172 3RD POV “Hi!” Napatingin si Aaron, kay Hailey. Habang nasa gilid ito ng pinto sa kanyang condo. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya habang napatingin sa paligid. Masyado kasing tahimik, kaya napakunot ang kanyang noo. “Kanina pa pala kita hinintay.” Wika ni Hailey sa kanya, kaya muli niyang binalik ang kanyang phone sa kanyang bulsa. “Bakit? Anong kailangan mo sa akin? At paano mo nalaman ang condo unit ko?” Tanong niya habang binuksan ang pinto. “Sinabi sa akin ni Hanma.” Sagot nito, kaya natigilan siya. “Alam mo?” Tanong niya rito habang nilingon niya ito at tumango. “Anong kailangan mo sa akin?” Muling tanong niya. “Pwede bang tumuloy muna tayo?” Wika nito. “Tuloy ka.” Wika ni Aaron, kaya pumasok ito at umupo sa sofa. “Bakit sinabi ni Hanma, sa ‘yo kung nasa'n ako? At bakit mo tinatanong sa kanya?” Tanong ni Aaron, habang umupo ito sa kanyang tapat. “Gusto ko lang kasi magpasalamat sa ‘yo.” Napakunot ang noo ni Aaron, dahil sa sinabi ni Hailey. “Pasalamat? Saan?”
173 3RD POV Nang nagmulat ng mga mata si Aaron, ay agad siyang napatingin sa paligid, dahil hindi gaanong maliwanag ang ilaw. “Mabuti naman at gising kana.” Nag-angat siya ng mukha ay pilit na inaninag ang mukha ng babaeng nasa harapan niya. “Helena…” Sambit ni Aaron, habang napangiti ito sa kanya. “Kilalang-kilala mo talaga ako Aaron, kaya ‘yan talaga ang nagustuhan ko sa ‘yo.” Napakunot ang noo ni Aaron, dahil sa sinabi ni Helena. Nang mapansin ni Aaron, na nakatali ang mga kamay niya, ay muli niyang tiningnan si Helena. “Bakit mo ako dinala rito? Pakawalan mo ako Helena.” Asik ni Aaron, habang masamang tiningnan si Helena. Napa-halakhak naman ito habang nakatitig sa kanya. “Bakit ko naman gagawin ‘yon? Bakit kita papakawalan?” Ngiting wika nito sa kanya, habang hinawakan ang kanyang pisngi. “Kung pera ang kailangan mo, handa kung ibigay sa ‘yo ‘yon! Magkano ba ang gusto mo?” “Hindi ko kailangan ang pera mo! Ang gusto ko ay ikaw!” “Manahimik ka Helena!” Taka na napatingin
174 3RD POV “Hanma…” Sambit ni Aaron, sa kanya. Habang ngumiti ito sa kanya. “‘Wag kang matakot Sir, Aaron, ayos lang po ako.” Sagot ni Hanma, habang pilit itong tumayo. “Pasensya kana sa mga kapatid ko, Sir, Aaron. Ang totoo mababait naman sila.” Ngiting wika nito matapos niyang punasan ng tissue ang kutsara. “K-kumain kana ulit.” Inumag niya muli ang kutsara sa bibig ni Aaron, matapos niya itong lagyan ng pagkain. “T-tubig.” Wika nitong muli, habang hawak nito ang baso na may laman na tubig. Matapos uminom ni Aaron, ay pinunasan ni Hanma ang bibig niya. “Sabihin mo lang kung hihiga kana. Aayusin ko ang tali mo.” “Ano ba Hanma!” Sigaw na naman nitong muli, habang napahawak sa kanyang ulo. “Helena… ‘Wag ka munang lumabas pakiusap. Kailangan ako ni Sir Aaron..” “Kailangan? Ang Sabihin mo lalandiin mo lang siya?” “Mali ka Helena… Hindi ko ‘yon gagawin, kaya paki-usap. ‘Wag ka munang lumabas..” Iyak na wika ni Hanma. Nakatitig lang sa kanya si Aaron, habang tahimik na naka-u
