Nasapo ni Lance ang ulo niya dahil patuloy ang pagsakit noon sa kabila ng pag-inom niya ng gamot.Matinding hangover ang nararamdaman niya ngayon dahil sa ilang gabing pag-inom niya ng alak.Ganito na siya buhat ng umalis si Freeshia. Alak na ang naging takbuhan niya araw-araw. Kailangan niyang uminom para lunurin ang sarili dahil gusto niyang mamanhid. Ayaw na niyang maramdaman ang sakit. Durog na durog ang puso niya at hindi niya akalain mararanasan niya ito. Akala niya, maaayos niya ang lahat pero dahil kay Celestine, nasira ang lahat.Kahapon, bumaba na nga ang desisyon ng korte tungkol sa divorce nila ni Freeshia at nang i-grant na ito, doon na siya nawalan ng pag-asa na maaayos pa ang lahat.Wala na si Freeshia!Iniwan na siya at malamang, hindi na bumalik!Ang sakit! Kasalanan niya ang lahat dahil gago siya!Napatingin siya sa pinto at nakita niya na papasok si Lander na may dalang mga papeles.“Natutulog ka pa ba?” puna sa kanya ni Lander nang makaupo ito sa harap niya Hind
“Kailan ba darating yang modelo na kinuha mo Damon? Masyado naman yatang nagpapa importante?” May bahid ng iritasyon ang boses ni Lance nung umagang iyon. Hindi niya mapigilan ang sarili na sermunan si Damon lalo at siya ang kumontak ng modelo na kailangan nila para maging bagong brand ambassador ng LDV Residences.Hindi naman pinansin ni Damon ang pagmamarakulyo ng kaibigan at mahinahong ipinaliwanag dito ang sitwasyon.“Medyo na delay lang yung pagpunta niya bro! May mga tinapos pa kasi siyang trabaho sa New York!” ani Damon kahit pa alam naman niyang hindi uubra sa kaibigan niya ang ganitong lame na dahilan“Dapat inaayos ng manager niya ang schedules niya! Hindi pwede na tayo ang mag aadjust sa kanila! We are paying them, right?” “Yes Lance! Mag-relax ka nga! Hindi pa naman ganun ka-huli ang launch at nagawan naman ng paraan ng marketing diba? Huwag ka na ngang masungit dyan! Kaya ka hindi nagkaka lovelife eh!” Pinandilatan ng mata ni Lance ang kaibigan at talagang nagpipigil la
Hindi mapigilan ni Freeshia na makaramdam ng kaba lalo pa at kailangan na niyang bumalik sa Pilipinas para sa isang trabaho na hindi niya sukat akalain na darating.Mabilis na lumipas ang dalawang taon at nakabuo na siya ng sariling pangalan dito sa New York.Isa na siya sa mga pinag-aagawang modelo ng malalaking kumpanya dito sa New York at sa ibang bansa na din.Ilang beses na din siyang rumampa sa catwalk at malaki ang pasasalamat niya kay Phia at Troy dahil nagabayan talaga siya ng mga ito sa bagong mundo niya.Wala naman talaga siyang balak i-pursue ito pero dahil sa nagsunod-sunod ang offer niya buhat noong unang photoshoot niya, ay wala na siyang nagawa lalo at supportive naman ang dalawang kaibigan niya.Si Troy ang naging manager niya at dahil sa sobrang closeness nila ay madalas napagkakamalan silang may relasyon but their relationship is strictly friendship and at the same time, professional.At nang malaman niya na napirmahan na ni Troy ang kontrata with Lance’s company ay
