แชร์

First time

CHAPTER 4

I woke up early so that I could prepare Uone's things, at makapaghanda narin ng aming agahan.

Subrang tulog parin nito kaya dahan akong naglakad upang hindi makagawa ng ingay, nang nasa tapat na ako ng pinto ay lumingon muna ako nito bago binuksan.

I couldn't believe it, because I used to carry Uone, but now he's going to school, ang dali lang talaga lumipas ng panahon.

Prepare na lahat ng bag, notebook, paper, bondpaper, at lapis at iba pa na nilagay ko sa bag nito.

Pagkatapos naman ay nagluto ako ng baon nito.

at nilagay ko na rin sa baonan pagkatapos kung magluto.

Sa umaga naman ang maghahatid kay Uone sa school si Owen tapos paghapon naman ay ihahatid na ito sa school bus kasama ang mga kaklase nito.

Umukyat naman ako sa taas upang gisingin ito at ng nakapasok na ako sa kwarto ay agad akong lumapit at dahan dahang ginising.

Mayamaya ay nagkusot ito ng mata at dahan dahan dinilat at tumingin sa akin.

"Mommy!" nakangiting bati nito kaya binuhat ko at tumongo sa cr upang paliguan.

Nang natapos na ako sa pagpaligo nito ay binihisan ko ito ng kanyang uniform na bumagay naman sa kanya, pansin kong natutuwa ito.

Hanggang sa bumaba na kami upang makakain, nilagyan ko naman ng pagkain ang plato nito at hindi na nagpasubo sa akin dahil kaya na daw niyang kumain mag isa umiling nalang akong ngumiti nito.

Pagkatapos kumain namin kasabay naman na may narinig akong bumusina sa labas kaya tumingin ako sa bintana at tanaw ko si Owen sa labas.

"Your Daddy Owen is already there!" nakangiti kung sabi nito dahilan para tumakbo si Uone papunta sa pinto. "Uone be careful!" pag-iingat na sabi ko.

Ngunit tumawa lang ito sa akin at pilit inaabot ang doorknob. nang hindi ito maabot ay tumingin ito sa akin habang nag puppy eyes kaya naman lumapit ako nito at dahan dahan binuksan ang pinto.

"Good morning!" nakangiting bati sa amin ni Owen kaya naman ngumiti ako. "Ang aga munaman ata!" nakangiting sabi ko. "Para naman hindi mahuli ang big boy ko!" nakangiting sabi ni Owen at ginulo ang buhok ni Uone.

"Daddy Owen, don't mess with my hair, I'll lose my pogi!" dahilan para matawa kami ni Owen pareho.

Humalik muna sa akin si Uone bago nagpaalam ang mga sa akin. Hanggang sa nakaalis ito bago ako pumasok sa loob.

Umakyat muna ako sa taas at balak na linisin ang bahay kahit wala naman gaanong madumi.

Naisipan ko na rin maghanap ng trabaho dahil nahihiya narin ako kay Owen sa pagtulong nito sa akin.

At kailangan ko rin maghanap nang magbabantay kay Owen.

Lumipas ang ilang minuto ay naisipan ko namang tawagan si Owen kung maayos ba nito nahatid si Uone hindi naman sa wala akong tiwala ay nag-alala lang ako dahil ito ang unang araw na wala ako sa tabi ni Uone.

Nag ring muna ito bago sinagot ang tawag, "Hey Quena napatawag ka!" rinig kung sabi sa kabilang linya. "Gusto ko lang sanang matanung kung maayos ba na dumating si Uone sa school!" narinig kung nagbuntong hininga ito may mali ba akong nasabi.

"I'm sorry Owen hindi naman ganon ang ibig kung~ hindi natapos ang sasabihin ko ng nagsalita ito, "It's okay Quena alam ko naman na nag-alala ka dahil first time mung hindi makakasama si Uone kaya don't worry okay!" medyo napanatag naman ako sa sinabi nito.

Natapos ang tawag namin dahil may tumawag nito na siguro secretary niya, nakaramdam ako ng hiya bakit ba ako nakapagsabi ng hindi maganda na salita sa kanya.

Dahil sa marami akong iniisip ay hindi kona namalayan na hapon na pala ay ilang minuto nalang dadating na si Uone.

