Galit ang nararamdaman ni Freeshia sa mga oras na ito para kay Lance. Hindi niya maubos maisip na sa pngalawang pagkakataon, nagpabulag na naman siya sa pag-ibig niya para dito.Tinalikuran na niya si Lance dahil gusto ng sumabog ng luha na kanina pa niya pinipigilan.Nagvibrate naman ang phone ni Lance at agad niyang kinuha iyon. It was a video clip sent by Marga and he was about to ignore it pero napindot niya iyon kaya nabuksan.It was a CCTV footage at makikita mo doon si Freeshia na naglalakad sa corridor ng isang hotel. Nagbuzzer siya at hindi nagtagal ay bumukas ang pinto.It was his brother, Lander.Nagyakapan sila ng mahigpit sa pinto palang at napakuyom ang kamay ni Lance sa nakikita niya.Hanggang sa pumasok na ang dalawa sa loob ng hotel room.Nilingon ni Lance si Freeshia na paakyat na sa hagdan kaya agad niya itong sinundan hanggang sa makapasok ito sa kwarto.“Si Lander ba ang ama ng batang yan?” galit na tanong niya kaya marahas na napalingon sa kanya si Freeshia“Lanc
Bago bumalik ng penthouse si Lance ay tinawagan niya si Lander dahil gusto niya itong makausap. Sa galit na nararamdaman niya ngayon, hindi siya kayang pigilan ng kahit na sino para harapin ang kapatid niya.Kung ibang lalaki lang, baka sakaling madali ang maging pagtanggap niya sa nangyari pero dahil kapatid niya ang involved, hindi niya magawang palagpasin ang lahat.“Nasaan ka?” tanong niya the moment his brother picked up“Nasa opisina ako ni Damon kuya, may…”Pinutol na ni Lance ang usapan at agad siyang nagmaneho papunta sa opisina ni Damon. Hindi siya papayag na hindi ito makatikim sa kanya sa ginawa niyang pagsira sa pangarap niya.Lintik lang ang walang ganti!!!Pagdating niya sa opisina ni Damon ay tinanong niya agad si Mint kung nasaan si Damon. Sinabi niyang nasa conference room ito at kausap na si Lander.Dumeretso na siya doon at wala ng katok-katok, itinulak niya agad ang pinto. Napalingon naman agad si Damon at tumayo agad si Lander na noon ay nag-uusap tungkol sa nego
Matapos ang isang oras mahigit ay narating nila Damon ang bahay nila Mint. Nasa isang barangay ito sa Quezon City and it was a two-storey house painted white and red.From the looks of it, masasabing hindi naman hirap sa buhay sila Mint. More of the average Filipino sila nabibilang dahil na rin sa itsura ng bahay nila.Tinuro ni Mint kung saan siya paparada at buhat nga kanina nung umalis sila ng opisina ay hindi ito nagsasalita.Siguro nabigla ito sa pagsama sa kanya ng boss niya ng biglaan at hindi na nito nagawang tumanggi.Kanina, balak pa nitong sumakay sa backseat kaya sinabihan pa ito ni Damon.“Hey, hindi mo ako driver, dito ka sa harap!” Inirapan siya ni Mint pero sumunod din naman ito sa kanya. Nakikita ni Damon na may katarayan talagan iyong sekretarya niya and he somehow finds it amusing. “Tara na po sir!” sabi ni Mint ng makaparada na ang kotse“Huwag ka ng magpo at opo sa akin, Mint! Wala na tayo sa office!” utos sa kanya ni Damon habang tinatanggal nito ang kanyang se
