SIMULA noong naghiwalay sina Denise at Parker ay niligawan niya ito. He know that he loves Denise. Ipakikilala na sana niya ito sa parents niya pero biglang kinausap siya ng Daddy niya. And he told him that he will arranged his marriage to his business partner's daughter.
Hindi rin siya pumayag. Pero ang sabi ng Daddy niya ay para sa business at kailangan ng tulong ang pamilya Hanz. Bumabagsak na ang kompanya ng mga Hanz at kapag nangyari iyon ay pati sila ay madadamay sa pagbagsak nito.Pikit mata na pumayag si Nickson. Kahit labag sa kalooban niya.Hinahanap ni Nickson si Olive mula labas ng bahay ng mga Hanz. Walang bakas ni Olive sa labas. Hanggang sa nakarating siya sa garden at nakita niya si Olive na nakaupo doon. Napapagitnaan ito ng mga tanim na mga bulaklak.Nilapitan ni Nickson si Olive."Via," tawag ni Nickson sa dalaga. Napalingon si Olive sa tumawag sa kanya. At masamang tumingin dito nang makita si Nickson."Huwag mo akong tawaging Via. You're not part of the family.""Sorry," at nagyuko ng ulo."Bakit ka ba andito? Dapat hindi mo na ako sinundan," inis na tanong ni Via."I want to talk to you.""Talked? Bakit mayroon pa ba? At ano naman ang pag uusapan natin?" sunod sunod na tanong ni Via."Tungkol sa kasal.""No. Hindi din naman ako papayag," halos hindi naman makatingin si Nickson sa dalaga dahil sa galit na nakikita nito sa mga mata niya."I know. Kaya nga kung mag uusap tayo at magkakasundo. Malalagpasan natin ito.""Anong pinagsasabi mo, Nickson?""Kung papayag ka magpapakasal tayo. And then we will annual our marriage after three years," mungkahi ni Nickson. Doon nagbago ang tingin ni Via sa binata."Three years is too long. Make it two years" sabi ni Via."Okay. Is that a deal?""Bakit gusto mong ikasal tayo pagkatapos maghihiwalay din naman tayo?""Dahil may girlfriend ako. And I love her. May plano na akong pakasalan siya nang sabihin ni Daddy ang tungkol sa inyo. And wala akong choice kundi sumunod," sagot ni Nickson."Ah okay. So you have a girlfriend. Okay lang ba sa girlfriend mo na ikakasal tayo?""Hindi pa niya alam. Sasabihin ko pa lang.""Ohh, pano kung hindi siya pumayag sa arrangement natin?" tanong naman ni Via."Hindi siya tututol. Alam ko at kilala ko siya. Matagal na," sagot ni Nickson. Para namang hindi naniniwala si Via."Kung hindi ka naniniwala. Here," sabay abot ng phone nito at ipinakita ang wallpaper nito kasama si Denise."Denise Montecillo?""Yes. And we've been together for three years," sagot ni Nickson. Kilala ni Via si Denise dahil sa kaklase niya ito sa isang subject."Now, what is your decision?" dugtong na tanong ni Nickson."Okay. Deal, Mr. Nickson Balderama!" mabilis na sagot ni Via at inilahad pa ang isang kamay para makipagkamay. Tinanggap iyon ni Nickson. Nang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan nila. Biglang binawi ni Via ang kanyang kamay. At nagtatakang tumingin si Nickson sa dalaga."Why?" nakatas ang isang kilay na tanong ni Nickson. Umiling lang ng ulo si Via."So let's go inside. And act that you agree," ayang sabi ni Nickson."Sandali. May kondisyon pa ako," awat nito kay Nickson para bumalik sila sa loob ng bahay nila."What is your condition?" nakakunot ang noo na tanong ni Nickson."Bawal mong dalhin ang jowa ko sa bahay. Hanggat maari ayoko na mabuko