NAGULAT si Olive nang mapagsino ang taong nasa labas. Isasara na sana niya ang pinto nang iharang ni Nickson ang kamay niya.
"Ouch!" malakas na d***g ni Nickson at napapikit ang kanyang mga mata. Nanlaki naman ang mga mata ni Olive ng makitang halos namimilipit sa sakit si Nickson. Agad niya itong dinaluhan at hinawakan ang kamay."E, kasi naman sino bang may sabi sayong ilagay mo ang kamay mo sa pinto? Ayan, tuloy nasaktan ka," nag-aalalang sabi ni Olive habang hawak ang kamay ni Nickson.Napamulat ng isang mata si Nickson. At napangiti ng makita ang mukha ni Olive na alalang-alala sa kanya. Hinihipan pa ang kamay niya. Pinipigilan ni Nickson na tumawa ng malakas.Bigla naman na tumingin si Olive kay Nickson. Mabilis na ipinikit ang mga mata niya. Nahuli iyon ni Olive. Binitawan bigla ni Olive ang kamay ni Nickson."Huli ka na, eh. Ang galing mo magdrama, Mr. Nickson Balderama. Umalis ka na nga!" galit na taboy ni Olive.Napamulat naman ng kanyang mga mata si Nickson."I'm sorry, please forgive me, Olive. Give me another chance. Pangako hindi na mauulit ang mga nakita mo. Saka magiging seryoso na ako sa pag-aasikaso ng kasal natin," Olive cross her arms. At tumalikod kay Nickson. "I'm begging you," pagmamakaawa pa ni Nickson. At pinagsalikop nito ang mga kamay niya at akmang luluhod kay Olive. Naagapan iyon ni Olive."Bakit ka ba apektado na hindi na matutuloy ang kasal natin, Nickson? We don't have feelings for each other. Kaya okay lang na hindi matuloy ang kasal ngayong dalawa.""Can we talk inside?" sabi naman ni Nickson. Niluwagan ni Olive ang pinto at pumasok sa loob ng condo niya si Nickson.Nagpalinga-linga si Nickson sa loob ng condo ni Olive. Kulay pink pintura ng buong wall and pader. Habang white naman ang mga nuebles niya. Then may isang malaking tv at mga divider na white ang kulay na may mga ibat ibang pigurin sa loob."Nice place," sabi ni Nickson."Hinid kita pinapasok para magkomento ka sa loob ng condo ko. Umupo ka at magpaliwanag " napairap na saad ni Olive kay Nickson."Sorry," saka umupo si Nickson isa sa pang isahang sopa. Habang si Olive ay umupo sa katabi nitong pangdalawahan na sopa."Hindi ako ang may kailangan sayo. Ikaw ang may kailangan sa akin," dagdag na sabi ni Nickson. Napalingon si Olive dahil sa sinabi ni Nickson."Paano mo naman nasabi yan?""I think wala kang alam kung bakit naiarrange marriage tayo. Do you ask your Papa, why?" tanong ni Nickson. Umiling naman ng ulo si Olive."Bumabagsak na ang kompanya niyo. And my Dad can help your Papa na maibangon ulit ang kompanya niyo na nalulugi na. Ang solusyon is ikasal tayong dalawa. Since my Dad invest a lot of money para lamang hindi bumagsak ang kompanya na naipundar ng Papa mo. At ayaw ni Daddy na mawala ang kompanya niyo. Dahil sa laki ng pera na naivest niya, pati siya ay madadamay. That is why I want to contunue this wedding," mahabang paliwanag ni Nickson.Napayuko ng ulo si Olive at umiyak na dahil wala siyang kaalam-alam na mawawala na pala ang negosyo na naipundar ng Papa niya sa mahabang panahon. Ang pinaghirapan ng kanyang mga magulang na ipatayo.Narinig ni Nickson ang pag-iyak ni Olive at mga hikbi nito. Kaya nilapitan niya kaagad ito at naupo sa tabi ng