Ngayon ang araw ng paghaharap ni Freeshia at ni Lance kaya naman kahit abot-abot ang kaba ni Freeshia ay pinili niyang magpakatatag.Hiwalay na sila at dapat burado na din sa kanya ang kahit anong pakiramdam na pwede niyang maramdaman para kay Lance.Kinalimutan na niya ang lahat sa loob ng dalawang taong paglayo niya at ngayong magkakaharap na sila, kailangan niyang patunayan sa sarili na wala na talaga si Lance sa buhay niya.“Ready?” tanong sa kanya ni Troy bago ito bumaba sa kotse na sumundo sa kanila sa condo unit na pag-aari ng ex-husband niyaPalibhasa nga ay walang alam si Troy sa nakaraan nila ni Lance ay para lang itong usual meeting para sa kanya.Tumango na si Freeshia at saka bumaba si Troy para pagbuksan siya ng pinto.May mga press na nakabantay sa entrance ng building at nahagip agad ng paningin ni Freeshia ang tila inip na inip na si Lance.“Late na ba tayo?” biglang naitanong ni Freeshia kay Lance dahil nakita niya ang hindi maipintang mukha ng dating asawaKatabi ni
Papunta ngayon sila Freeshia sa mansion ng mga Altamonte at kasama niya si Troy dahil gusto niyang ipakilala ito sa mga magulang at kapatid niya.Nag-message na siya sa kuya Warren niya kagabi palang at inaasahan na nila ang pagdating niya. Doon na sila kakain ng lunch ni Troy dahil gusto nilang makilala ang kaibigan niya.“Bakit hindi mo sinabi sa akin of all people, si Lance pala ang ex mo!” sabi ni Troy kay Freeshia “Troy, you never asked! And I don’t see any reason para maapektuhan ang pagkakaibigan natin dahil lang sa ex ko ang bestfriend mo!” sagot naman ni Freeshia kay Troy“Nagulat lang ako, pumpkin! I mean, napaka small world naman talaga, tama?” Naisip din ni Freeshia ang parehong bagay at talaga namang hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon.“Tama ka dyan, Troy! Pero nandito tayo para magtrabaho! At kung si Lance lang, I really don’t care about him anymore!” “Sino ba ang kinukumbinsi mo, pumpkin? Ako o ang sarili mo?” balik tanong ni Lance sa kaibigan niya“Troy,
“What are you doing here?!” galit na tanong ni Lance nang makita niya si Troy sa condo unit na pinagamit ng kumpanya sa bagong modelo nitoBagong ligo ito at nakatapis lang ng twalya habang si Freeshia naman ay nasa kitchen at nag-aayos ng mga pinamili “I live here! Eh ikaw bro? Anong ginagawa mo dito? May dala ka pang bulaklak?” balik tanong ni Troy sa kaibigan niyaHindi na sinagot ni Lance ang kaibigan at basta na lang siyang pumasok sa loob ng unit at hinarap si Freeshia.“Anong ginagawa ni Troy dito?” inis na tanong niya sa babae pero tinaasan pa siya nito ng kilay“Ano bang meron, Mr. Villavicencio at napasugod ka? Bukas pa ang schedule ko sa inyo right?” “Freeshia sagutin mo ang tanong ko!” pinigilan ni Lance na sumigaw pero kahit ganon ay ramdam ang galit sa tinig niya“Okay fine! Dito din siya titira, satisfied?” cool na sagot ni FreeshiaInilapag ni Lance ang mga bulaklak sa counter at saka siya nameywang sa harap ni Freeshia.“And please call me Ms. Altamonte! Hindi tay
Unang araw ng shoot ngayon at gaganapin iyon sa Tagaytay kung saan nandoon ang mga townhouses ng LDV Residences.Kahit naman sa hiwalayan humantong ang marriage ni Freeshia ay hindi pa rin niya mapigilang maging proud kay Lance dahil sa mga naabot nito.In a span of two years ay naipatayo niya ang LDV Residences at madami na din itong branches nationwide.Papunta na sila ni Troy sa location ng shoot at sakay na sila ng coaster na provided din ng kumpanya ni Lance.Lahat naman ay provided ng kumpanya ayon na rin sa kontrata na pinirmahan ni Troy. Mula sa damit, sapatos, accessories, make-up artist, service and all, kaya in short, darating lang si Freeshia sa location at ang team na ni Lance ang bahala. Pwera na lang kay Troy dahil siya pa rin ang official photographer ni Freeshia.Pagdating nila sa location ay dumeretso na sa tent na nakatayo doon ang team ni Lance. Inayos na nila ang gamit bago nila binihisan at inayusan si Freeshia.May kasama din siyang male model at nang makabihi
