“Masaya ba ang maging isang Fuentes? Kunwari ka pang wala kang gusto kay Tyrone, sa itsura at ngiti mo pa lang halatang may gusto ka sa kaniya. Ginamit mo pa kami ni Austin para lang pagtakpan ang kataksilan mo.” Mapait na saad ni Natalie kaya napangisi si Czarina. Kung sa tingin ni Natalie ay magpapaapi pa si Czarina sa kaniya ngayon, nagkakamali siya. Wala na siyang panahon na makipagplastikan pa at sawang-sawa na rin siyang maging alipin at walang magawa kundi ang kaawaan ang sarili.“Sa lahat ng ginawa mo, nagpapasalamat talaga ako sayo sa pang-aagaw mo kay Austin. Halos ibigay ko kay Austin ang mundo noon, sa kaniya na lang umiikot ang oras ko. Akala ko hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin pero may mas maganda pa lang buhay na naghihintay sa akin. You’re a blessing in disguise.” Nakangiting saad ni Czarina saka niya kinindatan si Natalie. Umismid lang naman si Natalie.“Gusto ni Daddy na sumama ka sa family dinner bukas. Kung ako lang ang masusunod, ayaw kong sumama ka pa
Iniwas ni Czarina ang paningin niya saka siya tumikhim. Kinuha niya ang tubig niya saka niya iyun ininom. Hindi niya alam kung anong isasagot niya kay Tyrone. Masyado siyang nabibigla sa mga sinasabi ni Tyrone. Is he serious? Ang usapan lang nila ay tutulungan nila ang isa’t isa at maghihiwalay din kapag nakuha na nila ang mga gusto nila pero bakit biglang nagbago ang isip ni Tyrone?“Masyado bang padalos-dalos ang desisyon ko? Hindi naman kita pipilitin, hindi mo rin kailangang sagutin ang tanong ko ngayon. Maybe, I’m just confused, or I just pity you.” Casual na saad ni Tyrone saka niya pinagpatuloy ang pagkain niya. Nanatili namang tahimik si Czarina pero ang puso niya, hindi niya na maintindihan. Pakiramdam niya ay nakikipag-unahan na ito sa marathon.Muli siyang kumain pero hindi niya na magawang tingnan si Tyrone. Totoo ba ang mga narinig niya? Hindi ba siya nabibingi? Katatapos lang ng heartbreak niya at hanggang ngayon ay masakit pa rin yun sa kaniya dahil minahal niya rin ng
Nang matapos maggayak si Czarina ay nagpahatid na siya kay Ronald. Sinalubong siya kaagad ng ngiti ng mga security guard nila nang makarating siya. Siguradong wala pa ang bisita nila dahil maaga pa.“Czarina, iha, mabuti at naisipan mong bumisita.” Natutuwang saad ni yaya Beth ng makita niya si Czarina. Niyakap naman ito ni Czarina.“Dad invites me here po, yaya. Kumusta po kayo rito? Hindi naman po ba kayo pinapahirapan sa mga trabaho?”“Okay naman kami dito, iha. Nalulungkot dahil wala ka na pero masaya rin dahil nakaalis ka sa ganitong lugar. Ito na ang naging kulungan at nagsilbing impyerno mo sa nakalipas na mga taon kaya kung pwede nga lang na huwag ka ng bumalik dito para hindi mo naaalala ang mga ginawa sayo ni Natalia.” Tipid namang ngumiti si Czarina. Natutuwa siyang pinapahalagahan pa rin siya ng mga katulong nila kahit na marami ng nangyari.“Huwag ka pong mag-alala, yaya Beth. Okay na po ako at saka may tao na rin akong masasabi kong kakampi ko.”“Mabuti naman kung ganun
