ISANG LINGGO akong hindi pumasok sa university, dahil doon ay hindi ako nakapag-exam. Pero dahil malakas si Daddy sa Dean kaya mag-kakaroon ako ng special exam ngayon araw. Yeah, ngayong araw dahil naisip konang pumasok. Kahit ang bigat sa kalooban na bumalik doon dahil puro ala-ala lang namin ang maiisip ko. Pag-karating ko sa university ay sinalubong ako ng mga kaibigan ko. Pero wala akong imik hindi ako sumasagot sa tanong nila. Hanggang sa dumeretso ako sa dean office para mag-take ng exam. Ilang oras din ang tinagal ko sa pag-te-take ng exam, buti na lang lahat nasagutan ko naman. Malaking tulong din ang nagawa kong pag-rereview noon. Hindi naging mahirap sa akin at confident akong pasado ako sa exam. Dumeretso na ako sa susunod kong klase kahit na maaga pa naman. Mas ok ng mauna ako doon habang wala pang tao koaso pag-pasok ko sa room ay nag-aalalang mukha nila Trishana at Chantal ang sumalubong sa akin. Bahagya akong nagulat dahil hindi ko inaasahan na nandito na
MARAHAS kong pinunasan ang mga luha kong sunod sunod na nag-papatakan ng maalala lahat ng nang-yari sa akin six years ago. Bumalik na naman ang lahat dahil nakita ko siya. Sh*t, What is he doing here? Why did he comeback? He is no longer welcome in this house! Ang kapal-kapal ng mukha niyang pumunta pa dito at mag-pakita sa akin! Hindi porket matagal na panahon na ang nakalipas ay welcome na siya dito sa pamamahay namin! Bigla tuloy nabuhay ang galit ko sa kanya. Napahawak ako sa aking dibdib ng kumirot iyon. Mapakla akong napangiti, Akala ko humilom na hindi pa pala. Nandoon pa rin pala ang sakit. Nakatago lang pala ito sa kasuksulukan ng aking puso. When I saw him earlier, it was like my world stopped for a moment. Hindi ko inaasahan na siya ang bubungad sa akin pag bukas ko ang pinto. Para akong tinulos na kandila talaga. Kung hindi pa dumating ang magaling kong Kuya hindi ko alam paano ako makakaalis sa harap niya. Nang mabaling ang atensyon niya sa kapatid kon
“What?!” Napapikit ako ng mariin at napasandal sa aking kinauupuan dahil sa sabay na sigaw nilang dalawa. Pasimple akong tumingin sa paligid, napakagat ako ng aking ibabang labi dahil nakatingin sa amin ang ibang taong nandito. “Lower your voice, girls. My god.” Mahina kong sabi sa kanila. Para naman silang natauhan na dalawa at napatingin na rin sa paligid. “Sorry naman sissy, nakakaloka naman kasi ‘yung sinabi mo. Are you serious about what you said ba?” Paniniguradong tanong ni Chantal. “Of course! I'm serious. Do I look like I'm joking huh? That man is in the mansion right now talking to kuya. That's why I looked like this because I didn't expect to see him.” Naiirita kong sagot. Ganda ganda na sana ng simula ng araw ko pero nasira dahil nakita ko siya. “Oh, sorry sissy, Hindi lang din kami makapaniwala na nagbalik na siya. Kapal ng mukha pala ng Ex mo. May gana pa talagang magpakita sa ‘yo matapos ng mga ginawa niya? Wow! Iba din.” Kahit ako naman ay hin