tayo," tumango ng ulo si Nickson."At gusto ko magkahiwalay tayo ng kuwarto kapag tumira tayo sa iisang bahay. No touchy, no clingy at higit sa lahat bawal mainlove tayo sa isat isa. We have only two years to be together so ibig sabihin maghihiwalay din tayo kaagad," dagdag na sabi ni Via."Is that all?" tumango naman ng ulo si Via bilang sagot kay Nickson."I have a condition also. First, you are not allowed to control me. Do whatever you want and I will do what I want. In short, walang pakialaman," kondisyon ni Nickson."Okay. Punta na tayo sa loob. Baka magwala na si Papa," aya ni Via kay Nickson.Naunang naglakad si Via habang nasa likuran nito si Nickson na nakasunod lang dito. Pinagmamasdan ni Nickson ang likuran ng kanyang magiging asawa.She know Olivia Hanz. Palagi niya itong nakikita sa University. Hindi lam niya naisip na kasosyo ng Daddy nito ang Papa ng dalaga.Olivia is 5'5 inches tall. And he is 6'1 inches. May matangos na ilong si Olivia, gray na mga mata at maalon na buhok. Medyo chubby ito. Pero may hubog ang katawan nito. Hindi ito kaputian, hindi din maitim. Wala siyang naririnig na boyfriend nito sa University. Except sa marami ang nagkakagusto kay Olivia dito.Pagkadating nila sa dining area ay ipinaghila pa ni Nickson ng upuan si Via. At nang masigurong okay na si Via at umupo naman siya sa tabi ni Via.Nagkatinginan naman ang mga magulang nila sa nakikita sa dalawa. Parang magkasundo ito at nakangiti na si Via."Pag usapan na natin ang tungkol sa kasal natin. Tutal parang nakumbinsi naman ni Nickson ang dalaga ko," nangingiting sabi ni Norman, ang Papa ni Olivia.Tumango lang silang lahat sa sinabi ng Papa ni Via. Habang nag uusap usap sila sa tungkol sa kasal ay walang maintindihan si Via. Sumasagot naman siya kapag tinatanong pero wala pa din ang utak niya sa pinag uusapan.Napagkasunduan na kaagad kung saang simbahan sila ikakasal ni Nickson, kung anong motif. Ang mga Ninong at Ninang, ang reception at ang mga pagkain.Pasado alas diyes ng gabi ng matapos ang dinner nila. Hindi naman siya nabusog dahil hindi halos nakakain ng mabuti si Olivia. Pilit lang siyang ngumingiti at nakita na tuwang tuwa ang Mama niya at Mommy ni Nickson.Nakahiga na si Nickson sa kama niyaIniisip niya si Olivia ang fiance niya. Hindi niya nakakausap si Denise tungkol sa kasal niya. Sana nga ay hindi ito magalit sa kanya. At sana maintindihan niya. Pakakasalan naman niya si Denise. Kapag naghiwalay na sila ni Olivia ay pakakasalan niya kaagad si Denise. At bubuo sila ng sarili nilang pamilya. Magkakaroon sila ng maraming anak.Natatawa si Nickson sa naiisip. Pero hindi pa sila nakakasal ni Olivia. At matagal pa ang hihintayin niya para maghiwalay sila bago niya pakasalan si Denise."HI, Babe. Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong ni Denise kay Nickson at hinalikan sa labi si Nickson."No, Babe. Kararating ko lang din," sagot ni Nickson. Sabay abot ng bouquet of red roses kay Denise."Thank you," matamis ang ngiti na tugon niya na tinanggap ang bulaklak."Happy anniversary, Babe!" masayang bati pa niya. Nagulat si Nickson. Tiningnan niya ang kanyang relo to check kung anong date na ba ngayon. At napatampal sa kanyang ama na sariling noo. Three years na sila together. Hindi niya man lang naalala ang espesyal na araw na ito.He's been busy sa nalalapit na kasal nila ni Olivia. Nawala sa isip niya ang tungkol sa kanilang relasyon ni Denise. Nawawalan na rin siya ng oras para sa dalaga. Natutuwa siya na hindi ito nagrereklamo."Babe, your space out? Anong iniisip mo?" nagtatakang tanong ni Denise at parang hindi masaya si Nickson nang binati niya ito."Oh, I'm sorry, Babe. Nahihiya ako sayo na I forgot this big day for us," paumanhin ni Nickson. Hindi siya makatingin