Dalawang araw na mula ng umalis si Freeshia sa townhouse at magbuhat noon ay wala na siyang naging balita kay Lance.Nang malaman ng mga magulang niya ang nangyari ay galit na naman ang mga ito kay Lance lalo na ang dalawang kuya niya.So Warren decided na dalhin siya sa isa sa mga nabili nitong property sa Tagaytay. Dito siya pinagstay para daw hindi maging stressful ang pagbubuntis niya.Nagpasama ang parents niya ng dalawang kasambahay na tutulong sa kanya doon at kasama din niya si Randy and of course si Dindo.Sila na nga daw ang Dynamic Duo na magbabantay kay Freeshia.Nakausap niya si Herea after her break-up with Lance and as expected, umusok na naman ang bumbunan nito. Gusto pa sana siyang samahan ni Herea pero kailangan nitong lumipad pa New York dahil nagkaroon ng aksidente si Troy doon.Gusto nga sanang sumama ni Freeshia pero hindi siya pinayagan ng Daddy niya idagdag pa na medyo maselan siyang magbuntis.“Ma’am kakain napo ng breakfast!” pukaw ni Rosing, ang kasambahay n
“Ano, masaya ka na ba? Natupad na ang gusto mong mangyari hindi ba? Naghiwalay na si Lance at si Freeshia! Baka naman pwedeng tuparin mo na ang pinagusapan natin?” tinig iyon ni Mariel at kausap niya ngayon si Marga na maagang bumisita sa tahanan ng mga VillavicencioNakaalis na si Lander at nasa check-up ngayon ang asawa niya kaya naman malaya silang nakakapag usap na dalawa tungkol sa mga nangyari noong nakaraan.Nakarating na sa kaalaman ni Mariel na naghiwalay na si Lance at Freeshia at gumana ang plano ni Marga na palabasing nagtataksil si Freeshia.“Tita, hindi pa ako isang Villavicencio! So ibig sabihin, hindi pa tapos ang usapan natin. But don’t worry, just do what I want, safe na safe ang sikreto mo sa akin!” nakangising sabi ni Marga at kahit gusto na niyang ingudngod ang isang ito ay hindi naman niya magawaHawak siya sa leeg ni Marga at ang huling bagay na gusto niya ay ang galitin ito.“Mangyayari din naman yan, maghintay lang tayo! Hayaaan mo munang maka-recover si Lanc
Isang buwan ang mabilis na lumipas at buhat nung umalis si Lance ay dito siya nagpunta sa Baguio para makapagisip-isip.Masyado siyang nasaktan sa nangyari to the point na hindi niya ipinaalam sa kahit na sino ang kinaroroonan niya. Nagpatay siya ng telepono at ni silip sa mga social media accounts niya ay hindi niya ginawa.Hindi naman niya inaalala ang kumpanya dahil alam niyang kayang-kaya itong patakbuhin ni Lander.And he knows, na sa oras na bumalik siya, haharapin niyang muli ang galit ng mga Altamonte.But he have all the right to get mad, right? Niloko siya ni Freeshia at ng kapatid niya so this time, wala silang isusumbat sa kanya.Hindi lang niya alam kung paano pakikitunguhan si Lander matapos nitong malaman ang kataksilan nila ng babaeng mahal niya.“Kaya mo na bang bumalik?” sinulyapan ni Lance si Dalia, na nakilala niya dito sa music lounge na madalas niyang puntahanSinger siya dito at nakagaanan niya ito ng loob nang ipangtanggol siya nito sa grupong gusto siyang pag
“So paano? Is this goodbye?” sabi ni Dalia sa kaibigan niyang si Lance nang puntahan siya nito sa bahay niya pagkagaling nito sa doktor.Naikwento nito sa kanya ang tungkol sa check-up niya at masaya naman si Dalia sa naging resulta ng test ni Lance.“I guess so, Dalia! Pero huwag kang mag-alala, dadalaw ako dito and hopefully, maisama ko si Freeshia para makilala mo siya.” sabi ni Lance kaya napangiti si Dalia“I would love that, Lance! At, ninang ako sa baby niyo ha!” presinta niya and Lance thought it was a good idea“Sure, Dalia! Hulog ka ng langit sa akin! Kung hindi dahil sayo, hindi ko maiisip na magpatingin ulit!” nakangiting sabi ni Lance kaya napasimangot si Dalia“Kaya ikaw, sa susunod, kalma lang! Huwag sugod ng sugod at gamitin ang utak! Tsk!” inirapan pa siya ni Dalia kaya natawa na lang si Lance“Pero ito ha, ready ka na ba? I mean, mahaba-habang paliwanagan yan, bro! Sa ginawa mo, nasisiguro ko, gyera ang haharapin mo.” Napahinga ng malalim si Lance dahil alam niyan
