[Jane's POV.]Sakto naman ng dumating kami nila dad at kuya sa may venue ng party ay kakasimula pa lang ne'to saka kame sinalubong ni Mike. Inikot ko ang aking paningin sa loob ng venue ng may napansin ako or tamang sabihin na may nahagip ang mga mata ko na walang iba kundi ang nag-iisang lalaking nagpapatibok ng puso ko mula noon at hanggang ngayon. Bakit siya pumunta? Kahit ayaw ko na pumunta siya pero sa loob-loob ko na gusto ko siya makita ngayong gabi. Gusto nya rin ba ako makita? Kasi ako gustong-gusto ko siyang makita kahit mali dahil may fiancé na ako pero anong magagawa ko kung namimiss ko siya? Nang mapansin kung lilingon siya sa gawi namin ay binaling ko agad sa iba ang paningin ko saka nakipagbatian na rin sa iba pang kasama namin. Tss. Kasama ko ngayon sa tabi si Mike na fiancé ko pero ibang lalake ang nasa isip ko?Kahit naiilang pa rin ako sa kanya dahil sa paraang pananalita nya at pag aakto nya na parang wala lang sa kanya yung pag amin nya sakin?Hello? Naiilang
[Jayson's POV.]Nang makaalis sila Nicole at Michael ay hindi ko mapigilan ang mainggit. Mabuti pa si Nicole ay ayos na yung problema nya nakikita at nahahawakan na nya ang taong mahal nya. Ang akin naman ay nakikita ko rin naman. Kitang-kita nga ng dalawang mata ko na kasama ang iba na masaya! Pero hindi ko naman mahahawakan dahil hindi na s'ya para sa akin!Halos hindi na nga ako nakikinig sa mga pinagsasabi ni Mr. Corpuz at Mr. Ocampo sa stage dahil sa kanya lang ako nakatingin. "Sana ako nalang uli Jane.." Malungkot na sambit ko saka ako tumayo at lumabas muna sa likod ng venue para mag pahangin. Dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko at gusto ko nalang ngayon magpahinga at kailangan ko ng hangin dahil naninikip ang dibdib ko. Paglabas ko ay may nakita akong mini garden doon at may mga ilang bench kaya umupo ako doon. Nakakawala ng bigat sa dibdib ang tanawin ng garden lalo na nasisinagan ito ng buwan. Napakaganda tignan. Habang nakaupo ako doon ay hindi ko maiwasan na maal
[Jane's POV]Habang naglalakad s'ya papalayo sa kinaroroonan ko ay para ring pinipiraso ang aking puso. Lalo na sa mga sinasabi nya saakin. Ang sakit pero wala lang itong sakit na nararamdaman ko kesa sa kanya!Mula noon at hanggang ngayon ay sinasaktan ko s'yaKaya hindi dapat ako magreklamo na nasaktan ako sa mga sinasabi nya. Dahil dapat lang ito saakin. Sinaktan ko siya ng paulit-ulit. At kahit isang paliwanag at wala akong naibigay sa kanya. Ilang minuto ako nandoon at hinihimay ang mga sinabi nya saakin na pinaglalaruan ko lang siya at kahit kailan ay hindi minahal. Diyan s'ya nagkakamali dahil mula noon at hanggang ngayon ay minahal ko siya at mahal na mahal ko parin s'ya.Kaya lang naman kame nasasaktan dahil hindi na kami pwede. Dahil may pinangako na ako sa pamilya ko at lalo na ngayon ay binigyan pa ako ng lalaking papakasalan. Siguro ay mamahalin ko nalang sya sa paraang ako nalang yung nakakaalam saaming dalawa!"Jayson, mahal na mahal kita. Mamahalin kita hanggang sa
