SHAINA
Dahan-dahan akong naglalakad patungo sa kusina para makausap ang aking ina habang siya ay nagluluto ng aming ulam para mamayang hapunan. Napansin niya siguro ang paglapit ko sa kanya kaya mabilis na lumingon siya sa akin. Pilit na ngiti ang pinakawalan niya at ramdam ko pa rin ang bigat nang nararamdaman niya dahil 'yon sa pagpanaw ni papa tatlong linggo na ang nakalilipas. Namatay si papa sa sakit niya sa puso na ilang taon na niyang dinadala-dala."Nagugutom ka na ba?" tanong ni mama sa akin habang ako'y nakanguso."Ma, hindi pa naman po," mahinang sagot ko sa kanya. Humugot siya nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa akin.Tumango rin siya."Akala ko kasi ay nagugutom ka na pero malapit na rin maluto 'tong adobong manok na niluluto ko na ulam natin mamayang hapunan. Alam ko na paborito mo 'to," sagot ni mama sa akin na nakangiti. Ngumiti rin ako sa kanya."Opo. Paborito ko po talaga 'yan na niluluto mo na adobong manok," sagot ko sa kanya."Kaya nga 'yon ang naisipan ko na iluto ngayon, eh. May kaunting ipon pa naman ako kaya binili ko na para may masarap na ulam tayo mamayang hapunan," sabi sa akin ni mama."Hindi na po n'yo dapat na ibinili ang kaunting natitirang ipon mo po para makabili lang ng masarap na ulam namin. Itinabi mo na sana po 'yan," sabi ko."Shaina, wala naman na problema 'yon sa akin. Tayo lang naman ang magkikinabang, eh. 'Wag kang mag-alala dahil may kikitain naman ako bukas. Marami-rami ang mga labahan ko bukas doon kina Ma'am Liza. May kita na naman ako n'yan bukas," paliwanag ni mama sa akin. Napanguso tuloy muli ako sa harap niya."E, kahit na po. Para naman po sa mga kapatid ko ang ipon n'yo, eh. Para po 'yon sa pag-aaral nila," sabi ko sa kanya."Alam ko naman 'yon, eh. 'Wag ka nang mag-alala dahil minsan lang naman tayo kakain ng adobong manok. Alam ko na nagsasawa na kayo sa gulay kaya naisipan ko na bumili nito," nakangising sabi sa akin ni mama."Kumakain naman po kami ng gulay, eh. Hindi naman po kami maarteng mga anak mo po," sabi ko kay mama at napangisi pa siya."Gusto ko lang naman kayo pasayahin na mga anak ko. 'Wag ka nang mag-alala," sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. May gusto akong itanong kay mama kaya pumunta ako sa kanya dito sa kusina. Huminga muna ako nang napakalalim bago simulan na sabihin 'yon sa kanya."Ma, may itatanong po ako sa 'yo..." sabi ko sa kanya."Ano 'yon? Ano ang itatanong mo sa akin, huh?" tanong ni mama sa akin."Papayagan mo po ba ako na sumama kay Tita Delia para magtrabaho sa Maynila sa susunod na linggo?" tanong ko nga kay mama habang nagpipigil ako ng aking hininga. Namilog ang mga mata ni mama sa naging tanong ko sa kanya."Gusto mo na sumama sa Tita Delia mo sa Maynila sa susunod na linggo para magtrabaho, huh? Sigurado ka ba sa sinasabi mo sa akin?" Mabilis naman na tumango ako kay mama bilang patunay na sigurado talaga ako na sumama kay Tita Delia sa Maynila para magtrabaho. Nasa tamang edad naman na ako at puwede na akong magtrabaho kahit katulong sa bahay."Opo. Sigurado po ako sa sinasabi ko. Gusto ko po na sumama kay Tita Delia para magtrabaho sa Maynila. Payagan mo po sana ako dahil gusto ko po na magtrabaho doon at para makatulong naman po ako sa 'yo," sabi ko kay mama. Napahilamos ng kanyang mga kamay si mama sa kanyang mukha sa sinabi ko na 'yon sa kanya."Shaina, hindi mo naman kailangan na magtrabaho para makatulong sa amin ng