KASAMA ngayon ni Nickson sa University si Denise. Hawak-kamay sila na naglalakad sa corridor nang mapansin nila ang fiancee ni Nickson na si Olive sa 'di kalayuan sa kanila. Biglang binitawan ni Nickson ang kamay ni Denise. Dumapo ang tingin ni Olive ay sa kamay nila na magkahawak ni Denise. Mabilis niyang binawi ang kamay mula sa nobya.
"What's the problem, Babe?" nagtatakang tanong ni Denise. Sinundan ng tingin ni Denise ang tinitingnan ni Nickson. At nakita niya si Olivia kasama ang mga kaibigan nito. Nagtama ang mga tingin nila ni Olivia. Nagbago ang hilatsa ng mukha niya sa tingin na iyon ng nobyo. Pati na ang pagbawi ng kamay nito sa kanya."Ah, wala naman.""Why? I think, it's okay kay Olivia ang ganito," at walang paalam na hinalikan ni Denise si Nickson sa labi.Nakita iyon ni Olivia at naiinis na niyaya ang mga kaibigan na umalis. Naalibadbaran siyang makita ang nobya ni Nickson. Masyadong paepal sa kanya. Kahit na wala naman siyang ginagawa rito. Insecure masyado sa kanya. Kilala niya si Denise at matanda sa kanya ng ilang taon ito. Gayunpaman, hindi niya pinapatulan ang mga pagparinig nito."Tara na nga. Nakakawalang gana," naiinis na aya ni Olivia sa mga kaibigan. Hindi nakaligtas iyon sa pandinig ni Nickson."Teka lang, Olive. Bakit ka ba naiinis?" tanong ni Ashley sa kaibigan niya."Huwag ka ng magtanong, Ashley? Hindi mo ba nakita si Nickson kanina? Kasama ang girlfriend niyang si Denise. At hinalikan pa ang fiance ni Olive sa harapan natin," si Yza na ang sumagot sa tanong ni Ashley."Ohh," nasabi na lamang ni Ashley. Hindi niya kasi napansin dahil sa pagbabasa ng libro na hawak niya."Huwag mo na lang pansinin, Olive. Isa pa magiging asawa mo na si Nickson, di ba?" sabi naman ni Ashley. Pinapagaan lang nito ang loob ng kaibigan."Tayo na sa klase natin. Baka mahuli pa tayo," aya na lamang ni Olive sa mga kaibigan. Saka bakit ba siya nagpapaapekto? E, wala naman silang relasyon ni Nick.Nang nakaalis sina Olive ay binalingan ni Nickson si Denise. Masama niya itong tiningnan."Why did you do that?""Bakit ba ganyan ka kung makatanong ha, Nickson?!""Ang sinasabi ko lang nasa public place tayo. Saka marami ang nakakaalam na ikakasal na kami ni Olive.""Ah, so ngayon ipinagtatanggol mo pa ang babae mo! Sige magsama kayo!" galit na iniwan ni Denise si Nickson.This, past few days lagi na lamang silang nag aaway ni Denise. Lagi itong kumokontra sa lahat ng gusto niya. At minsan pa ay nagiging mainitin ang ulo nito sa kanya. Palagi rin itong nagseselos kay Olive. Kahit na sila naman ang palaging magkasama. Halos mawalan na siya ng oras para asikasuhin ang kasal nila ni Olive. Dahil sa sobrang pagkademanding ni Denise.Nahihirapan na siyang pagtimbangin ang lahat. Maigi na lamang at hindi pinapatulan ni Olive ang girlfriend niya. At hindi siya isinusumbong sa Daddy niya sa tuwing pupunta sila sa bahay ng fiancee niya. Mabait si Olive, pasensiyosa at maunawain. Minsan nga sobrang mabait na ito to the point na kahit ang pangit na ng trato sa kanya ni Denise ay hindi nito pinapatulan.Nahihiya lang siya minsan para dito. Dahil sa mga inaasal ni Denise sa kanya."Nick, tomorrow na susukatan si Via ng wedding gown niya. Samahan mo ang fiance mo," sabi ng Papa ni Olive."Okay po, Tito," sagot niya habang si Olive ay tahimik lang sa tabi niya.Siniko ni Nickson ang fiancee niya na tahimik na nakaupo sa tabi niya. Tiningnan lang siya nito ng