Share

My Devil Boss
My Devil Boss
Author: Yumie Akihiko

Chapter I

Author: Yumie Akihiko
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Good morning Marydeth!" I said to the receptionist of the hotel where I'm working nang makarating ako sa pwesto niya.

Hindi mo maikakaila ang kasiyahan sa boses ko. Talagang sobrang saya ko ngayon dahil kakasahod lang namin kahapon at masarap din ang naging almusal ko.

"You're ten minutes late," she stated coldly na nakataas ang kilay habang binibigay sakin ang mga folders na naglalaman ng mga files na kakailanganin ng boss namin.

"Wow!! Ang ganda ng bati ko 'yan lang sagot mo?" Sagot ko. "Seriously, kaibigan ba talaga kita?" Dagdag na ani ko nang makuha ko na ang mga folders na binibigay niya at pabiro siyang inirapan.

Akala mo naman ang ganda niya pag nagsusungit. Tse! Mas maganda ako, no? Hmmp!

"Don't give me that attitude," she said, a little bit indifferent. "You know the rules."

Dahil sa huling sinabi niya kaya napahinto ako sa pagbubuklat ng folders na binigay niya at tinitigan siya na parang hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Hindi ko maisip na talagang pinanindigan nang bruha ang kawalang-emosyon ng boses niya.

"Hmmp! Akala mo naman kung sinong matino," I whispered. "Eh, mas makulit ka pa kaya sa akin kapag wala dito sa opisina, bruhang to!"

"What did you say?!" She shouted, but only enough na kami lang ang nakakarinig.

"Ewan ko sa'yo, para ten minutes lang," I said, and then I looked at her na nagpapaawa. "Huwag ka nalang maingay, alam mo naman kung paano magalit 'yong bakulaw na boss natin," sabi ko ulit at mas itinodo ko pa ang pagpapaawa. Lagi kasi itong effective sa lahat ng taong nakikilala ko.

Huh! Ako na ang dyosa!

Pero nagtaka ako when she doesn’t have any witty comebacks to rub on my face like she used to, kaya umayos na ako at tiningnan siya ng may pagtataka but her eyes just brush through me dahil nakatingin lang siya sa likod ko.

Eh? Anong nangyari sa isang 'to at parang natuod yata? Don't tell me natulala siya sa kagandahan ko?

"Good morning, Sir," nakangiting bati ni Marydeth a few seconds after habang nakatingin pa rin sa likuran ko. Bigla nalang nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na nandiyan ang boss namin and worse, baka narinig niya pa ang sinabi ko.

'Shocks! Hindi naman siguro 'di ba?' but when I turned around, I found our boss with his infamous icy stare that could turn summer into winter and a crease on his forehead.

'I'm really doomed! Somebody help me!

"Hehe. Morning, Boss," bati ko rito.

Alam ko din na medyo alanganin ang pagkakangiti ko. I also wanted to scratch my head pero huwag na lang dahil baka akalain ng bakulaw na boss namin na may dandruff ako. Kadiri kaya 'yon. Isa pa, hindi ko rin magagawa dahil may dala akong folders.

"I'll see you in my office, Ms. Reyes," sabi ni boss. His voice is so cold while directly looking at my eyes kaya mabilis pa sa alas kwatrong napatango ako.

Kahit kasi may katapangan akong taglay, minsan lang umuobra 'yon sa taong bato na ito. Mabait naman ang mga magulang niya kaya hindi ko alam kung saan siya nagmana. I think pinaglihi 'yata talaga siya sa Greek God na si Hades nang pinagbubuntis palang siya ng mama niya kaya akala niya pinamumunuan niya ang underworld kaya ganiyan ang ugali.

When he had my confirmation he averted his eyes from my gaze, pumihit na siya patalikod at naglakad patungong elevator. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa nakapasok na siya at sumara ito.

Mabilis ko namang binalingan ng masamang tingin 'yong bruha nang masiguro kong hindi na bubukas ulit ang pinto ng elevator. Nakita kong natatawa lang ang itsura ni Marydeth habang ako naman ay halos hindi na makatayo sa sobrang kaba. 'Di man lang nito alintana na halos lamigin na ako sa sobrang cold ng boss namin. Feeling ko talaga laging nagdadala ng ice sa loob ng katawan ang lalaking 'yon kaya ganoon nalang kalamig ang ugali.

