“You promised me! Nag-usap na tayo ‘di ba? Hindi natin sasabihin sa kanya ang totoo!” sigaw ni Alexis kay Alice.“Well, yes. Matutuloy sana iyon kung hindi mo ako iniwan sa Davao with your child!” sagot naman ni Alice.Doon na mas uminit ang ulo ni Lenie dahil nalaman niya rin na hindi pala galing sa Singapore si Alexis, kung hindi sa Davao.“So, nagsinungaling ka rin sa akin kung saan ka talaga pupunta? Ano ‘yon? Para makasama mo ang mag-ina mo?” tanong ni Lenie, malamig ang kanyang mga titig kay Alexis noong mga oras na iyon.“Oo, Lenie. Nagsinungaling ako dahil sinabi sa akin ni Alice, kapag naging maayos daw kami ay hindi ka na niya guguluhin. I just wanted to protect you. Isa pa, I want to see my child. Naiintindihan mo naman ako roon ‘di ba?” paliwanag ni Alexis.“Sa tingin mo, talagang tutuparin niya ‘yon? Nakita mo naman ngayon kung anong nangyari sa pagsisinungaling mo ‘di ba?” sabi ni Lenie.Gusto na niyang umiyak noon pero dahil sa galit na nararamdaman niya ay parang ayaw
Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Zyra ay pumunta na si Lenie sa opisina ni Alexis. Wala na siyang sinayang na oras pa dahil galit na galit pa rin siya kay Alexis noon.Kinalma niya muna ang kanyang sarili at nagpunas ng luha bago tuluyang kausapin ang kanyang boss. “Sir Alexis, pasensya na po kung biglaan pero magre-resign na po ako rito sa RCG,” deretsahang sabi ni Lenie.“Huh? Lenie, alam mo naman na hindi ganoon kadali ang mag-resign dito sa RCG. Isa pa, alam naman natin na maaayos natin ito, ‘di ba? Just give me another chance,” pagmamakaawa na ni Alexis.“Then make it easier for me! Mahal mo ako ‘di ba? Fire me if you can! I don’t care! Sirang-sira na ang buhay ko dahil sa inyo and then you expect me to stay here?” pagwawala ni Lenie.“No! I won’t. Mahal kita kaya gusto kitang makita araw-araw. Gusto pa rin kitang makasama, Lenie. Kahit dito na lang sa opisina. Alam ko naman kasi na hindi na ako pwede pumunta sa inyo after what happened,” napayuko na lang si Alexis pagkatapos sab
Pag-uwi ni Lenie ay nagulat siya dahil nakabukas nang bahagya ang pinto ng kanilang bahay. Nagtaka siya kaya agad niya iyong binuksan. Kasunod naman niya si Lance dahil nag-offer ito na magdala ng mga gamit niya. Pagtingin niya sa sahig ay nagulat siya dahil nakahandusay na ang kanyang ina sa sahig. “Nay? Nay! Tulong! Si nanay! Gising po nay! Please! Huwag naman po kayong ganyan!” sigaw ni Lenie.Narinig iyon ni Lance noong pumasok siya kaya dali-dali ito. Nagulat na lang din siya nang makita na yakap-yakap ni Lenie ang kanyang ina.“Lenie, anong nangyari?!” sigaw ni Lance, agad nitong chineck ang pulso ng matanda.“Sir Lance, tulungan niyo po ako! Ayaw ko pong mawala si nanay sa akin!” umiiyak na si Lenie ng mga oras na iyon.“Lenie, she’s not good. Let's go to the hospital now,” nagmamadali pero kalmado pa ring sinabi iyon ni Lance..Pinagtulungan nilang ipasok sa kotse si Hasmin. Yakap-yakap pa rin niya ang kanyang ina habang siya ay umiiyak.“Nay, pupunta na po tayo sa ospital
