Busy ang lahat sa pakikipag-usap sa mga kapwa nila business owners. Tahimik lang naman si Czarina habang nakamasid sa paligid niya. Hindi niya makita ang kaniyang ama, baka nalate lang ang mga ito.Samantala naman ay kunot noong nilingon ni Owen angh lumingkis sa kaniya. Napapabuntong hininga na lang siya ng makita niya si Natalie na matamis na nakangiti sa kaniya.“Bakit ganiyan ang itsura mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa. Are you okay?” tanong Natalie. Nilingon naman ni Owen si Czarina na kasama ngayon si Tyrone.“Ano bang pakialam mo? Wala ka bang ibang pwedeng makausap para lubayan mo ako?” masungit niyang sagot. Napanguso naman si Natalie dahil sa pagiging masungit ni Owen, daig pa ang babaeng may dalaw.“Sino pa ba ang gusto mong makasama at makausap ko? Gusto mo bang makipag-usap ako sa mga binata na nandiyan lang sa paligid?”“Bakit hindi mo gawin para naman matahimik kahit ngayong gabi lang ang buhay ko?” inis na inalis ni Natalie ang pagkakalingkis niya kay Owen. M
Tutok na tutok ang atensyon ni Czarina sa video. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil para bang pamilyar siya at kilala niya ang babaeng nasa video.“Stop it!” sigaw ni Tyrone. Tahimik lang naman ang lahat ng bisita nila. Nakatingin na rin si Natalie sa video at napangisi. Natutuwa siyang makita ang sex video ni Tyrone. Hinanap ng mga mata niya si Czarina at kitang kita niya ang gulat sa mga mata ng kapatid niya.“Mukhang umaayon sa akin ang panahon. Hindi man lang ako nagpagod para masira ang relasyon niyong dalawa. Kung sino man ang naglabas ng video na yan, salamat sa kaniya.” Mahinang saad ni Natalie.Pinanuod pa ni Czarina ang video at habang tumatagal ay napapalunok na lang siya. Hindi siya pwedeng magkamali dahil siya ang babaeng nasa video kahit na hindi pa niya malinaw na nakikita ang mukha niya.
“Saan naman sana ako kukuha ng video na yan? Hindi ko nga alam na magkakilala na pala dati pa si Tyrone at ng Czarina yan.” May diin ding saad ni Natalia. Natutuwa na sila noong una dahil sa pag-aakalang may sex scandal si Tyrone pero hindi nila akalain na si Czarina pala ang kasama nito.Inalis na rin ni Owen ang USB saka niya iyun sinira at itinapon sa basurahan. Hindi naman umalis ang mga bisita pagkatapos ng nangyari. Maayos na rin ang kalagayan ni Chairman.Hila-hila pa rin ni Tyrone si Czarina hanggang sa makalabas sila ng mansion. Tulala lang si Czarina dahil para bang nahihirapan siyang iproseso sa isip niya ang lahat. Posible bang nahanap niya na ang ama ng kambal niya? Is it really, Tyrone Fuentes? Napailing siya, para bang nahihirapan siyang paniwalaan na si Tyrone ang ama ng mga anak niya.“Are you okay?” tanong ni Tyrone kay Czarina. Blangko namang tiningnan ni Czarina si Tyrone.“Who did that?” mahina niyang tanong. Nang-iinit ang mga pisngi ni Czarina dahil sa kahihiyan
Tulalang nakatingin si Tyrone kay Czarina. Sabay silang kumakain ng umagahan pero pareho silang tahimik. Hindi alam kung paano kakausapin ang isa’t isa lalo na at nalaman nilang ang isa’t isa pala ang nakasama nila sa isang hotel pagkatapos nila sa bar. Hindi pa rin nagsisink in sa utak ni Czarina na may kinalaman ang mga anak niya sa mga Fuentes. Ni minsan ay hindi niya hinangad na mahanap ang ama ng mga anak niya. Hindi pumasok sa isip niya na hanapin ito pero hindi niya akalain na ang lalaking pinakasalan niya ay ang posibleng ama ng mga ito.Ramdam ni Czarina ang bawat titig ni Tyrone sa kaniya pero hindi niya ito magawang tingnan. Hindi niya alam kung ano bang sasabihin niya, may dapat ba silang pag-usapan? Maniniwala ba ang pamilya ni Tyrone na siya ang posibleng ama ng mga anak niya? Paano kung ipagtabuyan sila ng mga Fuentes?Mariing naipikit ni Czarina ang mga
