Bitbit ko ang lakas ng loob at tapang mula sa sinabi ni Arkan. Malakas ko ring tinapon sa harap ni Aldo ang mga gamit niya, diretso sa dibdib niya.
"I don't need you. I don't need your money. Ayoko ng epal sa buhay ko kaya pakisabi sa Lolo mo na gumawa ng sariling anak niya!" Ngumisi ako at akmang isasara na ang pinto ngunit mabilis niyang napigilan.
"Is this really what you want?" he asked through his gritted teeth.
Tinaas ko ang aking kilay at naiinip siyang tiningnan.
"Yes. Huwag mo ng lalapitan si Arkan. Huwag ka na ring bibisita sa amin. Maghahanap ako ng trabaho at babayaran ko lahat ng pera mo."
Sandali siyang natigilan na tila ba pinag-iisipan ang sinabi ko. Kalaunan ay gumuhit ang maliit na ngisi sa mga labi niya.
"Fine. Let's play this game, Sweetie. See you in the court. No, erase that. See you in the jail," malamig niyang sagot na nakapagpa-awang sa mga labi ko.
Hindi ako nakakilos at hindi na nagawang itanong ang ib
"Hindi ko po kinid-nap ang anak ko! Ano ba ang hindi malinaw roon?!"Kanina pa ako nagsisigaw ngunit tila bingi sila at wala namang nakikinig sa akin. Pakiramdam ko ay isa akong kawawang nilalang, lalo na't ako lang mag-isa sa kulungan."Ano ba! Makinig maman kayo! Ilabas niyo nga ako rito!" Kinalampag ko pa ang rehas na hindi man lang nila kinabahala.Gusto kong maiyak. Akala ko ay kustodiya lang ang ilalaban ko. Hindi ko naman alam na ipapakulong ako ng ganito ni Aldo.Halimaw talaga!"Miss, tumawag ka na lang ng abogado mo. Malaking tao ang binangga mo."Napailing ang pulis sa mesa. Tumayo ito at inabutan ako ng cellphone."Kung makahahanap ka ng magaling, kunin mo. Pero ewan ko lang kung mananalo ka," sarkastikong bigkas pa nito.Ayaw ko man ay masama ko siyang tiningnan bago kinuha ang cellphone. Agad kong ni-dial ang numero ni Alice."Alice, si Mayu 'to," agad kong bungad."Mayu! Hinahanap ka ni
"Miss, kumain ka na. Bawal ka raw magutom," ani ng isang pulis.Nilapagan ako nito ng tray na may pagkain at orange juice sa gilid pati baso ng tubig.Napataas ang kilay ko. Hindi ko alam na may special treatement sa kulungan. Ni hindi ako pinalabas para hayaang makihalubilo sa iba. Maging ang ibinigay nilang damit kanina ay kabibili lang yata sa mall."Uhm, hindi pa po ba tumawag iyong kaibigan ko?""Hindi pa, Miss. Kumain ka na. Kapag may kailangan ka, sabihin mo lang. Tumawag ka lang ng kahit sinong pulis diyan."Nangunot ang noo ko at naningkit ang mga mata kalaunan. Tingin ko ay may mali sa mga pangyayari pero hindi na ako mag-iinarte pa. Maybe I can use this chance to take advantage of everything.Pagdating ng gabi ay hindi ako makatulog. Bukod sa hindi tumawag si Alice ay nag-aalala ako para kay Arkan. Gusto ko sanang makitawag kaya lang ay nahihiya naman ako. Hindi ko rin alam ang sasabihin sa anak ko kapag nagkataon.Marahan
"Be my bed warmer."Ilang beses na umulit iyon sa isipan ko. Kumukuyom ang kamao ko habang ang mga mata ay walang patid sa pagluha.Sa paningin ko ay may mahabang sungay ang lalaking kaharap ko ngayon. Sugo ng kasamaan."It's my offer, Mayu. It's up to you if you will accept it. But this is the only way you can be with Arkan, because no matter what, you will never win in this game."Malabo man dahil sa luha ang paningin ko ay hindi ko linubayan ang mga mata niya."I wanna slap you," nanghihinang bigkas ko.Hindi siya gumalaw o gumawa ng kahit anong reaksyon."I wanna slap you hard, Aldo. Gustong gusto kitang saktan."Kiniling niya ang ulo at seryoso akong tiningnan."Then do it. Do it and you will never see Arkan again," malamig niyang sagot.I was glued
