1263RD POV “Hindi pwede.” “Pero Mom!” “Kapag sinabi kung hindi pwede, hindi talaga.” “Mom! Alam mo ba ang ginawa ng babaeng ‘yon sa akin?” “Wala akong pakialam Evo!” “Mommy, ayos lang ba talaga sa ‘yo na ipahiya ako ng babaeng ‘yon? Bakit ba ayaw mong pumayag na makipag-divorce ako sa kanya?” Galit na sigaw ni Evo sa kanyang ina. aaaa“Sampung taon, kung hindi pa rin kayo mag-work, pwede mo na siyang hiwalayan.” Napakuyom ang kamao ni Evo dahil sa narinig niya. “Lahat ng gusto mo, ay ibibigay namin sa ‘yo, Basta 'wag mo lang hiwalayan si Catherine.” Napapikit si Evo sa mga mata niya habang naupo ito sa sofa. Sinundan niya agad ang mga magulang niya sa ibang bansa, para sabihin ang ginawang panloloko ni Kai sa kanya, pero hindi niya akalain na mas kakampihan nila ito. Ang akala niya ay papayagan siya ni Aira na hiwalayan ito pero hindi pala, at kailangan pa niyang maghintay ng sampung taon para makalayo sa babaeng ‘yon. Hindi rin akalain ni Evo na marunong makipaglaro si Kai.
127 Lihim na nilagyan ni Evo ang buong bahay nila sa CCTV, habang ang ibang CCTV nila ay alam ni Kai kung saan ito naka-pwesto. Para makita niya kung ano ang ginagawa ni Kai. Hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi nito na pumunta lang siya sa likod ng pinto. “Hindi rin siya multo, dahil nakikita namin siya at nahahawakan ko rin. Ano kaya talaga siya?” Wika ni Evo habang nakatingin kay Kai sa cp niya. “Sir.” Nag-angat ng mukha si Evo nang marinig niya ang kanyang secretary. “Bakit?” “May naghahanap po sa inyo sa labas.” Napakunot ang noo niya, dahil sa sinabi nito. “Naghahanap?” “Opo,” “Sino?” “‘Yong dating secretary po ni Mr. Smith.” Napahawak siya sa noo niya, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Sabihin mo umalis ako.” “Po?” “Bingi kaba? Sabihin mo umalis ako!” Galit na sigaw niya rito at muling tiningnan si Kai, pero namilog ang mga mata niya nang makitang wala na ito sa kwarto nito. “Fvck! Nasa’n na siya?” Wika ni Evo habang tiningnan niya ang lahat ng CCTV na nilagay niya
128 3RD POV “Anong ginagawa mo?” Galit na wika ni Evo habang nilapitan siya. “Wala naman, maganda ba?” Ngiting tanong niya, kaya sinakal siya ni Evo. “Sir..” Awat ng mga katulong kaya masama niya itong tiningnan. “Anong masama sa ginawa ko? Ang cute mo nga kapag may nakabaon na kutsilyo sa noo mo.” Mas lalo pang hinigpitan ni Evo ang pag-sakal sa leeg ni Kai, dahil sa sinabi nito sa kanya, kaya naubos ito. “Sh!t!” Malakas niyang sigaw ng tamaan ang gitna niya ng tuhod ni Kai, kaya nabitawan niya ito. “Pagbabayaran mo ‘yang ginawa mo sa mukha ko!!” Galit na sigaw ni Evo habang nakatingin sa picture niya na nilagyan ni Kai ng kutsilyo ang noo at nilagyan ng sungay. “Bakit hindi ka natutuwa sa itsura mo r’yan?” Natatawa na wika ni Kai habang napahawak ito sa leeg niya. “Talagang ginagalit mo ako Kai.” Napakuyom ang kamao ni Evo habang nilapitan ang picture niya at kinuha ito. Napa-halakhak naman si Kai habang lumabas si Evo sa kanyang kwarto. Halos basagin lahat ni Evo ang mga