Kinaumagahan, habang nag-aayos sa lamay ng kanyang ina ay tumawag si Zyra kay Lenie. Dahil busy ay hindi niya ito nasagot agad.“Lenie, buti naman at sumagot ka na. Kanina pa ‘ko tumatawag sa iyo eh. Hindi ka ba papasok? Hinahanap ka ni Sir Alexis sa akin. Galit na galit nga, eh. Nasaan ka ba? Pangangatawan mo na ba ‘yong paghain mo ng resignation letter?” bungad ni Zyra kaya nainis si Lenie.“Pwede ba? Sabihin mo dyan sa boss mo, huwag siyang feeling important ngayon. Sa dami ng nangyayari sa buhay ko, wala na ‘kong pake sa kanya. Okay?!” sigaw ni Lenie.Nagtaka naman si Zyra at parang nalungkot dahil gusto lang naman niyang iparating kay Lenie kung ano ang sinabi ng kanilang boss pero mukhang badtrip talaga si Lenie.“Lenie, sinabi ko lang naman kung ano ang sinabi ni Sir sa akin. Hindi mo ‘ko kaaway, okay? Kumalma ka. Ano bang nangyayari sayo?” hindi na maintindihan ni Zyra kung bakit ganoon ang kaibigan.“Zyra kasi. .” Naputol ang pagsasalita ni Lenie, parang hindi niya alam kung
Pumunta na nga roon si Zyra dala-dala ang pera na binigay ni Alexis sa kanya. Hindi niya muna iyon binigay kay Lenie dahil alam niyang agad nitong tatanggihan iyon.“Lenie, condolences ha?” sabi ni Zyra pagkatapos ay niyakap niya ang kaibigan.“Sorry to ask you this, pero ano ba ang nangyari kay Tita?” dagdag niya.“Pauwi ako kahapon noon, nakita kong bukas ‘yong pinto namin kaya pumasok agad ako. Pagpasok ko ay nakita ko na lang siyang nakahandusay. Buti na lang at nandoon si Sir Lance para tulungan ako,” kwento ni Lenie pagkatapos ay tumingin ng konti kay Lance.“I was still hoping na maasasalba pa siya pero wala, bumitaw na talaga siya. Ang sabi sa akin noong doktor, namatay daw siya dahil sa aneurysm,” patuloy na kwento ni Lenie, naiiyak na siya noon.“I'm sorry that happened. Nandito lang ako kapag kailangan mo ‘ko ha?” sabi ni Zyra pagkatapos ay umupo na sa tabi ni Lenie.Maya-maya pa ay naalala ni Lenie si Alexis. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi magtanong kay Zyra kung ano a
Habang nag-aayos ng gamit ni Javi ay biglang pumasok si Alice. Mainit na ang ulo nito dahil ang tagal-tagal daw ni Lenie mag-ayos ng mga gamit.“Lenie, wala na bang ibibilis iyan? Bilisan mo naman, may pupuntahan pa kami ni Javi,” reklamo ni Alice.“Aba, ilang taon ba ang nilagi ni Javi dito? Lima ‘di ba? Madami talaga siyang gamit na kailangang ayusin dito,” mataray na sagot ni Lenie.“Kailangan ba, lahat ay iuuwi niya? Isa pa, kaya ko namang bilhin ang iba niyang gamit, e. Kaya, pwede ba? Pakibilisan na lang dahil wala akong oras sa iyo,” mataray na sagot pa rin ni Alice.“Eh kung tumutulong ka kaya para mapabilis ang lahat ng ito? Panay ka dada dyan eh. Dyan ka lang magaling, puro dada! Hindi mo nga kayang maging isang ina eh,” bwelta naman ni Lenie kaya nainis si Alice.“Anong sabi mo?!” sabi ni Alice pagkatapos ay ambang sasampalin niya si Lenie.“Sige, sampalin mo ako para makita ni Javi kung gaano kasama ang nanay niya. Gusto mo pa naman na sumama sa iyo ang anak mo, hindi ba?
