Birthday ng mommy ni Freeshia ngayon at ginanap iyon sa mansion ng mga Altamonte. Maganda ang ayos ng hardin ng mansion at nakatulong din na maganda ang panahon dahil perfect ito para sa outdoor party.The Altamonte’s hired the best caterer in town at may banda pa na tumutugtog ng mga favorite songs ni Mrs. Altamonte.Kasama ni Freeshia na nagpunta dito si Troy at nandito na din si Herea. Damon Santiago is also invited kaya siya ang madalas kausap ni Freeshia lalo pa at hindi siya maka relate sa kwentuhan ni Herea at Troy.Tulad ngayon, nasa isang panig sila ng hardin at masayang nag-uusap. Freeshia is having wine while Damon has brandy on his glass.“Well, ginulat mo ako Freeshia! Hindi ko akalain, in the span of two years, maaabot mo ang lahat ng tinatamasa mong kasikatan!” “Sinwerte lang ako Damon! And of course nandyan si Troy at si Phia! Sila talaga ang nag-encourage sa akin na subukan ang modelling!” sagot ni Freeshia kay Damon“Knowing Troy, talagang may mata yan sa mga may
Dinala ni Lance si Paula sa tabi ni Freeshia at Lander kaya naman naputol ang titigan ng dalawa dahil sabay pa silang napatingin sa bagong dating na magkapareha.Iniwas ni Freeshia ang mga mata niya lalo pa at nakikita niya kung paano lumingkis ang babaeng kasama ni Lance sa kanya.Akala mo ba, sawa ito sa tindi ng kapit niya sa leeg ni Lance and he seems to enjoy it!Ibinaling ni Freeshia ang mga mata niya kay Lander dahil ayaw niyang makita ang titigan ni Lance at ng babaeng kasama niya.Humilig si Freeshia sa dibdib ni Lander habang nagsasayaw sila at dinig na dinig niya ang malakas na tibok ng puso nito.Kung sana nga si Lander na lang ang minahal niya, baka sobrang saya niya ngayon at baka nga may mga anak na din sila.You are so beautiful to me…You are so beautiful to me…Can’t you see…You’re everything I hope forYou’re everything I needYou are so beautiful, to me…“You really are so beautiful!” sabi ni Lander kay Freeshia and she just smiledEwan naman ni Lance at wala yata
Late ng nagising si Freeshia kinabukasan dahil anong oras na din natapos ang party. She looked at the clock at alas-nuebe na pala ng umaga kaya ginawa na niya ang morning routine nila.Wala silang shoot ngayon kaya naisipan niyang dalawin si Herea sa opisina nito.Paglabas niya sa kitchen ay narinig niya na may kausap si Troy! Malakas ang boses nito at halata ang galit sa tinig niya.“Siguraduhin mo na mate-trace kung sino mang tarantado ang nag-upload niyan!”Ramdam niya ang mabigat na paghinga ni Troy at dahil hawak niya ang phone niya ay naramdaman niya ang pag-vibrate nito.She looked at it and she opened the message of Hera immediately. May sinend ito na link kaya agad niyang binuksan iyon.Tumambad sa kanya ang larawan nila ni Lander. Nakahawak ang kamay ni Lander sa kanyang baba habang nakatitig ito sa mga mata niya.“NOON ANG KUYA, NGAYON NAMAN ANG KAPATID?ANO ANG MERON SA MGA VILLAVICENCIO AT PILIT SILANG INAAKIT NG MODELO NA SI MALAYA ESPRIT’?”“What the???” inis na sigaw n
