Pinilit ni Lance na makatayo kahit pa hinang-hina pa siya at nahihilo. Paggising niya ay nagulat pa siya dahil natagpuan niya ang sarili na nasa ospital.Nakita niya ang kapatid niya at pinaliwanag agad ni Lander kung paano siya natagpuan nito sa opisina habang walang malay kahapon.“Malakas ang kutob ko na si Celestine ang may gawa niyan sa iyo kuya!” sabi ni Lander kaya lalong nagalit si Lance sa narinig niyaAyon sa kapatid niya, ang sabi ng doktor ay may nakitang traces ng drugs sa dugo niya. Maaring hindi daw kinaya ng katawan niya ang dosage kaya siya nawalan ng malay at mabuti na lang naagapan dahil kung hindi baka na- comatose na siya.“Pina review ko ang CCTV sa office mo and since nasa labas lang ito, hindi natin makikita kung si Celestine nga ang may gawa niyan! Hanggang kutob lang tayo!” Inalala ni Lance ang pangyayari at natandaan nga niya na galing si Celestine kahapon sa office niya.“Siya lang ang huling kausap ko Lander! Tapos bigla…bigla na lang akong nakaramdam ng
“Paanong umalis? Daddy please, tell me kung nasaan ang asawa ko. Susunduin ko siya!” Pakiusap ni Lance kay Freddie Altamonte. Hindi siya papayag na basta na lang siyang iiwan ni Freeshia. Kaya naman niyang ipaliwanag ang lahat dito basta bigyan lang siya ng pagkakataon.“Umalis na siya kanina sa mansion at kahit ayaw namin, wala kaming magawa kung hindi ang hayaan siya. She needs to heal at magagawa niya iyon sa paglayo niya.”Halos maglumuhod si Lance sa harap ng mga biyenan niya para lang sabihin sa kanya kung nasaan si Freeshia.“Please daddy, mommy, I need to see my wife! Kailangan ko po si Freeshia!”“Sana noon mo pa naramdaman yan Lance! Sana noon mo pa na-realize na mahalaga si Freeshia pero huli na ang lahat!”Nang-uusig ang tinig ni Warren at nang mapatinign si Lance dito ay agad nitong inabot sa kanya ang isang brown envelope.“Pirmahan mo na yan at palayain mo na ang kapatid ko.” Kahit hindi buklatin ni Lance ang mga papel ay alam niyang divorce paper ang laman ng envelop
Napaangat ang tingin ni Freeshia mula sa hawak niyang i-pad nang makarinig siya ng camera shutter.Dalawang linggo na siya dito sa New York at nakatambay siya ngayon sa isang parke na malapit sa apartment niya.Dito niya binubuo ang mga designs at concepts niya para sa mga projects niya sa Aesthetika.Kahit naman wala na siya sa Pilipinas ay patuloy pa rin siya sa pagpapadala ng mga designs para sa mga clients na hawak niya.Sa e-mail lang sila nag-uusap ni Herea dahil hanggang sa mga oras na ito ay walang nakakaalam kung nasaan siya.She deactivated all her socials dahil alam niyang pwede siyang ma-trace through it kaya mas pinili niyang huwag na muna itong gamitin.Inilibot niya ang paningin at nakita na naman niya ang lalaking may hawak na camera na nasa kabilang side ng park. Coincidence lang ba na kapag nandito siya ay nandito din ang lalaking ito?Pakiramdam kasi niya kinukuhanan siya nito ng pictures pero siyempre mahirap naman magbintang pero kasi hindi na siya mapakali.Tuma