masama. At tinawanan naman niya lang ang pagsusungit ni Olive sa kanya."Anong problema mo?" naiinis na tanong ni Olive."Ang tahimik mo kasi. Susundin kita eight in the morning. Ayaw ko nang pinaghihintay ako," aniya."Okay po," at hindi na inabalang tingnan pa si Nickson."Tito, uuwi na po ako," paalam nito sa Papa ni Olive. Tumango naman ng ulo ang Papa ni Olive. Tumayo na si Nickson. Pero si Olive ay nakaupo pa din."Hatid mo naman ako kahit hanggang sa gate lang," bulong na sabi ni Nickson sa tenga ni Olive."Sige na, Via. Ihatid mo ang fiance mo sa labas," utos ng Papa niya.Napilitan namang tumayo ni Olive. Pinagmamasdan ni Nickson ang fiancee niya. Maganda naman si Olive. Lalo na ngayon nakadress siya. Bagay naman dito kahit anong isuot na damit.Inakbayan ni Nickson si Olive. Bigla naman napaiwas si Olive sa ginawa ng binata."Ano ba?!" galit nitong sabi."Fiance naman kita, di ba? So normal lang na akbayan kita.""No! Hindi puwede!" mariing tanggi ni Olive."Isumbong kaya kita kay Tito," banta ni Nickson kay Olive."Heh! Kahit magsumbong ka pa!" Matinis na sigaw ni Olive. Siya pa ang tinakot. Akala naman ni Nickson ay matatakot siya.Natatawang sinusundan ni Nickson ang fiancee niya na nasa may gate na. Ang sungit sungit nito ngayon sa kanya. Parang may buwanang dalaw."Goodnight kiss ko," at nagpout pa si Nickson. Tinampal naman ni Olive ang labi niya."Grabe ka naman sa akin. Parang goodnight kiss lang, e," maktol ni Nickson."Goodnight kiss mong mukha mo. Umuwi ka nga!" taboy ni Olive sa kanya."Okay, uuwi na ako. Goodnight and dream about me," at bigla na lamang ninakawan ng halik si Olive sa pisngi. Saka nagtatakbo papunta sa kotse niya at pumasok na kaagad sa loob."Loko 'to, ah! Ninakawan pa ako ng halik," narinig na lamang ni Olive ang tunog ng sasakyan ni Nickson na paalis. Sinusundan na lamang ng tingin ni Olive ang papalayong sasakyan ni Nickson. Napangiti siya at hinawakan ang pisngi na hinalikan ni Nickson.PAST eight o'clock in the morning. Wala pa si Nickson. Kanina pa nakahanda si Olive sa pagpunta nila ng botique. Isusukat niya ngayon ang wedding gown niya. At kasama niya si Nickson."Via, call your fiance. Baka tinanghali ng gising," utos ng Papa niya. Napakagat siya ng labi niya. Nakalimutan niya, wala pala siyang phone number ni Nickson."Sorry, Pa. Wala po pala akong number ni Nickson," paumanhin ni Via."Okay. Here," sabi ng Papa niya. Sabay abot ng phone nito.Hinanap niya ang phone number ni Nickson at nang makita ay idinial niya kaagad. Nagring kaagad. Pero nakakadalawa na ay hindi pa din nito sinasagot. Hanggang sa naputol na ang ring."Papa, wala pong sumasagot," sabi ni Via."Mas maganda, tatawagan ko muna ang Tito Erickson mo," ibinigay ni Via ang phone ng Papa niya at nakita niyang nagtitipa ang kanyang Papa sa cellphone nito.Umupo na muna siya sa sopa at hinintay na makipag usap ang Papa niya sa Daddy ni Nickson."Via, ang sabi ng Tito mo ay hindi raw umuwi sa bahay nila. Baka raw nasa condo niya ito. Puntahan mo na lang, Anak," utos ng Papa niya. Nagulat naman si Via."Pa, ayaw ko pong pumunta doon" tanggi ni Via."Sige na. Fiance mo naman si Nickson. Ihahatid ka ni Kuya Norman doon," pangungumbinsi ng Papa niya sa kanya para pumunta siya sa condo ni Nickson.Naiinis na sumunod na lamang siya. Sakay siya ng kotse nila at ang personal driver ng Papa niya ang maghahatid sa kanya doon. Ibinigay na din ng Papa niya ang