"Hello Jean? Ha? Sandali at pupunta na ako diyan. I'm sorry Mr. Breslow pero saka na lang tayo mag usap." Bigla akong kinabahan ng sabihin ni jean na nawawala si Michael. Kaya naman agad na akong lumabas ng conference room kahit na hindi pa sumagot sa akin si Austin. "Ano nangyari? Paano siya nawala Jean?" Agad na tanong mo kay Jean ng nakasalubong ko siya sa may elevator."Hindi ko rin alam, Mich. Sinabi ko wag siyang aalis sa dressing room at mag babanyo lang ako, pero pag balik ko galing banyo wala na siya." Paliwanag niya sa akin. Hindi naman ako pwede magalit sa kanya dahil alam ko na wala siyang kasalanan. Isa pa pinakiusapan lang siya na bantay niya si Michael."Naghanap ka na ba sa ibang floor? O kaya nag try ka na ba mag tanong sa mga staff dito? Baka may nakakita sa kanya." Saad ko sa kanya. Kinalma ko ang aking sarili dahil hindi ako pwede mag panic, dahil baka may maka alam na anak ko si Kiel."Oo nag tanong na ako sa kanila, pero wala daw may nakakita sa kanya. Balak ko
Mula ng mawala si Kiel sa BPC ay hindi na pumayag si Lander na dalhin ko ulit si Kiel sa kumpanya ni Austin. Okay lang naman daw na nakikita ni Austin si Kiel, pero natatakot daw kasi siya na baka may mangyari na masama sa bata. Naiintindihan ko rin naman ang pinupunto niya. Paano kung hindi si Austin ang naka kita sa kay Kiel at lumabas pala siya ng kumpanya. Masyado pang bata si Michael at hindi niya alam kung sino ang dapat niyang samahan at pagkatiwalaan."Kuya aalis na ako." Paalam ko kay kuya Lander. Tulog pa si Kiel kaya hindi ko na ito ginising pa. Ngayon kasi ang photoshoot namin sa Subic, kaya maaga ang alis namin."Okay, mag ingat ka. Mag ingat ka sa kanya." Nakangising turan niya sa akin, kaya inikotan ko siya ng mata."Kuya, wala na siyang dating sa akin. At kung meron man akong nararamdaman pa sa kanya galit na lang yun. " sagot ko sa kanya." Talaga ba Xhy? Eh bakit iba ang nakikita ko diyan sa mata mo? " ani pa niya sa akin." Anong nakikita. Pwede ba kuya alam ko nama
"Huwag ka mag alala dahil hindi mo anak si Kiel. At sana kung ano man ang nangyari sa nakaraan natin ay wag muna sanang ungkatin pa." Galit na saad ko sa kanya. Paano niya, nagawa na itanong sa akin ang lahat ng kababoyan at pagtataboy niya sa akin noon. Pagkatapos na mawala ang isa sa anak namin.. napahawak ako sa dibdib ko ng bigla itong sumikip."Stop the car." Utos ko sa kanya."Mich, I'm sorry gusto ko lang naman-""Stop the car, Austin! I said stop the car!" Sigaw ko sa kanya. Tinabi niya ang sasakyan at lumingon sa akin, pero agad akong bumaba sa sasakyan niya."Mich, sandali I'm sorry–" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng sampalin ko siya. Hindi pa ako na kuntento kaya sinampal ko ulit siya."Ang kapal ng mukha mo. Ang kapal kapal ng mukha mo para tanongin ako tungkol sa anak ko." Napatid ang pagtitimpi ko sa kanya. "How dare you ask me about what happened to the child I am pregnant with. Ang kapal mo! Pagkatapos mo sabihin sa akin noon na hindi mo anak ang pinagbubun
"Salamat pero palabas na rin ako para kumain." Malamig na saad ko. Napa kamot naman ito sa kanyang ulo."Ang akala ko kasi ayaw mo pang lumabas ngayon, kaya naisipan ko na dalhan ka na lang nag pagkain dito." Nakangiti na sagot niya sa akin. Kung noon matapang ang mukha nito at ito ang laging nasusunod ngayon naman para itong maamong tupa."Why?""Ha?" Gulat na tanong niya sa tanong ko."Bakit ginagawa mo ang lahat ng ito? Para ano? Para ba makuha ulit ang loob ko? Tapos ano? Tapos kapag hulog na hulog na ulit ako sayo ay itataboy mo ulit ako. Ganun ba ang plano mo Austin?" Lakas loob na saad ko. Umiling siya sa akin."Hindi Mich, wala akong planong ganyan. Gusto ko lang naman na maging okay ulit tayo." Malumanay na saad niya. Gusto ko tuloy matawa sa kanya. "Nasasapian ka ata Mr. Breslow. Sa palagay mo ba pagkatapos ng lahat ginawa mo sa akin mapapatawad pa kita? Pagkatapos mo akong pagsamantalahan, baboyin at patayin ang anak ko." Akala ko tapos na kami kanina pero ito na naman kam