mga kapatid mo ngayon. Sapat na sa akin na binabantayan mo ang tatlo mong mga kapatid at tinuturuan sila sa eskuwela, eh. Kaya ko naman kayo na buhayin kahit sa paglalabandera ko, eh," sagot ni mama sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya."E, kahit na po. Gusto ko po talaga na makatulong sa inyo kaya magtatrabaho na po ako sa Maynila. Gusto ko po na sumama kay Tita Delia at sana po ay payagan mo na po ako. Nasa tamang edad na po ako para magtrabaho, eh. Kahit hindi po ako nakapagtapos ng pag-aaral sa high school ay makakapaghanap naman po ako ng trabaho doon sa Maynila, eh," pakiusap ko kay mama."Alam mo ba ang trabaho ng 'yong Tita Delia sa Maynila, huh? Alam mo ba na isa siyang katulong doon?" sagot sa akin ni mama. Tumango naman ako sa kanya."Opo. Alam ko naman na po, eh. Sinabi niya po sa akin. Gusto ko po na magtrabaho doon sa Maynila. Payagan mo na po ako mama. Gusto ko po talaga na makatulong sa inyo. Gusto ko po na makaahon tayo sa kahirapan ng ating buhay. Uuwi naman po ako palagi dito sa probinsiya kapag pasko po. Hindi ko naman po kayo kakalimutan, eh. Palagi po akong magpapadala sa inyo ng pera kapag suweldo ko na po. Please. Payagan mo na po ako mama," pakiusap ko muli kay mama."Kung papayagan kita na sumama sa Tita Delia mo para magtrabaho sa Maynila, kaya mo ba magtrabaho bilang isang katulong, huh? Hindi madali ang magtrabaho bilang isang katulong. Naging katulong rin ako noon na dalaga pa ako bago ako maasawa ng papa mo kaya alam ko ang hirap na dinaranas ng isang katulong araw-araw. Sinasabi ko 'to sa 'yo para hindi ka magsisi sa bandang huli o kaya ay hindi ka na sumama sa Tita Delia mo. Sinasabi ko 'to sa 'yo para malaman mo dahil kung hindi mo kayang panindigan ang papasukin mo na trabaho ay huwag mo na ituloy. Puwede ka naman na magtrabaho dito sa atin sa probinsiya, eh," sabi sa akin ni mama pero hindi ko pinakinggan 'yon."Kaya ko naman po na maging isang katulong. Kaya ko po na magtrabaho sa loob ng bahay araw-araw na tanging ang magiging amo ko lang po ang pagsisilbihan ko at wala na ngang iba pa. Hindi ko po pagsisihan ang gagawin ko po na magtrabaho sa Maynila bilang isang katulong dahil gagawin ko po 'yon para makatulong at maiahon sa hirap ang pamilya natin," sagot ko sa mama ko na determinado na gawin ang gusto ko na magtrabaho sa Maynila bilang katulong kasama ang Tita Delia ko. Hindi muna siya sumagot sa sinabi ko sa kanya.Makaraan ang ilang segundo ay nagsalita siya."Hindi ako papayag na sumama ka sa Tita Delia mo para doon ka magtrabaho kahit gustong-gusto mo pa na gawin 'yon para sa amin na pamilya mo. Kaya ko pa naman kayong buhayin kaya hindi mo kailangan na magtrabaho para tumulong sa amin," sagot ni mama sa akin.Matapos niyang sabihin 'yon ay nanuyo ang lalamunan ko. May tumulong mga luha mula sa mga mata ko sa sinabi niya na hindi niya ako papayagan na sumama kay Tita Delia para magtrabaho sa Maynila. Kaagad naman na tumalikod siya sa akin na nakanguso at pinagpatuloy ang pagluluto niya. Hindi na siya nagsalita pa. Alam ko sa sarili ko na nasasaktan siya sa sinabi ko sa kanya at lalo na ang nais ko na mangyari na sumama kay Tita Delia sa Maynila para doon magtrabaho para na rin makatulong sa pamilya namin.Hindi ako sumabay na kumain ng hapunan sa kanila. Pakiramdam ko pa ay nawalan na ako nang gana na kumain dahil sa sinabi niya na hindi siya pumapayag na sumama ako sa Tita Delia