[Jane's POV.]Isang buwan na ang nakakalipas matapos ang party ng mga Corpuz at isang buwan na rin na huli kong makita at nakausap si JJaysonNakausap nga ba kame? Oo, para sakin ay nag usap kami kaya lang sya yung maraming sinabi. Isang buwan na rin na palagi akong inaayang lumabas ni Mike. Ewan ko pero kahit tinapat ko na sa kanya ang totoo pero hindi parin siya nag bago. Mas lalo lang siya nanging sweet saakin at gusto ko siyang kasama parang magaan ang loob ko sa kanya pag nandyan sya sa tabi ko. Ito na ba yun? Kapag gusto ko ang presensya nya ay may nararamdaman na rin ba ako sa kanya? Hindi ba pwedeng gusto ko lang ang presensya kasi kaibigan na turing ko sa kanya? Kahit ipapakasal na ako sa kanya pero ang nararamdaman ko para sa kanya ay walang wala sa nararamdaman ko para kay Jayson. Ang gulo ko! Ano naman kung magkagusto ako sa kanya bilang lalake? Diba yun naman gusto ko? Para kalimutan ko na siya at mawala yung nararamdaman ko sa kanya? Tss. At bakit ba ako nangangamb
[Micheal's POV]Pagkaalis ni dad ay tinawagan ko naman agad si Nicole. Dahil yari naman ako ne'to sa kanya. Sinabi ko lang naman sa kanya maghintay siya sandali at pinatayan ko agad ang cellphone na may sinasabi pa sya. Si dad naman kasi bigla-bigla pupunta dito. Tapos sasabihan pa akong babae ko raw ang inuuna ko?Syempre busy rin ako sa trabaho tapos totoo naman sa babae pero hindi lang to basta babae no mahal ko kaya to. [Hoy! Micheal bakit mo ako agad pinatayan ng tawag ha?] Sumbat ne'to agad saakin pagkasagot nya ng tawag ko. Tss. Kahit kailan ang daldal nya. "S-sorry? Bigla kasing pumunta dito si Dad. Bigla nya pumasok ng opisina ko. Kaya hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sayo." malumanay na paliwanag ko sa kanya. [H-ha? Andyan paba ang daddy mo? Nako! Sorry rin at nasigawan kita. Akala ko kasi kung ano na ginawa mo ang tagal mo kasi.] Kita mo ito. Nag sorry na nga nasisi pa ako. Tss. "Wala na si Dad. Kakaalis lang. Pero ano yun? Anong akala mo na ginawa ko?" Seryoson
[Jane's POV]Pagkaalis ni dad ay wala tuloy akong maisip kung hindi s'ya.Kaya lang naman ako lagi umaalis or kasama si Mike sa pamamasyal ay para ibaling sa iba ang atensyon ko. Pero ngayon parang hindi ko na magawa. Gusto ko siyang makita kahit ngayon lang. Kahit sa malayuan lang. Gusto ko lang siya masulyapan ng mabilisan. Dahil ikakasal na naman ako ay lulubusin ko nalang ang oras na meron ako. Gusto ko siyang makita pero kailangan ko muna siyang tawagan. Nakailang tawag na ako pero walang sumasagot sa tawag ko. Hindi nya ba dala ang phone nya? Dahil ring lang ito ng ring. Saan kaya siya? Bakit hindi niya sinasagot? Or baka nasa trabaho pa siya? Anong oras na ba? Tinignan ko ang orasan ko ay saktong 5pm ng hapon. Ah baka nasa trabaho pa nga siya. Gusto ko pa naman makipag'usap sa kanya ng masinsinan. Gusto ko siyang makita ngayon. Kaya napagpasyahan ko nalang na puntahan sya sa opisina nya. Baka nandun naman siya diba? Kung hindi sasapat ang pag silay sa kanya ay lalapitan k
[Jayson's POV.]Nagising ako ng may mabigat na nakadagan sakin? Pagmulat ko at pagtingin ko kung ano ito ay isang tao pala. Kaya napaatras pa ako sa gulat dahilan para gumalaw ito at umalis sa pagkayakap saakin pero tulog parin ito saka doon ko lang nalaman na si Jane pala itong nakayakap saakin kanina ng mahigpit. Bakit pa siya andito? Akala ko ba umalis na siya kanina pagkatapos ko kumain? Tinignan ko ang orasan na nasa side table ng kama ko at hindi ako makapaniwalang 2am na ng madaling umaga. Inumaga na siya dito. Inalagaan nya ba ako? Pagtingin ko sa mesa ay nakita ko doon ang planggana na may towel. So inalagaan nya nga ako? Medyo ok na nga ang pakiramdam ko. Pero siya? Baka hinahanap na sya sa kanila? Ok lang ba sa kanya na hindi umuwi? Hindi ba siya hinahanap ng fiancé nya? Tss. Ano kaba Jayson? Ayaw mo ba yun?Nakasama at nakayakap mo na nga sya magdamag oh? Napailing nalang ako sa aking iniisip. Naupo naman ako doon habang tinititigan s'ya. Ang ganda mo talaga mahal k
