Makalipas ang halos isang oras ay lumabas na ang doktor na umasikaso kay Freeshia. Sinalubong siya agad ni Lance na hindi na nakuhang maupo dahil sa takot na bumabalot sa kanya.“Doc, kamusta nag mag-ina ko?” tanong agad nito“They are fine! Mabuti nadala ninyo agad siya dito!”Napahinga ng malalim si Lance out of relief at ganun din si Randy.“But I have to tell you na sana hindi na maulit ang ganitong pangyayari! Mahina ang kapit ng bata kaya pagingatan na ninyo. Iwasan ang stress at kung maari, total bedrest siya until she reach her second trimester!” paliwanag ng doktor sa kanila ni Randy“Total bedrest…” ulit ni Lance“Yes sir! Hindi siya pwedeng tumayo ng matagal. Hindi siya pwedeng maglakad ng malayo. Hindi pwedeng mapagod. Nakahiga lang at tatayo lang kung magbabanyo or maliligo.”“Gagawin po namin doc! I will make sure na mangyayari po iyon!” pangako naman ni LanceAlthough hindi din siya sigurado lalo at ayaw siyang makita ni Freeshia.“Temporary lang naman ito hanggang mai
Dalawang araw pang nag-stay sa ospital si Freeshia at sa panahon na iyon ay hindi siya iniwan ni Lance. Palagi itong nakabantay at nakaalalay sa kanya dahil ang sabi nga ng doktor ay kailangan niya ng total bedrest.Kahit papano, napanatag ang loob ni Freeshia na ligtas sila ng anak niya. Hindi din nila nakakalimutan ni Lance na magdasal para hilingin ang magandang kalusugan nilang mag-ina.“Saka na tayo umuwi sa penthouse kapag nakalagpas ka na sa first trimester mo, sweetheart. Tinanong ko naman sng doktor mo and he said na okay lang yun.” sabi ni Lance habang inaayos niya ang mga gamit ni Freeshia“Hindi ba delikado yun, baby?” medyo alanganing sabi ni Freeshia“May chopper naman ang kumpanya. Pwedeng yun ang gamitin natin. That way hindi ka matatagtag sa biyahe.” paliwanag sa kanya ni Lance“Pero, if you want to stay here, that will be fine naman! Siyempre kung saan ka kumportable, doon tayo!” Tinabihan ni Lance si Freeshia na nakaupo na sa kama. Nakabihis na din ito at inaantay
Eksakto alas kwatro ay sinundo ni Damon si Mint para sa lakad nila. Papunta silang Palawan para sa isang event na dadaluhan ni Damon.Ayaw na sanang sumama ni Mint pero mapilit si Damon at sinabing kailangan siya nito.Mula sa opisina ay sasakay sila ng chopper na maghahatid sa kanila sa hotel na tutuluyan nila doon.“Bakit naman kasi kailangang sumama pa ako doon? Pwede naman na ikaw na lang!” may inis sa boses ni Mint lalo pa at araw naman ng linggo ang event“Tsk! Alam mo naman na gusto ko palagi kang nasa tabi ko eh! Sanay na ako na palagi kitang nakikita! Kulang na nga lang, mula pagtulog at paggising eh!” biro ni Damon habang inaayos nito ang headset ni MintNapasimangot naman si Mint sa sinabi ni Damon. Although sanay na siya na palaging hinahaluan ni Damon ng biro ang mga sinasabi nito, hindi din nawawala ang kilig na nararamdaman niya sa bawat banat nito.“Oh nakasimangot ka naman! Halikan kita dyan eh!” Naningkit ang mata ni Mint sa sinabi ni Damon pero nandoon ang pagkalab