dalaga.Naihilig ni Nickson ang ulo ni Olive sa dibdib niya. Doon umiyak nang umiyak si Olive. Hinahaplos ni Nickson ang likod ni Olive para mapakalma. Hinalikan pa nito sa ulo si Olive at iniyakap ang mga kamay kay Olive.Napangiti si Nickson. Alam niyang napapayag niya si Olive na ituloy ang kasal nila.IIANG araw na lamang ay kasal na nina Nickson at Olive. Gaganapin ito sa simbahan at pili lamang ang mga dadalo. Dadalo ang mga kaibigan ni Nickson at ang napili niyang Best Man ay si Omar.Kompleto na rin ang mga abay nila. At ang mga kailangan sa kasal nila mula sa simbahan at sa reception ay naayos na din ng kanilang wedding coordinator. At dahil malilit pa ang kambal na kapatid ni Olive ay si Ashley ang napili nitong Maid of Honor.Araw ng bachelor party ni Nickson. Si Ely ang nag-ayos. Puro kaibigan nilang lalaki ang mga dadalo. Hindi nga lang kasama si Parker dahil nasa London pa ito.Bumukas ang pinto ng kuwartong nirentahan para sa bachelor party ni Nickson. Iniluwa nito si Nickson na nakapiring ang mga mata. Nasa likod nito si Ely."Pare, are you ready for your big night?! This is a goodbye party being a bachelor. Kaya humanda ka na!" malakas na sigaw ni Ely. Nagsigawan naman ang mga kaibigan nila.Naigiya ni Ely si Nickson sa gitna at iniupo iyon doon."Pare, congratulation on your wedding day," bulong ni Ely dito. Sinuntok naman ni Nickson si Ely sa tiyan."Ouch! Masakit iyon, ha. Pero rito, masasarapan ka," may nakakalokong tawa na sabi nito. Nagsigawan naman ang mga lalaki na kasama ni Nickson.May maharot na tugtog ang pumailang lang sa buong kuwarto. Kinakabahan na si Nickson na nakaupo."Ely, I told you no girls! Puta! Lagot ako nito!" galit na sigaw ni Nickson.Naghiwayan lang ang mga kaibigan niya. Hindi alam ni Nickson ang nangyayari. Naririnig lang niya ang tugtog at mga hiwayan ng mga kaibigan niya.Maya maya ay naramdaman niyang may lumapit sa kanya at humawak sa balikat niya. Kinabahan na lalo si Nickson."Go! Igiling mo!" sigaw ni Omar. Naghiyawan din ang mga kaibigan nila.Sinasayawan si Nickson nang isang babae na nakamaskara. Umindayog ito sa harap ni Nickson. At biglang umupo sa kandungan ni Nickson."Yes! Go Nickson!" mga hiyaw ng mga kaibigan niya."Mga loko ipapahamak pa ako kay Olive," sabi ni Nickson sa isip.Naalala nito ang bilin ni Olive na walang babae dapat sa bachelor party niya. Walang music at walang dancing lights. Pero kabaliktaran ang lahat ng iyon sa inaakala ni Olive na mangyayari.Pinagpapawisan na si Nickson. Sa kaba at takot kapag nalaman ni Olive ang nangyayari sa party niya. Ngayon din ginanap ang despidida de soltera ni Olive. At sa condo ito ng fiancee niya ginanap.Nagpagiling-giling pa ang babae sa kandungan ni Nickson. Ayaw nitong hawakan ang babae sa katawan. Kaya halos ipiksi niya ang kamay niya para lamang makaiwas.Pero walang nagawa ni Nickson nang hawakan ng babae ng mahigpit ang kamay niya at iginiya sa kanyang leeg. Naghiwayan naman ang mga kaibigan niya. Pababa iyon sa cleavage ng babae. Hanggang sa umabot sa tiyan."Go Nickson! Bukas hindi ka na binata kaya magpakasaya ka!" malakas na sigaw ng kaibigan niyang si Omar."Pare! Mga gag* kayo! Tanggalin niyo na itong babae!" mariing tanggi ni