[Jayson's POV.]Nagising ako ng may mabigat na nakadagan sakin? Pagmulat ko at pagtingin ko kung ano ito ay isang tao pala. Kaya napaatras pa ako sa gulat dahilan para gumalaw ito at umalis sa pagkayakap saakin pero tulog parin ito saka doon ko lang nalaman na si Jane pala itong nakayakap saakin kanina ng mahigpit. Bakit pa siya andito? Akala ko ba umalis na siya kanina pagkatapos ko kumain? Tinignan ko ang orasan na nasa side table ng kama ko at hindi ako makapaniwalang 2am na ng madaling umaga. Inumaga na siya dito. Inalagaan nya ba ako? Pagtingin ko sa mesa ay nakita ko doon ang planggana na may towel. So inalagaan nya nga ako? Medyo ok na nga ang pakiramdam ko. Pero siya? Baka hinahanap na sya sa kanila? Ok lang ba sa kanya na hindi umuwi? Hindi ba siya hinahanap ng fiancé nya? Tss. Ano kaba Jayson? Ayaw mo ba yun?Nakasama at nakayakap mo na nga sya magdamag oh? Napailing nalang ako sa aking iniisip. Naupo naman ako doon habang tinititigan s'ya. Ang ganda mo talaga mahal k
[Micheal's POV]Habang nagdadrive ako ay napapansin kung ang tahimik ng kapatid ko. Sinusulyapan ko ito sa rearview mirror ng sasakyan at nakikita kung tulala lang ito at minsan pa ay napapabuntong hininga nalang.May problema ba siya? "Jane? Ok ka lang ba?" Tawag pansin ko sa kanya dahil parang ang lalim naman ng pinaghuhugutan nya ng hininga."H-ha? Opo kuya. O-ok lang po ako." Matamlay na sagot ne'to saka tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan ko. Tumingin muna ako saglit sa kanya at saka binalik agad sa daan ang paningin ko dahil mahirap na baka mabangga pa kame. Tsk.Alam ko naman na hindi siya ok at may tinatago siyang mabigat na problema lalo na ito ngayon. Ipapakasal siya ng labag sa kalooban nya. "Jane, magsabi ka lang kay kuya ha? Kung may problema ka pwede mo akong kausap." Paalala ko naman sa kanya na andito parin ako para sa kanya. Tamango naman ito at hindi na nagsalita. Tahimik lang ito na nakatingin sa labas. Hindi rin nagtagal ay nagtanong na ito sa akin. "S-
[Jane's POV.]Maaga ako nagising kinabukasan pero hindi ko magawang bumangon man lang or bababa para kumain ng almusal dahil wala akong gana. Nakatulog kaagad ako kagabi dahil sa iyak at pagod. Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko ngayon ng maalala ko ang mga sinabi ni kuya sa loob ng kotse n'ya. Nasasaktan ako at nalulungkot nang malaman ko na naaawa na pala si kuya sakin at hindi ko rin akalain na sasabihin n'ya yun saakin. Or baka sinabi n'ya lang yun dahil akala n'ya tulog ako? Nag papahinga lang ako nun pero nabigla ako nh marinig ko s'yang nagsalita. Kaya nagpanggap nalang akong natutulog kahit gustong-gusto ko na s'yang yakapin sa mga sinabi nya saakin. Kahit gustong-gusto ko na talagang umiyak ng mga oras na yun ay pinigilan ko hanggang makauwi kame.Kaya nung pagkauwi namin ay dumeretso nalang ako baba na hindi ko kinukuha mga pinamili ko dahil gusto ko na talaga magkulong sa kwarto at ilabas lahat ng hinanakit ko hanggang nakatulog ako sa mga oras na yun. Hindi ko
[Mike's POV.]Pinatayan nya ako ng tawag? Gusto kong sumigaw kaso naalala ko baka marinig pa ako ni Dad na tanghaling tapat ay nagsisigaw ako dito ayokong mapagalitan! Nakakainis yun ah! Sino ba yun? Saka ano sinabi nya? Doon nag palipas ng gabi si Jane nung isang araw na pinuntahan ko siya? So ibig sabihin hindi umuwi si Jane? Pero nung pumunta ako sabi ng kasambahay nila ay may pupuntahan lang siya saglit. So akala ko uuwi rin siya nun agad? Hindi ko narin siya napuntahan kahapon dahil sinama na naman ako ni Dad sa lakad nya. Hindi kaya yung ex nya ito? Imposible. Tinapos na ni Jane kung ano man ang meron sa kanila diba? Yun ang sabi nya na hindi na sila pwede kasi may pangako siya sa pamilya nya! Pero kung ex nya nga talaga ang kasama nya? May ginawa ba sila? May nangyari ba sa kanila? Hindi imposible dahil mahal na mahal pa ito ni Jane. Hindi ko ata matatanggap kung meron man talaga nangyari sa kanila! Ayokong mag isip ng masama pero yun ang pumapasok sa utak ko ngayon! Na
