Blangkong tiningnan ni Czarina ang half sister niya at ang long time boyfriend niya na sabay pumasok sa isang hotel room. Ngayong nakompirma niya nang niloloko lang siya ng fiancee niya, hindi na siya magbubulag-bulagan. Hindi niya akalain na ang babaeng lihim na minamahal pala ng fiancee niya ay ang sarili niyang half sister. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi niyang kahati ang kapatid niya sa lahat ng bagay. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan siya saka siya umuwi. Masakit man sa kaniya na niloloko siya ng fiancee niya lalo na at malapit na silang ikasal, ayaw niya namang magmakaawa rito dahil may natitira pa siyang respeto para sa sarili niya.Nang sumapit ang gabi ay sabay-sabay silang nagdinner. Tahimik lang si Czarina, nakauwi na rin ang kapatid niyang si Natalie.“Dahil ikakasal na si Czarina at Austin ngayong buwan, sa susunod na taon ka naman Natalie. Naipagkasundo na kita sa anak ng mga Fuentes na si Tyrone Fuentes. Siya ang magiging asawa mo,” wika ni Ma
“Gusto mo akong gamitin para makapaghiganti ka sa manloloko mong boyfriend at sa kapatid mo? Wala akong pakialam sa personal mong problema.” Pagpuputol ni Tyrone sa pagpapaliwanag ni Czarina sa kaniya.“Listen to me first,” ani naman ni Czarina dahil hindi man lang siya pinapatapos ni Tyrone na magpaliwanag. “Okay fine, I know this is my personal problem but I need you to help me at tutulungan din kita.”“Anong tulong naman ang ibibigay mo sa akin?” masungit pa ring saad ni Tyrone.“Kapag nagpakasal ka kay Natalie sa tingin mo ba matatapos na ang lihim na relasyon nila ng boyfriend ko? My half-sister wants to marry you pagkatapos niyang sirain ang relasyon namin ng boyfriend ko. I don’t want her to be happy habang ako durog na durog sa ginawa niya. Kapag nakuha ko na ang gusto ko, kapag nabawi ko na ang kompanya sa kanila ng kaniyang ina, I will divorce you and you can do whatever you want. Kapag si Natalie ang pinili mong pakasalan, sa tingin mo ba papayag siyang makipaghiwalay sayo?
Napabuntong hininga si Czarina nang hindi niya napilit si Tyrone na magpakasal sa kaniya. Malapit na ang kasal nila ni Austin pero hanggang ngayon wala pa rin siyang lakas ng loob na i-cancel ito. Nagtungo si Czarina sa hotel kung saan siya makikipagkita sa mga designer ng wedding gown niya. Sinusubukan niyang tawagan si Austin para sana dun na lang sila magkita pero hindi na naman ito sumasagot.Nang matapos niyang isukat ang gown ay lumabas na rin siya pero hindi niya inaasahan na makita ang kaniyang boyfriend kasama ang kaniyang half sister. Hilaw na lang siyang natawa, kaya pala hindi na naman sumasagot ang boyfriend niya dahil kasama nito ang true love niya. Naikuyom ni Czarina ang kaniyang kamao, gusto niyang hilain ang buhok ng kapatid niya pero wala siyang lakas para gawin yun. Hindi maintindihan ni Czarina kung bakit palagi na lang kinukuha sa kaniya ni Natalie ang kasiyahan niya.Gusto niyang sundan si Austin at ang kapatid niya, gusto niyang kausapin ang mga ito, gusto niya
