Thank you so much po for reading!
“Mom…” bulong ko na alam kong narinig nila pareho. Napalunok ako at hindi ko alam kung bakit ako napatango pagkatapos non, maybe because I didn't really expect that I would be meeting Eli's mother in this situation--in that worse situation where I was calling and crying for my mother. At teka, a-alam kaya nito na may relasyon kami ng anak niya? I mean, I am here in his son’s house! And Eli rushed like that towards me. Is she thinking right now that I’m young? B-Bigla akong kinabahan kaya napabaling ako ulit kay Eli."C-Can we talk?" Tanong ko. Para naman siyang natauhan dahil napabuntonghininga. Pero bago siya makapagsalita ay naunahan na siya ng kaniyang ina. "Are you nervous, hija? Nahihiya ka ba sa akin? Oh, by the way, alam ko nang may relasyon kayo ng anak ko so don't worry."A-Alam na niya! My eyes closed tightly because of what I heard. Para akong nahilo bigla. Right after recalling a lost memory, here I am, nagugulat sa mga sinasabi ng babae na nagcomfort sa akin na ina pa
I have no intention of hiding the dream I had. Lalo na kanina, pagpasok ko ng bahay, I realized it wasn’t just a simple dream. It triggered my memories—ones I hadn’t remembered until now. I know it's a part of me... but was lost, or maybe, intentionally removed.But with so many things I want to talk about—especially with Elijah, his mom, and this strange dream—here I am, still trapped in his arms, kissing me like it's the first time he’s ever tasted my lips. Ito na naman. At alam ko na hindi ito basta mahihinto kahit pa sinabi niya na pigilin ko siya. Hindi naman siya tumitigil!Ramdam ko na mas lalong humigpit ang yakap niya, and I know he won’t let me go or even loosen his grip. He doesn’t even want to give me a few seconds to breathe!"Eli..." I whispered against our kiss. The sound of his breathing, and the soft movement of his lips tasting mine, filled the room. Pati ang pagsinghap ko sa pagsagap ng kaunting hangin ay rinig dahil halos ayaw na niya akong bitawan."C-Can we... sto
Bumaba na rin naman kami agad ni Elijah. Sinabi ko kasi sa kaniya na ayokong paghintayin ang mommy niya. At sa totoo lang? Wala namang nangyaring pag-uusap sa pagitan namin dahil ang oras na inilagi namin sa kwarto ay puro halik lang niya at paglalambing. Ayaw pa nga niya kaming lumabas! Pero bago ko naman siya mapilit na harapin na namin ulit ang mommy niya ay nagrequest pa siya. He asked me to stay in his house for a week nang sabihin kong sa isang araw ay uuwi na ako. Hindi rin kasi ako puwedeng lumiban sa klase ng matagal at nag-aalala na rin ako sa papa. At ang sagot niya?"If only I could keep you here with me, I would."Napangiti ako at napailing nang tumingin ako sa kaniya habang pababa kami ng hagdan. Hawak-hawak niya ang kamay ko ng mahigpit. Ramdam ko naman, noon pa man, na gusto niya akong ialis sa mansion—nung sinabi ko pa lang ang mga ginawa ni Lolo Halyago. Pero...Mas lalo akong hindi maaaring manatili ng matagal dito, dapat na akong bumalik sa mansion dahil kailang
"O-Okay. That's enough. Naniniwala na akong wala. S-Sige. Pwede ba maupo muna kayo? Gusto ko pa kayong makausap."I bit my lower lip and looked at Elijah behind me. Ang nakakainis ay natatawa pa rin siya. Hindi siya dapat tahimik lang. Sana ay nagsalita rin siya at sinabi na wala namang nangyari maliban sa h-halik. Mukhang marami na rin kasi agad na naisip ang Ma'am Kamila.Pero hindi naman counted 'yung kanina, 'di ba?Naramdaman ko na nag-init lalo ang buong mukha ko nang maalala 'yon.I don't know! Basta Nakakahiya!Hindi na lang ako ulit magsasalita kapag tungkol sa amin ni Elijah, lalo na't hindi naman ako ang direktang tinatanong. Less talk, less mistake, less embrassment."How's your father, Pristine?" bigla naman tanong sa akin ng ma'am. I still didn't know what to address her, but I think it's better this way. Since calling her tita wasn't proper for me knowing she's a respectable person."Okay lang naman po," sagot ko at bumaling kay Eli. Hindi ko alam kung dapat ko bang ban