Halos ubuhin si Troy sa kakatawa habang pauwi na sila ni Freeshia pagkatapos ng shoot nila sa Tagaytay.Inaasar niya si Freeshia dahil sa ginawa kanina ni Lance at kahit inis na inis ito ay umakto pa rin siyang propesyunal sa harap ng lahat.“That bastard! Ang galing din gumawa ng eksena, mapansin mo lang!” Sabi pa ni Troy habang panay pa rin ang tawa niya.“Will you stop it!” napipikon na si Freeshia sa pang-aasar ni Troy at konti na lang mapapatulan na talaga niya ito“Eh bakit ba? Sa nakakatawa naman talaga eh! Pero ang galing mo din ha! You gave him the dose of his own medicine!” Napangisi naman si Freeshia sabay taas ng kilay nang maalala kung paano umasim ang pagmumukha ni Lance kanina.Well, ginaya naman nila ni Zeke ang mga itinuro ni Lance pero Freeshia made it a point na mas daring at mas sweet ang naging galaw niya.“Akala ba ni Lance eh uurungan ko siya!” sabi pa ni Freeshia kaya napailing naman si TroyKitang-kita ni Troy kay Lance ang inis sa ipinakita ni Freeshia at Ze
“Galit ka pa ba sa akin?” tanong ni Freeshia kay Herea habang nakaupo sila sa cottage ng isang private beach resort na pinuntahan nila dito sa Bataan na pag-aari ng kaibigan ni LanceAlam ni Freeshia na masama ang loob sa kanya ni Herea dahil nalaman nito na nakipagbalikan na siya kay Lance.Mabuti nga at sumama pa ito sa outing dahil na din siguro sa pakiusap ni Troy.“Alam mo kung ano ang stand ko sa bagay na yan, Freeshia. Pero nasa sayo naman yan!” sabi pa ni Herea habang nakatingin sa dagatNiyakap ni Freeshia ang kaibigan niya ng mahigpit at nandoon ang pag-asa niya na lalambot din ito.“Her, please try to understand! Mahal ko si Lance at nagsisisi naman na siya!” sabi ni Freeshia at narinig niya ang malalim na buntonghininga ni Herea“Fine Freeshia! Alam mo na ang gusto ko lang, maging masaya ka! I just wish hindi ka nagkamali sa desisyon mo.” sabi ni Herea kaya napangiti si FreeshiaAlam niya, unti-unti, magiging okay na din ang kaibigan niya.“C’mon girls, lunch is ready!”
Paalis si Celestine ngayon dahil balak niyang magpa-spa para makabawi siya sa isang linggong pagod at puyat noong nakaburol si Bernard. Pagbaba niya sa hagdan ay nakita niya na nakaupo sa sala ng mansion ang abogado ni Bernard na si Attorney Bejamin Laxamana.Tumayo naman ito pagkakita sa kanya.“Good morning, Mrs. Salviejo!” “Good morning attorney! Anong sa atin?” Tanong ni Celestine habang papalapit siya sa abogado kaya medyo nagtaka pa ito“Hindi ba sinabi ni Ms. Salviejo na ngayon babasahin ang last will and testament ni Bernard?” Kumunot ang noo ni Celestine hanggang sa dinaan niya sa tawa ang lahat.“Ah oo nga pala! Sorry attorney, alam mo naman kamamatay lang ni Bernard kaya medyo lutang pa ako. It slipped my mind actually!” pasisinungaling ni Celestine para pagtakpan ang pagkapahiya niyaTalagang hinahamon siya ni Wilma! Kung noon ay hindi niya pinapatulan ang kamalditahan nito, ngayon lalabanan na niya ito. “Attorney! Good morning!” sabi ng isang tinig mula sa likuran ni