KASAMA ngayon ni Nickson sa University si Denise. Hawak-kamay sila na naglalakad sa corridor nang mapansin nila ang fiancee ni Nickson na si Olive sa 'di kalayuan sa kanila. Biglang binitawan ni Nickson ang kamay ni Denise. Dumapo ang tingin ni Olive ay sa kamay nila na magkahawak ni Denise. Mabilis niyang binawi ang kamay mula sa nobya."What's the problem, Babe?" nagtatakang tanong ni Denise. Sinundan ng tingin ni Denise ang tinitingnan ni Nickson. At nakita niya si Olivia kasama ang mga kaibigan nito. Nagtama ang mga tingin nila ni Olivia. Nagbago ang hilatsa ng mukha niya sa tingin na iyon ng nobyo. Pati na ang pagbawi ng kamay nito sa kanya."Ah, wala naman.""Why? I think, it's okay kay Olivia ang ganito," at walang paalam na hinalikan ni Denise si Nickson sa labi. Nakita iyon ni Olivia at naiinis na niyaya ang mga kaibigan na umalis. Naalibadbaran siyang makita ang nobya ni Nickson. Masyadong paepal sa kanya. Kahit na wala naman siyang ginagawa rito. Insecure masyado sa kanya.
SAKAY na si Olive ng kotse. Patingin tingin siya sa labas ng bintana. Hindi naman ganoon kalayuan ang condo ni Nickson. Kaya nakarating kaagad sila.Villa Land basa ni Olive sa malaking pangalan ng building. Pumasok na siya sa loob at pumunta sa reception."I'm looking for the unit of Mr. Nickson Balderama," sabi niya sa babae doon. Tiningnan siya nito."Fiancee niya po ako," dugtong na sabi ni Olive."18th floor, room number 54," wika ng babae na receptionist. Tiningnan ni Olive ang name tag nito. Noime, basa niya sa name tag."Thank you, Noime. But next time be nice sa guest niyo," at malawak na ngumiti si Olive dito. Nahihiyang tumango naman ng ulo ang receptionist.Pumunta na si Olive sa elevator at pumasok sa loob. Pinindot niya ang 54 kung saan ang unit ni Nickson. Nakapalaki ng building kung saan naroon ang unit ni Nickson. Maya maya ay tumunog ito at nasa 54th floor na siya. Lumabas na kaagad siya ng elevator at hinanap ang unit ni Nickson.Nakita naman niya kaagad iyon dahil
MAYAMAYA ay dumadating na ang kaibigan nilang si Nickson. Nakakunot ang noo nito at halos kung tumingin ay pailalim. Maghahamon pa ata ng suntukan dahil sa salubong na mga kilay nito.Ibinagsak ni Nickson ang sarili paupo sa upuan na katabi si Omar. Tinitingnan lang siya ng dalawa niyang kaibigan. Saka napahilot sa sintido niya at nakita ang mapanuring tingin ng dalawa sa kanya."What?!" bulyaw na tanong ni Nickson. Napasandal siya sa upuan."Hey! Maghunus dili ka, Mr. Nickson Balderama. Para kang sasabak sa giyera sa mukha mo," sita ni Omar dito.Sinalinan ng alak ni Ely ang baso at ibinigay ito kay Nickson."Inumin mo para kumalma ka. At para makapag-isip ka," ani Ely. Kinuha naman iyon ni Nickson at straight na ininom. Pagkatapos ay inilapag ang baso sa lamesa."Bakit ba ako nagpunta sa ganitong sitwasyon?" napapailing na lamang na tanong ni Nickson. Saka napasandal sa headrest ng upuan.Pinagmamasdan lang siya nina Omar at Ely. At nang mapansin ni Nickson ang mga tingin ng dalawa a