[Jane's POV.]Isang buwan na ang nakakalipas matapos ang party ng mga Corpuz at isang buwan na rin na huli kong makita at nakausap si JJaysonNakausap nga ba kame? Oo, para sakin ay nag usap kami kaya lang sya yung maraming sinabi. Isang buwan na rin na palagi akong inaayang lumabas ni Mike. Ewan ko pero kahit tinapat ko na sa kanya ang totoo pero hindi parin siya nag bago. Mas lalo lang siya nanging sweet saakin at gusto ko siyang kasama parang magaan ang loob ko sa kanya pag nandyan sya sa tabi ko. Ito na ba yun? Kapag gusto ko ang presensya nya ay may nararamdaman na rin ba ako sa kanya? Hindi ba pwedeng gusto ko lang ang presensya kasi kaibigan na turing ko sa kanya? Kahit ipapakasal na ako sa kanya pero ang nararamdaman ko para sa kanya ay walang wala sa nararamdaman ko para kay Jayson. Ang gulo ko! Ano naman kung magkagusto ako sa kanya bilang lalake? Diba yun naman gusto ko? Para kalimutan ko na siya at mawala yung nararamdaman ko sa kanya? Tss. At bakit ba ako nangangamb
[Micheal's POV]Pagkaalis ni dad ay tinawagan ko naman agad si Nicole. Dahil yari naman ako ne'to sa kanya. Sinabi ko lang naman sa kanya maghintay siya sandali at pinatayan ko agad ang cellphone na may sinasabi pa sya. Si dad naman kasi bigla-bigla pupunta dito. Tapos sasabihan pa akong babae ko raw ang inuuna ko?Syempre busy rin ako sa trabaho tapos totoo naman sa babae pero hindi lang to basta babae no mahal ko kaya to. [Hoy! Micheal bakit mo ako agad pinatayan ng tawag ha?] Sumbat ne'to agad saakin pagkasagot nya ng tawag ko. Tss. Kahit kailan ang daldal nya. "S-sorry? Bigla kasing pumunta dito si Dad. Bigla nya pumasok ng opisina ko. Kaya hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sayo." malumanay na paliwanag ko sa kanya. [H-ha? Andyan paba ang daddy mo? Nako! Sorry rin at nasigawan kita. Akala ko kasi kung ano na ginawa mo ang tagal mo kasi.] Kita mo ito. Nag sorry na nga nasisi pa ako. Tss. "Wala na si Dad. Kakaalis lang. Pero ano yun? Anong akala mo na ginawa ko?" Seryoson
[Jane's POV]Pagkaalis ni dad ay wala tuloy akong maisip kung hindi s'ya.Kaya lang naman ako lagi umaalis or kasama si Mike sa pamamasyal ay para ibaling sa iba ang atensyon ko. Pero ngayon parang hindi ko na magawa. Gusto ko siyang makita kahit ngayon lang. Kahit sa malayuan lang. Gusto ko lang siya masulyapan ng mabilisan. Dahil ikakasal na naman ako ay lulubusin ko nalang ang oras na meron ako. Gusto ko siyang makita pero kailangan ko muna siyang tawagan. Nakailang tawag na ako pero walang sumasagot sa tawag ko. Hindi nya ba dala ang phone nya? Dahil ring lang ito ng ring. Saan kaya siya? Bakit hindi niya sinasagot? Or baka nasa trabaho pa siya? Anong oras na ba? Tinignan ko ang orasan ko ay saktong 5pm ng hapon. Ah baka nasa trabaho pa nga siya. Gusto ko pa naman makipag'usap sa kanya ng masinsinan. Gusto ko siyang makita ngayon. Kaya napagpasyahan ko nalang na puntahan sya sa opisina nya. Baka nandun naman siya diba? Kung hindi sasapat ang pag silay sa kanya ay lalapitan k
[Jayson's POV.]Nagising ako ng may mabigat na nakadagan sakin? Pagmulat ko at pagtingin ko kung ano ito ay isang tao pala. Kaya napaatras pa ako sa gulat dahilan para gumalaw ito at umalis sa pagkayakap saakin pero tulog parin ito saka doon ko lang nalaman na si Jane pala itong nakayakap saakin kanina ng mahigpit. Bakit pa siya andito? Akala ko ba umalis na siya kanina pagkatapos ko kumain? Tinignan ko ang orasan na nasa side table ng kama ko at hindi ako makapaniwalang 2am na ng madaling umaga. Inumaga na siya dito. Inalagaan nya ba ako? Pagtingin ko sa mesa ay nakita ko doon ang planggana na may towel. So inalagaan nya nga ako? Medyo ok na nga ang pakiramdam ko. Pero siya? Baka hinahanap na sya sa kanila? Ok lang ba sa kanya na hindi umuwi? Hindi ba siya hinahanap ng fiancé nya? Tss. Ano kaba Jayson? Ayaw mo ba yun?Nakasama at nakayakap mo na nga sya magdamag oh? Napailing nalang ako sa aking iniisip. Naupo naman ako doon habang tinititigan s'ya. Ang ganda mo talaga mahal k