Ang sumunod na mga araw ay naging mas magaan para kay Freeshia dahil na rin sa presensya ni Troy at Phia. Buhat nung makilala niya ang dalawa ay hindi siya nakaramdam ng pagka-inip. Although she misses her family and Herea, nakatulong ang dalawa para maibsan ang lungkot na nararamdaman niya.Madalas din siyang isama ni Troy sa mga photoshoots nito at na-eenjoy niya ang pagiging ‘assistant’ daw ng kaibigan.“Mr. Celestino, we have a problem!” Napatingin si Freeshia sa pinagmulan ng boses at nakita niya na seryosong nag-usap si Troy at ang staff ng client nito.Freeshia checked her phone at may e-mail sa kanya ang kuya Harold niya so she opened it immediately.She felt a pang of pain habang binabasa ang e-mail ng kuya niya. Nakasaad doon na may desisyon na ang korte at granted na ang divorce nila ni Lance.Hindi na siya nagreply sa kapatid at agad isinara ang phone niya. Alam ni Freeshia na ito ang gusto niya pero ngayong nandito na, bakit parang hindi siya masaya?Napahinga na lang s
“Cheers!!!” sigaw ni Phia saka niya itinaas ang basong hawak niyaNandito sila sa isang bar para i-celebrate ang unang sabak ni Freeshia sa modelling.Kahit pa sinabi ni Freeshia na hindi naman kailangang i-celebrate dahil nagkataon lang iyon, ay mapilit pa rin si Phia dahil para sa kanya, simula na iyon ng bagong karera ng kaibigan.“Mark my words, Freeshia, kapag lumabas na sa mga prints ang pictures mo, madami ang darating na offers para sa iyo!” masayang sabi pa ni Phia“Phia sinabi ko naman sa inyo na hindi ko forte yun! Pinakiusapan lang ako ni Troy.” ani Freeshia habang umiinom siya ng cocktail drinks niya“Ah basta! Iba talaga ang vibes ko, Freeshia! Sisikat ka talaga!” Napailing na lang si Freeshia sa sinabi ng kaibigan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang kagustuhan ng kaibigan na pasukin niya ang pagmomodelo.“Phia is right, Freeshia, bakit ba ayaw mong subukan?”“Ang kulit niyo talaga!” natatawang sabi ni Freeshia sa mga ito“Okay! Ganito na lang! Let
Nasapo ni Lance ang ulo niya dahil patuloy ang pagsakit noon sa kabila ng pag-inom niya ng gamot.Matinding hangover ang nararamdaman niya ngayon dahil sa ilang gabing pag-inom niya ng alak.Ganito na siya buhat ng umalis si Freeshia. Alak na ang naging takbuhan niya araw-araw. Kailangan niyang uminom para lunurin ang sarili dahil gusto niyang mamanhid. Ayaw na niyang maramdaman ang sakit. Durog na durog ang puso niya at hindi niya akalain mararanasan niya ito. Akala niya, maaayos niya ang lahat pero dahil kay Celestine, nasira ang lahat.Kahapon, bumaba na nga ang desisyon ng korte tungkol sa divorce nila ni Freeshia at nang i-grant na ito, doon na siya nawalan ng pag-asa na maaayos pa ang lahat.Wala na si Freeshia!Iniwan na siya at malamang, hindi na bumalik!Ang sakit! Kasalanan niya ang lahat dahil gago siya!Napatingin siya sa pinto at nakita niya na papasok si Lander na may dalang mga papeles.“Natutulog ka pa ba?” puna sa kanya ni Lander nang makaupo ito sa harap niya Hind
“Kailan ba darating yang modelo na kinuha mo Damon? Masyado naman yatang nagpapa importante?” May bahid ng iritasyon ang boses ni Lance nung umagang iyon. Hindi niya mapigilan ang sarili na sermunan si Damon lalo at siya ang kumontak ng modelo na kailangan nila para maging bagong brand ambassador ng LDV Residences.Hindi naman pinansin ni Damon ang pagmamarakulyo ng kaibigan at mahinahong ipinaliwanag dito ang sitwasyon.“Medyo na delay lang yung pagpunta niya bro! May mga tinapos pa kasi siyang trabaho sa New York!” ani Damon kahit pa alam naman niyang hindi uubra sa kaibigan niya ang ganitong lame na dahilan“Dapat inaayos ng manager niya ang schedules niya! Hindi pwede na tayo ang mag aadjust sa kanila! We are paying them, right?” “Yes Lance! Mag-relax ka nga! Hindi pa naman ganun ka-huli ang launch at nagawan naman ng paraan ng marketing diba? Huwag ka na ngang masungit dyan! Kaya ka hindi nagkaka lovelife eh!” Pinandilatan ng mata ni Lance ang kaibigan at talagang nagpipigil la
