Share

School

CHAPTER 2

Kwentuhan lang kami hanggang sa dumating kami sa bahay at nagpaalam narin ito.

Lumipas ang isang araw ay naghahanda na ako sa lahat ng gagamitin ni Uone dahil malapit na itong mag-aral at kailangan ko na rin siyang i enroll.

"Uone!" tawag ko nito agad naman itong lumingon sa akin at lumapit.

"Why Mommy!" cute na ani nito, kaya agad ko naman itong binuhat at hinalikan sa noo ito.

Niyakap ko ito ng mahigpit at napaiyak sa tuwa.

"Mommy are you crying!" dahilan para ngitihan ko ito.

"Yeah, Mommy is crying but tears of joy lang naman to!" nakangiti kong ani nito.

Pinagmasdan ko lang ako ni Uone at mayamaya ay natulog na ito kaya nilapag ko na ito sa kanyang kama.

"Goodnight Uone, mahal na mahal ka ni Mommy, at walang sino mang makakatumbas sayo!" nakangiting sabi ko nito at hinalikan ulit sa noo at kinumutan.

Dahan dahan naman akong naglakad upang hindi makagawa ng ingay.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay dahan dahan ko itong binuksan at dahan dahan sinirado.

Nang naka baba na ako ay naisipan ko namang magluto ng tanghalian dahil 11 am na.

Kumuha muna ako ng gulay at hinugasan, nagpasalamat naman ako kahit na hindi kamukha sa akin si Uone namana naman niya sa akin ang mahilig sa gulay.

Pagkatapos ko itong hugasan ay hiniwa ko naman ito at nilagay sa pinggan at naisipan ko naman itong samahan ng manok upang mas lalo itong masarap.

Nang naluto na ito ay hinanda ko na sa mesa.

Pinuntahan ko naman si Uone sa kwarto at naisipang gisingin ito.

Ngunit hindi na pala kailangan dahil nagising na pala ito habang kinukusot kusot ang mata.

"Gising ka na pala!" ngiti kong bati nito at binuhat.

"Are you hungry?" nakangiti kong tanong at kasabay ang pagtango nito.

Nang nakarating na kami sa mesa ay agad ko naman itong pinaupo.

Sinumot naman niya ito at ngumiti.

Ngunit napatingin naman ako sa cellphone kona tumunog ito.

Kaya kinuha ko ito at tiningnan, nagulat naman ako dahil unknown number ang nakalagay. sasagutin ko sana ng bigla itong pinatay, tatalikod na sana ako ng bigla na naman itong tumunog.

Kaya dalidali ko itong dinampot at sinagot, "Kung sino kamang baliw na tumawag sa akin pwede ba tumigil ka na!" inis na sigaw ko nito kasabay naman ng may narinig akong tumawa sa kabilang linya.

[Hey Quena are you okay] dahilan para hindi ako makasagot imposible namang si Owen yung tumawag kanina dahil naka unknown number naman yon.

"Yeah, pasensya na sa pagsigaw ko!" hingi ko ng sorry nito.

[It's okay!] tumagal ng ilang segundo ang tawag namin at nagpaalam na ito kaya bumalik na ako kay Uone at tapos na pala ito sa pagkain.

"Sino po yung kausap mo Mommy sa phone?" tanong nito .

"It's your Daddy Owen!" nakangiti kung sagot.

"Why did not you tell me?" nakasimangot na ani nito. "Because your eating!" sagot ko.

Nang natapos na ito ay agad ko namang niligpit at hinugasan.

Hanggang sa natapos ako ay umakyat na kami sa taas.

Nagising ako ng may nagyugyug sa akin kaya minulat ko naman ang mata ko at bumungad ang nakangiting mukha ni Uone at hinihila ako.

"Mommy wake up!" sabay hila sa akin kaya tumayo nalang ako.

"Okay! okay! gigising na!" kaya naman ito ay tumalon.

"Mommy I'm excited!" habang tumatalon ito. "Uone stop that baka mapano ka!" kaya naman tumigil ito, masaya kasi siya dahil mag-eenroll na siya akala naman siguro nito papasok na.

Pagkatapos kong maligo ay pinaliguan ko naman si Uone at pagkatapos ay binihisan.

Ang school na papasukan niya ay kalahating oras muna bago darating kaya ay nagmadali naman ito dahil excited na siyang makita ang school niya.

Pinakain ko na muna ito para hindi naman siya madali magutom.