Bumalik na si Czarina sa hardin. Hindi niya akalain na mga magulang pala ni Owen ang nakausap niya kanina. Tiningnan ni Czarina ang stepmom niya na masayang nakikipag-usap sa ina ni Owen. Palihim siyang natawa, kunot noo namang nakatingin sa kaniya si Owen.Si Owen at Tyrone ang magkalaban sa posisyon ng pagiging CEO ng Fuentes Corporation. Kailangan na talagang mahanap ni Czarina ang mga dokumento na sa kaniya nakapangalan ang shares na hawak ng pamilya nila sa Fuentes Corporation. Siguradong kinakalaban siya ng stepmom niya. Hindi niya akalain na si Owen ang mapipili nila para maging asawa ni Natalie.Napahilot si Czarina sa sintido niya. Malaking gulo ito sa pamilya ng mga Fuentes kapag nagkataon. Nang magsimula silang kumain ay tahimik lang si Czarina habang malalim ang iniisip niya. Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw nilang imbitahan si Tyrone?“Czarina, iha, masyado kang tahimik. How are you? May asawa ka na ba o boyfriend?” nabalik sa wisyo si Czarina nang mabaling sa kaniya an
“Aalis na ako kaya bitiwan mo ako.” Ani ni Czarina. Hinila naman siya ni Tyrone hanggang sa mapahiga siya sa kama. “Ano bang ginagawa mo? Nakainom ka na naman. Ano bang nangyari sa meeting niyo ng client mo para mag-inom ka? Is everything okay?” tanong niya, hindi na siya komportable sa paraan ng pagtitig ni Tyrone sa kaniya.“Nag-aalala ka ba?” napataas ang kilay ni Czarina pero sumagot pa rin siya.“Oo naman, you’re my husband, paano kung mawala ka na naman sa katinuan at hindi mo makontrol ang sarili mo? Mabuti naman at nagawa mo pang umuwi—hmmmm.” Natigil sa pagsasalita si Czarina nang halikan siya ni Tyrone. Pilit na ipinasok ni Tyrone ang dila niya sa loob ng bibig ni Czarina at nang magtagumpay siya ay nalalasahan na ni Czarina ang matapang na alak na ininom ni Tyrone.Iniharang ni Czarina ang mga kamay niya at buong lakas na inilayo si Tyrone pero nananatiling nakaibabaw si Tyrone kay Czarina.“Matulog ka na, lasing ka lang.” wika ni Czarina nang maghiwalay ang mga labi nila.
Ngayong araw na ang birthday ni Chairman Fuentes. Imbitado ang buong pamilya ni Czarina at marami ring mga business tycoon ang dadalo. Tiningnan ni Czarina ang painting na inorder pa niya mula sa Espanya. Hindi niya alam kung magugustuhan ba ito ni Chairman lalo na at hindi naman masyadong mamahalin pero ang mahalaga may maibibigay siyang regalo rito kesa wala. Nahihiya kasi siyang wala man lang maibigay bilang asawa ni Tyrone.“Pakibalot na lang, salamat.” Utos ni Czarina. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Wala naman siyang ibang gagawin kundi ang tumayo at kumain lang sa birthday party ng Chairman. Nang makuha niya na ang painting na pinaorder niya sa isang art gallery ay bumalik na siya ng kompanya.Pasarado na sana ang elevator nang may biglang humarang dito. Tiningnan ni Czarina si Owen na siyang makakasama niya sa loob ng elevator. Hindi na lang pinansin ni Czarina si Owen. Simula nang magkita sila sa dinner ay hindi pa sila
“You’re doing good, nandito lang ako hindi kita iiwan, okay?” patuloy na pagpapakalma ni Owen. “Calm down, huminga ka lang ng dahan-dahan. Wala tayong hangin dito at kapag patuloy na malalim ang bawat paghinga mo baka tuluyan kang mawalan ng malay. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo rito so save your energy.” Tumango-tango naman si Czarina at pinilit na pakalmahin ang sarili.Niyakap ni Owen si Czarina. Gusto niya sanang subukan pang buksan ang elevator at tumawag baka sakaling may makarinig sa kanya sa labas pero hindi niya naman magawang iwan si Czarina. Wala ring signal ang cellphone niya dahil kulong na kulong sa loob ng elevator kaya wala silang magagawa kundi ang maghintay kung kailan bubukas ang elevator.Samantala naman, kanina pa tawag nang tawag si Natalie kay Owen pero hindi ito sumasagot. Balak sanang magpasama ni Natalie kay Owen para mamili nang maisusuot niya ngayong gabi para sa birthday party ni Chairman Fuentes. Gusto niya sana na couple ang isusuot nila.“Na
