Unang araw ng shoot ngayon at gaganapin iyon sa Tagaytay kung saan nandoon ang mga townhouses ng LDV Residences.Kahit naman sa hiwalayan humantong ang marriage ni Freeshia ay hindi pa rin niya mapigilang maging proud kay Lance dahil sa mga naabot nito.In a span of two years ay naipatayo niya ang LDV Residences at madami na din itong branches nationwide.Papunta na sila ni Troy sa location ng shoot at sakay na sila ng coaster na provided din ng kumpanya ni Lance.Lahat naman ay provided ng kumpanya ayon na rin sa kontrata na pinirmahan ni Troy. Mula sa damit, sapatos, accessories, make-up artist, service and all, kaya in short, darating lang si Freeshia sa location at ang team na ni Lance ang bahala. Pwera na lang kay Troy dahil siya pa rin ang official photographer ni Freeshia.Pagdating nila sa location ay dumeretso na sa tent na nakatayo doon ang team ni Lance. Inayos na nila ang gamit bago nila binihisan at inayusan si Freeshia.May kasama din siyang male model at nang makabihi
Halos ubuhin si Troy sa kakatawa habang pauwi na sila ni Freeshia pagkatapos ng shoot nila sa Tagaytay.Inaasar niya si Freeshia dahil sa ginawa kanina ni Lance at kahit inis na inis ito ay umakto pa rin siyang propesyunal sa harap ng lahat.“That bastard! Ang galing din gumawa ng eksena, mapansin mo lang!” Sabi pa ni Troy habang panay pa rin ang tawa niya.“Will you stop it!” napipikon na si Freeshia sa pang-aasar ni Troy at konti na lang mapapatulan na talaga niya ito“Eh bakit ba? Sa nakakatawa naman talaga eh! Pero ang galing mo din ha! You gave him the dose of his own medicine!” Napangisi naman si Freeshia sabay taas ng kilay nang maalala kung paano umasim ang pagmumukha ni Lance kanina.Well, ginaya naman nila ni Zeke ang mga itinuro ni Lance pero Freeshia made it a point na mas daring at mas sweet ang naging galaw niya.“Akala ba ni Lance eh uurungan ko siya!” sabi pa ni Freeshia kaya napailing naman si TroyKitang-kita ni Troy kay Lance ang inis sa ipinakita ni Freeshia at Ze
Nagsimula ang meeting ng eksakto alas diyes at si Kelly ang naatasang magsalita sa harap para ipresent sa board ang mga naganap sa shoot kahapon.“We have decided na ipakita ang journey ng dalawang taong nagmamahalan in finding the right home as they are starting to build their family.”Pinindot nito ang pen at nagflash doon ang mga kuha ni Zeke at Freeshia sa harap ng townhouse highlighting her engagement ring.“And after that, when they finally found LDV Residences, they will share their special moments in the house as a married couple!” Isa-isang nagflash ang kuha ni Troy sa projector at masusi naman itong pinag-aralan ng mga miyembro ng board.After the presentation ay pumalakpak ang board kaya nakahinga ng maluwag si Kelly dahil ibig sabihin, okay sa board ang mga nakita nila.Nanatili namang tahimik si Lance at nakatingin lang sa mga kasamahan niya. Aaminin naman niya na magaganda talaga ang mga kuha ni Troy sa mga modelo. Hindi na nakakapagtaka na nakagawa ng pangalan si Frees