“Wala akong pakialam sa dumi ng pag-iisip mo, Natalie. Bagay na bagay kayong dalawa, masyadong makitid ang utak. Marumi maglaro para lang makuha ang gusto.” Aniya at masamang tiningnan si Natalie. Inalis na rin ni Czarina ang pagkakahawak ni Owen sa kaniya saka niya tinalikuran ang mga ito.Napapahilamos na lang sa mukha si Owen.“Mahilig ka ba talagang makisawsaw sa usapan ng iba? Palagi ka na lang sumisingit sa usapan namin ni Czarina kahit na hindi ka naman dapat kasali. Pumasok ka sa usapan kapag tinawag o kinausap ka.” May diin na saad ni Owen. Inirapan naman siya ni Natalie.“Sino pa bang magiging kakampi mo? Ipinagtatanggol lang naman kita sa kaniya. Wala siyang karapatan na magalit sayo. I’m your fiancee, sa akin ka pa nagagalit?”“Hindi ko naman hinilin
Hello po, pasensya na po kung hindi ako makakapag-update ng ilang araw o linggo. Naadmit po kasi ako sa hospital at wala pong kasiguraduhan kung kailan makakalabas. Kailangan ko rin po magpahinga dahil hindi po ako makakapagsulat after po ng operation ko. Kapag naging okay na po ako mag-update po ako agad. Pasensya na po talaga dahil hindi ko naman po inaasahan na maooperahan ako. Salamat po sa pang-unawa
Halos hindi makapaniwala si Melanie sa mga nalalaman niya. Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o dapat ba siyang magalit. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. "Pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko! Why is this happening?" Naiinis niyang wika habang nasa sala siya kasama ang asawa niya. "Simula nang pakasalan ni Tyrone si Czarina at magkaroon ng relasyon ang pamilya natin sa pamilya ng mga Jimenez nagkagulo na ang lahat. Sunod-sunod na ang mga nangyayari at hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Lalong gumugulo ang buhay ni Tyrone." Nasstress niyang saad saka niya hinilot ang sintido niya. Blangko lang naman na nakatingin ang asawa niya sa laptop nito. "Hindi ba dapat mas matuwa ka na si Czarina ang babaeng napakasalan ng anak mo. Mas malaking problema kung ibang babae ang pinakasalan ni Tyrone. Mas malaking problema kung ang pinakasalan niya ay ang kapatid ni Czarina. Si Czarina ang kasama ng anak mo sa sex video at kung
Napaupo na lang si Natalie dahil sa narinig niya. Pakiramdam niya naubusan ng oxygen ang buong katawan niya. Hilaw siyang natawa saka niya naikuyom ang kamao niya. Gusto niyang sampalin ang mukha ni Czarina at hilain ang mga buhok nito. Bakit ba tila umaayon ang panahon kay Czarina? Hindi siya nahirapan na kumbinsihin si Tyrone na pakasalan siya, siya rin ang palaging nilalapitan ni Owen tapos ngayon naman posibleng mga Fuentes ang mga anak niya?"No! This is not happening! Hindi mga Fuentes ang mga anak ng babaeng yun!" Hysterical ni Natalie. Napapikit na lang si Natalia dahil pakiramdam niya ay sasabog sa galit ang ulo niya. "Do something Mom! Hindi dapat malaman ng mga Fuentes ang tungkol sa kambal, hindi dapat malaman ni Tyrone na may mga anak siya! Please do something!" Sigaw pa ni Natalie. Napabuntong hininga na lang si Natalia. Sa mga oras na 'to hindi sila sigurado kung wala pa rin bang alam ang mga Fuentes tungkol sa kambal. "Ano pa bang gusto mong gawin ko? Gusto mo bang ma
Nang makasakay si Czarina sa sasakyan niya ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. Napasubsob na lang siya sa manubela niya. Ang sikip sikip ng dibdib niya, ramdam pa rin niya ang bigat ng kamay ng kaniyang ama sa pisngi niya dahil sa sampal pero mas nangingibabaw ang kirot na nararamdaman niya sa puso niya.Napabuga siya ng hangin saka tipid na ngumiti. Nasasaktan man siya dahil ayaw siyang paniwalaan ng kaniyang ama, wala na siyang magagawa. Tuluyan na talagang nalason ni Natalia ang isip nito dahil wala na siyang ibang pinaniniwalaan kundi si Natalia lang.“Czarina, open the door.” Rinig ni Czarina sa boses ni Tyrone. Tumingin siya sa bintana at nakita niya naman si Tyrone na bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha nito. Binuksan niya na ang pintuan at lumabas ng sasakyan. “Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?” nag-aalalang tanong ni Tyrone. Hindi sumagot si Czarina, niyakap niya lang si Tyrone. Nagpapasalamat siya dahil nandyan si Tyrone para sa kaniya, ang tanging taong may paki