[Micheal's POV]Habang nagdadrive ako ay napapansin kung ang tahimik ng kapatid ko. Sinusulyapan ko ito sa rearview mirror ng sasakyan at nakikita kung tulala lang ito at minsan pa ay napapabuntong hininga nalang.May problema ba siya? "Jane? Ok ka lang ba?" Tawag pansin ko sa kanya dahil parang ang lalim naman ng pinaghuhugutan nya ng hininga."H-ha? Opo kuya. O-ok lang po ako." Matamlay na sagot ne'to saka tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan ko. Tumingin muna ako saglit sa kanya at saka binalik agad sa daan ang paningin ko dahil mahirap na baka mabangga pa kame. Tsk.Alam ko naman na hindi siya ok at may tinatago siyang mabigat na problema lalo na ito ngayon. Ipapakasal siya ng labag sa kalooban nya. "Jane, magsabi ka lang kay kuya ha? Kung may problema ka pwede mo akong kausap." Paalala ko naman sa kanya na andito parin ako para sa kanya. Tamango naman ito at hindi na nagsalita. Tahimik lang ito na nakatingin sa labas. Hindi rin nagtagal ay nagtanong na ito sa akin. "S-
[Jane's POV.]Maaga ako nagising kinabukasan pero hindi ko magawang bumangon man lang or bababa para kumain ng almusal dahil wala akong gana. Nakatulog kaagad ako kagabi dahil sa iyak at pagod. Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko ngayon ng maalala ko ang mga sinabi ni kuya sa loob ng kotse n'ya. Nasasaktan ako at nalulungkot nang malaman ko na naaawa na pala si kuya sakin at hindi ko rin akalain na sasabihin n'ya yun saakin. Or baka sinabi n'ya lang yun dahil akala n'ya tulog ako? Nag papahinga lang ako nun pero nabigla ako nh marinig ko s'yang nagsalita. Kaya nagpanggap nalang akong natutulog kahit gustong-gusto ko na s'yang yakapin sa mga sinabi nya saakin. Kahit gustong-gusto ko na talagang umiyak ng mga oras na yun ay pinigilan ko hanggang makauwi kame.Kaya nung pagkauwi namin ay dumeretso nalang ako baba na hindi ko kinukuha mga pinamili ko dahil gusto ko na talaga magkulong sa kwarto at ilabas lahat ng hinanakit ko hanggang nakatulog ako sa mga oras na yun. Hindi ko
[Mike's POV.]Pinatayan nya ako ng tawag? Gusto kong sumigaw kaso naalala ko baka marinig pa ako ni Dad na tanghaling tapat ay nagsisigaw ako dito ayokong mapagalitan! Nakakainis yun ah! Sino ba yun? Saka ano sinabi nya? Doon nag palipas ng gabi si Jane nung isang araw na pinuntahan ko siya? So ibig sabihin hindi umuwi si Jane? Pero nung pumunta ako sabi ng kasambahay nila ay may pupuntahan lang siya saglit. So akala ko uuwi rin siya nun agad? Hindi ko narin siya napuntahan kahapon dahil sinama na naman ako ni Dad sa lakad nya. Hindi kaya yung ex nya ito? Imposible. Tinapos na ni Jane kung ano man ang meron sa kanila diba? Yun ang sabi nya na hindi na sila pwede kasi may pangako siya sa pamilya nya! Pero kung ex nya nga talaga ang kasama nya? May ginawa ba sila? May nangyari ba sa kanila? Hindi imposible dahil mahal na mahal pa ito ni Jane. Hindi ko ata matatanggap kung meron man talaga nangyari sa kanila! Ayokong mag isip ng masama pero yun ang pumapasok sa utak ko ngayon! Na
[Mike's POV]Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or malulungkot sa sagot nya sa tanong ko. Sinabi naman nya na naiwan nya nga yung phone nya sa isang kaibigan pero hindi nya parin sinabi kung sino ito. Kaya hindi nalang ako nag tanong pa baka ako rin naman ang masasaktan kapag sinabi nya talaga ang totoo. Ang mahalaga sinabi parin nya na naiwan nya ito sa isang kaibigan nya. Kahit alam ko naman na yung kaibigan na sinasabi nya ay walang iba kundi ang ex boyfriend n'yang si Jayson. Pero hindi ko maintindihan na bakit nya pa ito pupuntahan kung gusto nya na pala putulin kung ano meron sila?Kung mahal pala nila ang isa't isa bakit hindi nila ipaglaban dalawa ang pagmamahalan nila? Hindi ko na talaga maiintindihan. Nag usap nalang kame at nagkwentuhan. Nang bandang hapon na ay inaya ko siyang lumabas at sa labas na rin mag dinner. Pumayag naman siya agad at nag paalam sa Daddy nya. "Mag iingat kayo. Mike iuwi mo si Jane ng maaga ha?" Sabi pa ni Mr. Ocampo tumango naman ako sa kanya ba