“Mukhang makakabili nanaman ako ng brand new sports car” bulong ni Lucy sa kanyang sarili.
Si Lucy ay nagmamay ari ng mga maliliit na businesses like bilihan ng mga spare parts ng motor at meron din itong mga binebentang computers and laptops. Sa pagkakaalam ng lahat ay isa itong galing sa may kayang pamilya. Pero sa totoo lang may tinatago itong malaking sikreto. Siya ay nakapasok sa mamahaling paaralan nila Brianna at Gab nung Highschool sapagkat nakapangasawa ang nanay nito ng isang Foreigner pero di rin nagtagal ay iniwan din sila nito. Kaya uhaw sa mga luho at mamahaling gamit itong si Lucy. Kaya naman ginawa niya ang lahat para maka angat angat sa buhay. Dahil sabi niya sa kanyang sarili “pag wala kang pera, basura ang trato sayo, pero pag may pera ka maayos kang tatratuhin ng lahat ng nakapaligid sayo”. Naging isang professional Gold Digger si Lucy, Ginamit niyang puhunan ang ganda at kasexyhan nito. Maraming mga matatanda at politiko na nahuhumaling sakanya. Pero pag katapos nitong makuha o mabili ang kagustuhan niya ay hihiwalayan niya na ang mga ito at maghahanap ng panibagong maloloko. “Ohhh It’s you, Brianna! Long time no see pero wala pa rin nagbago sau maganda ka pa rin and you look stunning tonight kaya nag standout ka sa lahat ng babae dito” sabi ni Gab. “Talaga ba Gab?” namumulang sagot ni Brianna. “Ano ba yan bat ang tamis ng simoy ng hangin dito?” sabat naman ni Sasha. “Tara , Let’s enjoy this party nalang” sagot naman ni Brianna. Biglang singit naman nito ni lucy. “Can we join you?” “Ayy bawal ka dito, Mga special kami from outer space. Diba normal ka” pang iinis naman ni Sasha. “Hayaan mo na siya” sagot ni Brianna. Sasha’s Pov Ang ganda pagmasdan nila Gab At Bri kaso kasal na si Bri kay sir Greg. Kung kelan mayaman at gwapo na tong si Gabriel saka naman parang linta tong si Lucy kung makadikit wagas akala mo girlfriend. Hindi pa man tapos ang event ay nag-aya ng umuwi si Briana. “Sasha, Call manong Jose, Let’s go home na. Madami pa tayong appointment bukas ” ani nito. “Medyo Killjoy ka tonight bessy. Ano ba hindi ka ba nag eenjoy?” sagot naman ni Sasha. “Ano ka ba kahit noon pa man, hindi naman talaga ako nag eenjoy sa environment ng mga to. Feeling ko lahat peke, lahat nagpapanggap lang. Ikaw nga lng yun pure sa mga to. Anyway C.Cr lang ako kaya tawagan mo na si manong Jose” sabi naman ni Brianna. Habang papuntang CR itong si Brianna, nakabanggaan naman niya itong si Gab at nalaglag ang pouch nito. “ Ohh Sorry. Are you hurt? Let me pick it up for you. Sorry hindi kita nakita. May kausap kasi ako sa phone.” sagot ni Gab. **Gabriel’s Pov** Nagbalik ang mga panahon minahal ko si Brianna. Kahit ilang beses akong mabusted at masaktan okay lang. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa maganda niyang mukha at sa mabusog nyang hinaharap. **End of POV** “No, It’s okay, I’m fine.” sagot naman ni Brianna. “You know what, Let’s have coffee some time. It’s too crowded and noisy here. Kwentuhan lang like the old times.” sabi ni Gabriel. “Ahmmmm.. Busy talaga kasi ako sa office. Alam mo naman nag iisang anak lang kaya sakin lahat naka toka. Uy, teka Ccr na talaga ako.” sagot ni Brianna. ** Brianna’s Pov ** He looks more attractive and masculine. Dati naman hindi nakikita yung kagwapuhan nya pero ngayon masasabi kong angat na siya sa lahat ng ka-batchmate namin. ** End of POV ** “Gab, sorry to keep you waiting. Pero Sash and I needs to go home na talaga.” sabi ni Brianna. “Ohh sure but wait. Can I get your number, you know just in case” Sabi ni Gab “In case? What?” Patanong na sagot