Magaan ang pakiramdam ni Freeshia nung magising siya kinabukasan lalo at katabi niya si Lance sa pagtulog.Niyakap niya ito ng mahigpit kaya naman nagising si Lance at niyakap din siya.“Good morning, sweetheart!” bulong sa kanya ni Lance in his sexy husky voice“Good morning Baby!” sagot ni Freeshia sa kanya as she buried her face in his neck“How do you feel?” agad na tanong ni Lance sa kanya“I feel good, better than ever, baby!” masayang sagot ni Freeshia“That’s good! What do you want for breakfast?” tanong uli ni Lance sa kanya“Hmmm… anything baby! Wala naman ako naiisip na kakaiba!” sabi ni Freeshia“Okay then! Check ko lang kung ano ang niluto nila after your morning ritual!” Binuhat siya ni Lance at dahan-dahang dinala sa banyo. “Ok na ako dito, baby! Just leave me here na!” sabi ni Freeshia kay LanceAfter niyang magbanyo ay binuhat siya uli ni Lance pabalik sa kama.“Okay ka na? Are you comfortable?” tanong pa ni Lance and she just noddedSobrang saya ng puso niya dahi
Apat na buwan na ang tiyan ni Freeshia at sa awa naman ng Diyos, idagdag pa ang todong pag-aalaga sa kanya ni Lance ay naging maayos naman ang unang trimester ng pagbubuntis niya.“The baby is healthy, Freeshia! So you don’t have to worry! Pwede ka ng tumayo at maglakad lakad but of course, kailangan pa ring mag-ingat, okay.” saad ng doktor ni Freeshia noong araw ng check-up niya“Opo doc! Tatandaan ko po yan!” masayang sagot ni Freeshia dito“That’s good! Eto ang bagong reseta mo since may dinagdag akong bagong gamot!” anang doktora saka nito inabot sa kanya ang isang papel“Ah doc, may I ask po, pwede na po akong bumyahe?” tanong no Freeshia sa doctor“Why sweetheart? You want to visit your parents?” tanong naman ni Lance“I was just thinking kung pwedeng umuwi na tayo sa Manila.” pahayag ni Freeshia kag Lance“Well, pwede naman since malakas na ang kapit ng baby!” sagot naman ng doctor“Let’s talk about it later! Anyways, doc, maraming salamat!” baling ni Lance at nakipagkamay siya
Mabilis na lumipas ang mga buwan at ngayon ang ika-walong buwan ng pagbubuntis ni Freeshia. Wala namang maging problema sa pagbubuntis niya at lubos na ipinagpapasalamat ni Lance at Freeshia ang bagay na iyon.Mula ng umalis sila sa resthouse sa Antipolo ay sa townhouse ni Freeshia sila tumuloy. Pinasimulan na ni Lance ang mansion nila ni Freeshia and hopefully, after their wedding ay makalipat na sila dito.Nasa sala si Freeshia at nagbabasa siya ng libro nang dumating si Herea.“Her!” masayang salubong niya sa kaibiganNakita niya na may dala itong box ng paborito niyang doughnut.“How are you?!” anito matapos niyang yakapin ang kaibigan“I am fine! Heto, kinakabahan!” pagtatapat niya sa kaibigan“Ano ka ba! Kaya mo yan! Ikaw pa ba?” pagpapalakas ng loob ni Herea sa kanya“Oo naman, Her! Hindi ko lang maalis sa isip ko ang matakot lalo at first time ko ito!” sagot niya sa kaibigan“You will be fine! Nandito lang kami!” sabi pa ni Herea“Nasaan nga pala si Troy? Bakit hindi mo si
Tahimik lang si Freeshia habang kumakain sila ng hapunan ni Lance. Nakaalis na si Mariel at kahit magkaharal sila sa dining table ay hindi sila nag-uusap na para bang pinapakiramdaman nila ang bawat isa.Nang matapos na sila ay pumasok na si Freeshia sa kwarto nila at kasunod naman niya agad si Lance.“Are you upset?” tanong ni Lance kay Freeshia na nakaupo muna sa gilid ng kamaHuminga ng malalim si Freeshia habang hinihimas ang tiyan niya.“Lance, alam ko naman na hindi mo pa kayang patawarin ang Mommy mo! Kaya lang sana huwag mo naman siyang itaboy na parang ibang tao siya!” pagsisimula ni Freeshia dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa kanina ni Lance sa Mommy niya“At ano naman ang gusto mong gawin ko, Freeshia? Do you want me to hug her and pretend that nothing happened?” bakas pa rin ang inis sa mukha ni Lance at naiintindihan naman iyon ni Freeshia“Lance, hindi sa ganun! I just hope na bigyan mo ng chance ang Mommy mo! She misses you at mukhang nagsisisi naman na siya!” paliw