"Don't worry, I'll give you some time to bond with Arkan before I get him. I am more deserving of being his mother than you, Mayu." Ngumisi si Addison bago tumalikod iwan sila roon.Naningkit man ang tingin ko ngunit wala akong magawa. Walang emosyon ko na lang na tiningnan si Mommy.She arched her brow then moved aside to let the police man open the jail."Sana naman ngayon tumupad ka sa usapan. Tutal magka-away kayo ni Aldo, hayaan mo na si Arkan kay Addison para siya na lang piliin ni Aldo. Ipapahatid kita pauwi. I hope one week is enough to say goodbye to Arkan."Gusto kong sumagot at magprotesta ngunit para sa anak ko ay nanahimik ako. Ang importante sa akin ngayon ay ang makalaya kahit pansamantala lang. Miss na miss ko na si Arkan.Hindi ko alam kung anong koneksyon ni Mommy at sa araw rin na iyon ay nakalaya ako. Sinabay niya ako sa sasakyan ngunit tahimik ako at ganoon din siya. Nang makarating sa tapat ng apartment ay agad niyang pinigila
Pagkatapos ng tawag na ginawa ko ay halos hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko o hindi. Ang alam ko lang, ginagawa ko ito para kay Arkan. Di baleng mawasak ang pride ko, ang importante ay kasama ko ang anak ko.Kinabukasan nauna pa sa aking nagising si Arkan. Pinuno nito ng halik ang pisngi ko at tumalon-talon pa sa kama."Mama, you are back! I miss you, Mama! I miss you!"Tuwang tuwa ito at tila walang masamang nangyari sa kanya kahapon.Napangiti ako at agad siyang marahang hinila para sa yakap. Pinupog ko rin siya ng halik at hinigpitan ang yakap ko."Sorry, Baby. Hindi na ulit ako mawawala sa tabi mo," mahinang bulong ko.Masuyo kong hinalikan ang noo niya na kanyang kinatigil. Noong silipin ko ay seryoso na ulit ito."I understand, Mama," nakakaintinding sagot nito, "I'm sorry that I am a burden to you," lumungkot pa ang bosee nito sa dulo.Nagsalubong ang kilay ko at hindi nagustuhan ang sinabi
Kung anong ganda sa labas, mas maganda sa loob ang mansyon. Kumikinang ang bawat muwebles at base. Ni ang mga sofa ay kakatakutan mong upuan sa sobrang linis. Tingin ko ay ramdam din ni Arkan iyon king kaya't mahigpit ang kapit niya sa kamay ko noong bitiwan siya ni Aldo. Ni hindi siya naglumikot at nanatili lang sa tabi ko."Sit down first. Kukuha lang ako ng makakain niyo," anito bago tumalikod ngunit maagap ang lumitaw na katulong."Sir, ako na po—""No. I can manage. Just do something else and ask someone to bring their things to the master's and to Arkan's room," malamig na utos nito.Ako ang mas nahihiya para sa katulong na napayuko. Tumalima ito at sa tingin ko ay maghahanap ng mauutusan.Nang mawala na ang presensya ni Aldo ay hindi pa rin ako umupo sa sofa. Pareho kami ni Arkan na tahimik na nililibot ng tingin ang mansyon. Hinahanap ko rin ang matandang Castellanos ngunit mukhang wala ito rito."Mama, are we gonna live here?"