address, floor at room number ng condo ni Nickson.SAKAY na si Olive ng kotse. Patingin tingin siya sa labas ng bintana. Hindi naman ganoon kalayuan ang condo ni Nickson. Kaya nakarating kaagad sila.Villa Land basa ni Olive sa malaking pangalan ng building. Pumasok na siya sa loob at pumunta sa reception."I'm looking for the unit of Mr. Nickson Balderama," sabi niya sa babae doon. Tiningnan siya nito."Fiancee niya po ako," dugtong na sabi ni Olive."18th floor, room number 54," wika ng babae na receptionist. Tiningnan ni Olive ang name tag nito. Noime, basa niya sa name tag."Thank you, Noime. But next time be nice sa guest niyo," at malawak na ngumiti si Olive dito. Nahihiyang tumango naman ng ulo ang receptionist.Pumunta na si Olive sa elevator at pumasok sa loob. Pinindot niya ang 54 kung saan ang unit ni Nickson. Nakapalaki ng building kung saan naroon ang unit ni Nickson. Maya maya ay tumunog ito at nasa 54th floor na siya. Lumabas na kaagad siya ng elevator at hinanap ang unit ni Nickson.Nakita naman niya kaagad iyon dahil
MAYAMAYA ay dumadating na ang kaibigan nilang si Nickson. Nakakunot ang noo nito at halos kung tumingin ay pailalim. Maghahamon pa ata ng suntukan dahil sa salubong na mga kilay nito.Ibinagsak ni Nickson ang sarili paupo sa upuan na katabi si Omar. Tinitingnan lang siya ng dalawa niyang kaibigan. Saka napahilot sa sintido niya at nakita ang mapanuring tingin ng dalawa sa kanya."What?!" bulyaw na tanong ni Nickson. Napasandal siya sa upuan."Hey! Maghunus dili ka, Mr. Nickson Balderama. Para kang sasabak sa giyera sa mukha mo," sita ni Omar dito.Sinalinan ng alak ni Ely ang baso at ibinigay ito kay Nickson."Inumin mo para kumalma ka. At para makapag-isip ka," ani Ely. Kinuha naman iyon ni Nickson at straight na ininom. Pagkatapos ay inilapag ang baso sa lamesa."Bakit ba ako nagpunta sa ganitong sitwasyon?" napapailing na lamang na tanong ni Nickson. Saka napasandal sa headrest ng upuan.Pinagmamasdan lang siya nina Omar at Ely. At nang mapansin ni Nickson ang mga tingin ng dalawa a
NAGULAT si Olive nang mapagsino ang taong nasa labas. Isasara na sana niya ang pinto nang iharang ni Nickson ang kamay niya."Ouch!" malakas na daing ni Nickson at napapikit ang kanyang mga mata. Nanlaki naman ang mga mata ni Olive ng makitang halos namimilipit sa sakit si Nickson. Agad niya itong dinaluhan at hinawakan ang kamay."E, kasi naman sino bang may sabi sayong ilagay mo ang kamay mo sa pinto? Ayan, tuloy nasaktan ka," nag-aalalang sabi ni Olive habang hawak ang kamay ni Nickson.Napamulat ng isang mata si Nickson. At napangiti ng makita ang mukha ni Olive na alalang-alala sa kanya. Hinihipan pa ang kamay niya. Pinipigilan ni Nickson na tumawa ng malakas.Bigla naman na tumingin si Olive kay Nickson. Mabilis na ipinikit ang mga mata niya. Nahuli iyon ni Olive. Binitawan bigla ni Olive ang kamay ni Nickson."Huli ka na, eh. Ang galing mo magdrama, Mr. Nickson Balderama. Umalis ka na nga!" galit na taboy ni Olive.Napamulat naman ng kanyang mga mata si Nickson."I'm sorry, ple