1293RD POV “Ang init! Bakit niyo ba binuksa-.” Natigilan si Evo nang imulat niya ang kanyang mga mata. “Ang sarap ng tulog mo ‘di ba?” Ngiting wika ni Kai sa kanya, habang mabilis siyang bumangon. “Bakit dito mo ako pinatulog?” Galit na tanong niya matapos niyang tumayo.“Ikaw nga ang may gusto na matulog dito sa rooftop.”“‘Wag mo akong gawing tanga! Dahil kahit gaano ako kalasing! Hindi ako natutulog kung saan-saa-.” Napakunot ang kanyang noo habang nakikita ang mga picture ng mga unggoy na nakapalibot sa rooftop. “Bakit may mga ganyan dito?” Tanong niya habang napatingin si Kai sa paligid. “Nilagyan ko, para hindi mo makalimutan na ganyan ang mukha mo.” “Damn you!” Mabilis na tumakbo si Kai papa ng rooftop ng makita ang itsura ni Evo. Kahit masakit pa ang ulo niya ay agad siyang bumaba. Napahawak din siya sa kanyang katawan, dahil sumakit ito. Hindi kasi sanay si Evo na matulog sa sahig lalo na sa semento. “Tanggalin niyo ‘yong mga kalat sa taas!” Galit na sigaw niya sa mg
1303RD POV Hindi mapakali si Evo at paulit-ulit na tinawagan ang number na tumawag si phone ni Kai pero hindi na ito makontak. Panay rin ang ginawang paggising niya rito. “S-Sir.. Ilipat na po ba namin si Ma’am?” Tanong ng katulong sa kanya, kaya masama niya itong tiningnan. “Anong Ilipat? ‘Dito lang siya matutulog.” Galit na wika niya rito. ‘Tsk, akala mo ‘di ako maghiganti sa ‘yo?’ Umupo si Evo sa tabi ni Kai at pina-unan niya ang ulo nito sa kanyang hita. “Hmm, dito ka muna.” Wika niya habang tinitigan ito. “Ano ba talaga ang sikreto mo Kai? At sino ang batang ‘yon? Bakit ka niya tinatawag na mama?” Dahil sa antok ay hindi namalayan ni Evo na nakatulog din siya sa tabi ni Kai. Nagising siya ng may bumuhos sa kanya ng tubig. “Fvck!” Malakas na sigaw ni Evo at nakita si Kai na nakatayo sa harapan niya. Galit na galit itong tumingin sa kanya. “Anong ginawa mo?” Inis na tumayo si Evo at galit na tiningnan si Kai. “‘Diba ako ang dapat magtanong sa ‘yo niyan!” Sigaw niya rito
131 3RD POV “Mabuti naman at alam mo pa pala ang daan papunta rito sa bahay.” Wika ni Aira sa kanya, habang ang paningin niya ay nasa kusina. “Lagi naman akong pumunta rito Mom,” “Lagi? Ni nindi ka nga namin mahagilap ng daddy mo? Kung hindi pumunta rito si Catherine, siguro hindi ka rin uuwi rito?” “‘Wag mo na po siyang pagalitan Mommy, busy lang po kasi si Evo sa mga babae niya.” Gulat na napatingin si Evo kay Kai dahil sa sinabi nito sa kanyang ina.“Hindi ka pa rin pala nagbabago?” “Dad, ‘di po ba nagbago na ako?” Wika niya kay Dylan at agad na nagtago sa likod nito. “Wife, ‘wag mo nang pagalitan ang anak natin, malaki na siya alam na niya ang ginagawa niya.” “Isa ka pa! Manahimik ka nga!” Sigaw nito kay Dylan, kaya napakamot ito sa kanyang ulo. Nilapitan naman ni Evo si Kai at hinawakan ang braso nito.“Paano ka nakarating dito?” Bulong na tanong niya. “Sumakay, hindi ko naman pwedeng lakarin ‘to ‘di ba?” Ngising wika nito sa kanya. “Kai..” Asik niya rito. “Bakit?” Ngi
132 3RD POV “Ang sabi ni Mommy, “wag ka raw muna pumasok.” Wika ni Kai sa kanya habang dinalhan niya ito ng pagkain. Hindi sumagot si Evo sa kanya at tumingin lang ito sa pagkain. Ayaw niya sana na umuwi, pero pinahatid siya ni Aira sa kanila. “Baka may lason ‘to?” Kunot-noo noo na wika niya, pero hindi niya maiwasan na magtaka, dahil imbis na magalit si Kai sa kanyang sinabi ay malakas pa itong natawa. “Alam mo, kung gusto talaga kitang lasunin, dapat noon pa, kaya kumain kana.” Wika nito sa kanya. “Natatakot kana ba sa akin Evo?” Ngiting wika ni Kai sa kanya, kaya napatitig siya rito. “B-bakit naman ako matatakot sa ‘yo?” Utal na sagot niya habang pinagpawisan. Aaminin niya na nakaramdam na siya ng takot kay Kai. Pakiramdam niya ay may kapangyarihan ito at hindi ito tao. “Kumain kana.” Muling wika ni Kai sa kanya at nilagay sa harapan niya ang pagkain. “Kumusta ang paghahanap mo ng record ko?” Gulat siyang napatingin kay Kai, dahil hindi niya akalain na alam nito ang ginagaw
