CHAPTER 145Kinabukasan ay hindi nga pumasok sa opisina nya si Vin. Gusto nya rin kasi munang makasama si Bella ngayong araw na eto. Ayos lang naman na hindi sya pumasok ngayon dahil nagpaalam naman sya sa kanyang ama at agad naman etong pumayag."Anong ginagawa natin dito?" tanong ni Bella kay Vin ng magpark si Vin malapit sa isang amusement park sa Tagaytay."Diba sabi ko sayo magdadate tayo. Buong araw tayong mamamasyal ngayon," sagot ni Vin kay Bella at nauna na etong bumaba ng sasakyan upang pagbuksan ng pinto si Bella."Salamat," sabi ni Bella pakababa nya ng sasakyan. "Tara na," pag aaya ni Vin kay Bella."Wait nagrarides ka ba? Bakit dito tayo pumunta?" tanong pa muli ni Bella dahil alanganin syang pumunta roon dahil hindi naman sya mahilig magsasakay sa mga rides na naroon."Oo naman. Maganda na mag try naman tayo ng ibang pasyalan dito sa Tagaytay," sagot ni Vin saka na nya inakay papasok ng park si Bella. Nagpatianod na lamang din si Bella kay Vin saka sila nag ikot ikot p
CHAPTER 146"Kuya Vin kumusta? Nakabili ka na ba ng singsing para kay ate Bella?" tanong ni Viela kay Vin. At halos pabulong lang pagkakasabi nya non dahil baka marinig sila ni Bella. Tumingin naman na muna si Vin sa kanilang paligid dahil baka may makarinig sa kanila ni Viela."Hindi pa ako nakakabili Viela. Baka mamaya na lamang pero nakakuha na ako sa isa sa mga singsing nya roon kaya alam ko na kung ano ang tamang sukat," sagot ni Vin. Tumango tango naman si Viela sa kanyang kuya Vin."E yung mga pinapagawa ko sa inyo okay na ba?" tanong pa ni Vin."Malapit na rin naming matapos kuya. Kaya don't worry kuya Vin. Kayang kaya na namin ni Vanessa yun," sagot ni Viela."Okay. Salamat," sagot ni Vin."Anong pinagbubulungan nyong dalawA dyan?" tanong ni Bella ng mapansin nya na nagbubulungan sila Vin at Viela. Gulat na gulat naman ang dalawa dahil hindi nila napansin na lumapit na pala si Bella sa pwesto nila."Ha? Wa-wala naman ate Bella. M-may tinatanong lang ako kay kuya Vin," kandau
CHAPTER 147Mabilis naman na lumipas ang araw at ngayon nga ay Sabado na. Mamayang gabi na magpopropose si Vin kay Bella."Viela okay na ba ang lahat? Naayos nyo na ba? Wala na bang magiging problema mamaya?" sunod sunod na tanong ni Vin kay Viela. Nasa opisina sila ngayon ni Vin ang alam ni Bella ay may kailangan syang gawin ngayon sa opisina kaya eto naroon pero ang totoo ay pumunta lamang sila roon para makapag usap ng maayos dahil kung sa bahay nila ay baka mahalata o marinig sila ni Bella."Hahaha. Kuya Vin kumalma ka nga dyan. Halatang halata na ang kaba mo e. Baka mamaya mahalata ka kaagad ni ate Bella nyan," tatawa tawang sagot ni Viela sa kuya Vin nya. Napabuga naman ng hangin si Vin sa kanyang bibig para pakalmahin ang kanyang sarili. Excited na kasi talaga sya na kinakabahan para sa mangyayare mamaya."Kuya Vin kalma. Hahaha," tatawa tawa rin na sabat ni Vanessa. "Ano okay na ba ang lahat?" tanong pa muli ni Vin sa mga kapatid nya."Oo kuya Vin. Okay na po ang lahat. Kay