Nakaupo sina Freeshia st Troy sa harap ng press na inimbitahan ni Kelly para sa gagawing presscon ngayon hapon.Hinihintay na lang nila si Lance dahil ayon kay Kelly kumpleto na daw ang members ng press na inimbitahan niya.Hindi naman nagtagal ay dumating na si Lance at nang makaupo na siya sa tabi ni Freeshia ay nagsalita na agad si Kelly.“Okay friends since nandito na po ang aming CEO, sisimulan na po natin ang presscon for this day. Each of our friends from the press will be given two questions each. Kahit na sino po sa tatlong nasa harap pwedeng tanungin. And please refrain from asking the same questions po.” Tumingin si Ms. Kelly kay Lance and he nodded para ibigay ang hudyat na pwede ng magsimula ang tanungan. May numbers naman na ang mga press so alam na nila kung sino ang mauuna sa kanilang magtanong.“Good afternoon po, I am Via Arsenio from Manila Fashion and Glam, ang question ko po ay para kay Ms. Malaya.” pagsisimula niya and I smiled at her“Nabalitaan po kasi namin
Nang matapos ang presscon ay nakipag-usap pa sandali si Troy sa team ni Kelly para sa mga susunod na schedule ni Freeshia.Habang nasa meeting si Troy ay bumalik naman si Freeshia sa hotel room kung saan siya nagbihis kanina.Hindi pa siya nagtatagal sa kwarto si Freeshia ay biglang pumasok sa loob si Lance at inilock nito agad ang pinto.“Ano na namang kailangan mo?” hindi nagpakita ng kaba si Freeshia lalo pa at naalala niya ang kapangahasan ni Lance kaninaHindi maipaliwanag ni Freeshia ang mararamdaman niya nang muling sumagi sa sensitibong balat niya ang mga kamay ni Lance.Kinilabutan siya kanina, hindi dahil sa ayaw niya. The feeling is familiar at ganoon ang pakiramdam niya kapag naglalambing dati si Lance sa kanya.“Gusto ko lang mag-apologize sa nangyari kanina. Tungkol doon sa sinabi ng reporter.” sagot naman ni LanceNagkibit-balikat si Freeshia para ipakita kay Lance na balewala na sa kanya kung mapag-usapan pa ng iba ang tungkol sa nangyari noon.Ang mahalaga, hindi siya
Kinabukasan pag-gising ni Freeshia ay nakatanggap siya ng message and when she opened it, nalaman niya na galing ito kay Lance.‘I’ll pick you up at seven sweetheart!’ Napapikit si Freeshia dahil hindi na yata niya matatakasan ang dinner na ito with her ex-husband.Pagbibigyan na niya at pagkatapos nito, she hopes na titigilan na siya ni Lance pero mukhang hindi naman mangyayari iyon.Wala silang schedule ni Troy ngaun aside from the briefing and fitting na rin ng mga damit na isusuot niya sa pictorial for the billboards and calendar.Paglabas niya ay nasa kusina na si Troy at nagtitimpla ng kape.“Good morning pumpkin! Coffee?” masiglang tanong ni Troy sa kanya kaya tinaasan niya ito ng kilay“Taas ng energy ah! Mukhang sinagot na tayo dyan ah!” biro ko sa kanya at ngumiti lang siya“Anong oras ka na ba nakauwi kagabi ha?” tanong ni Freeshia sa kaibigan niya dahil umalis pa ito matapos siyang ihatid after the conference“Two am..” sagot naman ni Troy saka niya inilapag ang kape sa
Eksakto alas siyete ng gabi ay may nag-buzzer sa pinto at dahil nasa kwarto pa si Freeshia ay si Troy na ang nagbukas nito.Napangisi siya ng makita niya na si Lance ang nasa pinto at may dala pa itong bulaklak. “T*****a! Ang lakas talaga ng fighting spirit!” kantyaw ni Troy kay Lance pero hinawi lang siya nito ay agad ng pumasok sa pintoNaupo siya sa couch para hintayin ang babaeng kanina pa laman ng isip niya. Ni-review niya ang CCTV footage kanina at nakita naman niya ang kotseng itim na planong sagasaan si Freeshia kanina pero wala itong plaka.Doon siya nakaramdam ng pag-aalala and he reminded himself na sabihin kay Freeshia na bibigyan niya ito ng security lalo at nag-iisa to minsan.Napalingon si Lance nang bumukas ang pinto at napako na ng ang paningin niya sa paglabas ni Freeshia who looks stunning sa suot niyang black evening dress.Ang ganda niya lalong tignan lalo at nakalugay ang buhok niya na isa sa mga gustong-gusto ni Lance noon.Tuwid na tuwid kasi ang buhok ni Fre