Being his secretary for five years, ni minsan hindi ko pa siya nakitang ngumiti ng totoo. Even when he is with his friends lagi itong nakakunot-noo o hindi naman ay wala kang mabasang kahit anong emotion sa mukha nito. He was even dubbed as the moving statue by the people he interacted with. Ganun siya ka-cold. Period.

"Bwisit ka Marydeth Heyman!" I shouted. "Bakit 'di mo kaagad sinabi sakin na nasa likod ko na pala 'yong.. 'Yong... Aish!!!" My voice is laced with frustration at hindi madugtong-dugtongan ang gusto kong sabihin.

Gusto ko siyang kutusan or hampasin nang dala kong folders kung hindi ko lang talaga ito kaibigan. I even want to pull out my hair just to stop myself from doing that.

"What did I do?" Tanong niya. Aakalain mo talaga that she's innocent base on the tone of her voice but the glimpse of an amused expression on her face betrayed her.

Akala mo naman may nakakatawa sa ginawa niya. Letse!

"Patay ka talaga sakin mamaya, magtutuos tayo!" Pagbabanta ko pero tinawanan lang ako ng bruha.

Minsan talaga ang sarap dagukan ng isang 'to. Hindi ko alam kung maiinis o kakabahan dahil sa ginawa niya.

Ang hirap magkaroon ngmga kaibigang may sapak sa utak. Gosh! Legit na legit ang sakit sa ulo.

"Good luck bru~" She said in a singsong voice at nakuha pa akong kindatan bago niya akong tinulak papunta sa direction ng public elevator ng company.

Tatlo kasi ang elevator dito sa kompanya; one for the employees, one for the executives and another one na nakalaan lang talaga sa boss namin. Paimportante masyado ang isang 'yon, eh.

'Bwisit! Bwisit! Bakit naman kasi narinig pa ng lalaking ipinaglihi yata sa sama ng loob 'yong sinabi ko. Geez! Monster pa naman ang ugali ng isang 'yon.' I hissed habang naglalakad patungong elevator at nang nasa tapat na ako nito ay agad na akong pumasok bago pa ako maduwag at hindi na tumuloy.

I'm still muttering some nasty remarks habang hinihintay na huminto ito sa floor na patugunguhan ko. Gusto kong magmura nang malakas when I heard the sound in the elevator indicating that I've reached my destination which is the 15th floor. The door open in a slow motion at para bang sinasabi niyang, 'welcome to hell'.

I wanted to back out, not wanting to see those cold piercing eyes of our devil boss again but I know I don't have any other choice. So, I lazily dragged myself towards the desk of his secretary which is located only a few feet outside of his office. Kung pwede lang pahintuin ang oras ay ginawa ko na para hindi makita ang lalaking kasing lamig ng nyebe.

"Oy, Maria Clara bakit ka nandito, kahapon lang nandito ka rin, ah?" Tanong kaagad ni Agnes sa akin ng makarating ako sa table niya.

Isa pa 'tong babaeng 'to. Ang ganda ng pangalan ko pero kung anu-anong tinatawag sa akin. Kaimbyerna!

"Huwag mo akong umpisahan Agnes Grust kung hindi babangasan kita!" Sabi ko na halata sa boses ang gigil. "Sinabi ng Mary Claire ang pangalan ko at hindi kung sinong sinaunang tao. Tsaka hindi ba pwedeng mapadpad dito ang mga diyosa na kagaya ko?" Dugtong kong sabi at sinamaan siya ng tingin.

Para namang kataka-taka na nandito ako. Isa kaya ako sa tatlong secretary ni boss kaya malamang madalas ako rito. Kaya nga lang hindi ako palaging nasa opisina dahil kadalasan ako ang kasama ng boss namin kapag may outdoor meeting siya.

"Hala bru, bakit 'yata ang bad mood mo ngayon, meron ka?" Nakakalokong sabi niya at tawa na nang tawa na parang may clown sa harapan niya na nagpe-perform.

Aish! Bakit ba ako nagkaroon ng mga kaibigang may saltik 'yata sa utak? Buti nalang talaga at hindi nakakahawa ang kabaliwan kaya safe ako.

"Isa pa at tatamaan ka na talaga!" Sabay pakita ng nakakuyom kong kamao na kalebel lang ng mukha ko. Pero gaya ni Marydeth, ayun natawa lang ang bruha because she totally knew na hanggang banta lang talaga ako kaya binaba ko nalang ang kamay ko. "Why do I even bother na pagbantaan kayo?" Sabi ko ulit. I swayed my head back and forth at hinintay na matapos siyang tumawa. Nagmumukha na talaga akong clown sa mga pinanggagawa ng dalawang 'to. Tch! Tch! Tch!

