Hindi ko kilala ang lalaki pero the way he addressed me, parang kilala niya ako. I'm not shocked because he knew me, I'm shocked that someone like him knows about me. Hindi siya mukhang ordinaryong tao. Halatang mayaman siya pero hindi naman ako mayaman kaya paanong may kilala akong mayaman?“Sino yon?” tanong ni Ashley ng mawala sa paningin namin ang lalaki. Mabuti nalang at hindi nagtagal ang lalaki. May tumawag sa kanya kaya kinailangan niyang umalis.“Hindi ko alam eh!” sagot ko. Pero bigla akong napaisip. Yong tatlong lalaki kahapon, sinabi nilang parang nakita nila ako sa Manila. And then this one. He seems to be from Manila. So that means I'm from Manila?Bigla akong kinabahan sa party na ito. Kaya ng mawala sa paningin namin ang lalaki, mabilis akong pumasok sa bahay ni ma’am Lucinda at agad na kinuha ang baby ko. Mabilis akong umuwi para hindi na makasalubong ang mga nagsidatingang bisita ni Mayor. Nagkalat pa naman sila. Pero pagdating ko sa bahay, nagulat ako ng makita
Natapos ang first day of party ng hindi na nakakabalik si Juan. Pinapadalahan nalang din kami ng pagkain ng mga kasambahay dahil nakakahiya naman na bumaba habang maraming tao. Nanood nalang kami ng anak ko buong araw. The next day, doon na nakabalik si Juan. Hindi ko alam pero medyo tahimik siya at hindi masyadong nagsasalita ngayon.“Okay lang ang party?” tanong ko. Kakalapag niya lang ng pagkain sa side table at pasin kong hindi siya masyadong ngumingiti.“Yes. Okay naman ang party,” sagot niya. Medyo tumaas ang kilay ko. Not that I care pero kapag usapan ay tungkol sa party, hindi niya nakakalimutan na kumbinsihin akong sumama sa kanya. “Bukas na ako sasali sa party. Anong event ba bukas?” curious kong tanong.I saw him shift his weight. “Baka kasi ma-busy ako bukas. Baka hindi na kita maisama.” Now, I'm curious what happened.“Hala, sayang! Papaano yong dress na binili mo?” tanong ko. Pero ang totoo ay curious ako bakit ayaw na niya akong isama.“Hindi sige. Mag ayos ka bukas
Napaatras ako ng humakbang siya papalapit sa akin. Nanlalamig ako. Hindi ko alam kung bakit pero nakakatakot ang titig niya sa akin. Matalim at madilim ang mga mata niya.“Sino ka? How do you know my name?” nanlalamig kong tanong. Pero parang wala siyang narinig. Binalewala niya ang kaba ko. He didn't care that I'm shaking from the shock he was giving me.Umatras ako ng umatras hanggang sa sumandal ang likod ko sa pader. Wala na akong mapuntahan. And he used that opportunity to immediately go to me. Agad niyang nilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko at saka ako kinorner. Matalim ko siyang tinitigan dahil sa ginagawa niya. “Who are you? Why are you doing this to me?” takot pero may iritasyon din ang boses ko. Hindi nagbago ang tingin niya. He still looked at me intently and piercingly. Madilim ang mata niya at hindi ko mabasa ang mga iniisip niya.Ang isang kamay niya ay tinanggal niya sa gilid ko. Hinawakan niya ang baba ko bago ko nakitang lumapit ang mukha niya.
