“Jigo, nagba-vibrate na naman ang phone mo,” sabi niya rito. Nakapatong ang gadget sa ibabaw ng nightstand at ilang beses na iyong nagparamdam.
Nagbuntunghininga ito, saka isinubsob ang mukha sa liko ng leeg niya at balikat habang niyayakap siya nang mahigpit.
Matapos ang ilang sandali ay tumihaya siya ng higa para makita niya ang mukha nito. “It’s Monday. Baka natataranta na si Maria sa opisina.”
Marahan itong tumango habang nakatingin sa kanya.
Nginitian niya ito. “Punta ka na lang uli rito kapag may free time ka na.”
Pinisil nito ang pisngi niya. “Let’s go out.”
Nakagat niya ang ibaba niyang labi. Naramdaman na niya iyon, na may sasabihin itong ganoon. At sa totoo lang, naisip na rin niya ito noong na-miss niya ito kahapon.
Akala pala nito ay buong weekend silang magkakasama ng kanyang mga kaibigan. Pero may pampamilyang lakad sina Kacey at Joana, habang s
Mabagal ang kurap ni Jigo habang titig na titig sa kanya. “Us. My god, Fae. Ang dami kong sinabi and you only need to say one word…”Nakagat niya ang ibabang labi. “There is an ‘us?’ Talaga?”“You betcha, there is. Don’t you take it back.”“I’m taking it back.”“NO, you will not.” Saka siya nito kiniliti. Sa sumunod na mga sandali ay puro sigaw at halakhak niya ang maririnig sa kwarto hanggang naiiyak na sa katatawa niyang pinangakong hindi na niya babawiin ang kanyang sinabi.“What do you think?” tanong nito habang nakatukod ang mga siko sa magkabila niya, nakabantay sa kanya habang humihingal pa rin siya.Umikot ang kanyang mga mata. “Whatever you’re thinking.“Natatawa ito. “Which is…?”“We’re going… dating?”“I want them to see us dating. Lalo na ‘yong mga gustong manligaw sa ‘yo dahil wala nang sagabal na Carl.”“Ah, so dahil hindi ka marunong manligaw, ayaw mong ligawan ako ng mga marunong—nooo!” Kinikiliti na naman siya nito hindi lamang ng mga kamay nito kundi ng mga labi. “St
Nakaligid na si Jigo sa island noon at niyayakap na si Fae. “I’m so sorry. I’m sorry it happened to you. That it’s still happening to you.”“Noong kasal, parang ang sama-sama kong tao noong araw na ‘yon. Tapos ni hindi pala ako invited. Tinakas lang pala ni Sarah ang invitation ko. Naging walang kwenta lang iyong pagpunta ko roon para patunayan kay Carl na masaya ako para sa kanya at walang nagbago. But something did. That day changed us. All that could have been prevented, you know? Kung hindi na lang ako dumalo.”“I know. She’s a bitch, but he’s such a prick.”Umalpas ang tawa sa bibig niya.“It’s true,” anito habang bahagyang inuurong ang dibdib sa kanya para matulungan siyang magpahid ng luha at suklayin ang mga hibla ng buhok niyang humarang sa kanyang mukha. “He’s such a moron. Bagay silang dalawa.”“Kaibigan mo s
“For fuck’s sake, Fae?!”“What?” deadpan niya kahit nagulat siya kasi bihirang magmura si Jigo. Noon nga ay ni hindi niya ito naririnig magmura pre-Carl-wedding days.Tinitigan siya nito habang nakatiim ang bagang at straight line ang mga labi. He looked so adorable, hirap na hirap siyang magpigil tumawa. “I just found out that prenup and annulment are my most hated words so please tell me this is the last time I’m going to hear them from your lips.”Humalukipkip siya at iningusan ito. “Isang abogada ang gusto mong pakasalan, Jigo. Of course, I will articulate my conditions for this proposed marriage.”Huminahon ito. “Alright… in regard of or in spite of an annulment, you will receive everything I will give you on my Last Will. Pero ngayon pa lang, sasabihin ko na—I am not entertaining the possibility of it in our marriage, Fairy.”“Of annulm