Pagkarating ko sa mansyon ay agad pumukaw sa aking atensyon ang kotseng nandoon pa rin simula ng umalis ako. Tumaas ang isang kilay ko habang pinaparada ang kotse. Nakaramdam na naman ako ng inis. “Nandito pa rin siya?” Mahina kong sambit bago bumaba ng aking sasakyan. Nakita ko rin ang kotse nila Dad na nakaparada sa tabi nito. So, pati ang parents ko ay nandito na rin. Maaga pa ah? “Ano pa bang ginagawa ng lalaking ‘yon dito? Hindi pa rin ba sila tapos ni Kuya mag-usap? Grabe huh? Ang tagal naman ata.” Pagkausap ko pa rin sa aking sarili habang naglalakad na patungo sa main door. Mukhang umuwi din agad ang parents ko dahil nalaman nilang nandito sa mansyon ang anak-anakan nila. Tsk. Napatigil ako ng makapasok sa loob dahil naabutan ko sila mom and dad na masayang nakikipag kwentuhan kay Kuya at sa lalaking ‘yon. Nangunot pa ang noo ko ng mapansin na iba na ang suot nila ni Kuya. Parehas na silang naka-pambahay. Sh*t, no..no..hindi naman siguro dito matutulog ang walan
Pigil na pigil ko ang sarili na 'wag tumayo at umakyat na lang sa taas. Para akong tinotorture habang kumakain dahil katabi ko siya. Kokonti na nga lang ang pag-kain ko pero hirap na hirap akong ubusin, pati ang pag nguya ko at lunok ang hirap. Bakit ba kasi dito pa tumabi ang lalaking `to. Sana doon na lang siya sa tabi ni Kuya. Mas keri ko pa iyon, makakain pa ako ng matiwasay. Sa totoo lang kanina pa ako nag-tataka sa magulang ko. Ilang taon din hindi nag-paramdam ang anak anakan nila, Hindi ba sumama ang loob nila sa ginawa nito? Pagkatapos nila pag-aralin at makapag tapos bigla na lang nawala na parang bula. Tapos ngayon para namang kabute na bigla na lang susulpot at aasta na parang walang nang-yari? Wow! Madali para sa kanila na mapatawad ang lalaking ito? Hindi ba sila nasaktan? Kasi ako sa laki ng atraso niya sa akin. Hinding hindi ko siya mapapatawad! Paano na lang kung malaman nila na naging kami at iniwan ako sa ere ng lalaking ito? Hindi man lang nag-paala
Patakbo akong umakyat sa taas habang unti-unting nagtutuluan ang mga luha ko. D*mn this! Pagkapasok sa loob ng aking kwarto ay malakas ko iyong sinarado at patakbong dumapa sa kama at doon umiyak. Ang bigat bigat ng loob ko. Bakit lahat sila pabor sa lalaking iyon? Bakit hindi man lang nila inisip ang nararamdaman ko? Nakakatawa na ang hilig nila magsabi sa akin kung kailan tapos na, kung kailan huli na at wala na akong magagawa pa. Mahirap bang sabihin muna sa akin bago sila mag-desisyon? Bakit hindi nila ako kausapin. kanina pag-dating ko pwede naman nila i-open up sa akin ang bagay na ‘yon. Pero hindi nila ginawa, Hinintay pa talaga nila na kumain kami ng dinner. Nakakasama ng loob si Daddy at Kuya. Porket lagi akong sumusunod sa kanila at hindi ko sila sinusuway ganito na nila ako itrato. Mahirap pala talagang maging mabait kasi inaabuso. Biglang pumasok sa aking isip ang sinabi nila Trishana kanina. My friends is right. Ang mga kinatatakutan ko kanina habang nag u
“Sh*t.” Nakukunsume na sabi niya bago napahilamos sa kanyang mukha. “Sh*t ka rin!” Balik na sabi ko sa kanya. Hindi naman ito makapaniwala na tumingin sa akin. “Hindi ikaw ang sinasabihan ko Kylie Madelyn! ‘yang bunganga mo!” Galit na bulyaw niya habang namumula na ang mukha sa galit. Inirapan kolang siya at balak na sanang lagpasan sila ng muli itong mag-salita. “Don't you dare to turn your back on me. You should be thankful that we waited for you! If not, you take a Taxi!” What? At bakit naman ako mag tataxi ‘e meron akong kotse? Pinag-sasabi nito ni Kuya. “I have a car so why should I take a taxi?” Masungit kong sabi. “Iyan nga ang dahilan kung bakit ka namin hinintay! Ginamit nila mommy ang kotse mo! At sa amin ka sasabay ni Jace pagpasok! Oh, mali sa kotse ka pala ni Jace sasakay dahil susunduin ko pa si Roman. Pasalamat ka nga sinabi ni Jace na hintayin ka namin kung hindi maglalakad ka palabas ng subdivision!” Galit niyang bulyaw sa akin. “What?! are you se