175 3RD POV Nang marinig nito ang pagbukas ng pinto ay agad itong nagtago sa gilid ng pader. “Pumapayag kana ba?” Tanong ng ginang sa kanya, habang nakatayo ito sa kanyang harapan. “Bukod sa Daddy ko, ano pa ang gusto mong kapalit?” Kunot-noo na tanong ni Aaron, sa kanya. “Wala na, siya lang ang gusto ko. Alam ko na ikaw ang pinakamatalino sa inyong dalawa, kaya ikaw ang pinadukot ko.” Wika nito habang may ngiti ito sa kanyang labi. Napatitig naman si Aaron, sa mukha ng ginang, dahil naalala niya na nakita na niya ito. Maliban doon sa condo. “Pag-iisipan ko.” Sagot ni Aaron sa kanya. “Bilisan mo lang, dahil medyo mainipin akong tao.” Wika nito sa kanya, habang napatingin sa gilid ng pader. “Kunin niyo ang bal*w na ‘to rito!” Malakas na sigaw nito, kaya napatingin si Aaron, sa pinagtataguan ni Hanma. ‘Damn! Hindi pala ‘yon si Hanma.’ Umiiyak ito habang hinawakan ng dalawang lalaki. Doon lang din napagtanto ni Aaron, na hindi lang si Hanma, at ang ginang ang kasama niya, dahil
1763RD POV Dinala ni Aaron si Hanma, sa bagong bahay na binili niya, walang ibang nakaka-alam sa bagong bahay niya, kun'di ang kanyang pamilya. Mahimbing naman na natutulog si Hanma, sa kama. Habang nilagyan niya ng tali ang kamay at mga paa nito. Noong una ay wala siyang balak na itali ito, dahil naawa siya rito. Pero alam niya kasi na kapag magising ito bilang si Hanma, ay babalik ulit ito sa babaeng tinatawag nitong mommy. “Sir, Aaron. Narito na po ang doctor na pinapatawag niyo.” Wika ng kanyang katulong. “Papasukin mo.” Sagot niya, kaya agad itong tumalikod. “Mr. Martinez.” Wika ng doctor habang nilahad ang kamay nito sa harapan ni Aaron. Agad naman itong inabot ni Aaron, at nakikipag-kamay rito. “Nandito siya.” Wika niya habang nauna na naglakad. “Bakit siya nakatali?” Taka na tanong ng doctor sa kanya. “Kailangan, ayoko na mawala siya.” Napatitig naman ang doctor kay Hanma, na mahimbing pa rin na natutulog. “Ang dami niyang pasa.” Napatingin siya rito, habang nakatiti
1773RD POV “Bilib kana ba sa akin?” Ngiting wika nito, habang lumapit sa kanila. “Hi, Mommy, Daddy.” Matamis itong ngumiti, matapos niyang halikan sa pisngi si Aira. “Paano ka nakawala?” Tanong ni Aaron sa kanya. “Madali lang naman, ‘yon.” Sagot nito at pinulupot ang kanyang kamay, sa braso ni Aaron. “Bakit mo ba ginagawa ‘to Helena?” Tanong ni Aira sa kanya. “Bakit ganyan ang tanong mo sa akin Mommy? Hindi mo man lang ba ako pasalamatan? Dahil ako ang nag-save sa anak niyo.” “May hinanda na ako para r’yan.” Wika ni Aira, habang namilog ang mga mata ni Helena, dahil sa kanyang narinig. “A-ano po ang hinanda mo Mommy?” Tanong ni Helena, habang hindi nito maitatago ang excitement sa kanyang mukha. “Five million pesos.” Napasinghap si Helena, dahil sa narinig niya. Agad din niyang kinuha ang cheke na inabot ni Aira, sa kanya. “Kahit nakakahiya ay tatanggapin ko pa rin ito Mommy.” Ngiting wika nito. “Gusto mo bang dagdagan ko pa ‘yan?” Gulat muli na napatingin si Helena, kay H
1783RD POV “Anong pinagsasabi mo? Hindi kita anak! At wala akong ibang anak, kun'di sila lang!” Galit na wika ni Dylan, habang nilapitan si Hanma. “Ang sabi ng Mommy ko, kayo ang Daddy ko… Sir Dylan.” Iyak na wika ni Hanma. Inis na hinawakan ni Dylan ang pisngi niya at muling sinigawan. “Tama na Dylan!” Galit na sigaw ni Aira. Sabay naman silang napalingon nang makarinig sila ng malakas na palakpak. “Kung sa tingin mo matalino ka! Mas matalino ako sa 'yo!” Wika nito habang nakatingin kay Aaron. “Paano ka nakapasok dito?” Malakas na sigaw ni Aaron, habang hinila ang mga magulang niya at si Evo. Malawak naman itong ngumiti habang nakatingin kay Dylan at Aira. “Britney…” Sambit ni Dylan, kaya napalingon si Aaron, sa kanyang ama. “K-kilala niyo si Dad?” Taka na tanong ni Aaron, habang tumango sa kanya si Dylan. “Hindi mo man lang ba ako kumustahin Love?” “L-Love?” Kunot-noo na sambit ni Evo. “Hoy! Bakit mo tinatawag ng love ang Daddy ko?” Galit na tanong ni Evo sa kanya. “Bak
