1193RD POV “Ano bang pumasok sa utak mo at sinira mo ang restaurant ng asawa mo?” Wika ni Dylan sa anak niyang si Evo. Wala kasi ang asawa niya, kaya siya ang kumausap dito. “Dapat lang na gawin ko ‘yon Dad, kulang pa nga ‘yon.” “Evo, akala ko ba magbabago kana?” “Nagbabago naman talaga ako Dad.”“Hindi kana bata!” Galit na wika ni Dylan sa kanya. “At sino ba naman sa tingin niyo ang matutuwa sa ginawa sa akin ng babae na ‘yon?” Wika ni Evo kaya napatingin sa kanya si Dylan. “Sige bigyan mo ako ng magandang reason?” “Teka Dad, bakit ba ako ang pinapagalitan niyo?” “At sino ba ang gusto mo?” “Si Kai.” Napakunot ang noo ni Dylan dahil sa sagot ni Evo sa kanya. “Hindi ako nagbibiro sa ‘yo Evo.” “Hindi rin ako nagbibiro Dad.” “Sa tingin mo kaya kung pagalitan ang asawa mo? Kahit pa alam ko na Ikaw mismo ang sumira sa restaurant niya?” “Nararapat lang na gawin ko ‘yon, dahil pinapahiya niya ako. May pinakilala siyang lalaki na boyfriend niya. Paano nalang kung malaman ‘to ng
1203RD POV Galit na tiningnan ni Evo si Aaron, habang nasa loob na sila ng bahay. Hindi niya akalain na kaya siyang ipahiya ng kanyang kapatid. “Tanggalin mo na ‘to!” Galit na wika nito habang itinaas ang mga kamay niya na may tali. “Bakit ko naman ‘yan tatanggalin?” Lalong dumilim ang mukha ni Evo dahil sa kanyang narinig. “Gusto mo bang isumbong kita kay Mommy?” “Magsumbong ka, wala akong pakialam.” “Damn it! Ano ba kasi ang kina-gagalit mo sa akin?” Inis siyang binato ni Aaron sa unan, kaya natamaan siya sa mukha. “Tinatanong mo pa talaga? Nakalimutan mo ba ‘yong ginawa mo kanina?” “Alin do’n? Sa dami ng ginagawa ko hindi ko na maalal-.” Muli siyang binato ni Aaron ng unan, dahil sa inis niya rito. “Nakakarami kana!” “Ano bang pumasok sa utak mo, at binangga mo ‘yong restaurant?” “Wala kang pakialam kung wawasakin ko ‘yong lugar na ‘yon!” Akmang babatuhin na naman sana siya ni Aaron, kaya napasigaw siya. “Isusumbong talaga kita kay Lola Mommy!” “Kailan pa kaya mawala
1213RD POV “Anong ibig mong sabihin?” “Wala kang ibang maasahan ngayon, kun’di ako lang.” “Nagpapatawa kaba?” “Hindi, at wala akong balak na patawanin ka.” “Nasa’n ang mga bodyguard ko?” “Nasa labas.” Balewala na wika ni Kai. “Parang wala lang talaga sa ‘yo ang ginawa mo sa akin kanina?” “Dahil ‘yon ang nababagay sa ‘yo.” Napakuyom si Evo sa kamao niya, dahil sinasagad ni Kai ang pasensya niya. “Ipagdasal mo lang na hindi pa ako gagaling.” “Bakit, ano ang gagawin mo?” Mapang-asar na wika ni Kai sa kanya. Sa inis ni Evo ay mabilis na tinawag niya ang kanyang mga tauhan. “Ilabas niyo ang babaeng ‘yan!” Malakas na sigaw niya, habang tinuro si Kai. “‘Di mo na kailangan gawin ‘yan, dahil kaya kung lumabas.” Mapang-asar na wika ni Kai sa kanya. Napahawak naman si Evo sa ulo niya, dahil sumakit ito. “Tawagan mo si Mommy.” Muling wika niya sa kanyang assistant pero naka-ilang tawag na ito sa kanyang ina, ay hindi pa rin ito sinasagot. “Fvck! Nasa’n ba sila? Si Lola Mommy?” Tan
1223RD POV “Ang hirap mo talagang hagilapin.” Gulat na napalingon si Kai kay Evo, na nasa likuran na niya. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong sa kanya ni Kai, habang busy ito. Tinutulungan niya ang chef niya para maghanda ng mga pagkain. “Bakit ba ganyan ka magtanong asawa ko?” Kunot-noo siyang nilingon ni Kai, dahil sa tawag niya rito. “Ayaw kung makipaglaro sa ‘yo ngayon Evo, kaya pwede bang umalis kana.” “Tsk, bakit ba hindi ka natutuwa sa tuwing makikita ako?” “Dahil hindi ka nakakatuwa.” Muling wika ni Kai sa kanya, habang hinahabaan pa ni Evo ang kanyang pasensya, kailangan na muli niyang mapa-ibig si Kai at mahulog itong muli sa kanya. Ito ang gusto niyang ganti sa babae. “Tutulungan na kita.” Wika niya habang kinuha ang plato na bitbit nito.“Hindi mo na ulit ako mapapa-ikot pa Evo, kaya pwede ba umalis kana.” Walang emosyon na wika ni Kai sa kanya, kaya na-i-kuyom niya ang kamao niya. ‘Talagang ginagalit mo ako!’ Inis na tumalikod si Evo kay Kai at lumabas ito. “Hoy!”