CHAPTER 148"Bella hija," tawag ni Valerie kay Bella na nasa garden ngayon at nag aayos ng mga halaman. Agad naman na napalingon si Bella."Bakit po Ma?" tanong ni Bella saka sya tumayo."Ano ba yang ginagawa mo dyan? Tama na nga yan," sabi ni Valerie kay Bella. Agad naman na nagtanggal ng gloves si Bella at lumapit kay Valerie."Wala po kasi akong magawa Ma. Umalis po kasi si Vin kaya heto pong mga halaman nyo na lamang ang pinakialaman ko," sagot ni Bella."Sige na hayaan mo na muna yan. Mabuti pa ay magpahinga ka na muna. Mamaya nga pala ay sa labas tayo magdidinner ha," sabi ni Valerie."Sige po Ma," sagot ni Bella."Eto nga pala ang susuotin mo mamaya. Binili ko yan alam kong bagay na bagay yan sayo," nakangiti pa na sabi ni Valerie sabay abot kay Bella ng paper bag na may laman na damit."Pero marami pa po akong damit Ma. Hindi ko pa nga po nasusuot yung iba," sagot ni Bella dahil nahihiya na rin sya dahil palagi na lamang sya binibilhan ng damit at gamit ni Valerie."Okay lang
CHAPTER 149"Bella hija, naka ready ka na ba?" tanong ni Valerie kay Bella kasabay ng pagkatok neto sa pinto ng kwarto ni Bella. Agad naman na binuksan ni Bella ang pintuan ng kwarto nya."Opo Ma ready na po ako," sagot ni Bell pagkabukas nya ng pintuan. Namangha naman si Valerie sa itsura ni Bella dahil bagay na bagay rito ang suot neto na white dress na may konting floral design idagdag pa na napakasimple lamang ng ayos ni Bella dahil light make up lamang talaga lagi eto kung mag ayos ng sarili nya na bagay na bagay naman talaga sa kanya dahil kahit walang make up si Bella ay napakaganda pa rin neto."Wow, bagay na bagay sayo hija ang damit na yan. Napakaganda mo. Ang swerte talaga ng anak ko sayo Bella," puri ni Valerie kay Bella. Nahihiya naman na ngumiti si Bella kay Valerie dahil sa papuri neto sa kanya."Sa-salamat po Ma," nahihiyang sagot ni Bella rito."O sya tara na sa baba at ng makaalis na rin tayo. Nasa baba na rin naman si Vanessa at ang Papa mo," sagot ni Valerie. "Sig
CHAPTER 150Pagkababa ni Bella ng sasakyan ay napangiti na lamang sya dahil alam nya ang lugar na eto dahil eto ang paborito nilang restaurant ni Vin dito sa Tagaytay. Tatawagan na sana nya si Vin pero biglang nagsalita si Valerie sa tabi nya."Tara na Bella," pag aaya ni Valerie."Sige po Ma. Susunod na lamang po ako. Tatawagan ko lang po si Vin," sagot ni Bella at idadial na sana nya ang number ni Vin pero biglang hinawakan na sya ni Valerie sa kamay."Mamaya na lang hija. Halika na muna rito sa loob," sabi ni Valerie habang hila hila na nya sa kamay si Bella papasok ng restaurant. Wala naman ng nagawa pa si Bella kaya nagpatianod na lamang sya rito.Pagkapasok nila sa loob ay nagtataka naman si Bella dahil walang ibang tao roon at nakapatay ang ilaw sa ibang parte ng restaurant ang tanging naiilawan lamang ay ang dadaanan nila papunta sa may likod na parte ng restaurant kung saan may garden na madalas rin nilang pwestuhan ni Vin kapag nandoon sila."Bakit walang tao?" hindi na napi
CHAPTER 151"Hi Bella," nakangiti pa na sabi ni Vin kay Bella pagkarating nya sa harapan neto. Napangiti naman si Bella kay Vin."Anong meron? Nasaan na sila Mama? Bakit may paganito?" sunod sunod na tanong ni Bella kay Vin. Nginitian naman ni Vin si Bella saka nya hinawakan ang kamay neto. Nagtataka naman si Bella sa ikinikilos ni Vin at sa nangyayare ngayon. Kanina pa nya iniisip kung ano bang okasyon meron ngayong araw pero wala syang matandaan kung ano ba ang meron ngayon araw na eto.Napabuga naman muna ng hangin sa bibig si Vin para pakalmahin ang sarili nya dahil kinakabanan na naman sya."B-bella alam ko na marami na tayong pinagdaanan. Nagsimula tayo sa pagiging mag bestfriend at hindi ko naman akalain na mamahalin pala kita ng ganito," panimula ni Vin habang nakatitig sa mga mata ni Bella. Habang si Bella naman ay nakatitig rin kay Vin at ramdam na nya ang panunubig ng kanyang mga mata dahil parang alam na nya kung ano ang nangyayare. Bumuga na naman ng hangin sa bibig si
