1243RD POV “Hoy! Bakit mo ako hinalikan?” Taka na tanong ni Evo, habang sinusundan nito ni Kai. “Manahimik ka nga.” Balewala na wika ni Kai sa kanya, pero panay pa rin ang pangungulit nito sa kanya. “Hindi pwede ‘yon! Hindi pwedeng basta-basta mo nalang ako hahalikan sa harapan ng iba! Ano nalang ang sasabihi-.” Natigilan si Evo matapos ilagay ni Kai ang kanyang isang daliri sa bibig nito. “Gusto ko akin ka lang.” Wika nito at tinanggal ang daliri niya sa bibig ni Evo. Tulala at hindi makapaniwala si Evo sa kanyang narinig. “Sinasabi ko na nga ba! Alam ko na talaga ‘yang mga galawan mo?” Wika niya habang may malawak na ngiti sa kanyang labi. Nang dumating ang mga magulang ni Kai, ay hindi pa rin mawala-wala ang ngiti ni Evo sa labi niya. Kanina pa rin niya, gustong tawagan si Aaron, para sabihin dito na panalo siya sa pustahan nila. “Bakit nandito ka pa?” Tanong ni Kai sa kanya, habang nilapitan siya. Nasa pool area siya at umiinom ng alak. “Gusto ko lang tumambay rito.” Wika
1253RD POV “Akala ko hindi ka pa rin uuwi?” Napahinto si Evo at napatingin kay Kai. “Umuwi kana pala?” Wika nito habang napakamot sa kanyang ulo. “Oo, kumain kana ba?” Tanong nito, kaya malawak siyang napangiti rito. “Hindi pa.” Pagsisinungaling niya habang mahigpit niya itong niyakap. Ang totoo ay tapos na siyang kumain kasama ang pinaglaruan niya na naman na babae. “Hali ka, ipaghanda kita.” Wika ni Kai, habang nauna itong naglakad. Lihim na natuwa si Evo, dahil sa pinakita ni Kai. Alam niya kasi na hulog na hulog na ito sa kanya. “Ang sarap talaga ng luto mo Wife.” Napangiti sa kanya si Kai, habang pinapanood siyang kumain. “Sinarapan ko talaga ‘yan, para sa ‘yo.” Malawak na napangiti si Evo sa kanya. “Ikaw, kumain kana ba?” Tanong niya kay Kai, habang tumango ito sa kanya. “Kumain na ako kanina, habang hinihintay kita. Tumawag kasi ako sa opisina mo at ang sabi ng secretary mo, may meeting ka pa raw.” Napa-ubo si Evo habang tumango. Hindi pwede na malaman ni Kai na may b
1263RD POV “Hindi pwede.” “Pero Mom!” “Kapag sinabi kung hindi pwede, hindi talaga.” “Mom! Alam mo ba ang ginawa ng babaeng ‘yon sa akin?” “Wala akong pakialam Evo!” “Mommy, ayos lang ba talaga sa ‘yo na ipahiya ako ng babaeng ‘yon? Bakit ba ayaw mong pumayag na makipag-divorce ako sa kanya?” Galit na sigaw ni Evo sa kanyang ina. aaaa“Sampung taon, kung hindi pa rin kayo mag-work, pwede mo na siyang hiwalayan.” Napakuyom ang kamao ni Evo dahil sa narinig niya. “Lahat ng gusto mo, ay ibibigay namin sa ‘yo, Basta 'wag mo lang hiwalayan si Catherine.” Napapikit si Evo sa mga mata niya habang naupo ito sa sofa. Sinundan niya agad ang mga magulang niya sa ibang bansa, para sabihin ang ginawang panloloko ni Kai sa kanya, pero hindi niya akalain na mas kakampihan nila ito. Ang akala niya ay papayagan siya ni Aira na hiwalayan ito pero hindi pala, at kailangan pa niyang maghintay ng sampung taon para makalayo sa babaeng ‘yon. Hindi rin akalain ni Evo na marunong makipaglaro si Kai.
