KABANATA 29. "P-PO?" HI-HINDI KO PO KAYO MAUNAWAAN LOLA?" Natulos sya sa pag kakaupo sa sinabi ng matanda. "Gusto kita.. gusto kita para sa apo kong si terrance irish".. Malumay nitong saad sakanya. "P-pero lola, Bata pa po ako. nag aaral pa at alam nyo pong teacher ko si sir terrance".. Di sya makapaniwala sa pag amin ng donya sakanya. halos mabulunan sya sa sariling laway sa kakalunok nun. "Matanda na ako iha, at kung aantayin ko pa na magkaroon ng sariling pamilya ang apo ko ay siguradong wala na ako dito sa mundo bago pa mangyari i'yon, wala akong tiwala sa ibang babae na masisiguradong hindi pera ang habol sa aking apo.. pero iba ka, magaan ang loob ko saiyo at alam kong hindi ka ganun klase ng babae.".. Mahabang litanya ni donya imelda. "Ngunit paano naman po si sir terrance? siguradong hindi nya din ito gusto at isa pa baka nabibigla kalang po sa disesyon mo lola. Pasensya kana po pero hindi ko po matatanggap ang singsing na iyan lola".. Nakatungo at mahina nyang sa
KABANATA 30. "IRISHHHH!!" Sigaw ni terrance ng makita ang pagbagsak ng babae sa sahig. Mabilis silang nagsilapitan sa dalaga at tignan ang lagay nito kung bakit ito biglang hinimatay. "Antaas ng lagnat nya!" Muling turan ni terrance habang bakas sa mukha ang pag aalala ng malapitan at mahawakan ang dalaga. "Call dr. Nikki Montañez iho!" May pag mamadaling sabi ni donya imelda na mababalangkas din ang labis na pag aalala sa mukha ng donya. Mabilis ang naging kilos ni terrance para tawagan ang doctor at makarating ito agad. Dahan dahan nyang binuhat ang dalaga at dinala sa isa sa mga guest room ng mansyon. Sumunod naman si donya imelda sa apo na tila natataranta ang mga kilos. Naiwang mag isa si ivy sa baba at parang pakiramdaman nya ay hindi sya nag eexist sa bahay na 'yon. "Tsk! Bakit sobra sobra ang pag aalala nila sa babaeng yun para namang mamamat*y agad e lagnat lang naman pala". Inis na sabi nito sa sarili habang naka krus ang mga kamay sa dibdib. Hindi nag patin
KABANATA 31. Hinayaan nalang ni irish ang binata at inabot ang binigay nitong gamot. Gusto nya na matulog talaga at antok na antok na sya marahil dahil parin sa puyat at kalasingan noong gabi. "Sabihin mo lang kapag may kailangan ka, ise-save ko ang number ko sa phone mo at tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong, Andiyan lang ako sa kabilang kawarto ok?".. Malumanay na bilin ni terrance kay irish ngunit nagtataka sya kung bakit di manlang ito mag salita, Nilapitan nya pa ng kaonti ang dalaga at napangisi ng makitang tulog na pala ito. "Tss, Sakitin". Nasa sariling kwarto na sya ng di maalis sa isip nya ang sinabi ng doctor kanina, Biglang pumasok sa isip nya ang babaeng nakaniig kagabi, "Nilalagnat din kaya sya ngayon?" Tanong nya sa sarili at nakaramdam ng awa sa babaeng 'yon. Pabaling baling sya sa higaan at di makatulog kaya naman naisip nyang magshower muna at uminom kaonti ng alak. halos nakalhati nya na ang bote ng wine nang tumunog ang cellphone nya. Tinitigan