CHAPTER 152Kasabay ng pag bukas ng ilaw ay ang pagputok ng fireworks sa kalangitan kaya napatingala naman silang lahat doon.Pagkatapos ng fireworks ay Kitang kita naman nila Vin at Bella ang mga magulang at mga kapatid ni Vin na nakangiti sa kanila. Hindi rin nakaligtas sa paningin nila ang umiiyak na ina ni Vin. Kita rin nila ang mga kaibigan nila na nakangiti sa kanila at kumpleto rin ang mga eto.Maya maya ay nagsilapitan na sa kanila ang pamilya ni Vin kasunod ng mga kaibigan nila."Congratulations mga anak," bati ni Valerie kila Vin at Bella saka nya eto yinakap. "Thank you Ma," halos magkapanabay pa na sabi nila Vin at Bella habang nakangiti kay Valerie."Congrats ate Bella at kuya Vin," nakangiti na sabi ni Viela sa mga eto."Salamat," sagot nila Vin at Bella. "Akala ko hindi ka na magsasalita kanina kuya e. Haha," biro pa ni Viela kay Vin."Muntik na. Hahaha," tatawa tawang sagot ni Vin."Kayo nagplano neto?" tanong na ni Bella. Nginitian naman ni Viela si Bella."Nagpatul
Gusto ko po na magpasalamat sa lahat ng mga nagbasa at sumuporta sa story ko na ito. Ito po ang unang story na naisulat ko kaya masayang masaya po ako dahil merong nagbasa at tumangkilik dito. Maraming maraming salamat po sa inyo. Dito ko na po tatapusin ang My Billionaire Boy Best Friend. Maraming salamat po sa mga sumubaybay sa story nila Vin at Bella hanggang sa love story nila Mark at Kate. Maraming salamat po sa mga naghintay ng update ko araw araw. Anim na buwan ko rin po na isinulat ang story na ito. Sana po ay suportahan nyo pa rin po ako sa isa ko pang story na My Sister's Lover is My Husband. At sana rin po ay suportahan nyo pa rin po ako sa mga susunod na story na isusulat ko. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo... ^_^ My Billionaire Boy Best Friend is now signing off.....
CHAPTER 245Sunod naman na nagsalita su Kate. Napabuntong hininga pa muna ito bago sya nagsalita dahil kagaya ni Mark ay kinakabahan din sya na magsalita."Mark i love you," unang kataga na binigkas ni Kate kaya naman napangiti na kaagad si Mark sa kanya."Hon thank you dahil hindi ka sumuko sa pagsuyo sa akin. Salamat dahil kahit na iniiwasan kita at sinusungitan kita madalas ay hindi ka pa rin sumuko at patuloy mo pa rin akong sinuyo," sabi ni Kate."Ngayon ko lang ito sasabihin ha. Alam mo ba na crush na kita noon pa. Kaso masyado ka kasing gwapo at marami ang nagkakagusto sa'yo noon kaya naman pinigilan ko na yung sarili ko na magkagusto pa sa'yo dahil alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan at kaibigan lang ang turing mo sa akin," pagpapatuloy pa ni Kate."Nung time na umamin ka sa nararamdaman mo sa akin noon kakahiwalay ko lang sa boyfriend ko noon kaya natakot na ako na magmahal ulet. Natakot na akong masaktan kaya naman binasted na kaagad kita at simula non ay iniiwasan na