"So, you'll stay here? When are you going back to the Vera Esperanza mansion?" tanong ng Ma'am Kamila sa akin."Uuwi na rin po ako bukas--""Next week," biglang sagot ni Eli.Napapikit ng mariin ang kaniyang ina, parang nagpipigil ito ng galit. Ako naman ay kinabahan kasi baka kung ano na naman ang mabunot nito bigla at lumipad sa gawi ni Eli. Kanina ay sobrang ikinagulat ko talaga 'yong kutsilyo.Ni hindi ko napansin saan nito 'yon kinuha."Can you please leave us first, Clementine? Mag-uusap lang kami ni Pristine."Tungkol kaya ulit sa mama? Nasabik naman akong bigla."No," mabilis na sagot ni Eli."Elijah Clementine.""Why would I leave my baby with you--""I am your mother, and I want to talk to my daughter-in-law alone without you! Isn't that enough reason?!"Napangiwi ako dahil masama na ang tingin ni Ma'am Kamila kay Eli. A-Are they always like this? Napahila naman ako sa braso ng katabi ko, at nang bumaba ang tingin niya sa akin ay saka ko siya binalingan."Don't talk back to
Elijah"I'm so sorry, Clementine."I gritted my teeth, ignoring my mother as my eyes remained locked on the emergency room where Pristine was being treated by the doctor. She was still unconscious and looked so fcking pale. She was barely breathing when I carried her earlier, and it scared me to death. Ngayon ko lang rin siya nakita sa ganoong sitwasyon. What happened at the university also scared me, but this... this is beyond anything I’ve experienced because she’s really not responding."Hindi ko naman gusto na ganito ang mangyari."Hindi ko pa rin pinansin si mom. But, I really knew this would happen. Yesterday, when she was talking to her father, I noticed how she was gasping for air, struggling to speak while pressing her chest. Alam ko naman na nadala rin siya ng emotions niya, she was caught up in her emotions and the things she needed to say that's why she didn’t stop, even though she was having trouble breathing. Remembering the past triggered her, and that’s exactly what I
We didn't stay long at the hospital. Nang masiguro ng mga doctor na okay na si Pristine ay kahit na gusto ko pang manatili siya doon para mas matingnan ang kalagayan niya ay tumanggi na rin siya. And now we just arrived back at my house. Ilang beses na siyang tinanong ng mom kung ipapaalam ba ang nangyaring ito sa papa niya, pero ilang pag-iling lang rin ang isinagot niya."Pasensiya na po talaga kayo."I was at my mother's back while she was near my woman's bed. Nakahiga si Pristine ngayon at dito ko siya dinala sa kwarto ko mismo. I'm afraid that her past would haunt her in her dreams again. Nabanggit sa akin ng mom kanina kung ano rin ang nangyari at kung paano niya natagpuan si Pristine sa labas, and it scares me na maulit 'yon."No, ako dapat ang humingi ng pasensiya. Masyado ata kitang napressure. Dapat dinahan-dahan ko rin ang pagtatanong ko," my mother said, then sat on the side of Pristine's bed.Napatingin ako sa kanya. I was eager to speak with her right now about what Pris
"A-Alis na nga... naghihintay na ang mommy mo..." tulak niya sa akin.I stood and nodded. But right now, I felt like I didn’t want to leave and just stay by her side. But I also knew she wouldn’t allow that, lalo na’t alam niyang naghihintay na ang mom sa kabilang silid para makausap ko."Ten minutes and I'm back," I told her."Just take your time, Elijah."There's really so much to talk about. Tumango na lang rin ako kay Pristine at lumabas na ng silid. When I got to the next room and entered, I saw my mother's back while she was looking outside the window. Sa tingin ay parang ang lalim rin ng iniisip niya.Nang humarap siya sa akin ay saka ako nagpatuloy sa paglalakad palapit. I was looking at her seriously. After what I learned from Pristine, ang mga bumalik niyang alaala ay mas naunawaan ko ang dahilan ng aking ina. Now I know why she doesn't want me to kill Halyago right away.I glared at my mother while my jaw was clenching intensely."You... will use Pristine Felize to get reve
Nakatingin lang ako kay Elijah, at kahit mukhang nagmamadali siya ay hindi naman marahas ang pagkakahila niya sa akin. Tumahimik na rin ako dahil hindi naman niya ako sinagot. At nang makarating kami sa sasakyan niya na nakapark sa gilid ay pinagbuksan niya ako at nauna na akong pumasok sa loob.My lips pouted as I looked outside the window, seeing Kio and Esther heading to their car. At si Eli ay nilingon ko naman nang makasakay na rin. I was watching him, waiting for him to start the engine, but then I noticed his eyes were closed, and his head was resting.Napabuntong-hininga talaga ako habang nakatingin pa rin sa kaniya. Nang hindi ako makatiis ay hinawakan ko ang kamay niya.The silence between us is making us think the wrong things about what we’re feeling.“If this is about the kiss, Elijah, you don’t need permission. You’re always allowed to. You have every right because you’re my man,” I reminded him and my lips pressed together and I took courage to say what’s on my mind nex
