Matapos kausapin ni Lance ang security ni Freeshia ay bumalik siya sa couch kung saan niya iniwan si Celestine. Naupo siyang muli at nakita niya na tahimik lang si Celestine na parang nag-iisip.Kinuha ni Lance ang juice niya saka siya uminom.“Celestine, kailangan mo ng umalis! Papunta na dito si Freeshia at ayoko na mag-abot kayo!” Hindi pa pwedeng umalis si Celestine dahil may kailangan pa siyang gawin.“Pero Lance, kailangan ko nung pera! Ibabalik ako ni Amando sa casa kapag wala akong naibigay na pera!” kunwa’y pagmamakaawa ni Celestine kay LanceNakita ni Celestine na inabot ni Lance ang remote ng aircon at parang binabaan nito ang temperatura ng opisina. Napangisi ng palihim si Celestine dahil alam niya, umeepekto na kay Lance ang inilagay niya sa inumin nito.Mabuti na lang at may naiwan na ganito si Amando sa condo niya! Ginagamit ni Amando ang gamot na ito sa kanya para mag-init siya at maging wild sa kama.“Look…”Niluwangan ni Lance ang necktie niya at nagsisimula na i
Nakakuyom ang kamay ng daddy ni Freeshia habang nakikinig siya sa mga inilahad ng anak sa kanila.Nagtataka sila dahil hindi ang tipo ni Freeshia ang darating ng walang pasabi kaya naman labis ang pagkagulat nila at dumating ng bigla ang bunsong anak nila.Umiiyak naman ang mommy ni Freeshia dahil hindi nila akalain na sa loob ng apat na taon ay naging miserable pala ang buhay ng kaisa-isang anak niyang babae na lubos nilang pinaka ingat-ingatan.Ingat na ingat sila sa anak nila pero si Lance, niloko at pinaglaruan lamang ang anak nila.“Mapapatay ko ang hayop na yan!” galit na galit na sabi ng panganay na kapatid ni Freeshia na si Warren“Bunso! Bakit ka nagtiis? Akala naman namin okay ka kasi yan ang palagi mong sinasabi sa amin?” Mababasa mo din ang galit sa mukha ni Harold, ang pangalawang kuya ni Freeshia.“Kuya kasi umasa ako! Umasa ako na matututunan na niya akong mahalin kung makikita niya ang pagtitiis ko!” umiiyak na sagot ni Freeshia kay Warren“Pero hindi nangyari at nakuh
Pinilit ni Lance na makatayo kahit pa hinang-hina pa siya at nahihilo. Paggising niya ay nagulat pa siya dahil natagpuan niya ang sarili na nasa ospital.Nakita niya ang kapatid niya at pinaliwanag agad ni Lander kung paano siya natagpuan nito sa opisina habang walang malay kahapon.“Malakas ang kutob ko na si Celestine ang may gawa niyan sa iyo kuya!” sabi ni Lander kaya lalong nagalit si Lance sa narinig niyaAyon sa kapatid niya, ang sabi ng doktor ay may nakitang traces ng drugs sa dugo niya. Maaring hindi daw kinaya ng katawan niya ang dosage kaya siya nawalan ng malay at mabuti na lang naagapan dahil kung hindi baka na- comatose na siya.“Pina review ko ang CCTV sa office mo and since nasa labas lang ito, hindi natin makikita kung si Celestine nga ang may gawa niyan! Hanggang kutob lang tayo!” Inalala ni Lance ang pangyayari at natandaan nga niya na galing si Celestine kahapon sa office niya.“Siya lang ang huling kausap ko Lander! Tapos bigla…bigla na lang akong nakaramdam ng