CHAPTER 244Natuloy nga ang nais nila Mark at Kate na beach wedding. Laking pasalamat nila dahil nakisama ang panahon ngayong araw dahil maganda ang panahon ngayon. Manghang mangha naman ang nga bisita nila dahil sa napakaganda ng set up ng kasal nila Mark at Kate sa tabing dagat.Marami rin silang inanyayahan na mga bisita lalo na at nasa linya ng business ang pamilya nila Mark kaya marami silang inanyayahan na mga kasosyo nila sa negosyo. Sa side naman ni Kate ay inimbitahan nya ang mga co teacher's nya.Nagsimula naman ng tumugtog ang violin sa saliw ng kantang Can't Help Falling in love with you.Una naman na naglakad sa gitna si Mark at sinundan na sya ng mga magulang nya at ng entourage ng kanilang kasal. At pinakang huli ay si Kate ang lumabas ng buksan na ang puting kurtina na naka set up sa likurang parte.Naluluha naman na tinitigan ni Mark si Kate habang dahan dahan itong naglalakad kasama ang mga magulang nito.Si Kate naman ay naluluha rin habang titig na titig sya sa gwa
CHAPTER 243Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at ngayon ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila Mark at Kate. Ang araw ng kanilang kasal.Nasa loob pa ng hotel room nya si Kate dahil hindi pa sya tapos ayusan. Habang si Mark naman ay kinukuhaan na ng ilang litrato sa kanyang sariling silid. Kasama nya rin doon ang kanyang mga magulang at kapatid."Mark anak. Congratulations sa inyo ni Kate ngayon pa lang. Masayang masaya kami ng daddy mo para sa'yo. Ngayon na mag aasawa ka na pakamahalin mo ang asawa mo ha. Wag na wag mo syang sasaktan anak. Ingatan at pahalagahan mo si Kate," seryosong sabi ni Krizzia kay Mark matapos nilang kuhaan ng mga larawan."Yes mom. Mamahalin ko po ng buong puso si Kate. Thank you po pala sa inyo ni dad dahil sinuportahan nyo po ako sa mga desisyon ko sa buhay," sagot naman ni Mark."Of course son. Susuportahan namin kayo ng ate mo sa mga gusto nyo dahil mahal namin kayo," sabat na ni Louie sa pag uusap ng mag ina nya."Hep hep. Tama
CHAPTER 242"Kumusta ang pakiramdm mo?" tanong ni Vin kay Bella."Medyo okay na ako," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Agad naman kinintalan ng magaan na halik sa labi ni Vin si Bella."Alam mo ba na kambal ang pinagbubuntis mo?" tanong ni Vin sa kanyang asawa. Ngumiti naman si Bella sa kanya saka ito tumango."Oo. Gusto sana kasi kitang isurprise e. Buti nga hindi mo napapansin na marami akong binibili na gamit ng mga bata e," sagot ni Bella."Ikaw talaga. Kaya siguro nahihirapan ka kaninang manganak yun pala dalawa ang sanggol na iluluwal mo. Next time wag mo ng uulitin yan ha," sabi ni Vin sa kanyang asawa."Vin kaaanak ko pa lang. Next time kaagad naiisip mo," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Bahagya naman na natawa si Vin dahil sa sinabi ni Bella.Samantala naman tahimik na pinagmamasdan nila Kate at Mark ang mga anak nila Vin at Bella na mahimbing na natutulog."Ang cute naman ni baby girl at ang pogi ni baby boy ha," sabi ni Kate habang titig na titig sa kambal."Oo nga. Kahawi
CHAPTER 241Kinabukasan din noon ay nag usap usap na ang mga pamilya nila Mark at Kate para sa kanilang kasal. At napagkasunduan nila na apat na buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Mark at Kate."Grabe Mark hindi ka naman nagmamadali nyan ha," pang aasar ni Kendra sa kapatid."Tsk. Syempre ate. Excited na nga ako e. Kung pwede nga lang na next month na kaagad yung kasal," sagot naman ni Mark sa kapatid. Siniko naman ni Kate si Mark."Para ka naman may hinahabol nyan. Ako nga hindi ko pa naiisip na mag asawa e," sagot ni Kendra."Tsk. Ate hanapin mo muna yung mapapangasawa mo bago mo isipin na mag asawa," pang aasar naman ni Mark sa kanyang ate."Hindi pa ako sawa sa pagiging buhay dalaga ko noh. Kaya wala pa akong balak na mag asawa," sagot ni Kendra sa kapatid."Bahala ka ate. Basta ako mag aasawa na akom ayoko mapaglipasan ng panahon," pang aasar pa ni Mark."Tsk. Magpakaligaya na lang kayo at bigyan nyo ako ng maraming pamangkin," sagot ni Kendra."Psst. Tumigil na kayong da