Hindi mapigilan ni Freeshia na makaramdam ng kaba lalo pa at kailangan na niyang bumalik sa Pilipinas para sa isang trabaho na hindi niya sukat akalain na darating.Mabilis na lumipas ang dalawang taon at nakabuo na siya ng sariling pangalan dito sa New York.Isa na siya sa mga pinag-aagawang modelo ng malalaking kumpanya dito sa New York at sa ibang bansa na din.Ilang beses na din siyang rumampa sa catwalk at malaki ang pasasalamat niya kay Phia at Troy dahil nagabayan talaga siya ng mga ito sa bagong mundo niya.Wala naman talaga siyang balak i-pursue ito pero dahil sa nagsunod-sunod ang offer niya buhat noong unang photoshoot niya, ay wala na siyang nagawa lalo at supportive naman ang dalawang kaibigan niya.Si Troy ang naging manager niya at dahil sa sobrang closeness nila ay madalas napagkakamalan silang may relasyon but their relationship is strictly friendship and at the same time, professional.At nang malaman niya na napirmahan na ni Troy ang kontrata with Lance’s company ay
“Kamusta siya?” tanong ni Troy kay Isa habang nakaupo sila sa labas ng kwarto ni Aliyah dito sa hospitalWalang sinayang na sandali si Troy nung malaman niya ang nangyari sa kanyang kaibigan.Agag siyang nag punta sa ospital dahil nag-aalala pa rin siya para dito.“Natutulog pa rin siya!” maikling sagot ni Isa kay Troy“I am sorry, Isa! Hindi ko akalain na magagawa ni Aliyah ang ganito!” matapat na sabi ni Troy sa kanya and she nodded“Pasensya ka na din! Naisip ko lang, kaibigan ka niya and I think mas maganda kung mararamdaman niya na maraming nagmamahal at nag-aalala para sa kanya.” nasapo ni Isa ang ulo niya dahil bigla na naman itong sumakit Napansin ito ni Troy kaya agad niyang dinaluhan ang babaeng katabi niya.“Okay ka lang?” tanong niya dito Isa nodded habang minamasahe ang ulo niya. Kanina, nung makita niya si Aliyah ay parang nagdilim ang paningin niya at may mga nakita siyang imahe.Hindi siya sigurado kung ano ang mga iyon at hindi nga niya nabigyan ng pansin dahil na r
Pagdating niya sa bahay ay nakaabang na agad sa kanya ang kanyang ina para makibalita sa lakad niya sa resort ni Troy Celestino.“Iha, anong balita? Nakausap mo ba si Troy!” nakangiting sabi ng kanyang ina pero nagkibit balikat na lang siya“Mom, hindi siya pumayag! Sinabi ko na sa inyo na hindi papayag si Troy sa gusto ninyo!” pagbabalita ni Isa sa kanyang ina matapos niyang maupo sa couch“But he promised na dadalawin niya si Aliyah! Pero bilang kaibigan lang!” dagdag pa ni Isa “Hindi ito dpat malaman ng kapatid mo, Isa! Malulungkot na naman siya and worse, baka may gawin na naman siyang hindi maganda sa sarili niya!” sagot ng kanyang ina“Bakit hindi natin dalhin sa US si Ali, Mommy? She needs distraction! Baka makatulong sa kanya kung aalis muna siya dito!” suhestyon ni Isa sa kanyang ina“Hindi ako aalis dito!” napalingon si Isa at nakita niya ang galit na mukha ng kanyang kapatid“Bakit mo ako gustong umalis, ate? Ayaw mo na ba akong makasama?” sabi pa niya kay Isa kaya agad n