1793RD POV Habang nasa mansion na sila ay tumawag ang mga tauhan ni Aira, at sinabi nitong nakatakas si Britney. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Tanong ni Dylan, matapos nitong maibaba ang phone. “Sinadya kung ilihim sa ‘yo ‘yon, dahil alam ko na babalik si Britney.” “Pero dapat sinabi mo pa rin sa akin Wife!” “Para ano? Pwede ba, Dylan, ‘wag na natin ‘yong pag-usapan. Ang mahalaga ay ligtas ang anak natin. “Pero paano ‘yong anak niya Mom?” Tanong ni Evo. Napahawak naman si Aira, sa kanyang ulo. Habang umupo ito sa sofa. “Hindi na natin ‘yon, kasalanan anak. Ang mahalaga ligtas ang kapati-.” Napakunot ang noo ni Aira, nang mapansin nito na wala si Aaron. “Nasa'n ang kapatid mo?” Tanong niya habang nagkibit balikat lang si Evo. “Hayaan mo na muna si Aaron, Mom. Alam niya naman ang gagawin niya, at lalong mukhang hindi ‘yon mapapahamak.” Wika ni Evo. “Si Dell, nasa'n na siya? Baka balikan siya ni Britney.” Wika ni Dylan. “‘Wag kang mag-alala. Ligtas siya, at kasama niya si
CHAPTER 293RD POV “Bakit mo ginawa ‘yon?” Galit na wika ng kanyang ama, habang pinigilan ito ng kanyang ina. “Bakit mo natiis na malayo sa mga anak mo Ellie?! Hindi kaba naawa sa mga bata? Pinag-kait mo sila sa amin?!” Sigaw nitong muli, habang umiiyak siya. “Anong nangyari rito Mommy? Daddy?” Tanong ni Elijah, matapos itong makalapit sa kanila. Nasa likuran naman nito si Charles at Eloise. “Bakit niyo pinagalitan si Ate?” Tanong ni Charles. “Lumayas ka Ellie.” Madiin na wika ni Evo, na kinasinghap ng mga kapatid ni Ellie. “Evo! ‘Wag mo naman ‘yang gagawin sa Anak natin!” Galit na sigaw sa kanya ni Catherine. “At ano ang gusto mong gawin ko? Ang matuwa? Dahil sa ginawa niyang panloloko sa atin? Ganun ba ang gusto mo Kai?” Iyak na wika ni Evo, kaya napalapit dito ang anak niyang si Eloise. “Ano po ba ang problema?” Iyak na tanong ni Eloise, habang niyakap nito ang kanyang ama. “Hindi mo lang alam, kung gaano sila kasabik sa isang ama, Catherine.” Hikbing wika nito. “Kaya pal
CHAPTER 28 3RD POV “Anak, saan ba tayo pupunta?” Tanong sa kanyang ina, habang nakatuon lang ang atensyon niya sa daan. Buo na ang desisyon ni Ellie, na sabihin dito ang totoo. Ang totoo tungkol sa kanyang mga anak, dahil nababalot pa rin siya ng takot. Takot na baka ilayo ni Jameson, ang mga bata sa kanya.Nang makarating sila sa mansion na dinalhan ni Jameson, sa mga bata ay dali-dali siyang bumaba ng kotse at pumasok sa loob. “Anak, kaninong bahay ‘to?” Tanong ng kanyang ina, habang nakasunod ito sa kanya. “Tita Ellie!!” Masayang sigaw ng dalawa, habang lumapit sa kanya. “Ellie, bakit sila nandito? Hindi ba sinabi ko sa ‘yo, na ayaw ko na mag-ampon ka?”“Mga Anak ko sila Mommy..” Mahina na wika niya, na kina-gulat ng kanyang ina. “A-ano? Anong sinabi mo?” Utal na wika nito sa kanya. “A-ako ang tunay nilang ina Mom..” Hikbing wika niya, habang nailing ang kanyang ina. “A-Anak..” Sambit nito, habang umiiyak.“Patawarin niyo ako Mommy, h-hindi ko sinasadya na mabuntis.. Hindi