Hawak ni Alaric ang kamay ko, hinigit niya ako palabas. Doon lang ata niya napansin na may nakahiga sa kama. Rinig ko ang pagsinghap niya ng makita niyang may batang natutulog sa kama. Tumigil kami sa gilid. Tulog na tulog pa si Levi. He looks so cute and innocent while sleeping. Binitawan niya ang kamay ko. Matagal siyang napatitig sa anak ko. I saw their resemblance. Tama nga si Tita Patricia. Sa kanya nga nagmana ang anak ko. Ilang minuto lang na tumitig si Alaric. Nang ma-satisfy siya, lumuhod siya kay Levi at saka siya humalik sa noo niya. Hindi naman nagising ang anak ko. Alaric sighed deeply. Dumungaw siya ulit bago kiniss ulit si Levi sa noo. I licked my lips and suppress a smile. Nasa ganon kaming posisyon ng biglang bumukas ang pintuan. Biglang nagmamadaling pumasok si Juan.“Seraphina!” he called urgently.“Juan,” tawag ko.Lalapit na sana ako sa kaniya ng bigla akong hinawakan ni Alaric sa bewang. He then pinned me to his front. Kita ko ang pag ngiwi ni Juan. Matalim
Matagal bago tumayo si Alaric. Nanatili siyang nakaluhod sa baba habang nakayakap sa akin. Nasa tiyan ko ang mukha niya. It's probably 20 minutes when he rose up and sat beside me.“Are you okay?” tanong ko. He smiled at me. “So you remember Magnus!” tanong niya. Ngumuso ako. “Well… he's my childhood friend. Yong childhood memory ko lang ang natatandaan ko ngayon kaya…” “How about me? You don't remember me?” I could hear the sadness in his voice.“I remember eating with you. It's just a snap. And I couldn't clearly see your face in that memory,” I look him in the eyes. “I just know I called that man in my memory Alaric.” He sighed. Pinatayo niya ako at agad ding pinaupo sa kandungan niya. Nakaharap ako sa kanya. Pumalupot ang kamay niya sa likod ko. Agad niya akong pinatakan ng halik sa labi. Nanlamig ang tiyan ko. I do love his kiss but what I heard from Magnus shifted something in me. I am in doubt!“Can you refrain from doing this?” seryoso kong sinabi. “I don't remember thin
It only took him twenty minutes to prepare. Pagkatapos niyang manawag sa mga tauhan niya ay siya na ang nagdala ng isang bag na dala ko. Siya na din ang kumarga kay baby Levi. Hiyang hiya ako ng pababa kami dahil halos lahat ng tao sa baba ay tumingin sa amin habang naglalakad kami sa engrandeng hagdanan ng mansion. Kita kong may nagulat sa nakita meron naman na nag bulong bulungan habang nakatingin sa amin.Kaya rin medyo lumayo ako ng kaunti sa kanya. Para kunwari hindi kami magkasama. I don't know anything about Alaric now that I have amnesia pero base sa reaksyon ng mga tao, masasabi kong malaki siyang tao. He's a big catch.Nang nasa labas na kami, may kotseng naghihintay sa amin. May nakalagay ng baby car seat for baby Levi. Siya na ang naglagay kay Levi sa second seat at sinigurado niyang secure ito sa likod. Nang matapos siya, nanliit ang mata niya sa akin dahil nakatayo pa ako sa labas. He licked his lips and opened the passenger seat for me. “Sa likod na ako sasakay. Sasa
Matagal akong nakatulog sa gabi. Not that sleeping with Alaric is new, malamang ay hindi. May anak nga kami. Pero hindi ko alam bakit naiilang ako. Kasama naman din namin ang anak ko. Siguro mga around 3 na ako nakatulog. Kaya din pag gising ko ng umaga, ako lang ang nasa kama. Wala na doon ang anak ko at si Alaric. Namumungay ang mata kong tinignan ang orasan sa side table at nakita kong alas dyes na. Ganon ako napuyat at late na nga akong nagising. Inisip ko na kasama ni Alaric ang baby ko kaya hindi ko na siya hinanap. Pumasok na ako sa bathroom para maligo at mag-ayos. Natapos na ako sa lahat lahat ay wala parin sila. Akala ko ay pupuntahan nila ako dahil late na akong nagising but I guess may ginagawa sila sa labas huh! Nang bumababa ako sa hagdanan, wala naman akong naririnig na ingay sa baba. Kaya kumunot ang noo ko. Where the hell are they? Medyo binilisan ko ang pagbaba ko. I slightly get nervous but then, nang nasa baba na ako, natanaw ko sa living room na nasa bac
