wala si Aaron. “Nasa'n ang kapatid mo?” Tanong niya habang nagkibit balikat lang si Evo. “Hayaan mo na muna si Aaron, Mom. Alam niya naman ang gagawin niya, at lalong mukhang hindi ‘yon mapapahamak.” Wika ni Evo. “Si Dell, nasa'n na siya? Baka balikan siya ni Britney.” Wika ni Dylan. “‘Wag kang mag-alala. Ligtas siya, at kasama niya si

    Huling Na-update : 2025-01-01
  • My Mysterious Wife   Chapter 180

    180 3RD POV “Mabuti naman at pumasok kana?” Wika ni Evo, habang nilapitan si Aaron. Ilang araw na rin kasi itong Hindi pumasok sa opisina. “Ano bang pinagkakaabalahan mo? Wala ka rin sa condo at bagong bahay mo. Sa'n kaba naglalagi Bro?” Muling tanong niya, habang nag-angat na ito ng mukha. “Nagbakasyon lang ako.” Sagot nito habang itinuon muli ang atensyon niya sa kanyang monitor.“Pagkatapos ng mga nangyayari! Nakuha mo pa talagang mag-bakasyon?” Kunot-noo na wikang muli ni Evo. May napapansin kasi siyang kakaiba sa kakambal niya, dahil dati subsob ito sa pagtatrabaho, pero ngayon ay kahit ang sarili nito ay mukhang napabayaan niya. “Sigurado kabang ayos ka lang talaga?” Nag-alala na tanong ni Evo, sa kanya. Habang napansin niya na natigilan ito. “Bro, alam ko na nasasaktan ka…” Malakas na hinampas ni Aaron, ang kanyang lamesa dahil sa sinabi ni Evo. “Anong nasasaktan? Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Bakit naman ako masasaktan?” Inis na wika nito kaya tumayo si Evo, at nilapitan

    Huling Na-update : 2025-01-02

Pinakabagong kabanata

  • My Mysterious Wife   Chapter 283

    2833RD POV Napaatras si Dell, matapos niyang marinig ang tawa nito. “I-ikaw…” Utal na wika niya, habang muling napasigaw. Akmang tatakbo na sana siyang muli, pero mabilis siyang hinawakan nito.Tangka na naman sana na tuhudin ni Dell, ang kanyang gitna, pero mabilis na nahawakan ni Noah, ang tuhod niya. “Ibaba mo ako hay*p ka!!” Malakas na sigaw niya, habang pinag-susuntok ang dibdib nito. “Ummm…” Unti-unti na nakaramdam ng panghihina si Dell, nang maamoy niya ang itinakip ni Noah, sa kanyang ilong. ****“Daddy…” Mahina na sambit ni Dell, habang pilit na minulat ang kanyang mga mata. Dahil hindi pa rin niya mai-mulat ang mga mata niya, ay kinapa niya ang harapan niya. Nang mawala siyang makapa rito, ay sunod niyang kinapa ang tagiliran niya. Napakunot naman ang noo ni Dell, nang may nahawakan siya sa kanyang tabi. Nang napagtanto niya na isa katawan ito ng isang lalaki, ay agad niyang hinawakan ang buong katawan niya. Pinapakiramdaman din ni Dell, ang kanyang gitnang bahagi, k

  • My Mysterious Wife   Chapter 282

    2823RD POV Matapos maligo ni Dell, ay kinapa niya ang kanyang mga damit. Matapos niya itong nahawakan ay mabilis niya itong sinuot. “Noah!!” Sigaw niya, habang kinakapa nito ang gilid. “Bakit? Tapos kana ba?” Narinig niyang wika nito. “Tatawagin ba kita kung hindi pa! Tulungan mo ako!” Muling sigaw niya rito. Hindi naman ito sumagot at narinig lang ang tunog ng pinto. Napapitlag siya ng may mga kamay na humawak sa kanya. “Bakit kaba nanggugulat?” Tanong niya rito. “Bakit ka naman magugulat? Alam mo naman na tayo lang dito.” Natigilan si Dell, at hindi umimik. ‘Kung ganun, kami lang pala rito?’ Lihim na napangiti si Dell, dahil sa kanyang nalalaman. “Hindi kana ba pumapasok?” Tanong niya, habang inalalayan siya nito. Hindi naman ito sumagot sa tanong niya. “Bakit nandito ako? Bakit wala ako sa kama?” Kunot noo na tanong niya rito. “Magpahangin ka muna.” Narinig niyang wika nito. “Umalis kana sa pabrika?” Muling tanong niya rito. “Bakit mo tinatanong?” “Dahil lagi kang n