CHAPTER 27 3RD POV Habang lolan ng eroplano ay pinili ni Ellie, na manahimik, dahil takot siyang magsalita. Ayaw niya rin na marinig ang sasabihin sa kanya ni Jameson, lalo na at alam na nito ang katotohanan. “Tita, bakit wala si Mama?” Mahina na tanong sa kanya ni Jun-Jun.” “May pinuntahan lang siya.” Sagot niya habang ngumiti sa kanyang anak. Napatingin siya kay Jameson, nang makita na nakatingin ito sa kanila. “Tita, bakit sumakay tayo ng ganito?” Tanong naman ni John-John.“Pupunta ulit tayo sa malaking bahay mo, Tita?” Tanong nitong muli. “Hindi, ibang bahay ang pupuntahan natin, bahay ko at ‘yon na ang magiging bahay niyo.” Wika nito na kinagulat niya. “A-anong bahay? B-bakit do’n mo sila patirahin? Hindi pwede!” Galit na wika niya rito. “At saan sila titira? Sa bahay niyo? Baka nakalimutan mo na tinago mo sila sa mga magulang mo Ellie, at gusto ko lang ipaalala sa ‘yo, na hindi nila tanggap ang mga Anak ko.” Madiin nitong wika. “Alam ko na hindi mo sila kayang panindig
CHAPTER 26 3RD POV “Wala kang maisagot? Akala mo ba hindi ko alam ang totoo? Ang sama niyo! Niloko niyo akong magpinsan!” Taka siyang napatingin dito, dahil sa kanyang narinig. “Niloko? Anong niloko?” Tanong niya, habang mahigpit na hinawakan ni Jameson, ang braso niya. “Niloko niyo akong dalawa ni Daisy, kaya pagbabayaran niyo ang ginawa niyo.” Madiin na wika nito. Nang mapatingin ito sa pinto, ay dali-dali na pinunasan ni Ellie, ang kanyang mga luha at tiningnan ang mga anak niya. “Away kayo Tita?” Mahina na tanong sa kanya ni Jun-Jun. Umiling naman siya rito at pilit na ngumiti. Nang makita ni Ellie, na lumabas si Jameson, ay dali-dali niyang tinanggal ang mga nakakabit sa kamay ni Jun-Jun. “Ma’am Ellie, ano po ang ginagawa niyo?” Taka na tanong sa kanya ni Arlene. “’Wag kang maingay Manang, tulungan mo nalang ako.” Wika niya habang binuhat si Jun-Jun. Dali-dali naman na binuhat ni Arlene, si John-John, habang nasa pinto si Ellie, at sumilip. “Tara, bilisan mo.” Wika niya,
CHAPTER 253RD POV Gulong-gulo ang isip ni Ellie, habang nakatingin kay Jameson, na kinukuhanan ng dugo. Hindi niya rin alam kung paano niya kausapin si Jameson, nababalot siya ng takot... Takot na baka alam na nito ang totoo. ‘Paano niya ako nasundan? At b-bakit niya ako sinusundan?’ “Ma’am Ellie.” Napalingon siya kay Arlene, at napatingin sa dala nito. “Ano ‘yan Manang?” Tanong niya rito. “Ipapakain ko po kay Sir, Ma’am Ellie.” Sagot nito sa kanya. “Kailangan niya po, ito. Lalo na at kinuhaan siya ng dugo.” Muling wika nito sa kanya. Hindi siya sumagot dito, at iniwan si Arlene. Pinuntahan niya muna ang isang anak niya, na nasa loob ng kanyang kotse. Pinakuha niya ito sa kanyang bodyguard, dahil ayaw niya na maiwan ito sa bahay. “Tita.” Wika nito, habang kita niya sa mukha ni John-John, ang lungkot. “Si Jun-Jun..” Hikbing wika nito, kaya niyakap niya ito habang naglandas ang kanyang mga luha. “’Wag kang mag-alala. Magiging maayos na siya.” Wika niya habang mahigpit na niya
CHAPTER 24 3RD POV Nang mapansin niya, na nakatitig lang ito sa kanya, ay basta niya nalang itong tinalikuran at sumakay siya sa kanyang kotse. “Sa opisina tayo.” Wika niya sa kanyang driver, kaya mabilis na binuhay nito ang makina. Hindi niya naman maiwasan na mapatingin kay Jameson, dahil nakatanaw pa rin ito sa kotse niya. Nang makarating siya sa kanyang opisina, ay agad siyang humiga sa sofa. Wala siyang balak na umuwi, dahil ayaw niyang marinig ang sermon ng kanyang ama, pagdating nito. Alam niya na magagalit ito, dahil sa bigla niyang pagkawala sa party. Wala kasi siya sa mood, at wala rin siyang gana, na makipag-salamuha sa mga tao na nandun. Lalo rin siyang nabadtrip sa lalaking pinakilala sa kanya ni Dahlia. Gusto niya sana na tawagan si Arlene, para kausapin ang mga bata, pero pinigilan niya ang kanyang sarili, dahil malalim na ang gabi. Baka maisturbo rin niya ang tulog nila. Bigla na naman siyang nakaramdam ng lungkot, dahil na-alala niya ang kanyang mga anak. Pakira