Freeshia is so happy dahil sa hindi inaashang bisita niya noong hapon na iyon.“Her!” masayang sabi ni Freeshia at sa sobrang saya niya ay napatayo siya agad “Oh dahan-dahan lang!” natatawang sabi ni Herea at agad niyang sinalubong ang kaibigan“Baka nakakalimutan mo ha, buntis ka! Akala ko tatambling ka na!” biro ni Herea“Oh my God, Troy!” napatili si Freeshia nung makita niya si Troy“Hello Pumpkin! Na-miss mo ba ako!” nakangiting sabi nito saka niya niyakap si Freeshia“I missed the both of you! Grabe ang tagal niyong bumalik! Akala ko manganganak na ako’t lahat, wala pa rin kayo!” sabi ni Freeshia saka sila naupo sa couch“Hay naku, sisihin mo yang si Troy! Kung hindi ba naman kasi naaksidente edi sana, hindi ako umalis dito!” paninisi ni Herea sa nobyo “Babe naman, kasalanan ko ba yun? Mahal mo lang talaga ako kaya hindi mo ako matiis!” pang-aasar ni Troy kay Herea kaya inikutan siya nito ng mata“Ikaw naman kasi Troy, ano bang naisipan mo at nagdrive ka ng lasing!” sermon pa
“So, hindi mo ba sasagutin ang tanong ko? And what is your name again? Mint?” baling muli ni Mrs. Santiago sa kanya “Mother!” saway ni Damon sa Mommy niya lalo at nakikita niya na nagiging uneasy na ang nobya niya“Hay naku, Damon! Kahit kailan talaga, kontrabida ka!” inirapan ni Mrs. Santiago si Damon “Relax, kuya! Alam mo naman si Mommy, feeling niya artista pa rin siya!” natatawang sabi ni Hailey saka ito napatingin kay Mint“Sorry about that, Mint! Naikwento ba sayo ni Kuya na dating artista ang Mommy namin?” sabi pa ni Hailey pero si Mint, paiyak na at napansin iyon ni Mrs. Santiago“Oh iha, sorry! Did I scare you? Pasensya ka na!” nilapitan nito si Mint at niyakap“Mother, bakit naman ganyan! Muntik na akong layasan ng girlfriend ko!” himutok ni Damon pero inirapan lang siya ng Mommy niya“Heh! Tigilan mo ako, Damon! Let’s go Mint, marami tayong pag-uusapan!” sabi ni Mrs. Santiago sabay hila kay Mint at naglakad papunta sa mesaNapailing na lang si Mr. Santiago sa ginawa ng ma
Anniversary ngayon ng kumpanya ni Damon kabado bente si Mint dahil ngayon, makikilala na niya ang magulang ng nobyo niya.Uuwi ito mula sa states para dumalo sa anniversary party ng kumpanya at ito ang unang beses na ipapakilala siya ni Damon sa kanila.“Ready ka na?” Napalingon siya kay Damon nga ngayon ay nakabihis na and she can’y help but to admire his looks.Magaling talaga siyang magdala ng damit.“Yes! Okay na ako!”Tumingin pa ulit si Mint ng isang beses sa salamin at kuntento naman siya sa nakikita niya.Nakasuot ng pulang evening gown si Mint na pinagawa pa ni Damon sa isang sikat na designer sa ibang bansa. Ayaw sana ni Mint na bumili pa si Damon ng napakamahal na damit pero wala din siyang nagawa dahil ito ang nasunod.And then she realized na hindi nga naman pwedeng magsuot lang siya ng mumurahing damit lalo at si Damon ang kasama niya.He is a well-known businessman at kilalang social influencer kaya naman minsan, nanliliit si Mint sa sarili niya. But then Damon will s
