CHAPTER 64Akmang palabas na sana ng bahay nila Leonard si Mr. Sanchez ng biglang namang dumating si Vin. Napatitig naman si Vin sa lalakeng palabas na ng kanilang pintuan."There you are Vin De Villa," sabi ni Mr. Sanchez ng makita nya si Vin bagong dating pa lamang.Nagulat naman si Vin dahil nakita na nya eto dati at kung hindi sya nagkakamali ay eto si Mr. Sanchez. Natigilan naman ang mag asawang Leonard at Valerie ng marinig ang sinabi ni Mr. Sanchez. Naipikit na lang ng mariin ni Valerie ang kanyang mga mata dahil sa kaba na nararamdaman nya dahil nagkasalubong pa talaga sila Mr. Sanchez at Vin sa kanilang pintuan.Lumingon naman si Mr. Sanchez sa mag asawang De Villa. "So pwede na pala natin pag usapan ang mangyayare bukas dahil nandito na mismo sa harapan ko ang anak nyong si Vin," nakangisi pang turan ni Mr. Sanchez.Bumalik naman eto sa loob ng bahay nila Leonard at naupo ulet. Napasunod na lamang si Vin dito at umupo sa tabi ng kanyang mga magulang."Siguro naman ay awar
CHAPTER 65ENGAGEMENT PARTYSobrang saya ni Nicole dahil gaganapin na ang pinakahihintay nyang engagement party nila ni Vin. Matagal na nyang hinihintay na bumalik ng bansa si Vin kaya ngayon na nakabalik na eto ay labis labis ang saya na nadarama nya.Nasa hotel na sya ngayon kung saan idadaos ang kanilang engagement party nila ni Vin. Habang inaayusan sya ay biglang may kumatok sa room nya at pumasok ang kanyang ate Sarah."Wow. Sobrang ganda naman ng kapatid ko," puri ni Sarah kay Nicole ng makapasok na eto sa loob ng room ni Nicole.Napalingon naman si Nicole sa nagsalita. "Ate, mabuti naman at nakarating ka," nakangiti na wika ni Nicole sa kanyang ate Sarah.Lumapit naman si Sarah sa pwesto ni Nicole at nakipagbeso dito. Nginitian naman nya muna si Nicole bago nagsalita. "Syempre naman papayag ba naman ako na hindi makapunta rito e party to ng nag iisa kong kapatid. Pwede ba naman na wala ako.""Haha. Thank you ate," tatawa tawang sagot ni Nicole."Sobrang saya mo ngayon ah. Bloo
CHAPTER 66Sa bahay naman ng pamilya De Villa ay naghahanda na rin sila para pumunta sa hotel na pagdadausan ng engagement party nila Vin at Nicole.Napilitan na lang din sila na pumunta dahil wala naman talaga silang laban kay Mr. Sanchez. Kailangan nilang sumunod dito dahil baka totohanin nga ni Mr. Sanchez ang banta neto sa kanilang kumpanya."Are you okay?" Tanong ni Vince sa kapatid nyang si Vin. Kanina pa nya kasi eto nakikita na umiiling iling at panay ang buntong hininga. "Tsk. Kung alam mo lang kuya. Ayokong pumunta sa engagement party na yon," seryosong sagot ni Vin sa kanyang kuya Vince."Naiintindihan naman kita bro. At pasensya ka na dahil wala rin kaming magawa para sana hindi matuloy ang party na eto," sagot ni Vince."Kung bakit ba kasi ako pa ang nakita ng anak ng Mr. Sanchez na yan eh. Ang dami dami naman na mga mayayaman na mga lalake dyan na babagay sa anak nya. Bakit ako pa? Ni hindi ko nga kilala ang Nicole na yun," sagot pa ni Vin."Nainlove siguro sa kagwapuha
