Home / Romance / My Husband Is Yours / Chapter 1: Outside the Bar

Share

Chapter 1: Outside the Bar

THIS LIFE IS SO SHITTY!"

Bumagsak ako sa upuan at gigil na sinuntok ang mesa. Nasa bar ako after the stressful confrontation with my foolish ex. How come kasing-kapal ng mukha niya ang semento?

"What a thick-faced, unsatisfied fool!” Sa sobrang galit ko, my growling voice clashed against the disco sound below. “Paano niya nagawang ipagpalit ako sa… sa ano… God, I hate to say this, pero bakit sa pangit pa?! Fuck, I am anyone's dream! And he only chose a freaking baduy, disgusting, and lowly slut like her… over me! Unbelievable!"

"Come on, Siz. Don't think about na. Hindi ka niya deserve. He’s not worth it."

"Siz, exactly!" Eliza, my gay best friend, is never wrong. That's why I super love her frankness. "I just can't believe that he'd make out with that girl. Eh, mukha ngang bad breath 'yong impaktitang 'yon!"

"Ano ka ba. Baka naloko lang din 'yong babae. We should blame the cheater who hurt you and the illegal kabit,” she sounded so demure. “Si Jacob, sa kanya ka magalit. Okay? Siya ang may kasalanan dahil siya ang manloloko dito."

I sighed. "Right… I know…"

Telling me over and over again that he’s a cheater makes me look like a fool who has fallen into his trap. Alam ko naman 'yon. Ayaw ko lang isampal sa mukha ko.

Thankfully, medyo kumalma ako dahil may punto siya. If there were another thing that I like about my best friend, it's her sensibility. May mga bagay na hindi ko naiintindihan, na kinaklaro niya. At may mga bagay na alam ko, na pinapaliwanag ko sa kanya.

I then faced her after realizing something.

"Kanina, alam mo ba… Her face was so satisfying," I giggled. "Kung nakita mo lang sana..."

“Ana…” Tinitigan ako ni Eliza nang mariin. “Mali ang ginawa nila, oo. Pero sa tingin ko, kailangan mo na silang hayaan. They’re pathetic for hurting you. And seeing you like this… still going crazy over them, it only says a lot about their victory. Magpapatalo ka ba?”

“No!” Nahulog ang panga ko. “I would never, ever let those cheaters win! Kaya nga when I found out she's cheating with my ex, pinuntahan ko siya ora mismo."

"My gosh, Anastasia. What did you do? Sinabunutan mo? Sinampal? What?"

"Eli, is that what you think of me? That I can be so violent enough to get jailed for punching her… them? Syempre, hindi."

"So, ano nga?" Her eyes pinned on me while she drank her beer.

"Kinausap ko siya. Sinabi ko sa kanya na… na I was Jacob's girlfriend."

"Oh? Eh, umiyak naman ba?"

“Eh, ayun na nga…”

“Bakit?”

Napairap ako. "Tsk. Ayaw maniwala."

Naibagsak ni Eliza ang bote ng beer at natawa. "Ang kapal..."

"Absolutely…"

"Bakit daw?" tanong niya habang pinupunasan ang gilid ng labi. "Sa ganda mong 'yan, hindi pa naniwalang ex ka no'ng cheater na 'yon? Ibang level din ang confidence, Hon!"

"Ibang level talaga!" I spat. "She even told me, na ako pa raw ang sumisira ng relasyon nila by spreading false info. Like, wow! Ako na nga ang biktima, ako pa ang masama!"

"Baka naman lulong sa assurance 'yan ni Jacob, kaya ayun! Paniwalang-paniwala sa dakilang kagandahan!"

I scoffed. "Right! Baka gano'n nga! Masyado raw malaki ang tiwala niya sa gagong 'yon, na hindi ko raw mababasag kahit anong mangyari at kahit anong gawin ko. Mahal na mahal daw siya ni Jacob at siguro, isa lang daw ako sa mga humahabol sa kanya!"

"Ay, what a shit!"

"So shit talaga!"

Sa sobrang inis, hinablot ko ang beer sa tapat ko at tinagay iyon nang diretso. Ramdam ko ang mainit na likidong dumadaloy sa lalamunan ko habang nilalagok iyon. Nang maubos ko ang alak, napangiwi ako dahil sa taglay nitong pait, saka binagsak na lamang ang bote. Pagkatapos ay tumayo ako, na parang akin ang mundo at walang makakapigil sa akin.

"Oh? Saan ka pupunta?" tanong ni Eliza at hinawakan ang braso ko.

Ngumiti ako. "Diyan lang, promise."

"Kilala kita, Anastasia. What are you planning to do again, hmm?"

I chuckled and tapped her shoulder playfully.

"Wala! Ano ka ba! I think, deserve ko namang sumaya after all that's happened. You know… I'm single from now on, and… I believe ready na ako agad to mingle! Duh, fuck him!"

"Wow, 'te. Ang bilis mag-move on."

"Come on, Eli! Make bitaw na sa arm ko, so I can party my night away."

