Share

Chapter 6

Naka book sina Brianna at Sasha sa hotel kung saan gaganapin ang High School Grand Reunion nila. Habang nagbibihis si Brianna…..

“Shocks Bessy ang ganda mo. sabi na nga napakalupit ng taste ko.”

Glittered Red bodycon dress ang suot ni Brianna, angat na angat ang kaputian nito sa kanyang suot. Mukang sasabog din ang dibdib nito sa hapit ng suot nito. Kitang kita sa kanya ang pagiging sexy nito.

“Sabi sayo wag mo masyadong paghandaan ang Reunion na to. Di naman tayo kilala dito.” sagot ni Brianna.

“Tara baba na tayo, I’m so excited and I just can’t hide it” Pabirong sagot ni Sasha.

Maraming tao sa event, yung iba ay hindi na nila halos makilala.It’s been 10 years simula nagkahiwalay hiwalay sila at hindi rin naman maganda ang naging high school life ni Brianna. Pag baba nila sa hagdan ay nag tinginan ang mga tao sa kanila, ang iba naman ay nagbubulungan, tinatanong nila kung sino ang babaeng nakadamit na pula na iyon. Napukaw ang kanilang atensyon kay Brianna.

“Huy Bessy! Ano nangyayari? Bakit sila nakatingin? May dress code ba?”

Pabulong at kabadong Tanong ni Brianna.

" Ano kaba! Hindi ba obvious? Nangingibabaw ka lang naman sa suot mo kaya halos malaglag ang panga nila.. Duh! Yaan mo na sila Let’s just enjoy the night “ Excited na sagot ni Sasha.

Dumiretso kaagad Ang dalawa sa bar at umorder ng kanilang favorite cocktail. Nag umpisa na rin ang program ng kanilang Reunion. Nagulat na lamang ito ng tawagin ang kanyang pangalan bilang Major Sponsors ng event.

“Thank you for sponsoring the event. From Asia Pacific Corporation please welcome Ms. Brianna Alkayde Santiago from 4th year Limestone. “ sabi ng MC ng programa

Siniko ni Sasha si Brianna para tumayo.

“Ang OA mo sa pag sponsor ng event na to.” bulong ni Briana kay Sasha habang dahan-dahan tumayo at nakangiting nakaharap sa kanilang mga kabatchmate.

Nagpatuloy ang bulungan ng mga tao sakanyang paligid. Hindi makapaniwala ang nakararami na si Brianna pala ang napakagandang babaeng iyon.

“Ginawa ko talaga yan Bessy para makita nila kung ano na tayo ngayon, kita mo pinagbubulungan nila tayo” ani ni Sasha.

Habang sa tabing lamesa nila Brianna..

“Ayan na ba si Brianna? Yun mayaman na binubully natin dahil mukhang tinubuan ng tigyawat. Yung as in wala ng mapaglagyan un pimples nya. Infairness, lumelevel up sya” sabi ni Lucy sa kanyang mga kaibgan na sina Bea at Tifanny,

Sina Lucy , Bea at Tifanny ang mga nambubully kay Brianna noong highschool sila. Walang araw na di nila ito inaasar. Buti nalang din talaga at mabait at hindi mapagpatol si Brianna. Si Sasha ang mismong lumalaban para kay Brianna, kung tutuusin kayang kaya ni Brianna gantihan ang mga ito isang sumbong lamang nito sa kanyang ama ay malamang may makakatapat itong mga ito. Ngunit gustong lumaban ni Brianna ng patas. Mas pinili nitong manahimik nalang sa isang tabi kahit nasasaktan na sya ng pisikal at mental ng mga ito.

“Oo siya nga yan Lucy. “ sagot ni Bea.

“Saan bansa kaya nagpa retoke yan? Ibang iba siya sa binubully natin noong high school. If I know madaming perang winaldas yan bago lang ang pag mumukha niya.” sabat naman ni Tiffanny. Sabay nag tawanan ang tatlo..

