Agad akong napahawak sa gilid para hindi tuluyang matumba. Nang lingunin ko naman si Kio ay nakaalalay na siya pero umayos rin nang makitang seryoso ang tingin ko sa kaniya.What was the name of that drug again? Hindi medicine 'yon at alam kong intentional na banggitin ni Kio na medicine para hindi ako mag-alala dahil nakita niya kung paano rin ako napraning dahil dalawang linggo nang walang malay si Elijah! Naningkit lalo ang mga mata ko sa pag-alala doon. What was--Astra! Yes. That was the name of that drug. Iyon ang narinig ko na pangalan nang pag-usapan nilang dalawa 'yon ni Havoc!And when I asked Esther, she said that Astra is as a drug rather than medicine, it can be described as a sedative or hypnotic substance with strong sleep-inducing effects. At totoo nga daw na pwedeng isang buwan o higit pa ang maging epekto non!Nang maalala ko 'yon ay mas tumalim ang tingin ko kay Kio."No. You will not use that drug," I said, my voice strict and cold, leaving no room for argument.
Nanlamig ang pakiramdam ko lalo na sa paraan ng pagtingin niya sa akin.Maybe I hoped too much... m-maybe the light I saw in him, the kindness I thought he had shown me despite knowing I'm in love with someone else, was never real. That he really had his own intentions."S-Sebastian—" and I gasped when he suddenly pulled me by the arm, umatras ako at sinubukan kong bawiin ang braso ko pero mahigpit na niyang hawak 'yon."Is this what you really want? Ang pilitin rin ako, Sebastian?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hindi mo naiintindihan ngayon kung anong ginagawa ko, Pristine, but soon, you will..." mabibigat ang bawat salita nang sabihin niya, na ikinailing ko.Ano pa ba ang hindi ko naiintindihan d-dito? "Pero tama ka, I have the power to make this stop, for you to be free, Pristine. At alam mo ba bukod doon? Kaya ko rin mapaluhod ang lolo mo sa harapan ko. Hindi ba't ang gusto mo ay makakawala sa kaniya? Na mas maprotektahan kayo ng papa mo. That's what I'm fckng doing right now
"Pristine."Sa gitna ng paghingi ko ng tawad ng ilang ulit kay Sebastian ay narinig ko ang boses ng papa sa aking likod. Natigilan ako, napasinghap, at medyo nataranta dahil sa mga luha na nasa magkabilang pisngi ko. He will be worried if he sees me crying kaya agad kong pinalis ang mga iyon.Si Sebastian naman sa harapan ko ay napatingin sa likod ko at bahagyang yumuko. I knew he was showing respect to my father, who was now walking closer to us. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Nang sakto nang nasa likod ko na ang papa ay saka naman ako humarap."Pa..."But when I saw him, he wasn't looking at me—he was looking at Sebastian. Seryoso ang ekspresyon ng mukha ng aking ama, na ikinakunot ng noo ko. Alam kong hindi naman masamang tao ang tingin niya kay Sebastian, kilala niya ito bilang mabuting bata dahil anak ito ng kaibigan rin niya sa negosyo, pero the way he was looking at him right now... it was as if the latter was an enemy."Mr. Vera Esperanza—""No need for the fo
