"Huh? Is he saying the truth, Mama?" napunta sa akin ang tingin ni Arkan na may pagsusumamo.
Alam ko naman na kahit hindi ito naghahanap ng ama ay masaya itong makilala si Aldo.
Labag man sa loob ko ay tumango ako. Ngunit hindi ko inasahan ang matalim nitong titig kay Aldo.
"I don't like you. You hurt my Mama," ani Arkan na parehong nakapagpa-awang sa mga labi namin.
I saw how Aldo knotted his brows, but then still managed to carry Arkan in his arms.
"You must be tired from the ride, Buddy. We'll rest for a while, then we will leave and go back to Manila."
Nagkatinginan kami ni Arkan at tingin ko ay ayaw rin nitong umalis ngunit wala kaming nagawa. Pagkaraan lang ng dalawang oras ay nakasakay na kami sa chopper ni Aldo. Inabutan niya ako ng headphone habang siya na mismo ang naglagay noong kay Arkan.
Hindi ako umimik sa biyahe. Maging si Arkan ay hindi kinausap si Aldo kahit pa miminsang kinukuha ni Aldo ang atensyon niya. Nakatulog p
Hindi ko alam na papayag siya sa gusto ni Arkan. Akala ko kanina ay magagalit siya at ikukulong lang kami sa penthouse ngunit hindi. Tahimik kaming kumain pagkatapos ay hinayaan niya si Arkan na bumalik sa kwarto. Nang maiwan kaming dalawa ay doon na ako kinabahan."Find a house within an hour. If you can't, Arkan will stay here and you will leave."Napamaang ako at agad na binitiwan ang hinuhugasang plato."That's unfair. Gusto ng anak ko na makasama ako. Sabay kaming aalis dito sa ayaw at gusto mo."Sa oras na iyon ay gusto kong sumigaw ngunit ayaw kong marinig ako ni Arkan."That is fair enough. You took years from me, sweetie. Those years are enough for you. I can't stand seeing how much my son despised me because he believed I neglected him," mahina ngunit may riing bigkas niya."And so? Ayaw pa rin sa'yo ni Arkan kahit anong gawin mo."Napirmi ang mga labi niya, "My decision is final. One hour, Mayu. If you can't find a pl
"Alice, ilalaban niya raw sa korte!"Suminghot ako at hindi maisip kung anong gagawin kapag nangyari iyon."Shh ka nga! Ang ingay mo. Baka magising si Arkan. Baka naman tinatakot ka lang," balewalang bigkas nito habang patuloy sa pagsubo ng ice cream."Hindi. Kilala mo naman ang halimaw na iyon. Walang sinasanto," muling litanya ko."Malamang. Kaya nga halimaw, Gaga," pabalang na sagot nito.Nairita ako sa klase ng sagot niya at tinapunan siya ng tissue na may uhog."Mayu, naman! Mukha ba akong basurahan?!"Umirap ako noong maarte niyang alisin ang tissue at talagang nag-spray pa ng alcohol sa kamay."Bakit kasi parang hindi ka naman interesedo?" Tinaas ko ang kilay na kinakunot ng noo niya."Baka naman kasi nga tinatakot ka lang. Baka ang gusto niya magsama-sama kayo sa bahay niya. Gets mo?"Umiling ako dahil hindi ko maisip na iisipin iyon ni Aldo."Malabo iyan. Isa pa, ayaw sa kanya ni Arkan. Hindi pwede
Tumaas ang kilay niya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa."Same cheap Mayu. Nothing change." Ngumisi siya at itinuro naman si Arkan, "Is this your cheap son—"Ngunit hindi niya naituloy ang sasabihin noong mag-angat ng tingin sa kanya si Arkan. Rumehistro ang gulat sa mukha niya at napaawang ang mga labi. Namilog ang kanyang mga mata at napaatras din."I-s he? I-s he Aldo's s-on?" Nanginginig ang kamay niyang tinuro si Arkan.Walang emosyon ko siyang tiningnan. Hindi ko na hahayaan na manipulahin pa nila ako muli."You didn't abort him?" she concluded.Imbis na matakot ay kinunutan ko siya ng noo at pinasadahan ng tingin."And so?""And so?!" hindi makapaniwalang ulit niya, "May I remind you that Mommy paid you to abort your baby! And now, I am seeing the child whom in the first place should be dead—""Shut up! Hindi ikaw ang gumawa sa anak ko kaya't wala kang karapatan na desisyunan ang
