[Jane's POV.]Kakagising ko lang ay hindi pala ginising talaga ako ni dad dahil ngayon araw na yung sinasabi nilang party kasabay sa engagement raw namin. "Anak, bumangon kana dyan. Tanghali na at kumain kana sa baba kasi mamaya darating yung mag aayos sayo bago tayo pumunta sa party." Sabi neto kahit kanina nya pa sinasabi yan ay inulit nya pa siguro akala ko makakalimutan ko. Tsk. Gabi pa naman mag uumpisa eh. Ang alam ko bandang 7pm pa naman. "Dad inaantok pa po ako.Mamaya nalang ako kakain." Sagot ko saka nagtalukbong ng kumot. "Hay nako anak. Sige basta bumaba kana mamaya." Sambit neto saka lumbas ng kwarto ko. Tsk. ayoko talagang bumangon dahil ayoko mag iisip lalo na tungkol mamaya. Alam ko naman na engaged na talaga ako pero ibang kaba meron ako ngayon. Yung feeling na malapit na din akong ikasal sa taong hindi ko mahal. Ewan ko ba parang hindi ko naman s'ya matiis kapag iniisip kung hindi siputin si Mike mamaya. Tulad ng date namin nung isang araw at ang sabi nga nya k
[Jayson's POV.]Kakarating lang namin ni Nicole dito sa venue ng party ng mga Corpuz at andito kame sa nakalaang table para saakin. Tsk. Ewan ko ba at bakit pumunta pa rin ako dito. Ang boring naman dito puro mga tungkol sa bussiness lang ang topic ng mga tao. At nakakainis pa itong kasama ko naman ay parang mababali na ang leeg panay lingon kung saan-saan titingin para may hinahanap. May kilala ba siya dito? "Nic, ano ba yun? Umayos ka nga. Ano ba tinitignan mo? May kilala kaba dito?" Tanong ko sa kanya sabay hila sa braso nya para umayos siya ng upo. "Tsk. May hinahanap lang ako!" Sagot nya at hindi sinagot ang tanong ko."Ano ba hinahanap mo? Umayos ka nga baka ano isipin ng ibang bisita dito sayo." Saway ko sa kanya dahil panay lingon na naman niya kahit saan. "Ano naman pakialam nila? Hinahanap ko si Michael! Pucha naman kasi yun! Andito na sila sa pinas hindi parin nag papakita saakin pero yung kapatid nya ay nakita ko na!" Inis na sambit neto at umayos narin ng upo. Si Mi
[Jane's POV.]Sakto naman ng dumating kami nila dad at kuya sa may venue ng party ay kakasimula pa lang ne'to saka kame sinalubong ni Mike. Inikot ko ang aking paningin sa loob ng venue ng may napansin ako or tamang sabihin na may nahagip ang mga mata ko na walang iba kundi ang nag-iisang lalaking nagpapatibok ng puso ko mula noon at hanggang ngayon. Bakit siya pumunta? Kahit ayaw ko na pumunta siya pero sa loob-loob ko na gusto ko siya makita ngayong gabi. Gusto nya rin ba ako makita? Kasi ako gustong-gusto ko siyang makita kahit mali dahil may fiancé na ako pero anong magagawa ko kung namimiss ko siya? Nang mapansin kung lilingon siya sa gawi namin ay binaling ko agad sa iba ang paningin ko saka nakipagbatian na rin sa iba pang kasama namin. Tss. Kasama ko ngayon sa tabi si Mike na fiancé ko pero ibang lalake ang nasa isip ko?Kahit naiilang pa rin ako sa kanya dahil sa paraang pananalita nya at pag aakto nya na parang wala lang sa kanya yung pag amin nya sakin?Hello? Naiilang
[Jayson's POV.]Nang makaalis sila Nicole at Michael ay hindi ko mapigilan ang mainggit. Mabuti pa si Nicole ay ayos na yung problema nya nakikita at nahahawakan na nya ang taong mahal nya. Ang akin naman ay nakikita ko rin naman. Kitang-kita nga ng dalawang mata ko na kasama ang iba na masaya! Pero hindi ko naman mahahawakan dahil hindi na s'ya para sa akin!Halos hindi na nga ako nakikinig sa mga pinagsasabi ni Mr. Corpuz at Mr. Ocampo sa stage dahil sa kanya lang ako nakatingin. "Sana ako nalang uli Jane.." Malungkot na sambit ko saka ako tumayo at lumabas muna sa likod ng venue para mag pahangin. Dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko at gusto ko nalang ngayon magpahinga at kailangan ko ng hangin dahil naninikip ang dibdib ko. Paglabas ko ay may nakita akong mini garden doon at may mga ilang bench kaya umupo ako doon. Nakakawala ng bigat sa dibdib ang tanawin ng garden lalo na nasisinagan ito ng buwan. Napakaganda tignan. Habang nakaupo ako doon ay hindi ko maiwasan na maal