NAGULAT si Olive nang mapagsino ang taong nasa labas. Isasara na sana niya ang pinto nang iharang ni Nickson ang kamay niya."Ouch!" malakas na daing ni Nickson at napapikit ang kanyang mga mata. Nanlaki naman ang mga mata ni Olive ng makitang halos namimilipit sa sakit si Nickson. Agad niya itong dinaluhan at hinawakan ang kamay."E, kasi naman sino bang may sabi sayong ilagay mo ang kamay mo sa pinto? Ayan, tuloy nasaktan ka," nag-aalalang sabi ni Olive habang hawak ang kamay ni Nickson.Napamulat ng isang mata si Nickson. At napangiti ng makita ang mukha ni Olive na alalang-alala sa kanya. Hinihipan pa ang kamay niya. Pinipigilan ni Nickson na tumawa ng malakas.Bigla naman na tumingin si Olive kay Nickson. Mabilis na ipinikit ang mga mata niya. Nahuli iyon ni Olive. Binitawan bigla ni Olive ang kamay ni Nickson."Huli ka na, eh. Ang galing mo magdrama, Mr. Nickson Balderama. Umalis ka na nga!" galit na taboy ni Olive.Napamulat naman ng kanyang mga mata si Nickson."I'm sorry, ple
ARAW ng kasal, handa na ang lahat para masaksihan sa araw na ito ang pinahihintay. Ang araw na magkakaroon ng katuwang si Olive. Ito rin ang araw na ipagkakaloob niya ang buhay niya kay Nickson. Dapat masaya siya dahil masaya ang lahat ng mga taong ikinakasal. Pero kabaliktaran sa kanya. Sa loob-loob niya ito ang araw ng pinakamasamang pangyayari sa buhay niya. Magiging pag-aari na siya ni Nickson. Ang araw na hindi siya madaling makakaalis sa poder ni Nickson."Anak, masaya kami ng Papa mo. Dahil biniyayaan kami ng mabait na anak. Masunurin at magaling sa buhay. Ang araw ng kasal ang isa pinakamagandang pangyayari sa isang babae. Ang makaisang dibdib ang lalaki ang lalaki sa kanyang puso. Hindi man dahil sa pag ibig kaya kayo ikakasal. Alam namin na matutunan mo ding mahalin si Nickson. Basta maging mabuting maybahay ka. At maging masunurin sa asawa. Lahat ng problema ay masusulosyunan niyo kapag bukas ang bawat isa sa inyo," mga pangarap ng Mama ni Olive."Pakakatandaan ko po. Thank
"NICKSON, ha. Ayoko ng ganyan mga tingin mo!" may nakakalokong ngisi na nilalapitan ni Nickson ang asawa pero atras naman nang atras si Olive."Asawa ko, I want to claim our marriage," malambing na sabi ni Nickson na panay ang lapit kay Olive."May pa-claim-claim ka pang nalalaman. Ang sabihin ko pervert ka! Simula ngayon doon ako matutulog sa guest room. Bahala kang magclaim d'yan!" galit na saad ni Olive at akma ng lalabas ng hawakan ni Nickson ang asawa sa kamay. At hinila ito papalapit sa kanya.Panay ang waksi Olive sa kamay niya. Pero mapilit si Nickson. Hinawakan ng mahigpit ang kamay at inilagay sa likuran niya. At naidikit sa pader. Hindi na siya makagalaw at makapalag."Saan ka pupunta, asawa ko? Ayaw mo ba akong katabi sa kuwarto at doon ka sa guest room matutulog?" mga tanong ni Nickson sa asawa.Umirap si Olive na ayaw tumingin sa mga mata ni Olive. Nanukso kasi ang mga mata nito. Tapos may iba pa siyang pakiramdam na hindi niya maintindihan."Puwede ba bitawan mo ako, Ni