ni Brianna. “In case na free ka. Wag mo naman masyadong lunurin ang sarili mo sa trabaho. Magsaya ka rin paminsan minsan.” sagot ni gabriel “Ahh sige, 09899086721 yan na. Wag mong pagkakalat ahh . hahaha joke” Ani ni Brianna. Nang makauwi si Brianna ay hinanap niya kaagad si Greg ngunit wala ito sa kwarto nila kaya naman tinawagan niya sa cellphone ngunit hindi sinasagot kaya naman dumiretso siya kay Don Arturo. “Papa, may inutos po ba kayo Kay Greg?" “ Wala naman anak. Bakit mo naitanong?" " Ah eh Wala kasi siya sa room namin, so I was thinking baka nautusan ninyo kaya wala siya ” “ Hinahanap ko nga rin si Katherine, Hindi pa siya umuuwi. " “ Ay baka magkasama silang dalawa. I’ll try to call him again. Balik na muna ako sa room. " Habang naglalambingan si Greg at Kristine sa kama ay biglang tumunog ang cellphone ni Greg. Krinngggg.. krinnggg.. sinadya niyang hindi pansinin dahil nasa kalagitnaan sila ng pagpapainit ng katawan. Ngunit napansin ito ni Kristine at nakita niya ang pangalang wifey. Umiral nanaman ang pagiging selosa niya. ** KRISTINE’S POV ** Wala kanang magagawa Brianna. Kasama ko na Ang Asawa mo na magiging Asawa ko. Akin lang ang gabing ito. What if sagutin ko Ang tawag? **End of POV** …At matapang na sinagot ni Kristine Ang tawag ni Brianna na walang pag aalinlangan. “ Pa massage naman ng likod ko muna kasi stress ako sa work….Yan Yan bandang baba. Medyo diinan mo.” Naglalambing na paki-usap ni Greg. Sabay pinatay ni Kristine ang tawag ni Brianna. ** Brianna's POV ** Nasaan kaya si Greg? Sino kaya yung kasama niya? ** End of POV ** Hindi mapakali si Brianna dahil nag-aalala siya, kaya naman uminom nalang siya ng wine habang inaantay ang kanyang asawa at pampaantok na rin. Nagawa niyang mag cellphone pampalipas antok, at biglang nag pop up sa notification niya na inadd siya ni Gabriel sa lahat ng social media accounts niya. Maya-maya naman ay sunod-sunod ang pag tunog ng phone niya, pag tingin niya ay pinusuan lahat ni Gab Ang pictures niya. “Tignan ko kaya yung profile niya”..bulong niya sa kanyang sarili. Habang chinicheck niya ay biglang nag chat si Gabriel. **Gab and Bri’s Chat Conversation: ** Gab: You seem to be online, can’t sleep no? Bri: Yup. Gab: Want to grab some coffee tonight? Kahit jan nalang sa place mo para hindi na hassle sayo. Bri: Ummm. I can’t e. Kasi hinihintay ko si Greg. Gab: Sino si Greg? Bri: He’s my husband. **Gab’s POV** Hindi ko inaasahang kasal na pala Siya sa iba. Ang buong Akala ko ay single pa din siya. Mukhang Wala na akong pag-asa sa pinakamamahal kong babae. ** End of POV ** Gab: Ay! you're married na? I thought single ka pa. Bri: Yes. I'm married for five years already. Uy! Medyo inaantok na kasi ako. Let’s talk some other time nalang ha. Gab: Okay goodnight Brianna. ***End of Convo***Umuwi ng madaling araw si Greg.. Pag check niya ng phone niya ay nasa answered calls si Brianna kagabi. Si Kristine kaagad ang pumasok sa isip niya na may gawa nito. Di niya alintana na sinagot pala ni Kristine ang tawag sa kanya ng kanyang asawa kagabi. Dahan-dahan nitong binuksan ang pinto. Sabay hubad ng damit. Hindi na nito naisip na mag hilamos pa at tumabi nalang sa kanyang asawa. Pag gising ni Greg wala na sa kanyang tabi si Brianna. Dali-dali itong napabalikwas at bumaba para hanapin ang asawa na tila ba nakukunsensya sa ginawa niya kagabi. "Ohh hun?! Good morning! Bat parang takot na takot ka?” Tanong ni Brianna habang hawak ang tasa na may mainit na kape. "Anong takot? nagulat lang ako kasi wala ka sa tabi ko e sa araw-araw na ginawa ng diyos sabay tayong bumababa ng kwarto" . sagot naman ni Greg. " Ahh. E kasi you look so tired tapos sobrang sarap ng tulog mo at hindi ko na rin alam kung anong oras ka nakauwi.. kaya I’ve decided not to disturb you.. Anyway, San ka n