"Can you call me Daddy again, Buddy?"Hindi ko alam kung pang-ilang request na iyon ni Aldo kay Arkan.Tapos na kaming mamili at nasa sasakyan na ngunit ganoon pa rin ang bukambibig niya. Halos mairita na ako sa kakaulit niya ngunit mas mukhang iritable si Arkan na hindi na madala-dala ang mga nguso niya."Daddy," tamad nitong bigkas.Muling napangiti si Aldo na tila nanalo sa lotto. Niyakap nito nang mahigpit si Arkan na ngayon ay nagsasalubong na ang kilay."One more—""Will you stop, Aldo? Kita mo na ngang naiinis na si Arkan kakaulit, ayaw mo pang tumigil."Hindi ko mapigilang sumingit na sabihin iyon lalo na't alam kong irita at inis na si Arkan."I'm just happy," simpleng sagot nito.Umirap ako at nailing. Mabuti na lang rin at nanahimik ito. Akala ko nga ay mabait hanggang makauwi ngunit hindi ko mapigilang kabahan matapos niya akong pigilan sa pagpasok sa bahay."We need to talk—""Speak n
Ni hindi man lamang ako nakapagsalita. Basta na lang din niya pinatay ang tawag dahilan upang mas lalo akong mairita sa kanya. Binalik ko na lang ang cellphone sa side table bago humiga at niyakap nang mahigpit si Arkan.Ayaw kong magsayang pa ng oras o pagkakataaon. Kahit anong gawin nila, sa akin pa rin ang anak ko. Natulog ako na hindi binibitiwan si Arkan.Iyon nga lang paggising ko ay unan na lang ang yakap ko at wala na sa tabi ko ang anak ko. Nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas ng bagong dahil doon."Arkan!" taranta kong tawag at binalak na bumaba sa kama."He's in the living room with Baron. Don't worry, he's safe," ani ng baritonong boses na may lamig.Natigilan ako at hindi makagalaw noong malingunan si Aldo na prenteng nakaupo sa gilid ng kama at mukhang kanina pa ako pinagmamasdan."Your strap is falling," puna niya sa strap ng damit ko.Alerto kong inayos iyon at umiwas ng tingin."Ang aga mo," mahinang puna ko
Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Naunang umakyat sa kama si Arkan pagkatapos ay tinawag ako."Mama, here!" Ni-tap pa nito ang pwesto sa gilid niya.Sumusukong bumuntong hininga ako at doon nahiga. Agad ko siyang niyakap at nagtaklob sa kumot. Hindi ko na sinilip o hinintay pa si Aldo na kanina pa may kausap sa cellphone niya."Hindi pa po tapos si Daddy?" mahinang tanong ni Arkan."Don't wait for him, Baby. Sleep now, it's already late."Maliit itong tumango ngunit kahit ganoon ay alam kong hihintayin niya pa rin ito kung kaya't hindi rin ako makatulog. Nakapikit lang ako ngunit hindi pa tulog. Dinig ko pa nga ang mga papalapit na yabag ni Aldo."Why are you still awake, Buddy?" tanong nito kay Arkan."Shh, Daddy. Keep quiet, Mama is asleep," paalala nito.Hindi ko sigurado kung sumagot ba si Aldo. Ang alam ko lang ay ang paglundo ng kama sa kabilang gilid ni Arkan at ang pagpatong ng matipunong kamay sa braso kong nakayaka