ko papunta sa Maynila para doon magtrabaho. Malapit na silang matulog nang magpasya akong kumain ng hapunan. Ang inaasahan ko sana na masayang hapunan namin ay hindi nangyari kaya habang sinusubo ko ang kinakain ko ay hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa aking mga mata na hindi tumulo. Naalala ko rin tuloy si papa.Hindi ako tumigil kahit alam ko na hindi pumapayag si mama na hindi ako sumama kay Tita Delia para magtrabaho sa Maynila. Araw-araw ko siya na kinukulit hanggang sa pumayag na nga siya. Napakasaya ko nang pumayag na siya sa akin ngunit may halong lungkot 'yon dahil iiwan ko na sila muna dito sa probinsya para magtrabaho doon sa Maynila.Matapos akong payagan ni mama na sumama kay Tita Delia sa Maynila para magtrabaho ay kinausap niya kaagad ito. Ibinilin ni mama kay Tita Delia na huwag na huwag akong pababayaan doon sa Maynila habang nagtatrabaho ako. Nangako naman si Tita Delia na hindi niya ako pababayaan doon. Natuwa naman ako sa ginawa niyang 'yon.Nag-impake kaagad ako ng mga damit ko na dadalhin sa pagpunta ko sa Maynila kasama ni Tita Delia. Biglang dumating si mama habang nag-iimpake ako ng mga damit ko."'Wag mong pababayaan ang sarili mo doon," mahinang sabi sa akin ni mama. Tumigil muna ako sa pag-iimpake at humarap sa kanya para sumagot."Opo. Hindi ko naman po pababayaan ang sarili ko doon, eh. Palagi po kayong mag-iingat dito sa probinsya. 'Wag po kayong mag-alala dahil palagi po akong tatawag sa inyo. Pinapangako ko po 'yan," naluluhang sabi ko kay mama."Mag-iingat ka rin doon. Iba ang buhay sa Maynila kaysa sa buhay natin dito sa probinsiya," sabi niya sa akin."Alam ko naman po 'yon. Pero salamat po talaga sa pagpayag na sumama ako kay Tita Delia para magtrabaho doon sa Maynila," pasalamat ko kay mama sa pagpayag niya na sumama ako kay Tita Delia para magtrabaho. Ngumiti naman siya sa akin bago sumagot."Pumayag ako dahil sa gusto mo talaga na gawin 'yon pero kung hindi ko iniisip ang kagustuhan mo na sumama sa Tita Delia mo para magtrabaho sa Maynila ay hindi talaga kita papayagan na kahit kailan pa 'yan. Ayaw ko naman na sumama ang loob mo nang tuluyan sa akin dahil sa hindi ko pagpayag sa 'yo. At dahil mahal kita ay ginawa ko 'yon kahit masakit isipin na mawawalay ka sa amin ng mga kapatid mo," naluluha na sagot ni mama."Ma, salamat po talaga sa pagpayag mo sa akin. Salamat po. Hindi naman po ako tuluyan na mawawalay sa inyo. Tatawag po ako sa inyo palagi. Alam ko po nalulungkot kayo na aalis ako pero gagawin ko naman po 'to para sa pamilya natin, eh. Sigurado po ako na palagi po akong gagabayan at babantayan ni papa kaya wala ka po na dapat ipag-alala sa akin. At maging kayo rin po ay palaging ginagabayan at binabantayan ni papa," sabi ko kay mama. Tumulo na nga nang tuluyan ang aking mga luha. Mabilis naman na niyakap ko nang mahigpit ang aking mahal na ina.SHAINA"Sa iisang bahay po ba tayong dalawa magtatrabaho, Tita Delia?" tanong ko kay Tita Delia habang nasa biyahe na kami patungong Maynila. Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot sa akin."Paumahin na hindi ko kaagad nilinaw sa 'yo na hindi tayo magtatrabaho sa iisang bahay. Paumahin talaga dahil hindi ko nilinaw 'yon. Ang pagkakaalam ng 'yong ina ay magkasama tayo sa iisang bahay ngunit hindi ganoon ang mangyayari," nakangiwing sagot ni Tita Delia sa akin na hindi maintindihan. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya."Ano'ng ibig mo pong sabihin, Tita Delia? Magkahiwalay po ba tayo na magtatrabaho sa Maynila? Ganoon po ba 'yon?" nakangusong sagot ko kay Tita Delia na mabilis naman na tumango sa akin."Oo. Ganoon nga 'yon. Hindi tayo sa iisang bahay magtatrabaho. Paumahin kung hindi ko kaagad 'yon nalinaw sa 'yo lalo na sa 'yong mahal na ina. Paumanhin talaga, Shaina," sabi niya sa akin na may kasamang paumahin. Ngayon ay unti-unti ko nang naiintindihan ang ibig niyang sabihin sa akin