1333RD POV “Mabuti at pumasok kana?” Tanong ni Aaron habang papalapit ito sa kanya.“Alam mo bang muntik na naman magalit si Mommy sa ‘yo? Pasalamat ka talaga kay Mommy Anna.” Hindi kumibo si Evo sa kanya at masama lang tiningnan si Aaron. “Bakit kaba galit sa akin? Wala naman akong ginawa sa ‘yo?” “Anong wala? Sa tingin mo natutuwa ako noong pinagtatawanan mo ako?” “Sino ba kasi ang hindi matatawa sa ‘yo? Evo! Anong taon na ngayon, naniniwala ka pa rin sa mga aswang?” “Bakit ba ayaw mong maniwala?” Galit na wika ni Evo at kinuha ang kanyang phone. Binalikan niya ang araw kung kailan siya kausap ni Kai habang nakatingin sa CCTV. “Nakita mo na? Ngayon Sabihin mo sa akin kung hindi ba aswang ang asawa ko?” Napakunot ang noo ni Aaron at muling napatitig sa phone niya. “Sira, hindi mo ba nakita ang hawak niya?” Wika ni Aaron sa kanya kaya muli niya itong tiningnan. “Tingnan mo, nakahawak siya sa kanyang phone. Malay mo ganun din ang ginawa niya sa ‘yo.” Napakunot ang noo ni Evo h
CHAPTER 13 3RD POV “Daisy, ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Umayos ka nga.” Sagot nito sa kanya, kaya napatingin siya sa paligid. “T-teka lang.. N-nasa’n ako?” Wika niya na kina-kunot ng noo ng kanyang kakambal. “Nasaan? Nagpapatawa kaba?” Natatawa na wika nito sa kanya. “Tumayo kana nga r’yan. Hindi kaba nahihiya na matulog dito?” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “N-nasaan ba ako?” Muling tanong niya, kaya napa-upo sa kanyang tabi si Dahlia. “Ayos ka lang ba? Nasa airport tayo, at sinundo kita, dahil nag-message ka sa akin, na susunduin kita rito.” “A-airport? P-paano ako nakarating dito?” Hindi makapaniwala na tanong niya rito. “Hindi bagay sa ‘yo, ang magiging artista. Tandaan mo ‘yan, kaya halika na.” Inis na wika ng kakambal niya habang tumayo. “Pwede mo ba akong kurutin?” “Kurutin? Bakit?”“Basta. Bilisan mo, dahil baka nanagini-. Ahh!!” Sigaw nita matapos siyang kurutin ng malakas ni Dahlia. “Ang sakit naman nun!” Galit na wika niya rito. “Sinabi mo kurutin kita,
CHAPTER 12 3RD POV “Bumaba na tayo.” Wika nito, kaya tumingin siya rito. “Bakit? Anong gagawin natin do'n?” Taka na tanong niya rito. “Magluluto na ako, para sa hapunan natin.” Sagot nito, kaya napatingin siya sa labas. “Mukhang maaga pa.” Kunot noo na wika niya. “Mas maganda kasi kapag nandito na tayo sa taas mamaya. Alam mo naman, delikado sa labas.” Wika nito, kaya napatango siya. “Ayaw mo kasi na magpa-iwan dito.” Wika nitong muli, habang palabas sila sa silid. “Alam mong takot ako ‘di ba?” Sagot niya, habang hindi na ito umimik pa. NANG marating nila ang kusina ay umupo siya sa upuan at nagmamasid sa ginagawa ni June. “Mahilig ka pa lang magluto?” Tanong niya rito. “Sinikap kung matuto para kapag nag-asawa ako, ako mismo ang magluluto para sa kanya.” Malungkot na sagot nito. “Bakit hindi ka nag-asawa noon?” Tanong niyang muli. “Akala ko kasi ikaw ang tamang babae para sa akin.” “Ayan kana naman. Alam mong hindi pa ako ipinanganak, noong kabataan mo.” “Pero alam mo,