“Paanong umalis? Daddy please, tell me kung nasaan ang asawa ko. Susunduin ko siya!” Pakiusap ni Lance kay Freddie Altamonte. Hindi siya papayag na basta na lang siyang iiwan ni Freeshia. Kaya naman niyang ipaliwanag ang lahat dito basta bigyan lang siya ng pagkakataon.“Umalis na siya kanina sa mansion at kahit ayaw namin, wala kaming magawa kung hindi ang hayaan siya. She needs to heal at magagawa niya iyon sa paglayo niya.”Halos maglumuhod si Lance sa harap ng mga biyenan niya para lang sabihin sa kanya kung nasaan si Freeshia.“Please daddy, mommy, I need to see my wife! Kailangan ko po si Freeshia!”“Sana noon mo pa naramdaman yan Lance! Sana noon mo pa na-realize na mahalaga si Freeshia pero huli na ang lahat!”Nang-uusig ang tinig ni Warren at nang mapatinign si Lance dito ay agad nitong inabot sa kanya ang isang brown envelope.“Pirmahan mo na yan at palayain mo na ang kapatid ko.” Kahit hindi buklatin ni Lance ang mga papel ay alam niyang divorce paper ang laman ng envelop
Napaangat ang tingin ni Freeshia mula sa hawak niyang i-pad nang makarinig siya ng camera shutter.Dalawang linggo na siya dito sa New York at nakatambay siya ngayon sa isang parke na malapit sa apartment niya.Dito niya binubuo ang mga designs at concepts niya para sa mga projects niya sa Aesthetika.Kahit naman wala na siya sa Pilipinas ay patuloy pa rin siya sa pagpapadala ng mga designs para sa mga clients na hawak niya.Sa e-mail lang sila nag-uusap ni Herea dahil hanggang sa mga oras na ito ay walang nakakaalam kung nasaan siya.She deactivated all her socials dahil alam niyang pwede siyang ma-trace through it kaya mas pinili niyang huwag na muna itong gamitin.Inilibot niya ang paningin at nakita na naman niya ang lalaking may hawak na camera na nasa kabilang side ng park. Coincidence lang ba na kapag nandito siya ay nandito din ang lalaking ito?Pakiramdam kasi niya kinukuhanan siya nito ng pictures pero siyempre mahirap naman magbintang pero kasi hindi na siya mapakali.Tuma
Ang sumunod na mga araw ay naging mas magaan para kay Freeshia dahil na rin sa presensya ni Troy at Phia. Buhat nung makilala niya ang dalawa ay hindi siya nakaramdam ng pagka-inip. Although she misses her family and Herea, nakatulong ang dalawa para maibsan ang lungkot na nararamdaman niya.Madalas din siyang isama ni Troy sa mga photoshoots nito at na-eenjoy niya ang pagiging ‘assistant’ daw ng kaibigan.“Mr. Celestino, we have a problem!” Napatingin si Freeshia sa pinagmulan ng boses at nakita niya na seryosong nag-usap si Troy at ang staff ng client nito.Freeshia checked her phone at may e-mail sa kanya ang kuya Harold niya so she opened it immediately.She felt a pang of pain habang binabasa ang e-mail ng kuya niya. Nakasaad doon na may desisyon na ang korte at granted na ang divorce nila ni Lance.Hindi na siya nagreply sa kapatid at agad isinara ang phone niya. Alam ni Freeshia na ito ang gusto niya pero ngayong nandito na, bakit parang hindi siya masaya?Napahinga na lang s
“Cheers!!!” sigaw ni Phia saka niya itinaas ang basong hawak niyaNandito sila sa isang bar para i-celebrate ang unang sabak ni Freeshia sa modelling.Kahit pa sinabi ni Freeshia na hindi naman kailangang i-celebrate dahil nagkataon lang iyon, ay mapilit pa rin si Phia dahil para sa kanya, simula na iyon ng bagong karera ng kaibigan.“Mark my words, Freeshia, kapag lumabas na sa mga prints ang pictures mo, madami ang darating na offers para sa iyo!” masayang sabi pa ni Phia“Phia sinabi ko naman sa inyo na hindi ko forte yun! Pinakiusapan lang ako ni Troy.” ani Freeshia habang umiinom siya ng cocktail drinks niya“Ah basta! Iba talaga ang vibes ko, Freeshia! Sisikat ka talaga!” Napailing na lang si Freeshia sa sinabi ng kaibigan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang kagustuhan ng kaibigan na pasukin niya ang pagmomodelo.“Phia is right, Freeshia, bakit ba ayaw mong subukan?”“Ang kulit niyo talaga!” natatawang sabi ni Freeshia sa mga ito“Okay! Ganito na lang! Let