"DITO tayo magbabakasyon?" nagtatakang tanong ni Olive."Yes. Hindi mo ba nagustuhan, asawa ko?" tanong ni Nickson."Ang akala ko kasi sa isang hotel tayo matutulog tapos may beach sa harap. Pero, ano ito?" naguguluhan sabi ni Olive. Isang resort ang inaasahan niyang pupuntahan nila rito sa Siargao."This place is nice, asawa ko. Tingnan mo ang magandang tanawin. Di ba kitang-kita ang dagat sa baba. Ang lupang ito ay pag-aari namin. May caretaker dito pero hindi kalayuan ang bahay nila," wika ni Nickson saka lumanghap ng sariwang hangin.Nasa isang bundok sila sa Siargao. At ang bahay na tinutukoy ni Olive ay isang bahay na gawa sa kahoy. Pero malaki naman. Magkakalayo ang mga nakatira. Private property kasi ang lugar kung saan sila titira ng ilang araw sa Siargao. Isang private plane ang naghatid sa kanila."Come, asawa ko. Pumasok na tayo sa loob ng bahay. Don't worry may kuryente at tubig sa loob ng bahay. Iyon lamang ay wala tayong kasama, tayong dalawa lamang ang nasa bahay na it
IT'S a big day for Nickson and Olive. The day that they are waiting for. As the music starts "Bigay ng Maykapal" by Dj Bombom. Ito ang napili nilang kanta para sa araw na pinaka-espesyal sa kanilang buhay— ang kanilang kasal. Mas memorable ngayon dahil puro ang gusto nila ang nasunod.Ito ang pinagarap niyang kasal para kay Olive. She deserved what she has now for loving them unconditionally. Ang mga sakripisyo niya para sa kanilang lahat. Kahit pa ang kalimutan ang sarili niyang kaligayahan.Habang nakatingin sa malayo si Nickson at hinihintay na dumating ang kanyang pinakamagandang bride. Ang babaeng ibinigay sa kanya ng Maykapal.Sa hinaba-haba man daw ng prosisyon, sila pa rin ni Olive ang magkakatuluyan. Ang dami nilang pinagdaanan na dal'wa. Dalawang beses pa silang nagkalayo. Naisakrispisyo ni Olive ang sarili para lamang mailigtas ang kanyang pamilya sa masamang kamay ni Crissa. Natutuwa siya na hinarap iyon ng asawa niya na mag isa. Kahanga hanga ang ganoong klaseng babae.So
ARAW ng kasal nina Crissa at Nickson. Kompleto ang pamilya nina Nickson. Ang Daddy niya ay tutol sa kasal nila. Pero walang nagawa nang si Nickson na ang may gusto na maikasal kay Crissa. Wala naman silang kaalam alam sa lahat. Tanging siya lamang ang nagpasimuno ng kasal nila ni Crissa.Pinagbigyan na niya ito na makasal silang dalawa para matigil na ang babae ng kahahabol sa kanya. At matahimik na ang kanyang buhay.Huwag lang sanang mabulilyaso ang kanyang plano. Dahil buhay ng pinaka-importanteng tao ang malalagay sa alangin. Hindi niya makakayanan na may mangyari na mas grabe pa noon. Itataya na niya ang buhay niya kung magkagayon."Nickson, hindi na ba magbabago ang desisyon mo? Hindi mo na ba mahal si Olive? Mas gusto ko pa rin si Olive para sayo," sabi ni Ericson sa anak. Mas hamak na mabait at napaka-natural ng ugali ni Olive. 'Di kagaya ni Crissa na parang plastic kung humarap sa kanila. Palibhasa ay ang anak lamang nila ang gusto nito. Nagkamali siya noong kinausap niya it