Dahil sa inis ni Alice ay sa bahay ni Lester siya umuwi. Wala na siyang pakialam noon kung makita pa ng boyfriend niya si Javi dahil handa na siyang sabihin dito kung ano man ang totoong pakay niya sa pag-uwi ng Pilipinas.“Dito muna tayo magse-stay ha? May mga kailangan lang asikasuhin si Mommy Alice bago tayo lumipat doon sa condo. Okay? Kumalma ka na anak, huwag ka nang umiyak,” sabi ni Alice sabay tawag kay Yaya Sol.“Ay, Ma’am. Bakit dito niyo po inuwi si Javi? Naku po, nandito po si Sir Lester ngayon sa bahay eh. Kapag nakita po niya ang bata, yari tayo, Ma’am,” may pag-aalala na sabi ni Yaya Sol, agad naman niyang binuhat si Javi kahit ito ay naiyak.“Wala na akong pakialam, Yaya Sol. Eh di, makita niya ang bata. May magagawa pa ba siya kapag nandyan na iyan? Isa pa, hindi naman marunong manakit iyon kaya okay lang si Javi na narito,” confident na sagot ni Alice.“Sana nga po, nag-aalala lang po ako kay Javi, Ma’am kaya iyon po ang nasabi ko,” sagot naman ni Yaya Sol.“Alam mo,
Makalipas ang ilang araw ay libing na ni Hasmin. Sobrang busy ni Lenie noon at marami na rin ang dumalaw sa bahay nila bago pumunta sa libing.Maaga ring pumunta si Zyra at Lance para tulungan siya. Agad na niyakap ni Zyra ang kaibigan kaya hindi naiwasan ni Lenie ang hindi mapaiyak.“Ready ka na ba? Marami na rin ang tao sa labas. Isang oras na lang ay pupunta na rito si Father Anselmo,” sabi ni Zyra.“Kahit sino naman ay hindi ready sa ganito, ‘di ba? Zyra, sobrang hirap. Hindi ko alam kung paano magsisimula pero dapat ay kayanin ko ito,” sagot ni Lenie, nakayakap pa rin siya kay Zyra noon.“Ganyan siguro talaga sa umpisa. Isa pa, kahit ano naman yatang gawin natin ay hindi na mawawala ang sakit kapag nawalan tayo ng mahal sa buhay hindi ba? Para tayong nakalutang sa alaala nila,” sagot ni Zyra kaya humagulhol na si Lenie.Ilang minuto pa ay pumasok na rin sa kwarto si Lance dahil may naghahanap daw kay Lenie.“Lenie, may naghahanap sa iyo. Parang nagmamadali nga ring umalis. Isang
Kinabukasan ay agad na umalis si Alice para puntahan si Lester sa bahay niya. Handa na rin siyang sabihin rito na alam na ni Alexis ang totoo.Hindi man niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang ex-boyfriend ay sigurado na kailangan niyang malaman iyon.Katok siya nang katok sa pinto, halos isang minuto rin iyon bago tuluyang buksan ni Lester. Halata na bagong ligo ang binata dahil basa pa ang kanyang buhok."Ano ba?! Bakit ang tagal naman yata bago mo buksan ang pinto?! Kanina pa ako dyan sa labas eh!" galit na sabi ni Alice, ni hindi man lang pinansin na nakahubad pa si Lester noon."Sorry ha? Naliligo ako noong kumakatok ka. Tingnan mo nga, nakahubad pa ako ngayon sa kamamadali," sagot ni Lester.Doon lang napatingin si Alice sa hubad na katawan ni Lester. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya pero naalala niya na hindi iyon ang pakay niya.Lumapit pa sa kanya si Lester, nilaland-landi siya. Pilit na nilalapit ang kanyang katawan kay Alice, para bang inaaya siyang guma
Naiyak naman agad si Beverly nang makita si Javi. Agad niya itong kinalong at niyakap nang bumaba sila sa kotse. Si Yaya Sol ay inutusan ni Alexis na ayusin ang mga gamit ni Javi kaya umalis agad ito at pumunta sa kwarto ng bata. Nagulat naman si Alexis dahil hatinggabi na noon. Ang alam niya ay tulog na ang kanyang ina. "O, Mommy. Bakit gising pa po kayo? 'Di ba tulog na po kayo kanina? Sige na po, matulog na ulit kayo, anong oras na rin po eh," sabi ni Alexis, para bang inuutusan niya ang kanyang ina. "Naku, hindi na ako makatulog kanina. Kukuha lang sana ako ng tubig na maiinom pero ang sabi kasi ng mga maid ay umalis daw kayo ni Alice kaya hinihintay ko na kayo," sabi ni Beverly. "Mommy, ngayon na okay na po at nakauwi na po kami, pwede na po kayong matulog ulit," pilit ni Alexis sa kanyang ina. Hindi naman iyon pinansin ni Beverly, kay Javi lang siya nag-focus habang nilambing-lambing siya nito. "Diyos ko, salamat naman sa Diyos dahil nakita na kita agad, apo. Naku,