CHAPTER 233RD POV “Sigurado kana ba, sa desisyon mo Ma’am Ellie?” Tanong ni Arlene, sa kanya. Patuloy naman niyang pinupunasan ang mga luha niya sa kanyang mga mata, habang nakatingin sa mga anak niya. “Kahit masakit Manang, kailangan ko ‘tong gawin. Hindi ko sila pwedeng piliin, dahil hindi ko maibibigay sa kanila, ang buhay na nararapat sa mga anak ko.” Hikbing wika ni Ellie. “’Wag kang mag-alala Manang, kapag makatakas ako sa pamilya ko, pupuntahan ko sila.” Wika niya, habang pilit na ngumiti. “Pero bakit kailangan pa naming lumipat Ma’am Ellie, baka maninibago na naman sila?” “Kailangan Beth, dahil kilala ko ang babaeng asawa ng mayor sa lugar niyo.” Wika niya, kaya gulat itong napatingin sa kanya. “Kilala niyo po si Ma’am Camille?” Wika nito, habang tumango siya. “Mama, uuwi na tayo?” Tanong ni John-John, matapos itong lumapit kay Arlene.“Oo, Anak.” Sagot nito kay John-John. Habang tumingin ito sa kanya. “Hindi ka sasama Tita?” Lalo siyang napa-iyak, dahil sa tanong ng
CHAPTER 223RD POV “Fvck! Bakit hindi mo alam na may allergy siya?” Galit na wika ni Jameson, sa kanya. “H-hindi ko a-alam..” Iyak na wika ni Ellie, habang patuloy na sinilip si John-John. “Sh!t! Sino ba kasi ang nagluto nun?” Galit na wika nito. “’Yong isang bata? Nasa’n siya?” Tanong nito sa kanya, kaya roon lang niya naalala si Jun-Jun. “N-nasa bahay mo. B-balikan mo siya ro’n, b-baka may masamang mangyari sa kanya.” Iyak na wika ni Ellie. “Sh!t! Pwede bang ‘wag ka nang umiyak, ‘wag mo na rin sisihin ang sarili mo, dahil hindi naman ikaw ang kanilang ina.” Wika nito, habang tinalikuran siya. Patuloy naman siyang umiyak, habang kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan si Arlene. Matapos niya itong tawagan, ay mabilis niyang nilapitan ang doctor, nang makita itong lumabas. “Doc, kumusta na ang anak ko?” Wika niya, kaya napatitig ang doctor sa kanya. “Kayo po ba ang nanay?” Muling tanong nito, kaya natigilan siya. “A-ako po ang nanay ng bata.” Napalingon si Ellie, at nakit
CHAPTER 21 3RD POV “Ayoko ko.” Wika niya habang pinunasan ang kanyang mga luha. “Anong ayaw mo? Gusto mo bang itakwil ka ng pamilya mo?” Kunot-noo na wika nito. “Kung itakwil man nila ako kasalanan mo ‘yon!” Galit na sigaw niya rito. “Kasalanan ko?” Taka na wika nito sa kanya. “Alam mo, ang gulo mo talagang kausap.” Masama niya itong tiningnan, dahil sa sinabi nito. “Sumama nalang kayo sa akin.” “At bakit kami sasama sa ‘yo?” Asik niya rito. “Basta.” Sagot nito, habang kinuha sa kanyang kamay si John-John, at binuhat ito. “Saan mo ba kami balak na dalhin?” Muling wika niya, kaya nilingon siya nito. “Alam mo ang ingay mo. Hindi naman sana kita isama. Kaso ayaw mong dalhin ko sila.” Wika nito, at muling naglakad. “Hoy! Kung sa tingin mo gusto ko rin na makasama ka. Pwes! Nagkakamali ka!” Sigaw niya rito. “Ako na ang mag-drive. Sumunod nalang kayo sa amin.” Narinig niyang wika nito sa isang lalaki, kaya napatingin siya rito. Napakunot din ang noo niya, matapos niyang makita