Pagkatapos ay lumabas na kami ng bahay at sinirado ko naman at pumunta sa kotse.

Binuksan ko naman ang frontseat at inalayan si Uone umupo at lumibot naman ako upang buksan ang kabila.

Nagsimula naman akong magmaneho habang si Uone ay nanunuod ng Abcd na letter.

Naisipan ko namang mag pa music upang malibang din ako dahil malayo pa ang byahe.

Nakinig lang ako ng kanta hanggang sa dumating kami sa harap ng gate at binuksan naman ito ng guard kaya nagmaneho ako upang pumasok.

"Wow, Mom the view is really nice!" manghang sabi ni Uone.

Kaya naman ay pinark ko na ang kotse at lumabas kami.

Linibot pa ni Uone ang paningin niya kaya naman natawa naman ako.

Naglakad mona kami upang pumunta sa dean office dahil private ang school nato at ayaw ko ding mahirapan si Uone.

At dahil naman ay tinuro na sa akin kung saan ay madali ko lang itong nahanap.

Kumatok muna ako ng tatlong beses at bumukas naman ito.

At may studyanteng bumungad sa amin dahil sa itsura nito.

"Tuloy po kayo!" nakangiting sabi kaya pumasok naman kami.

Nakita ko naman na may nakaupo na hindi katandaan na babae at sa mukha nito ay masasabi mung sobrang ganda.

"Good Morning!" nakangiting bati ko kaya napatingin ito sa akin bago tumingin sa anak ko. "Good Morning din ang take a seat!" nakangiti ring sabi.

"What is your name?" tanong nito kaya bumungtong hininga muna ako at nagsalita. "Ako nga pala si Quena Washin Estrela, at si Uone Ice Estrela anak ko po?" nakangiti kung sabi. "Hello po!" nakangiti namang bati ni Uone kaya napangite naman ito at kasabay ang pagkahinto ko bakit magkapareho sila ng apelyido.

"May problema ba?" tanong nito ngunit umiling lang ako nito. "Yacazo po ang apelyido niyo?" hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. "Yes why?" tanong nito kaya nag isip naman ako ng palusot eh ano naman kong Yacazo ang epelyido niyo siguro nagkataon lang naman.

"Wala naman po HEHEHE!" pike kong sabi.

Pagkatapos namin ay nagpaalam na kaming umalis na.

At marami na palang tao ang nakapila kaya naman ay binuhat ko nalang si Uone para hindi na rin mapagod.

Umusog muna ang mga tao para maka raan kami kaya nagpasalamat naman ako.

Sa hindi inaasahan ay may nabunggo ako kaya naman ay tumingin ako nito at nagulat.

Matagal narin na panahon na hindi ko ito nakita.

"Hala ikaw na ba yan Quena! ang ganda mo na! may anak kana?" sunod sunod na tanong nito medyo ngumiti naman ako ng hilaw nito.

"I'm sorry nabunggo kita!" dahilan para mapahinto ito. "Ano kaba wala lang yon!" ngiting sabi nito at napatingin naman ako sa kasama nito isang cute na batang babae.

"Anak mo?" tanong ulit nito. Tumango naman ako bilang sagot. "Wow ilang taon na siya?" hindi makapaniwalang saad nito. "4 year's old!" maikli kung sagot.

"So ibig sabihin niyan may asawa kana?" dahilan para mainis ako ano ba to bakit ba tanong ng tanong at feeling close. "Yes may asawa na ako kaya nga may anak na ako!" inis na saad ko at nilagpasan ito, nawalan tuloy ako ng gana.

"Hey! I'm sorry Washin kung naging madaldal ako!" tawag nito sa akin upang matigil ako paglalakad. huli ng maglakad ulit ako ng nasa harapan na ito sa akin.

"Ano bang ginagawa mo bakit nasa harapan na kita!" inis na asik ko nito. "Gusto ko lang mag sorry sayo!" malungkot na ani nito. "It's okay matagal na yon kaya kung pwede umalis kana sa harapan ko!" inis na sabi ko nito at nagpasalamat naman ako ng umalis ito sa harapan ko.

Pagkarating ko sa kotse ay nagtanong naman si Uone kung bakit daw ako galit ngunit sinabi ko lang nito na hindi ako galit dahil ayaw kong makita niya na may galit ako sa ibang tao.

Hindi ko alam simula nung nasaktan ako ay nawalan ako ng ganang magtiwala sa ibang tao maliban kay Owen dahil alam ko namang mabait itong tao.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status