CHAPTER 240Isa isa naman na nagsilapit sa kanila ang mga kaibigan nila. At nauna ng lumapit sa kanila ang mag asawang Vin at Bella. "Congratulations sa inyo," bati ni Bella kila Mark at Kate."Salamat," nakangiti naman na sagot nila Mark at Kate sa kanya."Finally hindi na bato ang puso ni Kate," natatawa na sabi ni Bella habang himas himas ang malaki na nitong tyan. Natawa naman si Kate dahil sa sinabi ni Bella."Bro ibang klase ka talaga. Wala ng patumpik tumpik pa. Haha," tatawa tawang sabi ni Vin kay Mark. "Syempre baka makawala pa e," natatawa rin naman na sagot ni Mark kay Vin. Nagsilapitan na rin naman ang iba pa nilang kaibigan sa kanila."Hoy Mark. Ikaw ha ni hindi mo man lang kami sinabihan. Ang akala namin ay birthday party lang ito. Magpopropose ka na pala," himig nagtatampo na sabi ni Ian kay Mark dahil wala talaga syang kaalam alam tungkol dito kahit na magkasama lang naman sila sa bahay ni Mark."Hindi ko talaga sinabi kaagad sa'yo kasi ang daldal mo. Hahaha," tataw
CHAPTER 239"Hon ang tagal kong hinintay yung araw na sasagutin mo ako. Kaya naman ng dumating ang araw na yun ay sobrang saya ko dahil ilang taon din akong naghintay na mahalin mo rin ako," sabi pa ni Mark habang dahan dahan na humahakbang palapit kay Kate.Nagtataka naman na tinitingnan ni Kate si Mark. Nagpatuloy naman sa pagsasalita nya si Mark."Nung una akala ko wala na talagang pag asa na mahalin mo ako. Muntik na nga akong panghinaan ng loob non e kamuntik na akong sumuko dahil binasted mo kaagad ako noong unang beses na umamin ako sa'yo tungkol sa tunay kong nararamdaman para sa'yo. Pero matapos ang kasal nila Vin at Bella ay naglakas loob ulit ako na manligaw sa'yo kahit pa iniiwasan mo ako palagi pero hindi ako tumigil hanggat hindi kita napapasagot dahil ikaw lang ang sinisigaw ng puso kong ito," madamdaming sabi pa ni Mark.Bigla naman nagbukas ang ilaw sa isang parte ng restaurant kaya naman napalingon si Kate roon at ang unang nakita ni Kate ay ang mga kaibigan nya na n
CHAPTER 238Pagdating ng hapon ay sinundo naman na muna ni Mark si Kate mula sa school saka ito hinatid sa bahay nito."Hindi na ako papasok sa loob ha. Mamaya susunduin ulit kita," sabi ni Mark kay Kate pagkatigil ng kotse ni Mark sa harapan ng bahay nila. Napapansin naman ni Kate na parang aligaga si Mark."S-sige," sagot ni Kate. "Mark may problema ba? Napapansin ko kasi na parang hindi ka maapakali e," hindi na napigilan na itanong ni Kate kay Mark. Bigla namang parang natauhan si Mark dahil sa tanong ni Kate."Ha? Wala ito. Wag mo akong pansinin," sagot ni Mark. " Sige na. Aalis na ako. Balikan kita mamaya ha," pagpapaalam na ni Mark kay Kate saka nya ito hinalikan sa noo."Sige. Mag iingat ka. Hintayin kita mamaya," sagot ni Kate."Sige. Bye," sagot ni Mark saka sya kumaway rito bago pinaandar ang kanyang kotse.Umuwi naman na muna si Mark upang magpalit ng damit at mag ayos ng kanyang sarili. Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay agad na rin syang umalis dahil kailangan pa ny