“Good job , Abby! Basta ipagpatuloy mo lang yan at tuloy-tuloy din ang dating ng pera sa iyo!” Nasa isang hotel room and babaeng may pakana ng lahat ng paninira kay Freeshia. Hindi siya titigil sa mga ginagawa niya dahil yun ang misyon niya. Ang sirain at gantihan si Lance Villavicencio at si Freeshia Altamonte.Nasimulan na niya at sa ngayon ay paglalaruan muna niya ang mga ito. Unti-unti l…hanggang sa dumating sila sa ultimate goal…ang patayin ang dalawang itoNilingon niya ang lalakeng ngayon ay natutulog sa kama kaya napangisi siya. Hangga’t hawak niya ang lalaking ito magiging madali lang ang lahat at aayon sa mga plano.Umungol ang lalake kaya naman agad itong tinabihan ng babae sa kama.“Saan ka galing?” tanong nito sabay yakap sa bewang niya“Uminom lang ako ng tubig…pagod ka pa?” anito habang hinahaplos ang mukha ng lalaki“You want more?” pilyong tanong ng lalaki kaya naman nakaramdam muli ng pag-iinit ang babaeInalis niya agad ang roba niya at muling tumambad sa lalaki an
Nakatingin lang si Freeshia sa dalawang bisita niyang tahimik na nakaupo sa sala ng unit.Kung gaano ka-cool ang itsura ni Lander na may dala pang bulaklak, ay siya namang aburido ng pagmumukha ni Lance.Sinulyapan ni Freeshia si Lance at talaga namang halos kainin na niya ng buhay ang kapatid na bigla na lang sumulpot dito sa unit ni Freeshia.Okay na sana eh! Pero itong si Lander, dumating at sinira ang magandang nasimulan niya.Tumikhim si Freeshia para kunin ang atensyon ng dalawa at nagtagumpay naman siya dahil sabay pang napatingin sa kanya ang magkapatid.“Ano bang drama ninyong dalawa? Bakit sabay pa kayong nandito?” iritang tanong niya “Nauna ako dito!” tila may pagmamalaking sabi ni Lance “So?! Ibig sabihin ba na nauna ka wala ng karapatan yung iba?” balik ni Lander sa kuya niya“Ang sa akin, sa akin!” giit ni Lance kaya naman naisip ni Freeshia na hindi na ang sabay nilang pagpunta dito ang pinaguusapan ng dalawa“Hindi na iyo! Kaya pakawalan mo na! Ni hindi mo nga iningat
Hindi naman nakakibo si Lance nang marinig niya ang sinabi ni Freeshia. Totoo naman kasi iyon. Apat na taon silang kasal pero ni wala siyang masyadong alam tungkol dito.Ang ending, nagbukas na lang si Freeshia ng de-lata at ininit iyon sa microwave.Bumalik siya sa mesa dala ang ulam niya at kung hindi lang siya nakaharap sa grasya ng Diyos, paaalisin na talaga niya ang dalawa.Hindi naman kumikibo si Lance at si Lander at parang tinabangan na din silang kumain.At kahit hindi pa tapos si Freeshia na kumain ay tumayo na si Lance at nagpaalam na siya. Ganun din naman ang ginawa ni Lander matapos niyang magpaalam sa dalawa.“Lander, bokya! Lance, bokya din!” natatawang sabi ni Troy kaya napalingon si Freeshia sa kanya“Troy….” sabi ni Freeshia dahil feeling niya may ginawa na naman ang kaibigan niya“Why pumpkin?” patay malisya niyang sagot kay Freeshia na ngayon ay nakataas kilay naKilala niya na si Troy kapag may ginagawa itong kalokohan.“Ano nga?” tanong pang muli ni Freeshia sa k
Araw ng shoot nila Freeshia at Troy ngayon kaya naman maaga silang sinundo ng service papunta sa studio kung saan gaganapin ang pictorial.Na-brief naman na sila tungkol dito at ang theme ng pictorial ay may kinalaman sa mga bulaklak that represent the twelve months of the year.Indoor ang shoot at may backdrop naman na gagamiting background for each month.Hindi lang sigurado si Freeshia kung may makakasama siya ngayong mga modelo dahil hindi yata ito nabanggit sa kanya noong briefing.Tahimik lang si Freeshia habang papunta sila sa studio dahil hanggang ngayon iniisip niya ang mukha ni Lance kagabi nung umalis siya sa unit.Para ba itong pinagsakluban ng langit at lupa at hindi naman siya bato para hindi makaradam ng awa dito.Kung sana hindi nangyari ang mga nangyari noon, baka sakaling masaya sila ngayon.“Penny for you thoughts?” pukaw ni Troy sa lumilipad niyang isip at napapitlag pa siya dahil bahagya siyang siniko nito“Huh?” “Ano balikan ba natin si Freeshia sa unit?” pang