"What?"Kunot ang noo niya. Disoriented pa yata siya at kunwari pang walang alam sa sinasabi ko.Mabibigat na hininga ang ginawa ko. Sinulyapan ko si Arkan na nakatingin sa akin. Ayaw ko naman na marinig niya kung kaya't agad kong linapitan si Aldo at hinila ito sa siko papalabas ng bahay. Mabuti na lang din at walang ganap ang mga kapitbahay."Heto na ang huling araw na makikita mo si Arkan! Hindi ako papayag sa gusto ng Lolo mo. Walang kahit sinong pwedeng maging Nanay sa anak ko kun'di ako lang!" mariing bigkas ko.Gusto kong magwala at suntukin siya sa galit. Nag-uumapaw ang sama ng loob ko sa ginagawa nila. Para bang laruan lang ang anak ko na basta nila dinedesisyonan kung kanino ibibigay.Halos mangilid ang mga luha ko sa naisip. Nanginginig ang mga kamay ko at buong katawan sa galit ngunit siya ay tila hindi man lang nabahala sa galit ko."What do you want me to do then?" bored pang tanong nito.Napamaang ako at mas lalo lang
Bitbit ko ang lakas ng loob at tapang mula sa sinabi ni Arkan. Malakas ko ring tinapon sa harap ni Aldo ang mga gamit niya, diretso sa dibdib niya."I don't need you. I don't need your money. Ayoko ng epal sa buhay ko kaya pakisabi sa Lolo mo na gumawa ng sariling anak niya!" Ngumisi ako at akmang isasara na ang pinto ngunit mabilis niyang napigilan."Is this really what you want?" he asked through his gritted teeth.Tinaas ko ang aking kilay at naiinip siyang tiningnan."Yes. Huwag mo ng lalapitan si Arkan. Huwag ka na ring bibisita sa amin. Maghahanap ako ng trabaho at babayaran ko lahat ng pera mo."Sandali siyang natigilan na tila ba pinag-iisipan ang sinabi ko. Kalaunan ay gumuhit ang maliit na ngisi sa mga labi niya."Fine. Let's play this game, Sweetie. See you in the court. No, erase that. See you in the jail," malamig niyang sagot na nakapagpa-awang sa mga labi ko.Hindi ako nakakilos at hindi na nagawang itanong ang ib
Aldo Hendrix CastellanosI still clearly remember Mayu, whom I saw at the party's garden. Honestly, the first time I saw her, I was sure she was definitely not my type. Glancing at her gown, I knew then she would be one of the candidates. Kaya naman ako na mismo ang naghanap kay Addison upang ibigay ang kahon na patago ko pang kinuha kay Lolo.Hindi ko rin naman gusto ang plano nito at wala sa isip ko ang magpakasal. And who would be happy in an arranged marriage? No one. And so, as much as I could, I tried my best to give the box to the person I somehow liked. I didn't know and I was unaware that fate played me so very well. Wala rin akong plano sa unang gabi kun'di ang takutin siya ngunit mukhang may mas plano ang tadhana sa aming dalawa at hinayaan na may mangyari at maulol ako sa kanya.Oras-oras kong pinapagalitan ang sarili dahil doon. At halos murahin ko ang sarili matapos hindi makuntento sa isang gabi na halos gabi-gabi na lang itong nasa isip ko at pilit ginugulo ang sistem
Walang tigil ang kaba ko sa takot na baka may balak na naman itong masama. Ni hindi ko nga namalayan na na-dial ko ang numero ni Addison. Huli na at hindi ko na ma-end call matapos marinig ang maarte niyang boses. Nawala tuloy kay Stella ang atensyon ko at nalipat sa cellphone."Now, you called me. What, Cheap Bitch?" anitong tingin ko ay umiirap pa sa kabilang linya.Napairap din tuloy ako, "Napindot lang. As if namang tatawagan kita. Bye—""Wait! Don't hang up yet!" pigil nito dahilan upang hindi ko pindutin ang end call."What, Maarteng Bitch?" pagtataray ko.Dinig kong umismid ito ngunit tumikhim din."I'm sorry."Nangunot ang noo ko at tila nabingi. Tama ba ang narinig ko?"Ano?""Ang sabi ko, I'm sorry!" malakas nitong sigaw na kinangiwi ko at nagpasakit sa tainga ko, "I'm sorry nga pero kung ayaw mo, then don't!"Napailing ako. Paano ko naman tatanggapin ang sorry na ganito?"Not forgiven—""Who cares? Nag-sorry lang naman ako dahil ayokong iwan kami ulit ni Mommy. Tss," aniya