127 Lihim na nilagyan ni Evo ang buong bahay nila sa CCTV, habang ang ibang CCTV nila ay alam ni Kai kung saan ito naka-pwesto. Para makita niya kung ano ang ginagawa ni Kai. Hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi nito na pumunta lang siya sa likod ng pinto. “Hindi rin siya multo, dahil nakikita namin siya at nahahawakan ko rin. Ano kaya talaga siya?” Wika ni Evo habang nakatingin kay Kai sa cp niya. “Sir.” Nag-angat ng mukha si Evo nang marinig niya ang kanyang secretary. “Bakit?” “May naghahanap po sa inyo sa labas.” Napakunot ang noo niya, dahil sa sinabi nito. “Naghahanap?” “Opo,” “Sino?” “‘Yong dating secretary po ni Mr. Smith.” Napahawak siya sa noo niya, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Sabihin mo umalis ako.” “Po?” “Bingi kaba? Sabihin mo umalis ako!” Galit na sigaw niya rito at muling tiningnan si Kai, pero namilog ang mga mata niya nang makitang wala na ito sa kwarto nito. “Fvck! Nasa’n na siya?” Wika ni Evo habang tiningnan niya ang lahat ng CCTV na nilagay niya
128 3RD POV “Anong ginagawa mo?” Galit na wika ni Evo habang nilapitan siya. “Wala naman, maganda ba?” Ngiting tanong niya, kaya sinakal siya ni Evo. “Sir..” Awat ng mga katulong kaya masama niya itong tiningnan. “Anong masama sa ginawa ko? Ang cute mo nga kapag may nakabaon na kutsilyo sa noo mo.” Mas lalo pang hinigpitan ni Evo ang pag-sakal sa leeg ni Kai, dahil sa sinabi nito sa kanya, kaya naubos ito. “Sh!t!” Malakas niyang sigaw ng tamaan ang gitna niya ng tuhod ni Kai, kaya nabitawan niya ito. “Pagbabayaran mo ‘yang ginawa mo sa mukha ko!!” Galit na sigaw ni Evo habang nakatingin sa picture niya na nilagyan ni Kai ng kutsilyo ang noo at nilagyan ng sungay. “Bakit hindi ka natutuwa sa itsura mo r’yan?” Natatawa na wika ni Kai habang napahawak ito sa leeg niya. “Talagang ginagalit mo ako Kai.” Napakuyom ang kamao ni Evo habang nilapitan ang picture niya at kinuha ito. Napa-halakhak naman si Kai habang lumabas si Evo sa kanyang kwarto. Halos basagin lahat ni Evo ang mga
1293RD POV “Ang init! Bakit niyo ba binuksa-.” Natigilan si Evo nang imulat niya ang kanyang mga mata. “Ang sarap ng tulog mo ‘di ba?” Ngiting wika ni Kai sa kanya, habang mabilis siyang bumangon. “Bakit dito mo ako pinatulog?” Galit na tanong niya matapos niyang tumayo.“Ikaw nga ang may gusto na matulog dito sa rooftop.”“‘Wag mo akong gawing tanga! Dahil kahit gaano ako kalasing! Hindi ako natutulog kung saan-saa-.” Napakunot ang kanyang noo habang nakikita ang mga picture ng mga unggoy na nakapalibot sa rooftop. “Bakit may mga ganyan dito?” Tanong niya habang napatingin si Kai sa paligid. “Nilagyan ko, para hindi mo makalimutan na ganyan ang mukha mo.” “Damn you!” Mabilis na tumakbo si Kai papa ng rooftop ng makita ang itsura ni Evo. Kahit masakit pa ang ulo niya ay agad siyang bumaba. Napahawak din siya sa kanyang katawan, dahil sumakit ito. Hindi kasi sanay si Evo na matulog sa sahig lalo na sa semento. “Tanggalin niyo ‘yong mga kalat sa taas!” Galit na sigaw niya sa mg