MABILIS na tumulin ang mga araw. Malapit ng manganak si Via. Kompleto na ang mga gagamitin ng anak niya. Nagpapasalamat siya kay Quinay na hindi ito umalis sa kanyang tabi. Palagi itong nakaalalay sa kanya."Ate, may check up ka pala. Sasamahan kita," paalala ni Quinay kay Via."Oo. Salamat sa pagpapaalala. Nahihirapan na nga akong lumakad.""Kaya nga ako andito, Ate Olive. Para alalayan ka sa lahat ng oras."Napangiti si Olive. Naglakad siya palapit sa dalaga. "Kaya nga malaki ang pasasalamat ko sayo. Paano na lang ako kung wala ka sa tabi ko? Siguro baka hirap na hirap ako at palagi na lang mag isa.""Hindi mangyayari na mag iisa ka. Para na kitang kapatid, habang andito ka sa lugar namin. Andito lang ako palagi sa tabi mo, ate.""ARE you sure you want to marry Nickson, Crissa? Ako'y nagpapaalala lang sayo. Hindi tama ang ginawa mo sa kanila. Paano kung mahuli ka ni Nickson? E, 'di ikaw lang ang mapapasama," giit ni Mayor Cris.Masyado nang nagiging abusado ang anak. Self-centered a
"SIGURADUHIN ninyong safe sila. At huwag na huwag kayong lalayo sa kanya. Bantayan ninyong maigi at ireport sa akin ang lahat ng nangyayari sa kanya," madiing utos ni Nickson. May anim na buwan na rin noong umalis si Olive. Iniwan ng asawa ang pamilya niya at maging siya. Walang makapagsabi at makapagturo kung nasaan ang kanyang mahal na asawa. Buti na lamang at may natrace sa CCTV noong gabing na nawala ang asawa.Araw-araw na sinisiguro ni Nickson na nasa maayos ang kanyang mag-ina. Kahit na nasa malayo ay nababantayan niya ito. Hindi na siya magagalaw pa ni Crissa. Nagdidiwang ngayon si Crissa dahil sa ang akala nito ay tuluyan na siyang nakuha. Ang hindi nito alam, matagal na niyang alam ang plano nito kay Olive.Habang si Crissa ay masayang-masaya. Ang akala niya ay magtatagumpay siya sa mga plano niya. Ang hindi niya alam lalo lamang siyang nababaon sa kasalanang ginawa niya sa kanilang mag asawa.Napapangisi siya habang ini-imagine ang araw na poposasan si Crissa. Hindi na ng
LUMIPAS ang limang buwan ay mag-isang namumuhay si Olive sa isang malayong probinsiya. Apat na buwan na rin ang kanyang tiyan. Nagpapasalamat siya dahil sa may naiwan naman sa kanya na alala ni Nickson. Ito ay ang anak nilang dalawa. Habang himas ang tiyan ay napaiyak si Olive. Miss na niya si Nickson. Sumuko siya para sa kaligtasan ng lahat. Importante na mabuhay silang lahat kahit pa masaktan siya."Anak, patawarin mo si Mommy kung hindi ko pinaglaban ang Daddy mo. Masaya ako kung magiging masaya ang Daddy mo sa piling ni Crissa. Hayaan mo andito pa naman si Mommy. Hinding-hindi kita iiwan," usal ni Olive habang hawak ang may kalakihan na din na tiyan."ATE, pupunta lang po ako sa kabilang bayan. Ipamimili kita ng mga prutas tsaka mga gamit ni baby," paalam ni Quinay kay Olive. Si Quinay ang dalagita na kasama niya sa bahay simula noong lumipat siya sa maliit na bayan ng Santa Barbara.Nakilala niya ito noong naghanap siya ng babaeng makakasama. Maigi na lamang ay nadala niya ang ka
NAG-AALALA na si Nickson para sa asawa niya. Hindi nakapagpaalam na aalis ng bahay si Olive. Pinayagan niya itong magtrabaho. Pero hindi niya alam na ngayon din ay magsisimula na kanyang pagmomodelo ang asawa.Gabi na rin at hindi pa ito nakakauwi sa bahay nila si Olive. Wala namang sinabi sa kanya ang asawa bago ang huli nilang pag-uusap kaninang umaga.Nang hindi na nakatiis ay tinawagan na niya ang Papa ni Olive. "Pa, umuwi po ba si Olive d'yan sa inyo?" bungad na tanong ni Nickson sa kabilang linya."Ha? Wala si Olive sa bahay. Ang alam ko, e, may usapan nga kami bukas na pupunta siya sa bahay para pumunta sa boutique. Gusto niyang makita ang mga design ng wedding dress. At siya raw mismo ang gustong pumili sa isususot sa kasal n'yo," sagot ni Norman sa manugang."Ganoon po ba? Hindi pa po kasi umuuwi si Olive. Alas diyes na po ng gabi at nag-aalala na po ako sa kanya," sabi ni Nickson."Saan ba nagpunta ang bata na iyon?" pagtatakang tanong ni Norman."Wala po siyang sinabi sa ak