"Aldo, tama na nga!" protesta ko matapos nitong hindi tumigil.Ngunit hindi ito nakinig at nagpatuloy lang dahilan upang mapa-halakhak ako. "Tama na kasi! H-indi na ako makahinga, kakain pa ako." Napanguso ako at hinawakan na ang dalawang kamay niya ngunit mahina lang siyang tumawa mula sa likod ko."Ang bad mo ah! Bahala ka kapag na-dislocate si baby," pagbabanta ko.Sandali siyang natigilan at lumipat sa harap ko, "What? Is there a thing called dislocation in pregnancy?"Nangunot ang noo niya at tila ba litong-lito. Kusa akong nangisi at kumibit balikat."Meron na ngayon—""You're bluffing," aniyang lumalapit na naman at pinupuntirya ang tagiliran ko."Aldo nga!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tanging ngisi ang sinagot niya sa akin."Gutom ako. Kung sanang pinakain mo ako kagabi, wala sana ngayon tayo sa kusina kahit madaling araw pa.""You could have stopped me from making love to you earlier in the night. Hindi mo sana ako pinapagalitan ngayon. I am just being a professional l
"Nakagagaan pala sa pakiramdam kapag ganito," wala sa loob na bigkas ni Daddy habang kumakain sa hawak niyang ice cream.Napatitig ako sa abocado ice cream na hawak, nasa apa iyon. "Sana pala, noon pa ako nagpaka-ama," dagdag nito.Napayuko ito at ramdam ko ang bigat sa damdamin niya. Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga."Pwede pa naman po, hindi nga lang ngayon," mahinang bigkas ko. "Maghihintay ako, Anak. Hihintayin ko hanggang sa matanggap mo na ako bilang ama mo. Marami akong pagkukulang pero handa akong bumawi," anitong halos manginig pa ang boses.Napalunok ako. Alam ko namang pareho lang sila ng motibo ni Mommy. Pareho lang naman nila akong gusto ngayon dahil asawa ko na si Aldo pero kahit ganoon, gusto kong isipin na totoo si Daddy.Kung pagbabasehan lang naman ang pagiging magulang, si Daddy ang laging nandiyan at updated sa buhay ko kahit pa hindi ko ito nakakasama sa mga importanteng okasyon sa buhay ko. Na-appreciate ko naman ang mga panahon na nagrerenta siya
"What do you mean, Mommy? Paanong si Ate Addison iyon?"Litong lito ako at kahit may nabubuong konklusyon sa isip ko ay gusto kong marinig iyon mismo sa bibig ni Mommy.Napapikit ito nang mariin. Pagmulat ng mga mata niya ay punong-puno iyon ng pagsisisi."Sad to say, nag-alaga ako ng anak ng iba habang napabayaan ko ang sarili kong anak," may pagsisising bigkas nito.Umawang ang mga labi ko at naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Ilang beses akong kumurap upang hindi tumulo ang luha ko ngunit hindi ako nagwagi. Tahimik na nagpagbasakan ang mga iyon.Imbis kasi na matuwa ako na ako lang pala ang nag-iisang anak niya ay mas nasasaktan ako na nagawa niyang mas piliin ang anak ng iba kaysa sa akin.Agad niyang inabot ang kamay ko matapos makita ang pagbagsak ng mga luha ko."I'm really really really sorry, Mayu. S-orry kung napabayaan ka ni Mommy. H-indi ko naman ginustong mangyari ang lahat ng ito sa'yo kahit pa ako ang pasimuno ng ibang kasakitan mo sa buhay. Ayoko lang na idamay ka ni F
Hindi ko alam kung desido talaga si Aldo sa pangingibang bansa namin pero mas desido akong makausap ulit si Mommy. Ang tagal kong hinintay ang reply niya. Akala ko nga ay tatanggi ito ngunit um-oo naman.Ilang beses akong binalaan ni Aldo na huwag lumabas ng bahay, kaso mas nananaig ang kagustuhan kong maliwanagan kay Mommy. Ang problema ko na lang ay kung saan iiwan si Arkan. Ayoko isama dahil baka mamaya may panganib nga sa paligid."Mama, bakit mo po ako iiwan kay Tita Alice?" may himig pagdududang tanong ni Arkan.Napataas ang kilay ko at patay malisyang hinawakan ang kamay niya."May bibilhin lang ako, Baby. Babalik din ako agad.""Ng hindi ako kasama, Mama? Does Daddy know about this?" mala-imbestigador ang tono nito.Napaubo ako bago tumawa nang alanganin."Of course, Baby. Always updated si Daddy mo," pagsisinungaling ko."Really, Mama? Then why are you leaving me here? Or maybe, we should call Daddy and ask him to take me here."Bahagyang namilog ang mga mata ko. Pagkaraan ay