“Next time, isama mo ang mga magulang mo dito for dinner at mapag-usapan na rin namin ang mga planong gagawin namin oras na nagmerge na ang mga kompanya natin. Malapit na kayong ikasal ni Czarina.” Singit ni Natalia. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Czarina.“Walang kasal na magaganap. Hindi ako pumapayag na matuloy ang kasal.” Lakas loob na wika ni Czarina kaya nagtataka siyang tiningnan ng lahat. Natawa naman si Natalia sa naging desisyon ng stepdaughter niya. “Ikaw pa ang aatras sa kasal? Alam mo ba kung anong mawawala sayo kapag umatras ka sa kasal?” wika ni Natalia pero walang pakialam si Czarina, hindi siya magpapakasal sa lalaking hindi naman siya ang mahal. Salubong na rin ang mga kilay ni Austin na nakatingin kay Czarina.“Nagtatampo ka ba dahil hindi kita nasamahan sa pagsusukat mo ng wedding gown? I’m sorry about that, babe, sinabi ko naman sayo kung anong ginawa ko, right?” malambing na wika ni Austin pero hilaw lang na tumawa si Czarina.“Huwag m
Nang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Czarina ay hindi napalingon siya dun. Mabilis niya rin namang iniwas ang paningin niya ng makita niya si Austin. Kinuha ni Austin ang isang upuan saka siya naupo sa harap ni Czarina. Tahimik lang naman si Czarina dahil wala na siyang gustong sabihin kay Austin. Ayaw niyang umiyak sa harap ng lalaking nilokoko lang naman siya, ayaw niyang maging mahina sa paningin ni Austin.“Kinuha ko na kay Tita Natalia ang cell phone mo.” Ani nito saka niya dinukot sa bulsa niya ang isang cellphone at ibinigay kay Czarina.“Sa tingin mo ba pasasalamatan kita sa ginawa mo?” masungit na sagot ni Czarina. Napabuntong hininga na lang si Austin dahil paano niya ba ipapaliwanag ang lahat kay Czarina? Sigurado siyang alam na ni Czarina ang tungkol sa lihim na relasyon nila ni Natalie.“Gusto kong mag-usap tayo somewhere, hihintayin kita sa sala and don’t worry nakausap ko na si Tita Natalia na lalabas tayong dalawa and she agreed.” Wika ni Austin saka siya tumayo at l
“Kapag nalaman ng stepmom ko na nakatakas ako, sigurado akong ikukulong niya na naman ako sa atic ng bahay. Ayaw ko nang bumalik sa lugar na yun, ayaw ko ng makulong ulit.” Nakikiusap niyang wika, lumambot naman ang expression ng mukha ni Tyrone. Tinitigan niya si Czarina dahil tila ba hindi siya makapaniwalang may karahasan itong nararanasan. Ayaw niyang maniwala pero sa nakikita niyang mukha ni Czarina at takot na takot, sino siya para hindi paniwalaan ang kwento nito?Muli niyang pinaandar ang sasakyan at dumiretso sila sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Tyrone.“Dito ka na muna magstay hanggang gusto mo.” Anas ni Tyrone nang makapasok sila sa loob ng kwarto.“Pero wala akong pambayad sayo. Lahat ng mga card at cash ko naiwan ko sa bahay.”“Don’t worry about that, ako na ang bahala sa lahat.” Sagot naman ni Tyrone, nakahinga ng maluwag si Czarina. Napahawak na lang siya sa tiyan niya ng marinig nila itong nagrereklamo. Lumayo naman na muna si Tyrone saka siya tumawag sa front d
Nang magising si Czarina ay inilibot niya ang paningin niya, naalala niya namang sa hotel siya natulog. Bababa na sana siya ng kama para maghilamos sa cr nang makita niya si Tyrone na mahimbing na natutulog sa sofa. Hindi niya akalain na hindi pala ito umalis kagabi.Halos tumalon ang puso ni Czarina sa gulat nang magring ang cellphone niya. Mabilis niya iyung kinuha sa side table at papatayin sana ang tawag nang aksidente niya itong nasagot. Napalunok siya dahil Daddy niya ang tumatawag sa kaniya.“Where are you?” seryosong tanong nito. Hindi sana kakausapin ni Czarina ang kaniyang ama pero wala na siyang choice dahil nasagot niya ang tawag. Dahan-dahan na bumaba ng kama si Czarina saka siya nagtungo sa balcony. “Czarina, answer me, where the hell are you?!” galit na sigaw sa kaniya ng kaniyang ama.“Bakit gusto niyo pa rin akong hanapin, Dad? Alam niyo kung anong ginagawa sa akin ni Tita Natalia pero wala kayong ginagawa para sa akin. Hinahayaan niyo akong ikulong niya sa madilim na