Marahas ko siyang tinulak matapos ang halik niya. Agad ko ring pinunasan ang mga labi ko at masama siyang tiningnan."How dare you!" angil ko sa kanya.He smirked coolly and even pouted a little."What's wrong with what I did? Ganoon naman talaga ang gusto ko, Miss Selvestre. That is part of your work description. Mas malala pa nga riyan ang inaasahan kong gagawin mo..."Napaiwas ako ng tingin at naikuyom ang kamao. Bumigat ang paghinga ko at napapikit nang mariin. Oo nga pala't naisangla ko ang kaluluwa ko sa isang kampon ni Satanas. At ngayon ay wala akong magagawa kun'di ang makipaglaro sa apoy.Humugot ako ng lakas ng loob bago siya muling hinarap."I know, Master. So, what do you want me to do? Strip?" malamig kong tanong.Marahan kong binaba ang strap ng damit ko na kinadilim ng tingin niya."Stop," he voice out. Napailing ito at walang pasabing tinaas ang strap ng damit ko, "It's too early, Sweetie. The sun is still up,"
"Please, Daddy. Don't push Mama away," malungkot na pakiusap ni Arkan.Halos magbara ang lalamunan ko at hindi alam kung paano magsasalita. Nagawa kong sulyapan si Aldo ngunit ang tingin nito ay na kay Arkan. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya ngunit kita ko ang bahagyang pag-igting ng kanyang panga.Hindi ko alam na kailangan pa niyang pag-isipan iyon. Akala ko naman ay awtomatikong dito rin ako titira ngunit mukhang iba ang desisyon niya.Sa tagal ng sagot niya ay nagsalubong na ang kilay ni Arkan at napatayo na."If you won't let my Mama be with me, then we're leaving—""Of course, she will live here too. She'll be with you. Wala naman akong sinabing hindi siya rito titira," agap nito sa balak ni Arkan.Doon lang nakahinga nang maluwag si Arkan. Kumibit balikat pagkatapos ay binigyan ako ng kindat na kinakunot ng noo ko. Hindi ko alam kung anong binabalak ni Arkan ngunit natutuwa akong hindi naman pala ako nito inaabanduna hindi gaya
Aldo Hendrix CastellanosI still clearly remember Mayu, whom I saw at the party's garden. Honestly, the first time I saw her, I was sure she was definitely not my type. Glancing at her gown, I knew then she would be one of the candidates. Kaya naman ako na mismo ang naghanap kay Addison upang ibigay ang kahon na patago ko pang kinuha kay Lolo.Hindi ko rin naman gusto ang plano nito at wala sa isip ko ang magpakasal. And who would be happy in an arranged marriage? No one. And so, as much as I could, I tried my best to give the box to the person I somehow liked. I didn't know and I was unaware that fate played me so very well. Wala rin akong plano sa unang gabi kun'di ang takutin siya ngunit mukhang may mas plano ang tadhana sa aming dalawa at hinayaan na may mangyari at maulol ako sa kanya.Oras-oras kong pinapagalitan ang sarili dahil doon. At halos murahin ko ang sarili matapos hindi makuntento sa isang gabi na halos gabi-gabi na lang itong nasa isip ko at pilit ginugulo ang sistem
Walang tigil ang kaba ko sa takot na baka may balak na naman itong masama. Ni hindi ko nga namalayan na na-dial ko ang numero ni Addison. Huli na at hindi ko na ma-end call matapos marinig ang maarte niyang boses. Nawala tuloy kay Stella ang atensyon ko at nalipat sa cellphone."Now, you called me. What, Cheap Bitch?" anitong tingin ko ay umiirap pa sa kabilang linya.Napairap din tuloy ako, "Napindot lang. As if namang tatawagan kita. Bye—""Wait! Don't hang up yet!" pigil nito dahilan upang hindi ko pindutin ang end call."What, Maarteng Bitch?" pagtataray ko.Dinig kong umismid ito ngunit tumikhim din."I'm sorry."Nangunot ang noo ko at tila nabingi. Tama ba ang narinig ko?"Ano?""Ang sabi ko, I'm sorry!" malakas nitong sigaw na kinangiwi ko at nagpasakit sa tainga ko, "I'm sorry nga pero kung ayaw mo, then don't!"Napailing ako. Paano ko naman tatanggapin ang sorry na ganito?"Not forgiven—""Who cares? Nag-sorry lang naman ako dahil ayokong iwan kami ulit ni Mommy. Tss," aniya