“You are not listening!” sabi ni Herea kay Freeshia nang matapos ang meeting nila sa isang kliyenteIlang araw ng napapansin ni Herea ang pagiging absent-minded ng kaibigan kaya naman minabuti niya na itong kausapin.“May problema ka ba? Napapansin ko lately, wala ka sa sarili mo?” tanong ni Herea sa kaibigan ng silang dalawa na lang ang nasa loob ng meeting roomHindi naman akalain no Freeshia na mapapansin iyon ni Herea. Talagang matalas ang pakiramdam ng isang ito. She sighed saka siya malungkot na tumingin sa kaibigan niya.“Lance left!” aniya kaya napakunot ng noo si Herea“Work related?” tanong niya pero umiling lang si Freeshia“Bakasyon?” tanong niya ulit “I just wish ganun na nga!” sagot ni Freeshia “Eh ano nga?! Hindi ako manghuhula, Freeshia, utang na loob!” At dahil nakikita niya na naiinis na si Herea sa pagpapatumpik tumpik niya, napilitan na siyang ikwento dito ang nangyari.“Kailan pa yan?” Hindi makapaniwalang tanong ni Herea sa kaibigan niyaWala din kasing naik
Para makalimutan ang sakit sa pagkawala ng anak niya, minabuti ni Freeshia na bumalik sa trabaho noong maka makarecover na siya.Mas gusto niyang ituon ang atensyon sa pagttrabaho kaysa manatili sa bahay at lunurin ang sarili niya sa sakit at pighati.Bumalik siya sa Aesthetika para libangin ang sarili niya at para gawin ang first love niya, ang pagdidisenyo.Pinayagan naman siya ni Lance dahil ayaw din niyang makaramdam ng depression si Freeshia lalo kung nasa bahay lamang ito.Noong una naman ay okay lang kay Lance ang lahat kaya lang habang lumilipas ang mga buwan ay pakiramdam niya, nawawalan na ng panahon sa kanya si Freeshia.He tried to understand pero habang tumatagal ay hindi na niya nagugustuhan ang nararamdaman niya.Para bang hindi na siya kasali sa mundo ni Freeshia.Sa umaga madalang na silang magkasabay sa almusal. It’s either maagang umaalis si Freeshia dahil may early meeting ito o kaya naman aalis na siya pero tulog pa si Freeshia dahil puyat siya sa gabi sa paggawa
Sinimulan ni Damon ang paglilinis ng kwarto niya dahil yun ang gusto ni Mint!Hindi niya mapigilang mapamura dahil hindi niya ito ginawa sa tanang buhay niya! Pero dahil si Mint ang may gusto, wala siyang choice kundi ang sumunod. Baka nga totohanin nito ang pag-iwan sa kanya kapag hindi niya ginawa ang utos nito.“Sa guestroom lang ako Hon! Gisingin mo na lang ako kung tapos ka na at huwag na huwag kang mandaraya ha!” bilin ni Mint and he felt how his buddy flinch nang makita niya kung paano naglakad palayo si Mint sa kwarto niyaPara kasi siyang inaakit nito habang naglalakad siya. Kumuha pa ito ng T-shirt niya mula sa closet bago ito tuluyang lumabas ng kwarto.Kaya naman minadali na ni Damon ang paglilinis sa kwarto niya. Tinanggal niya ang lahat ng binasag niya sa kwarto. Nag-vaccum pa siya ng carpet para siguruhing walang dumi o bubog na maiiwan doon. He also changed the beddings at talaga namang pawisan siya when he finally finished cleaning up.Inabot siya ng tatlong oras and
“Damon! Open this door!” patuloy lang si Mint sa pagkalampag ng pinto pero nanatili namang tahimik sa loob ng kwarto ni DamonNakaramdam lalo ng takot si Mint kaya naman nilingon niya si Manang Naty.“Nasaan po ang susi ng kwarto?” tanong niya dito“Teka, kukunin ko!” sabi naman ni Manang Naty at saka siya pumihit Habang wala pa si Manang Naty ay muling kinatok ni Mint ang pinto ni Damon.“Damon please, open a door! Nakikiusap ako sayo, Hon!”“Ang sabi ko, umalis ka! Hindi kita kailangan!” sigaw ni Damon mula sa loob“Heto na ang susi!” nagmamadaling sabi ni Manang NatyAgad naman itong kinuha ni Mint at dali-daling binuksan ang pinto.Napahawak si Mint sa dibdib niya nang tuluyan siyang makapasok sa kwarto ng nobyo. Magulo ito at basag halos lahat ng gamit dito.“Damon….” nanginginig sa sabi ni Mint at natutop niya pa ang bibig niya nung makita niya si DamonNakaupo ito sa sulok at nagdurugo ang kamao niya.“Manang pakikuha po yung first aid kit!” utos niya sa natulalang kasambahay