Nickson."No, Pare. Just enjoy tonight!" sagot ni Omar. Biglang tumahimik ang paligid. Wala na ding tugtog."P*ta! Iniwan niyo ba ako!" malakas na sigaw ni Nickson."No, I'm here," malanding sagot ng babae."Who are you?" tanong ni Nickson. Nilapitan siya ng babae."I am your desire," bulong nito sa tenga ni Nickson."Oh sh*t! I'm getting married! Umuwi ka na!" taboy ni Nickson."No, Loverboy. Hindi pa tayo tapos," sagot ng babaeng hindi kilala ni Nickson. Hinawakan ng babae ang piring ni Nickson at tinanggal iyon.Pupungas-pungas naman ng mga mata niya si Nickson. Pero madilim ang buong paligid. Nang mapadako ang tingin niya sa babaeng nasa harapan niya."Sino ka?!" galit na tanong ni Nickson.Tumawa lang ang babae bilang sagot.Nilapitan nito si Nickson at hinalikan sa labi. Nagpupumiglas si Nickson. At pilit inilalayo ang babae. Pero mapilit kaya hinawakan ni Nickson ang maskara nito. Napaatras ang babae at biglang nagliwanag sa buong silid."Denise? Ikaw?" naguguluhang tanong ni Nickson."Hindi mo man lang ako hinabol noong nakipagbreak ako sayo! Ganoon na lamang ba ako sayo, Nickson? Pagkatapos ng lahat ng ibinigay ko sayo. Basta mo nalamang akong itatapon!""Denise, sinabi ko na sayo na ikakasal na ako. And we should stop," sagot ni Nickson."Stop?! Sinabi mo sa akin na pakakasalan mo ako. Kapag na annul ang kasal niyo ni Olive. What happen now, Nickson?! Tell me!""I'm sorry, Denise. I know I'm st*pid. Nangako ako sayo noon. Pero, now I realized na we are not meant to be. I like Olive. At siya na ang pakakasalan ko,"Napailing iling ng ulo si Denise."Pinaasa mo lamang ako! Niloko at ginamit! Sinabi mo mahal mo ako," umiiyak na sumbat ni Denise. Nilapitan ito ni Nickson. At hinawalan ito sa balikat."Patawarin mo ako. Napakalaki ng kasalanan ko sayo, Denise. Pero hindi tama na ituloy pa natin ang relasyon natin. Masasaktan at masasaktan ka lamang ng dahil sa akin. Alam ko na mahirap tanggapin ang lahat. Pero, it's for your own good.""Para sa akin o para sayo! Nickson, I hate you so much! At dahil sa ginawa mo sa akin. Huwag mong asahan na mapapatawad pa kita! Go and get married! Alam ko isang araw babalik ka rin sa akin," sabi ni Denise saka tinanggal ang kamay nito sa balikat niya at dumiretso na sa pintuan para umalis.Naiwan si Nickson na nakatayo roon.ARAW ng kasal, handa na ang lahat para masaksihan sa araw na ito ang pinahihintay. Ang araw na magkakaroon ng katuwang si Olive. Ito rin ang araw na ipagkakaloob niya ang buhay niya kay Nickson. Dapat masaya siya dahil masaya ang lahat ng mga taong ikinakasal. Pero kabaliktaran sa kanya. Sa loob-loob niya ito ang araw ng pinakamasamang pangyayari sa buhay niya. Magiging pag-aari na siya ni Nickson. Ang araw na hindi siya madaling makakaalis sa poder ni Nickson."Anak, masaya kami ng Papa mo. Dahil biniyayaan kami ng mabait na anak. Masunurin at magaling sa buhay. Ang araw ng kasal ang isa pinakamagandang pangyayari sa isang babae. Ang makaisang dibdib ang lalaki ang lalaki sa kanyang puso. Hindi man dahil sa pag ibig kaya kayo ikakasal. Alam namin na matutunan mo ding mahalin si Nickson. Basta maging mabuting maybahay ka. At maging masunurin sa asawa. Lahat ng problema ay masusulosyunan niyo kapag bukas ang bawat isa sa inyo," mga pangarap ng Mama ni Olive."Pakakatandaan ko po. Thank
