[Jayson's POV.]It's been two months ng hindi na nagpaparamdam at nagpapakita saakin si Jane at nung isang linggo ko na siya hindi nakikita saka ko lang natanggap ang resignation letter nya galing sa agency nya. Ano na naman kaya ang nangyari sa kanya at bakit bigla nalang siya susulpot sa harap ko at bigla rin mawawala ng walang paalam? Gusto kong magalit ulit sa kanya pero para saan pa? Iniwan nya naman na ako dati. Ngayon iniwan nya ulit ako kaso wala nga lang paalam. Para saan pa siya para mag paalam saakin? Hindi naman kame. Hindi naman ako importante sa kanya. Tss. Tsk. Bakit ko ba pinoproblema yun?Wala naman na ata yun pakialam pa saakin. Dahil kahit paalam ay hindi nya nagawa. Dalawang buwan narin na hindi s'ya mawala sa isip ko. Iniisip ko kung saan ba s'ya ngayon. Kamusta na kaya siya? Anong ginawa nya ngayon? Napabalikwas ako sa pagkakaupo ko sa office table ko nang mag ring ang cellphone ko. Pagtingin ko ay may tumatawag sa pala saakin. Sino paba ang magkukulit sa
[Jane's POV.]Dalawang buwan na kaming nandito sa ibang bansa at isang buwan pa lang ang nakakalipas nung sinabi ni dad na tuloy ulit yung kasal ko sa anak ng mga Corpuz!Kahit ayoko ay parang wala na rin akong magagawa dahil lahat naman ng gusto ng pamilya ko lalo na si Dad ay kailangan masusunod! Ngayong araw din mismo ay uuwi kami ng pilipinas dahil may roong kunting salo-salo bukas ng gabi sa kasama ang mga Corpuz. Kaya ito kame nag hahanda ng mga gamit namin pauwi ng Manila. ___________________Ilang oras rin ang lumipas bago lumapag ang eroplano na sinasakyan namin sa airport ng Manila.Ang nakakainis lang dahil si kuya ay parang nagmamadali parang may hinahabol? "Ano ba kuya? Bakit nag mamadali ka? Tsk." Iritang sabi ko dahil mas nauuna talaga siya saamin ni dad mag lakad. Tapos ang laki pa ng hakbang n'ya.Kapag susundan ko si kuya ay maiiwan naman si dad sa likod namin. Tss. Kaya bumalik nalang ako kay dad para magkasabay kaming dalawa. "Bakit ganon si kuya, dad? Tignan
[Jane's POV.]Nang makita namin ang pamilyang Corpuz ay pinuntahan agad sila ni Dad at binati. Nasa likod lang kame ni Dad Kaya huli na kame ni kuya nabati nila."Magsi-upo muna tayo. Pasensya na kayo dahil malalate ng kaunti yung anak ko. Na traffic raw kasi siya. Pero malapit na siya kaya mauuna na tayong mag order habang hinihintay na'tin siya ay kumain na muna tayo." Napapahiyang paliwanag sa amin ni Mr. Corpuz tatay ata ng mapapangasawa ko raw.Pansin ko nga rin na sila dalawa lang ng asawa n'ya ang andito. Tss. Parang siya pa yung babae sa amin. Habang nag uusap sila at hindi ko na ma-take yung usapan nila tungkol sa bussiness pagkatapos ng kasal raw ay nag excuse muna ako sa kanila na mag babanyo muna saglit. Nakakainis pa yung mapapangasawa ko ay sa lagay ne'to parang s'ya pa yung napipilitan dito sa tagal n'ya. Nagbanyo lang ako saka tumambay saglit doon para hindi muna ako mausisa sa mesa dahil kahit isa baka wala akong masagot. Lumabas rin ako sa banyo pagkasampung mi
[Jayson's POV.]Matapos nung inoman namin ni Nicole nakaraan ay busy naman ako sa trabaho kina-umagahan hanggang ngayon. Isang linggo na din ang nakalipas na ikwento n'ya sakin na may nakita s'yang babae doon sa banyo at yun rin daw ang pumunta sa condo ko.Ewan ko sa sinasabi n'ya pero sabi ni Nicole ay kilala ko raw yun. Kasi may kamukha raw ito. Hindi nya lang matandaan. Tss. Hindi naman siya siguro diba? Dahil bigla na nga yun umalis tapos bigla rin darating? Napahilot ako sa aking noo dahil sumasakit ang aking mga mata. Ang dami ko kasing paper works ngayon na gagawin at may bago na akong sekretarya. Dahil nga nag resign nalang basta ang isa kong magaling na sekretarya na walang paalam. Tsk.Habang tutok ako sa computer ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa caller ay si Nicole lang pala. Ano naman kaya kailangan neto?"Oh?" Pagkasagot ko habang nagbabasa ng mga articles sa computer ko. [Tsk. Wala man lang 'Hi or Hello', Jayson, napaka suplado mo!] Reklamo