Kaya dali dali akong nagluto ng pagkain pang hapunan.

At nagpasalamat naman ako ng madali lang ako nakapaghanda.

May narinig akong bumusina sa labas kaya naman dali dali akong lumabas at kita kona si Uone na nag ba bye sa mga kaklase niya.

Binuhat ko naman ito at inamoy kahit pawisan ito ang bango parin at binitbit ang bag na hindi kalakihan.

"Uone how's school!" nakangiting tanong ko kita ko naman ang pag kunot ng mukha dahil siguro sa pagtawag ko ng baby nito.

"Mommy wag mona akong tawaging baby I'm big boy na po!" nakangusong sabi nito kaya kinurot ko ang tungki ng ilong nito.

"Baby Uone but you are 4 years old and still my baby!" nakangiting sabi ko nito at pumasok sa bahay.

Binaba ko naman ito sa upuan at sinamulang lagyan ng pagkain ang pinggan nito.

"Kumain ka ba ng tama Uone!" ngiting sabi ko at tumango naman ito bilang tugon.

"Good, how about naman sa classmate mo mabait ba sila sayo?" nakangiti ko pang tanong nito.

"Yes, Mommy, at may nagbigay sa akin ng candy!" pagmamalaki na sabi nito, mabuti naman at mabait ang mga kaklase niya.

"But Mommy halos mga Daddy nila ang naghatid sa kanila sa school!" dahilan upang matigilan ako, kahit na ganon ang nangyari sinabi ko parin kay Uone na hindi si Owen ang ama nito.

"Mom mahal ba talaga ako ni Daddy?" tanong pa nito. hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong nito sa akin.

"Uone you're food is cold na!" sabi ko nalang nito at mabuti naman at hindi na nagtanong ito tungkol sa ama niya.

Natapos kami sa pagkain at mabuti naman at hindi nagtatampo sa akin si Uone dahil nung sinabi ko sa kanya ang totoo ay tudo iyak ito at nahihirapan pa ako sa pagpatahan.

Napahinto naman ako sa pag-iisip ng may inabot ito sa akin na tatlong papel.

"Mommy! perfect po ako sa quiz!" nakangiting sabi ko nito, namana talaga sa ama nito ang pagkamatalino dahil ako dati ay good student lang napailing iling nalang ako sa naiisip ko.

"Wow I'm so proud of you Baby Uone!" nakangiting yakap ko nito, at hindi mapigiling maluha dahil hindi ko ito nabigyan ng kompletong pamilya.

"Mommy Why are you crying po!" nang bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin. "Because I'm happy Uone that you came into my life!" nakangiting sabi ko nito.

Dahan dahan kung hiniga si Uone sa kama dahil habang niyakap ko ito kanina ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ito.

Binigyan ko naman ito ng halik sa nuo at kinumutan, humiga naman ako sa tabi nito at tumingin sa kisame.

Kahit na galit ako kay ate ay na mi miss ko parin ito dahil mahal na mahal ko ito ang hindi ko lang matanggap kung bakit ako niloko ng mga ito.

Hanggang sa dinalaw ako ng antok dahil sa mga iniisip ko.

Nagising ako dahil sa malakas na ulan, at napatingin ako kay Uone ng umiiyak ito habang tinatakpan ang dalawang tainga.

"Mommy natatakot ako!" iyak na sabi nito, Uone is afraid of rain lalo na kung may kidlat.

Niyakap ko naman ito ng mahigpit at nagsimulang patahanin.

"It's okay nandito lang si Mommy sa tabi mo!" patahan ko nito hanggang sa nakatulog ulit ito habang yakap ko. May bagyo ba na paparating? tanong ko sa aking sarili.

At napatingin naman ako sa phone ko ng may messgae ito kaya naman dahan dahan ko ulit hiniga si Uone upang tignan ang message.

Binasa ko ang message na galing sa teacher ni Uone at nag inform na walang pasok dulot ng malakas na ulan.

Naisipan ko nalang bumaba dahil magluluto ako ng pang umagahan total natulog naman ulit si Uone.

Nag-aalala parin ako dahil lumakas pa ng husto ang ulan at paano nalang kung mawalan ng kuryente hindi pa naman ako nakahanda ng mga gamit at hindi rin na charge ang phone.

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด

DMCA.com Protection Status