Salubong ang mga kilay ni Tyrone na nakatingin kay Czarina. Tulala pa rin ito pero mas maayos na kesa kanina. Inis na sinuklay ni Tyrone ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. Naiinis pa rin siya sa tuwing naalala niya ang posisyon ni Owen at ni Czarina kanina. Pwede namang i-comfort ni Owen si Czarina pero bakit kailangan nakayakap.Inis na hinampas ni Tyrone ang manubela niya. Nasa loob pa rin sila ng sasakyan kahit na nakarating na sila sa bahay nila.“I’m sorry,” iyun lang ang lumabas sa bibig ni Czarina. Alam niya naman kung anong ikinagagalit ni Tyrone. Hindi niya naman ginusto na makulong sa loob ng elevator kasama si Owen. Kung wala siyang kasama kanina, hindi niya alam kung maaabutan pa ba nila siyangh humihinga lalo na at walang hangin sa loob na mas lalong magpapahirap sa kaniya.Alam niyang galit si Tyrone pero gusto pa rin niyang pasalamatan si Owen sa pagpapakalma sa kaniya kanina.Napabuntong hininga na lang si Tyrone, wala naman na siyang magagawa dahil nangyari na.
“Kailan mo pa hawak ‘to? Kaya ba malakas na ang loob mong maghari-hari dito sa kompanya?” nginisian ni Czarina si Natalie na nagngingitngit sa galit.“Yan ba ang panaginip lang? Kapag sinabi ko totoo yun. Sino kaya sa ating lahat ang nananaginip lang?” anas ni Czarina. Nakagat ni Natalia ang mga ngipin niya. Gusto niyang punitin ang mga papeles pero kaharap nila ang mga board of directors.“Sayo ibinigay ni Arianne ang mga shares niya bago siya mawala?” kuryoso na ring tanong ng isang board of directors.“Yes, so from now on ako na ang mamamahala sa kompanya na ‘to. Be kind to me, Tita, kung ayaw mong paalisin kita dito sa kompanya ko. Remember, wala ka namang hawak na shares.” Pang-aasar pa niya. Lalong hindi na nakapagsalita si Natalia at Natalie. Nang wala na silang sinabi ay pinagpatuloy ni Czarina ang pagpapaliwanag niya sa harap.Mahigpit naman na ang hawak ni Natalia sa skirt niya habang masamang nakatingin kay Czarina. Hindi niya akalain na nahanap na ni Czarina ang dokumento
Nang makatulog ang kambal ay nagtungo si Czarina at Tyrone sa veranda. Nakasandal si Czarina sa railings habang may hawak na tsaa. Si Tyrone naman ay nakaupo sa sofa habang may binabasang mga reports.Iniisip pa rin ni Czarina kung totoo bang buntis si Natalie. Napabuntong hininga na lang siya at sa lakas nun ay narinig ni Tyrone.“What are you thinking?” pangbabasag ni Tyrone sa katahimikan nilang dalawa.“Iniisip ko lang, kung buntis naman talaga si Natalie bakit kailangan niyang magsuot ng fake pregnant belly? Imposible namang magsinungaling sa akin si Isabella. Kung ano yung nakita ng bata paniniwalaan ko yun.” anas niya.“Baka naman buntis talaga siya. Hayaan mo na lang sila.”“Kilala ko rin si Natalie. Ayaw na ayaw nun ng malaki ang tiyan niya dahil kapag alam niyang malaki ng kaunti ang tiyan niya nagda-diet na siya kaagad. Pansin kong may baby bump na kaagad siya. Paano kung nagsuot siya ng fake pregnant belly? Wala naman siyang alam sa pagbubuntis pa kaya baka akala niya may