CHAPTER 113RD POV “Manahimik ka nga!” Inis na wika niya, at muling tinuon ang atensyon niya sa kanyang pagkain. “Akala ko nasa malayong lugar tayo.” Wika ni Daisy, matapos siyang kumain. “Sa tingin ko, malapit lang tayo sa syudad, kung saan naroon ang isa sa mga restaurant ni Tita Catherine.” Kunot noo na wika niya rito. Habang kumain kasi siya kanina, ay nalaman niya na ang mga pagkain ay galing sa restaurant ng ina ni Ellie. “Hmm, sadyang matalino talaga kayo.” Ngiting wika nito sa kanya. “Kilang-kilala ko ang luto nila.” Sagot niya rito. “Paano ka nakarating do’n?” Muling wika niya, habang tinitigan ito. “Sa tingin mo ba, aamin ako?” Sagot nito habang tumayo. Mabilis naman niya itong sinundan. “Alam kung hindi. Pero sino kaba talaga? Paano mo ako nakikilala?” Tanong niya rito, habang patuloy itong sinusundan. “Basta kilala kita matagal na.” Sagot nito at umupo sa damuhan. Napakunot naman ang noo ni Daisy, habang nakatingin sa kanya.“Bakit kaba umupo r’yan?” Tanong niya,
CHAPTER 10 3RD POV ‘Kainis! Bakit ba hindi ko maalala?’ Lumipas ang ilang oras, ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Daisy. Panay lang ang pagpikit niya ng kanyang mga mata. “June..” Sambit niya, habang hindi ito tiningnan. Ayaw niya na idilat ang kanyang mga mata, dahil natatakot siya. Iniisip niya na nagmumulto ang mga lalaking napatay ng matanda. “Tulog kana ba?” Muling wika niya, habang wala siyang naririnig mula rito. ‘Dapat pala hindi ko nalang siya kinakausap. Wala naman akong mapapala, dahil antukin naman ang mga matatanda.’ Inis siyang tumalikod at pinilit na makatulog. NANG magising si Daisy, ay agad siyang napabalikwas. Napatingin siya sa matanda at nakita na mahimbing pa rin itong natutulog. “Lolo..” Sambit niya at tumayo. ‘Anong oras na kaya?’ Tumayo siya at lumapit sa malaking kurtina. Binuksan niya ito, at sinilip ang labas. ‘Mukhang tanghali na. Bakit hindi pa rin siya gumising?’ “June..” Wika niya at kinalabit ito. Pero wala pa rin siyang nakuhang sagot mul
CHAPTER 9 3RD POV “Halika na,Baby.” Wika nito at nauna na muling naglakad. Habang nagluluto ito ay nakatingin lamang si Daisy, sa kanya. pinapanood niya ang bawat galaw ng matanda. “Ilang taon kana?” Tanong niya, habang napansin na natigilan ito at nilingon siya. “Bakit?” Sagot nito at muling tinuloy ang ginagawa. “Pansin ko kasi na malakas ka pa.” Wika niya, kaya nilingon siya nitong muli. “Sinabi ko naman sa ‘yo, na kaya ko pang gumawa ng bata, kahit isang dosena pa.” Inis niya itong tiningnan, dahil sa sagot nito sa kanya. “Bakit ba ayaw mo akong kausapin ng maayos?” Wika niya habang tumayo at lumapit dito. “Wala talaga akong tanong na sinasagot mo ng maayos. Puro ka nalang talaga kalokohan.” Galit na wika niya.“Gusto mo ba talagang iwanan kita rito?” Wika niyang muli, habang ngumiti ito. “Bakit? Alam mo ba ‘yong daan palabas ng bahay ko?” Sagot nito habang nailing.“Pwede bang pauwiin mo na ako.” Wika niya, habang napansin na natigilan ito. “Ito naman ang gusto mo ‘di
CHAPTER 83RD POV “Bakit mo ba kasi siya pinakawalan?” Inis na wika ni Daisy, habang bumalik at umupo sa tabi ng matanda. “Ayaw ko na silang dagdagan pa sa loob.” Balewala na wika nito at tumayo. Napatayo naman si Daisy, at inalalayan ito nang muntik na itong matumba. “Ayos ka lang?” Tanong niya, habang tinitigan ang matanda. Umiling ito sa kanya, habang napahawak sa tagiliran nito. “Samahan mo nalang ako sa taas. Gusto kung magpahinga.” Wika nito, habang bakas sa mukha nito ang sakit. “S-sige.” Utal na sagot niya, habang hindi maiwasan na makaramdam ng kaba. Iniisip niya na baka may masamang mangyari sa matanda. Paano nalang siya makalabas. Isa pa, ayaw niyang mag-isa dahil natatakot siya sa mga bangkay na nasa loob ng silid. ‘Ito ba ang silid niya?’ Napatingin si Daisy, sa malawak na silid at tangging sofa lang ang nakikita niya. ‘Paano niya ako nakikita kung nandito siya?’ Nang mapatingala siya, ay napakunot ang kanyang noo, matapos niyang makita ang mga cctv. Na nasa taas.