“Wala,” walang ngiting sagot ko at nilingon ko na lang ang labas ng bintana. And as soon as I turned my head, I was caught off guard. My lips parted as the city lights gleamed beautifully before my eyes.“W-Wow…”Hindi ko namalayan na nasa tuktok na kami ngayon habang nakasakay sa ferris wheel and that, it suddenly stopped. Mas napagmasdan ko at na-appreciate ko pa lalo kung gaano kaganda ang mga ilaw sa baba. At nang bahagya naman akong tumingin sa itaas ay nailapat ko pa ang isang palad ko sa bintana nang makita naman ang iilang mga bituin. Up in the sky, the stars were starting to show—twinkling softly, as if they, too, were part of this moment.Lilingunin ko na sana non si Elijah para sabihin kung gaano kaganda ang labas nang bigla ay hawakan niya ako sa kamay ko na mismong nakalapat sa bintana.“Why…” I paused, thrown off by the way he was looking at me.“Are you mad at me?” he asked—and that’s when I noticed it. His eyes flickered with unease, like he was searching my face for a
I couldn’t wipe the smile off my face even as the Ferris wheel went higher. Pero hindi na ako tumingin pa ulit sa baba, sa dalawang nagbabangayan pa rin. I shook my head at them. But honestly, just the thought of Esther and Kio being together made me giggle. Napapangiti ako at napapailing. What if nga, ano?Sometimes it’s true that the more you hate, the more you love.“Nakakatuwa talaga silang dalawa.”A few seconds passed by after I recovered from the kilig I was feeling for the two, I looked at Eli in front of me. Medyo nagulat ako ng kaunti sa paraan ng tingin niya. His attention is still focused on me!And the way Elijah was positioned made it seem even more intense, drawing me in without saying a word.His legs were crossed, his elbow resting on his knee. Nakasalumbaba siya habang malalim ang tingin sa akin. Nang magkatitigan kami ng ilang segundo ay sandali akong natigilan. His eyes pull me in, those that once seemed emotionless are now gazing at me intently, filled with warmth
Napapangiti ako pero pinipigil ko. Nang makita ko naman na nilingon ‘yon ni Elijah ay pagbaling sa akin saka siya tumango. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at naglakad na kami palapit sa gate–ay teka, wala pa kaming ticket.“Eli, bibili pa tayo ng–” pero napahinto ako bigla para sabihin na wala nga kaming ticket nang makita ko si Esther at si Kio na pababa ng kahihinto pa lang na ferris wheel.Hala! Sumakay sila?“Pristine!” sigaw ni Esther sa akin at nauna na siyang lumapit. She’s smiling at me, nakasuot siya ng faded jeans at simpleng sky blue na blouse. Nakatali rin ang buhok niya. And Kio, who’s always wearing a bodyguard suit, was now dressed in casual clothes. Naka-faded blue jeans rin ito at sky blue na t-shirt. Para silang naka-couple attire ni Esther! Not to mention they’re both wearing a white sneakers!“Esther…” sambit ko nang yakapin ako ni Esther, napangit ako at hinimas ang likod niya. Si Kio ay dumiretso naman kay Eli at nag-abot ng ticket. At napaawang ang mga labi ko
Mas naramdaman ko na humigpit ang pagkakahawak ni Elijah sa kamay ko, hinila rin niya ako ng mas malapit at sa gilid ng mga mata ko ay pansin ko na napapatingin sa amin ang ibang mga nagdaraan.Sa sagot na ‘yon ni Eli ay mas napagtanto ko lang na tama ako kaya naman umiling agad ako sa kaniya.“I am not thinking that you cannot protect me alone, Eli, hindi ganoon, saka alam kong hindi mo ako pababayaan, masyado lang rin akong nag-iisip pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam natin pareho na hindi naman titigil ang lolo, but this time he won’t just take me away from you, m-malakas ang kutob ko na babalikan ka niya o si Ma’am Kamila at ‘yon… ‘yon ang ikinakatakot ko.”Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Sa sandaling ‘yon, dumaan ang malamig na hangin sa gitna naming dalawa. Nang idilat ko ang mga mata ko, at pagtingin ko kay Elijah, saka ko biglang narinig ang boses ng lolo na papatayin niya rin ako… katulad ng ginawa niya sa mama.My body trembled and I lowered my head again