PAUWI na si Olive mula sa grocery. Nagpahatid lang siya kay Reine sa store para mamili ng mga stocks nila. Napatigil siya sa paglalakad nang may humarang sa kanya na dalawang sasakyan. Mula r'on ay lumabas ang limang lalaki at naglakad palapit sa kanya.Nagpalinga-linga siya sa paligid. Tiyempo naman na walang tao na dumadaan. Sino ang puwede niyang hingian ng tulong?Nahintakutan si Olive at napaatras."Ma'am, sumama po kayo sa amin para hindi na kayo masaktan pa," sabi ng isang lalaki na may bonet sa ulo. Nang makalapit ang mga ito at pinalibutan siya.Sinuyod niya ng tingin ang mga lalaki. Sa itsura ng mga ito parang papatay ng tao. May mga nakasukbit na baril sa tagiliran nila at pawang mga kulay itim ang suot. Hindi niya makilala dahil sa may suot na bonet ang mga ito."Huh? Bakit? Sino ba kayo? At saan niyo ako dadalhin?" nagtatakang mga tanong ni Olive at nilapitan siya ng apat na lalaki at hinawakan si Olive sa kamay. Habang ang isa ay piniringan si Olive at tinalian kamay niy
"IPAPAALAM ko ng rin po sa inyo. Simula po ngayon ay sa bahay na naming mag-asawa tutuloy si Olive. Ayoko na pong malayo pa sa asawa ko," sabi ni Nickson sa mga magulang ng asawa.Napangiti si Norman. "Aba'y nasa anak ko na ang desisyo, Nickson. Hindi naman kami ang makikisama sayo at asawa mo na rin ang anak namin.""Oo nga naman. Hindi mo kailangang na ipagpaalam pa ang anak namin. Pag-usapan ninyong dalawa 'yan," sabat naman ni Bettina.Mahigpit na hinawakan ni Nickson ang kamay ni Olive. Saka napalingon sa asawa na katabi niya.Muli ngang nagsama sina Olive at Nickson sa bahay nila. Punong-puno ng buhay at saya ang kanilang munting tahanan. Parang nasa honeymoon stage sila. Napupuno ng kulay ang kanilang pagmamahalan."Asawa ko, noong umalis ka ba, naiisip mo ako?" usisa ni Nickson.Katatapos lang ng kanilang mainit na tagpo at nakahiga sa kama nila. Habang nakaunan si Olive sa braso ni Nickson."Never kang naalis sa isip ko. Kahit nga sa panaginip nakikita kita. The one year that
"PA, I'm sorry po. Iyon po talaga ang nangyari. I will let you decide about to my father. Kung gusto niyo po siyang kasuhan. Hindi po ako hahadlang," sabi ni Nickson. Nakaupo na hawak ni Olive ang kamay ng asawa. Habang nasa tapat nila nakaupo ang parents ni Olive.Mataman naman na nakatingin lang ang mga magulang ni Olive kina Nickson at Olive. Napatingin naman si Olive sa asawa niya na halatang kabado. Namumuo ang butil ng mga pawis sa kanya noo. Pakiramdam ni Nickson nasa isang interrogation siya at iniimbestigahan."Anak, ikaw? Anong desisyon mo?" tanong ni Norman kay Olive. Bumaling ng tingin si Olive sa Papa niya at ngumiiti r'to."Pa, sa totoo lang po. Mahal ko po ang asawa ko. Napatawad ko na po siya at hindi naman po kami magmomove forward kapag may pa din kami sa isat isa. Pero kung ano man ang magiging desisyon niyo ni Mama ay susuportahan po namin ni Nickson. Kayo pa rin po ang magdedesisyon para sa relasyon naming dalawa," mahabang litanya ni Olive."Well, sa totoo lang n