"O, ayan!" Inirapan ako ni Eliza sabay tapon sa braso ko. "Don't leave with a stranger, alright? Kakalbuhin talaga kita, Maria Ana, kapag nalaman kong iniwan mo 'ko dito!"

I laughed heartily. "Whatever! Go find some other guys! Maghahanap din ako ng akin!"

"Maharot. Sige na nga."

I giggled and finally turned around to leave Eliza. I have a low tolerance for alcohol. Pero hindi ko iniisip iyon noong inubos ko ang isang basong puno ng alak. Masyado akong nilamon ng emosyon ko. Thinking about it wasn't that important. Ang mahalaga, malaya na ako sa gagong ex ko na 'yon.

Ang totoo niyan, our relationship wasn't that serious tulad ng iniisip ng mga tao. It was only for fun. Specifically, for my entertainment. But I would be lying kung sasabihin kong hindi ako naging masaya when I was with him. It was thrilling… and reckless.

Natawa na lang ako sa sarili ko habang pababa ng hagdan. Dahil siguro sa alak, pakiramdam ko ay ang gaan-gaan ng katawan ko. My mind felt so free, unbothered, and in cloud nine, but my heart… my fragile heart… burdened.

I chuckled again to myself. Ridiculous. Could it be love kaya ako nasasaktan? Na kaya nagpapakalasing ako ay dahil hindi ko matanggap na iniwan niya ako? Eh, ano nga ba ang ibig sabihin ng love? I never truly knew it.

Pag-ibig ba ang tawag kapag bigay ka nang bigay ng regalo sa taong mahal mo? Na malulungkot ka na lang sa tuwing hindi niya magugustuhan iyon? Kasi hindi mo muna inalam ang gusto niya? Kaya para magkabati kayo, nangako kang iisipin na ang kapakanan niya sa susunod?

Ganoon ba ang pag-ibig?

Humagikhik ulit ako at sumandal sa metal grill dahil muntik na akong tumagilid. That's a foolish way to describe it. I am sure, hindi ganoon ang pag-ibig. Kahit awayin pa ako ng tao that love is generous, what I did was just too much. Too much.

I looked up at the disco ball and sighed. Ang lakas ng tugtog at mga tao. Iniisip ko kung papaano nila nagawang magsaya na parang wala nang bukas? O katulad ko rin sila… na pilit na tinatago ang sakit sa likod ng tugtog at alak?

Imagine, I wasted a year of my life in that on-and-off relationship, only to find out that he was cheating on me.

"That jerk…" bulong ko, mas humigpit ang hawak sa metal. "Does he seriously think he's so hard to get over with? Tangina pala niya, kung ganoon."

"Woooh!" sigaw ko 'yon. Itinaas ko ang mga braso ko at nakitalon sa mga taong lumulukso sa tugtog. "Let's get this party roooocking! I can fucking live without him!"

Tonight, I finally came to a decision. Tulad ng mga babae at lalaking kasayawan ko, I will live my night like there's no tomorrow. Tatalon at tatalon ako hanggang sa inubos-ubos ng enerhiya ko… hanggang sa mauga ang gagong 'yon mula sa utak ko... at para makalimutan na siya, iyong hindi na babalik pa kailanman.

"At the count of one, two… one, two, three…"

"Hey! Hey! Hey! Hey!"

"Woooooh!" hiyaw ko habang tumatalon. "This is fun! Fucking fun! I want mooooooore!"

Hindi ko inakala na may mas iwa-wild pa ako. Pasaway ako at matigas ang ulo ko. But I didn't expect I would reach this point. I jumped like I was a kid on bed. Ayoko nang tumigil.

Sa ibinuga-buga ng enerhiya ko, nakaramdam ako bigla ng panghihina sa tuhod ko. I don't know what happened next. It's just that... All of a sudden, everything was just a blur. Bumubuka ang bibig ng mga tao pero wala akong naririnig.

What was happening?

My world slowed down like a drip in the faucet, gradually… carefully falling down. And I saw them jumping and bobbing their heads savagely. Pero bakit sobrang tagal? Sobrang gaan? Their feet… They were taking so long to land. Parang… nakalutang sila ere.

Hinawakan ko ang noo ko at napaatras. This is not good. I just felt free and untamed a while ago. Bakit… Bakit parang kinakapos ako ng hininga? Bakit parang ang sikip ng kung nasaan ako ngayon?

Kumawala ako sa kumpulan, doing my best to get out of that inexplicable scenario.

Nabuhay lamang ang huwisyo ko noong bumangga ang aking likod sa pinto. When I saw it, mabilis kong ini-slide iyon at lumabas ng restobar. And when I got out, para akong nakawala sa hawla nang maramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin. Then, I sighed heavily.

"Miss…"

Mabilis akong napalingon sa taong humablot ng braso ko. At sa laking gulat ko, I gave big eyes to the man… No, he was not just a man, or a typical man… but a decent-looking one. Sigurado ako sa nakikita ng mga mata ko. He looks so... extraordinary.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status