"NICKSON, ha. Ayoko ng ganyan mga tingin mo!" may nakakalokong ngisi na nilalapitan ni Nickson ang asawa pero atras naman nang atras si Olive."Asawa ko, I want to claim our marriage," malambing na sabi ni Nickson na panay ang lapit kay Olive."May pa-claim-claim ka pang nalalaman. Ang sabihin ko pervert ka! Simula ngayon doon ako matutulog sa guest room. Bahala kang magclaim d'yan!" galit na saad ni Olive at akma ng lalabas ng hawakan ni Nickson ang asawa sa kamay. At hinila ito papalapit sa kanya.Panay ang waksi Olive sa kamay niya. Pero mapilit si Nickson. Hinawakan ng mahigpit ang kamay at inilagay sa likuran niya. At naidikit sa pader. Hindi na siya makagalaw at makapalag."Saan ka pupunta, asawa ko? Ayaw mo ba akong katabi sa kuwarto at doon ka sa guest room matutulog?" mga tanong ni Nickson sa asawa.Umirap si Olive na ayaw tumingin sa mga mata ni Olive. Nanukso kasi ang mga mata nito. Tapos may iba pa siyang pakiramdam na hindi niya maintindihan."Puwede ba bitawan mo ako, Ni
"DITO tayo magbabakasyon?" nagtatakang tanong ni Olive."Yes. Hindi mo ba nagustuhan, asawa ko?" tanong ni Nickson."Ang akala ko kasi sa isang hotel tayo matutulog tapos may beach sa harap. Pero, ano ito?" naguguluhan sabi ni Olive. Isang resort ang inaasahan niyang pupuntahan nila rito sa Siargao."This place is nice, asawa ko. Tingnan mo ang magandang tanawin. Di ba kitang-kita ang dagat sa baba. Ang lupang ito ay pag-aari namin. May caretaker dito pero hindi kalayuan ang bahay nila," wika ni Nickson saka lumanghap ng sariwang hangin.Nasa isang bundok sila sa Siargao. At ang bahay na tinutukoy ni Olive ay isang bahay na gawa sa kahoy. Pero malaki naman. Magkakalayo ang mga nakatira. Private property kasi ang lugar kung saan sila titira ng ilang araw sa Siargao. Isang private plane ang naghatid sa kanila."Come, asawa ko. Pumasok na tayo sa loob ng bahay. Don't worry may kuryente at tubig sa loob ng bahay. Iyon lamang ay wala tayong kasama, tayong dalawa lamang ang nasa bahay na it
TINULUNGAN si Olive ni Tonia na ihanda ang kailangan nila para sa magiging picnic nila sa falls. At nang masigurong kompleto na ang mga dadalhin nila ay nagpunta na ng kuwarto si Olive para magbihis. Pagkatapos magbihis ay pumunta na siya sa sala, doon sa mag-ina. Sa sala na lamang niya hihintayin si Nickson."Ang ganda mo, Olive. Kaya siguro na inlove si Sir Nickson sayo," buong paghanga na komento ni Tonia."Naku po, Aling Tonia. Mapagbiro po pala kayo," sagot ng natatawang si Olive. Nakashort siya at nakaone piece swimsuit na itim sa loob ng short."Hindi ako nagbibiro, Olive. Maganda ka talaga. At alam mo bang ikaw lang ang dinalang babae r'to ni Sir Nickson."Ikinagulat niya ang nalaman."Ibig niyo po bang sabihin, kahit si Denise hindi pa nakakapunta rito sa Siargao?" nagtatakang tanong niya. Paanong nangyari na hindi alam ni Denise ang lugar na ito? Matagal na silang magkarelasyon. Balak na nga ni Nickson pakasalan ang nobya."Hindi ko nga kilala 'yong Denise na 'yon. Ikaw lang