Hindi makapaniwala si Czarina sa mga sinasabi sa kaniya ng kaniyang ama. Hilaw siyang natawa, talagang napaghandaan na ni Natalia ang mga sinabi nito laban sa kaniya. Ano pa bang mga nasabi ni Natalia para magalit ng ganito sa kaniya ang kaniyang ama? Pinakalma ni Czarina ang sarili niya para hindi bumagsak ang mga luha niya at hindi mauna ang paghagulgol niya kesa masabi ang mga gusto niya.“Hanggang ngayon pa rin ba si Tita Natalia pa rin ang pinaniniwalaan niyo? Simula nang dumating siya sa buhay natin, hindi niyo na ako nagawang paniwalaan. I’m your daughter, Dad. Mas matagal mo akong nakasama kesa sa kaniya unless palagi ka ring umuuwi sa kanilang mag-ina kahit na buhay pa si Mommy.” Matapang niyang wika. Iniwas naman ni Mateo ang paningin niya.“Minahal ko ang Mommy mo. Hindi magagawa ng Tita Natalia mo ang patayin ako para lang sa kompanya dahil marami na rin siyang naitulong sa akin simula nang makasama natin siya. Bakit mo ba siya gustong gustong mawala sa buhay natin? Naging
Nang tumawag si Tyrone sa kaniya ay hindi niya ito masagot dahil natatakot siyang bitiwan ang manubela.“Oh God, please protect me.” Anas niya, napalunok siya. Sa bilis nang pagpapatakbo niya ay para na siyang nakikipagkarerahan. Makalipas ang ilang minuto ay muli siyang tumingin sa likod niya ng marinig niya ang tunog ng mga siren. Kita niya ang mga police car na nakabuntot na sa kaniya. Mabilis siyang nilampasan ng isang police car at sumenyas ito na magslow down siya.“They want me to stop? Oh no, please, not now.” Anas niya dahil sa pag-aakalang baka hinuhuli na siya dahil over speeding na siya. Pinantayan na rin siya sa magkabilang gilid niya, may tatlo pang nakabuntot sa kaniya.Nakita niyang tumatawag si Tyrone, mabilis niyang sinagot ito.“Please help me, may mga pulis nang pinapahinto ako. I’m scared to stop, Tyrone.” Natataranta niyang saad.“Slow down, Czarina. They come to help you, please slow down.” Sagot ni Tyrone. Nakahinga naman ng maluwag si Czarina kaya dahan-dahan
Lumipas ang dalawang linggo, nagtataka na si Czarina dahil hindi pa niya nakikita si Natalie. Hindi ito pumapasok sa kompanya kaya naiipon na ang mga gagawin niya.“Michelle, wala ka pa rin bang balita kay Natalie kung nasaan na siya?” tanong ni Czarina sa secretary ni Natalie.“Wala pa rin po ma’am Czarina. Maraming beses ko na siyang tinawagan pero hanggang ngayon hindi pa rin siya sumasagot.” Sagot nito. Napapaisip si Czarina kung anong nangyari kay Natalie, kung bakit bigla itong nawala.‘Is she planning her wedding?’ usal niya sa sarili niya. Naipilig niya ang ulo niya, kung nagpaplano na sila para sa kasal nila bakit hindi alam ito ng secretary niya? Nahihirapan si Czarina na malaman kung ano ang pinaplano ng mag-ina.Patungo na sana si Czarina sa production department nang madaanan niya ang office ni Natalia. May kaunti itong awang kaya dahan-dahan siyang naglakad papunta dun. Sinilip niya kung sino na ang nasa loob. Nang makita niyang walang tao ay inilibot niya ang paningin n
Tulalang nagtungo ng kompanya si Czarina. Sana lang ay gumana ang pananakot niya sa mga ito para hindi matuloy ang mga binabalak nila sa kaniyang ama. Hindi man naging mabuting ama sa kaniya sa nakalipas na mga taon si Mateo, hindi pa rin niya kayang mawala ito dahil sa mga taong walang halang ang bituka. Wala siyang nagawa noon sa kaniyang ina, para siyang batang naligaw ng landas at hindi alam ang gagawin at ayaw niya namang mangyari ulit yun. Ayaw niya namang mawala silang pamilya sa mga kamay ni Natalia.Nang may tumawag sa cellphone niya ay sinagot niya yun ng hindi na tinitingnan kung sino ang caller.“Yes?” walang gana niyang sagot.“What happened? Maililipat ba natin ang Daddy mo? Narequest ko na ang ambulance, may mga doctor na rin na sasama para sunduin siya. Can we transfer him now?” wika ni Doc Apalla. Napabuntong hininga naman si Czarina at narinig yun ni Doc Apalla. Sa buntong hininga pa lang ni Czarina, alam na ni Doc Apalla kung anong nangyari. “Hindi pumayag si Natali