“Pero sinuot ko ito para sa ‘yo,” reklamo niya.“I know. And those are mine…” sabi nito tungkol sa cleavage niya. “Kaya ayokong may ibang makakita and imagine you—just change, please, babe? Please?”Unfair.But she went. Unang beses iyon na lalabas sila sa isang date pero hindi ang unang beses na naranasan niyang naging possessive ito sa kanya sa harap ng ibang mga lalaki.It happened at the resort when they swam at the beach. Tinakpan siya nito ng tuwalya noong may mga lalaking turistang hayagang nanood habang nagla-lakad siya pabalik sa buhangin mula sa tubig. Naka-bikini siya noon. Pinasuot na nito sa kanya ang shorts niya at t-shirt nito noong gusto pa niyang mag-langoy.Hindi siya nainis kundi natuwa pa sa ginawa nito. Parang ang possessive masyado, but she didn’t mind then. Ngayon pa ba na asawa na niya ito?Ang ipinalit niya ay color-coordinated rito. Sleeve
“’Yun si Jigo Myrick? Teka. ‘Di ba barkada siya ni Carl noon sa campus?” sambitla ni Joana noong makaalis ito. “Noon ko pa iniisip na parang pamilyar ang mukha niya… kasi alumni siya sa school natin!”“Oh my god, mas mayaman ang mga Myrick sa mga Easton, ‘di ba?” sabi naman ni Kacey. “Teka wait… siya ‘yung may-ari n’ung resort at n’ung isla!”“Ay, gurl… ang galing…! Nakahanap ka ng rebound na much better pa kay Carl. Gwapo at sex appeal, over the roof… my god! That’s how you play the game!” buyo ni Pam na nagniningning ang mga mata. “So, may kapatid ba siya? Mga pinsan na kasing howt niya?”Nagtawanan ang tatlo. Tumawa rin naman siya, saka naaasiwa siyang ngumiti. “Actually, hindi ko siya rebound. I like him. I really like him.”Nagtatawanan pa rin ang mga ito, pero noong hindi ni
Kinabukasan, sinama siya ni Jigo sa bahay nito—nila—sa unang pagkaka-taon. Bago iyon ay sa pent suite nito sa Manila pa lang siya nito naiuuwi pero mas madalas silang sa condo niya natutulog. Para kasing laging ang daming tao sa building ng pent suite nito na nasa gitna ng BGC habang mas konti sa kanya na nasa kabilang dulo. Mas private sa lugar niya.Ang residential property nito as isang gated half-hectare land sa Quezon City. Manor style ang bahay na nakatayo sa bandang likod ng maluwang na grounds, two-storey at may left wing. Puno ng mga halamanan ang mga hardin pero ang pinakapaborito niyang spot ay ang man-made koi pond. Napapa-libutan iyon ng iba-ibang klase ng tropical plants, banana trees at palm trees tapos naka-arrange na mga batong galing ilog at limestones ang border. Mga malalapad na marble slabs na magaspang ang cut ang bumubuo ng hagdanan na pwedeng babain para makapaglaro sa malinaw na tubig.Noong tinanong niya kung paano nalilinis ang tubig dahil napakalinaw niyon,
Nagpatuloy si Jigo. “She was impatient with me. Bakit daw hindi kita sinusubukang ligawan para hindi si Carl lang ang nakikita mo? Then noong eighteenth birthday party mo kina Carl,” anito. “I danced with you, remember? She was over-the-roof sa kilig. Bagay na bagay daw kasi tayo.” Relaxed si Jigo habang nagkukuwento.“You’re kidding me,” sabi pa niya. Nag-iinit ang mukha niya. Naalala pa niya ang sayaw na iyon kagabi. Ganoon ba talaga ka-sync ang mga utak nila ng lalaking ito na pai sa mga naaalala at iniisip ay nagkakapareho?Natitilihan siyang isipin na may ganoong ganap pala ang lola nito. Ami-nado siya na giliw na giliw ito sa kanya kasi naramdaman niya. Kilala itong istrikto pero maliit pa siya ay masuyo na ito sa kanya. Meron pa nga itong tahimik na pwesto sa puso niya dahil sa isang act of kindness nito noong bata pa siya.Iyong lady watch nitong regalo noon sa kanya. Noong twelfth birthday niya, niregaluhan siya nito ng wrist watch na manipis ang strap at preppy ang design.