KABANATA 32. Kinaumagahan maagang nagising si irish at alam nya sa sarili na ayos na ang kanyang pakiramdam, marahil ay malaki ang naitulong ng gamot sa kanyang katawan. Hindi na nya muling inabala ang donya at si terrance, kailangan nya nang maka alis at bisitahin ang ama naisip nya ding pag tapos dumalaw sa hospital ay papasok naman sya sa school kahit late na, may mga ilang subject pa naman syang maaabutan at malapit na din ang end of school graduation na next month kaya kailangan nyang pag igihan upang walang maibagsak na subjects. Nagmamadali syang makarating sa hospital kaya naman mabibilis ang kanyang mga sumunod na kilos, Tanaw nya na ang hospital sa kabilang banda ng kalsada, Sa pagmamadaling makatawid ay di nya namalayan ang mabilis na paparating na sasakyan, dahilan para bumusina ito ng sunod sunod. tyaka nya lang napansin kung kailan malapit na ito sakanya. Sa pagkabigla ay di na sya nakagalaw sa kinatatayuan nya, Tila naging bato na sya at naguguluhan kung ano
KABANATA 33. Tututol pa sana si irish ngunit minabuti nyang sumunod nalang sa mga ito para mabilis na syang makaalis sa lugar naalala nya ang kanyang ama at baka nagising na ito at hinahanap sya. "O-sige ho.." "Labas ka muna spencer". sabi ng doctor at agad namang sumunod si spencer sa tinuran ng ina. Nagpaalam ang babaeng doctor sakanya bago icheck ang katawan nya at tignan kung may trauma din ba sya sa nangyare. "Sa tingin ko ay ayos kalang naman at wala namang senyales ng kahit anong trauma sayo, last na, icheck ko muna ang balakang mo at baka nagkaroon ng bruises or scratch dahil sa pagkakatumba mo kanina". Mabilis syang sumang-ayon sa mga sinabi ng doctor ngunit di nya maintindihan at kanina pa kakaiba ang tingin nito sakanya, parang may gusto itong itanong o sabihin ngunit may pumupigil dito. Dahan dahan na ibinaba ni doc yolly ang pants na suot ni irish upang suriin ang balakang pababa, ngunit napahinto nanaman sya ng may makitang birthmark doon na kaparehong ka
KABANATA 34."Ay kapre!" Bulalas ni irish sa gulat ng may biglang nagsalita sa likuran nya. Nilingon nya ito at nagulat ng makita si terrance, "S-sir? ano pong ginawa mo dito?" takang tanong nya sa lalaki. "Bakit di ka nag paalam na aalis kana?, hinahanap ka ni lola. kakagaling mo lang sa sakit nakipagkita ka kaagad sa boyfriend mo". Sabi ni terrance na halata ang pagkairita sa tono at mukha nito. "Ha? hindi ah!" mabilis nyang dipensa sa inasta ng guro. "Ano nga pong ginagawa nyo dito?" Hindi sya sinagot ni terrance at basta nalang umalis. "Anong nangyare dun?" Bulong nya sa sarili. hinayaan nalang ni irish si terrance at nagmamadaling pumasok na sa loob ng ospital. Mabilis nyang tinungo ang kwarto ng ama at laking gulat nya nang gising na ito at inaantay pala syang bumisita. "Papa?" dali-dali syang lumapit sa ama at inabot ang mga kamay nito. "kamusta kana pa? pasesnya na medyo natagalan po ako".. "Ikaw anak kamusta ka?" hirap padin magsalita ang ama ngunit bakas ang lungkot
KABANATA 35. Pagkabigkas noon ay pigil hininga nyang inantay ang isasagot ng donya sakanya. Kung sakaling hindi ito pumayag ay wala na syang magagawa kundi ang lumapit kay Mr. Lim at tanggapin ang alok nitong pagpapakasal. Sa puntong ito ng buhay nya ay gagawin nya ang lahat maisalba lang ang ama dahil ito nalang ang nagiisang natitira sa buhay nya. "Nasaan ka apo?", tanong ni donya imelda sa dalaga. Di na napigilan ni irish ang maiyak nanaman sa sinapit ngayon at naikwento nya na rin ang ilan sa mga nangyaring pang gagantso ng kanyang madrasta. Para syang isang batang nagsusumbong sa lola. "okay, just wait there mag papadala ako ng driver jan wag kana umiyak" Bakas sa himig ng donya ang pag aalala sakanya. Matapos ang usapan nila ay mahigit isang oras syang nag antay sa lugar at maya-maya pay dumating na si mang ben ang inatasang driver ng donya upang sunduin sya. Lulan na sila ng sasakyan ngunit ang isip nya at tila paralisado sa dami ng tumatakbo doon, Ramdam nya an