1303RD POV Hindi mapakali si Evo at paulit-ulit na tinawagan ang number na tumawag si phone ni Kai pero hindi na ito makontak. Panay rin ang ginawang paggising niya rito. “S-Sir.. Ilipat na po ba namin si Ma’am?” Tanong ng katulong sa kanya, kaya masama niya itong tiningnan. “Anong Ilipat? ‘Dito lang siya matutulog.” Galit na wika niya rito. ‘Tsk, akala mo ‘di ako maghiganti sa ‘yo?’ Umupo si Evo sa tabi ni Kai at pina-unan niya ang ulo nito sa kanyang hita. “Hmm, dito ka muna.” Wika niya habang tinitigan ito. “Ano ba talaga ang sikreto mo Kai? At sino ang batang ‘yon? Bakit ka niya tinatawag na mama?” Dahil sa antok ay hindi namalayan ni Evo na nakatulog din siya sa tabi ni Kai. Nagising siya ng may bumuhos sa kanya ng tubig. “Fvck!” Malakas na sigaw ni Evo at nakita si Kai na nakatayo sa harapan niya. Galit na galit itong tumingin sa kanya. “Anong ginawa mo?” Inis na tumayo si Evo at galit na tiningnan si Kai. “‘Diba ako ang dapat magtanong sa ‘yo niyan!” Sigaw niya rito
131 3RD POV “Mabuti naman at alam mo pa pala ang daan papunta rito sa bahay.” Wika ni Aira sa kanya, habang ang paningin niya ay nasa kusina. “Lagi naman akong pumunta rito Mom,” “Lagi? Ni nindi ka nga namin mahagilap ng daddy mo? Kung hindi pumunta rito si Catherine, siguro hindi ka rin uuwi rito?” “‘Wag mo na po siyang pagalitan Mommy, busy lang po kasi si Evo sa mga babae niya.” Gulat na napatingin si Evo kay Kai dahil sa sinabi nito sa kanyang ina.“Hindi ka pa rin pala nagbabago?” “Dad, ‘di po ba nagbago na ako?” Wika niya kay Dylan at agad na nagtago sa likod nito. “Wife, ‘wag mo nang pagalitan ang anak natin, malaki na siya alam na niya ang ginagawa niya.” “Isa ka pa! Manahimik ka nga!” Sigaw nito kay Dylan, kaya napakamot ito sa kanyang ulo. Nilapitan naman ni Evo si Kai at hinawakan ang braso nito.“Paano ka nakarating dito?” Bulong na tanong niya. “Sumakay, hindi ko naman pwedeng lakarin ‘to ‘di ba?” Ngising wika nito sa kanya. “Kai..” Asik niya rito. “Bakit?” Ngi
2833RD POV Napaatras si Dell, matapos niyang marinig ang tawa nito. “I-ikaw…” Utal na wika niya, habang muling napasigaw. Akmang tatakbo na sana siyang muli, pero mabilis siyang hinawakan nito.Tangka na naman sana na tuhudin ni Dell, ang kanyang gitna, pero mabilis na nahawakan ni Noah, ang tuhod niya. “Ibaba mo ako hay*p ka!!” Malakas na sigaw niya, habang pinag-susuntok ang dibdib nito. “Ummm…” Unti-unti na nakaramdam ng panghihina si Dell, nang maamoy niya ang itinakip ni Noah, sa kanyang ilong. ****“Daddy…” Mahina na sambit ni Dell, habang pilit na minulat ang kanyang mga mata. Dahil hindi pa rin niya mai-mulat ang mga mata niya, ay kinapa niya ang harapan niya. Nang mawala siyang makapa rito, ay sunod niyang kinapa ang tagiliran niya. Napakunot naman ang noo ni Dell, nang may nahawakan siya sa kanyang tabi. Nang napagtanto niya na isa katawan ito ng isang lalaki, ay agad niyang hinawakan ang buong katawan niya. Pinapakiramdaman din ni Dell, ang kanyang gitnang bahagi, k
2823RD POV Matapos maligo ni Dell, ay kinapa niya ang kanyang mga damit. Matapos niya itong nahawakan ay mabilis niya itong sinuot. “Noah!!” Sigaw niya, habang kinakapa nito ang gilid. “Bakit? Tapos kana ba?” Narinig niyang wika nito. “Tatawagin ba kita kung hindi pa! Tulungan mo ako!” Muling sigaw niya rito. Hindi naman ito sumagot at narinig lang ang tunog ng pinto. Napapitlag siya ng may mga kamay na humawak sa kanya. “Bakit kaba nanggugulat?” Tanong niya rito. “Bakit ka naman magugulat? Alam mo naman na tayo lang dito.” Natigilan si Dell, at hindi umimik. ‘Kung ganun, kami lang pala rito?’ Lihim na napangiti si Dell, dahil sa kanyang nalalaman. “Hindi kana ba pumapasok?” Tanong niya, habang inalalayan siya nito. Hindi naman ito sumagot sa tanong niya. “Bakit nandito ako? Bakit wala ako sa kama?” Kunot noo na tanong niya rito. “Magpahangin ka muna.” Narinig niyang wika nito. “Umalis kana sa pabrika?” Muling tanong niya rito. “Bakit mo tinatanong?” “Dahil lagi kang n