"Aldo, tama na nga!" protesta ko matapos nitong hindi tumigil.Ngunit hindi ito nakinig at nagpatuloy lang dahilan upang mapa-halakhak ako. "Tama na kasi! H-indi na ako makahinga, kakain pa ako." Napanguso ako at hinawakan na ang dalawang kamay niya ngunit mahina lang siyang tumawa mula sa likod ko."Ang bad mo ah! Bahala ka kapag na-dislocate si baby," pagbabanta ko.Sandali siyang natigilan at lumipat sa harap ko, "What? Is there a thing called dislocation in pregnancy?"Nangunot ang noo niya at tila ba litong-lito. Kusa akong nangisi at kumibit balikat."Meron na ngayon—""You're bluffing," aniyang lumalapit na naman at pinupuntirya ang tagiliran ko."Aldo nga!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tanging ngisi ang sinagot niya sa akin."Gutom ako. Kung sanang pinakain mo ako kagabi, wala sana ngayon tayo sa kusina kahit madaling araw pa.""You could have stopped me from making love to you earlier in the night. Hindi mo sana ako pinapagalitan ngayon. I am just being a professional l
"Nakagagaan pala sa pakiramdam kapag ganito," wala sa loob na bigkas ni Daddy habang kumakain sa hawak niyang ice cream.Napatitig ako sa abocado ice cream na hawak, nasa apa iyon. "Sana pala, noon pa ako nagpaka-ama," dagdag nito.Napayuko ito at ramdam ko ang bigat sa damdamin niya. Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga."Pwede pa naman po, hindi nga lang ngayon," mahinang bigkas ko. "Maghihintay ako, Anak. Hihintayin ko hanggang sa matanggap mo na ako bilang ama mo. Marami akong pagkukulang pero handa akong bumawi," anitong halos manginig pa ang boses.Napalunok ako. Alam ko namang pareho lang sila ng motibo ni Mommy. Pareho lang naman nila akong gusto ngayon dahil asawa ko na si Aldo pero kahit ganoon, gusto kong isipin na totoo si Daddy.Kung pagbabasehan lang naman ang pagiging magulang, si Daddy ang laging nandiyan at updated sa buhay ko kahit pa hindi ko ito nakakasama sa mga importanteng okasyon sa buhay ko. Na-appreciate ko naman ang mga panahon na nagrerenta siya
"What do you mean, Mommy? Paanong si Ate Addison iyon?"Litong lito ako at kahit may nabubuong konklusyon sa isip ko ay gusto kong marinig iyon mismo sa bibig ni Mommy.Napapikit ito nang mariin. Pagmulat ng mga mata niya ay punong-puno iyon ng pagsisisi."Sad to say, nag-alaga ako ng anak ng iba habang napabayaan ko ang sarili kong anak," may pagsisising bigkas nito.Umawang ang mga labi ko at naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Ilang beses akong kumurap upang hindi tumulo ang luha ko ngunit hindi ako nagwagi. Tahimik na nagpagbasakan ang mga iyon.Imbis kasi na matuwa ako na ako lang pala ang nag-iisang anak niya ay mas nasasaktan ako na nagawa niyang mas piliin ang anak ng iba kaysa sa akin.Agad niyang inabot ang kamay ko matapos makita ang pagbagsak ng mga luha ko."I'm really really really sorry, Mayu. S-orry kung napabayaan ka ni Mommy. H-indi ko naman ginustong mangyari ang lahat ng ito sa'yo kahit pa ako ang pasimuno ng ibang kasakitan mo sa buhay. Ayoko lang na idamay ka ni F