CHAPTER 67"Ka - kasi si Vin etong na - nasa live video at.... " hindi maituloy tuloy ni Myca ang kanyang sasabihin."At? Ano ba kasi yan?" Tanong na ni Bella at lumapit na eto sa pwesto ni Myca."Engagement party daw ni V - Vin at Nicole" sagot ni Myca."Engagement party? Sino? Si Vin at Nicole? Sino si Nicole?" Naguguluhan ng tanong ni Bella kay Myca."Eto o," sabi ni Myca at ipinakita ang pinapanood nya kay Bella.Ganon na lamang ang pagkagulat ni Bella ng makita nya na si Vin nga ang nasa video na may kasamang babae na nakahawak pa sa braso ni Vin."Sino si Nicole?" Tanong ni Colleen na nakatingin na din sa cellphone ni Myca.Hindi naman maka imik si Bella dahil kahit sya ay hindi nya rin kilala kung sino ba si Nicole. At wala rin namang nababanggit sa kanya si Vin tungkol dito maging sa party na napapanood nila ngayon.Pinanood pa nila ang video at nabanggit pa roon na ikakasal si Vin sa Nicole na iyon. Ganon na lamang ang pagkagulat nila Bella sa kanilang narinig."Okay ka lang
CHAPTER 68"Hi I'm Sarah Sanchez po. Nice to meet you po," pagbati ni Sarah sa pamilya ni Vin.Nginitian at tinanguan naman sya ng pamilya ni Vin at nagpakilala rin naman sila dito. At pagkatapos ay naupo naman na sila."Mr. Sanchez bakit nga pala pinaiwanan mo pa kami? May pag uusapan pa ba tayo?" tanong na ni Leonard dahil kanina pa eto naiinip."Hahaha. Syempre may pag uusapan pa tayo. Pag uusapan pa natin ang tungkol sa kasal nila Vin at Nicole," sagot ni Mr. Sanchez."Hindi po ba pwedeng sa ibang araw na lamang po pag usapan yan?" Sabat na ni Vin."Tsk. Bakit pa natin ipagpapabukas kung andito naman na kayo at pwede na nating pag usapan ang tungkol sa kasal," sagot ni Mr. Sanchez.Napabuntong hininga naman si Vin dahil sa narinig. Mukhang wala na talaga syang lusot pa sa kasal na eto."Hi Vin," bati ni Nicole kay Vin.Tiningnan lang naman ni Vin si Nicole at hindi na eto pinansin pa. Naiinis pa rin kasi sya sa dalaga."Sige para matapos na natin kaagad eto. Pag uusapan lang naman
CHAPTER 69Kinabukasan ay tinanghali na ng gising si Vin dahil naparami ang nainom nya kagabi. Naglasing sya para kahit papaano ay makalimutan nya ang kanyang kinakaharap na problema."Vin gumising ka na dyan. Akala ko ba pupuntahan mo si Bella ngayon. Tanghali na oh," sabi ni Vince kay Vin at yinugyog pa nya eto para magising.Agad naman na nagising si Vin. Pagbangon nya ay nasapo nya ang kanyang ulo dahil sumasakit iyon."Tsk. Ang dami mo naman kasi atang ininom kagabi," sabi ni Vince sa kapatid. Magkasama sila kagabe pero iniwan na rin nya eto ng makaramdam na sya ng antok kaya hindi nya alam kung marami ba ang nainom ng kapatid nya."Gusto ko lang makalimot saglit kuya kaya ako nag inom," sagot ni Vin na hawak hawak pa rin angbkanyang ulo."Tsk.. o sige na. Paalis na rin ako kaya kita ginising. Bumangon ka na dyan ng makapunta ka na kay Bella. Ayusin mo muna yang sarili mo bago mo harapin si Bella," sabi ni Vince."Sige kuya. Ingat ka at salamat na rin sa pagdamay sa akin kagabi,"
CHAPTER 70Pagkadating naman sa mall nila Vin at Nicole ay agad na kumapit si Nicole kay Vin pagkababa nila ng sasakyan. Hindi na mawala ang ngiti sa mga labi ni Nicole dahil nasunod na naman ang kanyang gustoNaiinis naman na si Vin kay Nicole dahil kapit na kapit eto sa kanya."Pwede ba. Wag kang kapit ng kapit. Nakakirita e. Pwede naman na maglakad ka na lang ng hindi nakakapit ng ganyan," inis na sabi ni Vin.Hindi naman eto pinansin ni Nicole at lalo pang kumapit kay Vin. "Baka bigla ka na lang umalis eh. Mabuti ng sigurado," sagot ni Nicole."Alam mo hindi kita maintindihan e. Bakit ba ako nakita mo e hindi nga kita kilala man lang," inis na sabi ni Vin."Shhh.. quiet. Kalalaki mong tao ang ingay mo," saway ni Nicole kay Vin at inirapan pa eto."Tsk. Bakit kasi sinama sama mo pa ako rito. Nakikita mo naman siguro kanina na may pupuntahan ako diba," sagot ni Vin."I know. Pero gusto ko kasi na makasama ka eh. Fiance na kita diba at malapit na rin naman na tayong ikasal kaya para