I couldn't believe it.Buong akala ko ay walang alam si Papa sa nararamdaman ko kay Elijah at sa relasyon namin, pero ang totoo pala, alam na niya! And the sound of his voice earlier, the expression on his face—it looked like he didn’t mean to say that at talagang nadala lang rin siya ng emosyon dahil nga sa pagkausap kay Sebastian!And the latter was stunned also after hearing that. Katulad ko, ikinabigla rin nito 'yon kasi sino ba naman ang hindi magugulat kung sa mismong ama ko nanggaling 'yon na ako ay walang kaalam-alam? Saka, may kaba pa nga sa akin na aminin ang totoo sa papa tungkol sa amin ni Elijah, tapos all this time, he knew! At kahit hindi ko pa man tinatanong kung kilala niya kung sino ang kasintahan ko, sa paglunok niya kanina, alam ko nang alam niya.I turned to look at Sebastian when I heard him clear his throat."I'll go now, Mr. Vera Esperanza. Mukhang may dapat po kayong pag-usapan ni Pristine."Even though he was hurt because of everything I've said to him and h
"Hindi lang 'yon, alam ko rin na walang ibang pwedeng pumunta sa backgarden dahil lugar mo 'yon, pero si Elijah ay pinahintulutan mo. And I caught you before, watching him sleeping--" Gosh! E-even that? "S-Stop na po, papa... sorry..." hinging paumanhin ko dahil hindi ko na rin kinakaya at baka kung ano pa ang marinig ko sa papa. B-But he was right! I was really watching Elijah before sleeping at the back garden doon sa hammock! Ilang beses 'yon at alam ko kung anong oras dapat pumunta dahil nga pahinga niya sa pagbabantay sa akin! "Pero, ang relasyon namin..." halos hindi ko pa rin mabuo ang mga salita. "Kanino m-mo po nalaman, o aksidente ninyo po na nalaman?" Ngayon ay wala na ang pagkailang ko sa Papa dahil nalaman ko na alam niya ang tungkol sa relasyon namin ni Eli. Sa tanong ko, napangiti siya. The kind of smile he gave me was one that seemed to carry a sense of relief, as if he felt at ease. "Si Elijah mismo, anak." Kahit naisip kong posible na si Eli ay nagulat
After that, my father left. Naiwan kami ni Eli sa living room. Now, I don't feel any pressure, wala na ring kaba sa pagsasabi sa papa ng totoo tungkol sa amin ni Eli. He didn't also question our age, he didn't make me feel that what I have for Elijah is wrong. And after everything papa said, I know, I can now rely on him about my engagement with Sebastian. Ipinakita na rin naman niya kanina na tutol siya doon, and I know Sebastian felt that. Naalala ko naman ito at ang naging pag-uusap namin. Still...I felt bad for him. Sana... sana makita na rin niya ang babae na para sa kaniya dahil ako... Ibinitin ko ang mga salita nang mapatingin ako kay Eli. Dahil ako... alam ko nang si Elijah ang mamahalin ko hanggang dulo. ——— "Kinakabahan ka pa rin?" Esther was beside me while holding my hands. Siya ang kasama ko dito ngayon sa may room ko sa hotel, kung saan gaganapin ang kaarawan ko. Nasa sampung minuto nang matapos ang makeup artist at ang nag-ayos ng buhok ko pero ang kaba sa dib
"So, what are you going to do?" Tanong ni Esther nang mapansin niya siguro na tahimik ako. "Tatapusin ko ang kaarawan ko na 'to at ibibigay ko ang gusto ng lolo na pagpapanggap. Pero pagkatapos ay haharapin ko silang lahat, pati ang mga Ynares at sasabihin ko na hindi ko mapapakasalan si Sebastian." At desidido ako na iharap sa kanilang lahat si Elijah at ipakilala ito na lalakeng minamahal ko. "Okay-okay pero, ihanda mo na ang sarili mo sa galit at puputok ang bulkang Halyago." Napatango naman ako kay Esther. "I know." "Tapos baka saktan ka na naman ulit. But don't worry, hindi namin 'yon hahayaan." "Thank you, Esther." Inihilig niya naman ang ulo sa balikat ko at tinapik ang braso ko. She's comforting me. "Haaaa. Ako ang naaawa sa 'yo, Pristine, sana talaga itanan ka na ni Elijah." "Ikaw talaga..." sagot ko at hawak sa kamay niyang nasa braso ko. I even shook my head at Esther, ramdam ko ang pagiging problemado niya sa sitwasyon ko. Actually, pareho sila ni Kio.