[Jane's POV.]Nakatanaw parin ako sa kanilang dalawa habang papalayo sila sa'amin. Habang nakatingin sa kanilang dalawa ay nasasaktan ako sa isiping magkasama silang dalawa ngayon. Hindi ako basagulera pero parang gustong-gusto kung sabunutan yung yung babaeng kasama nya na si Nicole at sabihing huwag siyang dikit ng dikit sa mahal ko! Pero na isip ko wala pala akong karapatan. Ito nga at alam nya na may fiancé na ako. Dapat maging masaya ako para sa kanya dahil parang ok naman siya? May kasama nga siyang iba ngayon. Kahit mahal na mahal ko pa siya ay hindi na pwede itong nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya dahil next month ay engagement party na namin kahit alam naman na namin na mag fiancé na kame pero gusto parin ng magulang namin mag paparty para sa negosyo nila! Tsk. At alam ko ay isa na s'ya roon sa ininvite ni dad sa party kasi tulad ng sabi ni dad ay lahat ng bussiness partner nila ay invited at alam kung dadalo siya pero sana ay huwag nalang. Kung alam ko lang na
[Jayson's POV.]Isang buwan na rin ang nakalipas ng huli ko siyang makita sa mall kasama ang fiancé nya. Kahit isang buwan na ang nakalipas ay inaamin ko rin sa sarili ko na nasaktan ako ng nalaman ko na may fiancé na pala siya.Alam ko naman sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin siya pero gaya ng sinasabi ko lagi na hindi na kami pwede lalo na ngayon ay ipapakasal na siya sa iba ng pamilya nya. Andito ako ngayon sa opisina ko ng padalhan ako ng invitation card ng mga Corpuz para doon sa gaganaping party nila. Hindi ko naman para saan ang party pero ang alam ko ay lahat ng mayayamang bussiness tycoon ay dadalo sa party na ito. Kung hindi siguro ako mayaman ay imposible naman na bibigyan nila ako ng invitation card para makadalo sa party ng mga Corpuz. Tss. Hindi ko alam kong makakapunta ba ako dahil sa susunod na araw na ito gaganapin. Sabado ito ng gabi gaganapin. Ewan ko pero wala akong gana pumunta at kinakabahan ako. Hindi ko ma discribe ang nakakaramdam ko.Siguro dahil p
[Jane's POV.]Kakagising ko lang ay hindi pala ginising talaga ako ni dad dahil ngayon araw na yung sinasabi nilang party kasabay sa engagement raw namin. "Anak, bumangon kana dyan. Tanghali na at kumain kana sa baba kasi mamaya darating yung mag aayos sayo bago tayo pumunta sa party." Sabi neto kahit kanina nya pa sinasabi yan ay inulit nya pa siguro akala ko makakalimutan ko. Tsk. Gabi pa naman mag uumpisa eh. Ang alam ko bandang 7pm pa naman. "Dad inaantok pa po ako.Mamaya nalang ako kakain." Sagot ko saka nagtalukbong ng kumot. "Hay nako anak. Sige basta bumaba kana mamaya." Sambit neto saka lumbas ng kwarto ko. Tsk. ayoko talagang bumangon dahil ayoko mag iisip lalo na tungkol mamaya. Alam ko naman na engaged na talaga ako pero ibang kaba meron ako ngayon. Yung feeling na malapit na din akong ikasal sa taong hindi ko mahal. Ewan ko ba parang hindi ko naman s'ya matiis kapag iniisip kung hindi siputin si Mike mamaya. Tulad ng date namin nung isang araw at ang sabi nga nya k
[Jayson's POV.]Kakarating lang namin ni Nicole dito sa venue ng party ng mga Corpuz at andito kame sa nakalaang table para saakin. Tsk. Ewan ko ba at bakit pumunta pa rin ako dito. Ang boring naman dito puro mga tungkol sa bussiness lang ang topic ng mga tao. At nakakainis pa itong kasama ko naman ay parang mababali na ang leeg panay lingon kung saan-saan titingin para may hinahanap. May kilala ba siya dito? "Nic, ano ba yun? Umayos ka nga. Ano ba tinitignan mo? May kilala kaba dito?" Tanong ko sa kanya sabay hila sa braso nya para umayos siya ng upo. "Tsk. May hinahanap lang ako!" Sagot nya at hindi sinagot ang tanong ko."Ano ba hinahanap mo? Umayos ka nga baka ano isipin ng ibang bisita dito sayo." Saway ko sa kanya dahil panay lingon na naman niya kahit saan. "Ano naman pakialam nila? Hinahanap ko si Michael! Pucha naman kasi yun! Andito na sila sa pinas hindi parin nag papakita saakin pero yung kapatid nya ay nakita ko na!" Inis na sambit neto at umayos narin ng upo. Si Mi