Napanglahati na nila ang shoot at nagbreak muna sila Freeshia dahil tanghali na. May pagkain naman na hinanda para sa kanila kaya hindi na nila kailangang lumabas para mag-lunch.Tahimik lang na kumain si Freeshia habang si Lance at Troy naman ay masayang nagke-kwentuhan habang kumakain.“Pasensya na kayo Troy kung biglaan ang naging pagbabago. Actually wala din akong alam dito!” sabi ni Lance kay TroySumulyap siya kay Freeshia na hindi naman nagbabago ang reaksyon. But he made it a point na marinig nito ang sinabi niya dahil yun naman ang totoo.Wala talaga siyang alam dito at kahit gusto niya ang idea ni Damon ay hindi niya mapigilang mag-isip lalo pa at alam niya na hindi ito magugustuhan ni Freeshia.It’s a good thing that Freeshia took this lightly. Alam niyang hindi ito kumportable pero ginawa niya pa rin ang trabaho niya.Bago nga sila kumain ay inisa-isa nila ni Troy ang mga pictures and he was surprised dahil maganda ang kinalabasan ng lahat.Ni hindi nga mababakas sa mata n
Naging busy ang sumunod na linggo kay Freeshia at kay Lance dahil sa pagpa plano ng kasal nila and at the same time sa negosyo na din ng LDV Residences.May mga pagkakataong si Freeshia lang ang nakikipagmeeting sa mga wedding organizers nila dahil busy si Lance sa expansion ng LDV sa ibang lugar dito sa bansa.Tulad ngayon, isang linggo si Lance sa Palawan para pangasiwaan ang mga projects nila doon. Kampante naman siyang umalis dahil wala ng banta sa seguridad nila ni Freeshia at naging tahimik naman ang lahat magbuhat nung masawi si Celestine at ang kapatid nito.Pero kahit nasa malayo si Lance ay palagi naman siang nag-uusap ni Freeshia through video call. “I miss you so much, sweetheart!” sabi ni Lance habang magkausap sila nung gabing iyon Napangiti si Freeshia sa paglalambing sa kanya ni Lance at maging siya man ay nami-miss na din ang fiance’ niya. Nasanay na kasi siya na palaging nasa tabi niya si Lance at katabi niya sa pagtulog.“Baby three days na lang naman! Magkikita
“How was your lunch with Herea?” Tanong ni Lance kay Freeshia nang salubungin siya nito pagpasok niya sa townhouse“Okay naman baby! Pagkatapos naming mag-lunch, nagpa-spa kami.” sagot naman ni Freeshia “Magpapahain na ako, are you hungry?” tanong sa kanya ni Freeshia nang nasa hagdan na sila“I’l just take a shower, sweetheart. Sunod ako agad!” Tumango naman si Freeshia and Lance gaved him a kiss. Umakyat na si Lance sa taas para magshower. At kahit gusto na niyang mahiga dahil sa pagod ay hindi niya pwedeng hindi saluhan si Freeshia sa hapunan lalo at alam niya na ito ang nagluluto ng pagkain nila.The last thing he wants is for Freeshia to fell unappreciated. Nagawa na niya ito noon at hinding-hindi na niya ito uulitin.Naupo siya sandali sa kama ang after five minutes ay dumeretso na siya sa shower room. Naligo na siya at matapos niyang magbihis ay dumeretso na siya sa dining. And as always, mabango na naman ang pagkain na sumalubong sa kanya. Freeshia is realy a good cook!“