Nagulat na lang si Alice nang makita kung saan patungo ang kotse ni Alexis. Inis na inis siya dahil hindi niya akalain na lolokohin siya ni Yaya Sol.'Yaya Sol! Akala ko ay loyal ka sa akin, hindi pala! Nalintikan na!'Sinundan niya si Alexis at Lance at nagtungo nga ito sa kwarto kung saan nandoon sina Yaya Sol at Javi. Napapikit na lang siya sa inis dahil hindi niya alam kung paano niya pa malulusutan 'tong gusot na ito.Sa kabilang banda naman ay masaya si Alexis na makita ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang mahigpit, naluluha-luha pa siya."Salamat sa Diyos at nakita na kita, anak. Hindi ko na alam ang gagawin ko nitong mga nakaraang araw. Para na 'kong baliw dahil pabalik-balik ako sa pulis para humingi ng update," sabi ni Alexis habang naglalaro si Javi."Hi, Daddy! Are we going to play?" tanong ni Javi, parang walang alam sa nangyayari.Ngumiti lang si Alexis pagkatapos ay tumayo para tingnan kung may galos ang kanyang anak sa kahit saang parte ng katawan nito. Nakahinga si
Inayos muna ni Alice ang kanyang sarili bago siya umarte na para bang walang alam sa nangyayari. Umabot pa iyon ng isang minuto bago siya tuluyang humarap kay Alexis. "Ha? Anong pati si Lenie ay nakidnap? Saan mo naman nasagap 'yan?" tanong niya, nagpapaka inosente sa mga nangyayari. "Hindi na importante kung saan ko nalaman. Kaya kung ako sa iyo ay mag-focus ka rito sa paghahanap sa anak natin. Hindi 'yang kung anu-ano ang inuuna mo." Pagkasabi noon ay pumanhik na ulit sa taas si Alexis. Inis na inis naman si Alice dahil hindi nakalusot ang kanyang alibi. Nang makapasok na si Alexis sa kanyang kwarto ay nagtataka siya dahil nagri-ring ang kanyang cellphone. Unknown number iyon pero sinagot niya agad dahil ang nasa isip niya ay baka isa iyon sa mga kidnapper. "Hello, sino ito? Anong kailangan mo?" tanong ni Alexis sa kabilang linya. "S-Sir, si Yaya Sol po ito. Gusto ko na po sanang aminin ang lahat ng nalalaman ko. Pasensya na po at ngayon ko lang 'to sasabihin," bulong
Nakarinig ng pagbukas ng pinto si Lenie noon kaya agad siyang gumalaw. Tatlong araw na siyang naka-blindfold at hirap na hirap sa kanyang buhay dahil sa pag-kidnap sa kanya. Sa totoo lang ay gusto na niyang sumuko pero umaasa pa rin siya na may magliligtas sa kanya.Pagkatapos noon ay naramdaman niya na may papalapit na tao sa kanya. Hindi niya alam kung isa o dalawa iyon. "Ano na naman ba ang gusto niyo? Ano pa ang kailangan niyo sa akin? Pakawalan niyo na ako rito!" sigaw ni Lenie."O, akala ko ba ay okay ka na rito? 'Di ba, sabi mo ay ikaw na lang ang itira dito basta maligtas na ang anak ko? Bakit ngayon ay hinihiling mo na makaalis dito?"Agad na uminit ang ulo ni Lenie nang marinig ang boses ni Alice. Hindi niya alam kung maaawa ba siya o magagalit sa dating kaibigan dahil sa ginawa nito sa kanya. Hindi niya talaga lubos akalain na magagawa ito ng taong dati niyang pinagkakatiwalaan."Ganyan ka na ba talaga katigas, Alice? Anong nangyari at nagkaganyan ka? Wala naman akong pina