CHAPTER 71Agad naman na nakalabas ng mall si Bella na sinusundan pa rin nila Colleen at Kate. Hinintay lang nila si Myca at sumakay na agad sila ng taxi para maka uwi na sila kaagad.Habang nasa byahe sila pauwi ay tahimik lamang silang apat. Walang nagtatangkang magsalita dahil ramdam nila ang lungkot ni Bella."Bella," tawag ni Myca kay Bella. Liningon naman sya ni Bella na tahimik pa rin."Sabi nga pala ni Vin---" hindi na naituloy pa ni Myca ang sasabihin ng magsalita si Bella."Hayaan na natin sya Myca. Kita naman na natin diba. Siguro nga totoo na ikakasal na talaga sya sa babaeng kasama nya kanina," sabat ni Bella.Sakto naman na nakarating na sila sa kanilang bahay. Pagkabayad nila sa taxi ay agad na pumasok si Bella sa kanilang bahay at dumiretso sa kanilang kwarto. Sinundan naman sya ng kanyang mga kaibigan."Bella siguro pakinggan mo rin ang paliwanag ni Vin tungkol dito," mahinahon na sabi ni Myca kay Bella at linapitan pa nya eto."Para ano pa Myca? Kitang kita naman na
Gusto ko po na magpasalamat sa lahat ng mga nagbasa at sumuporta sa story ko na ito. Ito po ang unang story na naisulat ko kaya masayang masaya po ako dahil merong nagbasa at tumangkilik dito. Maraming maraming salamat po sa inyo. Dito ko na po tatapusin ang My Billionaire Boy Best Friend. Maraming salamat po sa mga sumubaybay sa story nila Vin at Bella hanggang sa love story nila Mark at Kate. Maraming salamat po sa mga naghintay ng update ko araw araw. Anim na buwan ko rin po na isinulat ang story na ito. Sana po ay suportahan nyo pa rin po ako sa isa ko pang story na My Sister's Lover is My Husband. At sana rin po ay suportahan nyo pa rin po ako sa mga susunod na story na isusulat ko. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo... ^_^ My Billionaire Boy Best Friend is now signing off.....
CHAPTER 245Sunod naman na nagsalita su Kate. Napabuntong hininga pa muna ito bago sya nagsalita dahil kagaya ni Mark ay kinakabahan din sya na magsalita."Mark i love you," unang kataga na binigkas ni Kate kaya naman napangiti na kaagad si Mark sa kanya."Hon thank you dahil hindi ka sumuko sa pagsuyo sa akin. Salamat dahil kahit na iniiwasan kita at sinusungitan kita madalas ay hindi ka pa rin sumuko at patuloy mo pa rin akong sinuyo," sabi ni Kate."Ngayon ko lang ito sasabihin ha. Alam mo ba na crush na kita noon pa. Kaso masyado ka kasing gwapo at marami ang nagkakagusto sa'yo noon kaya naman pinigilan ko na yung sarili ko na magkagusto pa sa'yo dahil alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan at kaibigan lang ang turing mo sa akin," pagpapatuloy pa ni Kate."Nung time na umamin ka sa nararamdaman mo sa akin noon kakahiwalay ko lang sa boyfriend ko noon kaya natakot na ako na magmahal ulet. Natakot na akong masaktan kaya naman binasted na kaagad kita at simula non ay iniiwasan na
