Share

Chapter 5

Sa Mansion, habang nag babasa si Don Arturo ng libro pampaantok sa kanyang kama, Lumabas si Kristine ng banyo ng naka bathrobe……

“Mahal, Napapirmahan mo na kay Greg yung mga Kontrata?.. Sabi ni Don Arturo.

“Hindi pa mahal, May ginagawa silang milagro ni Brianna sa office nun pumasok ako. Nakita ko tuloy ang hindi ko dapat makita.” sagot ni Kristine.

“Ganyan talaga kayong mga kabataan mga mapupusok. Kahit saan abutan walang makakapigil. Excited na nga ako magkaroon ng apo sa kanilang dalawa e.”

Biglang napatayo si Don Arturo at tumayo sa likod ni Kristine habang nakaharap ito sa salamin at nagsusuklay.

“Mahal, Kelan mo ba ako pagbibigyan? Hindi na ako makapag pigil pa.” ani ni Don Arturo.

Kristine’s Pov

Wala naman mawawala sakin kung pagbibigyan ko tong matandang to. Plano ko talaga makuha ang kanyang loob para makuha ko ng buong buo kung anong kayamanan meron siya. At masama rin loob ko sa ginawa sakin ni Greg knina sa opisina.

Unti-unti hinawakan ni Don Arturo ang mukha ni Kristine. Dahan dahan nitong hinalikan ang kanyang nobya. Hinubad naman nitong ang kanyang bathrobe. At nagulat si Don Arturo sa nakita nya.

Don Arturo’s Pov

Hindi ako nagsisisi na si Kristine ang pinili ko. Bukod sa mabait, matalino e bonus na yung magandang pangangatawan nito. Nakikita ko sakanya na hanggang sa pag tanda ko ay may makakasama na rin akong mag-aalaga sakin.

“Dahan dahan lang mahal ko” sabi ni Kristine.

“Wag kang mag aalala hinding hindi ka masasaktan mahal ko” sabi ni Don Arturo.

At pinagpatuloy ng magkasintahan ang nagiinit nilang gabi…

Nakaraos na silang dalawa. Habang nakahiga si Kristine sa mga braso ni Don Arturo ay nagtanong ito sakanya.

“Mahal ko, Wala ka bang balak na pakasalan ako? “ sabi ni Kristine.

“Don’t worry mahal darating din tayo sa panahon na yan. Sa ngayon ienjoy muna natin kung anong meron tayo. Hindi naman tayo nagmamadali diba? Ang importante masaya tayong nagsasama.” sagot ng matanda.

Hindi niya alam nagpaplano na ang matanda sa proposal nito kay Kristine..

Kristine’s Pov

Mukhang nakukulangan pa ata itong matanda sa mga ginagawa ko. Kailangan mas pagbutihin ko pa. Mas maglalaan ako ng oras sakanya kesa kay Greg tutal busy rin naman siya sa kanyang asawa.

Kinabukasan sa opisina…May kumatok sa opisina ni Brianna…

“Good Morning Ma’am Brianna, Este Bessy s***a Kamusta na? Napaka busy mo lately. Hindi man lang tayo nagtatagpo dito sa opisina. I feel guilty na tuloy kahit secretary mo ako parang wala naman akong naiambag sa career mo. Uwe nalang kaya ako pero pasahuran mo pa rin ako “ Biro ni Sasha .

Si Sasha Mendoza ang nagiisang secretary/bestfriend ni Brianna since elementary up to now. Kilalang kilala nila ang isa’t isa. Ultimo ang ligaw ng mga bituka nito. Nabubully kasi si Brianna noong High School sila. Mayaman, Matalino at medyo chubby chubby at madaming pimples kaya laging tinutukso. Madalas tawaging LOSER si Brianna kahit napaka yaman nito. Hindi nila nagawang sabihin ito kay Don Arturo dahil ayaw niya ng mastress pa ang tatay nito. At etong si Sasha naman ang naging hero ng buhay ni Brianna. Siya ang naging tagapagtanggol nito. Hindi ganun kayaman ang angkan ni Sasha at dahil mahal na mahal niya ang kanyang bestfriend, ayaw niyang mawalay sa kanya. Nag kusa itong ialok ang sarili niya bilang maging isang sekretarya ni Brianna.

“Baliw ka talaga Sasha, Tara labas tayo para makabawi naman ako sayo. Coffee or shopping?” sagot ni Brianna.

“Kape nalang, hindi ko pa nga nasusuot yung mga pinamili naten last month e” sagot ni Sasha.

Nag kape ang magkaibigan sa mall malapit sa kanilang opisina ….

“ at eto na nga ang latest Bessy” Sabi ni Sasha.

“Ano nanaman yan at parang excited ka sa ikkwento mo “ ani ni Brianna.

“ Magkakaroon daw tayo ng Alumni Homecoming ngayong weekend, Batch 2014. Abay syempre hindi tayo pwedeng umabsent don..” gigil na sabi nito.

“Ano ka ba Sasha wala naman tayong masayang memories nung high school. Remember lagi nila tayo pinagtatawanan at binubully. Hayaan na natin sakanila yan. Baka pag tawanan lang nila tayo. “ sagot ni Brianna

“Okay ka lang Brianna? Look at yourself in the mirror. Baka pag nakita ka nila ngayon malaglag ang mga panga nila. Biruin mo yung dating binubully nila e eto na ngayon. COO na ng malaking Company”. Sagot ni Sasha.

“ Oh sige sige , basta ikaw na bahala sa lahat , sa damit, shoes,accessories and cancel mo na rin mga meetings natin sa araw na yan. Wag mo ng bongganhan dahil malamang maaga din tayo uuwi nyan. For sure hindi naman tayo kilala sa school na yan.” sagot ni Brianna.

“Okay madam ako na bahala sa lahat. Magpa fresh ka lang at wag mastress”. Ani ni Sasha.

“Kelan ba ko nastress?” pabirong sagot ni Brianna.

Habang kumakain ang mag asawa sa kanilang dining table, Naiopen ni Brianna ang kanilang Alumni home coming kay Greg.

“Hun, meron nga pala kaming gaganapin na Reunion this weekend. Aattend kami ni Sasha.” sabi ni Brianna.

“Okay Hun, ano-ano ang kailangan mo? Saan pati ang venue? Need ba ng sponsors?” sagot ni Greg.

“Wala akong masyadong alam sa details e. I’ll let Sasha handle this. Kayang kaya na ni Bessy yun kaya wag mo na kami intindihin. Sinabi ko lang sayo just in case na gabihin kami this weekend.” sabi ni Brianna.

Greg’s Pov

Kailangan ko maclear lahat ng schedule ko this weekend para magkaroon ako ng time kay Kristine. Dapat malaman niya rin ito para makagawa sya ng dahilan kay papa. Kailangan namin makapag usap at hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip ng babaeng iyon. Madaming tanong ang tumatakbo sa aking isipan, isa na yung kung paano sila nagkakilala ni papa…..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status