[Mike's POV]Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or malulungkot sa sagot nya sa tanong ko. Sinabi naman nya na naiwan nya nga yung phone nya sa isang kaibigan pero hindi nya parin sinabi kung sino ito. Kaya hindi nalang ako nag tanong pa baka ako rin naman ang masasaktan kapag sinabi nya talaga ang totoo. Ang mahalaga sinabi parin nya na naiwan nya ito sa isang kaibigan nya. Kahit alam ko naman na yung kaibigan na sinasabi nya ay walang iba kundi ang ex boyfriend n'yang si Jayson. Pero hindi ko maintindihan na bakit nya pa ito pupuntahan kung gusto nya na pala putulin kung ano meron sila?Kung mahal pala nila ang isa't isa bakit hindi nila ipaglaban dalawa ang pagmamahalan nila? Hindi ko na talaga maiintindihan. Nag usap nalang kame at nagkwentuhan. Nang bandang hapon na ay inaya ko siyang lumabas at sa labas na rin mag dinner. Pumayag naman siya agad at nag paalam sa Daddy nya. "Mag iingat kayo. Mike iuwi mo si Jane ng maaga ha?" Sabi pa ni Mr. Ocampo tumango naman ako sa kanya ba
[Jayson's POV.]Nasa condo unit lang ako maghapon dahil akala ko ay pupunta siya dito kasi kukunin nya raw ang phone nya. Hindi naman sa naghihintay ako sa kanya pero yun kasi ang sabi nya na pupunta siya dito kaya hindi ako umalis baka kasi kapag dumating siya walang tao dito. Tss. Hanggang sa maggagabi na pero bakit wala pa rin siya? Hindi naman siya tumawag pa para sabihin saakin na papunta na siya.Teka bakit nya naman ako tatawagan para lang sabihin na papunta na siya? Asa naman ako. Umasa na naman ako.Diba ako naman nag sabi sa kanya na huwag na siya pumunta dito kasi may fiancé na siya? Pero bakit pa ako naghahangad na pupunta pa siya dito? Tsk.Mukhang wala naman pala pupunta dito at naghintay lang ako sa wala minabuti ko nalang na lumabas ng condo at nag drive kahit saan kung saan man ako dadalhin ng kotse ko. Habang nag mamaneho ako ay bigla akong nagutom sakto naman na may nadaanan akong mall kaya nag park ako saka pumasok. Maghahanap nalang ako ng makakainan dito. Ha
[Jane's POV.]Maaga ako nagising kinabukasan dahil may pupuntahan ako. I mean para puntahan at kunin ang phone ko. Habang papasok sa banyo ay ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng excitement hindi ko masabi para saan ito. Siguro na excite ako maligo? Pagkatapos ko maligo ay nag bihis ako agad ng simpleng damit. Isang square neck puff sleeve tee na pinarisan ko ng jeans saka nag suot ng 3inch sandals. Naglagay lang ako ng light make-up bago lumabas ng kwarto. Sakto naman na pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si kuya papunta sa kwarto ko. "Morning kuya." Nakangiting bati ko sa kanya. "Morning rin. Ang aga mo ata? Gigisingin pa naman sana kita." Sambit ne'to at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti nalang ako ng pilit. "May lakad kaba? Saan ka naman pupunta ng ganito kaaga? Huwag mong sasabihin na sa mall dahil alam ko sawang sawa kama kakamall. Huwag mo rin sabihin may trabaho ka ulit dahil hindi naman kita nakita nag apply. Lalo na huwag mong sasabihin saakin na may l
A/N : Warning!! Ang chapter na ito ay may pagka SPG or SPG talaga..[Jane's POV.]Haharapin ko sana s'ya para itulak ng lumapat ang labi ko sa labi nya!Pareho kaming natigilan habang magkalapat parin ang labi naminpero ng makabawi sya ay akala ko aatras ma siya pero iba ang ginawa nya!Bigla nya akong hinapit na baywang saka siniil ng halik. Napapikit naman ako dahil sa ginawa nya. Sa gulat ko ay hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Lalo ng mas diniinan nya ang halik saakin na parang mauubusan siya. Nang maramdaman ko na gusto nyang ipasok ang dila nya sa loob ng bibig ko ay napamulat ako bigla. Sakto naman nagtagpo aming mga mata na kanina nya pa ata ako tinitignan habang hinahalikan ako. Napasinghap ako sa klase ng titig nya na parang nalulunod ako sa lalim ne'to dahilan na maipasok nya ang dila nya sa loob ng bibig ko. Napaungol ako sa wala sa oras dahil ibang klasing hatid na binibigay nya sa aking halik ngayon. Hindi ko namalayan na ang aking sarili na tumutugon na rin sa