Ang lakas ng ingay sa sahig ng mga paa ng silya noong tinulak ni Jigo iyon para makatayo. Nasa tabi na ito Ni Fae bago siya makatapos magsalita at halos buhatin na siya nito noong kinuha siya nito mula sa kanyang silya para iupo sa gilid ng mesa.“Yes? Ulitin mo nga?”Umikot ang eyeballs niya. “I love you na lang para hindi na mahaba.” Tapos tumawa na siya noong sumalta na rin ito sa mesa pagkatulak sa kanya sa gitna. Siniil siya nito ng halik at tuluyan na siyang napahiga noong diniin siya ng bigat nito sa gitna ng mesa.Hinalikan siya nito nang matagal at masuyo, at ramdam niya ang damdamin nito sa halik nito, o malakas na pagtahip ng puso nito sa magkadikit nilang dibdib, at pangangatal ng katawan nito at kamay habang hinahaplos ang pisngi niya.Naroon iyon sa mga mata nito noong inangat nito ang mukha para masuyo siyang ngitian.“I love you, too,” sabi nito. “I planned to say it first today, pero naunah
Dinala siya ni Jigo sa isang luxurious na restroom. Noong nakita niya ang paligid nang maluwang na cubicle sa black and silver na interior shade design, napaangat ang kanyang ulo sa gulat.“What the—” Tapos napatingin siya sa kabila ng restroom. May isa pang room na kanugnog iyon kung saan may bed at may kitchenette. Noong nabuhay ang ilaw dahil may motion sensor sa may pinto, saka natambad sa kanya ang kabuuan niyon.“It’s been here all along?” natatawa niyang tanong. May day break room at bath si Jigo sa office!“Not like this. Simpleng single bed lang dati at ang laman ng kitchen ay drinks lang. Nagte-take-out ako, ‘yon lang ang laman ng mini-fridge. May damit ako at suits na ilang piraso sa isang closet in case kailangan ko for emergency. Dito rin kasi ako natutulog noon kapag nag-o-overtime ako o kaya sobrang daming ginagawa nag-o-overnight na lang ako. But I’ve had our interior decorator renovate this two months ago. Mabagal nga lang kasi nakaka-work lang sila rito kapag weekends
Nasa meeting si Jigo noong dumating si Fae sa office nito sa 20th floor ng high-rise building ng mga Myrick. May celebration sila ng kanilang monthsary ngayong gabi (both wedding were on the same day, the 15th, but six months apart). Nagdaan na ang Pasko at Bagong Taon, and it was eight months since the second wedding.Gusto niyang surpresahin si Jigo bago pa ang dinner celebration nila mamayang gabi with a ‘lunch date.’ Matapos niyang bilinan si Maria na siya na ang bahala sa asawa at pwede na itong lumakad para sa lunch break nito, naiwan siyang mag-isa sa opisina kung saan siya nagpalit ng suot niyang damit saka muling sinuot ang mahaba-habang lady’s jacket niyang suot para maitago iyon kay Jigo pagbalik nito mula sa nagaganap na meeting.Twelve-thirty na, wala pa ito. Masakit na ang paa niya sa suot niyang high heels. Mabigat na ang tummy niyang bundat sa kanilang panganay, at inaantok na siya. Lagi siyang inaantok these days dahil sa stress dahil
The wedding came and went without a single hitch. Dahil sa grounds din ang reception, lumipat lang sila ng pwesto matapos ang seremonya para sa selebrasyon. Kung hindi masayang mga tawanan ay pagdapo ng mga luha sa mga pisngi ang dinala ng mga speeches ng mga kaibigan nila o malapit na kamag-anak sa toast ng mga bisita para sa bagong kasal.Pero pinaka-poignant ang mga sinabi ni Carl.Dumating ito kasama ang grandparents na umuwi para dumalo sa kasal. Tahimik ang lahat tungkol kay Sarah na para bang wala man lang nakakilala sa babaeng iyon sa mga bisita rito. May non-disclosure agreement na pinirmahan si Sarah kapalit ng settlement sa paghihiwalay ng mga ito kaya may harang ang bibig nito sa anumang pagtatangkang gumamit ng victim card. Nahihirapan din itong makahanap ng trabaho sa mga law firms sa Kamaynilaan dahil iyong bulung-bulungan na nagpabayad ito kapalit ng sexual favors noong nag-aaral pa ay kumalat. Ang huli niyang balita ay umuwi ito sa pro
“I love you…”Napangiti si Fae sa narinig niyang bulong ng asawa malapit sa kanyang teynga.Nasa may bintana siya sa isa sa mga kwarto sa first-floor ng manor house at nakaroba pa lamang. Nakatalikod siya sa bintana pero nakasandal ang likod sa pasimano ng nakabukas na bintana sa isa sa mga kwarto sa unang palapag ng bahay na ginamit nila sa kanyang paghahanda. May make up na siya at naka-arrange na ang kanyang buhok sa eleganteng chignon na kakabitan ng veil pagkatapos niyang isuot ang kanyang wedding gown.Pero mag-isa siya sa kwarto. Lumabas sandali ang make-up artist para tawagan na ang iba mula sa dining room kung saan nag-aalmusal ang mga ito. Alam niyang pababa na rin ang iba pa mula sa mga guestrooms sa taas at magiging maingay na rito sa sunod na mga sandali.Pero ninamnam muna niya ang katahimikan at kapayapaan bago ang gulo.At dapat inasahan niyang may isang makulit na hindi makakatiis talagang sumili