Birthday ng mommy ni Freeshia ngayon at ginanap iyon sa mansion ng mga Altamonte. Maganda ang ayos ng hardin ng mansion at nakatulong din na maganda ang panahon dahil perfect ito para sa outdoor party.The Altamonte’s hired the best caterer in town at may banda pa na tumutugtog ng mga favorite songs ni Mrs. Altamonte.Kasama ni Freeshia na nagpunta dito si Troy at nandito na din si Herea. Damon Santiago is also invited kaya siya ang madalas kausap ni Freeshia lalo pa at hindi siya maka relate sa kwentuhan ni Herea at Troy.Tulad ngayon, nasa isang panig sila ng hardin at masayang nag-uusap. Freeshia is having wine while Damon has brandy on his glass.“Well, ginulat mo ako Freeshia! Hindi ko akalain, in the span of two years, maaabot mo ang lahat ng tinatamasa mong kasikatan!” “Sinwerte lang ako Damon! And of course nandyan si Troy at si Phia! Sila talaga ang nag-encourage sa akin na subukan ang modelling!” sagot ni Freeshia kay Damon“Knowing Troy, talagang may mata yan sa mga may
Naging busy ang sumunod na linggo kay Freeshia at kay Lance dahil sa pagpa plano ng kasal nila and at the same time sa negosyo na din ng LDV Residences.May mga pagkakataong si Freeshia lang ang nakikipagmeeting sa mga wedding organizers nila dahil busy si Lance sa expansion ng LDV sa ibang lugar dito sa bansa.Tulad ngayon, isang linggo si Lance sa Palawan para pangasiwaan ang mga projects nila doon. Kampante naman siyang umalis dahil wala ng banta sa seguridad nila ni Freeshia at naging tahimik naman ang lahat magbuhat nung masawi si Celestine at ang kapatid nito.Pero kahit nasa malayo si Lance ay palagi naman siang nag-uusap ni Freeshia through video call. “I miss you so much, sweetheart!” sabi ni Lance habang magkausap sila nung gabing iyon Napangiti si Freeshia sa paglalambing sa kanya ni Lance at maging siya man ay nami-miss na din ang fiance’ niya. Nasanay na kasi siya na palaging nasa tabi niya si Lance at katabi niya sa pagtulog.“Baby three days na lang naman! Magkikita
“How was your lunch with Herea?” Tanong ni Lance kay Freeshia nang salubungin siya nito pagpasok niya sa townhouse“Okay naman baby! Pagkatapos naming mag-lunch, nagpa-spa kami.” sagot naman ni Freeshia “Magpapahain na ako, are you hungry?” tanong sa kanya ni Freeshia nang nasa hagdan na sila“I’l just take a shower, sweetheart. Sunod ako agad!” Tumango naman si Freeshia and Lance gaved him a kiss. Umakyat na si Lance sa taas para magshower. At kahit gusto na niyang mahiga dahil sa pagod ay hindi niya pwedeng hindi saluhan si Freeshia sa hapunan lalo at alam niya na ito ang nagluluto ng pagkain nila.The last thing he wants is for Freeshia to fell unappreciated. Nagawa na niya ito noon at hinding-hindi na niya ito uulitin.Naupo siya sandali sa kama ang after five minutes ay dumeretso na siya sa shower room. Naligo na siya at matapos niyang magbihis ay dumeretso na siya sa dining. And as always, mabango na naman ang pagkain na sumalubong sa kanya. Freeshia is realy a good cook!“