“Enough with your lies, Czarina!” galit na sigaw na rin sa kaniya ng stepmom niya. “Honey, what’s wrong?” nag-aalalang saad ni Natalia nang biglang mahilo ang kaniyang asawa. Inalalayan niya itong maupo sa sofa para hindi ito bumagsak sa sahig kung sakali mang mawalan siya ng balanse.“Look what you did, hindi ka pa ba nagsasawa sa panggugulo sa pamilya natin? Palagi mo na lang binibigyan ng sakit ng ulo ang Daddy mo. Hindi ka ba naaawa sa kalagayan ng ‘yong ama, Czarina? Itigil mo na ang pagsisinungaling mo at paninira sa kapatid mo. Hihingi tayo ng sorry sa pamilya ni Austin dahil malaking gulo at kahihiyan ang ginawa mo. Handa na ang lahat para sa kasal ninyo at wala kang magagawa kundi ang ituloy ang kasal.” Umiling si Czarina dahil kahit anong mangyari, hinding hindi na siya magpapakasal kay Austin.“No,” matigas na sagot ni Czarina na lalong ikinakulo ng dugo ni Natalia habang umiiyak pa rin si Natalie. Hindi pa nakakausap ni Natalie ng personal si Tyrone pero si Czarina, nakasa
Nang matapos maggayak si Czarina ay nagpahatid na siya kay Ronald. Sinalubong siya kaagad ng ngiti ng mga security guard nila nang makarating siya. Siguradong wala pa ang bisita nila dahil maaga pa.“Czarina, iha, mabuti at naisipan mong bumisita.” Natutuwang saad ni yaya Beth ng makita niya si Czarina. Niyakap naman ito ni Czarina.“Dad invites me here po, yaya. Kumusta po kayo rito? Hindi naman po ba kayo pinapahirapan sa mga trabaho?”“Okay naman kami dito, iha. Nalulungkot dahil wala ka na pero masaya rin dahil nakaalis ka sa ganitong lugar. Ito na ang naging kulungan at nagsilbing impyerno mo sa nakalipas na mga taon kaya kung pwede nga lang na huwag ka ng bumalik dito para hindi mo naaalala ang mga ginawa sayo ni Natalia.” Tipid namang ngumiti si Czarina. Natutuwa siyang pinapahalagahan pa rin siya ng mga katulong nila kahit na marami ng nangyari.“Huwag ka pong mag-alala, yaya Beth. Okay na po ako at saka may tao na rin akong masasabi kong kakampi ko.”“Mabuti naman kung ganun
Iniwas ni Czarina ang paningin niya saka siya tumikhim. Kinuha niya ang tubig niya saka niya iyun ininom. Hindi niya alam kung anong isasagot niya kay Tyrone. Masyado siyang nabibigla sa mga sinasabi ni Tyrone. Is he serious? Ang usapan lang nila ay tutulungan nila ang isa’t isa at maghihiwalay din kapag nakuha na nila ang mga gusto nila pero bakit biglang nagbago ang isip ni Tyrone?“Masyado bang padalos-dalos ang desisyon ko? Hindi naman kita pipilitin, hindi mo rin kailangang sagutin ang tanong ko ngayon. Maybe, I’m just confused, or I just pity you.” Casual na saad ni Tyrone saka niya pinagpatuloy ang pagkain niya. Nanatili namang tahimik si Czarina pero ang puso niya, hindi niya na maintindihan. Pakiramdam niya ay nakikipag-unahan na ito sa marathon.Muli siyang kumain pero hindi niya na magawang tingnan si Tyrone. Totoo ba ang mga narinig niya? Hindi ba siya nabibingi? Katatapos lang ng heartbreak niya at hanggang ngayon ay masakit pa rin yun sa kaniya dahil minahal niya rin ng