ARAW ng kasal, handa na ang lahat para masaksihan sa araw na ito ang pinahihintay. Ang araw na magkakaroon ng katuwang si Olive. Ito rin ang araw na ipagkakaloob niya ang buhay niya kay Nickson. Dapat masaya siya dahil masaya ang lahat ng mga taong ikinakasal. Pero kabaliktaran sa kanya. Sa loob-loob niya ito ang araw ng pinakamasamang pangyayari sa buhay niya. Magiging pag-aari na siya ni Nickson. Ang araw na hindi siya madaling makakaalis sa poder ni Nickson."Anak, masaya kami ng Papa mo. Dahil biniyayaan kami ng mabait na anak. Masunurin at magaling sa buhay. Ang araw ng kasal ang isa pinakamagandang pangyayari sa isang babae. Ang makaisang dibdib ang lalaki ang lalaki sa kanyang puso. Hindi man dahil sa pag ibig kaya kayo ikakasal. Alam namin na matutunan mo ding mahalin si Nickson. Basta maging mabuting maybahay ka. At maging masunurin sa asawa. Lahat ng problema ay masusulosyunan niyo kapag bukas ang bawat isa sa inyo," mga pangarap ng Mama ni Olive."Pakakatandaan ko po. Thank
"NICKSON, ha. Ayoko ng ganyan mga tingin mo!" may nakakalokong ngisi na nilalapitan ni Nickson ang asawa pero atras naman nang atras si Olive."Asawa ko, I want to claim our marriage," malambing na sabi ni Nickson na panay ang lapit kay Olive."May pa-claim-claim ka pang nalalaman. Ang sabihin ko pervert ka! Simula ngayon doon ako matutulog sa guest room. Bahala kang magclaim d'yan!" galit na saad ni Olive at akma ng lalabas ng hawakan ni Nickson ang asawa sa kamay. At hinila ito papalapit sa kanya.Panay ang waksi Olive sa kamay niya. Pero mapilit si Nickson. Hinawakan ng mahigpit ang kamay at inilagay sa likuran niya. At naidikit sa pader. Hindi na siya makagalaw at makapalag."Saan ka pupunta, asawa ko? Ayaw mo ba akong katabi sa kuwarto at doon ka sa guest room matutulog?" mga tanong ni Nickson sa asawa.Umirap si Olive na ayaw tumingin sa mga mata ni Olive. Nanukso kasi ang mga mata nito. Tapos may iba pa siyang pakiramdam na hindi niya maintindihan."Puwede ba bitawan mo ako, Ni
"DITO tayo magbabakasyon?" nagtatakang tanong ni Olive."Yes. Hindi mo ba nagustuhan, asawa ko?" tanong ni Nickson."Ang akala ko kasi sa isang hotel tayo matutulog tapos may beach sa harap. Pero, ano ito?" naguguluhan sabi ni Olive. Isang resort ang inaasahan niyang pupuntahan nila rito sa Siargao."This place is nice, asawa ko. Tingnan mo ang magandang tanawin. Di ba kitang-kita ang dagat sa baba. Ang lupang ito ay pag-aari namin. May caretaker dito pero hindi kalayuan ang bahay nila," wika ni Nickson saka lumanghap ng sariwang hangin.Nasa isang bundok sila sa Siargao. At ang bahay na tinutukoy ni Olive ay isang bahay na gawa sa kahoy. Pero malaki naman. Magkakalayo ang mga nakatira. Private property kasi ang lugar kung saan sila titira ng ilang araw sa Siargao. Isang private plane ang naghatid sa kanila."Come, asawa ko. Pumasok na tayo sa loob ng bahay. Don't worry may kuryente at tubig sa loob ng bahay. Iyon lamang ay wala tayong kasama, tayong dalawa lamang ang nasa bahay na it
TINULUNGAN si Olive ni Tonia na ihanda ang kailangan nila para sa magiging picnic nila sa falls. At nang masigurong kompleto na ang mga dadalhin nila ay nagpunta na ng kuwarto si Olive para magbihis. Pagkatapos magbihis ay pumunta na siya sa sala, doon sa mag-ina. Sa sala na lamang niya hihintayin si Nickson."Ang ganda mo, Olive. Kaya siguro na inlove si Sir Nickson sayo," buong paghanga na komento ni Tonia."Naku po, Aling Tonia. Mapagbiro po pala kayo," sagot ng natatawang si Olive. Nakashort siya at nakaone piece swimsuit na itim sa loob ng short."Hindi ako nagbibiro, Olive. Maganda ka talaga. At alam mo bang ikaw lang ang dinalang babae r'to ni Sir Nickson."Ikinagulat niya ang nalaman."Ibig niyo po bang sabihin, kahit si Denise hindi pa nakakapunta rito sa Siargao?" nagtatakang tanong niya. Paanong nangyari na hindi alam ni Denise ang lugar na ito? Matagal na silang magkarelasyon. Balak na nga ni Nickson pakasalan ang nobya."Hindi ko nga kilala 'yong Denise na 'yon. Ikaw lang