CHAPTER 7 3RD POVGulat na napatingin si Daisy, sa matanda. Nang bigla nalang nitong iwaksi ang tatlong lalaki na may hawak sa kanya. Diritso nitong nilapitan ang lalaking may hawak sa kanya at malakas itong binalibag. Akmang bubunot sana ng baril ang mga lalaking nasa likuran niya. Pero nauna siyang nagpaputok rito. “’Wag! M-maawa ka B-Boss..” Nagmamakaawang wika nito, habang lumuhod. “Awa? Bakit? Dapat kabang kaawaan?” Narinif niyang wika ng matanda sa lalaki. “Pero sige, pagbibigyan pa rin kita. Tumakas ka, hanggang kaya mo, dahil kapag nahuli kita. Patay ka sa akin.” Ngising wika nito, kaya dali-dali itong tumayo at mabilis na tinakbo ang pinto. Tulala naman na napatingin si Daisy, sa matanda. Habang kinalagan siya nito. “Lumipat ka muna ng ibang silid.” Wika nito, habang inalalayan siyang tumayo. “Talagang lilipat ako, dahil nakakatakot dito!” Galit na sigaw niya rito, habang humawak sa braso. “Bakit ba wala kang ibang kasama rito? Nasa’n ba ‘yong mga taong pumasok noon?
CHAPTER 6 3RD POV Lalo pang namilog ang mga mata ni Daisy, habang tinakpan pa rin ng matanda ang kanyang bibig. Mas lumakas pa kasi ang kalabog na narinig niya mula sa labas. Naisipan ni Daisy, naapakan ang para ng matanda. Para makasigaw siya at mabitawan nito, napatitig lang ito sa kanya at wala rin siyang makitang reaksyon, mula rito. “Fcvk!” Narinig niyang wika nito, habang hinila siya nito pabalik sa kama. Mabilis din ang galaw nito, na kinuha ang isang panyo at nilagay ito sa kanyang bibig. “Umm..” Ungol niya, matapos nitong matali ang panyo, sa bibig niya. Mahigpit naman nitong hinawakan ang kanyang mga kamay, para matali ito sa kama. “Ummm!!!” Ungol muli ni Daisy, habang napatingin ito sa matanda na palabas. ‘Tulong!!’ Gusto niya itong isigaw, pero walang lumalabas na boses sa kanyang bibig kun’di puro ungol, dahil sa panyo. ‘Kailangan kung makawala rito. Alam kung ito na ang pagkakataon, para mailigtas ako rito, nang taong nasa labas.’ Napapitlag siya, matapos niyang m
CHAPTER 5 3RD POV Halos malula si Daisy, nang makita ang nag-tataasan na pader. Kanina pa siya paikot-ikot sa bakuran, pero wala siyang makitang gate. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng kaba, matapos makita ang lalaking nakasuot ng mascara. Muli siyang tumakbo, at naghahanap muli ng daan, na pwede niyang labasan. “Mapapagod ka lang!!” Napatingala siya, at doon niya nakita ang mga naglalakihang speaker na nasa taas. “Kung ako sa ‘yo, bumalik kana.” Muling wika nito, pero hindi pa rin siya tumigil sa kata-takbo. ‘Anong klaseng lugar ba ‘to? Bakit walang daan palabas?’ Hindi niya maiwasan na maiyak, habang nakaramdam na nang pagod. Gusto na niyang sumuko, pero nasa isip niya pa rin ang tumakas. Kailangan niyang makawala sa lalaki. “Hindi kaba talaga hihinto?” Natigilan siya matapos makita itong nakatayo sa harapan niya. Namilog din ang kanyang mga mata, matapos niyang makita ang dala nito. Itinaas ni Daisy, ang kanyang mga kamay. Habang tinutok ng lalaki ang baril na hawak niya sa