KABANATA 36. Sinilayan ni terrance ang babaeng mahimbing na natutulog sa kanyang tabi, Hindi nya maunawaan ang sarili ngunit tila imbis na matuwa sya dahil natupad ang isa sa mga hiling nya na muling bumalik sa piling ang babaeng minahal nya ng buong puso ay parang hindi iyon ang sinasabi ng kanyang damdamin ngayon. Marahas syang napabuntong hininga ng maalala ang pagsusugpon nilang dalawa kanina, ang totoo ay nainsulto sya sa sinabi nito kaya kahit wala syang balak na ituloy ang pagniniig nila ay napilitan syang sunggaban ang nobya dahil ayaw na ayaw nya talaga ng minamaliit sya. Pangalawa ay ang kanina pang bumabagabag sa isip nya, habang nagniniig sila ng nobya ay ibang babae ang nasa isip nya at ibang katawan at mukha ang nakikita nya. Aaminin nyang ginananahan lang sya kanina ng mukha ng studyanteng si irish ang nasa imahinasyon nya. Iniisip nya tuloy kung mahal pa ba talaga nya si ivy o may iba nang nagmamay-ari ng puso at atensyon nya. gulong gulo syang umiling ng m
KABANATA 91. "WHAAAAT?" Mataas na boses ng ama ni terrance na si terry ang nangibabaw sa hapag kainan nila sa mansyon ng umaga ding iyon matapos matanggap ang tawag mula sa private hospital na malapit sa lugar kung saan naaksidente si terrance kaninang madaling araw. Ayon sa ospital ay dinala si terrance pasado alas singko na ng umaga matapos itong araruhin ng 10 wheeler truck dahil sa bilis ng pag mamaneho at ayon sa doktor ay lasing na lasing ang anak. Durog ang unahan ng kotse nito at malakas na tumilapon sa tabi ng daan. "Terry, what happened? who's calling?" Tanong ni vivian dito ng mapatayo ang asawa sa sobrang gulat. "Come on! we need to go to the hospital. Naaksidente ang anak mo at malubha daw ang kalagayan!" Natutop ni vivian ang sariling bibig, ganon din si donya imelda na humawak sa dibdib at binagsak ang kubyertos na hawak. "Ano kamo? diyos ko! sasama ako!" Agad na sagot ng matanda. "No mom, please stay here baka makasama sa kalusugan mo, babalitaan ka nam
KABANATA 90. Isang linggo na ang nakalipas nang halos hindi umuuwi si terrance sa kanilang mansyon, Lagi lang syang nasa trabaho at pinipilit na abalahin ang sarili. Pagkatapos nya magpa-gabi sa kumpanya ay dederetso naman sya sa bar at doon na halos nagpapalipas ng gabi, nilalango nya ang sarili sa alak at mag-isang nagluluksa dahil sa nangyari sa asawa. Pakiramdam nya ay kalahati ng pagkatao nya ay nawala na rin, wala ng sigla, saya at buhay. Tahimik syang nakatitig sa picture ni irish sakanyang telepono dahil naka wallpaper ang litrato nito doon habang umiinom ng alak. Madaling araw na ngunit heto sya't inuubos ang sariling kamalayan sa paglalasing. Wala syang gustong makasama at makausap, maging si ivy ay iniiwasan nya rin at pinadadalhan nalang ng kung anong kailangan nito sa pagbubuntis. Para sakanya sariwang sariwa pa ang mga nangyari at kada pipikit sya ng mata ay mukha ni irish ang nakikita nya, ang nakangiting itsura nito at ang boses na tila miss na miss na nya