“Look kasama pa rin niya ang chimay niyang si Sasha.. Ayaw na rin talaga lumubay kay Brianna palibhasa mukang pera.” sabi ni Lucy.

Dahil sa katabing lamesa lang nila sila Brianna narinig ito ni Sasha….

“Hoy hoy hoy babaeng magaganda pero utak palaka.. Mag ingat ingat ka sa mga sinasabi mo. kahit mag sama sama kayong tatlo hinding hindi niyo mahihigitan ang Bessy ko.” matapang na sagot ni Sasha.

“Hahahahaha “ mapang asar na tawa ni Lucy. “Kahit anong sabihin mo Sasha, You are both losers”. Sabi ni lucy

“Tama na yan, wag mo ng patulan yan mga yan. Mga walang pinagbago” ani ni Brianna

“Isang maling salita pa makakatikim nanaman sakin yan mga evil sisters na yan, namiss na yata nila tong kamao ko. Matagal tagal na rin hindi dumadapo to” gigil na sagot ni Sasha.

“ And We are thrilled to welcome you, Our alumni from 4th year Limestone batch 2014. Our guest speaker today is Mr. Gabriel Montefalco who is renowned as COO of Montefalco Groups of company. Gabriel has achieved many accomplishments in their field. Knowing that their company is one of the best construction companies in our country. Let’s give a clap to welcome Mr. Gabriel Montefalco”. Sabi ng MC

“Bessy he looks familiar” sabi ni Sasha.

“Ano ka ba si Gab yan. Yung Nerd na classmate naten. Yung manliligaw ko” biglang nag flashback lahat kay Brianna ang highschool life niya.

Brianna’s Pov

Hindi man maganda ang naging highschool life ko, pero pinasaya ito ni Gab. Alam ko nasaktan ko siya sa nagawa kong pambubusted sa kanya.

Si Gabriel ay nag iisang manliligaw ni Brianna. Sa dinami dami ng kalalakihan sa school ay nagiisa lamang siya na naglakas loob maniligaw kay Brianna. Hindi ito gwapo hindi rin ito pansinin ng mga babae. Matalino si Gabriel lagi sllang partner ni Brianna sa group activity at dito nag umpisa ang pag tingin nito kay Brianna.Araw araw niya ito binibigyan ng sulat at sa mga espesyal na okasyon tulad ng valentine’s day ay binibigyan niya ito ng tsokolate at bulaklak. Ngunit hindi nagustuhan ni Brianna ang pag amin nito sakanya kaya unti unting lumalayo ang loob nito sakanya.

10 years before (Valentine’s Day) binigyan ni gab si Brianna ng maraming bulaklak at tsokolate…..

“ Hindi ko na talaga kaya pang itago tong nararamdaman ko Brianna, simula ng lagi tayong magkasama sa mga group activity at research ay unti unti ng napalapit ang loob ko sayo. Hindi lang simpleng classmate at kaibigan ang tingin ko sayo. Sana naman mapagbigyan mo ako.” sabi ng binata kay Brianna.

“Gab, Sorry hindi pa ako handa sa mga ganitong bagay. Nakita mo naman parehas tayong tampulan ng tukso sa paaralan na ito. Hindi ko naman sinasabi na ayaw ko sayo pero pag tatawanan lang tayo ng mga tao.” sagot ni Brianna.

“Ibig sabihin mas importante pa sayo ang sasabihin ng iba kesa sa nararamdaman naten?” sagot ng binata.

“Mas mabuting putulin natin ang ugnayan. Para kung ano man ang nararamdaman natin ay di na lumalim pa.” sagot ni Brianna.

Nasaktan ng husto si Gab at after graduation ay mas pinili nitong sumama sa magulang nito papuntang Amerika at doon na lamang ipagpatuloy ang kanyang pag aaral.

“Feeling ko dito ko na makikita ang future hubby ko “ ang sabi ni Lucy

“Mukhang may bago ka nanaman biktima Lucy” sagot ni Tiffany.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elai M. Gacosta
nxt chapter pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status