Hindi makapaniwala si Troy kinabukasan noong sabihin sa kanya ng manager nila dito sa resort na may naghahanap sa kanya sa labas na babae na nagngangalang Isadora Beransel.Nagmamadali siyang lumabas ng Villa niya para puntahan ito dahil naghihintay daw ito sa reception area ng resort.“Isa!” malakas na tawag niya dito dahil nakatalikod ito at panay ang linga sa paligid.“Hi!” todo ngiti si Troy nung lingunin siya ni Isa and his beated fast as usual upon seeing her beautiful face“Hello! May…” tumikhim pa si Isa dahil hindi niya alam kung paano sasabihin kay Troy ang pakay niya“May problema ba, Isa? You want to sit? Let’s have coffee?” sabi nito pero umiling naman si Isa“Saglit lang ako, Troy! Dito na lang tayo mag-usap.” sagot ni Isa at nakita pa niya ang pagngiti ni Troy“Mas mabuti kung sa office tayo mag-uusap! Come, may ipapakita ako sa iyo!” kinuha ni Troy ang kamay ni Isa and there is obvious excitement in his system right nowPero hindi naman tuminag ang babae at agad bina
Nasa garden si Isa kasama si Basty na kasalukuyang naglalaro noong umagang iyon. Nagbabasa siya ng libro pero hindi naman niya yun maintindihan dahil lumilipad ang isip niya.Napapitlag pa nga siya nung lapitan siya ni Aliyah at sa tingin niya, hindi maganda ang gising nito.Gustong-gusto nga niyang tanungin ito kung ano ang napag usapan nila ni Troy lalo at tila ba umiiyak ito kagabi pero pinigilan na lang niya ang kanyang sarili.“Good morning, Ali!” ani Isa sa kapatid niya nung tumabi ito sa kanya“Good morning, ate!” matabang ang paraan ng pagsagot sa kanya ng kapatid niya kaya alam niyang may dinadala itoLooking at her, namumugto ang mga mata nito which tells her na umiyak ito ng magdamag.“What happened?” tanong niya dito pero nanatili lang itong tahimikIbinaba ni Isa ang hawak niyang libro at agad niyang inabot ang kamay ng kanyang kapatid.“Ali…”Nakita niya na nagsimula na namang mamasa ang mata ng kanyang kapatid kaya napahinga siya ng malalim.“Ate, bakit ganun! Bakit hi
Marami ng tao sa mansion ng mga Arguelles noong dumating si Troy nung mga oras na iyon.Medyo na-late niya ng dating dahil may meeting pa siyang dinaluhan kanina para sa bagong hotel na itatayo nila dito ng mga kaibigan niya.Pagpasok niya sa loob ay naglibot na ang mata niya hoping na makikita niya si Isa pero hindi naman ito mahagilap ng mata niya. Natanaw niya ang mag-asawang Arguelles kaya naman minabuti niyang lapitan na ang mga ito para magbigay galang.“Good evening, Tito, Tita!” bati niya sa mga ito “Good evening, iho! Na-late ka yata?” tanong sa kanya Mrs. Arguelles matapos nitong bumeso sa kanya“Sorry po Tita! May meeting pa ho kasi akong pinuntahan!” paliwanag niya sa mabait na ginan“Siya sige! Hanapin mo na si Aliyah at kanina ka pa hinihintay nun!” utos pa ni Gov sa kanya Tumango siya sa mga ito after excusing himself at hindi naman nakaligtas sa mga mata niya ang makahulugang ngiti ng dalawang matanda sa kanya. Napailing na lang siya dahil they know very well na may p
Gabi ng party and everyone is excited para sa okasyong inilaan ng mga Arguelles para kay Isadora. And Isa felt happy dahil sa pagbibigay sa kanya ng importansya ng pamilya ng kanyang Mommy.Punong abala si Aliyah at halos lahat ng mga malalaking tao dito sa Cebu ay dadalo para sa welcome party niya.Maganda ang ayos ng hardin at nakahanda na din ang Catering service na pinili ng Mommy niya para sa gabing ito.“Ready ka na ba, anak?” tanong ng Mommy niya habang papasok ito sa kanya kwarto“Opo!” sagot niya habang nakatingin siya sa kanyang sarili sa salaminLumapit naman ang Mommy niya at niyakap siya mula sa likod habng nakatingin din sa salamin.“Ang ganda-ganda ng anak ko!” nakangiting sabi ng Mommy niya sa kanya“Thank you, Mommy!” masayang sagot naman nito“Kulang na kulang pa yan sa lahat ng pagkukulang ko sa iyo anak! Kung sana, naiba ang sitwasyon, hindi sana tayo nagkahiwalay!” sabi pa nito sa kanya“Mommy, tapos na po yun! Ang mahalaga po, nahanap ninyo ako!” tumango ang Momm