“ O Kristine? Bakit mo?!.....” wika ni Greg. Biglang napatigil si Greg sa pagtatanong dahil tinulak siya papasok ni Kristine at sinara ang pinto para halikan ng may halong gigil.. Sabay tulak din naman ni Greg papalayo na tila ba’y hindi niya ito nagustuhan. “What are you doing?! Really?! dito ka talaga maghahasik ng lagim sa opisina ko Kristine? “ What’s your problem ba? I thought you'd like it. Bat ang init ng ulo mo? ” “ No! Not in my office. Tinatanong mo kung ano ang problema ko? Ikaw! You are the problem. Parang habang tumatagal ay sumasakit kana sa ulo Kristine. You even bothered to answer the call of my wife. Para saan? Para ma huli tayo? ” “ Well it was just an accident. Ano ka ba? Pinatay ko naman din agad yung call. She heard nothing. ” “ Wala pa. Wala pa sa ngayon. Look Kristine, mahal ko ang asawa ko. Ilugar mo ang sarili mo. ” “ Mahal? Teka sandali. I don't.. I don't get it. So ano pala ako? Palamuti? Ano pala itong ginagawa natin at mga efforts mo para makita a
Habang pinagsasaluhan ng lahat ang inihandang pagkain ni Kristine....." Okay everyone. Eyes here please. Alam ko mejo mabilis ang mga pangyayari but Kristine…will you allow me to be your husband?" . Natigilan ang lahat at makikita ang gulat sa mukha nila Greg at Brianna. "Wait Wait Wait.... Ano?! You’re getting married, papa? gulat na pag tatanong ni Brianna. "Yes anak, wala naman sigurong masama dun diba? Nagmamahalan kami and besides Kristine is a good person and diba nga tanggap mo naman siya? I can see you both get along kahit noong una pa lang " "Tanggap ko sya as your girlfriend not as a replacement of my mom " gigil na sagot ni Brianna.***Kristine’s POV***At bakit kumukontra pa siya? Anong gusto niyang palabasin? Well akala ko ginalingan ko na sa pagiging so called friend niya. Pero Wala kanang magagawa. Hiningi na ni Arturo Ang kamay ko.***End of POV **“Enough! Wag mo na akong hintaying magalit pa Bri! You’re being disrespectful” Inis na sagot ni Don Arturo.“No papa!
“ Mahal may kakausapin lang ako. Punta lang ako sa office room ko. Sandali lang ako at babalik din.“ Sambit ni Don Arturo kay Kristine. “ Sige lang mahal. Mag shshower muna ako then rest “ ..Bro, please revise my last will and testament, Just in case na may mangyari sakin na hindi maganda e at least ready na ang lahat. 20% ang mapupunta kay Brianna, 30% sa magiging apo ko, at 50% kay Kristine. Wika din Don Arturo sa telepono. "Sigurado ka ba jan Arturo? napakaliit naman ng mapupunta sa inaanak kong si Brianna. " sagot ni Atty. Chua. "I know Brianna so well. Kahit laki yan sa karangyaan e hindi ko yan inispoiled, kaya niya tumayo sa sarili niyang mga paa. Remember she graduated as Magna Cum Laude without paying her tuition. " sagot ni Don Arturo . "Si Brianna di mo inispoiled pero mukhang iba na iniinspoiled mo ngayon". pang aasar ni Atty. Chua. "tutol ka rin ba pare? life is too short hindi natin alam mga pwedeng mangyari kaya dapat gawin natin ang magpapasaya sa atin" sagot