SHAINASinamahan ako ni Manong Caloy sa magiging kuwarto ko habang dito ako sa pamamahay ng boss namin nagtatrabaho. Ako lang mag-isa sa kuwarto na 'yon dahil wala namang ibang katulong dito sa loob ng pamamahay ni Sir Jacob kundi kami lang ni Manong Caloy. Hindi naman maliit ang kuwarto ko. Tamang-tama naman 'yon sa akin. Inilagay ko muna ang dalang gamit ko doon sa loob ng magiging kuwarto ko bago ako ilibot ni Manong Caloy sa loob ng malaking bahay. Sinabi na rin niya sa akin ang mga gagawin ko araw-araw. Hindi naman ako nagtaka pa sa mga gagawin ko na 'yon dahil alam ko naman talaga ang ginagawa ng isang katulong o kasambahay. Sanay naman na rin ako sa mga gawaing bahay."Magsisimula na po ba ako ngayon na magtrabaho?" mahinang tanong ko kay Manong Caloy matapos niyang ilibot ako sa loob ng malaking bahay at sabihin ang mga gagawin ko araw-araw.Huminga muna ng malalim si Manong Caloy bago sumagot sa tanong ko na 'yon kung magsisimula na ba ako sa pagtatrabaho ngayong araw na 'to.
SHAINA "Kakain na tayo ng dinner, Shaina," malumanay na sabi ni Manong Caloy sa akin kinagabihan. Nandoon lang ako sa loob ng bahay ni Sir Jacob. Lumapit si Manong Caloy sa akin para sabihin 'yon na kakain na kami ng dinner na dalawa. Iniwan ko na muna siya doon sa kusina kanina habang nagluluto siya dahil ayaw naman niya akong patulungin. Doon muna ako sa taas. Mabilis naman akong tumango kay Manong Caloy pagkasabi niya na kakain na kami. "O, sige po. Dumating na po ba si Sir Jacob?" tanong ko nga sa kanya kung dumating na si Sir Jacob. Sigurado ako na dumating na ito dahil gabi na nga. Hindi naman ito matutulog doon sa opisina ng kompanya niya. "Hindi pa. Hindi pa dumarating si Sir Jacob. Wala pa siya," mabilis naman na sagot ni Manong Caloy sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko. Hindi pa pala dumarating si Sir Jacob. Akala ko pa naman ay dumating na ito. Niyaya na nga niya akong kumain ng dinner."Talaga po? Wala pa po siya?" hindi naniniwalang tanong ko sa kanya na kaag
SHAINA"Anong oras na po ba dumating kagabi si Sir Jacob?" tanong ko nga kay Manong Caloy kung anong oras dumating si Sir Jacob na boss namin. Nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa tanong ko na 'yon sa kanya."Malapit na mag-alas onse ng gabi nang dumating si Sir Jacob kagabi," sagot ni Manong Caloy sa tanong ko. Mabilis ko naman siyang tinanguan at nagsalita, "Ganoon po ba? Hindi ka pa po ba inaantok kagabi habang hinihintay si Sir Jacob?""Inaantok na nga ako, eh, pero kailangan na hintayin si Sir Jacob. Wala akong ibang choice kundi ang hintayin siya na makauwi," sagot ni Manong Caloy sa akin na muli kong tinanguan."Kumain pa po ba si Sir Jacob kagabi pag-uwi niya?" tanong ko pa kay Manong Caloy."Hindi na, eh. Hindi na siya kumain ng dinner pag-uwi niya kagabi. May kasamang kumain siya ng dinner kagabi sa labas. Hindi naman niya sinabi sa akin kung sino. Hindi ko naman siya tinanong pa nang tinanong dahil hindi naman 'yon importante, eh. Hindi nama