[Micheal's POV]Habang nagdadrive ako ay napapansin kung ang tahimik ng kapatid ko. Sinusulyapan ko ito sa rearview mirror ng sasakyan at nakikita kung tulala lang ito at minsan pa ay napapabuntong hininga nalang.May problema ba siya? "Jane? Ok ka lang ba?" Tawag pansin ko sa kanya dahil parang ang lalim naman ng pinaghuhugutan nya ng hininga."H-ha? Opo kuya. O-ok lang po ako." Matamlay na sagot ne'to saka tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan ko. Tumingin muna ako saglit sa kanya at saka binalik agad sa daan ang paningin ko dahil mahirap na baka mabangga pa kame. Tsk.Alam ko naman na hindi siya ok at may tinatago siyang mabigat na problema lalo na ito ngayon. Ipapakasal siya ng labag sa kalooban nya. "Jane, magsabi ka lang kay kuya ha? Kung may problema ka pwede mo akong kausap." Paalala ko naman sa kanya na andito parin ako para sa kanya. Tamango naman ito at hindi na nagsalita. Tahimik lang ito na nakatingin sa labas. Hindi rin nagtagal ay nagtanong na ito sa akin. "S-
(A/N: Last Chapter na po ito ng MEBIMB BOOK 1..)__________________________[Jane's POV.]After sa nangyari doon sa condo ni Jayson ay hindi ko na yun pinaalam pa kay Mike. Kinabukasan ay aalis na kame at ito na nga kami ngayon sa loob ng airport. Hinihintay nalang tawagin ang aming boarding flight para makaalis na!Sa tuwing pumapasok sa sakin isipan ang imahe na hinahalikan siya parang sasabog talaga ako sa inis doon sa babae na yun! Hindi ko matanggap na ang lalaking mahal ko ay hinahalikan ng iba!Gusto ko pigilan na itong kahibangan ko na ito dahil may mapapangasawa na ako at handang panagutan ako! Pero hinding-hindi ko magawa dahil siya lang. Siya lang talaga ang kayang mahalin ng puso ko. Napabalik tanaw ako ng tapikin ako ni Mike sa braso at sinabing tinatawag na raw ang flight namin. Kaya tumayo naman ako at nag lakad. Lumingon ako sa huling pagkakataon sa entrance ng airport at napahigit ng malalim na hininga. "Sana sa pagbalik ko ay mapatawad mo ako sa muli kong pag ali
[Jayson's POV.]Kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya sila?Masaya na ba silang dalawa?Ang huling kita namin ay yung sa mall ay nasabihan pa akong mabaho. Tapos nabanggit pa ni Jessica na parang buntis ito sa kinikilos nya. Hindi ko maiwasang hindi mag isip. Baka nga nabuntis ko siya. Pero isang gabi lang may nangyari saamin. Makakabuo ba kapag isang gabe lang? Sabagay hindi lang naman kasi isang beses namin ginawa yun. Baka nga at nabuntis ko ito? Pero sasabihin naman nya diba? Kaso kinabukasan naman nun ay nabalitaan kong na ospital pala ito. Sinabi saakin ni Nicole na sinabi rin sa kanya ni Michael. Gusto ko siyang puntahan para kamustahin kaso ano sasabihin ko sa pamilya nya? Napadaan lang ako at mangangamusta? Hindi naman ata nila alam na may relasyon kame dati. Dalawamg linggo pagkatapos nun ay may sinabi naman saakin si Nicole na sinabi rin sa kanya ni Michael na buntis raw ang kapatid ne'to na si Jane.Bigla akong nabuhayan dahil sa nalaman ko. Alam kong ako ang nakabun