Nasapo ni Lance ang ulo niya dahil patuloy ang pagsakit noon sa kabila ng pag-inom niya ng gamot.Matinding hangover ang nararamdaman niya ngayon dahil sa ilang gabing pag-inom niya ng alak.Ganito na siya buhat ng umalis si Freeshia. Alak na ang naging takbuhan niya araw-araw. Kailangan niyang uminom para lunurin ang sarili dahil gusto niyang mamanhid. Ayaw na niyang maramdaman ang sakit. Durog na durog ang puso niya at hindi niya akalain mararanasan niya ito. Akala niya, maaayos niya ang lahat pero dahil kay Celestine, nasira ang lahat.Kahapon, bumaba na nga ang desisyon ng korte tungkol sa divorce nila ni Freeshia at nang i-grant na ito, doon na siya nawalan ng pag-asa na maaayos pa ang lahat.Wala na si Freeshia!Iniwan na siya at malamang, hindi na bumalik!Ang sakit! Kasalanan niya ang lahat dahil gago siya!Napatingin siya sa pinto at nakita niya na papasok si Lander na may dalang mga papeles.“Natutulog ka pa ba?” puna sa kanya ni Lander nang makaupo ito sa harap niya Hind
Nang matapos ang paglilipat ng property at management sa pangalan ni Troy ay napagpasyahan nito na magkaroon ng party para sa mga tauhan ng resort.Pasasalamat ito para sa pagtitiwala ni Mr.Mallari sa kanya at para na din makilala siya ng ibang mga empleyado.Malaki ang resort kaya madami din ang mga tauhan na umaasa dito at gusto ni Troy na makilala siya ng mga ito bilang bagong boss nila.Si Jorge ang magsisilbing kanang kamay niya at masaya naman ito dahil nabigyan din ito ni Troy ng trabaho.He occupied the biggest villa in the resort at dito na siya lumipat. Sinamahan din siya ni Jorge na bumili ng bagong sasakyan na magagamit niya habang nandito siya sa Cebu.He was thinking of inviting his friends over at alam niya na magugustuhan dito ng mga kaibigan niya. Minsan, sumasagi sa isip niya si Kute at hindi niya talaga mapigilang magdamdam dito. Dapat hindi siya makaramdam ng ganito dahil lalaki siya at walang mawawala sa kanya pero iba talaga ang galit na bumabangon sa puso niy
Nagising si Troy at sinulyapan niya ang babaeng yakap-yakap niya sa mga oras na ito. Tinitigan si Kute at hind niya mapigilang hindi haplusin ang magandang mukha nito. Napahinga siya ng malalim lalo pa at naguguluhan talaga siya sa nangyari. Ano ba ang intensyon ni Kute at ginusto niya na may mangyari sa kanilang dalawa.Naalala niya ng naganap kanina at nagalit talaga siya sa sarili niya dahil sa walang ingat na pag-angkin nia kay Kute. Hindi naman kasi niya akalain na wala pa itong karanasan given the situation that she initiated everything.Gusto niyang ihinto ang kung anumang mangyayari sa kanila dahil nag-aalala siya kay Kute pero pinigilan siya nito at sinabihan na okay lang siya.“Are you sure?” bakas ang pag-aalala sa mukha ni Troy and she nodded Kinabig ni Kute ang batok niya and they ended up kissing each other. And that ignited the flame inside him. Inangkin niya si Kute ng buong pag-iingat and they made love all night at hindi nga niya matandaan kung ilang beses nilang na