“Anong sagot mo?” tanong ni Troy kay Freeshia habang papunta sila sa opisina para sa deliberation ng board sa billboard shoot nilaNaikwento niya sa kaibigan ang pag-aalok ni Lance ng kasal at ngayon ay curious si Troy sa naging sagot niya.“Of course I said yes!”“Whoah! That fast?!” Natawa pa si Lance sa sariling komento niya kaya natawa na din si Freeshia.“But hey, pumpkin! No offense! I mean, I’m so happy for you! Kung si Lance ang magbabalik ng saya sa mga mata mo, at sa buhay mo, hindi ako kokontra!” sabi pa ni Troy and he hugged her friend real tight“Thank you Troy! Sigurado ako na magiging masaya na ako ngayon! I lnow Lance will keep his promise!” confident na sagot ni Freeshia sa kaibigan niya“Aba dapat lang! Binalaan ko na si Lance na sasapakin ko siya kapag sinaktan ka pa niya.”Napangiti si Freeshia dahil ramdam na ramdam talaga niya ang malasakit sa kanya ng kaibigan.Wish lang niya, maging positibo din ang pagtanggap ni Herea sa desisyon niya. At hindi naman niya mas
Maagang nagising si Freeshia kinabukasan at napangiti siya nang maramdaman niya ang nakapulupot na kamay ni Lance sa bewang niya.Dahan-dahan siyang bumangon para hindi ito magising lalo pa at mukhang mahimbing ang tulog nito.Nagtagumpay naman siyang makatayo at hindi man lang gumalaw si Lance and she can’t help but smile habang tinititigan niya ang maamong mukha ng lalaki.Nakadapa ito at medyo nakaawang pa ang labi niya habang natutulog pero hindi man lang nakabawas iyon sa kagwapuhan niya.Naligo na si Freeshia at saka siya lumabas para maghanda ng almusal dahil tiyak gutom si Lance paggising niya. Napapitlag pa siya ng magsalita si Troy mula sa likuran niya.“Aga mo?” sabi nito habang inaayos ang coffeemaker sa likod niya“Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat!” sabi pa ni Freeshia pero napangiwi siya nang maalala na nasa kwarto nga pala niya si Lance“Huy! Hindi kita ginulat!” kontra naman ni Troy sa kanyaBacon, scrambled eggs at hotdog ang niluluto ni Freeshia. Balak din niyang ma
Freeshia stared at Lance’s face matapos siyang tanungin nito kung pwede silang magsimula muli.Kaya na ba ni Freeshia? Handa na ba niyang harapin ang lahat ng balakid sa pagmamahalan nila ni Lance?“Nakikiusap ako sa iyo, Freeshia! Isang pagkakataon na lang! Pangako hindi na kita sasaktan!” pangako pa ni Lance kaya nahaplos niya ang mukha ng dating asawa“Just shut up and kiss me!” nang-aakit na sabi ni Freeshia and Lance smiled widelyAgad niyang inabot ang labi ni Freeshia at sabik iyong hinalikan. His mind is celebrating dahil sa wakas, tapos na ang pagtitiis niya.Naghiwalay ang labi nila when they both ran out of air. Kapwa sila hinihingal habang magkadikit ang mga noo nila.Halos mapatili si Freeshia nang maramdaman niya ang pagbuhat sa kanya ni Lance. Dinala siya nito sa kwarto niya at maingat na inihiga sa kama.He closed and locked the door saka siya bumalik sa kama at agad na dumagan kay Freeshia.Hinaplos nito ang mukha ng babaing kay tagal niyang hinintay at ngayon ay nasa
Wala ding napala si Troy kay Damon dahil wala din daw itong alam kung nasaan si Lance. Halos magmakaawa na nga si Troy pero wala daw talaga itong alam and he felt frustrated dahil hindi na niya alam kung kanino pa lalapit.Nag-ring ang phone niya at nakita niya na si Herea ang tumatawag.“Babe!” sagot niya dito at miss na din niya ito since naging busy din naman siyaPumunta siya sa opisina ni Herea matapos nilang mag-usap dahil gusto ni Herea na mag-dinner sila.“Babe!” excited na tawag sa kanya ni Herea ng makapasok na isi Troy sa opisina“I missed you!” bulong ni Troy nang yakapin siya ni Herea“I missed you too! Kamusta ang trabaho niyo ni Freeshia?” masayang tanong ni Herea kay Troy“Okay lang! Medyo wala lang sa focus si Freeshia dahil umalis bigla si Lance!” kwento ni Troy kay Herea nang makaupo na sila sa couch“Bakit? Saan naman nagpunta yung sira-ulo mong kaibigan?!” tanong ni Herea at wala naman siyang magawa sa mga tawag ni Herea sa kaibigan niyaOf course nasaksihan kasi