Napatayo si Lander nang makita niya ang kanyang Kuya Lance na papasok sa opisina niya. Isang buwan itong nawala at hindi nila ito mahagilap kaya naman mag-isa lang siyang namahala ng korporasyon habang wala ang kuya niya.Aaminin niya na masama ang loob niya dito dahil sa mga pinagsasasabi nito sa kanya noong nakaraan ngunit nauunawaan naman niya ito.“Kuya…”Hindi siya nakahuma ng bigla siyang yakapin ng Kuya niya. Panay din ang bulong nito sa kanya na humihingi ng tawad.“Patawarin mo ako , Lander! Ang laki ng kasalanan ko sa iyo!” sabi pa ni LanceTinapik ni Lander ang balikat ng kuya niya dahil naiintindihan naman niya kung saan nagmula ang galit nito.“Kuya, marami kang dapat malaman!” sabi ni Lander saka niya ito inayang maupo Nang handa na itong makinig ay nagsimula ng magtapat si Lander dito.“That day na tinawagan ko si Freeshia para puntahan ako, I was so devastated! Nahuli ko si Mommy, Kuya! Nagsinungaling siya sa atin! Hindi sa sugal napunta ang perang kinuha niya sa sa
Nagliliyab na ang bahay kaya naman minabuti na ni Celestine at Herea na umalis na sa lugar na iyon.Tapos na ang paghihiganti ni Celestine! Nakabawi na siya kay Lance at kay Freeshia. Sorry nalang sa anak nila at kay Troy dahil nadamay pa sila.Wala naman talaga sa plano nila ni Herea na idamay si Troy kaya lang aksidenteng nabasa nito ang mga conversation nila.Nakita ni Herea ang pangyayari at bago pa siya maisumbong ni Troy ay inunahan na niya ito.Pinukpok niya ito kaya nawalan siya ng malay.Agad na itinali ni Herea si Troy saka niya tinawagan ang mga tauhan niya na dalhin sa safehouse ang lalake at ikulong.Kinuha niya ang phone nito noong araw na iyon at nakita niya ang mga missed calls ni Freeshia kaya naman tinext niya ito at nagkunwaring si Troy at sinabing magbabakasyon muna sila.Hindi pwedeng masira ang plano niya ng dahil lang sa lalaki ng kapatid niya.They started the plan at dahil alam ni Herea na hindi basta-basta malalapitan si Freeshia, kinausap niya ng lihim ang d
Hindi na inalis ni Freeshia ang mata niya sa pinto kung saan papasok ang taong may dala sa anak niya.Lalong siyang napoot kay Herea at kay Celestine dahil sa ginawa nila sa kanyang pamilya.Sa kabilang kwarto naman, nagtatalo ang magkapatid dahil ayaw pumayag ni Celestine sa plano ni Herea.“Hindi ito ang pinangako mo sa akin, Herea!” galit na sumbat sa kanya ni Celestine“Ate, nandyan na si Lance at si Freeshia! Napagdusa mo na sila! At ngayon, mapapatay mo pa, ano pa kulang doon?” katwiran niya dito“Si Gabriel lang ang hihingin ko sa iyo! Isa pa, wala siyang kasalanan!”dagdag pa ni Herea kaya dumapo ang palad ni Celestine sa mukha niya“Walang mabubuhay na dugo ni Freeshia at Lance,tandaan mo yan, Herea! At hindi mo gugustuhin na kontrahin ako dahil kahit kapatid kita, hindi ako mangingiming patayin ka!” Hindi nakapagsalita si Herea sa sinabi ni Celestine. Diyata’t pati pala siya ay ituturing nitong kaaway sakaling hindi siya pumayag sa gusto ng kapatid.“Kaya mamili ka, Herea!”