1233RD POV WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG“Wala kabang driver? Bakit kailangan ako pa ang maghatid sa ‘yo?” Yamot na wika ni Evo. Gusto niya sana na ang driver niya ang maghatid kay Kai, pero hindi ito pumayag. “Kailangan pa natin bumili ng mga sangkap para sa lulutuin ko.” “Ano bang silbi ng mga katulong natin?” “Mga magulang ko sila Evo, kaya dapat ako mismo ang mag-asikaso sa kanila.” Napahinga ng malalim si Evo dahil sa narinig niya. “Magtatagal ba tayo ro’n?” “Hindi ko alam.” “‘Wag mo naman tagalan, dahil busy ako.” Nilingon siya ni Kai, at masama siyang tinitigan. “Pwede bang ‘wag mong unahin ang kalandian niyo ng pinsan mo.” Kunot-noo siyang tiningnan ni Evo dahil sa kanyang sinabi. “Anong magagawa ko? Ano bang gusto mong gawin ko rito? Kanina pa nga ‘to nabibitin.” Inis na wika niya, kaya lalong nakaramdam ng inis si Kai sa kanya. “‘Yan lang ba ang problema mo Evo?” Inis na nailing si Evo sa kanya, excited na kasi siya kanina, dahil sa sinabi ni Reymart. Na-miss na
1243RD POV “Hoy! Bakit mo ako hinalikan?” Taka na tanong ni Evo, habang sinusundan nito ni Kai. “Manahimik ka nga.” Balewala na wika ni Kai sa kanya, pero panay pa rin ang pangungulit nito sa kanya. “Hindi pwede ‘yon! Hindi pwedeng basta-basta mo nalang ako hahalikan sa harapan ng iba! Ano nalang ang sasabihi-.” Natigilan si Evo matapos ilagay ni Kai ang kanyang isang daliri sa bibig nito. “Gusto ko akin ka lang.” Wika nito at tinanggal ang daliri niya sa bibig ni Evo. Tulala at hindi makapaniwala si Evo sa kanyang narinig. “Sinasabi ko na nga ba! Alam ko na talaga ‘yang mga galawan mo?” Wika niya habang may malawak na ngiti sa kanyang labi. Nang dumating ang mga magulang ni Kai, ay hindi pa rin mawala-wala ang ngiti ni Evo sa labi niya. Kanina pa rin niya, gustong tawagan si Aaron, para sabihin dito na panalo siya sa pustahan nila. “Bakit nandito ka pa?” Tanong ni Kai sa kanya, habang nilapitan siya. Nasa pool area siya at umiinom ng alak. “Gusto ko lang tumambay rito.” Wika
1253RD POV “Akala ko hindi ka pa rin uuwi?” Napahinto si Evo at napatingin kay Kai. “Umuwi kana pala?” Wika nito habang napakamot sa kanyang ulo. “Oo, kumain kana ba?” Tanong nito, kaya malawak siyang napangiti rito. “Hindi pa.” Pagsisinungaling niya habang mahigpit niya itong niyakap. Ang totoo ay tapos na siyang kumain kasama ang pinaglaruan niya na naman na babae. “Hali ka, ipaghanda kita.” Wika ni Kai, habang nauna itong naglakad. Lihim na natuwa si Evo, dahil sa pinakita ni Kai. Alam niya kasi na hulog na hulog na ito sa kanya. “Ang sarap talaga ng luto mo Wife.” Napangiti sa kanya si Kai, habang pinapanood siyang kumain. “Sinarapan ko talaga ‘yan, para sa ‘yo.” Malawak na napangiti si Evo sa kanya. “Ikaw, kumain kana ba?” Tanong niya kay Kai, habang tumango ito sa kanya. “Kumain na ako kanina, habang hinihintay kita. Tumawag kasi ako sa opisina mo at ang sabi ng secretary mo, may meeting ka pa raw.” Napa-ubo si Evo habang tumango. Hindi pwede na malaman ni Kai na may b
1263RD POV “Hindi pwede.” “Pero Mom!” “Kapag sinabi kung hindi pwede, hindi talaga.” “Mom! Alam mo ba ang ginawa ng babaeng ‘yon sa akin?” “Wala akong pakialam Evo!” “Mommy, ayos lang ba talaga sa ‘yo na ipahiya ako ng babaeng ‘yon? Bakit ba ayaw mong pumayag na makipag-divorce ako sa kanya?” Galit na sigaw ni Evo sa kanyang ina. aaaa“Sampung taon, kung hindi pa rin kayo mag-work, pwede mo na siyang hiwalayan.” Napakuyom ang kamao ni Evo dahil sa narinig niya. “Lahat ng gusto mo, ay ibibigay namin sa ‘yo, Basta 'wag mo lang hiwalayan si Catherine.” Napapikit si Evo sa mga mata niya habang naupo ito sa sofa. Sinundan niya agad ang mga magulang niya sa ibang bansa, para sabihin ang ginawang panloloko ni Kai sa kanya, pero hindi niya akalain na mas kakampihan nila ito. Ang akala niya ay papayagan siya ni Aira na hiwalayan ito pero hindi pala, at kailangan pa niyang maghintay ng sampung taon para makalayo sa babaeng ‘yon. Hindi rin akalain ni Evo na marunong makipaglaro si Kai.