Natulala si Jigo kay Fae at umikot ang mga mata ng babae. “Oh no, you don’t. Mabuti na rin na hindi mo ako tinangkang lapitan noon dahil sa bilis ng mga pangyayari ngayon, baka hindi ako nakapag-concentrate sa pag-aaral ko.”“I would have helped—”“Kung naging boyfriend na ba kita noon, makakaalis ka para mag-aral sa ibang bansa?”“Isasama kita.”Natatawa siya. As if may point pa ang argument na iyon, tapos na. “And I think my Dad knew, too. Sabi niya, huwag kitang papansinin. That’s why he said you were trouble.”Napaisip ito. “Oh… yes…” sabi nito, napapangiwi. Ilang beses n’ya akong nahuling nakatitig sa ‘yo noon. God.” Napakuskos ito sa mukha nito. Pagkatapos ay tumingala ito sa kisame at pinagdikit ang mga palad. “I’m so in love with her and I’m taking care of her to the most of my ability,
Hinalikan ni Jigo si Fae sa noo. “Go ahead sa kwarto. I’ll just get the staff to clean up here at ang driver para kina Pam. Susunod ako agad.” Saka siya bumulong. “Get naked and I’ll take care of everything for you.”Napahingal ito. “What?”“You were so hot a while ago, didn’t you know? It turned me on big time. Amasona pala ang misis ko kapag may nang-aapi sa akin.”Natatawa na naman ito. “Babe, lagi ka pong turned on,” paalala nito.Hinalikan niya ito sa pisngi. “They’ll be okay. He’ll be okay. Kailangan lang niyang magising at kapag nagtagal, malalaman din niya ang tamang gagawin niya sa buhay niya.”Marahan itong tumango pero biglang bigla, mukha itong pagod. “I’m just worried about him. Mukha siyang wala sa sarili noong umalis. I hope they get home safe.”“Malaki na siya. He’ll be fine,&rdq
Inasahan na ni Jigo ang kamao ni Carl pero hindi siya umiwas. Tinanggap niya ang unang bigwas, makabawas man lang sa iniinda nitong sakit. It barely hurt kasi nanlalambot na rin si Carl. Ni wala iyong pwersa.Pero nakita iyon ni Fae. Sumigaw ito, tumatakbo palapit. Bibigwasan na naman siya ni Carl pero pumihit na siya ngayon at sumala iyon kaya nawalan ito ng balanse. Sinambot niya ito bago ito tuluyang matumba.“Damn you!” sigaw nito pero wala ring lakas iyon. Walang power. Tinulak niya ito hanggang nakatayo na itong muli nang tuwid.Gaganti ba siya ng suntok? The bastard deserved it. Pero bagsak na ito, at hindi siya lumalaban kung wala namang laban.“I hope you made her sign a prenup,” bulong niya sa kaibigan bago tuluyang makalapit ang mga babae at marinig sila. “She’s a lawyer, goddammit! Do something about it.”Pumihit siya sa tumatakbong asawa bago nito itinapon ang sarili sa kanya,
“Do we really have to do this here, Carl?” naiiritang tanong ni Jigo sa kaibigan. “Dito sa nakikita ni Fae na ganito ka?”“Fuck you.”Nagbuntunghininga siya. “Hindi pa ba enough ‘yung dinanas niya sa kasal mo? Dammit. That Sarah has got you wrapped so tightly around her fingers you can’t even think straight.”A moment ago, naaawa siya rito. Sobra itong shocked kaya kung ano-ano ang lumalabas sa bibig nito tungkol sa kinakapatid nito.Na sinamantala raw niyang heartbroken pa ang babae at vulnerable. Na bakit sa dinami-rami ng mga babae, bakit si Fae pa ang pinakialaman at pinaglaruan niya? Hindi ito makapaniwalang ganoon umakto sa kanya si Fae. Iyong sandaling silip nito sa lambingan nila ng asawa sa recliner ay halatang nakayanig rito. Hindi pa nito kasi nakita si Fae na naging ganoon kahit kanino —kahit dito. Affectionate, adoring, touchy-feely. And sweet, and confident. And fiercely prote
“The gall!” biglang sambit ni Pam.“Ay. How dare?” sabi naman ni Kacey.“Lalapit siya talaga?” Si Joanna.Napalingon siyang muli. At iyon, iniwan nga ni Sarah ang nag-uusap na dalawang lalaki. Naglalakad ito ngayon patungo sa kanila.“Isang salita mo lang at dudukutin ko ang eyeballs ng frog fart na ‘yan,” ani Pam. “At hindi ko na kailangang gumamit pa ng scalpel.”“Frog fart?” natatawa niyang baling dito.Umalog ang mga balikat ni Joanna habang natatawa. “Iwan mo na ang mga mata niya sa mukha niya. It’s not like nakakatulong ‘yon sa looks niya.”It was an ongoing joke, ang mga mata ni Sarah. Malalaki kasi at parang luluwa kaya mistula itong laging gulat. Noon ay ‘frog eyes’ ang slur dito ng mga inis dito sa school lalo na iyong mga kaklase nila dating naniniwalang sina-samantala siya nito, mooching off of