  • My Mysterious Wife   Chapter 281

    2813RD POV Nang magising si Dell, ay hindi niya pa rin maidilat ang mga mata niya. Kinakapa niya ang paligid habang nagtataka. Kanina lang ay nasa likuran sila ng pabrika, pero ngayon ay nasa ibabaw na siya ng malambot na kama. Gulat niyang kinapa ang kanyang sarili, ng napagtanto ang lugar na kinalalagyan niya. Wala naman siyang napansin na kakaiba sa sarili niya, kaya nakahinga siya ng maluwag. “Walang hiya ang lalaki na ‘yon!” Inis na wika niya, habang napakuyom siya sa kamao niya. “Alam mo bang mas walang hiya pa kayo sa akin?” Narinig niyang wika ni Noah. “Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginawa sa akin ‘to?” Naguguluhan wika niya, pero hindi na niya ito narinig pa na nagsalitang muli. Ngayon niya lang din naisip ang sinabi ni Kyla, sa kanya. ‘Hindi kaya siya ang dahilan kung bakit nagka-ganun si Kyla? At hindi kaya totoo ang sinabi niya tungkol sa kanya? Nakakainis! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko? Bakit ba hindi ako nakinig sa kanya! Kaya pala lagi ko siyang nakiki

  • My Mysterious Wife   Chapter 280

    2803RD POV “Kyla…” Sambit niya, habang tulala itong nakatingin sa kisame. “Hindi ko alam paano, tawagan ang mga magulang o pamilya mo, kaya ako nalang ang nandito.” Wika niyang muli, habang nakikita niya na naglalandas ang mga luha sa mata ni Kyla.“Bakit hindi mo sinabi sa akin, na buntis ka?” Tanong niya pero wala pa rin siyang nakuhang sagot, mula kay Kyla. “H-hay*p siya…” Mahina na wika nito, kaya napakunot ang noo niya. “S-sino?” Tanong niya rito. Napatingin naman siya sa kamay nito, matapos hawakan ni Kyla, ang kanyang braso. “‘Wag kang lumapit sa kanya, layuan mo siya!” Iyak na sigaw nito. “Sino ba ang ibig mong sabihin?” Taka na tanong niya, habang patuloy na itong umiiyak. “Kyla!!” Napalingon siya sa isang ginang na pumasok. Mabilis nitong niyakap si Kyla, habang humagulgol ng iyak. Tumayo naman si Dell, at iniwan sila sa kwarto. Hindi niya rin maiwasan na napa-isip dahil sa sinabi ni Kyla. KINABUKASAN ay maaga na pumunta si Dell, sa pabrika nila. Patuloy siyang nag

  • My Mysterious Wife   Chapter 279

    2793RD POV “Kuya naman eh! Bakit kaba nanggugulat?” Inis na wika niya, kay Evo. “Bakit ba?” Natatawa na tanong nito sa kanya. “Anong bakit? Baka may makakita sa atin?”“Ano naman?”“Ayoko kasi na malaman nila na magkapatid tayo.” Napakunot ang noo ni Evo, dahil sa sinabi ni Dell. “Bakit hindi pwede?” “Kuya, gusto ko pang mag-stay rito, kaya ayokong malaman nila. Baka kasi mailang sila sa akin.” “Kung gusto mo tanggalin ko silang lahat dito.” “Kuya, ‘wag mo ngang gawin ‘yan. Mas gusto ko pa silang makilala.” Ngiting wika ni Dell. “Sige, basta kung may problema ka, tawagan mo lang ako.” Ngiting wika ni Evo, kaya agad niya itong niyakap. “Salamat Kuya.” Ngiting wika niya, habang nag-angat siya ng kanyang mukha.“Basta ikaw Princess.” Ngiting wika niya. “Paano, uuwi na ako.” Napakunot ang noo niya, habang bumitaw dito. “Bakit?” “Alam mo naman ang Ate mo.” “Sos! Ang bilis mo naman siyang ma-miss.” “Ganun talaga.” Ngiting wika ni Evo, sa kanya. Matapos silang mag-usap ay umu

  • My Mysterious Wife   Chapter 278

    278 3RD POV “Sagutin mo nga ako!” Hinihingal na tanong ni Dell, sa kanya. “Nilalayo lang kita sa kanila.” “Nilalayo? Pero bakit? Wala naman tayong masamang ginawa? Isa pa kakain lang naman tayo?” “Sinasagot mo kasi sila. Alam mo bang pwede nila tayong tanggalin sa trabaho natin, dahil sa ginawa mo?” Nailing si Dell, habang napangiti. “Wala kabang tiwala sa akin?” “Wala sa tiwala ‘yan. Halika na, maghahanap nalang tayo ng iba.” “‘Wag na, nawalan na ako ng gana.” Wika ni Dell. “Uuwi nalang ako. Pagod na rin kasi ako.” Muling wika niya rito. “Paano, mauna na ako sa 'yo. Magkita nalang tayo bukas.” Wika ni Dell, habang tinalikuran siya at kinawayan. Napatitig naman ito sa likuran niya habang napangisi. ****“Ma'am Dell, kumain na po kayo.” Wika ng katulong niya. “Sige po, ako na po ang bahala. Magpahinga nalang po kayo.” Wika niya rito. Habang nakaupo si Dell, sa harapan ng mesa ay napatingin siya sa kanyang phone. Balak niya sana na ipatanggal ang mag-asawa na ‘yon, sa kump