Habang kasama ko si Elijah, hindi mawala sa isipan ko na baka ang saya na nararamdaman ko ngayon ay may kapalit. I couldn’t avoid overthinking. I tend to feel this a lot when I’m at my happiest—like something bad is bound to happen, waiting just around the corner to hit me.Siguro dahil sanay ako na ang buhay ko ay umiikot sa takot, lungkot, at puro pagbabanta. Na sandaling kaligayahan lang, hindi ko na ma-enjoy dahil sa isip ko na may mangyayari na mas mabigat.It’s just that what’s happening feels surreal, like a dream.Umangat ang tingin ko kay Eli na kasabay ko naglalakad. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko at nandito kami sa isang amusement park. Sinunod niya ang gusto ko kanina, pero hindi kami sumakay sa kahit anong rides. We just walked around, played some games, and walked some more while he held my hand. Masaya ako simula kanina, pero ito nga, at nawala ang saya na 'yon nang mapagtanto ko na pakiramdam ko may kapalit ang nararanasan kong ligaya.Hindi pa naman kasi tapos an
PristineI never thought that one day, Elijah and I would be out in the daylight, simply enjoying the view of the lake while watching the swans glide gracefully across the water. Kahit noong bodyguard ko pa siya, hindi ko talaga naisip na makakalabas ako ng ganito kasama siya. Siguro dahil dati, noong nasa bahay pa ako, hindi ko man lang sinubukan na magpaalam para lumabas o kahit maglibot sa mall. That’s because I knew Lolo wouldn’t agree, and Papa would also tell me to just stay at home.My world back then was limited to the mansion and school, doon lang talaga, kahit nga field trip? Hindi ako pwedeng sumama. It wasn’t just about strict rules, it was about safety. Lolo’s enemies were always lurking, and I knew that stepping outside meant taking a risk. Syempre, ayokong mag-alala ang papa noon kaya’t sumusunod rin ako. Isa pa, wala rin akong mga kaibigan na maaari kong maisama dahil nga takot na makipaglapit sa akin ang mga ito dahil isa akong Vera Esperanza.The surname alone speaks
“What did you say? Ulitin mo nga ang sinabi mo!”Rinig na rinig sa labas ng malaking gate ng mansion ng mga Ynares ang boses ni Halyago Vera Esperanza. Hindi siya makapaniwala na maaga siyang tumungo doon para makausap si Margus ngunit ang ibubungad sa kaniya ng guard ay bawal siyang pumasok! “Sinusunod ko lang po ang trabaho ko, sir.”What the hell just happened!“Bago ka lang ba dito, ha? Hindi mo ba ako nakikilala?!” he shouted. Umabante pa siya upang mas malapitan ang guard na bahagyang nakayuko. Ang dalawang tauhan niya na nasa likod niya ay naglakad rin palapit at ang isa ay nagsalita pa.“Kasosyo sa negosyo ni Mr. Ynares ang amo namin, pwede na tawagan mo siya at sabihin na narito si Mr. Vera Esperanza para makausap siya.The old man’s hands clenched as he took his phone out from his pocket. Dati-rati ay nakakapasok naman siya kaagad ng diretso sa mansion ng mga Ynares dahil pinagbubuksan siya ng kahit na sinong guard. “Kung bago ka dito, I’ll make sure you’re fired once Mar
Pierre ignored it before because he hoped that one day, his father would treat them well.“I-I’m sorry… I’m s-so sorry…”Nanghihina ang katawan ni Pierre na napahawak sa gilid ng sofa at muling napaupo. His head tilted to the side, his gaze unfocused and his eyes wide and unblinking in shock while tears kept on falling. Patuloy rin siya sa pagbulong ng patawad pero ganoon rin si Kamila, nagpatuloy rin ito sa paglabas ng saloobin at hinanakit sa kaniya.“Tapos ngayon gusto mo pa rin na kausapin ang ama mo? You tried last night, and for me, that was enough! Wala ka nang nakuhang maayos na salita, tapos sasabihin mo pa ‘yon for the last time? Gumising ka, Pierre! Your words will never change him! Even if you beg, or even if your life was on it, hinding-hindi na magbabago si Halyago!”His mind still refused to process it. Yet Kamila’s firm voice echoed in his ears. Alam ni Pierre na hindi ito magsisinungaling para lang idiin ang ama niya dahil ramdam niya ang bigat at sakit sa bawat salit