Hindi ko alam kung desido talaga si Aldo sa pangingibang bansa namin pero mas desido akong makausap ulit si Mommy. Ang tagal kong hinintay ang reply niya. Akala ko nga ay tatanggi ito ngunit um-oo naman.Ilang beses akong binalaan ni Aldo na huwag lumabas ng bahay, kaso mas nananaig ang kagustuhan kong maliwanagan kay Mommy. Ang problema ko na lang ay kung saan iiwan si Arkan. Ayoko isama dahil baka mamaya may panganib nga sa paligid."Mama, bakit mo po ako iiwan kay Tita Alice?" may himig pagdududang tanong ni Arkan.Napataas ang kilay ko at patay malisyang hinawakan ang kamay niya."May bibilhin lang ako, Baby. Babalik din ako agad.""Ng hindi ako kasama, Mama? Does Daddy know about this?" mala-imbestigador ang tono nito.Napaubo ako bago tumawa nang alanganin."Of course, Baby. Always updated si Daddy mo," pagsisinungaling ko."Really, Mama? Then why are you leaving me here? Or maybe, we should call Daddy and ask him to take me here."Bahagyang namilog ang mga mata ko. Pagkaraan ay
"Leave the country? Pero ayaw kong umalis, Aldo." Iyon agad ang bungad ko pagkapasok namin sa loob bahay.Ayoko talagang umalis. Hindi ngayon na ganito ang nangyayari. Gusto ko pang makausap nang masinsinan si Mommy. Bigla, gusto kong idiskubre at alamin ang sinabi nitong first love niya si Daddy."I don't doubt if we can really have a peaceful life here after everything. I don't want to risk your pregnancy—what's that?"Natigilan ito at natutok ang tingin sa gilid ng labi ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad iyong tinakpan. Balak ko na ngang umatras ngunit agad nitong nahawakan ang siko ko. Paglingon ko sa kanya ay malamig na ang tingin niya at marahang tinanggal ang kamay ko ns nakatakip sa aking labi."Did she do that to you?" his cold voice sent nervousness to my heart.Nahigit ko ang hininga at natakot magsalita. Natatakot akong sabihin na si Mommy kahit na walang takot ako nitong sinampal kanina. Ayokong pagbuntunan nito ng galit si Mommy, hindi sa ngayon."Tell me or I
May pagtitimpi kong pinunasan ang gilid ng labi ko. Ayaw ko sanang magalit sa araw na ito pero kung ganito ang salubong sa akin, tapos ang pasensya ko."Napakawalang kwenta mong anak! Sana hindi ka na lang nabuhay-""Edi sana hindi kayo lumandi sa iba para hindi ako nabuo!" may inis na sagot ko na nagpatigil dito."Sana nga hindi na lang ako nabuhay kung iiwan lang din naman ako na parang pusa ng mga magulang ko," may kalamigang bigkas ko.Kahit masakit sa dibdib na sabihin iyon ay pilit kong pinatatag ang titig ko. Hindi ko makita ang punto na nagbubuhos siya ng sama ng loob gayong ako ang maraming dapat isumbat sa kanya.Naningkit ang tingin niya sa akin," How dare you?" hindi makapaniwalang bigkas niya."Ganyan ba ang ginawa sa'yo ng pera? Sumasagot ng magulang? Bakit? Ganyan ka rin bang pinalaki ni Rosario?"Naikuyom ko ang mga kamao at nagtagis ang aking mga ngipin."Mali oh kayo. Ganito po niyo ako pinalaki," may diing bigkas ko, "Isa pa, huwag po ninyong idamay si Nanay Rosario
Hindi yata matatapos ang araw na ito ay maghahalo ang balat sa tinalupan.Kahit ipilit kong ikalma ang sarili ay nanggigil ako sa tuwing nasusulyapan si Ate Addison.Tumikhim ako at binaklas ang braso ni Aldo mula sa pagkakapulupot sa bewang ko."Let's go Arkan. Let's go swimming. May aayusin pa ang Daddy mo," malamig kong bigkas bago tumayo at pilit inaabot ang kamay ni Arkan na tumayo na rin at humawak sa kamay ko.Ngunit bago pa man ako tuluyang makahakbang paalis sa mesa ay nahawakan na ni Aldo ang palapulsuhan ko. Natigilan ako at nabitiwan ang kamay ni Arkan."Alaric, get my son please," malamig nitong utos sa kapatid.Tahimik na sumunod si Alaric na binuhat si Arkan. Ni hindi man lang nagreklamo ang anak ko.Nanlalaki ang mga mata kong binalingin si Aldo."Aalis din ako, Aldo." Pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa kanya ngunit humigpit nang bahagya ang hawak niya."Stay here. We'll leave here together," aniya kung kaya't bahagya akong kumalma.Kaya lang ay pabagsak na hinam