CHAPTER 244Natuloy nga ang nais nila Mark at Kate na beach wedding. Laking pasalamat nila dahil nakisama ang panahon ngayong araw dahil maganda ang panahon ngayon. Manghang mangha naman ang nga bisita nila dahil sa napakaganda ng set up ng kasal nila Mark at Kate sa tabing dagat.Marami rin silang inanyayahan na mga bisita lalo na at nasa linya ng business ang pamilya nila Mark kaya marami silang inanyayahan na mga kasosyo nila sa negosyo. Sa side naman ni Kate ay inimbitahan nya ang mga co teacher's nya.Nagsimula naman ng tumugtog ang violin sa saliw ng kantang Can't Help Falling in love with you.Una naman na naglakad sa gitna si Mark at sinundan na sya ng mga magulang nya at ng entourage ng kanilang kasal. At pinakang huli ay si Kate ang lumabas ng buksan na ang puting kurtina na naka set up sa likurang parte.Naluluha naman na tinitigan ni Mark si Kate habang dahan dahan itong naglalakad kasama ang mga magulang nito.Si Kate naman ay naluluha rin habang titig na titig sya sa gwa
CHAPTER 243Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at ngayon ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila Mark at Kate. Ang araw ng kanilang kasal.Nasa loob pa ng hotel room nya si Kate dahil hindi pa sya tapos ayusan. Habang si Mark naman ay kinukuhaan na ng ilang litrato sa kanyang sariling silid. Kasama nya rin doon ang kanyang mga magulang at kapatid."Mark anak. Congratulations sa inyo ni Kate ngayon pa lang. Masayang masaya kami ng daddy mo para sa'yo. Ngayon na mag aasawa ka na pakamahalin mo ang asawa mo ha. Wag na wag mo syang sasaktan anak. Ingatan at pahalagahan mo si Kate," seryosong sabi ni Krizzia kay Mark matapos nilang kuhaan ng mga larawan."Yes mom. Mamahalin ko po ng buong puso si Kate. Thank you po pala sa inyo ni dad dahil sinuportahan nyo po ako sa mga desisyon ko sa buhay," sagot naman ni Mark."Of course son. Susuportahan namin kayo ng ate mo sa mga gusto nyo dahil mahal namin kayo," sabat na ni Louie sa pag uusap ng mag ina nya."Hep hep. Tama
CHAPTER 242"Kumusta ang pakiramdm mo?" tanong ni Vin kay Bella."Medyo okay na ako," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Agad naman kinintalan ng magaan na halik sa labi ni Vin si Bella."Alam mo ba na kambal ang pinagbubuntis mo?" tanong ni Vin sa kanyang asawa. Ngumiti naman si Bella sa kanya saka ito tumango."Oo. Gusto sana kasi kitang isurprise e. Buti nga hindi mo napapansin na marami akong binibili na gamit ng mga bata e," sagot ni Bella."Ikaw talaga. Kaya siguro nahihirapan ka kaninang manganak yun pala dalawa ang sanggol na iluluwal mo. Next time wag mo ng uulitin yan ha," sabi ni Vin sa kanyang asawa."Vin kaaanak ko pa lang. Next time kaagad naiisip mo," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Bahagya naman na natawa si Vin dahil sa sinabi ni Bella.Samantala naman tahimik na pinagmamasdan nila Kate at Mark ang mga anak nila Vin at Bella na mahimbing na natutulog."Ang cute naman ni baby girl at ang pogi ni baby boy ha," sabi ni Kate habang titig na titig sa kambal."Oo nga. Kahawi
CHAPTER 241Kinabukasan din noon ay nag usap usap na ang mga pamilya nila Mark at Kate para sa kanilang kasal. At napagkasunduan nila na apat na buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Mark at Kate."Grabe Mark hindi ka naman nagmamadali nyan ha," pang aasar ni Kendra sa kapatid."Tsk. Syempre ate. Excited na nga ako e. Kung pwede nga lang na next month na kaagad yung kasal," sagot naman ni Mark sa kapatid. Siniko naman ni Kate si Mark."Para ka naman may hinahabol nyan. Ako nga hindi ko pa naiisip na mag asawa e," sagot ni Kendra."Tsk. Ate hanapin mo muna yung mapapangasawa mo bago mo isipin na mag asawa," pang aasar naman ni Mark sa kanyang ate."Hindi pa ako sawa sa pagiging buhay dalaga ko noh. Kaya wala pa akong balak na mag asawa," sagot ni Kendra sa kapatid."Bahala ka ate. Basta ako mag aasawa na akom ayoko mapaglipasan ng panahon," pang aasar pa ni Mark."Tsk. Magpakaligaya na lang kayo at bigyan nyo ako ng maraming pamangkin," sagot ni Kendra."Psst. Tumigil na kayong da