The next day, matapos naming mag almusal ay sinubukan kong mag hugas ng plato. Kahapon ay iniwan ko lang ang kinainan ko kaya si Alaric na ang naghugas. Malay ko ba kasing kami pala ang gagawa ng gawaing bahay? Hindi ko na tinanong kung nasaan na si Ate Shasha. Kaya ko naman mag hugas. Sinasabon ko ang mga pinagkainan namin ng maramdaman kong lumapit si Alaric. Binaba niya sa sink ang baso niyang pinag-inuman niya ng kape.Ngumuso ako ng magdikit ang braso niya at ang braso ko. Ang laki laki ng space, pero makadikit naman to!“Should we hire house help?” tanong niya. “Marunong na akong gumawa ng gawaing bahay,” sagot ko. Though napilitan lang naman ako dahil lahat ng tao sa bayan ay marunong kaya akala ko karunong din ako. “It doesn't matter if you know. Ayaw ko na napapagod ka. I should hire Shasha again.” Palihim akong ngumiti sa pag-iisip niya sa kapakanan ko. “Get ready after this. Aalis tayo,” baritonong sabi niya. “Aalis? Saan tayo?” Agad akong lumingon sa kanya ng sagot
Matapos naming kumain ng tanghalian ay agad ding umalis sina Ate. Marami pa raw silang aasikasuhin sa mansion ng mga Ferrer kaya hindi sila nagtagal. Si mama ay pinapaakyat sa mga kasambahay ang mga damit na isusuot namin. Hindi ko alam kung bakit sa gabi pa naman ang party pero pinapunta na ako ni mama. Kaya nagpasya akong maligo sa swimming pool namin sa likod. Naka two-piece ako nang mag-dive ako sa pool. Matapos akong nagpabalik-balik ay humiga ako sa sun lounge para mag-relax. Akala ko, wala ng disturbo pero may dumating! “May panahon ka pa mag-swimming kahit alam mong busy tayo?” ani Scarlet.“Hindi tayo. Hindi naman ako busy kaya huwag mo akong isali.” “Hindi ka kasali kasi hindi ka tumutulong,” she countered. Palagi nalang may argument!“Sis, promise me one thing. Don't pursue law…okay? Have some mercy on me,” sarcastic kong sinabi. Tumawa siya. “Dahil sa sinabi mo, excited na tuloy akong mag-law!” Umirap ako. Tinikom ko ang bibig ko. Baka itikum niya rin ang sa kanya.
Tulog na tulog ako ng bigla akong naalimpungatan sa ingay galing sa cellphone ko. It's weekend at wala akong trabaho. Kung sino man tong tumatawag ay isang malaking disturbo! Kinapa ko ang cellphone ko sa gilid ng kama ko. Hindi ko na binasa kung sino. Basta nilagay ko lang sa tainga ko ang cellphone at nasagot na ang tawag. “Yes?” garagal kong tanong. I heard mama sigh on the other line. “Gumising ka na. Anong oras na ba?” pa-sermom niyang tanong. I groaned. “Mama, weekend ngayon. Mahirap maging adult. Kailangan kumayod. Give me this weekend to be lazy,” sabi ko habang nakapikit pa rin. “Umayos ka, Serenity. Ngayong gabi ang party sa mga Ferrer. Bumangon kana dyan at saka umuwi!” Pikon na sinabi ni mama. Minukat ko ang mata ko at nag-isip. Damn! Ngayon pala yon? Plano ko pa namang matulog ng buong araw! Matapos ng maraming sermon galing kay mama, bumangon ako at naligo na. Gabi pa ang party pero kailangan kong umuwi dahil doon daw kami bibihisan. Iba talaga kapag mayamang part