Inaya ni Lance ang Mommy niya sa library at doon sila nag-usap. Hanggat maari ay ayaw ni Lance na sa harap ng Daddy niya sila mag-usap dahil baka atakehin ito sa puso at hinda na makaligtas.Sinabihan na lang niya ang Daddy niya na magpahinga dahil tungkol lang naman sa kasal ang paguusapan nila. Nang makaupo na ang Mommy niya ay doon na sinimulan ni Lance ang oakay niya.“Sa palagay ko alam niyo na ang dahilan kung bakit ako nandito.” pagsisimula ni Lance at hindi naman kumibo si Mariel“Mommy, please tell me. Saan niyo dinala ang pera? Anak niyo kami ni Lander at alam mo na maiintindihan ka namin.”Nanatiling tahimik si Mariel kaya naman nakaramdam ng frustration si Lance.“Mommy…”“Naipatalo ko sa casino!” sigaw ni Mariel kaya naman nanlaki ang mata ni LanceAlam na alam nilang lahat kung gaano kinamumuhian ng kanilang ama ang pagsusugal. At yan ang iminulat nito sa kanila ni Lander.“Malas ang magsugal! Yan ang anay na sisira sa lahat ng itinayo mo!” yan ang paalala sa kanila ng
“Nagdududa na ang anak ko, Raffy!” kinakabahang saad ni Mariel sa lalaking ngayon ay katabi niyang nakahiga sa kamaKakatapos lang siyang paligayahin nito at kahit papano ay nabawasan ang stress niya sa ginawa sa kanya ni Raffy.Nakilala niya si Raffy sa isang party na dinaluhan niya last year at isa itong dance instructor.Naging magkapareha sila at pagkatapos ng party ay nagkita sila ulit. Patagong dinner, clubbing, out of town at doon na nagsimula ang relasyon nila.Maluho si Raffy at kaya niyang ibigay ito sa lalaki dahil ibinibigay nito sa kanya ang kaligayahang sekswal na hindi na kayang ibigay sa kanya ng lumpong asawa. Bumili siya ng condo unit at doon ang naging tagpuan nila. Binigyan niya din ito ng kotse at lahat ng iba pang luho na pwedeng makuha ng lalaki.And in return, he makes her happy! And at the same time, he is loyal too. Pinasundan niya ng lihim si Raffy para makita kung tapat ito sa kanya at ilang beses naman niyang napatunayan ito.“Bakit? Nasundan ka ba?” tan
“Ano bang problema mo?” Napakurap si Mariel sa biglaang pagsasalita ng asawa niyang si Arman dahil sa sobrang lalim ng iniiisip niya.She was to engrossed in her thoughts na halos mapatalon siya sa gulat dahil sa biglaang pagsasalita ng kabiyak.“Okay ka lang mommy?” tanong naman din ni Lander na napapansin din lately ang tila pamomroblema ng mommy niya“Ah I’m fine! Huwag niyo kong intindihin!” pinilit ni Mariel na ngumiti sa mag-ama niyang labis ang pag-aalala para sa kanya“By the way iho, kamusta ang party kagabi ng kuya mo?” tanong ni Arman sa bunsong anak niya“Okay naman Dad! Mas maganda sana kung nakapunta kayo ni Mommy!” sagot ni Lander kahit pa parang pinipiga ang puso niya sa nararamdaman niyang pagkabigo“Tinawagan ko naman ang Kuya mo at alam naman niya ang sitwasyon ko. But of course dadalo ako sa wedding niya.”Nakatali na kasi si Arman sa wheelchiar dahil hindi na siya nakapaglakad ng maayos buhat nung ma-stroke siya.Pero he is happy dahil nagkaayos na si Lance at si
Nagkaroon ng enagagement party sina Lance at Freeshia sa mansion ng mga Altamonte at kahit ayaw ni Freeshia ng ganitong mga party ay wala siyang nagawa sa kagustuhan ng magulang niya na sinegundahan naman ni Lance.Maraming imbitado at lahat ay kabilang sa alta sosyedad na kinabibilangan nila. “Congratulations!” masayang sabi ni Hera kay Freeshia pagdating niya sa party“Salamat Her!” bulong naman ni Freeshia ditoBinati din Herea si Lance sabay biro dito kaya napakamot pa ito ng ulo.“Umayos ka na ha!” “Oo naman, Herea! I learned my lesson well!” sabi niya sa kaibigan ng fiance’ niyaPara kay Lance, maswerte si Freeshia dahil nakatagpo siya ng kaibigang gaya ni Herea. Hindi siya nito iniwan through thick ang thin.Sayang lang at wala pa si Troy dahil nasa New York pa ito.“Congrats my man!” masayang sabi naman ni Damon kay Lance “Thanks bro!” nagyakapan sila at binati din nito si Freeshia at si HereaMasaya ang lahat ng nandito and they are looking forward for the couple’s wedding