Nasa kwarto na si Isa at hanggang nagayon, hindi siya makapaniwala sa nangyari kanina. Totoo ba na siya ang pakay ni Troy Celestino kanina at hindi ang kapatid niya? Napailing siya dahil ayaw niya ng problema lalo at kakabalik lang niya.Pero bakit ganun? Bakit parang pamilyar talaga sa kanya si Troy? Posible kayang kakilala siya nito noon? Pero imposible naman siguro yun dahil kung totoong kakilala siya ni Troy, sana sinabi na nito kanina, hindi ba!Napailing na lang siya! Basta ang alam lang niya, hindi niya pwedeng ientertain si Troy dahil masasaktan ang kapatid niya.Napalingon si Isa sa pinto at nakita niyang papasok si Aliyah bitbit ang bulaklak na dala ni Troy. She was all smiles kaya nginitian din ni Isa ang kapatid niya.“Grabe, ate! Ito na yun! Finally, narealize na ni Troy na ako ang babaeng para sa kanya!” Aliyah said with those dreamy eyes “Well that’s good!” maikling sagot niya sa kapatid niya“Ate, anong good! Hindi lang ito good! Alam mo bang never akong binigyan n
Nakabalik na si Troy sa Cebu mula sa lakad niya sa Maynila at kulang na lang talaga hilahin niya ang oras para mas mapadali ang pagtigil niya dito. Gustong -gusto na niyang makauwi sa Cebu dahil balak niyang dalawin si Isa sa bahay nila. NAndoon ang pananabik niyang makitang muli ang babae pati na ang anak niya.Yes! He definitely believes na anak niya si Basty.Hindi lang niya natitigan ng mabuti ang bata pero nakasisiguro naman siya na kahit papano may features siya na nakuha ng bata.At dahil wala pa si Jorge ay sinarili niya muna ang excitement na nararamdaman niya. Wala namang nakakaalam dito ng tungkol sa kanila ni Kute, maliban kay Jorge. Hindi lang niya alam kung nabanggit na ba ito ni Jorge kay Mae bilang mag-asawa naman na silang dalawa.Siguro kailangan lang niyang sanayin na ang sarili niya tawagin siyang Isa pero kapag kumportable na ito sa kanya, unti-unti ipapaalala niya dito si Kute. Sumakay na siya ng kotse niya at bago siya makarating sa bahay nila Aliyah ay duma
“Ate!” masayang salubong ni Aliyah sa bagong dating na babaeSi Troy naman ay nabato na sa kinatatayuan niya mula sa pagkakatitig sa kapatid ni Aliyah.“Kute…” mahinang bulong niya at hindi na magkamayaw ang puso niya sa pagtibok ng malakasNapakurap lang siya nung kumapit sa braso niya si Aliyah at hilahin para ipakilala sa taong sinundo nila.“By the way, ate, this is Troy Celestino, special friend ko. Troy, siya si Ate Isadora, yung kapatid ko! And of course. ang cute na pamangkin ko, si Basty!”Ngumiti si Isadora sa kanya saka niya inabot ang kanyang kamay. “Nice meeting you, Troy! Call me Isa!”Pilit pinaglabanan ni Troy ang kagustuhan niyang yakapin ang babaeng nasa harap niya ngayon.At isa lang ang naglalarong tanong sa isipan niya, yun ay bakit hindi siya kilala ni Kute, rather than Isadora.“Wait, have we met before? You look familiar?” tanong pa ni Isadora sa kanya kaya si Aliyah naman ang nagsalita“Well, baka kilala niya yung boyfriend mo ate! Pasensya ka na Troy, hindi