Inaya ni Lance ang Mommy niya sa library at doon sila nag-usap. Hanggat maari ay ayaw ni Lance na sa harap ng Daddy niya sila mag-usap dahil baka atakehin ito sa puso at hinda na makaligtas.Sinabihan na lang niya ang Daddy niya na magpahinga dahil tungkol lang naman sa kasal ang paguusapan nila. Nang makaupo na ang Mommy niya ay doon na sinimulan ni Lance ang oakay niya.“Sa palagay ko alam niyo na ang dahilan kung bakit ako nandito.” pagsisimula ni Lance at hindi naman kumibo si Mariel“Mommy, please tell me. Saan niyo dinala ang pera? Anak niyo kami ni Lander at alam mo na maiintindihan ka namin.”Nanatiling tahimik si Mariel kaya naman nakaramdam ng frustration si Lance.“Mommy…”“Naipatalo ko sa casino!” sigaw ni Mariel kaya naman nanlaki ang mata ni LanceAlam na alam nilang lahat kung gaano kinamumuhian ng kanilang ama ang pagsusugal. At yan ang iminulat nito sa kanila ni Lander.“Malas ang magsugal! Yan ang anay na sisira sa lahat ng itinayo mo!” yan ang paalala sa kanila ng
“Nagdududa na ang anak ko, Raffy!” kinakabahang saad ni Mariel sa lalaking ngayon ay katabi niyang nakahiga sa kamaKakatapos lang siyang paligayahin nito at kahit papano ay nabawasan ang stress niya sa ginawa sa kanya ni Raffy.Nakilala niya si Raffy sa isang party na dinaluhan niya last year at isa itong dance instructor.Naging magkapareha sila at pagkatapos ng party ay nagkita sila ulit. Patagong dinner, clubbing, out of town at doon na nagsimula ang relasyon nila.Maluho si Raffy at kaya niyang ibigay ito sa lalaki dahil ibinibigay nito sa kanya ang kaligayahang sekswal na hindi na kayang ibigay sa kanya ng lumpong asawa. Bumili siya ng condo unit at doon ang naging tagpuan nila. Binigyan niya din ito ng kotse at lahat ng iba pang luho na pwedeng makuha ng lalaki.And in return, he makes her happy! And at the same time, he is loyal too. Pinasundan niya ng lihim si Raffy para makita kung tapat ito sa kanya at ilang beses naman niyang napatunayan ito.“Bakit? Nasundan ka ba?” tan
“Ano bang problema mo?” Napakurap si Mariel sa biglaang pagsasalita ng asawa niyang si Arman dahil sa sobrang lalim ng iniiisip niya.She was to engrossed in her thoughts na halos mapatalon siya sa gulat dahil sa biglaang pagsasalita ng kabiyak.“Okay ka lang mommy?” tanong naman din ni Lander na napapansin din lately ang tila pamomroblema ng mommy niya“Ah I’m fine! Huwag niyo kong intindihin!” pinilit ni Mariel na ngumiti sa mag-ama niyang labis ang pag-aalala para sa kanya“By the way iho, kamusta ang party kagabi ng kuya mo?” tanong ni Arman sa bunsong anak niya“Okay naman Dad! Mas maganda sana kung nakapunta kayo ni Mommy!” sagot ni Lander kahit pa parang pinipiga ang puso niya sa nararamdaman niyang pagkabigo“Tinawagan ko naman ang Kuya mo at alam naman niya ang sitwasyon ko. But of course dadalo ako sa wedding niya.”Nakatali na kasi si Arman sa wheelchiar dahil hindi na siya nakapaglakad ng maayos buhat nung ma-stroke siya.Pero he is happy dahil nagkaayos na si Lance at si
Nagkaroon ng enagagement party sina Lance at Freeshia sa mansion ng mga Altamonte at kahit ayaw ni Freeshia ng ganitong mga party ay wala siyang nagawa sa kagustuhan ng magulang niya na sinegundahan naman ni Lance.Maraming imbitado at lahat ay kabilang sa alta sosyedad na kinabibilangan nila. “Congratulations!” masayang sabi ni Hera kay Freeshia pagdating niya sa party“Salamat Her!” bulong naman ni Freeshia ditoBinati din Herea si Lance sabay biro dito kaya napakamot pa ito ng ulo.“Umayos ka na ha!” “Oo naman, Herea! I learned my lesson well!” sabi niya sa kaibigan ng fiance’ niyaPara kay Lance, maswerte si Freeshia dahil nakatagpo siya ng kaibigang gaya ni Herea. Hindi siya nito iniwan through thick ang thin.Sayang lang at wala pa si Troy dahil nasa New York pa ito.“Congrats my man!” masayang sabi naman ni Damon kay Lance “Thanks bro!” nagyakapan sila at binati din nito si Freeshia at si HereaMasaya ang lahat ng nandito and they are looking forward for the couple’s wedding