1613RD POV Napahawak si Hanma, sa pisngi niya. Habang niyakap siya ni Elijah at Ellie. “Daddy, bakit mo siya sinaktan?” Sigaw ni Ellie sa kanya. “Dahil tanga siya!”“Daddy, ‘wag mo na siyang sigawan.” Iyak na wika ni Elijah. Napahinga ng malalim si Aaron, at pilit na ngumiti sa mga bata. “Sorry, masyado lang talagang mainit ang ulo ni Daddy.” Ngiting wika niya sa mga bata at tinawag ang kanyang mga tauhan. “Mauna na kayo sa kotse.” Utos niya sa kanila. Nang makalabas na ang kanyang mga tauhan at ang mga bata, ay mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Hanma. “Bakit ba ang b*bo mo?” Galit na tanong niya rito. “Hindi mo ba nakikita na aalis ako?” “Nakikita po…” Umiiyak na sagot ni Hanma sa kanya. “‘Yon naman pala? Tapos, bakit ang mga bata lang ang binihisan mo? Sino ba ang gusto mong magbantay sa kanila?” “A-akala ko po.. Hindi niyo ako isasam-.” Muling napahawak si Hanma, sa pisngi niya ng sampalin siya muli ni Aaron. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at nag-angat ng muk
1603RD POV Ilang linggo na na hindi pa rin bumalik si Hanma, sa condo ni Aaron, hindi niya maiwasan na magtaka. Aaminin niya, na na-miss na rin niya ang mga luto nito. Kinuha ni Aaron, ang kanyang phone, at tinawagan ang number ni Hanma. Pero katulad noong una, ay hindi pa rin ito matawagan. “Puntahan mo si Hanma, sa bahay nila.” Utos niya sa kanyang tauhan. “Sabihin mo, sa kanya na kailangan na niyang bumalik.” Muling wika ni Aaron, at agad na tumango ang kanyang tauhan. Matapos maka-alis ang tauhan niya, ay naisipan niya na pumasok muna sa kanyang silid, para tingnan ang kanyang email. Pero natigilan siya ng biglang bumukas ang pinto. “Bakit ngayon ka lan-.” Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin, nang makita si Evo, Kai at ang tatlo nilang anak.“Daddy!” Malakas na sigaw ng tatlo, habang yumakap sa kanya. Isa-isa niya naman silang hinalikan, at pagkatapos ay binuhat si Ellie. “Bakit kayo nandito?” Tanong sa kapatid niyang si Evo. “Na-miss ka raw ng mga bata.” Ngiting wi
1593RD POV “Akala ko pa naman, ang asawa mo ‘yon.” Natatawang wika ni Evo, sa kanya. Hindi sumagot si Aaron, habang ininom niya ang alak na nasa kanyang baso. Panay din ang tingin niya kay Hailey, habang kasama nito ang kanyang nobyo. “Bakit ba, hindi mo alam. Kung ilan silang magkakapatid Bro?” Muling tanong ni Evo. “Wala akong pakialam, kung ilan sila. Isa pa, hiwalayan ko rin naman ang kapatid nila.” Sagot ni Aaron sa kanya. “Talaga? Pero bakit? Sayang naman.” Masamang tiningnan ni Aaron, si Evo, dahil sa kanyang sinabi. “‘Wag mong sabihin, pinagnanasahan mo si Hanma?” Kunot-noo na tanong niya sa kanyang kapatid. “Hindi siya, hindi naman ‘yon maganda. Namimili pa nga ako sa dalawa niyang kamba-.” “Gusto mo bang tamaan?” Galit na wika ni Aaron, habang tinaas nito ang kamao niya. Hindi napigilan ni Evo, na matawa dahil sa ginawa ng kambal niya. “Hindi ka takot? Sabihin ko nalang sa asaw-.” “‘Wag! Hindi ka naman mabiro!” Inis na wika ni Evo, habang muli siyang pina-upo nito.
