KABANATA 37. Mabilis ang ginawang pag talikod ni terrance dahil ramdam nyang namumula ang mukha nya, naaaliw syang makita ang malawak na ngiti ng dalaga ng sabihin nyang ipagluluto nya ito. "Such a cutey!" saad nya sa isip habang sinisimulan na ang pagluluto. Habang nagluluto si terrance ng naka sando at apron lamang titig na titig si irish pababa sa malalaki nitong braso at malapad na dibdib, sunod sunod ang paglunok na ginawa nya dahil naiimagine nya nanaman yung nakita nya nung gabing may nangyari sakanila, kung gaano kalaki at katig*s yung nasa ibaba nito. amaze na amaze sya dahil marunong pala talaga ito magluto, pangalawang beses na syang ipinagluto ng lalaki at di nya maiwasang mapangiti habang iniisip i'yon. "kasing sarap nya din kaya yung niluluto nya?.." "Hey?!, baka maubos ako".. Hindi lumilingong sabi ni terrance sa dalagang nakatitig sakanya habang nagluluto sya. Kanina nya pa alam na sakanya nakatuon ang mata ng babae at tila hindi kumukurap. "Ah- ha?" Naputol
KABANATA 38. Mabilis na lumipas ang isang linggo, Nasa ospital ngayon si irish matyagang binabantayan ang ama dahil bagong opera lamang ito at di na sya makapag antay na gumaling ito para makapagsimula muli silang dalawa, Hindi naging biro ang pinagdaanan nya ng ilang araw din itong tulog dahil sa operasyon, at kahit ang tungkol sa madrasta nya ay hindi pa nya masabi dahil baka makasama sa lagay nito. Tyaka nya na lamang iintindihin ang tungkol doon kapag tuluyan na itong gumaling. Palabas na sya ng ospital ng biglang may tumawag sa telepono nya, tinitigan nya ang numerong nakalagay doon at sinagot matapos maka ilang ring, "Hello?".. "Hi irish". "Sino to?" "Spencer, bilis makalimot a." "Oh, ikaw pala yan, napatawag ka?" "um, straight to the point, pwede kaba next day?" "ha? saan?" "hm.. Birthday event, A tycoon and very important person in business world. A-attend karamihan sa mga CEO'S ng mga sikat na company here in Philippines". "Oh? b-bakit ako? di naman ak
KABANATA 39. Nagkatingin si terrance at irish, Ang totoo parang gusto bawiin ni irish ang pagsangayon nya sa donya ngunit baka atakihin nanaman ito kaya minabuti nyang tumahimik na lang. Sa kabilang banda hindi nya alam kung bakit pumayag si terrance na magpakasal sakanya gayong may nobya ito. Lalong gumulo ang isip nya ng maalala ang ama, tiyak nyang magagalit ito kapag nalaman na mag-aasawa na sya. Samantala, Labis ang tensyon na naramdaman ni terrance ng marinig ang pag payag ni irish na maikasal sa iba. Pakiramdamn nya kanina ay para syang sinisilaban sa isiping magpapakasal ito sa iba. Di nya maintindihan pero ayaw nya mangyari yun, Di na sya nakapagisip ng tama basta ang alam nya hindi sya makakapayag na mapunta ito sa iba. Nang makapagdisesyon na sya ay tyaka nya na lamang naalala ang nobya, tiyak nyang masasaktan nya ito ng sobra sa gagawin. Lihim na galak ang naramdaman ng donya dahil sa wakas ay nakumbinsi nya rin ang apong si terrance na magpakasal kay irish, hindi