KABANATA 89.Ilang araw na ang nakakalipas mula ng mabalitaan ni allan mula sa pamilya ni terrance ang pagkamatay ng anak, Araw-awa syang tulala at wala sa sarili matapos syang personal na pumunta sa mansyon ng mga padilla at nakaharap ang pamilya ni terrance. Hindi nya nakaharap ang lalaki dahil ayon sa pamilya ay bibihirang umuwi ang lalaki at kung uuwi man ay lasing na lasing at hindi makausap ng maayos. Hanggang ngayon ay hindi nya matanggap ang nangyari sa anak at sinisisi ang sarili dahil sa tingin nya ay napabayaan nya ito kaya sinapit ang ganoong kalunos-lunos na pangyayari. "Alan, kumain ka naman ilang araw na akong nababahala baka atakihin ka muli sa puso" May pag-aalalang saad ni tess sa asawa habang hinahaplos nito ang likod niya."Hayaan mo na lamang ako tess, hindi ko matanggap na ganon nalang kabilis nawala ang anak ko saakin. kaya pala iba ang kutob ko sa mga nakaraang tagpo namin ay iyon na pala ang huling sandali na makakasama ko si irish... ang anak ko... ang anak
KABANATA 88. Huminto sa pag mamaneho si terrance ng madaanan nya ang isang tulay na may malalim na ilog sa ilalim. itinabi nya ang sasakyan at wala sa sarili na naglakad papunta doon. Tumigil sya ng makita ang taas non at tumitig sa tubig, natagpuan nya ang sarili na muling lumuluha ngunit blanko ang ekpresyon ng mukha, marahan nyang kinapa ang bulsa ng suot na jacket at kinuha mula roon ang jade bracelet na kinuha nya sa kamay ng asawa bago ito i-crimate. Nagbagsakan ang mga luha nya habang nakatitig sa naiwang alala ng asawa, "Bakit gano'n? kung kailan sigurado na ako sa nararamdaman ko at handa na akong ipaglaban ka ay tyaka mo naman ako iniwan? Andaya mo naman.. andaya-daya mo.." kausap nya sa hawak na bracelet. "Tulungan mo akong kayanin to, tumungan mo akong bumangon muli dahil pag hindi ko kinaya... Susunod ako kung nasan ka man ngayon".. Bumuntong hininga sya at ipinikit ang mata, inilagay nya sa dibdib ang bracelet kasunod ng mga paghikbing ni minsan ay hindi nya g
KABANATA 87. "Ano, may balita na ba?". Tanong ni terrance sa tauhan nya matapos nitong sagutin ang tawag. "Yes sir, malapit na po kami sa area at may mga nakapag sabi na may narinig silang putukan ng baril sa isang abandonadong warehouse". sagot nito kay terrance. "Good, send me the exact location. NOW!" Pagkasabi nun ay halos paliparin nya na ang sasakyan habang binabagtas ang lugar na naroon sa GPS tracker ng mga tauhan, malapit lang din sya sa lugar kaya mataimtim syang nagdarasal habang kumakabog ang dibdib dahil sa pangamba na baka nasaktan na ang asawa. "Lord please save irish, ipinapangako ko kapag nakita ko sya ay hindi ko na hahayaang mawalay sya sa tabi ko, handa na akong ipaglaban ang nararamdaman ko sakanya at kahit anong mangyari mamahalin ko sya hanggang sa huling hininga ko". tahimik nyang dasal sa isip habang papalapit na sa lugar na sinabi. Mabilis nyang narating ang liblib na lugar at masukal na daan, pabalang nyang ipinarada ang sasakyan at tumakbo papa
KABANATA 86. "Hahhh!" Sumigaw ng malakas si myla ng nagsitalsikan sa mukha at dibdib nya ang mga dugo na galing kay irish matapos itong biglang humarang at yumakap sakanya ng mahigpit, Nanginginig ang buong katawan at kamay nya ng saluhin nya ang babae. "I-irish.. i-irish.." pati bibig ay hindi nya maibuka ng maayos dahil sa pagkagulat. May naramdaman syang mainit na likido sa kamay nya na nakahawak sa likod ni irish, dahan-dahan nyang inangat ang palad at nakita nya ang napakaraming dugo na nagmumula sa babae. Muli syang napahiyaw dahil sa takot, natumba silang dalawa sa sahig dahil hindi nya na kinaya ang bigat ni irish, "Irish, irish please wag kang pumikit, bakit mo ginagawa yun? lumaban ka!... Lumaban kaaa!" Dahil sa pagkataranta inalog nya ng husto ang katawan ni irish at tinakpan ang tama nito ng baril sa bandang likod ng balikat, dahilan para magkalat ang dugo ni irish sa mga kamay at braso nya. Natutop ni ivy ang bibig nya matapos na makita kung sino ang tinamaan ng baril