KYLIE point of view Hanggang makarating kami sa kompanya ay tahimik lang talaga si Liam. Akala ko makakapag-usap kami habang nasa biyahe kaso dahil sa nang-yari kanina ay nawalan na din ito ng mood. Hindi din talaga sila okay ni Kuya tapos isama pa na nakita niya ang lalaking iyon. Pinarada niya sa tapat mismo ng building ang kotse habang ang mga tingin ay nasa unahanang, bumuntong hininga ako bago humarap sa kanya bago bumaba. “Hey, galit ka?” Malambing kong tanong. Umiling naman siya. Napalabi naman ako. “About kanina sorry, mahabang kwento kasi ang nang-yari. Iyon din ang dahilan kung bakit kami nag-talo ni Kuya.” Paliwanag ko, ayoko naman na bumaba na ganito siya. Hinatid pa naman niya ako dito. “Kailan pa siya naka-uwi?” Biglang tanong niya sabay lingon sa akin. Napalunok naman ako dahil ang seryoso talaga niya. “K-kahapon pa, bigla na lang siyang sumulpot sa mansyon.” Mabilis ko namang sagot. “Why didn't you tell me? Did Chantal and Trishana k
Tumigil ako at tinignan ang oras kinse minutos na lang bago mag-alas dose. “Don‘t say that, Wife. Tanggap ko ang lahat sa ‘yo, Mahal kita dahil ikaw si Kylie Madelyn Montemayor—Buenaventura. Ang babaeng minahal ko simula noon at hanggang ngayon. Ang asawa ko. Pakinggan mo akong mabuti, ako naman. “No matter what happened to us, pag-layuin man tayo ng tadhana ulit. Ikaw at ikaw pa rin ang gugustuhin kong maging asawa. Alam kong hanggang ngayon hindi mo pa ako napapatawad pero handa akong mag-hintay kahit taon pa yan! But, please. Don‘t leave me and stay by my side. Okay na ako doon. Kuntento na ako. Please, don't do this. Kung gusto mong lumipat ng kwarto sa bahay, sige. Ipapaayos ko ang katapat ng kwarto natin. Kung ayaw mo ng bahay na iyon, sige mag-hanap tayo ng iba. Sabihin mo lang kung anong gusto mo. Basta...wag mo lang akong iiwan..Hindi ko kayang malayo ka sa akin..please Kylie...” Napasinghap ako ng marinig ko siyang humikbi sa kabilang linya, tapos ay biglang l
KYLIE Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, Bumungad sa aking ang puting ceiling. Where am I? Tinignan ko ang aking gilid at nakitang may dextrose na nakabit sa akin. Nasa hospital ako. And then Unti-unti kong naalala ang nangyari sa amin sa hotel! Na pabalikwas ako ng bangon at tinignan ang paligid walang tao sa kwartong kinaroroonan ko, Where is Jace? Napangiwi ako ng sumakit ng matindi ang ulo ko. Saktong bumukas naman ang pinto ng kwartong tinutuluyan ko. "Sh*t, Wife!" Napadilat ako ng marinig ang boses ni Jace. "J-Jace.."Mahinang tawag ko sa pangalan niya habang nangingilid ang luha. Akala ko ay mapapahamak na siya. Wala sa sariling pinalo ko naman siya sa kanyang dibdib. "I hate you! I hate you! Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sa ginawa mo?! Paano kung napahamak ka? Edi magiging byuda ako ng maaga ha!" Naiiyak kong sabi, naramdaman ko naman ang mahigpit niyang yakap sa akin. "Shh, Don't cry. I'm sorry kung pinag-alala kita. Ginawa