KABANATA 40. "Spencer ang dami na nito at ang mamahal ano kaba isang gabi lang naman ang pupuntahan e ang lagay parang pang 1 month na to!" Reklamo nya sa binata. "HAHAHA.. Ang cute mo talaga, ok lang yan, small things isipin mo gift ko na sayo yan dahil sa pag payag mo, at tyaka alam mo ba bagay sayo lahat ng sinukat mo kanina".. Sabay kurot nito sa pisngi nya habang malakas na tumatawa. Napahinto si Irish ng may makitang isang pamilyar na mukha, Nag apoy bigla ang mata nya ng makilala kung sino ang babaeng nakikita nya ngayon na masaya kasama ang dalawang batang babae at lalaki na sa tingin nya ay mas bata sakanya ng lima hanggang apat na taon. Mabilis nyang ibinigay kay spencer ang mga paper bags na hawak at maingat na nilapitan ang dating madrasta. "Tignan mo nga naman kung sino ang nandito!, masayang namamasyal habang ang ama ko'y nagdurusa sa ospital ngayon". May panginginig sa boses na sabi nya kay ginang tess. "I-irish..." Gulat at balisang wika ng madrasta. "
KABANATA 41.Nung una ay nag alinlangan si irish na pumasok sa bahay nito at sandaling pinakiramdaman ang paligid. Pumasok sya ng dahan dahan at sinipat sipat ang loob ng bahay, Halos kakaonti lamang ang gamit at hindi kalakihan ang spasyo. "Maupo ka irish, ikukuha kita sandali ng maiinom" Alok ng ginang sakanya."Hindi ako nagpunta rito para makiinom, Maikli lang ang oras ko at tumatakbo ito, Magpaliwanag ka kung san ka kumuha ng lakas ng loob para lokohin si papa sa loob ng mahabang panahon na pagsasama nyo!". May poot ngunit matatag na saad nya sa madrasta. Umupo ang ginang, yumuko ito at nagpakawala ng buntong hininga. "Una sa lahat humihingi ako ng kapatawaran mo sa lahat ng kalupitang dinanas mo sa kamay ko hanggang sa lumaki ka, Hindi ko naman sinasadya 'yon, sa kasakiman ko na mapunta saakin ang bahay ng ama mo ay unti-unti kitang siniraan sakanya". Biglang nag iba ang ekspresyon ni irish at nagkaroon ng mapait na ngiti ang sumilay sa mukha nya. " Hindi na bago sakin ang si
KABANATA 42. Mabilis na lumipas ang isang linggo buhat ng mag usap sila ng madrasta at Malapit na din makalabas ang ama ni irish at nakalabas nadin ng ospital si donya imelda., nag hire ito ng karagdagang personal doctor na araw araw pumupunta sa mansyon para icheck ang kalagayan nya. Magaan ang takbo ng sitwasyon ng pamumuhay nya ngayon ngunit may isang bagay ang kinalilituhan nya sa ngayon. "Iha, apo terrance handa na ba kayo?" Malapad ang ngiti ng donya habang nakatingin kay irish at terrance, maya maya lang kase ay dederetso na sila sa kaibigan nitong judge upang maikasal na. Napagkasunduan nila na wag na gawing Engrande ang kasal at tama ng silang pamilya lamang ang nakakaalam. umuwi buhat sa ibang bansa ang mga magulang ni terrance ngunit walang pamilya na maiharap si irish dahil nasa ospital pa ang papa at pinakiusapan nya ang donya na wag na munang ipaalam ang pag aasawa nya dito. "Hello dear" bati ng nakangiting ina ni terrance sakanya. Naiintindihan nya na kung bakit
KABANATA 43. Natulala si terrance sa kahubaran ni irish, Tila nahipnotismo sya sa ganda ng tanawin mula sa pagkakaupo sa kama, Di nya mabilang kung ilang beses syang napalunok ng laway dahil pakiramdam nya ay natuyuan sya ng lalamunan. Mabilis na tinakpan ni irish ang katawan gamit ang mga kamay at dinampot ang tuwalya sa sahig, "Bwiset ka talaga! anong ipis wala naman e". Namumula ang mukha nya sa hiya at inis sa binata. padabog nyang kinuha ang damit na bibihisin at tumakbong muli sa loob ng cr. Dahan dahan dumapa si terrance sa kama para itago ang sarili at ang nagsisimula nanamang tumigas na pagkalal*ki. Paulit ulit na bumabalik sa isip nya ang hubog ng katawan at kabuoan ng dalaga tila pinagpawisan sya ng malapot sa mga sandaling iyon. Lumabas muli ng cr si irish at nakabihis na ito ngunit nakasimangot "San ako matutulog?" Pabalang nyang tanong sa kay terrance. "Dito sa tabi ko" simpleng sagot nito. "ha? hindi pwede!" . "Bakit hindi e mag-asawa na tayo". "May