"Kaya nga bru, alam naman namin na love na love mo kami," she uttered when she stop laughing and then winked at me kaya napasimangot ako na ikinatawa na naman niya.

Tanggalan ko nalang kaya ng baga ang isang 'to nang matapos kakatawa?

"Kunin mo na nga lang 'to and dami mong alam." Sabay abot sa kaniya ng mga folders na dala-dala ko.

"Eto naman 'di na mabiro, bakit ka ba kasi pinatawag ni Sir Yummy?" She said when she stop her laughing fit at kinuha ang mga folders. "Care to tell?" Then tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa tapos tinataas-baba pa 'yong kilay na para bang sinsabi niya na, 'I smell something fishy'.

"Huwag mo nga akong tingnan na parang may namamagitan samin ng bakulaw na 'yon, kilabutan ka nga sa pinagsasasabi mo!" Sabi ko na nandidiri habang tinitingnan siya na hindi makapaniwala.

Bakit ba kung saan-saan na nakarating ang imagination ng isang 'to?

Pero sa totoo lang, our boss had a God-like body and an aristocratic feature with those strong squared jaws, full pouty lips na natural na mapula, pointed nose, thick eyelashes and those ocean blue eyes that can bring you to the abyss of--

"Hoy, bruha!" Untag sakin ni Agnes. "Bakit natulala ka na lang bigla diyan?" Tanong sa akin nito that made me out of my reverie.

'Shucks! Ano ba naman 'tong pumapasok sa isip ko? Nakakainis na Agnes 'to. Kung anu-ano kasing sinasabi.'

"Ikaw may kasalanan nito, eh!" Paninisi ko habang pinandilatan siya ng mata. Kulang na lang ipadyak ko ang mga paa ko para malaman niya na naiinis na talaga ako.

Kaya ayaw kong kausap silang dalawa dahil palagi nila akong binu-bully ni Marydeth, eh.

"Ohh, Bakit nasali ako?" She asked in exaggerated tone. "Nagtatanong lang 'yong tao. Para ka diyang baliw, bru," and she looks at me like I've grown three heads but I could sense mischief lingering in her voice.

"Ewan ko sa'yo," sabi ko sa tono na sumusuko. "Diyan ka na nga at haharapin ko muna 'yung galit ng monster na 'yun." Tapos naglakad na ako papunta sa pinto ng opisina ni boss.

I felt na kapag matagal ko pang makausap si Agnes ay baka hindi ko na talaga mapigilang kalbuhin siya sa sobrang frustration ko sa nangyayari o baka mahawa na ako sa pagiging baliw niya. Huwag naman sana.

"Galingan mo ang paglalambing, bru!" Narinig ko pang sigaw niya pero hindi ko nalang pinansin at mas binilisan ko pa ang paglalakad dahil baka bugahan na ako ng apoy ng boss namin dahil ang tagal kong sumunod sa kanya.

Nang nasa harap na ako ng pinto ng opisina ni King Yama ay nagdadalawang-isip ako kung aalis na lang o kakatok. Baka kasi kung ano na naman ang ipagawa ng lalaking 'to hindi pa naman niya pinapalampas ang mga kasalanan ko.

Kahapon kasi, dahil na-late lang ako ng limang minuto eh pina-arrange niya sakin ang sandamakmak na mga papeles na nagkalat sa stockroom sa loob mismo ng opisinang kaharap ko ngayon. Then, pagkatapos kong gawin 'yon eh sinabihan niya lang ako na itapon ko nalang daw lahat dahil hindi na niya kailangan.

Oh, di ba? Sino ba naman ang hindi maiinis kung pagkatapos mong e-arrange in alphabetical order yung title ng mga bwisit na papel na halos kasing taas ko na kapag pinagpatong-patong ay ipatatapon na lang.

Ang sarap niyang hambalusin that time pero dahil boss ko siya at pinapasahod niya lang ako kaya naman walang ibang magawa ang inyong lingkod kung hindi ang magtimpi at habaan ang pasensiya.

Hindi lang 'yon, noong mga nauna kong offense eh pinalinis ba naman sakin itong buong 15th floor na kahit yata six na utilities hindi pa matatapos ng isang araw ang paglilinis sa laki nito.