NAKABALIK na ng tree house si Olive dala ang basket at mga damit ni Nickson."May dala ka bang brief?""Oo, nasa bulsa ng short ko," sagot ni Nickson. Kinuha naman iyon ni Olive. Nandidiring ibinuyangyang niya ang brief ni Nickson."Grabe naman kung makahawak. Malinis 'yan at bagong laba. Amuyin mo pa," sabi naman ni Nickson. Namula naman ang pisngi ni Olive."E, kasi naman siyempre hindi pa naman ako nakakahawak ng brief," katwiran ni Olive. Napangiti naman si Nickson."Ibaba mo na lang 'yong trunks mo. Tapos tulungan kitang tanggalin sa binti mo na may sugat," dagdag na utos ni Olive. Pumikit na kaagad si Olive."Paano mo ako matutulungan kung nakapikit ka?" tanong ni Nickson."Ikaw napaka mo. Siyempe virgin pa 'tong eyes ko! Sige na gawin mo na. Sabihin mo nalang kapag nababa mo na," naiiritang na sagot ni Olive.Huminga ng malalim si Olive. Saka pumikit ulit ng kanyang mga mata. Napapangisi naman si Nickson dahil sa kainosentehan ng asawa niya."Natanggal ko na. Baka mandiri ka pa
NAGISING na rin si Olive at pupungas-pungas ng kanyang mga mata. Sinuri niya ang kanyang katawan."May damit na ako?" nagtatakang tanong ni Olive sa sarili. Parang kagabi lamang ay wala silang saplot ng asawa niya. At wala rin si Nickson sa tabi niya. Bumangon na siya at tumayo para hanapin ang asawa.Napahinto siya nang makita itong papalapit sa kanya. May benda ang sugat niya at mukhang maayos na ang pakiramdam."Kumusta ang sugat mo?" bungad niyang tanong."Okay, okay na ang pakiramdam ko. Tinapalan ko ng ginadgad na dahon ng bayabas ang sugat ko," sagot ni Nickson. Nilapitan siya ni Olive si Nickson at sinalat ang noo at leeg."Wala ka ng lagnat?" tanong muli ni Olive. Nagtataka naman na nakatingin lang si Nickson sa kanya."Lagnat?""Oo. Ang taas ng lagnat mo kagabi. Tapos nanginginig ka pa. Kaya nga niyakap kita," sagot ni Olive. Nakagat niya ang labi ng maalalang n*******d pala siya. Ibig sabihin si Nickson ang nagdamit sa kanya."Hala, tinanghali ka ng gising. Iyan nakita na ni
NAGPASYA nang bumalik ng Maynila ang mag-asawa. Hindi naman na magiging maganda ang bonding nila sa isla. Tila naging mailap sila sa isa't isa. Nagkaroon na ng ilangan dahil sa naganap sa kanila sa falls."Olive! Kumusta ang buhay mag-asawa? Ano may nangyari na ba?" malakas na tili ni Ashley. Isang buwan din ang bakasyon ni Olive."Okay naman. Saka ano naman ang mangyayari?" malumanay na sagot ni Olive."Talaga? Wala pa. Bakit?" sunod-sunod na tanong ni Yza."Hindi naman ako mahal ni Nickson. Kaya paano may mangyayari sa amin?""Ang sabihin mo ikaw ang umiiwas. Kaya gan'on. Sabihin mo nga, hanggang kailan mo ba ikakaila sa amin na gusto mo si Nickson?" tanong ni Ashley. Halatang-halata ang kaibigan nila. Si Nickson Valderama, ang asawa niya. Nasa lalaki na ang lahat nang gugustuhin ng mga babae. Maraming mga estudyante ang may gusto sa asawa nito. Pero ang kaibigan nila parang ang tigas ng puso para hindi magustuhan si Nickson.Natahimik si Olive."Tingnan mo wala kang maisagot. Kasi