CHAPTER 240Isa isa naman na nagsilapit sa kanila ang mga kaibigan nila. At nauna ng lumapit sa kanila ang mag asawang Vin at Bella. "Congratulations sa inyo," bati ni Bella kila Mark at Kate."Salamat," nakangiti naman na sagot nila Mark at Kate sa kanya."Finally hindi na bato ang puso ni Kate," natatawa na sabi ni Bella habang himas himas ang malaki na nitong tyan. Natawa naman si Kate dahil sa sinabi ni Bella."Bro ibang klase ka talaga. Wala ng patumpik tumpik pa. Haha," tatawa tawang sabi ni Vin kay Mark. "Syempre baka makawala pa e," natatawa rin naman na sagot ni Mark kay Vin. Nagsilapitan na rin naman ang iba pa nilang kaibigan sa kanila."Hoy Mark. Ikaw ha ni hindi mo man lang kami sinabihan. Ang akala namin ay birthday party lang ito. Magpopropose ka na pala," himig nagtatampo na sabi ni Ian kay Mark dahil wala talaga syang kaalam alam tungkol dito kahit na magkasama lang naman sila sa bahay ni Mark."Hindi ko talaga sinabi kaagad sa'yo kasi ang daldal mo. Hahaha," tataw
CHAPTER 239"Hon ang tagal kong hinintay yung araw na sasagutin mo ako. Kaya naman ng dumating ang araw na yun ay sobrang saya ko dahil ilang taon din akong naghintay na mahalin mo rin ako," sabi pa ni Mark habang dahan dahan na humahakbang palapit kay Kate.Nagtataka naman na tinitingnan ni Kate si Mark. Nagpatuloy naman sa pagsasalita nya si Mark."Nung una akala ko wala na talagang pag asa na mahalin mo ako. Muntik na nga akong panghinaan ng loob non e kamuntik na akong sumuko dahil binasted mo kaagad ako noong unang beses na umamin ako sa'yo tungkol sa tunay kong nararamdaman para sa'yo. Pero matapos ang kasal nila Vin at Bella ay naglakas loob ulit ako na manligaw sa'yo kahit pa iniiwasan mo ako palagi pero hindi ako tumigil hanggat hindi kita napapasagot dahil ikaw lang ang sinisigaw ng puso kong ito," madamdaming sabi pa ni Mark.Bigla naman nagbukas ang ilaw sa isang parte ng restaurant kaya naman napalingon si Kate roon at ang unang nakita ni Kate ay ang mga kaibigan nya na n
CHAPTER 238Pagdating ng hapon ay sinundo naman na muna ni Mark si Kate mula sa school saka ito hinatid sa bahay nito."Hindi na ako papasok sa loob ha. Mamaya susunduin ulit kita," sabi ni Mark kay Kate pagkatigil ng kotse ni Mark sa harapan ng bahay nila. Napapansin naman ni Kate na parang aligaga si Mark."S-sige," sagot ni Kate. "Mark may problema ba? Napapansin ko kasi na parang hindi ka maapakali e," hindi na napigilan na itanong ni Kate kay Mark. Bigla namang parang natauhan si Mark dahil sa tanong ni Kate."Ha? Wala ito. Wag mo akong pansinin," sagot ni Mark. " Sige na. Aalis na ako. Balikan kita mamaya ha," pagpapaalam na ni Mark kay Kate saka nya ito hinalikan sa noo."Sige. Mag iingat ka. Hintayin kita mamaya," sagot ni Kate."Sige. Bye," sagot ni Mark saka sya kumaway rito bago pinaandar ang kanyang kotse.Umuwi naman na muna si Mark upang magpalit ng damit at mag ayos ng kanyang sarili. Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay agad na rin syang umalis dahil kailangan pa ny