NAKABALIK na ng tree house si Olive dala ang basket at mga damit ni Nickson."May dala ka bang brief?""Oo, nasa bulsa ng short ko," sagot ni Nickson. Kinuha naman iyon ni Olive. Nandidiring ibinuyangyang niya ang brief ni Nickson."Grabe naman kung makahawak. Malinis 'yan at bagong laba. Amuyin mo pa," sabi naman ni Nickson. Namula naman ang pisngi ni Olive."E, kasi naman siyempre hindi pa naman ako nakakahawak ng brief," katwiran ni Olive. Napangiti naman si Nickson."Ibaba mo na lang 'yong trunks mo. Tapos tulungan kitang tanggalin sa binti mo na may sugat," dagdag na utos ni Olive. Pumikit na kaagad si Olive."Paano mo ako matutulungan kung nakapikit ka?" tanong ni Nickson."Ikaw napaka mo. Siyempe virgin pa 'tong eyes ko! Sige na gawin mo na. Sabihin mo nalang kapag nababa mo na," naiiritang na sagot ni Olive.Huminga ng malalim si Olive. Saka pumikit ulit ng kanyang mga mata. Napapangisi naman si Nickson dahil sa kainosentehan ng asawa niya."Natanggal ko na. Baka mandiri ka pa
IT'S a big day for Nickson and Olive. The day that they are waiting for. As the music starts "Bigay ng Maykapal" by Dj Bombom. Ito ang napili nilang kanta para sa araw na pinaka-espesyal sa kanilang buhay— ang kanilang kasal. Mas memorable ngayon dahil puro ang gusto nila ang nasunod.Ito ang pinagarap niyang kasal para kay Olive. She deserved what she has now for loving them unconditionally. Ang mga sakripisyo niya para sa kanilang lahat. Kahit pa ang kalimutan ang sarili niyang kaligayahan.Habang nakatingin sa malayo si Nickson at hinihintay na dumating ang kanyang pinakamagandang bride. Ang babaeng ibinigay sa kanya ng Maykapal.Sa hinaba-haba man daw ng prosisyon, sila pa rin ni Olive ang magkakatuluyan. Ang dami nilang pinagdaanan na dal'wa. Dalawang beses pa silang nagkalayo. Naisakrispisyo ni Olive ang sarili para lamang mailigtas ang kanyang pamilya sa masamang kamay ni Crissa. Natutuwa siya na hinarap iyon ng asawa niya na mag isa. Kahanga hanga ang ganoong klaseng babae.So
ARAW ng kasal nina Crissa at Nickson. Kompleto ang pamilya nina Nickson. Ang Daddy niya ay tutol sa kasal nila. Pero walang nagawa nang si Nickson na ang may gusto na maikasal kay Crissa. Wala naman silang kaalam alam sa lahat. Tanging siya lamang ang nagpasimuno ng kasal nila ni Crissa.Pinagbigyan na niya ito na makasal silang dalawa para matigil na ang babae ng kahahabol sa kanya. At matahimik na ang kanyang buhay.Huwag lang sanang mabulilyaso ang kanyang plano. Dahil buhay ng pinaka-importanteng tao ang malalagay sa alangin. Hindi niya makakayanan na may mangyari na mas grabe pa noon. Itataya na niya ang buhay niya kung magkagayon."Nickson, hindi na ba magbabago ang desisyon mo? Hindi mo na ba mahal si Olive? Mas gusto ko pa rin si Olive para sayo," sabi ni Ericson sa anak. Mas hamak na mabait at napaka-natural ng ugali ni Olive. 'Di kagaya ni Crissa na parang plastic kung humarap sa kanila. Palibhasa ay ang anak lamang nila ang gusto nito. Nagkamali siya noong kinausap niya it