"Leave the country? Pero ayaw kong umalis, Aldo." Iyon agad ang bungad ko pagkapasok namin sa loob bahay.Ayoko talagang umalis. Hindi ngayon na ganito ang nangyayari. Gusto ko pang makausap nang masinsinan si Mommy. Bigla, gusto kong idiskubre at alamin ang sinabi nitong first love niya si Daddy."I don't doubt if we can really have a peaceful life here after everything. I don't want to risk your pregnancy—what's that?"Natigilan ito at natutok ang tingin sa gilid ng labi ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad iyong tinakpan. Balak ko na ngang umatras ngunit agad nitong nahawakan ang siko ko. Paglingon ko sa kanya ay malamig na ang tingin niya at marahang tinanggal ang kamay ko ns nakatakip sa aking labi."Did she do that to you?" his cold voice sent nervousness to my heart.Nahigit ko ang hininga at natakot magsalita. Natatakot akong sabihin na si Mommy kahit na walang takot ako nitong sinampal kanina. Ayokong pagbuntunan nito ng galit si Mommy, hindi sa ngayon."Tell me or I
May pagtitimpi kong pinunasan ang gilid ng labi ko. Ayaw ko sanang magalit sa araw na ito pero kung ganito ang salubong sa akin, tapos ang pasensya ko."Napakawalang kwenta mong anak! Sana hindi ka na lang nabuhay-""Edi sana hindi kayo lumandi sa iba para hindi ako nabuo!" may inis na sagot ko na nagpatigil dito."Sana nga hindi na lang ako nabuhay kung iiwan lang din naman ako na parang pusa ng mga magulang ko," may kalamigang bigkas ko.Kahit masakit sa dibdib na sabihin iyon ay pilit kong pinatatag ang titig ko. Hindi ko makita ang punto na nagbubuhos siya ng sama ng loob gayong ako ang maraming dapat isumbat sa kanya.Naningkit ang tingin niya sa akin," How dare you?" hindi makapaniwalang bigkas niya."Ganyan ba ang ginawa sa'yo ng pera? Sumasagot ng magulang? Bakit? Ganyan ka rin bang pinalaki ni Rosario?"Naikuyom ko ang mga kamao at nagtagis ang aking mga ngipin."Mali oh kayo. Ganito po niyo ako pinalaki," may diing bigkas ko, "Isa pa, huwag po ninyong idamay si Nanay Rosario
Hindi yata matatapos ang araw na ito ay maghahalo ang balat sa tinalupan.Kahit ipilit kong ikalma ang sarili ay nanggigil ako sa tuwing nasusulyapan si Ate Addison.Tumikhim ako at binaklas ang braso ni Aldo mula sa pagkakapulupot sa bewang ko."Let's go Arkan. Let's go swimming. May aayusin pa ang Daddy mo," malamig kong bigkas bago tumayo at pilit inaabot ang kamay ni Arkan na tumayo na rin at humawak sa kamay ko.Ngunit bago pa man ako tuluyang makahakbang paalis sa mesa ay nahawakan na ni Aldo ang palapulsuhan ko. Natigilan ako at nabitiwan ang kamay ni Arkan."Alaric, get my son please," malamig nitong utos sa kapatid.Tahimik na sumunod si Alaric na binuhat si Arkan. Ni hindi man lang nagreklamo ang anak ko.Nanlalaki ang mga mata kong binalingin si Aldo."Aalis din ako, Aldo." Pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa kanya ngunit humigpit nang bahagya ang hawak niya."Stay here. We'll leave here together," aniya kung kaya't bahagya akong kumalma.Kaya lang ay pabagsak na hinam