Sumunod na araw ay kinontak ni Greg ang kanyang kaibigan na si Mark at nagpatulong ito. Si Mark ay ang kababata niya sa kanilang lugar. Si Mark ang nag-iisang nakakaalam sa mga kalokohan ni Greg. Hindi ito kakilala ni Brianna kaya kampante si Greg na matutulungan siya nito. "Bro, kailangan ko ng tulong mo. Gusto sana kitang makausap ng personal. message ko sayo kung saan at kung anong oras" sabi ni Greg. "Sige. Ano nanaman kaya yang pinasok mo?" sagot naman ni Mark . " Tsk! Basta! “ nagkita ang dalawa sa malapit na mall..... "Malaking problema yan pinasok mo . anytime lahat ng meron sayo e pwedeng mawala. Biruin mo yun, kabit mo e aasawahin ng manugang mo? Hindi mo ba pansin na parang may kakaiba. " "Panong kakaiba? Anong ibig mong sabihin?” sagot ni Greg "Wala lang kasi sobrang liit naman ng mundo. Naisip ko lang hindi naman siguro coincidence etong nangyayari sayo". "Ano? Diretsuhin mo ako " "Ganito na lang…Diba ang gusto mong mangyari e fake investigation natin. So an
Nauna sila Brianna at Greg sa steak house kung saan nila kikitain si Mark na nagpapanggap na imbestigador para kay Kristine. “Hun this is Mark, siya yung kakilala ng friend ko. I heard na he’s a good one. kaya kahit gaano kaliit na impormasyon e malalaman natin”. “Nice to meet you sir. Wag na tayo mag paligoy ligoy pa. This is the picture of Kristine. I want full background details of her, where she came from, her parents, If my mga kapatid siya.. Basta! Everything about her. Also if ano-anong mga property ang nakuha niya kay papa. Don’t worry sir Mark maayos akong kausap. Just in case na magawa mo ng maayos ang trabaho mo, name your price at ako ang bahala sayo.” sabi ni Brianna. “Mukhang gaganahan ako magtrabaho sayo madam.” sagot naman ni Mark. “If may nalaman ka sakanya, just update me and my husband. Iiwan ko nalang din ang mga contact numbers namin.” “sige madam ako na bahala”. “Ohh siya sige dito ka na. Iorder mo lahat ng gusto mo para may energy ka bukas” Umalis na ang
Lumipas ang mga araw at parang natural lang ang trato sakanya ni Don Arturo. Ni hindi man lang neto kinakausap si Marie tungkol sa nangyari sa kanila. Inisip na lamang niya na baka sobrang lasing si Don Arturo at nakalimutan na nito na may nangyari sakanila. Hanggang sa dalawang buwan na ang lumipas at naalala niyang hindi pa sya dinadatnan.*Marie’s Pov Hindi ko na alam gagawin ko. Nabuntis ako ni Don Arturo. Tiyak lagot ako kay nanay pag nalaman nya ito. Imbes na makatulong ako sakanila ni tatay e magdadagdag pako ng palamunin sa bahay. At nangako ako kay Kristine na hanggat kaya ko ay patatapusin ko sya ng kolehiyo. para di nya maranasan ang hirap na mga dinanas ko. Hindi ko alam kung paano kakausapin si Don Arturo tungkol sa nangyari sa amin. Mas mainam siguro kung derecho kong kausapin si Brianna tutal naman ay magaan ang loob namin sa isa’t isa. Habang kumakain ng meryenda si Brianna ay kinausap niya ito.“Senyorita Brianna, maaari ko po ba kayong makausap?” tanong ni Marie n
Kinabukasan sinadyang hindi pumasok ni Don Arturo para makapag usap sila ni Marie. Pinaghahainan ni Marie si Don Arturo ng almusal. Kahit buntis siya ay di naging hadlang ito para di gawin ang kanyang trabaho sa mansyon. “Marie maaari ba kitang makausap?” tanong ni Don Arturo na mejo naiilang pa rin kay Marie. “Halika at umupo ka dito at sabayan mo na rin akong kumain”. Nakayuko lang si Marie at hindi ito tumutugon. Halata sa mukha nito ang pagkahiya kaya sinabi nito agad na… “ wag kang mag-aalala wala si Brianna sa mansyon, sinadya ko talaga hindi pumasok para makapag usap tayong dalawa.” Umupo na ang dilag sa di kalayuan sakanya. “Humihingi ako ng tawad sa mga nagawa ko sayo. Maniwala ka man o hindi, pero di ko alam ang nangyari saten. Hindi ako makatulog kagabi kakaisip. Napakawalang hiya kong tao para gawin sayo yon. Kung nasira ko man ang buhay at mga pangarap mo, hayaan mong bumawi ako sayo” pagpapaliwanag ni don Arturo kay Marie. Hindi maiwasan ang awa sa mga ma