[Mike's POV.]Nang matapos ako sa trabaho ay umuwi agad ako. Ganito naman ang routine namin araw-araw. Papasok ako ng trabaho tapos siya nasa bahay nag hihintay sa'akin.Kung titignan ay parang mag asawa na talaga kame na uuwi ako galing trabaho habang hinihintay ako ng asawa ko sa bahay. Pero alam ko naman ang totoo na hindi ganon yun.Habang nagmamaneho ako ay dumaan ako sa grocery para bumili ng pinapabili ni Jane bago umuwi. Ganito lagi ginagawa ko kapag uuwi ako galing trabaho. Tatawagan ko siya kapag may gusto siyang kainin para mabili ko ito pagkauwi ko. Nung una ay ang weird nang mga pinapabili nya. Pero nasanay rin ako at nabasa ko sa internet nna ganon talaga kapag naglilihi ay isang buntis. Dahil malapit lang naman ang kompanya namin dito sa condo ko ay mabilis naman ako nakauwi agad bitbit ang mga pinapapabili nya. Pagkabukas ko ng pinto ay parang wala namang tao? Ang tamihik ng buong bahay. Agad akong pumunta sa kusina pero wala rin tao doon. Nilapag ko muna ang mga b
[Jane's POV.]Nang makalabas ako ng hospital ay dito na ako dineretso uwi ni Mike sa condo nya. Dalawang araw lang tinagal ko sa hospital ay pinayagan naman agad akong lumabas. Simula nung sinabi nya kay Dad na siya aako ng reponsibilidad sa pagbubuntis ko ay pinagduldulan na ako ni Dad sa kanya at dito sa condo ni Mike muna tumira para umiwas sa issue kapag lumaki ang tiyan ko. Wala na rin akong nagawa kundi pumayag nalang! Hindi naman kami nagkakahiyaan pa ni Mike dahil sanay naman kame sa isa't-isa pero minsan parang ang cold nya makipagusap saakin.Hindi ko naman siya masisisi dahil ang taong mahal nya ay may mahal ng iba at nagpabuntis pa! Hindi rin matutuloy ang kasal dahil buntis nga ako. Pero mag fiancé parin kame sa mata ng mga tao at pamilya namin. Kaya siguro sinusubukan nya parin maging kaswal saakin tulad ng tinatanong nya ako kung anong gusto kung kainin at gawin. Kaya ang ending ako yung naiilang saamin dalawa!Kung tratuhin nya ako parang wala lang sa kanya na nabun
[Mr.Ocampo POV.]Nagising ako ng may tumatapik sa balikat ko. Bigla akong napatingin kay Jane dahil akala ko gising na ito pero hindi pa pala. Nang lumingon ako ay nakita ko sa tabi ko si Micheal siya pala ang tumatapik sa akin."Dad ako na po dito. Umuwi kana muna at magpahinga. Makakasama sayo ang pagpupuyat." sabi nya pa"Ok lang anak. Dito lang ako." sagot ko namans sa kanya saka tumingin sa relo kong suot. Gabi na pala? Kaya pala sumasakit ang batok ko dahil ilang oras pala ako nakatulog na nakayuko lang."Teka nga. Bakit ngayon ka lang? Diba kanina pa ako nagtxt sayo? Sabi ko dumiretso ka dito pag uwi mo." sabi ko sa kanya"Ah kasi dad. May kailangan akong tapusin sa opisina. Hindi ako nakaalis agad. Kahit gusto ko ng puntahan at kamustahin ang kapatid ko.." Paliwanag naman ne'to. Tumango nalang ako sa sagot nya. "Mabuti kung ganon. Kamusta naman? Natapos mo naman ba ang kailangan mo tapusin?" Tanong ko pa sa kanya."Ok na dad. Tinapos ko na para wala na akong iisipin." Sagot
[Mike's POV.]Nang hindi parin sumasagot si Jane saamin ay bigla kami nakarinig ni manang nabasag sa loob ng kwarto ne'to. "Jane? Anong nangyayari dyan? Jane!" Malakas na katok ko sa pinto ng kwarto nya pero walang sumasagot. "Manang kunin nyo ang duplicate na susi ng kwarto ni Jane! Bilis!" Utos ko kay manang na taranta na umalis naman. Kinakatok ko parin ito pero wala parin sumasagot. Saka dumating si manang dala ang susi ng kwarto nya agad ko naman ito binuksan at nagulat ako ng makita na nakahiga si Jane sa sahig."Jane!" Sigaw ko na agad ito pinuntahan. Kasunod ko si manang. "D'yos ko! Ma'am Jane!" Impit na sigaw ni manang na makitang duguan ang noo ni Jane. "Ako na bahala manang. Dadalhin ko siya sa hospital. Pakisabi nalang sa Daddy nya ang nangyari." Sabi ko dito saka agad ko naman binuhat si Jane palabas ng bahay nila. Sinakay ko kaagad s'ya sa kotse ko at dinala sa malapit na hospital!Nang makarating ako sa hospital ay natatarantang binuhat ko ulit siya at patakbong pum
