Home / Romance / My Husband Is Yours / Chapter 2: Eyes like Swamp Waters

Share

Chapter 2: Eyes like Swamp Waters

MAYBE, I am dreaming, o malakas lang talaga ang tama ng alak kaya ako nagkakaganito.

Heck, I live in a luxurious world where meeting and getting face on with expensive-looking men is so normal. Wala lang siya sa mga naka-meet ko sa La Salle. Iyong makakita ng gwapo at amoy-ginto ay kasing-normal lang ng paghinga ko.

But here I am… in front of a greek-like man. Heavenly handsome with his sharp, sculpted jaw. Akala ko hanggang doon na lang ang kayang purihin ng mga mata ko, but his nose… saktong-sakto sa hugis ng mukha niya. It wasn't too wide or big or thin. It was perfectly triangular, leaving a shadow shaped like a pyramid on his cheek.

Napalunok ako. I felt my stomach rumble at the sight of his lips. Nakakita na ako ng magagandang labi sa mundo, pero ang isang ito… kakaiba. Naturally pinkish like a petal smudge. It even looks wet and bouncy. Malaman… at may guhit sa ibaba.

I blinked twice in a balled out way. Parang ang sarap lang pindot-pindutin.

Damn this alak!

How can a man like him fly me to heaven just by doing nothing? How the hell can this delicious-looking man drown me with his mangrove-colored eyes?

Ang dumi-dumi tingnan ng mga mata niya, but I am rather coming clean marahil sa mga iniisip ko.

His eyes… Pale green like swamp waters. The surface is impenetrable, like the way he stares at me. But they are nature. He is nature. Calming in a deep sense. Comforting in an intoxicating way.

"Hands off…"

It is time that I wake up from my fantasies. Masyado na akong nahuhumaling sa angking taglay ng lalaki sa harap ko. Even when I still want to brush up his hair falling peacefully like a reed being swayed down by the gentle wind, ayokong magmukhang na-love at first ako sa kanya. He should be the one falling in love with me the first time he sees me.

"Wala… ka bang tainga?" iritang tanong ko. "Ba't ba ayaw mong bumitaw?"

Silence.

Malakas ang ingay sa loob ng bar pero ang hininga ng lalaking ito, naririnig ko. Naririnig ko at mas naiirita ako. Dahil… Dahil sa tainga ko, tunog malambing na ungol ito!

I scoffed, looking away. "You know what… I would think I fucking arouse you just by the way you're looking at me."

Crickets.

"Ano ba!" Bumaling ako sa kanya, sinuntok ang matigas niyang dibdib. "Bibitawan mo ba ako o hindi? Do I look so stunning that I cut your tongue unconsciously?"

"Feeling…"

I shut my mouth, then glared at him.

What the fuck?

Iyon… Iyon ang unang beses na narinig ko ang boses niya. Ang unang beses din na matawag ako nang ganoon.

"Feeling?" I mouthed.

Napatitig ako sa mukha niya, hindi makapaniwala.

"Who the hell are you to say that to my face?"

"You don't-"

"Ayoko marinig!" sigaw ko sa mukha niya kahit tumalsik ang laway ko. "Ikaw! Ikaw… na hindi naman gwapo, let me tell you… Ikaw ang humila sa akin. Ikaw ang bumuntot sa akin. To declare na nag fefeeling lang ako is a normal reaction kasi obviously, pinopormahan mo 'ko-"

"You-"

"You can't even let go of my hand kasi nagagandahan ka sa akin! Ayaw mo na 'kong pakawalan because I'm a fucking good catch! Bobo lang talaga 'yong ex ko at pinili ang isang tuyo. So be thankful kasi sinabihan kitang matalino. You found me. You caught me. You won. Congratulations-"

"You don't look fine."

"What?"

Nilamig ako bigla at naghingalo dahil sa pinagsasabi ko.

"Who says… I don't look fine? I am very fine!"