Hindi pa tapos ang meeting, tayong tayo na ako. Gusto ko ng bumalik sa opisina at magkape! Kung bakit kasi nandito pa ako ay hindi ko na maintindihan!Kaya matapos ang meeting, ako ang naunang tumayo. Pinulot ko ang cellphone ko at ready to go na when Ryker said something that prevents me from flying to my office! “Ms. Serenity Salazar, I would like you to come with me to my office,” pormal na sinabi niya. Lahat sila ay napatingin sa akin pero ni isa ay walang nagsalita. Kung wala lang nakatingin sa akin ay sasamaan ko ng tingin ang CEO na ito! Pero dahil may nakatingin ay ngumiti lang ako at tumango. “Okay, Sir,” kunwari ay mabait kong sinabi.Nang palabas na siya ay sumunod ako. Deretso kami sa elevator papunta sa floor niya. Mabibigat ang mga paa kong sumakay kasama siya. At nang magsara ang pintuan, agad akong bumaling sa kanya.“Ano na naman to?” inis kong tanong. Bumaba ang mata ko sa pants niya. Tinignan ko…baka may hard-on kaya niya ako pinapasama. Hinawakan niya ang baba
Nang mag-monday ay parang tamad na tamad akong pumasok sa trabaho. Naiisip ko na pwede kong makita si Ryker ay nawawalan ako ng gana. Matapos kong magising ulit nong tumakas ako sa condo niya, lahat ng nangyari sa amin ay biglang bumalik sa akin. Sigaw ako ng sigaw kapag naaalala ko kung paano ako umupo sa kandungan niya habang naliligo kami sa bathtub niya! Hindi ako makapaniwala na nagdikit ang ano namin and that I actually like the feeling! Kaya hindi ko matanggap! Hindi ko dapat gusto yon! Nakaksuklam yon! Kaya ngayon na balik trabaho, hindi ako mapakali. Kanina pa ako dapat natapos sa pag-aayos pero dahil palagi akong natutulala ay nakakalimutan kong nag-aayos pala ako. Kaya inabot ako ng maraming oras bago ako natapos. Mabuti nalang at medyo humupa ang kahihiyan ko. Kahapon ay wala akong matinong nagawa dahil bumabalik ang alaala ko sa bathtub! Mabagal akong naglalakad papasok sa opisina ng dumating ako. Kaya siguro ganon nalang ako tignan ni Eloisa pagpasok ko sa loob. Kita
Matapos naming maligo, agad akong nagtapis ng twalya. Hindi ko alam kung bakit iritadong iritado ako. Maybe because my body was deprived of something. Pero at the same time too, I was okay with it because I'm not ready to do that stuff. Nakahalukipkip ako habang pinagmamasadan siyang nagdadamit at nagsusuot ng short. Nang matapos siya ay saka niya lang ako binalingan. “I'm sober now! I'm going home!” Ginulo niya ang buhok niya at saka ako mariin na tinitigan. “Hindi ka uuwi. Dito ka matutulog.”Mas hinigpitan ko ang paghalukipkip ko. “You jerk! Kita mo ba? I don't have clothes here! Anong isusuot ko?” He smirked evilly. Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko.“I'm fine with you naked! Para sanay kana kapag ginawa na natin. You should thank me I'm letting you get used to it.” Agad nagpantig ang tenga ko. “But if you're not comfortable naked, you can use my clothes. Next time…magdala ka ng damit mo para may damit ka rito.” “We are not married, you stupid! At anong next
Umaalon ang paningin ko habang tinatanggal ang pagkakahawak sa akin ni Ryker. “Let me go! You jerk!” sigaw ko. Hindi ko matanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Masyado niyang hinihigpitan ang kapit sa akin.“You are drunk, Serenity. You can't drive!” sigaw niya din sa akin. Nanlilisik ang mata. “Oh please!!! I can manage! I'm not that drunk!” sigaw ko pero muntik na akong mabundol dahil sa konting hilo. Mabuti at hawak niya ako. Nang dumating kami sa parking lot, dumeritso siya sa kotse niya. Binuksan niya ang passenger seat at saka minuwestra niya sa akin na pumasok sa loob. I glared at him. “Nasa banda roon ang kotse ko.” Itinuro ko ang banda kong nasaan ako naka-park. And it was a wrong move. Naputol siguro ang pagtitimpi niya. Hinawakan niya ako sa balikat at saka pwersahang pinapasok sa loob ng kotse niya. “Awtch! Can you be gentle? Kita mong lasing ako!” inis kong sinabi. He groaned. “Stop being stubborn. I told you that you can't drive because you're fucking drunk!”