2813RD POV Nang magising si Dell, ay hindi niya pa rin maidilat ang mga mata niya. Kinakapa niya ang paligid habang nagtataka. Kanina lang ay nasa likuran sila ng pabrika, pero ngayon ay nasa ibabaw na siya ng malambot na kama. Gulat niyang kinapa ang kanyang sarili, ng napagtanto ang lugar na kinalalagyan niya. Wala naman siyang napansin na kakaiba sa sarili niya, kaya nakahinga siya ng maluwag. “Walang hiya ang lalaki na ‘yon!” Inis na wika niya, habang napakuyom siya sa kamao niya. “Alam mo bang mas walang hiya pa kayo sa akin?” Narinig niyang wika ni Noah. “Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginawa sa akin ‘to?” Naguguluhan wika niya, pero hindi na niya ito narinig pa na nagsalitang muli. Ngayon niya lang din naisip ang sinabi ni Kyla, sa kanya. ‘Hindi kaya siya ang dahilan kung bakit nagka-ganun si Kyla? At hindi kaya totoo ang sinabi niya tungkol sa kanya? Nakakainis! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko? Bakit ba hindi ako nakinig sa kanya! Kaya pala lagi ko siyang nakiki
2803RD POV “Kyla…” Sambit niya, habang tulala itong nakatingin sa kisame. “Hindi ko alam paano, tawagan ang mga magulang o pamilya mo, kaya ako nalang ang nandito.” Wika niyang muli, habang nakikita niya na naglalandas ang mga luha sa mata ni Kyla.“Bakit hindi mo sinabi sa akin, na buntis ka?” Tanong niya pero wala pa rin siyang nakuhang sagot, mula kay Kyla. “H-hay*p siya…” Mahina na wika nito, kaya napakunot ang noo niya. “S-sino?” Tanong niya rito. Napatingin naman siya sa kamay nito, matapos hawakan ni Kyla, ang kanyang braso. “‘Wag kang lumapit sa kanya, layuan mo siya!” Iyak na sigaw nito. “Sino ba ang ibig mong sabihin?” Taka na tanong niya, habang patuloy na itong umiiyak. “Kyla!!” Napalingon siya sa isang ginang na pumasok. Mabilis nitong niyakap si Kyla, habang humagulgol ng iyak. Tumayo naman si Dell, at iniwan sila sa kwarto. Hindi niya rin maiwasan na napa-isip dahil sa sinabi ni Kyla. KINABUKASAN ay maaga na pumunta si Dell, sa pabrika nila. Patuloy siyang nag
2793RD POV “Kuya naman eh! Bakit kaba nanggugulat?” Inis na wika niya, kay Evo. “Bakit ba?” Natatawa na tanong nito sa kanya. “Anong bakit? Baka may makakita sa atin?”“Ano naman?”“Ayoko kasi na malaman nila na magkapatid tayo.” Napakunot ang noo ni Evo, dahil sa sinabi ni Dell. “Bakit hindi pwede?” “Kuya, gusto ko pang mag-stay rito, kaya ayokong malaman nila. Baka kasi mailang sila sa akin.” “Kung gusto mo tanggalin ko silang lahat dito.” “Kuya, ‘wag mo ngang gawin ‘yan. Mas gusto ko pa silang makilala.” Ngiting wika ni Dell. “Sige, basta kung may problema ka, tawagan mo lang ako.” Ngiting wika ni Evo, kaya agad niya itong niyakap. “Salamat Kuya.” Ngiting wika niya, habang nag-angat siya ng kanyang mukha.“Basta ikaw Princess.” Ngiting wika niya. “Paano, uuwi na ako.” Napakunot ang noo niya, habang bumitaw dito. “Bakit?” “Alam mo naman ang Ate mo.” “Sos! Ang bilis mo naman siyang ma-miss.” “Ganun talaga.” Ngiting wika ni Evo, sa kanya. Matapos silang mag-usap ay umu