[Mike's POV.]Habang tinatawag ko siya ay hindi nya na kame nilingon dahil nag mamadali ito na parang totoo talagang nasusuka siya at hindi ito nag bibiro lang.Nakatingin lang kaming tatlo kay Jane papalayo ay hindi ko maiwasan mangamba. Ano bang nangyayari sa kanya? Nag aalalang sinundan ko ito ng tingin at alam ko sa public toilet ng mall lang ito pupunta. Nilingon ko naman silang dalawa at nakita ko sa mukha ni Jayson ang pag aalala rin kay Jane kaya tumikim ako para makuha ang atensyon nilang dalawa. "Pasensya na sa inyong dalawa ganon talaga yun. Paiba-iba ng mood.." Naiilang na sambit ko "Paiba-iba ng mood? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong naman nya. Paano ko nga ba ipapaliwanag?"Minsan kasi mainit ang ulo. Minsan naman hindi. Nagagalit nalang yun basta kahit saakin nagagalit na wala naman ako ginagawa haha.. Minsan pa ayaw nya ako makita. Tatawagan lang ako nun kapag may gusto siyang ipapabili na pagkain.." Natatawang kwento ko sa kanila. Si Jayson naman ay n
[Jayson's POV.]Isang buwan na ang huling pagkikita namin. At isang buwan narin ang nakalipas na pagkatapos ng lahat ay iniwanan nya nalang ako mag isa sa condo ko. Isang buwan na akong iniiwasan ni Jane. Pati ang tawag at text ko sa kanya ay hindi nya pinapansin.Alam ko naman kasi na nababasa nya ang text ko dahil kapag tumatawag ako kay nagriring nalang ang phone nya kaya ibig sabihin nun ay hindi pa ako nakablock sa kanya. Ganon naba kawalang halaga sa kanya ang nangyari sa aming dalawa? Wala pa nga sana akong balak na tigilan siya nung gabing yun para hindi n'ya ako iwanan at makalimutan kung hindi lang siya nagsabi na pagod na siya.Minuto minuto ko lagi sinasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Kahit wala akong naririnig na sagot mula sa kanya ay nakuntento akong nakasama ko siyang sa gabi na yun. Lalo nang ibigay nya saakin ang iniingatan nya bilang babae. Ako na ata ang pinakamasayang lalake nung gabing yun dahil pinagkatiwalaan nya ako. Pero yung tuwa ko ay agad naman
[Jane's POV.]Mag tatatlong linggo na ang huli naming pagkikita at mag tatatlong linggo narin ako umalis sa condo nya pagkatapos ang nangyari saamin. Umalis ako habang tulog ito.Hindi lang isang beses namin ginawa yun kundi sinulit namin ang gabing yun at pault-ulit nya rin sinasabi na Mahal nya ako. Pero kahit sagot ay wala siyang natanggap mula saakin. Nang makasiguro akong tulog sya sa ay umalis na rin ako sa condo nya. Hindi ako nagsisisi na sakanya ko binigay ang pagkababae ko. Dahil yun nalang ang maging ala-ala ko sa kanya kapag pinakasal na ako sa iba. Atleast nabigay ko ang aking sarili sa taong mahal ko. Kahit panay text at tawag nya sa akin ay hindi ko ito pinapansin kahit sabihin nya na makipagkita lang ako sa kanya ay hindi ko ginawa. Gusto ko ng putulin kung anong meron sa amin dahil yun ang nararapat. Gusto ko man siya puntahan at sabihin sa kanya na mahal na mahal ko rin siya ay hindi ko magawa dahil ayoko magalit si dad baka umatake naman ang sakit nya. Ayoko na m