KABANATA 44. Wala nang nagawa si irish kaya pumayag na syang maihatid at samahan ng asawa. Habang nasa byahe sila nakahawak si irish sa sariling tyan sapagkat nakakaramdam sya ng gutom na tila hindi kayang tiisin pa. Napansin iyon ni terrance kaya maagap itong nagtanong sakanya. "Why?, Nagugutom ka no? hindi ka kase kumain". "A-ayoko kase ng pagkain kanina, hindi naman ako maselan pero hindi ko gusto ang amoy".. "Ano bang gusto mong kainin, para makakain ka bago tayo pumunta ng ospital". "A- ahh, gusto ko sana ng j-joll*bee Burger, fries, spaghetti at chicken tas madaming gravy". Dere-deretso nyang sabi hindi nya talaga alam kung bakit kanina pa pumapasok sa isip nya ang fastfood na iyon para bang takam na takam sya doon. "Ha? seriously? tss". Napailing si terrance sa isip sip nya ay ang aga naman para sa kakaibang pagkain na gusto nito, maya-maya lang ay nakahanap sila ng drive-tru at umorder ng mga gusto nito. "Ansaraaaap! ansarap! ansarap!" Paulit ulit na sabi
KABANATA 91. "WHAAAAT?" Mataas na boses ng ama ni terrance na si terry ang nangibabaw sa hapag kainan nila sa mansyon ng umaga ding iyon matapos matanggap ang tawag mula sa private hospital na malapit sa lugar kung saan naaksidente si terrance kaninang madaling araw. Ayon sa ospital ay dinala si terrance pasado alas singko na ng umaga matapos itong araruhin ng 10 wheeler truck dahil sa bilis ng pag mamaneho at ayon sa doktor ay lasing na lasing ang anak. Durog ang unahan ng kotse nito at malakas na tumilapon sa tabi ng daan. "Terry, what happened? who's calling?" Tanong ni vivian dito ng mapatayo ang asawa sa sobrang gulat. "Come on! we need to go to the hospital. Naaksidente ang anak mo at malubha daw ang kalagayan!" Natutop ni vivian ang sariling bibig, ganon din si donya imelda na humawak sa dibdib at binagsak ang kubyertos na hawak. "Ano kamo? diyos ko! sasama ako!" Agad na sagot ng matanda. "No mom, please stay here baka makasama sa kalusugan mo, babalitaan ka nam
KABANATA 90. Isang linggo na ang nakalipas nang halos hindi umuuwi si terrance sa kanilang mansyon, Lagi lang syang nasa trabaho at pinipilit na abalahin ang sarili. Pagkatapos nya magpa-gabi sa kumpanya ay dederetso naman sya sa bar at doon na halos nagpapalipas ng gabi, nilalango nya ang sarili sa alak at mag-isang nagluluksa dahil sa nangyari sa asawa. Pakiramdam nya ay kalahati ng pagkatao nya ay nawala na rin, wala ng sigla, saya at buhay. Tahimik syang nakatitig sa picture ni irish sakanyang telepono dahil naka wallpaper ang litrato nito doon habang umiinom ng alak. Madaling araw na ngunit heto sya't inuubos ang sariling kamalayan sa paglalasing. Wala syang gustong makasama at makausap, maging si ivy ay iniiwasan nya rin at pinadadalhan nalang ng kung anong kailangan nito sa pagbubuntis. Para sakanya sariwang sariwa pa ang mga nangyari at kada pipikit sya ng mata ay mukha ni irish ang nakikita nya, ang nakangiting itsura nito at ang boses na tila miss na miss na nya