Ilang araw nang nawawala si Lenie noon pero hindi pa rin siya nahahanap ni Lance. Naiinis na nga rin si Daphne dahil hindi niya masolo si Lance dahil sobrang busy niya sa paghahanap kay Lenie. "Hindi ba pwedeng ibigay mo na lang ang kasong iyan sa mga pulis? I mean, hindi ba dapat ay sila ang mag-asikaso niyan?" sabi ni Daphne. "I know that they are doing their job but Lenie's case is different. I really want to help her," sagot naman ni Lance na busy sa kanyang phone. "Different? Why is it different? I mean, yes. You are friends with her pero sobrang seryoso ka sa paghahanap sa kanya. Hindi na kita nakakasama," pagmamaktol ni Daphne, halatang miss na niya si Lance. "I know, and I'm sorry. Promise, kapag nahanap na siya, all my time will be yours. Okay? Pagbigyan mo muna ako dahil nawawala ang kaibigan ko," sagot ni Lance pagkatapos ay naging busy na ulit sa kanyang phone. Hindi naman na siya pinansin pa ni Daphne dahil baka mag-away lang sila kapag pinatulan niya iyon. Um
Nang dumating na si Lenie roon ay narinig agad niya ang iyak ni Javi. Naka-blindfold man ay alam niya agad na ang iyak na iyon ay galing sa batang pinakamamahal niya. "Javi, anak? Nandito na si Mama!" sigaw niya, wala siyang pakialam doon sa mga lalaking dumukot sa kanya."Mama! I'm hurt!" sigaw ni Javi kaya lalong nag-alala si Lenie para sa kanya. “Sorry, anak. Kailangan mo pang pagdaanan ito dahil sa amin. Mama will make things , okay? Aalis ka rito. I promise you that!” sagot ni Lenie, hindi man kita pero tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata.Dahil naiinis na ang mga lalaking kumuha sa kanila ay pinagalitan nila si Lenie. Lalo pa silang nainis dahil umiiyak at humihingi na ng tulong si Javi kaya sobrang ingay nito.“Ikaw, dumating ka lang ay biglang umiyak na ‘yong bata! Tumahimik ka na nga, baka mamaya dahil sa ingay mo ay biglang barilin na lang kita dyan!” sigaw noong isang lalaki.“Sige! Basta, huwag mo lang idadamay ‘yong bata. Kahit ako na lang ang igapos niyo o di kaya
Agad na tumawag si Lenie kay Zyra para ibalita sa kaibigan ang pagkawala ni Javi. Noong una ay hindi pa agad iyon nasagot ni Zyra kaya nakailang tawag pa si Lenie sa kanya. "O, bakit napatawag ka? May inasikaso lang ako kanina kaya hindi ko nasagot agad," sabi ni Zyra sa kabilang linya. "Ah, si Javi kasi," sagot ni Lenie, hindi alam kung paano ikekwento sa kaibigan ang nangyari. "Anong nangyari? Nasa ospital ba? May sakit?" sunud-sunod na tanong ni Zyra. "Nawawala, Zyra. Nawawala siya. K-Kinidnap ni Lester," nauutal na sagot ni Lenie. Halata namang nabigla si Zyra dahil hindi agad siya nakapagsalita. Makaraan ang isang minuto ay may lumabas na sa kanyang bibig. "Si Lester? Paanong si Lester? I mean, oo galit siya kay Alice pero para idamay niya ang bata? Parang nakakabigla naman." "Kaya nga eh, pero Zyra, tinawagan niya kasi ako. Sinabihan na niya ako na gagawin niya iyon. Sinabi ko kay Alice pero hindi naman siya naniwala sa akin. Ang sabi pa nga niya, baka kasabwat ako ni Les
Biglang naalala ni Alice na tumawag si Lenie sa kanya noong nakaraang araw. Doon niya nakumpirma na totoo ang sinabi ng babaeng kaaway niya.“Ah, alam ko na. Magkasabwat kayo, ano? Ano ba ang mapapala niyo ni Lenie kapag kinidnap niyo ang anak ko?!” sigaw ni Alice, pinagtitinginan na siya ng mga tao roon.“Kasabwat? Anong pinagsasabi mo?” nagtatakang tanong ni Lester.“Noong isang araw, tumawag sa akin si Lenie. Sinabi niya na kikidnapin mo si Javi!” naiiyak na sabi ni Alice.Tanging tawa lang ang narinig niya mula sa kabilang linya. ‘Yong tawa na iyon ay parang naiinis na hindi mo maintindihan.“Ano? Totoo naman ‘di ba? Kasabwat mo siya!”“Ako lang ang nagplano noon, Alice. Pero tama ka, sinabi ko sa kanya na kikidnapin ko ang anak mo. Sana pala ay naniwala ka na lang sa kanya, ‘no?” sabi ni Lester pagkatapos ay tumawa ulit.“Sige, sabihin mo sa akin kung anong gusto mo at ‘yon ang ibibigay ko sa iyo! Para matapos na ‘to!” “Paano kung sabihin ko na sarili mo ang gusto ko? Mapagbibig