JACOBI thought Manong Caloy was knocking on my door, but he wasn't that person I saw. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng aking kuwarto ay si Shaina na kaagad ang bumugad sa akin. I was surprised to see her. Umagang-umaga ay siya ang nakikita ko. Shaina is a pretty woman. She's simple too and I think she's different to those women I had before. Pagkakita ko pa lang kahapon sa kanya ay nakaramdam ako ng kakaiba. Kahapon pa lang ay hindi ko na nga mapigilan ang sarili ko. Ngayon na nakita ko na naman siya ay muli ko naman nararamdaman ang pagkabuhay ng aking pagkalalaki. Ano'ng ibig sabihin nitong nararamdaman ko sa kanya? Nakita ko kanina siya na nakatingin sa katawan ko. Natulala siya habang nagkatingin sa aking malaking katawan. Hindi nga siya makapagsalita kaagad. Nauutal pa nga siya, eh. There's something with her. Sa mga titig pa lang niya kanina sa akin ay para bang may ibang kahulugan 'yon. Hindi kaya gusto niya ako? Well, 'yan ang hindi ko alam. But I'll know that soon. Hindi ak
SHAINAMalinaw na malinaw sa akin ang mga sinabing 'yon ni Sir Jacob. Hindi ko raw kailangan na mahiya dito sa pamamahay niya. Nakakahiya naman kasi, eh, lalo na kung kakain ako ng mga pagkain na pangmayaman kagaya niya. Hindi naman ako aanay sa mga pagkain na 'yon. Sapat na sa akin na kinakain ang tinapay, kape, kanin at ano pa na pagkain na madalas kainin namin na mga mahihirap. Tumango na lang ako sa kanya kanina para wala siyang masabi na kung ano sa akin.Nang makaalis siya patungo sa opisina ng kompanya niya ay naiwan kami doon ni Manong Caloy. Pinagpatuloy ko na ang pagtatrabaho ko sa loob ng pamamahay ni Sir Jacob. Naghugas ako ng mga pinggan na pinagkainan niya. Matapos 'yon ay nagwalis ako. Pinunasan ko ang mga gamit doon sa baba na may mga alikabok lalo na doon sa may sala dahil 'yon ang sabi ni Manong Caloy sa akin. Siya naman ay abala doon sa garden. Iyon naman talaga ang trabaho niya. Ngayon na may bago na ngang kasambahay at ako 'yon ay balik na siya sa dating trabaho n
SHAINANandoon nga sa labas ng bahay ni Sir Jacob ang aking Tita Delia. Naghihintay siya sa akin doon. Hindi na siya pumasok pa kahit sa gate. Doon na talaga siya sa labas. Niyakap ko naman kaagad ang tita ko pagkalapit ko sa kanya at ganoon rin ang ginawa niya. Niyakap niya rin ako. Nagsalita kaagad ako sa kanya nang bumitaw kami sa pagkakayakap sa isa't isa."Ba't nandito po kayo sa labas ng bahay ni Sir Jacob? Wala ka na po bang ginagawa doon sa inyo, Tita Delia?" tanong ko nga kay Tita Delia. Nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa mga tanong ko na 'yon sa kanya."Pumunta ako ngayon dito para kumustahin ka kung okay ka lang, eh. Tita mo ako kaya dapat alam ko kung okay ka lang dito sa pamamahay ni Sir Jacob. Kahit magkaiba tayo ng bahay na pinagtatrabauhan ay hindi dapat kita pabayaan, dapat ay alam ko kung maayos ka lang dito kahit 'yon lang ang puwedeng magagawa ko. Kumusta ka pala dito? Kumusta ang pagtatrabaho mo kay Sir Jacob?" sagot ni Tita De