“Hey! Be sure to come home right away!” bilin ni Lance kay Troy nang ihatid siya ng huli sa airport para sa fight nila pabalik ni PilipinasMarami pa kasing aaskasuhin si Troy dito kaya hindi muna siya makakasabay sa dalawang ito pag-uwi.“I will bro! Of course I won’t miss your wedding!” pangako naman ni Troy sa kanila“Thank you Troy! At huwag kang magtagal dito baka mainip si Herea!” biro naman sa kanya ni Freeshia“Hoy, bantayan mo yung kaibigan mo ha! Baka mamaya, makipag-date sa iba yun!” sabi naman ni Troy kaya natawa pa si Freeshia“Ano ka ba, hindi ganun si Herea!”“Basta nga!” pinandilatan pa ni Troy si Freeshia ng mata kaya sumagot na lang siya para matapos na“Oo na!” ani Freeshia kahit pa alam naman niya na kahit hindi niya bantayan si Herea ay hindi ito gagawa ng hindi magandaNiyakap nila muli ang isa’t isa bago tuluyang pumasok sa loob si Lance at si Freeshia. Mamimiss ni Freeshia ang kaibigang ito since matagal niya din itong nakasama pero alam niyang pansamantala la
Nakarating na si Freeshia, Lance at Troy sa New York ngayong araw na ito. Dalawang linggo din silang nanatili sa townhouse ni Freeshia at hindi naman sila nasundan doon ni Marga.Kaya naman minabuti na nilang doon na manatili kesa bumalik sa penthouse ni Lance. Although nakatanggap naman ng balita si Lance na umalis na din si Marga doon, ay mas pinili ni Freeshia na dito manatili sa kanyang townhouse.Mahigpit pa rin ang security nila kahit pa sabihing mahigpit din ang mismong security sa gate. Bago ang flight nila ay nakatanggap ng balita si Lance sa chief of police tungkol sa babaeng kasama ni Celestine sa kotseng sumabog.“Siya si Blessida Santillan, kapatid siya sa ama ni Celestine Rivera. Ibig sabihin, anak sa pagkakasala ni Mr. Rivera. Namatay ang nanay nito pagkapanganak kaya naman kinuha ni Mr. Rivera ang bata at ipinaampon ito sa pinsan niya dahil hindi sila magkaroon ng anak.”“Sa probinsya siya lumaki pero ayon sa records, nakarehistro siya sa Tondo at natira doon ng sampu
Nasa isang bar si Lance, Damon at Troy ng gabing iyon at kahit nasa townhouse na sila nakatira ni Freeshia, ay mahigpit pa rin ang security nila lalo at wala pang resulta ang DNA matching sa babaeng nakita na kasama ni Celestine.“Siraulo yang si Marga! Aba balak pang makipag bahay-bahayan sa inyo!” hindi malaman ni Lance kung natatawa ba si Troy o naiinis sa sitwasyong kinasangkutan nila kahapon“Grabe nga bro! I’m sure utos yan ni mommy!” sabi naman ni Lance sa mga kaibigan niya“Sa palagay mo?” medyo hindi siguradong tanong ni Troy dahil pwedeng oo pwede ring hindi“Ke utos ni tita o hindi, ang mahalaga, hindi tama! Ipagsiksikan mo ba naman ang sarili mo sa isang taong hindi ka naman gusto!” “Bakit ba baliw na baliw sayo yun ha? Akala ko pa naman matatahimik na kayo ni Freeshia nang mawala si Celestine, hindi pa rin pala!” inis na saad ni Troy“Malay ko! Tatlong beses ko lang yata dinate yun but I never promised anything!” pagtatanggol naman ni Lance sa sarili niya“Bakit ba kasi