NAKASILIP sa bintana ng kuwarto niya si Olive. Lumabas na ang asawa niya ng kuwarto nito. At mukhang inihatid nito ang babae hanggang sa gate.Namumugto ang mga mata niya. Pakiramdam niya ngayon wala siyang ganang pumasok sa University."Olive, kaya mo 'yan. Fight! Fight! Fight!" pilit niyang pinalalakas ang loob niya. Pero kapag naalala niya ang mga sinabi ni Nickson kagabi ay halos nawawalan na siya ng lakas para ituloy ang pagsasama nilang mag-asawa."Hintayin mo na lang na magsabi sayo. At kapag nagsabi na. Wala kang choice kung 'di to let go," sabi ni Olive sa isip. Napasinghot na siya. Nagbabadya na naman ang luha niya. Masakit, sobrang sakit. Kung puwede lang maging manhid na lang ay gagawin niya para hindi siya nasasaktan ng ganito.Mas lalong lang sumama ang loob ni Olive ng makitang hinalikan nung babae ang asawa niya sa labi nito. Napatalikod siya bigla."Please, huwag ka nang umiyak. Please" umiiyak na pakiusap ni Olive sa sarili. Hindi iyon nangyari. Bumagsak pa din ang l
IT'S a big day for Nickson and Olive. The day that they are waiting for. As the music starts "Bigay ng Maykapal" by Dj Bombom. Ito ang napili nilang kanta para sa araw na pinaka-espesyal sa kanilang buhay— ang kanilang kasal. Mas memorable ngayon dahil puro ang gusto nila ang nasunod.Ito ang pinagarap niyang kasal para kay Olive. She deserved what she has now for loving them unconditionally. Ang mga sakripisyo niya para sa kanilang lahat. Kahit pa ang kalimutan ang sarili niyang kaligayahan.Habang nakatingin sa malayo si Nickson at hinihintay na dumating ang kanyang pinakamagandang bride. Ang babaeng ibinigay sa kanya ng Maykapal.Sa hinaba-haba man daw ng prosisyon, sila pa rin ni Olive ang magkakatuluyan. Ang dami nilang pinagdaanan na dal'wa. Dalawang beses pa silang nagkalayo. Naisakrispisyo ni Olive ang sarili para lamang mailigtas ang kanyang pamilya sa masamang kamay ni Crissa. Natutuwa siya na hinarap iyon ng asawa niya na mag isa. Kahanga hanga ang ganoong klaseng babae.So
ARAW ng kasal nina Crissa at Nickson. Kompleto ang pamilya nina Nickson. Ang Daddy niya ay tutol sa kasal nila. Pero walang nagawa nang si Nickson na ang may gusto na maikasal kay Crissa. Wala naman silang kaalam alam sa lahat. Tanging siya lamang ang nagpasimuno ng kasal nila ni Crissa.Pinagbigyan na niya ito na makasal silang dalawa para matigil na ang babae ng kahahabol sa kanya. At matahimik na ang kanyang buhay.Huwag lang sanang mabulilyaso ang kanyang plano. Dahil buhay ng pinaka-importanteng tao ang malalagay sa alangin. Hindi niya makakayanan na may mangyari na mas grabe pa noon. Itataya na niya ang buhay niya kung magkagayon."Nickson, hindi na ba magbabago ang desisyon mo? Hindi mo na ba mahal si Olive? Mas gusto ko pa rin si Olive para sayo," sabi ni Ericson sa anak. Mas hamak na mabait at napaka-natural ng ugali ni Olive. 'Di kagaya ni Crissa na parang plastic kung humarap sa kanila. Palibhasa ay ang anak lamang nila ang gusto nito. Nagkamali siya noong kinausap niya it
MABILIS na tumulin ang mga araw. Malapit ng manganak si Via. Kompleto na ang mga gagamitin ng anak niya. Nagpapasalamat siya kay Quinay na hindi ito umalis sa kanyang tabi. Palagi itong nakaalalay sa kanya."Ate, may check up ka pala. Sasamahan kita," paalala ni Quinay kay Via."Oo. Salamat sa pagpapaalala. Nahihirapan na nga akong lumakad.""Kaya nga ako andito, Ate Olive. Para alalayan ka sa lahat ng oras."Napangiti si Olive. Naglakad siya palapit sa dalaga. "Kaya nga malaki ang pasasalamat ko sayo. Paano na lang ako kung wala ka sa tabi ko? Siguro baka hirap na hirap ako at palagi na lang mag isa.""Hindi mangyayari na mag iisa ka. Para na kitang kapatid, habang andito ka sa lugar namin. Andito lang ako palagi sa tabi mo, ate.""ARE you sure you want to marry Nickson, Crissa? Ako'y nagpapaalala lang sayo. Hindi tama ang ginawa mo sa kanila. Paano kung mahuli ka ni Nickson? E, 'di ikaw lang ang mapapasama," giit ni Mayor Cris.Masyado nang nagiging abusado ang anak. Self-centered a