  • My Mysterious Wife   Chapter 277

    2773RD POV “Pasensya kana.” Yukong wika nito, kaya nilapitan ito ni Dell. “Bakit ka humihingi ng tawad? Wala ka namang ginagawang masama?” Nag-angat ito ng mukha niya, at napatitig sa kanya. “H-hindi ka galit?” Wika nito, habang bakas sa mukha nito ang saya. “Hindi, bakit naman ako magagalit. Upo ka.” Yaya ni Dell, sa kanya. Mabilis naman itong umupo sa kanyang tabi. “Gusto mo?” Alok ni Dell, sa kanya. Hindi niya naman maiwasan na mapatitig dito, dahil sa nakatingin lang ito sa hawak niya. “Sige lang sa 'yo nalang ‘yan.” Ngiting wika nito sa kanya. “Nakakapunta kana pala sa hotel dito?” Tanong niya, at kita niya sa mukha nito ang gulat. “O-oo..” “Kung ganun, pwede mo ba akong ipasyal do’n?” Ngiting wika niya, habang hindi naman ito makapaniwala na tumingin sa kanya. “I-ibig mong sabihin, sasama ka sa akin?” “Oo naman, bakit hindi? Maganda nga ‘yon, may tour guide ako.” “Dell!” Malakas na sigaw ni Kyla, hindi niya ito napansin na nasa likuran na nila ito. “Halika! At ‘wag

  • My Mysterious Wife   Chapter 276

    2763RD POV “Bakit kaba nakikipag-usap sa kanya?” Tanong ni Kyla. “Anong masama?” Balewala na tanong niya rito. “Alam mo bang ang weird ng taong ‘yan, kaya hindi namin siya pinapansin. Ang sabi-sabi pa nga ng iba, ay bal*w siya.” Napatingin si Dell, sa lalaki na busy sa trabaho nito. “Normal naman siya.” Sagot niya kay Kyla. “Anong normal? Hindi siya normal. Sa mga naririnig ko, ay isa siyang killer.” Hindi napigilan ni Dell, na matawa, dahil sa sinabi ni Kyla, kaya napatingin sa kanila ang lahat ng kasamahan nila. Sinaway naman siya ni Kyla, kaya siya tumigil. “Anong nakakatawa?” Tanong ni Kyla, sa kanya. “Paano mo kasi na isip na isa siyang mamamatay tao?” Natatawa pa rin na wika ni Dell. “‘Yon kasi ang sabi nila, isa pa. Mukha naman na totoo, kasi tingnan mo naman ang kanyang itsura.” “‘Wag mo siyang husgahan, dahil lang sa itsura niya, malay mo. Kapag inayos na niya ang sarili niya, baka ma-inlove ka sa kanya.” Si Kyla, naman ang natawa dahil sa kanyang sinabi. “Malabo

  • My Mysterious Wife   My Mysterious Wife Book VIII Chapter 275

    My Mysterious Wife Book VIII Chapter 2753RD POV “Nasa’n kana naman?” Wika ng kanyang ina, matapos niyang sagutin ang phone niya. “Mommy, nasa probinsya ako.” Sagot niya rito. “Probinsya? Bakit nand’yan kana naman? Nakalimutan mo ba ang nangyari sa ‘yo noon?” Wika ni Aira sa kanya. “Mommy, kalimutan niyo na po ‘yon, Isa pa. Wala naman nakakakilala sa akin dito.” “'Yon nga ang inaalala ko. Lalo na at wala ka pang dalang bodyguard.” Napangiti si Dell, dahil sa narinig niya, mula sa kanyang ina. Hindi pa kasi ito nasanay sa kanya. “Mom, ako na po ang bahala sa sarili ko, Isa pa wala naman pong nakakakilala sa akin dito.”“Kaya nga, bakit ba kasi ang hilig mo sa lugar na ganyan? Pwede ka naman sana rito?” “Mom, hayaan niyo na po muna ako, I love you Mommy..” Malambing na wika ni Dell, kaya napahinga ng malalim si Aira, bago nito pinutol ang tawag niya. Noon paman ay ito na talaga ang hilig ni Dellemarre. Ang pumunta sa mga probinsya, at magmasid sa mga tauhan nila. “Napa-angat s

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status