MABILIS na tumulin ang mga araw. Malapit ng manganak si Via. Kompleto na ang mga gagamitin ng anak niya. Nagpapasalamat siya kay Quinay na hindi ito umalis sa kanyang tabi. Palagi itong nakaalalay sa kanya."Ate, may check up ka pala. Sasamahan kita," paalala ni Quinay kay Via."Oo. Salamat sa pagpapaalala. Nahihirapan na nga akong lumakad.""Kaya nga ako andito, Ate Olive. Para alalayan ka sa lahat ng oras."Napangiti si Olive. Naglakad siya palapit sa dalaga. "Kaya nga malaki ang pasasalamat ko sayo. Paano na lang ako kung wala ka sa tabi ko? Siguro baka hirap na hirap ako at palagi na lang mag isa.""Hindi mangyayari na mag iisa ka. Para na kitang kapatid, habang andito ka sa lugar namin. Andito lang ako palagi sa tabi mo, ate.""ARE you sure you want to marry Nickson, Crissa? Ako'y nagpapaalala lang sayo. Hindi tama ang ginawa mo sa kanila. Paano kung mahuli ka ni Nickson? E, 'di ikaw lang ang mapapasama," giit ni Mayor Cris.Masyado nang nagiging abusado ang anak. Self-centered a
"SIGURADUHIN ninyong safe sila. At huwag na huwag kayong lalayo sa kanya. Bantayan ninyong maigi at ireport sa akin ang lahat ng nangyayari sa kanya," madiing utos ni Nickson. May anim na buwan na rin noong umalis si Olive. Iniwan ng asawa ang pamilya niya at maging siya. Walang makapagsabi at makapagturo kung nasaan ang kanyang mahal na asawa. Buti na lamang at may natrace sa CCTV noong gabing na nawala ang asawa.Araw-araw na sinisiguro ni Nickson na nasa maayos ang kanyang mag-ina. Kahit na nasa malayo ay nababantayan niya ito. Hindi na siya magagalaw pa ni Crissa. Nagdidiwang ngayon si Crissa dahil sa ang akala nito ay tuluyan na siyang nakuha. Ang hindi nito alam, matagal na niyang alam ang plano nito kay Olive.Habang si Crissa ay masayang-masaya. Ang akala niya ay magtatagumpay siya sa mga plano niya. Ang hindi niya alam lalo lamang siyang nababaon sa kasalanang ginawa niya sa kanilang mag asawa.Napapangisi siya habang ini-imagine ang araw na poposasan si Crissa. Hindi na ng
LUMIPAS ang limang buwan ay mag-isang namumuhay si Olive sa isang malayong probinsiya. Apat na buwan na rin ang kanyang tiyan. Nagpapasalamat siya dahil sa may naiwan naman sa kanya na alala ni Nickson. Ito ay ang anak nilang dalawa. Habang himas ang tiyan ay napaiyak si Olive. Miss na niya si Nickson. Sumuko siya para sa kaligtasan ng lahat. Importante na mabuhay silang lahat kahit pa masaktan siya."Anak, patawarin mo si Mommy kung hindi ko pinaglaban ang Daddy mo. Masaya ako kung magiging masaya ang Daddy mo sa piling ni Crissa. Hayaan mo andito pa naman si Mommy. Hinding-hindi kita iiwan," usal ni Olive habang hawak ang may kalakihan na din na tiyan."ATE, pupunta lang po ako sa kabilang bayan. Ipamimili kita ng mga prutas tsaka mga gamit ni baby," paalam ni Quinay kay Olive. Si Quinay ang dalagita na kasama niya sa bahay simula noong lumipat siya sa maliit na bayan ng Santa Barbara.Nakilala niya ito noong naghanap siya ng babaeng makakasama. Maigi na lamang ay nadala niya ang ka
NAG-AALALA na si Nickson para sa asawa niya. Hindi nakapagpaalam na aalis ng bahay si Olive. Pinayagan niya itong magtrabaho. Pero hindi niya alam na ngayon din ay magsisimula na kanyang pagmomodelo ang asawa.Gabi na rin at hindi pa ito nakakauwi sa bahay nila si Olive. Wala namang sinabi sa kanya ang asawa bago ang huli nilang pag-uusap kaninang umaga.Nang hindi na nakatiis ay tinawagan na niya ang Papa ni Olive. "Pa, umuwi po ba si Olive d'yan sa inyo?" bungad na tanong ni Nickson sa kabilang linya."Ha? Wala si Olive sa bahay. Ang alam ko, e, may usapan nga kami bukas na pupunta siya sa bahay para pumunta sa boutique. Gusto niyang makita ang mga design ng wedding dress. At siya raw mismo ang gustong pumili sa isususot sa kasal n'yo," sagot ni Norman sa manugang."Ganoon po ba? Hindi pa po kasi umuuwi si Olive. Alas diyes na po ng gabi at nag-aalala na po ako sa kanya," sabi ni Nickson."Saan ba nagpunta ang bata na iyon?" pagtatakang tanong ni Norman."Wala po siyang sinabi sa ak