“Masaya ba ang maging isang Fuentes? Kunwari ka pang wala kang gusto kay Tyrone, sa itsura at ngiti mo pa lang halatang may gusto ka sa kaniya. Ginamit mo pa kami ni Austin para lang pagtakpan ang kataksilan mo.” Mapait na saad ni Natalie kaya napangisi si Czarina. Kung sa tingin ni Natalie ay magpapaapi pa si Czarina sa kaniya ngayon, nagkakamali siya. Wala na siyang panahon na makipagplastikan pa at sawang-sawa na rin siyang maging alipin at walang magawa kundi ang kaawaan ang sarili.“Sa lahat ng ginawa mo, nagpapasalamat talaga ako sayo sa pang-aagaw mo kay Austin. Halos ibigay ko kay Austin ang mundo noon, sa kaniya na lang umiikot ang oras ko. Akala ko hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin pero may mas maganda pa lang buhay na naghihintay sa akin. You’re a blessing in disguise.” Nakangiting saad ni Czarina saka niya kinindatan si Natalie. Umismid lang naman si Natalie.“Gusto ni Daddy na sumama ka sa family dinner bukas. Kung ako lang ang masusunod, ayaw kong sumama ka pa
Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka niya lakas loob na sinalubong ang galit na mga mata ng byenan niya. Akala niya okay na ang lahat pero hindi pa pala. Sigurado siyang may taong sumira sa kaniya para magalit ng ganito ang byenan niya. Bahagya siyang ngumiti na ikinainis ni Melanie na tila ba nakikipagbiruan siya.“Mrs. Fuentes, hindi ko alam kung anong nakarating sa inyo pero walang katotohanan ang sinasabi nila tungkol sa akin at kay Owen. Alam niyo naman po siguro ang dahilan kung bakit palaging nasa kompanya namin si Owen. Wala kaming ginagawa ni Owen. Ano po bang nakarating sa inyo para magalit sa akin? Wala po akong planong mahalin ang sino man sa dalawang Fuentes.” Matapang niyang sagot. Naguluhan naman si Melanie pero nanatiling salubong ang mga kilay niya.Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka siya nanguha ng tissue at pinunasan ang sarili niya. Kinuha naman ni Melanie ang cellphone niya saka niya ipinakita kay Czarina ang mga picture nila ni
Kanina pa nakatitig si Czarina kay Tyrone at napapansin naman yun ni Tyrone kaya hindi siya makapagfocus sa ginagawa niya.“May gusto ka bang sabihin?” tanong ni Tyrone sa kaniya. Napabuntong hininga naman si Czarina saka niya iniwas ang paningin niya.“Sa susunod na linggo na ang birthday ni Chairman. May ireregalo ka na ba sa kaniya?” tanong niya na dahil ilang araw na itong gumugulo sa isipan niya. Nahihiya naman siyang pumunta sa birthday ni Chairman Fuentes ng wala man lang dalang regalo.“Hindi mahilig sa regalo si Chairman kaya huwag ka ng mag-aksaya ng oras na mag-isip ng ireregalo sa kaniya.” Sagot ni Tyrone habang nakatuon ang paningin niya sa laptop.“Pero nakakahiya naman kung pupunta tayo ng wala man lang dala. Alam mo ba kung saan siya mahilig?” napabuntong hininga si Tyrone saka niya inisip kung saan ba mahilig ang Chairman.“Wala akong masyadong alam kay Chairman pero isa lang ang sigurado ako. Mahilig siya sa paintings,” sagot na ni Tyrone para hindi na siya tanungin