"You're flushed. You can't even walk straight. Hindi ba masakit 'yang balikat mo?"

"Huh?" Napatingin ako sa balikat ko saka doon ko lang naramdaman ang sakit nito. "I… I am fine! Very fine! Sino ka ba, ha?! Isa ka bang anghel?! Kinukuha mo ba ako?!"

He bit his lower lip.

"Right. You're not sober."

"I am not lasing!"

"I don't think so."

"Sinabing hindi nga!" I insisted. "Ayaw mo maniwala? Bitawan mo 'ko and see it for yourself! I am not drunk!"

"Kaya pala patagilid ka maglakad…"

"Ano? Are you insulting my legs?!"

"Hindi. What I'm saying is, you're not feeling fine," his tone was serious. "Kanina mo pa nabubunggo ang pader at mga tao. That's why I asked if your shoulders were okay."

"A-Ayos nga sila…" bulong ko.

I looked away when I felt he was a bit… right.

Papatayin ko talaga 'yang si Jacob. Lahat ng ito ay dahil sa kanya. Ramdam kong nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. For the first time in my life, naging mali ako sa harap ng isang lalaki. Tangina, sa hindi ko pa kilala.

Hindi naman kasi ako malalasing kung hindi niya ako niloko. I won't go straight to this bar, to this escape place of mine, kung hindi ako nasasaktan. Tapang-tapangan pa ako kanina, eh, iiyak din naman pala ako ngayon.

"Bitawan mo 'ko!" sigaw ko sa lalaki at matagumpay na nabawi ang kamay ko. "Alam mo, ikaw… Amoy fuck boy ka! Amoy cheater! Amoy kunwari mabait sa umpisa!"

I wiped my tears when it rolled down.

"Why the hell do men cheat? Sabihin mo nga sa akin dahil hindi ko maintindihan."

Tinitigan ako ng lalaki nang may awa. Hindi ko talaga gusto 'yon, ang kaawaan ako. I hate that I look trash in someone else's eyes. Pero nang madama ko ang palad niya sa braso ko, pakiramdam ko'y may nakikinig sa akin.

Giniya ako palayo ng lalaki sa entrance at dinala sa mas tahimik na lugar. He's a stranger for all I know whom I can't trust easily. Ngunit hindi malakas ang katawan ko para umatras.

I still feel my head aching and my world spinning. Napatanag lang ang loob ko noong pinaupo niya ako sa isang bench. I don't think he will take advantage of me. Nasa pampublikong lugar pa rin kami. At least two people are passing by every ten minutes.

"Alright, I'm all ears," aniya.

Lumingon ako sa estranghero, na nakaupo sa tabi ko. His body forwarded. Pinagsilakop niya ang mga daliri habang ang parehong siko ay nakasandal sa tuhod. He's making me feel a mix of emotions. But one stood out.

"Why are you doing this?" I sobbed. Mukha na siguro akong multo dahil sirang-sira ang eyeliner ko. "You don't know me. I don't know you. But… but you act like you've heard of me. Like you've heard of my silent voice."

Nakita kong umangat ang likod niya marahil sa paghinga nang malalim. By his position, he looks so effing serious. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko he's someone I can share my sentiments with.

Marahil ito na nga ang sinasabi nila. That opening up to a stranger is ten times far better than opening up to a close friend. Dahil hindi ka niya kilala. Na wala siyang alam sa buhay mo. Sa ugali mo. Sa kung papaano ka mag-react sa bagay-bagay.

What's best is, sa sitwasyon lamang siya nakatutok. Wala pinapanigan. To simply put, a stranger is like a bird's eye view. Nakikita niya ang lawak ng sitwasyon. Alam niya kung saan nagmula ang problema. And this man beside me, he looks someone who can provide an objective point of view of my situation.

"Maganda naman ako, 'diba?" I asked. Now it's up to him to decide. Or not.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status