Kulang na nga lang dito na ako tumira sa office niya at hindi ko na nga nagagawa 'yong trabaho ko sa kompanya dahil sa mga pinapagawa ng bakulaw na boss namin.

'Di ba sobrang sama niya?

Gusto ko na sanang mag-resign kaya lang nangako ako sa isang tao na hindi ako aalis sa lugar na ito hangga't hindi ko pa nagagawa 'yong bagay na hiniling niya. Ewan ko kung anong nakain ko nang time na 'yon at pumayag ako sa kabaliwan niya. Pero ayos lang, isang taon nalang naman at makakaalis na rin ako sa lugar na ito.

'Kaya mo 'yan Claire. Halimaw lang naman 'yang kakaharapin mo.'

'Oo halimaw sa banga na may demonyong ugali.'

'Good luck talaga!' I mentally scoffed habang nakahawak sa seradura ng pinto at pilit pinapakalma ang sarili ko.

I inhaled and exhaled just to stop myself from fainting. 'Di, joke lang. I'm just nervous at kailangan ko ihanda ang sarili ko for the worst.

"Papasok ka ba o makikipagtitigan ka nalang diyan sa pinto?" Said by a stern voice inside the office na ikinalaki ng mata ko.

May CCTV camera na ba sa labas ng pinto ni boss kaya nakikita niyang nasa labas na ako? Bakit yata hindi sinabi sa akin ni Agnes?

Dahil sa kaba na baka patalsikin na niya talaga ako kapag hindi pa ako pumasok ay dahan-dahan kong pinihit 'yong seradura ng pinto at pikit-matang pumasok pero nakatayo lang ako malapit sa pinto pagkatapos ko itong isara. Ayaw ko din dumilat dahil takot akong makita ang mga mata niyang nanlilisik at parang gusto na akong kainin ng buhay.

"Ano, tutunganga ka na lang diyan?" Sabi niya sa malakas at naiinis na boses kaya bigla akong napadilat at umatras dahil sa muntik ng magtama ang ilong namin sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Geez! Ganoon na ba ako kamanhid at hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya?

Related chapters

  • My Devil Boss   Chapter II

    "Hehe, yow boss, bakit niyo po ako pinatawag?" Tanong ko habang unti-unting humahakbang paatras upang makalayo sa kanya hanggang sa lumapat na ang likuran ko sa pinto.Medyo nahiya ako. Ang bango niya kasi parang baby. Ano kaya sabon ginamit niya at ng mabili?He look at me a few seconds later before he turned around and sit on his swivel chair. His elbows are above the table at pinagsalikop ang kanyang mga kamay bago ipinatong ang kanyang baba sa itaas nito. Then, he looks at me with a crease on his forehead, na para bang isa akong math problem na hindi niya ma-solve.'Ano ba naman 'yan. Alam ko naman na maganda ako pero nahihiya din ako kapag tinititigan,' gusto ko sanang sabihin kaya lang nakakatakot 'yong tingin niya. Iyong tipong parang may hindi magandang mangyayari. It was like death is gazing at you. Mas gusto ko pang maglinis nalang ng buong 15th floor than be under his intense gaze."Boss,

  • My Devil Boss   Chapter III

    Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ng boss ko at hanggang ngayon kinakaladkad niya pa rin ako. Pinagtitinginan na rin kami ng nakakaslubong naming mga kasamahan ko sa trabaho at parehong gulat na gulat ang mga itsura. kahit ako man ay naguguluhan sa inaakto ngayon ni boss. This is out of his character.

  • My Devil Boss   Chapter IV

    “Ms. Mildred!” I exclaimed nang makita ko ang former secretary ni Boss na hawak-hawak ang phone ko habang nakatingin sa akin ng masama. Of all the people, bakit siya pa? Ms. Mildred Williams is a forty-five year old spinster who works for Mr. Franchester’s family for generations. I heard she’s never been in a romantic relationship at hanggang ngayon ay nagsisilbi pa rin sa family nila boss kahit matanda na. She trained almost all the prominent secretaries in the company. My boss and other executives in the company trust and value her. And min