Sa VIP room ng restaurant pinapunta si Abby ng tinatawag niyang madam at nang makapasok na siya doon ay agad siyang naupo.“Kakain ba tayo Madam?” tanong pa niya dito pero hindi na siya pinansin nito at inihagis sa mesa ang sobre na may pera“Uy! Salamat Madam! Pakisabi po sa ate ninyo, salamat!” ani Abby nang masilip niya ang laman ng sobre“Sigurado ka bang walang nakakita o nakakilala sayo?” tanong ng amo niya kaya agad itong umiling“Wala po Madam! Gaya po ng mga nakaraang trabaho, malinis!” proud na sagot ni Abby“Siguruhin mo lang! Ayokong sumabit kami ni ate! Pag nangyari yun ako mismo ang papatay sayo naintindihan mo?”Medyo kinabahan si Abby sa banta ni Madam pero dahil confident naman siya, hindi na lang niya ito binigyan ng pansin.Ang mahalaga naman nagagawa niya ang trabaho niya at kumikita siya ng pera. Kung sa dating trabaho niya na paraket- raket lang, hindi niya kikitain ang perang nahahawakan niya ngayon.“Ang mga susunod na bayad namin para sa trabaho mo, ipapadala
Isang linggo na ang nakalipas buhat nung huling mag-usap si Lance at si Freeshia. At isang linggo na din siyang hindi mapakali dahil ang sabi sa kumpanya ay naka-leave daw ito at si Lander muna ang in-charge sa lahat.“Again!” Napapitlag pa si Freeshia sa sigaw ni Troy na ngayon ay nahahalata na ang pagiging balisa ng kaibigan.They are already shooting for the billboard project pero wala talaga sa hulog si Freeshia.“Guys, break muna tayo!” sabi naman ni Kelly na nahalata na din ang init ng ulo ni TroyDalawang araw na silang nagsh-shoot pero hanggang ngayon wala pang magandang kuha si Troy sa modelo niya.“Mag-usap nga tayo!” sabi agad ni Troy ng makalapit siya kay Freeshia“Sorry Troy! Masakit lang talaga ang ulo ko!” pagdadahilan ni Freeshia pero alam niya, sa tinign pa lang ni Troy na hindi ito naniniwala sa sinasabi niya“Ano ba talaga ang nangyari? After nung insidente sa restaurant, hindi na kita makausap ng maayos! Palagi kang tulala! Ano ba talagang pinag-usapan niyo ni La
“Lance, si Freeshia! She attacked me!” Hindi na nagulat si Freeshia sa ginawa ni Marga dahil umpisa pa lang alam na niya na ito ang mangyayari.“Anong nangyari?” nag-aalalang tanong naman ni Mariel kay Marga na nakasalampak pa rin sa sahig“Kinakausap ko lang naman po siya. Pero nagalit siya at sinabunutan ako! She even destroyed my designer dress. Look mommy, kinalmot pa po niya ako and then she threw water at me!” Nilingon ni Mariel si Freeshia na ni hindi man lang kakikitaan ng takot kaya lalo itong nagalit sa kanya.Tumayo si Mariel at agad na sinampal si Freeshia at halos mabiling ang mukha nito sa lakas ng sampal ng dating biyenan.“Tita…” “Mommy….”Sabay namang sabi ni Troy at Lance dala ng pagkabigla sa ginawa ni Mariel.“Hindi mo ba talaga titigilan ang anak ko?” galit na sabi ni Mariel habang nakaduro ang daliri kay Freeshia“Wala akong ginawa! Pipili na lang kayo ng bago ninyong manugang, sana naman hindi yung sinungaling!” matapang na sagot ni Freeshia kay MarielAkmang