Austin pov "Mich, tama na yan, lasing ka na. Ang mabuti pa mag pahatid ka na sa cottage mo." Saad ko sa kanya. Dahil namumula na ang mukha niya at namumugay na ang kanyang mga mata. "No! Unless na ikaw ang maghahatid sa akin. At isayaw mo ako katulad noon. " Aniya sabay lapit sa akin. Napa mura naman ako sa aking isipan ng ikawit niya ang mga kamay niya sa leeg ko at hinilig niya ang kanyang ulo sa aking dibdib."You know what, I really love your smell. Ang sarap sarap mong amuyin.." napa higpit ang hawak ko sa bewang niya ng lalo niyang isubsob ang mukha niya sa leeg ko."Shit!" Mura ko ng maramdaman ko ang pag dila niya sa leeg ko. Kinalma ko ang aking sarili dahil unti unti na rin nabubuhay ang aking alaga dahil sa kanyang ginawa."Naku! Mr. Breslow, pasensya na kayo kay Mich." Paumanhin na saad ni, Isabelle sa akin. "Mich, halika na, ihatid na kita sa cottage mo." Ani ni, Isabelle sa kay Mich at hinawakan ito sa braso."Ayoko nga sayo eh," tinabig naman ni Mich ang kamay ni Isa
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa ko ang lahat ng yun kay Austin."Hinding hindi na talaga ako iinom." Wala sa sarili na saad ko habang kumakain. Napatingin naman ako kay Jojo ng bigla itong umubo at ngumiti ng makahulugan sa akin. Pero agad itong siniko ni Isabelle kaya bigla itong nag iwas ng tingin sa akin."Miss Mich, tungkol po pala kagabi. Gusto ko po sana mag sorry dahil sa mga naging tanong ko. Hindi ko po sadyang ungkatin ang past niyo ni sir Austin. " Hinging paumanhin ni Venus habang nakayuko sa harap ko. Alam kong nahihiya ito sa akin ngayon dahil sa mga tinanong niya kagabi. Hindi ko rin naman siya masisisi, kung ako siguro sa kalagayan niya at curious ko sa kung anong nangyari sa relasyon ng boss niya sa model ng kumpanya baka mag tanong rin ako. Sa ibang paraan lang siguro yung kaming dalawa lang at hindi sa harap ng mga kasama namin."Sorry talaga Miss Mich, gusto ko lang po talaga malaman kung nagsasabi po talaga ng totoo ang bestfriend mong si
Pagkatapos ng isang linggo, natapos na din namin ang photoshoot para sa bagong brand ng damit na aking e-endorso at para maging ambassador ng brand ng kompanya ng BPC line. Ngayon ay naghahanda na kami para bumalik ng Maynila. Excited na rin ako umuwi dahil isang linggo kung hindi na kasama si Michael miss na miss ko na ang anak ko. "Miss Mich, kay sir Austin na lang po ulit kayo sumabay pabalik ng Manila, nauna na rin po pala lumuwas si ma'am Isabelle." saad sa akin ni Dennis, nang akmang papasok ako sa loob ng van."Ganun ba? Sige mag co commute nalang ako pauwi ng Manila. Nakakahiya na rin kasi Mr Breslow, na aabala ko na siya." Sagot ko sa kanya."Ganun ba ma'am? Sige kakausapin ko na lang po ang isa sa staff kung pwede na siya na lang ang maki usap kay sir Austin para makasabay siya pabalik ng Manila." Aniya at tinawag ang isa sa kasama namin. Nakita kong tumango ang tinawag niya at pumunta sa isang kotseng naka parada sa de kalayuan sa van. Kung hindi ako nagkakamali iyon ang
"Michael Breslow, nasa ER pa po siy ma'am" sagot sa akin ng nurse. Agad naman akong nag tungo sa ER at hindi na nag abala na tingnan pa ang nakatulalang si Austin. Alam ko na nagtataka siya kung bakit Breslow ang ginagamit na apelyido ni Kiel. Well may karapatan naman akong ipagamit yun sa anak ko dahil kung tutuusin ako ang mas may karapatan sa apelyidong Breslow. Pero saka ko na siguro ipapaliwanag sa kanya ang lahat pag nakaharap ko na ang totoo kong ama at ang mommy niya. Total mag kakabulingan na din naman bakit hindi ko pa ilantad ang totoo kung pagkatao sa kanya at sa mga magulang niya."Lander.." tawag ko kay kuya Lander ng makita siyang pabalik balik sa labas ng emergency room."Xhy, I'm so sorry. Hindi ko alam na lumabas siya." Aniya na agad akong niyakap."Okay lang ba si Kiel? Ano ba ang nangyari paano siya na banga ng kotse?" Umiiyak na tanong ko sa kanya."He was playing on his tablet when I left him in the living room. I told him I'll just get something from my room and