SHAINA Hindi nga talaga kami nagkamali ni Tita Delia sa inaakala namin. Si Sir Jacob na nga 'yon sakay ng kanyang mamahaling kotse. Nakabukas naman na ang gate ng bahay niya kaya pumasok na ang kotse niya kung saan siya nakasakay. Diretso kaagad sila sa garahe. Naghihintay na rin sa kanya si Manong Caloy. Ako na nagsara ng gate ng bahay niya dahil ako ang nahuling pumasok sa loob. Sumunod naman ako sa kanila sa may garahe. Nasa labas na siya ng kanyang kotse at salubong ang mga kilay na nakatingin sa akin. Medyo kinabahan ako pero naisip ko wala naman akong nagawang masama para magalit siya sa 'kin kaya ganoon ang tingin niya sa akin.Nang makalapit ako sa kanya ay nginitian ko ko siya at binati ng good evening. Pumasok na si Manong Caloy sa loob ng bahay niya dala ang gamit niya. Kaming dalawa lang ang natira doon sa may garahe. Muli kong naramdaman ang bilis ng pagtibok ng aking puso sa hindi ko malaman na dahilan. Dinilaan muna niya ang kanyang mapupulang mga labi at saka dahan-d
Hello guys! Maraming salamat po sa inyong lahat na mga nagbasa ng kuwentong 'to. Sana po kayo ay nagandahan sa kuwentong 'to na sinulat ko. Sana ay may napulot kayong aral kahit papaano. Please share this book to your friends. Maraming salamat po sa inyong lahat! Basahin n'yo rin po ang kuwentong 'to "In Love With My Husband's Son" at sana po ay suportahan n'yo po 'yon kagaya ng pagsuporta n'yo sa kuwentong 'to. Support n'yo pa rin po ang ibang stories ko lalo na itong mga sumunod:• In Love With My Husband's Son • No Love Between Us• Release Me, Mr. Billionaire• A Perfect Man For Me• My Mom's Ex-Boyfriend• Save Me, Mr. Billionaire• Playboy's KarmaMaraming salamat po sa suporta n'yong lahat! Mahal na mahal ko po kayong lahat!❤️❤️❤️
SHAINA Mula sa delivery room ay inilipat na ako sa isang private room matapos ko na ipanganak ang panganay naming dalawa ng asawa ko na si Jacob. Isang malusog na lalaking sanggol ang isinilang ko. Dinala na rin siya sa room kung saan ako ngayon. Katabi ko na nga siya, eh. Maayos naman ang panganganak ko. Hindi naman nagkaroon ng problema. Kasama ko ngayon dito sa kuwarto ko ang asawa ko na si Jacob, pinsan niya na si Camille at Tita Delia. Wala pa sina mama at mga kapatid ko dahil papunta pa lang sila dito sa Maynila.Masayang-masaya kami sa binigay sa amin ng Panginoon na napakaguwapong anghel sa buhay namin ng asawa ko na si Jacob. Kamukhang-kamukha niya ang baby boy namin. Walang nagmana sa akin. Lahat ay nakuha sa kanya. Ang lakas talaga ng dugo ng asawa ko. Naluluha ako habang pinagmamasdan namin siya sa tabi ko."Ano ba ang ipapangalan natin sa kanya, baby?" tanong sa akin ng asawa ko na si Jacob kung ano ang ipapangalan namin sa baby boy namin.Hindi muna ako nagsalita sa ta
SHAINA Doon pa rin ako sa bahay namin natulog habang si Jacob naman na boyfriend ko ay bumalik sa hotel na pinag-check-in-an niya para doon siya matulog. Hinatid naman nga niya ako sa bahay namin matapos namin na mamasyal. Madilim na nga nang umalis siya sa bahay pabalik sa hotel na pinag-check-in-an niya.Isinama namin sina mama at mga kapatid ko sa airport para ihatid kaming dalawa ni Jacob. Umaga ang flight namin pabalik ng Maynila. First time ko na sasakay ng eroplano. Medyo kinabahan nga ako. Mahigpit na niyakap ko sina mama at mga kapatid ko bago kami pumasok sa loob ng airport. Naluluha muli ako habang niyayakap ko sila. Hindi ko alam kung kailan ko sila muling makikita at makakasama. Hindi naman ako sigurado na makakasunod silang dalawa sa Maynila lalo na nag-aaral ang mga kapatid ko. Ilang buwan pa bago magbakasiyon sila.Sabay kaming pumasok ni Jacob sa loob ng airport matapos na magpaalam ako sa kanila ay yakapin ko sila nang napakahigpit na para bang wala nang bukas pa.