“Surprise!!” Hindi makapaniwala si Freeshia sa nakikita niya at nagdasal siya na sana, panaginip lang ang lahat.Pero hindi! Everything is real! Totoo ang lahat!“Herea???!!!” “Na-surprise ba kita, my dear bestfriend?” tanong ni Herea saka siya lumapit kay Celestine at at yumakap ditoSi Lance naman ay hindi nakapagsalita ng dahil sa sobrang pagkabigla. “Oh well, since nandito na ang kapatid ko, simulan na natin!” nakangising sabi ni Celestine“Paano mo to nagawa sa akin, Her? I trusted you! Itinuring kitang kapatid pero ikaw din pala ang sasaksak sa akin?” naghihinanakit na sabi ni FreeshiaShe was in shock!“Ganito kasi yan, Freeshia! Well, oo noong una, talaga namang kapatid din ang turing ko sa iyo! Kasangga mo ako sa lahat, you know that! Pero nung umalis ka, nahanap ako ni ate!” pagkekwento ni Herea“At first hindi ako naniwala, pero nakausap ko ang daddy namin bago siya namatay! And even my mom, confirmed na ampon lang ako! Nagpa-DNA din kami ni ate and lumabas na magkapatid
“How can you do this Randy?! Sa lahat, ikaw ang pinagkatiwalaan ko!” kahit nanghihina pa si Lance ay hindi niya napigilang sumbatan si RandyNgumisi naman ito sa kanila na para bang nang-uuyam!“Eh sorry sir! Mas malaki ang ibinayad sa amin ng kaaway ninyo! Sa sobrang laki, pwede na kaming hindi magtrabaho buong buhay namin!” sagot niya kay Lance“Hayop kayo! Sisiguraduhin ko na mabubulok kayo sa kulungan kasama ni Celestine!” nakakuyom ang palad ni Lance pero pinigilan niya ang sarili na sugurin ang dalawang traydor na itoArmado sila at wala silang kalaban-laban! “Hindi na mangyayari yun sir! Sa laki ng galit sa inyo ng mga ito, malamang hindi na kayo magtatagal!” sagot naman ni Dindo“Hay naku Lance, ikaw kasi eh! Kung ako lang sana ang pinili mo, hindi mangyayari ito! Kaso, hindi mo ginawa kaya magdusa ka!” hirit pa ni Celestine habang nakaupo siya sa upuan “Ang tagal kong naghintay, Lance! I even faked my death para makampante kayo! Nanahimik muna ako at nagpalamig, pero sa twi
Binuksan ni Freeshia ang kanyang mata at nasilaw siya sa biglang pagdaan ng liwanag kaya muli siyang napapikit.“You're awake!” sabi ng isang pamilyar na tinig kaya napadilat siyaInilibot niya ang kanyang mata at nahagip ng paningin niya si Celestine na nakaupo sa isang plastic na upuan habang naninigarilyo.“Celestine…akala ko…”“Akala mo patay na ako? Pwes, nagkakamali ka! Akala mo lang yun!” sabi pa niya kaya napailing si FreeshiaKung panaginip lang ang lahat, sana magising na siya.“Ang galing ko ano? Napaniwala ko kayo na patay na ako?! Kaya tuwang-tuwa kayong mga hayop kayo!” gigil na sigaw ni Celestine “Papanong…” hindi makapa ni Freeshia ang tamang salita na sasabihin niya sa babaeng ito“Tsk Freeshia! Sa palagay mo ba, hindi ko pinag isipan ang mga galaw ko? Koneksyon lang yan, my dear! Kaya ko nga kayo napaniwala na patay na ako tama?!” Hindi nakasagot si Freeshia at nanatili lang siyang nakatitig kay Celestine.“At ngayon nga, nandito na ako! Binalikan ko kayo kasi hind
“Blooming ha!” biro ni Mint kay Freeshia nung araw na dumalaw sila sa bagong tirahan ng mga kaibiganNandito sila sa garden fixing their food habang nasa gawing gilid ang mga boys at nag-iihaw.“Sus, ikaw din naman! Mukhang alagang-alaga ka ni Damon!” sagot naman ni Freeshia sa kanyaNapangiti si Mint dahil sa ilang buwan na kasama niya si Damon ay talaga namang nakikita niya kung paano siya mahalin at alagaan nito.“Damon is the best, Freeshia! Hindi ako nagkamali na magmahal at magtiwala ulit! Kung hindi ako sumugal sa pag-ibig, baka hanggang ngayon, malungkot pa rin ako!” kwento ni Mint Napatingin sila kay Herea na tahimik lang na nakikinig sa kanila. Napakunot pa ang noo nito when she saw their faces.“What?” tanong niya sa mga kaibigan niya“Kayo ba ni Troy?” tanong ni Freeshia kaya inirapan siya ni Herea“Ako na naman ang nakita mo!” sagot niya dito“Her, may problema ba kayo ni Troy?” tanong muli ni Freeshia nung sila na lang dalawa ang nandoonNagpaalam kasi si Mint na sisil