Pagbukas ni Troy ng pinto ay nagulat siya nang makitang nasa labas ng unit niya si Kute.Nakasuot ito ng fitted jeans at fitted shirt kaya naman litaw ang magandang hubog ng katawan nito. Naka-shades ito at baseball cap habanag nakalugay ang mahaba at itim na buhok nito.Agad siyang pumasok sa loob at dumeretso siya sa sala where she removed her dark glasses and cap. Napansin ni Troy na balisa ito at tila may iniisip kaya naman agad niya itong nilapitan.“Hey! Anong nangyari? May problema ba?” tanong ni Troy sa kaibigan niyaNaupo siya sa tabi nito at narinig pa niya ang malalim na buntong hininga ni Kute.“Kute, tinatanong kita?" ulit niya kaya napatingin sa kanya ang babaeAnd without a warning inilapat ni Kute ang labi niya kay Troy!He was shocked! Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. He tried to control himself kaya naman pinatigil niya si Kuta at bahagyang inilayo sa kanya.“Ano bang ginagawa mo?” tanong ni Troy kahit pa nag-iinit na ang tenga niya sa ginawa ni KuteHe is
Agad na binuksan ni Troy ang pinto ng kanyang unit at hindi siya nakapagsalita nang makita niya si Kute na nakatayo sa labas. She was in her usual baggy jeans, loose shirt, and sneakers. May suot din itong sumbrero na inalis naman niya the moment na nakapasok siya sa loob.“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Troy matapos niyang isara ang pinto“Ikaw, anong ginagawa mo? Why are you following me?” balik tanong ni Kute kaya lalo siyang nagulatNgayon, nagsasalita na siya ng English at sa paraan ng pagdeliver niya sa mga salita, halata naman na bihasa siya dito. So tama talaga ang hinala niya na si Kute nga ang nakita niya.“Hindi ko maintindihan, Kute, ikaw yung babaeng nakita ko kanina, tama ba ako?” paniniguro ni Troy kaya humalukipkip naman si Kute using her authoritative voice“I don’t want you to be involved, Troy. Ayokong may makaalam ng koneksyon ko sa iyo at sa pamilya ni Jorge kaya kapag nagkita tayo ulit. Hindi mo ako kilala, understand?” “Who are you?” tanong ni Troy dahil
Pagdating ni Troy sa Maynila ay dumeretso siya sa unit niya para magpahinga. Sinabihan niya ang kanyang abugado na magkita sila bukas para ayusin ang mga dapat ayusin para sa pagbili niya ng property sa Cebu. Nagkasundo sila na magkikita sila bukas ng umaga sa isang restaurant para na din makuha ng abogado ang mga kopya ng papeles ng resort. Kailangan kasi niyang icheck kung malinis ang property at kung wala itong mga back taxes. Pero sa nakikita naman ni Troy kay Mr. Mallari, alam niya na wala silang magiging problema. But of course, iba pa rin yung sigurado.Tumingin siya sa kanyang relo and it is already five in the afternoon kaya naman nag decide siyang kumain sa labas. Hindi na niya pinaalam sa mga kaibigan niya dahil kukulitin lang siya ng mga ito magpakita sa kanila lalo na si Freeshia.May katabing hotel ang condominium kaya naman doon na niya napagpasyahang kumain. Ayaw na niyang lumayo dahil rush hour na din kaya alam niyang aabutan lang siya ng traffic.Pagdating niya sa ho
Pagkatapos magbihis ni Troy ay umalis na sila agad ni Jorge sa apartment para puntahan ang propertyna gusto niyang makita. Hindi naman sumama si Kute dahil ang sabi niya ay may lakad din siya ngayong araw na ito.Tinanong pa nga ni Jorge kung saan ito pupunta pero hindi naman niya ito sinabi. Pinagbilinan pa nga ito ni Jorge na mag-ingat pero hindi na siya sumagot at nauna pang umalis sa kanila. Maganda naman ang resort na pinuntahan nila at nakita din ni Troy ang potential ng lugar na ito dahil maraming guests ang nandito ngayon. Nakia din niya ang brochurre ng hotel at masasabi niya na hindi din ito papahuli sa mga gimmick at offers nila para sa mga guests.Nakausap nila ang manager ng resort at sinabihan nila ito na gusto sanang makausap ni Troy ang may-ari dahil interesado siya sa pag-acquire ng resort.Dinala sila ng manager sa opisina ng may-ari na si Mr. Paul Mallari, and they waited outside his office. The manager offered them coffee at hindi naman sila tumanggi. After waitin