Stress na stress na pumasok si Natalia sa kompanya. Ipinatawag niya kaagad si Manager Cruz. Habang naghihintay siya ay pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ng malaki niyang bintana.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Manager Cruz.“Ipinatawag mo raw ako?” ani nito. Mabilis naman siyang hinarap ni Natalia.“Nagawa mo na ba ang ipinagawa ko sayo?” tanong niya kaagad. Prente namang naupo sa sofa si Manager Cruz.“Of course, don’t worry malinis ang lahat ng trinabaho ko.” Kalmado nitong saad. Nabawasan naman ang galit ni Natalia kaya kumalma na siya at naupo na rin.“Mabuti naman kung ganun,” anas niya. Tumayo si Manager Cruz para magtimpla ng kape nilang dalawa ni Natalia. Alam kasi nito na problemado na naman ng boss niya.“What happened? Pinagbabantaan ka na ba ni Czarina?” tanong niya habang nagtitimpla ng kape.“Hindi ko pa siya nakakausap pero malaki ang pagbabago ni Mateo. Alam mo naman na hindi ko hawak ang dokumento na si Czarina ang tunay na shareholders ng kompany
Isang linggo nang naghihintay si Natalia kay Officer Fernando pero tila ba iniiwasan siya nito. Hindi niya na rin matawagan ang number niya. Sa inis ni Natalia ay itinapon niya ang hawak niyang cellphone saka niya hinilot ang sintido niya. Pinapakalma ang sarili.Nang makita niya si Mateo na nilampasan lang siya ay hinabol niya ito.“Mateo,” tawag niya dito pero hindi siya nilingon ni Mateo. Dire-diretsong pumasok si Mateo sa office niya. Sumunod naman sa kaniya si Natalia na hindi pa rin maipinta ang mukha dahil sa pinaghalong galit at inis “Dalawang gabi kang hindi umuwi tapos lalampasan mo lang ako na para bang wala kang ginawa? Saan ka nanggaling? Hindi ka man lang sumasagot sa mga tawag ko. Hindi mo rin sinasabi sa akin ang mga plano mo. Ano bang nangyayari sayo?” sunod-sunod na tanong ni Natalia. Tila pagod namang naupo si Mateo saka niya blangkong tiningnan si Natalia na tila bulkan na puputok na sa galit.“Pagod ako Natalia. Pwede bang bigyan mo muna ako ng oras para magpahing
“Plan to buy this company,” tipid niyang sagot. Nagkatinginan na lang si Aries at Matthew. Napapailing na lang si Matthew. Hindi talaga nila magawang basahin ang kaibigan nilang si Tyrone.“Ibang klase ka talaga. Kaya pala parang wala kang pakialam plano mo palang bilhin ang kompanyang ‘to. Paano mo yun magagawa kung mas malaki ang kompanya ng lolo mo kesa sa kompanya natin?” kuryosong tanong ni Aries.“Pwede ko namang isa-isahin na bilhin ang shares ng mga board of directors. Czarina is one of the major shareholders too. Minsan kong nakita ang dokumento na nagpapatunay na siya ang may hawak ng shareholders ng namatay niyang ina. I can buy that too.” Anas pa niya.“Is that the reason kung bakit mas pinili mong mahalin siya para makuha mo ang gusto mo sa kaniya?” seryosong tanong ni Matthew. “Do you really love her or you just love her because you need her?” dagdag pa ni Matthew. Sinamaan ni Tyrone ng tingin si Matthew.“I love my wife, you jerk. Of course, at first, I just need her be
Malalim pa rin ang iniisip ni Czarina. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya ba i-eexpose ang kasinungalingan ni Natalie. She needs a clear proof para mapatunayan na totoo ang sasabihin niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Itutuon niya na sana ang atensyon niya sa laptop niya nang may pumasok sa office niya.“Hi, how are you pretty lady?” nakangiting wika ni Hailey. Napangiti naman si Czarina nang makita niya na naman ang kaibigan niya.“Ginagawa mong kapitbahay ang iba’t ibang bansa ah? Kumusta ka?” anas niya saka niya nilapitan si Hailey at nakipagbeso.“Ito busy pa rin sa dami ng ginagawa ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi man lang ako binigyan ng kapatid ng mga magulang ko. Akala ba nila nakakatuwa ang only child lang? Nakakaboring at nakakapagod. Wala man lang akong kasama para i-manage ang kompanya.” pagrereklamo niya saka sila naupo sa sofa. Bahagya na lang na natatawa si Czarina.“Depende rin siguro ang pagkakaroon ng kapatid. Binigyan
Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka niya hinila si Tyrone papunta sa veranda para dun mag-usap.“Pumasok na naman si Isabella sa kwarto ni Natalie.” anas niya.“Did she hurt my daughter?” kunot noong tanong ni Tyrone na ikinailing naman ni Czarina.“Nakuha ni Isabella ang isang fake pregnant belly sa kwarto ni Natalie. I think Natalie is faking her pregnancy para pakasalan siya ni Owen at maging parte ng pamilya niyo.” Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Tyrone pero hindi na siya nagugulat sa mga ginagawa ni Natalie. Mabuti na lamang pala at pumayag siya sa offer ni Czarina noon dahil kung hindi baka siya ang nababaliw ngayon dahil kay Natalie.“So, you’re thinking to expose her secret? Don’t do it now. Kung sasabihin mo kay Natalie ang nalaman mo pwede ka niyang baliktarin. Pwede niyang sabihin na binili mo lang ang fake pregnant belly or worst she will plan to kill you para manahimik ka. Let’s gather evidence against her first. Huwag kang kikilos ng mag-isa mo lang
Pag-uwi ni Czarina ay sinalubong siya kaagad ng kambal niya. Masayang niyakap ni Czarina ang mga anak niya.“Nagmeryenda na ba kayo?” nakangiti niyang tanong sa mga ito.“Opo, nagmeryenda na po kami kanina.” Masaya namang sagot ni Isabella. Unti-unti ng nawawala ang takot at trauma ni Isabella, nasasanay na rin ito sa maraming tao dahil sa palagi silang ipinapasyal ni Melanie sa public place.“Let’s go to the pool—” hindi natuloy ni Czarina ang sasabihin niya ng makita niya si Natalie na palabas ng pool area kausap ang dalawang babae at isang bakla. Rinig na rinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito at talagang inaasikaso na ni Natalie ang para sa kasal nila ni Owen. Hindi niya na lang inaya ang mga anak niya sa pool.Pumasok na silang tatlo sa kwarto. Magbibihis na sana si Czarina ng may makita siya sa sahig. Pinulot niya ito at tiningnan, napakunot na lang ang noo niya ng makita niya kung para saan ang nakakalat sa kwarto nila.“Riley, Isabella, sino sa inyong dalawa ang naglagay nito
Nagsalubong ang mga kilay ni Czarina. Parang kailan lang ay hindi siya pinaniniwalaan ng kaniyang ama sa lahat ng mga sinasabi niya pero bakit ngayon pasekreto niya itong pinaiimbestigahan?Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Mateo dahil bakas na bakas sa mukha ni Czarina ang pagtataka.“Mas naramdaman kong naging okay ang pakiramdam nang itigil ko ang pag-inom sa mga gamot na ibinibigay sa akin ni Natalia. Give me more time, anak. Alam kong may ginagawa ka na rin para mapatunayan ang lahat ng mga hinala mo. Napakalaki ng kasalanan ko sayo, Czarina. Hinayaan kitang saktan ni Natalia, hinayaan kong makuha ni Natalia ang mga anak mo. Kung mapatunayan man natin na may kinalaman nga si Natalia sa pagkamatay ng Mommy mo, hindi ko alam kung paano kita haharapin at ang Mommy mo. Hiyang hiya ako sayo, Czarina. Naniwala ako na baka hallucinations mo lang lahat ng mga sinasabi mo noon. Nahihiya ako dahil mas pinaniwalaan ko pa si Natalia kesa sayo na sarili kong anak. I’m really sorry,