  • My Devil Boss   Chapter V

    Our boss strides like he was going on a war with that deadly look in his eyes and a scowl on his face. The people behind him was death-pale. Their skin is almost translucent, like a corpse who was soaked in vinegar for ages. Boss stop from where we are and said, "In the conference room," before started walking again. The surrounding air became tense and you could feel an impending doom as our boss passed to where we are. The people who was behind our boss went to the conference room just located beside our boss's office without a word. Fearing for their dear life and salary getting stripped off of them. "Boss, wait!" I said before our boss could open the door of his office. I immediately walk towards him and stop a few feet away from him. I stared straight from his eyes and I could see na parang ilang sandali na lang mawawalan na siya ng paensya. "Mr. Leventis told me to tell you to call him ASAP when I see yo

Latest chapter

  • My Devil Boss   Chapter V

    Our boss strides like he was going on a war with that deadly look in his eyes and a scowl on his face. The people behind him was death-pale. Their skin is almost translucent, like a corpse who was soaked in vinegar for ages. Boss stop from where we are and said, "In the conference room," before started walking again. The surrounding air became tense and you could feel an impending doom as our boss passed to where we are. The people who was behind our boss went to the conference room just located beside our boss's office without a word. Fearing for their dear life and salary getting stripped off of them. "Boss, wait!" I said before our boss could open the door of his office. I immediately walk towards him and stop a few feet away from him. I stared straight from his eyes and I could see na parang ilang sandali na lang mawawalan na siya ng paensya. "Mr. Leventis told me to tell you to call him ASAP when I see yo

  • My Devil Boss   Chapter IV

    “Ms. Mildred!” I exclaimed nang makita ko ang former secretary ni Boss na hawak-hawak ang phone ko habang nakatingin sa akin ng masama. Of all the people, bakit siya pa? Ms. Mildred Williams is a forty-five year old spinster who works for Mr. Franchester’s family for generations. I heard she’s never been in a romantic relationship at hanggang ngayon ay nagsisilbi pa rin sa family nila boss kahit matanda na. She trained almost all the prominent secretaries in the company. My boss and other executives in the company trust and value her. And min

  • My Devil Boss   Chapter III

    Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ng boss ko at hanggang ngayon kinakaladkad niya pa rin ako. Pinagtitinginan na rin kami ng nakakaslubong naming mga kasamahan ko sa trabaho at parehong gulat na gulat ang mga itsura. kahit ako man ay naguguluhan sa inaakto ngayon ni boss. This is out of his character.

  • My Devil Boss   Chapter II

    "Hehe, yow boss, bakit niyo po ako pinatawag?" Tanong ko habang unti-unting humahakbang paatras upang makalayo sa kanya hanggang sa lumapat na ang likuran ko sa pinto.Medyo nahiya ako. Ang bango niya kasi parang baby. Ano kaya sabon ginamit niya at ng mabili?He look at me a few seconds later before he turned around and sit on his swivel chair. His elbows are above the table at pinagsalikop ang kanyang mga kamay bago ipinatong ang kanyang baba sa itaas nito. Then, he looks at me with a crease on his forehead, na para bang isa akong math problem na hindi niya ma-solve.'Ano ba naman 'yan. Alam ko naman na maganda ako pero nahihiya din ako kapag tinititigan,' gusto ko sanang sabihin kaya lang nakakatakot 'yong tingin niya. Iyong tipong parang may hindi magandang mangyayari. It was like death is gazing at you. Mas gusto ko pang maglinis nalang ng buong 15th floor than be under his intense gaze."Boss,

  • My Devil Boss   Chapter I

    "Good morning Marydeth!" I said to the receptionist of the hotel where I'm working nang makarating ako sa pwesto niya.Hindi mo maikakaila ang kasiyahan sa boses ko. Talagang sobrang saya ko ngayon dahil kakasahod lang namin kahapon at masarap din ang naging almusal ko."You're ten minutes late," she stated coldly na nakataas ang kilay habang binibigay sakin ang mga folders na naglalaman ng mga files na kakailanganin ng boss namin."Wow!! Ang ganda ng bati ko 'yan lang sagot mo?" Sagot ko. "Seriously, kaibigan ba talaga kita?" Dagdag na ani ko nang makuha ko na ang mga folders na binibigay niya at pabiro siyang inirapan.Akala mo naman ang ganda niya pag nagsusungit. Tse! Mas maganda ako, no? Hmmp!"Don't give me that attitude," she said, a little bit indifferent. "You know the rules."Dahil sa huling sinabi niya kaya napahinto ako sa pagbubuklat ng folders n

DMCA.com Protection Status