Nang makita ni Tyrone kung sino ang kasama ni Czarina ay mabilis niyang hinila ang doctor niya at pinalabas ito.“What are you doing here?” seryosong tanong ni Tyrone. Inalis naman ni Shaina ang kamay ni Tyrone sa braso niya.“Your Mom called me kaya nagpunta ako kaagad dito. I justs want to know if you’re fine.”“I’m fine, I’m perfectly fine. I don’t need you, leave.” May diing wika ni Tyrone saka niya isinarado ang pintuan ng bahay nila. Nang humarap na siya ay nakita niya si Czarina na nakatingin sa kaniya. Bakas ang pagtataka sa mukha niya. Iniwas ni Tyrone ang paningin niya saka siya nagtungo ng kusina. Sinundan naman siya ni Czarina.“You have your own doctor too, a psychiatrist doctor. May trauma ka rin na hanggang ngayon natatakot ka pa ring maalala. Yun ba ang dahilan kung bakit tinutulungan mo ako? Naaawa ka lang sa akin.” Ani ni Czarina. Hindi naman nagsalita si Tyrone, nanguha siya ng tubig saka niya iyun ininom. Tipid namang ngumiti si Czarina saka siya humugot ng malalim
Gusto niya sanang magtanong pero alam niyang masyadong personal ang bagay na yun at siguradong ayaw din ni Tyrone na malaman ng iba ang tungkol dun.“Stay here, Czarina. Aasikasuhin ko lang ang hospital bills niya para kapag nagising siya ay makakauwi na rin siya kaagad.” tumango naman si Czarina bilang sagot. Naupo siya sa tabi ng kama ni Tyrone. Napapaisip siya kung anong meron sa nakaraan ni Tyrone. Hinaplos ni Czarina ang noo ni Tyrone pero nagulat siya nang hawakan iyun ni Tyrone.Kunot noo siyang tiningnan ni Tyrone, namumula pa ang mga mata niya halatang kagigising lang niya. Nang makita ni Tyrone na nasa hospital siya ay mabilis siyang bumangon at inalis ang nakasaksak na IV drip sa kamay niya.“Hindi pa nauubos ang IV drip mo saka kailangan mong magpahinga muna.” ani ni Czarina pero tumayo na si Tyrone.
Seryosong ipinapaliwanag ni Tyrone ang presentation na ginawa nilang dalawa ni Czarina pero hindi niya maiwasan na hindi mawala sa focus sa tuwing napapatingin siya kay Owen. Kasama nila ito sa meeting at napapaigting ng panga si Tyrone sa tuwing naaalala niya ang mga picture na ipinakita ni Natalie sa kaniya kanina.Nang matapos ang presentation niya ay sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga board of directors nila. Palihim naman na napapangiti si Chairman dahil unti-unti ng natututo si Tyrone. Napapataas lang naman ng kilay si Owen habang nilalaro niya ang mga daliri niya. Ipinapakita niya kay Tyrone na hindi siya interesado sa mga sinasabi nito.Nang matapos ang meeting nila ay nilapitan ni Chairman si Tyrone at tinapik ito sa balikat. Napapangisi at napapailing naman si Owen pero hindi niya maiwasang hindi mainis dahil alam niyang ginagawa na ni Tyrone ang lahat para mapalapit sa
“Your Tita Natalia told me na gusto mong buksan ang kaso tungkol sa nangyari five years ago. Ano pa bang gusto mong malaman? Naghahanap ka pa rin ba ng masisisi mo sa pagkamatay ng Mommy mo? It’s been five years, akala ko ba ay okay ka na? Akala ko ba ay nakalimutan mo na? Hindi pa ba malinaw sayo na aksidente lang ang nangyari?” hilaw na natawa si Czarina. Hindi na siya magtataka kung paano nalaman ng stepmom niya ang tungkol sa pagpapabukas niya sa kaso. Alam niyang may taong nakamasid sa bawat kilos niya.Napayuko naman si Czarina saka siya bumuntong hininga bago muling sinalubong ang matatalim na tingin sa kaniya ng kaniyang ama.“Do you still want to believe na aksidente lang ang nangyari? Limang taon na nga ang nakalipas Dad pero hanggang ngayon hindi natin nabibigyan ng hustisya si Mommy. Hindi nahuli ang driver ng truck dahil ipinasarado niyo kaagad ang kaso. Walang gustong maniwala sa akin, dahil ba lumipas muna ang isang taon bago ko naalala ang nangyari sa aksidente?” napah