Hindi nakatulog si Mint sa kakaisip sa dapat gawin matapos niyang malaman ang totoo tungkol kay Steve.Nakiusap ang Mommy nito na kausapin niya ang dating nobyo at napag isipan niyang na gawin na ito, once and for all.Nasa isang hotel si Steve ngayon at doon daw siya naka check-in. Iniwan ni Aurora ang room number ni Steve just in case magbago daw ang isip niya.Buong magdamag siyang nag-isip at ngayon nga ay nagdesisyon siyang puntahan at kausapin si Steve. For closure!Tama, yun ang kailangan nila! Dahil hindi na si Steve ang nagmamay-ari ng puso niya.Nagmessage siya kay Damon na baka ma-late siya sa pagpasok dahil may aasikasuhin siyang importante.Nagbihis na siya pagkatapos bitang maligo at nagmadali na siyang umalis ng bahay matapos niyang kumain ng almusal.Mabuti na lang may dumaang taxi paglabas niya ng abangan at agad niya itong pinara.Nandoon ang kaba niya sa muli nilang paghaharap ni Steve at aminado siyang hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa muli ni
Naging matatag ang relasyon ni Mint at ni Damon sa paglipas ng mga buwan at magkaganun man, hindi naman nagbago ang pagiging propesyonal nila pagdating sa trabaho.She still works as Damon’s assistant and by each day nakikita ni Mint kung paano siya mahalin at alagaan ni Damon.Naging close na din si Damon sa mga magulang ni Minr dahil present ito sa lahat ng family occasions ng mga Alegre.Palagi nga silang binibiro ng mga ito kung kailan ang kasal pero hindi pa nila napag usapan iyon lalo pa at madaming trabaho at naging busy sila sa trabaho.Noong ikaapat na buwan nila ay inaya ni Damon si Mint na mag dinner at doon ay muli siyang nag propose dito.Para kasi kay Damon, hindi maayos ang pagpo propose niya noon sa dalaga at gusto niya itong gawin ng maayos.Nagpagawa siya ng engagement ring na may malaking dyamante sa gitna na napapalibutan pa ng maliliit na kauri nito.Mint is so happy dahil hindi niya ito inaasahan and she said ‘YES’ for the second time.“Hindi ka na ba bababa?” t
Tinawagan ni Lance ang kapatid niyang si Lander para asikasuhin ang labi ng kanyang anak. Hinihintay na lang niyang magising si Freeshia at hanggang ngayon, hindi niya alam kung paano sasabihin ang lahat.Tulog pa rin si Freeshia pagpasok nila ni Troy sa kwarto at nakabantay naman dito si Herea.“Hindi pa ba siya nagigising?” tanong ni Lance and Herea immediately shook her headAs if on cue ay nagising naman si Freeshia nang maupo si Lance sa tabi niya.“Baby…” naghihinang tawag ni Freeshia kay Lance“Hey sweetheart!” sagot naman ni Lance habang pinipigil ang luha niya“Nakita mo na ba ang baby natin? Narinig ko kanina, sabi ni doc, lalaki siya.” Hindi nakapagsalita si Lance kaya naman nagtaka si Freeshia.“Lance..hindi mo pa nakikita ang anak natin?” ulit ni Freeshia at naramdaman niya ang paghawak ni Lance sa kamay niya“Sweetheart…” tila may bikig sa lalamunan si Lance at hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagtatapat “Lance…bakit!? May problema ba? Nasaan ang anak natin?” t