Hindi nakapagsalita si Troy nang dahil sa huling sinabi ni Kute at literal na napanganga siya sa tindi ng gulat na inabot niya sa babaeng ito.“Hoy Kute, ano ba yang sinasabi mo? Mahiya ka nga!” saway ni Jorge sa kaibigan niyaNaiinis na siya sa mga pinaggagawa ni Kute kay Troy dahil napapahiya na din siya bilsng siya ang nagpakilala dito sa bagong kaibiga niya.Napangisi naman si Kute sa nakikita niyang reaksyon ni Troy. Siyempre hind naman siya seryoso doon dahil sino ba naman ang may matinong isip na magpapakasal sa isang babae ng dahil sa hinalikan niya ito.Nilapitan niya si Troy na hanggang ngayon ay nakatulala sa kawalan at tinapik pa niya ang baba nito pataas.“Huminga ka na! Baka pasukan ng langaw yang bibig mo!” sabi pa niya dito at saka siya muling ngumisi“Biro lang yun! Diyan na nga kayo, ang boring ninyong kausap!” sabi pa ni Kute saka niya iniwan ang dalawang lalake na hindi nakapagsalita sa kalokohan niya‘Damn that girl ’ bulong ni Troy sa isipan niya“Sige na Troy, p
Napansin ni Troy na tahimik ang babaeng kasama niya ngayon sa mesa at pirming nakayuko. Ganito ba talaga sila? Napalingon siya kay Jorge at nakikita niya na masya namang nag-uusap ang dalawa.Tumingin siyang muli sa babaeng katabi niya at saka niya ito kinausap.“Hindi ka ba kumportable sa trabaho mo dito?” tanong ni Troy sa kanya kaya napagawi ang tingin nito sa kanya“Hindi naman…” mahinang sagot ni Allona “Look, huwag kang matakot sa akin! Hindi naman ako masamang tao! Ang totoo niyan, kaya lang ako nagpunta dito dahil gusto ko ng ibang makakausap. Bago lang kasi ako dito sa Mandaue.” kwento pa ni Troy sa babae“Ganun ba? First time mo bang magpunta dito?” tanong naman ni Allona sa kanya“Oo. Actually, I was looking for a bar. Hindi ko naman alam na may ganitong service pala dito.” saad ni Troy sa babae“Matagal ka na ba dito?” tanong pa niya sa babae“Isang buwan pa lang, Sir!” anito saka siya nagsalin ng alak sa baso“Bago palang pala! Wala ka bang mahanap na ibang trabaho kesa
Sa isang barangay na malapit din kina Jorge nagpunta ang magkaibigan para puntahan ang babaeng nililigawan daw nito. “Magandang gabi po!” bati ni Jorge mula sa labas at may dala itong bulaklak para ibigay sa babaeng nililigawan niyaMula sa bintana ng bahay na dalawang palapag ay sumilip ang isag matandang babae na halos ka-edad ni Nay Ely.“Oh ikaw pala yan, Jorge! At may kasama ka pa! Pasok kayo!” sabi ng matandang babae sa kanila“Salamat po!” sagot ni Jorge bago mawala sa paningin nila ang matanda“Tara na!” aya ni Jorge sa kanya at tinahak na nila ang pinto “Magandang gabi, Mae!” bati ni Jorge sa babaeng nagbukas ng pinto“Magandang gabi, Jorge! Pasok kayo!” sabi ng babae na napatingin pa sa gawi ni TroyPumasok na silang dalawa at bago sila naupo ay inabot ni Jorge kay Mae ang dala niyang bulaklak.“Salamat Jorge. Pero diba sinabi ko naman sa iyo na huwag ka nang magdadala ng kung ano-ano kapag dumadalaw ka dito!” sagot naman ni Mae kay Jorge matapos abutin ang bulaklak Hind