SHAINA Tinulungan ako ni mama na mag-impake muli ng mga gamit ko pagkagaling ko sa bahay nina Sir Albert. Kinuwento ko rin naman sa kanya ang naging pag-uusap namin doon. Kinahapunan, akala ko ay aalis na kaming dalawa ni Jacob pabalik sa Maynila ngunit sinabi niya sa akin na bukas na lang kami aalis. Pinuntahan muli niya ako sa bahay namin. Gusto muna raw niyang magikot-ikot dito sa amin kaya pumayag naman ako na samahan siya. Si mama ang naiwan sa bahay namin kasama ang mga kapatid ko. Pinakilala ko rin pala kay Jacob ang mga kapatid ko. Ayaw nga nila na lumapit sa kanya. Nahihiya siguro ang mga 'to dahil ngayon lang nila nakita si Jacob.Sinamahan ko si Jacob na mamasyal dito sa amin. Pumunta kami sa mga pasyalan dito sa amin na gusto niyang mapuntahan.Magkatabi kaming dalawa na nakaupo sa loob ng sasakyan. Kasama pa rin niya si Kuya Alan na naging tour guide na nga niya. May bayad naman si Kuya Alan sa pagsama sa kanya kaya walang problema."Nakausap mo na ba ang lalaking 'yon?
SHAINA Pumunta ako sa bahay nina Sir George kinabukasan. Inagahan ko ang pagpunta ko sa kanila. Tamang-tama ay kakatapos pa lang nila na kumain ng breakfast. Ayaw sana akong kausapin niya ngunit nakiusap ako na kausapin niya. May kailangan akong sabihin sa kanya. Doon kaming dalawa nag-usap malapit sa may garden ng bahay nila kung saan ginanap ang birthday party ng daddy niya. Isa-isang pinaliwanag ko sa kanya ang mga narinig at nakita niya kahapon. Hindi ko siya gustong saktan ngunit kailangan niya na malaman 'yon dahil 'yon ang totoo."Pinaasa mo lang pala ako, Shaina. Hindi mo naman pala ako mahal..." nakangusong sabi niya sa akin matapos kong sabihin ang kailangan niya na marinig mula sa akin.I cleared my throat first and sighed deeply."Hindi po kita pinapaasa, Sir George. Nagsasabi po ako ng totoo sa harapan mo. Mas mabuti na po sigurong malaman mo ang totoo ngayon, eh, para matanggap mo kaagad na hindi po kita mahal. Sinubukan ko na mahalin ka o makaramdam ng pagmamahal sa '
SHAINA Gusto akong sumama ni Jacob sa hotel kung saan siya naka-check in ngunit hindi ako sumama sa kanya. Tumanggi ako sa kanya. Tumagal siya ng ilang oras sa bahay namin. Nakita niya ang hitsura ng bahay namin. Wala naman siyang komento sa bahay namin. Alam naman niya na mahirap lang kami kaya aware naman siya kung ano ang hitsura ng bahay namin. Matagal na nag-usap silang dalawa ng mama ko. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa. Mabait naman siya sa mama ko. Wala naman siyang pinakita na hindi kanais-nais dito. Hindi naman siya nagmayabang o ano p. Hindi mo nga siya mapagkakamalan na mayaman sa hitsura ngayon niya. Simple lang suot niyang damit.Nang makaalis siya sa bahay namin ay nag-usap kaming dalawa ni mama. Sabi niya sa amin ni mama ay babalik raw siya bukas dito sa bahay namin. Masayang-masaya ako sa pagkikita naming dalawa. Pinuntahan talaga niya ako para makita. Ginawa niya 'yon dahil mahal niya ako. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito siya sa