278 3RD POV “Sagutin mo nga ako!” Hinihingal na tanong ni Dell, sa kanya. “Nilalayo lang kita sa kanila.” “Nilalayo? Pero bakit? Wala naman tayong masamang ginawa? Isa pa kakain lang naman tayo?” “Sinasagot mo kasi sila. Alam mo bang pwede nila tayong tanggalin sa trabaho natin, dahil sa ginawa mo?” Nailing si Dell, habang napangiti. “Wala kabang tiwala sa akin?” “Wala sa tiwala ‘yan. Halika na, maghahanap nalang tayo ng iba.” “‘Wag na, nawalan na ako ng gana.” Wika ni Dell. “Uuwi nalang ako. Pagod na rin kasi ako.” Muling wika niya rito. “Paano, mauna na ako sa 'yo. Magkita nalang tayo bukas.” Wika ni Dell, habang tinalikuran siya at kinawayan. Napatitig naman ito sa likuran niya habang napangisi. ****“Ma'am Dell, kumain na po kayo.” Wika ng katulong niya. “Sige po, ako na po ang bahala. Magpahinga nalang po kayo.” Wika niya rito. Habang nakaupo si Dell, sa harapan ng mesa ay napatingin siya sa kanyang phone. Balak niya sana na ipatanggal ang mag-asawa na ‘yon, sa kump
2773RD POV “Pasensya kana.” Yukong wika nito, kaya nilapitan ito ni Dell. “Bakit ka humihingi ng tawad? Wala ka namang ginagawang masama?” Nag-angat ito ng mukha niya, at napatitig sa kanya. “H-hindi ka galit?” Wika nito, habang bakas sa mukha nito ang saya. “Hindi, bakit naman ako magagalit. Upo ka.” Yaya ni Dell, sa kanya. Mabilis naman itong umupo sa kanyang tabi. “Gusto mo?” Alok ni Dell, sa kanya. Hindi niya naman maiwasan na mapatitig dito, dahil sa nakatingin lang ito sa hawak niya. “Sige lang sa 'yo nalang ‘yan.” Ngiting wika nito sa kanya. “Nakakapunta kana pala sa hotel dito?” Tanong niya, at kita niya sa mukha nito ang gulat. “O-oo..” “Kung ganun, pwede mo ba akong ipasyal do’n?” Ngiting wika niya, habang hindi naman ito makapaniwala na tumingin sa kanya. “I-ibig mong sabihin, sasama ka sa akin?” “Oo naman, bakit hindi? Maganda nga ‘yon, may tour guide ako.” “Dell!” Malakas na sigaw ni Kyla, hindi niya ito napansin na nasa likuran na nila ito. “Halika! At ‘wag
2763RD POV “Bakit kaba nakikipag-usap sa kanya?” Tanong ni Kyla. “Anong masama?” Balewala na tanong niya rito. “Alam mo bang ang weird ng taong ‘yan, kaya hindi namin siya pinapansin. Ang sabi-sabi pa nga ng iba, ay bal*w siya.” Napatingin si Dell, sa lalaki na busy sa trabaho nito. “Normal naman siya.” Sagot niya kay Kyla. “Anong normal? Hindi siya normal. Sa mga naririnig ko, ay isa siyang killer.” Hindi napigilan ni Dell, na matawa, dahil sa sinabi ni Kyla, kaya napatingin sa kanila ang lahat ng kasamahan nila. Sinaway naman siya ni Kyla, kaya siya tumigil. “Anong nakakatawa?” Tanong ni Kyla, sa kanya. “Paano mo kasi na isip na isa siyang mamamatay tao?” Natatawa pa rin na wika ni Dell. “‘Yon kasi ang sabi nila, isa pa. Mukha naman na totoo, kasi tingnan mo naman ang kanyang itsura.” “‘Wag mo siyang husgahan, dahil lang sa itsura niya, malay mo. Kapag inayos na niya ang sarili niya, baka ma-inlove ka sa kanya.” Si Kyla, naman ang natawa dahil sa kanyang sinabi. “Malabo
My Mysterious Wife Book VIII Chapter 2753RD POV “Nasa’n kana naman?” Wika ng kanyang ina, matapos niyang sagutin ang phone niya. “Mommy, nasa probinsya ako.” Sagot niya rito. “Probinsya? Bakit nand’yan kana naman? Nakalimutan mo ba ang nangyari sa ‘yo noon?” Wika ni Aira sa kanya. “Mommy, kalimutan niyo na po ‘yon, Isa pa. Wala naman nakakakilala sa akin dito.” “'Yon nga ang inaalala ko. Lalo na at wala ka pang dalang bodyguard.” Napangiti si Dell, dahil sa narinig niya, mula sa kanyang ina. Hindi pa kasi ito nasanay sa kanya. “Mom, ako na po ang bahala sa sarili ko, Isa pa wala naman pong nakakakilala sa akin dito.”“Kaya nga, bakit ba kasi ang hilig mo sa lugar na ganyan? Pwede ka naman sana rito?” “Mom, hayaan niyo na po muna ako, I love you Mommy..” Malambing na wika ni Dell, kaya napahinga ng malalim si Aira, bago nito pinutol ang tawag niya. Noon paman ay ito na talaga ang hilig ni Dellemarre. Ang pumunta sa mga probinsya, at magmasid sa mga tauhan nila. “Napa-angat s