[Jane's POV]Habang naglalakad s'ya papalayo sa kinaroroonan ko ay para ring pinipiraso ang aking puso. Lalo na sa mga sinasabi nya saakin. Ang sakit pero wala lang itong sakit na nararamdaman ko kesa sa kanya!Mula noon at hanggang ngayon ay sinasaktan ko s'yaKaya hindi dapat ako magreklamo na nasaktan ako sa mga sinasabi nya. Dahil dapat lang ito saakin. Sinaktan ko siya ng paulit-ulit. At kahit isang paliwanag at wala akong naibigay sa kanya. Ilang minuto ako nandoon at hinihimay ang mga sinabi nya saakin na pinaglalaruan ko lang siya at kahit kailan ay hindi minahal. Diyan s'ya nagkakamali dahil mula noon at hanggang ngayon ay minahal ko siya at mahal na mahal ko parin s'ya.Kaya lang naman kame nasasaktan dahil hindi na kami pwede. Dahil may pinangako na ako sa pamilya ko at lalo na ngayon ay binigyan pa ako ng lalaking papakasalan. Siguro ay mamahalin ko nalang sya sa paraang ako nalang yung nakakaalam saaming dalawa!"Jayson, mahal na mahal kita. Mamahalin kita hanggang sa
[Jane's POV.]Isang buwan na ang nakakalipas matapos ang party ng mga Corpuz at isang buwan na rin na huli kong makita at nakausap si JJaysonNakausap nga ba kame? Oo, para sakin ay nag usap kami kaya lang sya yung maraming sinabi. Isang buwan na rin na palagi akong inaayang lumabas ni Mike. Ewan ko pero kahit tinapat ko na sa kanya ang totoo pero hindi parin siya nag bago. Mas lalo lang siya nanging sweet saakin at gusto ko siyang kasama parang magaan ang loob ko sa kanya pag nandyan sya sa tabi ko. Ito na ba yun? Kapag gusto ko ang presensya nya ay may nararamdaman na rin ba ako sa kanya? Hindi ba pwedeng gusto ko lang ang presensya kasi kaibigan na turing ko sa kanya? Kahit ipapakasal na ako sa kanya pero ang nararamdaman ko para sa kanya ay walang wala sa nararamdaman ko para kay Jayson. Ang gulo ko! Ano naman kung magkagusto ako sa kanya bilang lalake? Diba yun naman gusto ko? Para kalimutan ko na siya at mawala yung nararamdaman ko sa kanya? Tss. At bakit ba ako nangangamb
[Micheal's POV]Pagkaalis ni dad ay tinawagan ko naman agad si Nicole. Dahil yari naman ako ne'to sa kanya. Sinabi ko lang naman sa kanya maghintay siya sandali at pinatayan ko agad ang cellphone na may sinasabi pa sya. Si dad naman kasi bigla-bigla pupunta dito. Tapos sasabihan pa akong babae ko raw ang inuuna ko?Syempre busy rin ako sa trabaho tapos totoo naman sa babae pero hindi lang to basta babae no mahal ko kaya to. [Hoy! Micheal bakit mo ako agad pinatayan ng tawag ha?] Sumbat ne'to agad saakin pagkasagot nya ng tawag ko. Tss. Kahit kailan ang daldal nya. "S-sorry? Bigla kasing pumunta dito si Dad. Bigla nya pumasok ng opisina ko. Kaya hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sayo." malumanay na paliwanag ko sa kanya. [H-ha? Andyan paba ang daddy mo? Nako! Sorry rin at nasigawan kita. Akala ko kasi kung ano na ginawa mo ang tagal mo kasi.] Kita mo ito. Nag sorry na nga nasisi pa ako. Tss. "Wala na si Dad. Kakaalis lang. Pero ano yun? Anong akala mo na ginawa ko?" Seryoson
[Jane's POV]Pagkaalis ni dad ay wala tuloy akong maisip kung hindi s'ya.Kaya lang naman ako lagi umaalis or kasama si Mike sa pamamasyal ay para ibaling sa iba ang atensyon ko. Pero ngayon parang hindi ko na magawa. Gusto ko siyang makita kahit ngayon lang. Kahit sa malayuan lang. Gusto ko lang siya masulyapan ng mabilisan. Dahil ikakasal na naman ako ay lulubusin ko nalang ang oras na meron ako. Gusto ko siyang makita pero kailangan ko muna siyang tawagan. Nakailang tawag na ako pero walang sumasagot sa tawag ko. Hindi nya ba dala ang phone nya? Dahil ring lang ito ng ring. Saan kaya siya? Bakit hindi niya sinasagot? Or baka nasa trabaho pa siya? Anong oras na ba? Tinignan ko ang orasan ko ay saktong 5pm ng hapon. Ah baka nasa trabaho pa nga siya. Gusto ko pa naman makipag'usap sa kanya ng masinsinan. Gusto ko siyang makita ngayon. Kaya napagpasyahan ko nalang na puntahan sya sa opisina nya. Baka nandun naman siya diba? Kung hindi sasapat ang pag silay sa kanya ay lalapitan k