KABANATA 85. Tunog ng isang basag na baso ang narinig ni spencer kaya nilingon nya ang ina at nakita ang pagkabalisa sa mga kilos nito, "Mom, are you okay?" Mabilis nyang nilapitan ang ina sa gawi nito sa mesa habang sila ay naghahapunan. "H-ha?" Nilingon ni yolly ang anak dahil bahagya sya nitong hinaplos sa likod, hindi nya namalayan na nakalapit na pala ito sakanya dahil sa malalim na pag iisip. Hindi nya alam ang biglaang panlalamig na naramdaman kaya iinom sana sya ng tubig ngunit dumulas ang babasaging baso sa kamay nya dahilan para mahulog ito sa sahig at mabasag. "Ang sabi ko po ay ayos lang ba kayo? i think you need to take your medicine mom". Dalawa lamang sila ng anak na naghahapunan ng gabing iyon, ngunit parang may kung anong kumurot sa dibdib nya at nakaramdam sya ng kakaibang kaba. "A-ayos lang ako anak, sige na tapusin mo na yang kinakain mo bigla ako nawalan ng gana". sagot nya sa anak dahil halata sa mukha nito ang pag-aalala sakanya. "Okay, sigurado ka po
KABANATA 84. Ayaw nya mang ipakita kay ivy na labis syang nasasaktan ngunit hindi nya mapigilan ang sarili pakiramdam nya ay para nadin syang pinatay kasabay ng pagkadurog ng puso. Bahagyang kumirot ang tiyan nya marahil ay dahil sa labis na pag-iyak. "Oh bakit natameme ka? asan na ang tapang mo kanina? Stupid b*tch! kahit saang anggulo mo tignan talo ka, narinig mo diba? si terrance na mismo ang nagsabi hindi ka niya kailanman mamahalin wala lang syang choice kaya napilitang pakasalan ka! Bata ka pa nga talaga, madaling mauto!". Naghari ang malakas na tawa nito sa buong lugar, tawa na mapanuya't mapang-insulto. Inangat nya ang tingin sa babae at kahit hilam sa luha't pagkabigo ang mukha nya at mapait nya pading nginitian ito, Naisip nya na talunan nga sya at kahit sabihin pa nya kay terrance ang sikreto ni ivy, sa mga narinig nya ngayon ay mababalewala lamang 'yon dahil mahal na mahal nito ang babae, "Oo na! tapos ka na ba? mag-sama kayong dalawa, akala mo ba hindi ko alam na h
KABANATA 83. "Wag kang mag patawa miss, mabuti pa manahimik ka nalang baka di mo magustuhan pag nanggigil ako".. Saad nito sakanya at hinaplos ang braso nya habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng katawan nya. Nanindig ang balahibo nya sa ginawa ng maskuladong lalaki, iniwas nya ang braso sa pagkakahawak nito. "Hindi ba kayo natatakot? pag nalaman ng mga pulis to--".. Naputol ang sasabihin nya ng bigla syang sampalin ng lalaki at hawakan nito ng mahigpit ang mukha nya. "Sabi ko manahimik ka! isang salita mo pa di lang yan ang aabutin mo!" Binitawan nito ang pisngi nya at naramdaman nya ang mainit na dugong tumulo mula sa gilid ng labi nya marahil ay dahil sa lakas ng sampal na natamo, ngunit hindi nya alintana ang hapdi tanging nasa isip nya lang kung paano makakatakas sa lugar na 'yon. Umalis ang mga lalaki sa harap nya at ang iba nama'y nagsusugal sa di kalayuan sa tantya nya ay may halos sampong lalaki ang nagbabantay sakanila ngayon. iginala nya ang paningin at tini