SHAINA Habang nag-uusap kaming dalawa ni Jacob sa daan ay naramdaman ko ang presensiya ng mama ko sa likuran ko. Tahimik lang siya doon. Siguro ay nakikinig siya sa aming dalawa ni Jacob."Mahal mo pa ba ako hanggang ngayon?" tanong ni Jacob sa akin.Huminga muli ako nang malalim bago nagsalita sa kanya. "Oo, Jacob. Mahal pa rin kita hanggang ngayon," sabi ko sa kanya. Hindi naman ako nagsinungaling pa sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang totoo dahil 'yon naman talaga ang totoo, eh. Tutulo na ang mga luha ko sa aking mga mata ngunit pinipigilan ko 'yon. Nginitian niya ako pagkasabi ko sa kanya na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Nawala ang kunot ng noo niya sa sinabi kong 'yon."Natutuwa akong marinig muli sa 'yo na mahal mo pa rin ako, baby. Mahal pa rin naman kita hanggang ngayon, eh. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa 'yo kahit iniwan mo ako. Nandito ako sa harapan mo para makita ka at makasamang muli. Wala akong ibang sadya kundi 'yon lang talaga, okay? Masayang-masaya ako
SHAINASa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko ay para bang kakawala na ito sa akin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Jacob is here. Pinuntahan niya ako dito sa amin sa probinsiya. "Jacob... Ano'ng ginagawa mo dito sa amin?" nakaawang ang mga labi na tanong ko sa kanya. Nakakunot ang noo na nakatingin sa akin si Sir George. Nginitian niya ako at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa tanong kong 'yon sa kanya kung ano'ng ginagawa niya dito sa amin."Nagulat ka ba sa pagpunta ko dito sa inyo?" mahinang tanong niya sa akin. Si Jacob nga talaga ang nasa harapan ko ngayon. Narinig ko muli ang baritonong boses niya na nakaka-in love pakinggan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Natutuwa ako na nasa harapan ko nga si Jacob na lalaking minamahal ko hanggang ngayon.Dahan-dahan ko naman nga na tinanguan siya at nagsalita, "Oo. Nagulat ako pagkakita ko sa 'yo ngayon, Jacob. Bakit ka nandito, huh?''Huminga muna siya nang malalim bago nagsal
JACOBForty-five minutes lang ang naging flight ko patungo sa probinsiya kung saan ko matatagpuan ang babaeng mahal ko. Pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong sinakyan ko ay napabuntong-hininga kaagad ako at napasabi sa sarili ko na magkikita na talaga kaming dalawa ni Shaina na babaeng minamahal ko. May naghihintay na sa akin na sasakyan sa labas ng airport. Sumakay naman na kaagad ako patungo sa hotel kung saan ako magi-stay habang nandito ako sa probinsiya ng babaeng mahal ko. Hindi ako sigurado kung makakabalik kaagad ako sa Maynila kaya sa isang hotel muna ako magi-stay habang nandito ako. Bukas na hapon ang flight ko pabalik ng Maynila. Kung hindi ako makauwi pa bukas ay ire-reschedule ko na lang ang flight ko pabalik sa Maynila sa susunod na araw. Kailangan talaga ay maisama ko na pabalik ang babaeng mahal ko na si Shaina sa Maynila. Hindi puwedeng hindi. Hindi puwedeng mabigo ako sa plano kong isasama ko na siya pauwi sa amin sa Maynila.Kumain muna ako ng lunch bago ako tumu