1583RD POV “Good morning.” Napakunot ang noo ni Aaron, nang makita niya si Helena, na nakaupo sa gilid ng kanyang opisina. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya, habang tumayo ito at malawak na ngumiti sa kanya. “Pinalitan ko ang kapatid ko.” Balewala na wika nito, habang inabot sa kanya ang isang tablet.“Nand’yan na lahat ng schedule mo Sir.” “Bilib din ako sa kapal ng pagmumukha mo.” Insulto na wika ni Aaron, sa kanya.“Mas mabuti ng makapal ang mukha, kaysa walang mukha ‘diba?” Ngiting wika nito, kaya inis niya itong tiningnan. “Lumayas kana, kung ayaw mong masaktan.” “Nakikita mo ba ‘to?” Wika niya, habang itinaas ang isang papel. Napakunot naman ang noo ni Aaron, habang nakatingin dito. “Baka lang kasi nakalimutan mo. Five years pa ang contract ko, bilang secretary mo.” Ngising wika ni Helena, sa kanya. “Kaya, wala kang karapatan na palayasin ako, aalis ako kung kailan ko gusto.” Wika nito at tinalikuran siya. Inis niya itong tiningnan, habang binuksan nito ang pinto ng
1573RD POV Agad na nag-bawi ng tingin si Hanma, sa kanya at muli itong kumain. “Para ‘yon, sa kaligtasan nila.” Wika ni Hanma, at itinuon na nito ang atensyon niya, sa kanyang pagkain. Gustong iwasan ni Aaron, ang pamilya niya, dahil kinakahiya niya si Hanma. Gusto niya rin sana na iwanan na ito, pero naisip niya, ang pakiusap ng daddy Recca niya sa kanya. “Magbihis ka.” Wika niya rito, habang naka-upo ito sa sahig. “Bakit po Sir?” Tanong ni Hanma, habang tumayo ito. “‘Wag kana ngang magtanong! Isa pa, bakit ba r'yan ka naka-upo? Gusto mo bang pagalitan na naman ako nila Daddy?” “S-sorry po Sir.. Baka po kasi magalit kayo, kapag sa sofa ako uupo.” Inis niya itong tiningnan at iniwan. “Bilisan mo!” Malakas na sigaw ni Aaron, sa kanya. “Ang Dami pang palusot, akala mo naman maawa ako sa kanya.” Inis na wika niya, habang kinuha ang kanyang bag. “Tapos kana ba?” Tanong niya rito, at agad naman na tumango si Hanma, sa kanya. “Wala kabang ibang damit?” Tanong niya rito, habang u
1563RD POV Lumipas ang isang linggo, na hindi nagpakita si Hanma, kay Aaron. Labis naman ang tuwa na nararamdaman ni Aaron, dahil sa hindi pagpapakita nito. Naiirita kasi siya, sa tuwing nakikita ito. Lalo na ngayon. Hindi pa rin niya naiisip kung paano niya na-pakasalan si Hanma. Sa tuwing iniisip niya ang itsura nito ay nandidiri siya. “Dad.” Wika niya, nang masagot niya ang tawag sa kanyang phone. “Aaron, bakit wala sa condo niyo ang asawa mo?” Napakunot ang noo niya, dahil sa tanong ng kanyang ama. “Anong ginagawa niyo, r’yan Dad?” “Hindi ako ang pumunta ro'n, ang daddy Recca mo. Ang sabi niya, wala raw doon ang asawa mo.” “Matagal na siyang hindi bumalik sa condo, Dad. Hindi ko alam kung nasa'n siya.”“Anong ibig mong sabihin? Ni hindi mo man lang siya hinanap?” Galit na tanong ni Dylan, sa kanya. “Dad, hindi ko naman kagustuhan na maikasal sa kanya, kaya wala akong pakialam kung sa’n, man siya magpunta, dahil hindi ko siya responsibilidad.” “Aaron!” Sigaw ni Dylan, sa k