Serenity POVHindi naman sa gusto ko ang plano ni Ryker pero para makasigurado ay nagpasya akong pumunta sa hospital para magpa-Depo. Para kung hindi ako makatakas sa kamanyakan niya ay hindi ako mabubuntis. It's weekend at may plano kaming lumabas ng mga kaibigan ko mamayang gabi. Kaya aasikasuhin ko ngayong umaga ay ang pagpapaturok. Matapos kong mag-breakfast ay dumiretso na ako sa pupuntahan ko. Hindi naman ako nagtagal doon. Tinanong lang ako ng OB-GYN tungkol sa menstrual cycle ko at saka ako tinurukan matapos. Dahil gabi pa naman kami lalabas ay tumulak na ako sa isa pang appointment ko. May eme-meet akong babae. Nahirapan pa akong mangalap ng imporamsyon tungkol sa kanya pero dahil desperada ako ay nahanap ko. It was said that she was an ex of Ryker. Nahanap ko ang account niya at agad kong kinausap para magmeet kami. Nginitian ko siya nang makita kong nakaupo na siya sa table. Diko kami sa cafe shop nagmeet para malapit na rin sa hospital na pinuntahan ko. “Anong gusto m
Ryker POVKasalukuyan akong nakatayo sa lobby kausap ang isang board member ng kumpanya. We were talking about the possible collaboration we have with Crestline Realty, when I saw a familiar girl enter the lobby. Nawala ang focus ko sa usapan namin ng katabi ko at nanoot ang mata ko sa papalapit na babae. She was so unaware how many guys were eyeing her. I don't know if she wasn't really aware of it or she just ignored that fact. Nonetheless she always gains attention every damn time. At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pati ako ay napapatingin sa kanya. Fuck! Marami ng dumaan sa akin na babae… with an hourglass body and big boobs and booty. Puro lahat maganda kaya hindi ko maintindihan. Those girls were willingly throwing themselves into my arms. I don't have to lift a finger to get them into my bed. Pero ang isang to, alam naman niya sigurong ako ang CEO ng kumpanya pero hindi niya magawa gawang bumati man lang! “Nasa lobby na ako. I'm not that late,” rinig kong kau
Tumatawang lumapit si Eloisa nang makita niyang busangot na ang mukha ko. She close the site at siya na ang nag-send ng kailangan kong document. “Ayan, na-send na.” Nagpipigil siya ng tawa. “Hindi ko naman alam na mao-offend ka pala sa mga ganong story,” nakangisi niyang sinabi. Inirapan ko siya. Hindi naman ako mao-offend. It's just that I feel like it's a sign na magiging sex slave nga ako! But there's no way in hell! They said… there's no such thing as coincidence. Everything happens for a reason. Is that means kaya ko nakita tong binabasa ni Eloisa ay para maghanda ako na maging ganon? Noooo! Matapos kong maidagdag ang document na sinend ni Eloisa, nag-browse ako sa internet. Nag search ako ng mga job hiring. Marami namang hiring. I immediately edited my resume at nang matapos ay nag-apply ako sa mga job na nakikita ko. Hindi ko na nabilang kung ilang job ang inaplayan ko. Basta marami! After that ay nag craft ako ng resignation letter. Ni print ko na rin matapos kong gawi