“Hey! Be sure to come home right away!” bilin ni Lance kay Troy nang ihatid siya ng huli sa airport para sa fight nila pabalik ni PilipinasMarami pa kasing aaskasuhin si Troy dito kaya hindi muna siya makakasabay sa dalawang ito pag-uwi.“I will bro! Of course I won’t miss your wedding!” pangako naman ni Troy sa kanila“Thank you Troy! At huwag kang magtagal dito baka mainip si Herea!” biro naman sa kanya ni Freeshia“Hoy, bantayan mo yung kaibigan mo ha! Baka mamaya, makipag-date sa iba yun!” sabi naman ni Troy kaya natawa pa si Freeshia“Ano ka ba, hindi ganun si Herea!”“Basta nga!” pinandilatan pa ni Troy si Freeshia ng mata kaya sumagot na lang siya para matapos na“Oo na!” ani Freeshia kahit pa alam naman niya na kahit hindi niya bantayan si Herea ay hindi ito gagawa ng hindi magandaNiyakap nila muli ang isa’t isa bago tuluyang pumasok sa loob si Lance at si Freeshia. Mamimiss ni Freeshia ang kaibigang ito since matagal niya din itong nakasama pero alam niyang pansamantala la
Nakarating na si Freeshia, Lance at Troy sa New York ngayong araw na ito. Dalawang linggo din silang nanatili sa townhouse ni Freeshia at hindi naman sila nasundan doon ni Marga.Kaya naman minabuti na nilang doon na manatili kesa bumalik sa penthouse ni Lance. Although nakatanggap naman ng balita si Lance na umalis na din si Marga doon, ay mas pinili ni Freeshia na dito manatili sa kanyang townhouse.Mahigpit pa rin ang security nila kahit pa sabihing mahigpit din ang mismong security sa gate. Bago ang flight nila ay nakatanggap ng balita si Lance sa chief of police tungkol sa babaeng kasama ni Celestine sa kotseng sumabog.“Siya si Blessida Santillan, kapatid siya sa ama ni Celestine Rivera. Ibig sabihin, anak sa pagkakasala ni Mr. Rivera. Namatay ang nanay nito pagkapanganak kaya naman kinuha ni Mr. Rivera ang bata at ipinaampon ito sa pinsan niya dahil hindi sila magkaroon ng anak.”“Sa probinsya siya lumaki pero ayon sa records, nakarehistro siya sa Tondo at natira doon ng sampu
Nasa isang bar si Lance, Damon at Troy ng gabing iyon at kahit nasa townhouse na sila nakatira ni Freeshia, ay mahigpit pa rin ang security nila lalo at wala pang resulta ang DNA matching sa babaeng nakita na kasama ni Celestine.“Siraulo yang si Marga! Aba balak pang makipag bahay-bahayan sa inyo!” hindi malaman ni Lance kung natatawa ba si Troy o naiinis sa sitwasyong kinasangkutan nila kahapon“Grabe nga bro! I’m sure utos yan ni mommy!” sabi naman ni Lance sa mga kaibigan niya“Sa palagay mo?” medyo hindi siguradong tanong ni Troy dahil pwedeng oo pwede ring hindi“Ke utos ni tita o hindi, ang mahalaga, hindi tama! Ipagsiksikan mo ba naman ang sarili mo sa isang taong hindi ka naman gusto!” “Bakit ba baliw na baliw sayo yun ha? Akala ko pa naman matatahimik na kayo ni Freeshia nang mawala si Celestine, hindi pa rin pala!” inis na saad ni Troy“Malay ko! Tatlong beses ko lang yata dinate yun but I never promised anything!” pagtatanggol naman ni Lance sa sarili niya“Bakit ba kasi