"SIGURADUHIN ninyong safe sila. At huwag na huwag kayong lalayo sa kanya. Bantayan ninyong maigi at ireport sa akin ang lahat ng nangyayari sa kanya," madiing utos ni Nickson. May anim na buwan na rin noong umalis si Olive. Iniwan ng asawa ang pamilya niya at maging siya. Walang makapagsabi at makapagturo kung nasaan ang kanyang mahal na asawa. Buti na lamang at may natrace sa CCTV noong gabing na nawala ang asawa.Araw-araw na sinisiguro ni Nickson na nasa maayos ang kanyang mag-ina. Kahit na nasa malayo ay nababantayan niya ito. Hindi na siya magagalaw pa ni Crissa. Nagdidiwang ngayon si Crissa dahil sa ang akala nito ay tuluyan na siyang nakuha. Ang hindi nito alam, matagal na niyang alam ang plano nito kay Olive.Habang si Crissa ay masayang-masaya. Ang akala niya ay magtatagumpay siya sa mga plano niya. Ang hindi niya alam lalo lamang siyang nababaon sa kasalanang ginawa niya sa kanilang mag asawa.Napapangisi siya habang ini-imagine ang araw na poposasan si Crissa. Hindi na ng
LUMIPAS ang limang buwan ay mag-isang namumuhay si Olive sa isang malayong probinsiya. Apat na buwan na rin ang kanyang tiyan. Nagpapasalamat siya dahil sa may naiwan naman sa kanya na alala ni Nickson. Ito ay ang anak nilang dalawa. Habang himas ang tiyan ay napaiyak si Olive. Miss na niya si Nickson. Sumuko siya para sa kaligtasan ng lahat. Importante na mabuhay silang lahat kahit pa masaktan siya."Anak, patawarin mo si Mommy kung hindi ko pinaglaban ang Daddy mo. Masaya ako kung magiging masaya ang Daddy mo sa piling ni Crissa. Hayaan mo andito pa naman si Mommy. Hinding-hindi kita iiwan," usal ni Olive habang hawak ang may kalakihan na din na tiyan."ATE, pupunta lang po ako sa kabilang bayan. Ipamimili kita ng mga prutas tsaka mga gamit ni baby," paalam ni Quinay kay Olive. Si Quinay ang dalagita na kasama niya sa bahay simula noong lumipat siya sa maliit na bayan ng Santa Barbara.Nakilala niya ito noong naghanap siya ng babaeng makakasama. Maigi na lamang ay nadala niya ang ka
NAG-AALALA na si Nickson para sa asawa niya. Hindi nakapagpaalam na aalis ng bahay si Olive. Pinayagan niya itong magtrabaho. Pero hindi niya alam na ngayon din ay magsisimula na kanyang pagmomodelo ang asawa.Gabi na rin at hindi pa ito nakakauwi sa bahay nila si Olive. Wala namang sinabi sa kanya ang asawa bago ang huli nilang pag-uusap kaninang umaga.Nang hindi na nakatiis ay tinawagan na niya ang Papa ni Olive. "Pa, umuwi po ba si Olive d'yan sa inyo?" bungad na tanong ni Nickson sa kabilang linya."Ha? Wala si Olive sa bahay. Ang alam ko, e, may usapan nga kami bukas na pupunta siya sa bahay para pumunta sa boutique. Gusto niyang makita ang mga design ng wedding dress. At siya raw mismo ang gustong pumili sa isususot sa kasal n'yo," sagot ni Norman sa manugang."Ganoon po ba? Hindi pa po kasi umuuwi si Olive. Alas diyes na po ng gabi at nag-aalala na po ako sa kanya," sabi ni Nickson."Saan ba nagpunta ang bata na iyon?" pagtatakang tanong ni Norman."Wala po siyang sinabi sa ak