Isang linggong namalagi si Freeshia at Lance sa Paris at ngayon ang araw ng balik nila sa Pilipinas.Nakaabang na sa airport si Randy at Dindo para sunduin sila at excited na din sila sa surpresa ni Lance sa kanyang maybahay.Bago umalis ang mga amo nila ay nagkaroon ng sikretong meeting ang dalawa with Lance at ipinagkatiwala nito sa kanila ang pag-aayos ng mansion na lilipatan nila.Pinagawa ito ni Lance noon at walang alam si Freeshia dito. Dapat ay regalo niya ito sa kanyang kabiyak noon pero dahil nagkasunod-sunod ang problema nila at nagkahiwalay pa sila sandali.“Welcome back, Ma’am, Sir!” masayang bati ni Randy sa mga bagong dating nang makababa na silaKinuha agad ni Randy ang mga gamit nila at siya na ang nagtulak papunta sa parking lot.“May surpresa nga pala ako sa iyo, sweetheart!” sabi sa kanya ni Lance nang makasakay na sila sa kotse“Hindi na ba mauubos ang surprise mo sa akin, baby?” tanong naman ni Freeshia dahil habang nasa Paris sila ay ilang beses siyang pinakilig
The wedding ceremony started at hindi binitiwan ni Lance ang kamay ni Freeshia habang nakaharap sila sa pari. And unlike their first wedding, mas naging memorable ang lahat sa kanila dahil ngayon, alam na nila sa sarili nila na iisa ang nararamdaman nila kaya sila nagpakasal.Hanggang sa dumating ang part kung saan magbibigay aila ng wedding vows sa isa’t- isa.Freeshia smiled as she got the paper in her pouch kung saan niya isinulat ang vow niya para kay Lance.Huminga ng malalim si Freeshia bago niya sinimulan ang pagbabasa ng wedding vow nila.“Lance, sa wakas, natupad na ang pangarap ko when I was still a young girl, and that is to marry you! Yes, we were once married pero dahil sa mga nangyari noon, nagkahiwalay tayo ng landas. But then, heto tayo ulit, standing in front of God, and getting married …again. Marami tayong pinagdaanang pagsubok but still, God and our love put us back together.”Freeshia wiped her tears and she saw Lance doing the same.“Baby, now that we are here,i
Isang buwan lang ang nakalipas buhat nung ikasal si Damon at si Mint at ngayon naman, ang kasal ni Freeshia at Lance ang inaabangan ng lahat.Tapos na din ang one week na honeymoon ng newlyweds sa Bahamas kaya naman nandito na sila sa Pilipinas to witness their friend’s wedding.“Nervous?” tanong ni Troy habang inaayusan sila sa penthouse ni Lance dahil dito na sila manggagaling“Konti! Pero confident naman ako na darating si Freeshia!” biro ni Lance sa kaibigan niya kaya napangisi ito“Pasalamat ka, mahal ka talaga ni Freeshia! Kasi kung hindi, sa laki ng kasalanan mo sa kanya, tiyak hindi ka na niya mapapatawad!” “Tapos na yan, bro! Huwag mo ng ungkatin!” sagot naman ni Lance sa kaibigan niya“Basta masaya ako para sa inyo, Lance! Always make her happy!” ani Troy kaya napatango naman si Lance“Hindi naman maiiwasan ang tampuhan at away! Pati na ang problema at pagsubok, pero kakayanin namin ni Freeshia yun! Sa dami ba naman ng pinagdaanan namin!” buo ang loob na sabi ni Lance“Oo