Nang makabalik si Doc Santos sa office niya ay nandun pa rin si Czarina na naghihintay sa kaniya. Naupo na muna si Doc Santos saka niya nginitian si Czarina.“So, can we tranfer him now? Ako na ang bahala sa ambulance dahil nakausap ko naman na rin si Doc Apalla na ililipat sa hospital nila ang Daddy ko.” Aniya.“I’m sorry, Miss Jimenez, but I think we can’t transfer your father. May mga machine na hindi pwedeng tanggalin sa katawan niya ngayon at kung pipilitin naman natin siyang ilipat baka pagsisihan lang natin sa huli. Ayaw ko naman na may mangyaring masama sa pasyente ko.” Wika nito. Nagsalubong ang mga kilay ni Czarina, naguguluhan dahil bakit hindi pwedeng ilipat ang Daddy niya? Meron ba silang hindi sinasabi sa kaniya? Akala niya ba ay okay ang Daddy niya, na hindi naman malubha ang natamo nitong sugat sa ulo.Mariing nakatitig si Czarina kay Doc Santos. Ramdam naman ni Doc Santos ang matatalim na titig sa kaniya ni Czarina kaya hindi ito makatingin ng diretso.“Tell me, Doc S
Sinimulan naman na ni Czarina ang pag-aayos ng mga gamit sa closet nila. Sa laki ng mansion ng mga Fuentes ay siguradong pagpapawisan ka sa paglalakad kung wala itong aircon sa bawat sulok ng bahay.Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Czarina makalipas ang ilang oras na pag-aayos niya sa mga gamit nila. Aayusin niya rin ang mga gamit ng mga anak niya. Nang makaramdam siya ng pagkauhaw ay bumaba na muna siya. Inililibot niya ang paningin niya. Talagang nagsusumigaw ng karangyaan ang mga gamit sa mansion lalo na ang naglalakihan na mga chandelier. Ang mga vase na tila ba antigo na pero talagang babayaran mo ito ng million kapag nakabasag ka ng isa.Marami ring mga katulong nagkalat sa loob ng mansion at lahat sila ay may mga nakatokang gawain.“Excuse me, saan dito ang kitchen?” tanong niya dahil maraming pintuan pero hindi niya alam kung saan siya papasok.“Dun po ma’am, diretso lang po kayo.” Nakangiti namang sagot ng katulong. Nagpasalamat na si Czarina saka siya nagtungo sa
Palalim na nang palalim ang gabi pero pansin ni Tyrone na malalim pa rin ang iniisip ni Czarina. Nakatambay ito sa veranda at nakamasid lang sa madilim na paligid. Bumangon ng higaan si Tyrone saka niya nilapitan si Czarina. Pinagmasdan niya lang din ang madilim na kalangitan. Yumakap pa sa kaniya ang hanging panggabi.“Is something bothering you?” tanong niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago sumagot si Czarina. Hindi na nawala sa isip niya ang sinabi ng doctor sa kaniya. Paano niya mapipigilan ang stepmom niya? Paano kung mahuli na ang lahat para sa kaniyang ama? Paano kung magtagumpay ito sa mga plano niya?“The doctor called me lately. Yung gamot na pinatest ko sa kaniya it’s not a vitamins. Alam kong pinapainom yun ni Tita Natalia kay Daddy dahil may sarili namang doctor si Daddy pero sa halip na gumanda ang kalusugan niya lalo siyang nanghihina dahil sa gamot na pinapainom ni Tita Natalia. Hindi ko alam kung paano ako makakakuha ng ebidensya na pinapalitan niya ang mga gamot ni
"Nandun lang ba si Chairman sa office niya? I need to talk to him kasi. Ako ang pinapunta ni Daddy sa meeting at kailangan ko ring makausap si Chairman Fuentes dahil may gustong ipasabi si--""Just see if he's there." Masungit na pagpuputol ni Tyrone sa sasabihin sana ni Rhianne. Napapanguso na lang si Rhianne dahil sa pagiging masungit ni Tyrone sa kaniya. Totoo pala talaga ang mga naririnig niya tungkol kay Tyrone, masungit nga ito at tila ba walang interes sa mga babae. "Bakla ka ba?" Lakas loob na saad ni Rhianne. Hindi makapaniwalang nilingon ni Tyrone si Rhianne saka siya napapailing. "Kung sa tingin mo hahalikan kita para maniwala ka, hindi ko gagawin yun." Masungit pa rin niyang sagot. "Kung ganun, bakit parang ang layo layo ng loob mo sa mga babae? Baka lalaki rin ang tipo mo? Sayang naman ang lahi mo." Tila pang-aasar pang wika ni Rhianne. Humugot ng malalim na buntong hininga si Tyrone para kalmahin ang sarili niya. Wala siya sa mood para patulan pa ang