“A-ah, Excuse me ladies, but my wife is here.” Nauutal niyang sabi bago hinawi ang mga babae sa kanyang harap. Masama ang tingin ko sa kanya. Napalunok siya ng i-abot sa akin ang white whine na hawak. Akma niya sana akong hahawakan sa bewang ng umusod ako, tapos ngumisi habang tinitignan ang hawak na wine. nilalaro-laro ko iyon sa aking kamay, Pinapaikot-ikot ng dahan-dahan. Ayoko sa lahat nilalandi ang pag-mamay ari ko. Alam ng mahahaderang babae na ito na may asawa na ang kanilang kaharap pero lumalandi pa rin! Mukhang gustong maging kabit ng mga ito ah? Pasalamat na lang ako hindi katulad ng iba si Jace na bibigay agad. At papatusin ang kalandian ng mga ito. Hindi lang ako natuwa dahil pinag-hintay niya ako sa table namin tapos makikita ko siyang may kausap na mga babae! “Ladies, you know her, right? She‘s Kylie Buenaventura my wife and one of the famous model in the country.” Pakilala sa akin ni Jace. Famous model huh? Binalingan ko ang mga babaeng nasa ha
KYLIE point of view (8 months later..) Hindi ko akalain na ganito kabilis dumaan ang araw. It‘s been 8 months already ng makasal kami ni Jace. Parang noong isang araw lang galit na galit ako sa kanya at ayaw ko siya makita. Halos, gusto ko na nga siyang isumpa. Pero ngayon na nakakasama ko siya unti-unting bumabalik ang Jace na kilala at minahal ko. So far our marriage is working well. Our routine is still the same, busy with work, but this time I'm helping him because I'm his wife. I have also finished my pending shoot with Tita Aaliyah's company, Now they have re-released the photo of me and Trishana, Chantal on the billboard in edsa, taytay and C5 with a caption at the bottom "The Trio Queens of Dela Cerna Corp." The magazine has also been released. Last week they just finished launching their new jewelry and bags. That's what my friends and I modeled. Somehow my sched has loosened up in the last eight months. Panaka-nakang photoshoot na lang, kaya pwede k
Kylie point of view DALAWANG araw n ang lumipas simula ng mag-kasakit si Jace. Back to work na ulit kaming dalawa. Ilang beses ko siyang sinabihan na ‘wag aabusuhin ang sarili sa trabaho. Puro tango lang naman ang sinagot sa akin. Ngayon nandito ako sa kompanya nila Tita Aaliyah para sa isang photoshoot. Jeans and denim jacket ang bagong labas nila Tita Aaliyah na pang outfit of the day. Iyon ang imomodel namin ngayon. Tapos na kaming ayusan nila Trishana kaya pina-pwesto na kami ng photographer sa gitna. Pose lang kami ng pose na tatlo hanggang sa mag-palit na ulit ng jeans at demim. Ito lang ang nakakapagod kapag modelo ka. Iyong papalit palit ng damit. Last shoot na ng biglang lumapit sa akin si Mira, hawak niya ang aking cellphone. Sinama ko siya ngayon para may assistant ako incase na may tumawag sa akin sa head department ng accounting. If may mga katanungan sila sa naging utos ko. “What is it, Mira?” Agad kong tanong ng makalapit siya. “Someone i
Gulat ko siyang nilingon tapos nag-aalalang lumapit sa kanya. “Oh my gosh, Jace! Ang taas taas ng lagnat mo! Ano bang ginawa mo?” Tanong ko sa kanya. “S-shh, D-don‘t worry wife, ipapahinga ko lang ito t-tapos gagaling na ako.” Mahina at namamaos niyang sabi. Akma itong tatayo sana kaso bumaksak siya. He‘s very weak! Mabilis ko naman siyang inalalayan para maka-sandal sa headboard ng kama namin. Tinanggal ko na rin ang suot niyang kurbata, Sinunod ko ang sapatos niya. Hindi ko inalis ang medyas. Kailangan niyang mapag-pawisan. “No, hindi ako naniniwala sa sinasabi mong itutulog mo lang tapos gagaling ka na. Wait me here. Papatayin ko lang ang aircon para mapag-pawisan ka. Sakto mag-dadala sila manang ng pagkain. Humigop ka ng sabaw tapos kumain ng konti para maka-inom ng gamot. Okay? No but, Jace Mateo. Over fatigue ka, masyado mong inabuso ang katawan mo sa trabaho.” Mahaba kong sabi. Medyo galit ang boses dahil nag-aalala ako sa kanya. Mabilis akong bumaba sa kama a