1553RD POV “S-Sir.. Nasasaktan po ako…” Napahawak si Hanma, sa kamay ni Aaron. Habang sinakal siya nito. “Paano mo nagawa ‘yon?!” Galit na sigaw ni Aaron, sa kanya. “H-hindi ko po kayo maintindihan…” Iyak na wika niya, kaya mabilis siyang sinampal ni Aaron. “Palampa-lampa ka lang pala! Tapos niloloko mo ako!” “A-ano pong sinasab-.” Nahihirapan na tanong ni Hanma, sa kanya. “Bro! Bitawan mo siya, baka mapatay mo ‘yan!” Awat ni Evo, sa kanya. “Talagang mapapatay ko ang pangit na ‘yan!!” Galit na sigaw ni Aaron, at hindi pa rin, binitawan ang leeg ni Hanma. “Tama na ‘yan Aaron!” Sigaw ni Dylan. Habang galit na nilapitan nito si Aaron. Tinulak ni Dylan, ang anak niyang si Aaron, nang hindi ito nakinig sa kanya. Napahawak naman si Hanma, sa leeg niya habang tinulungan siya ni Dylan, na tumayo. “Bakit mo siya sinaktan?!” Galit na sigaw ng kanyang ama sa kanya. “Dahil manloloko siya Dad!” Malakas na sigaw ni Aaron, sa kanya. “Wala akong ginawang masama sa ‘yo Sir Aaron…” “Man
154 3RD POV “Aaron.” Agad na napatayo si Aaron, habang papalapit sa kanya ang kanyang ina. “Mom.” Lumapit siya kay Aira, at humalik dito.“Bakit, wala na naman ang secretary mo? Pinalayas mo na naman ba?” Galit na tanong ni Aira sa kanya. “Hindi ko siya pinalayas Mom,” “Kung ganun, nasa'n siya? Bakit wala akong makita sa labas?” “Wala, dahil ginawa ko siyang katulong.” Napakunot ang noo ni Aira, dahil sa sinabi ng anak niyang si Aaron, sa kanya. “Bakit mo naman siya, ginawang katulong? Hindi mo ba alam na matalino ang batang ‘yon? Isa pa, graduate rin siya sa paaralan na pinasukan niyo noon.” Napatingin si Aaron, sa kanyang ina, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Hindi naman, kasi siya ang na-hire niyo. ‘Yong mayabang niyang kambal.” “Kahit na, mabait naman si Hanma.” “Ano bang gagawin ko sa mabait Mom? Kung tatanga-tanga naman ito?” “Aaron,” “Mom, don't worry, kaya ko naman kahit wala akong secretary. Isa pa, mas magaling naman ‘yon sa bahay, kaya ro'n ko nalang siya nilagay
153 3RD POV “Daddy!!” Malakas na sigaw ng mga bata, habang papalapit ito sa kanya.Isa-isa niyang hinalikan ang mga bata, habang malawak na ngumiti si Evo, sa kanya. “Akala ko hindi ka pupunta rito Bro.” Wika nito, habang hinawakan siya sa balikat. Winaksi naman ni Aaron, ang kamay ni Evo. “Wala ka pa rin talagang pagbabago.” Iling na wika ni Evo sa kanya. “Ikaw ba meron?” “Naman! alam mong may asawa at mga anak na ako, kaya balewala na sa akin, ‘yang mga babae na ‘yan.” “Ikaw nga ang walang pagbabago. Puro babae pa rin talaga ‘yang nasa isip mo.” “Shhh! Manahimik ka nga Bro, baka marinig tayo ni Kai, gusto mo bang malagot ako sa kanya?” “Tinatanong mo pa talaga.” Ngiting wika ni Aaron, sa kanya, kaya masama siyang tiningnan ni Evo. “Kuya!” Mahigpit na yumakap si Dell kay Evo. “Hi my Princess.” Ngiting wika ni Evo. “Ang tagal niyo naman bumalik dito.” Himig nagtatampo na wika ni Dell, kaya napakunot ang noo ni Aaron. “Umuwi kaba rito?” Tanong niya habang mabilis na tumang