PAUWI na si Olive mula sa grocery. Nagpahatid lang siya kay Reine sa store para mamili ng mga stocks nila. Napatigil siya sa paglalakad nang may humarang sa kanya na dalawang sasakyan. Mula r'on ay lumabas ang limang lalaki at naglakad palapit sa kanya.Nagpalinga-linga siya sa paligid. Tiyempo naman na walang tao na dumadaan. Sino ang puwede niyang hingian ng tulong?Nahintakutan si Olive at napaatras."Ma'am, sumama po kayo sa amin para hindi na kayo masaktan pa," sabi ng isang lalaki na may bonet sa ulo. Nang makalapit ang mga ito at pinalibutan siya.Sinuyod niya ng tingin ang mga lalaki. Sa itsura ng mga ito parang papatay ng tao. May mga nakasukbit na baril sa tagiliran nila at pawang mga kulay itim ang suot. Hindi niya makilala dahil sa may suot na bonet ang mga ito."Huh? Bakit? Sino ba kayo? At saan niyo ako dadalhin?" nagtatakang mga tanong ni Olive at nilapitan siya ng apat na lalaki at hinawakan si Olive sa kamay. Habang ang isa ay piniringan si Olive at tinalian kamay niy
"IPAPAALAM ko ng rin po sa inyo. Simula po ngayon ay sa bahay na naming mag-asawa tutuloy si Olive. Ayoko na pong malayo pa sa asawa ko," sabi ni Nickson sa mga magulang ng asawa.Napangiti si Norman. "Aba'y nasa anak ko na ang desisyo, Nickson. Hindi naman kami ang makikisama sayo at asawa mo na rin ang anak namin.""Oo nga naman. Hindi mo kailangang na ipagpaalam pa ang anak namin. Pag-usapan ninyong dalawa 'yan," sabat naman ni Bettina.Mahigpit na hinawakan ni Nickson ang kamay ni Olive. Saka napalingon sa asawa na katabi niya.Muli ngang nagsama sina Olive at Nickson sa bahay nila. Punong-puno ng buhay at saya ang kanilang munting tahanan. Parang nasa honeymoon stage sila. Napupuno ng kulay ang kanilang pagmamahalan."Asawa ko, noong umalis ka ba, naiisip mo ako?" usisa ni Nickson.Katatapos lang ng kanilang mainit na tagpo at nakahiga sa kama nila. Habang nakaunan si Olive sa braso ni Nickson."Never kang naalis sa isip ko. Kahit nga sa panaginip nakikita kita. The one year that
"PA, I'm sorry po. Iyon po talaga ang nangyari. I will let you decide about to my father. Kung gusto niyo po siyang kasuhan. Hindi po ako hahadlang," sabi ni Nickson. Nakaupo na hawak ni Olive ang kamay ng asawa. Habang nasa tapat nila nakaupo ang parents ni Olive.Mataman naman na nakatingin lang ang mga magulang ni Olive kina Nickson at Olive. Napatingin naman si Olive sa asawa niya na halatang kabado. Namumuo ang butil ng mga pawis sa kanya noo. Pakiramdam ni Nickson nasa isang interrogation siya at iniimbestigahan."Anak, ikaw? Anong desisyon mo?" tanong ni Norman kay Olive. Bumaling ng tingin si Olive sa Papa niya at ngumiiti r'to."Pa, sa totoo lang po. Mahal ko po ang asawa ko. Napatawad ko na po siya at hindi naman po kami magmomove forward kapag may pa din kami sa isat isa. Pero kung ano man ang magiging desisyon niyo ni Mama ay susuportahan po namin ni Nickson. Kayo pa rin po ang magdedesisyon para sa relasyon naming dalawa," mahabang litanya ni Olive."Well, sa totoo lang n