PAUWI na si Olive mula sa grocery. Nagpahatid lang siya kay Reine sa store para mamili ng mga stocks nila. Napatigil siya sa paglalakad nang may humarang sa kanya na dalawang sasakyan. Mula r'on ay lumabas ang limang lalaki at naglakad palapit sa kanya.Nagpalinga-linga siya sa paligid. Tiyempo naman na walang tao na dumadaan. Sino ang puwede niyang hingian ng tulong?Nahintakutan si Olive at napaatras."Ma'am, sumama po kayo sa amin para hindi na kayo masaktan pa," sabi ng isang lalaki na may bonet sa ulo. Nang makalapit ang mga ito at pinalibutan siya.Sinuyod niya ng tingin ang mga lalaki. Sa itsura ng mga ito parang papatay ng tao. May mga nakasukbit na baril sa tagiliran nila at pawang mga kulay itim ang suot. Hindi niya makilala dahil sa may suot na bonet ang mga ito."Huh? Bakit? Sino ba kayo? At saan niyo ako dadalhin?" nagtatakang mga tanong ni Olive at nilapitan siya ng apat na lalaki at hinawakan si Olive sa kamay. Habang ang isa ay piniringan si Olive at tinalian kamay niy
"IPAPAALAM ko ng rin po sa inyo. Simula po ngayon ay sa bahay na naming mag-asawa tutuloy si Olive. Ayoko na pong malayo pa sa asawa ko," sabi ni Nickson sa mga magulang ng asawa.Napangiti si Norman. "Aba'y nasa anak ko na ang desisyo, Nickson. Hindi naman kami ang makikisama sayo at asawa mo na rin ang anak namin.""Oo nga naman. Hindi mo kailangang na ipagpaalam pa ang anak namin. Pag-usapan ninyong dalawa 'yan," sabat naman ni Bettina.Mahigpit na hinawakan ni Nickson ang kamay ni Olive. Saka napalingon sa asawa na katabi niya.Muli ngang nagsama sina Olive at Nickson sa bahay nila. Punong-puno ng buhay at saya ang kanilang munting tahanan. Parang nasa honeymoon stage sila. Napupuno ng kulay ang kanilang pagmamahalan."Asawa ko, noong umalis ka ba, naiisip mo ako?" usisa ni Nickson.Katatapos lang ng kanilang mainit na tagpo at nakahiga sa kama nila. Habang nakaunan si Olive sa braso ni Nickson."Never kang naalis sa isip ko. Kahit nga sa panaginip nakikita kita. The one year that
"PA, I'm sorry po. Iyon po talaga ang nangyari. I will let you decide about to my father. Kung gusto niyo po siyang kasuhan. Hindi po ako hahadlang," sabi ni Nickson. Nakaupo na hawak ni Olive ang kamay ng asawa. Habang nasa tapat nila nakaupo ang parents ni Olive.Mataman naman na nakatingin lang ang mga magulang ni Olive kina Nickson at Olive. Napatingin naman si Olive sa asawa niya na halatang kabado. Namumuo ang butil ng mga pawis sa kanya noo. Pakiramdam ni Nickson nasa isang interrogation siya at iniimbestigahan."Anak, ikaw? Anong desisyon mo?" tanong ni Norman kay Olive. Bumaling ng tingin si Olive sa Papa niya at ngumiiti r'to."Pa, sa totoo lang po. Mahal ko po ang asawa ko. Napatawad ko na po siya at hindi naman po kami magmomove forward kapag may pa din kami sa isat isa. Pero kung ano man ang magiging desisyon niyo ni Mama ay susuportahan po namin ni Nickson. Kayo pa rin po ang magdedesisyon para sa relasyon naming dalawa," mahabang litanya ni Olive."Well, sa totoo lang n