KABANATA 89.Ilang araw na ang nakakalipas mula ng mabalitaan ni allan mula sa pamilya ni terrance ang pagkamatay ng anak, Araw-awa syang tulala at wala sa sarili matapos syang personal na pumunta sa mansyon ng mga padilla at nakaharap ang pamilya ni terrance. Hindi nya nakaharap ang lalaki dahil ayon sa pamilya ay bibihirang umuwi ang lalaki at kung uuwi man ay lasing na lasing at hindi makausap ng maayos. Hanggang ngayon ay hindi nya matanggap ang nangyari sa anak at sinisisi ang sarili dahil sa tingin nya ay napabayaan nya ito kaya sinapit ang ganoong kalunos-lunos na pangyayari. "Alan, kumain ka naman ilang araw na akong nababahala baka atakihin ka muli sa puso" May pag-aalalang saad ni tess sa asawa habang hinahaplos nito ang likod niya."Hayaan mo na lamang ako tess, hindi ko matanggap na ganon nalang kabilis nawala ang anak ko saakin. kaya pala iba ang kutob ko sa mga nakaraang tagpo namin ay iyon na pala ang huling sandali na makakasama ko si irish... ang anak ko... ang anak
KABANATA 88. Huminto sa pag mamaneho si terrance ng madaanan nya ang isang tulay na may malalim na ilog sa ilalim. itinabi nya ang sasakyan at wala sa sarili na naglakad papunta doon. Tumigil sya ng makita ang taas non at tumitig sa tubig, natagpuan nya ang sarili na muling lumuluha ngunit blanko ang ekpresyon ng mukha, marahan nyang kinapa ang bulsa ng suot na jacket at kinuha mula roon ang jade bracelet na kinuha nya sa kamay ng asawa bago ito i-crimate. Nagbagsakan ang mga luha nya habang nakatitig sa naiwang alala ng asawa, "Bakit gano'n? kung kailan sigurado na ako sa nararamdaman ko at handa na akong ipaglaban ka ay tyaka mo naman ako iniwan? Andaya mo naman.. andaya-daya mo.." kausap nya sa hawak na bracelet. "Tulungan mo akong kayanin to, tumungan mo akong bumangon muli dahil pag hindi ko kinaya... Susunod ako kung nasan ka man ngayon".. Bumuntong hininga sya at ipinikit ang mata, inilagay nya sa dibdib ang bracelet kasunod ng mga paghikbing ni minsan ay hindi nya g
KABANATA 87. "Ano, may balita na ba?". Tanong ni terrance sa tauhan nya matapos nitong sagutin ang tawag. "Yes sir, malapit na po kami sa area at may mga nakapag sabi na may narinig silang putukan ng baril sa isang abandonadong warehouse". sagot nito kay terrance. "Good, send me the exact location. NOW!" Pagkasabi nun ay halos paliparin nya na ang sasakyan habang binabagtas ang lugar na naroon sa GPS tracker ng mga tauhan, malapit lang din sya sa lugar kaya mataimtim syang nagdarasal habang kumakabog ang dibdib dahil sa pangamba na baka nasaktan na ang asawa. "Lord please save irish, ipinapangako ko kapag nakita ko sya ay hindi ko na hahayaang mawalay sya sa tabi ko, handa na akong ipaglaban ang nararamdaman ko sakanya at kahit anong mangyari mamahalin ko sya hanggang sa huling hininga ko". tahimik nyang dasal sa isip habang papalapit na sa lugar na sinabi. Mabilis nyang narating ang liblib na lugar at masukal na daan, pabalang nyang ipinarada ang sasakyan at tumakbo papa
KABANATA 86. "Hahhh!" Sumigaw ng malakas si myla ng nagsitalsikan sa mukha at dibdib nya ang mga dugo na galing kay irish matapos itong biglang humarang at yumakap sakanya ng mahigpit, Nanginginig ang buong katawan at kamay nya ng saluhin nya ang babae. "I-irish.. i-irish.." pati bibig ay hindi nya maibuka ng maayos dahil sa pagkagulat. May naramdaman syang mainit na likido sa kamay nya na nakahawak sa likod ni irish, dahan-dahan nyang inangat ang palad at nakita nya ang napakaraming dugo na nagmumula sa babae. Muli syang napahiyaw dahil sa takot, natumba silang dalawa sa sahig dahil hindi nya na kinaya ang bigat ni irish, "Irish, irish please wag kang pumikit, bakit mo ginagawa yun? lumaban ka!... Lumaban kaaa!" Dahil sa pagkataranta inalog nya ng husto ang katawan ni irish at tinakpan ang tama nito ng baril sa bandang likod ng balikat, dahilan para magkalat ang dugo ni irish sa mga kamay at braso nya. Natutop ni ivy ang bibig nya matapos na makita kung sino ang tinamaan ng baril