Two weeks past.. After the issue died down. Jace and I started to work again. Siya na palipat-lipat dahil sa dami ng business niya, pupunta ng hotel para icheck ang kalagayan doon, pupunta sa Cafe, sa resorts. Hindi ko akalain na grabe pala talaga kayaman si Don Sebestien. Tapos sa kompanya Isa o dalawang araw lang ata siyang pumupunta para icheck ang mga dapat niyang gawin. Habang ako naman ay nag-simula na sa shoot sa kompanya nila tita Aaliyah. Noong nakaraang linggo ay pumirma na kami ng kontrata nila Chantal. Balik photoshoot ako this week and next week. Pareho na kaming busy ni Jace, bibihira na rin tumugma ang oras naming dalawa pero ayos lang. Atleast in the end of the day mag-kikita at magkakasama pa rin kami kahit na minsan late akong nakakauwi o kahit siya sa bahay namin. So, dahil nag-kita-kita kaming apa't nila Trishana na-kwento ko na sa kanila ang nang-yari sa mga nakalipas na linggo. Hindi naman sila makapaniwala na kasal na kami ng dating Ex ko. Actuall
Matapos kumain nila manang ng almusal ay pilit nila akong pinapa-upo at sila na ang mag-luluto ng almusal namin. Pero hindi ako nag-patalo. I don‘t but I want to cook breakfast for Jace. Siguro, pasasalamat ko na rin sa tulong na ginawa niya para sa amin. Sa huli sumuko rin sila manang, Iniwan nila ako sa kusina at ginawa na ang iba nilang gagawin. Napangiti naman ako dahil wala ng nangungulit sa akin. I cooked bacon, scramble eggs and hotdogs. I noticed that there was still rice in the fridge, It looked like we had leftover rice from last night. Okay pa naman ‘yung kanin kaya isasangag ko nalang siya para hindi sayang. I finished the dish first so I followed the friend rice. I was enjoying what I was doing. Nang may tumikhim sa aking likod. Gulat naman akong napalingon doon. And there Jace was leaning against the side of the door with his arms crossed and looking at me with a smile. “You look enjoying.” Umalis siya sa pagkakahilig sa pader tapos naka-pamu
Pilit kong pinakalma ang boses, ayokong ipahalata sa kanya na hindi ako mapakali. “How did you buy my books if you are in Canada? Then how did you know that I have published a book?” Oh, gosh. buti na lang hindi ako nautal. Mas humigpit ang yakap niya sa akin. What is happening to me? Hindi ba dapat talaga lumalayo na ako sa yakap niya? Bakit gustong gusto ko pa ang nang-yayari? Sh*t, Kylie. Alalahanin mo isang taon lang ang kasal niyo. If ever na matapos agad ang problema ay pwede mo naman ipa-aga ang divorce niyo. I have my ways, Love. I have someone who reported to me, what is happening to you here. And during your first book signing at MOA. I even came home here using Don Sebastien's plane, I was able to go to the philippines and immediately returned to canada that day. Umuwi ako to support you. And about sa mga libro mo kung paano ako nakakabili, Thanks to the help of Kylde's friend. Sila ang nag-titiyaga pumila kapag may book signing ka.” What?! ang mga kaibigan