KABANATA 85. Tunog ng isang basag na baso ang narinig ni spencer kaya nilingon nya ang ina at nakita ang pagkabalisa sa mga kilos nito, "Mom, are you okay?" Mabilis nyang nilapitan ang ina sa gawi nito sa mesa habang sila ay naghahapunan. "H-ha?" Nilingon ni yolly ang anak dahil bahagya sya nitong hinaplos sa likod, hindi nya namalayan na nakalapit na pala ito sakanya dahil sa malalim na pag iisip. Hindi nya alam ang biglaang panlalamig na naramdaman kaya iinom sana sya ng tubig ngunit dumulas ang babasaging baso sa kamay nya dahilan para mahulog ito sa sahig at mabasag. "Ang sabi ko po ay ayos lang ba kayo? i think you need to take your medicine mom". Dalawa lamang sila ng anak na naghahapunan ng gabing iyon, ngunit parang may kung anong kumurot sa dibdib nya at nakaramdam sya ng kakaibang kaba. "A-ayos lang ako anak, sige na tapusin mo na yang kinakain mo bigla ako nawalan ng gana". sagot nya sa anak dahil halata sa mukha nito ang pag-aalala sakanya. "Okay, sigurado ka po
KABANATA 84. Ayaw nya mang ipakita kay ivy na labis syang nasasaktan ngunit hindi nya mapigilan ang sarili pakiramdam nya ay para nadin syang pinatay kasabay ng pagkadurog ng puso. Bahagyang kumirot ang tiyan nya marahil ay dahil sa labis na pag-iyak. "Oh bakit natameme ka? asan na ang tapang mo kanina? Stupid b*tch! kahit saang anggulo mo tignan talo ka, narinig mo diba? si terrance na mismo ang nagsabi hindi ka niya kailanman mamahalin wala lang syang choice kaya napilitang pakasalan ka! Bata ka pa nga talaga, madaling mauto!". Naghari ang malakas na tawa nito sa buong lugar, tawa na mapanuya't mapang-insulto. Inangat nya ang tingin sa babae at kahit hilam sa luha't pagkabigo ang mukha nya at mapait nya pading nginitian ito, Naisip nya na talunan nga sya at kahit sabihin pa nya kay terrance ang sikreto ni ivy, sa mga narinig nya ngayon ay mababalewala lamang 'yon dahil mahal na mahal nito ang babae, "Oo na! tapos ka na ba? mag-sama kayong dalawa, akala mo ba hindi ko alam na h
KABANATA 83. "Wag kang mag patawa miss, mabuti pa manahimik ka nalang baka di mo magustuhan pag nanggigil ako".. Saad nito sakanya at hinaplos ang braso nya habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng katawan nya. Nanindig ang balahibo nya sa ginawa ng maskuladong lalaki, iniwas nya ang braso sa pagkakahawak nito. "Hindi ba kayo natatakot? pag nalaman ng mga pulis to--".. Naputol ang sasabihin nya ng bigla syang sampalin ng lalaki at hawakan nito ng mahigpit ang mukha nya. "Sabi ko manahimik ka! isang salita mo pa di lang yan ang aabutin mo!" Binitawan nito ang pisngi nya at naramdaman nya ang mainit na dugong tumulo mula sa gilid ng labi nya marahil ay dahil sa lakas ng sampal na natamo, ngunit hindi nya alintana ang hapdi tanging nasa isip nya lang kung paano makakatakas sa lugar na 'yon. Umalis ang mga lalaki sa harap nya at ang iba nama'y nagsusugal sa di kalayuan sa tantya nya ay may halos sampong lalaki ang nagbabantay sakanila ngayon. iginala nya ang paningin at tini