Elijah Clementine Kirovsky Regalonte. My breath is shaky, and my hands too. Even after a few seconds since Eli was introduced, I still couldn’t process what was happening. Nakatingin lang ako sa kaniya ngayon, and maybe if I wasn’t in this state of shock, I would smile sweetly at him and compliment how handsome he looks right now. Pero h-hindi ko matagpuan ang boses ko ngayon habang hawak niya ako sa baywnang ko at nakatingin siya sa akin ng may tuwa sa mga mata! "Baby..." he leaned down again, his face went closer to my ear. At nang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa bandang leeg ko ay napapikit ako ng mariin. My hands gripped on his arms. "As much as I want to kiss you because you fckng look so cute right now, we need to walk so I can bring you in front." K-Kiss?! Pero nang makabawi ako at lumayo na siya ng kaunti sa akin ay saka ko siya tinanong. "Anong n-nangyayari, Eli?" I looked at him, my voice was trembling as I sought a quick explanation. Kanina ay kinakabahan
Nakatingin lang ako kay Elijah, at kahit mukhang nagmamadali siya ay hindi naman marahas ang pagkakahila niya sa akin. Tumahimik na rin ako dahil hindi naman niya ako sinagot. At nang makarating kami sa sasakyan niya na nakapark sa gilid ay pinagbuksan niya ako at nauna na akong pumasok sa loob.My lips pouted as I looked outside the window, seeing Kio and Esther heading to their car. At si Eli ay nilingon ko naman nang makasakay na rin. I was watching him, waiting for him to start the engine, but then I noticed his eyes were closed, and his head was resting.Napabuntong-hininga talaga ako habang nakatingin pa rin sa kaniya. Nang hindi ako makatiis ay hinawakan ko ang kamay niya.The silence between us is making us think the wrong things about what we’re feeling.“If this is about the kiss, Elijah, you don’t need permission. You’re always allowed to. You have every right because you’re my man,” I reminded him and my lips pressed together and I took courage to say what’s on my mind nex
“Wala,” walang ngiting sagot ko at nilingon ko na lang ang labas ng bintana. And as soon as I turned my head, I was caught off guard. My lips parted as the city lights gleamed beautifully before my eyes.“W-Wow…”Hindi ko namalayan na nasa tuktok na kami ngayon habang nakasakay sa ferris wheel and that, it suddenly stopped. Mas napagmasdan ko at na-appreciate ko pa lalo kung gaano kaganda ang mga ilaw sa baba. At nang bahagya naman akong tumingin sa itaas ay nailapat ko pa ang isang palad ko sa bintana nang makita naman ang iilang mga bituin. Up in the sky, the stars were starting to show—twinkling softly, as if they, too, were part of this moment.Lilingunin ko na sana non si Elijah para sabihin kung gaano kaganda ang labas nang bigla ay hawakan niya ako sa kamay ko na mismong nakalapat sa bintana.“Why…” I paused, thrown off by the way he was looking at me.“Are you mad at me?” he asked—and that’s when I noticed it. His eyes flickered with unease, like he was searching my face for a
I couldn’t wipe the smile off my face even as the Ferris wheel went higher. Pero hindi na ako tumingin pa ulit sa baba, sa dalawang nagbabangayan pa rin. I shook my head at them. But honestly, just the thought of Esther and Kio being together made me giggle. Napapangiti ako at napapailing. What if nga, ano?Sometimes it’s true that the more you hate, the more you love.“Nakakatuwa talaga silang dalawa.”A few seconds passed by after I recovered from the kilig I was feeling for the two, I looked at Eli in front of me. Medyo nagulat ako ng kaunti sa paraan ng tingin niya. His attention is still focused on me!And the way Elijah was positioned made it seem even more intense, drawing me in without saying a word.His legs were crossed, his elbow resting on his knee. Nakasalumbaba siya habang malalim ang tingin sa akin. Nang magkatitigan kami ng ilang segundo ay sandali akong natigilan. His eyes pull me in, those that once seemed emotionless are now gazing at me intently, filled with warmth
Napapangiti ako pero pinipigil ko. Nang makita ko naman na nilingon ‘yon ni Elijah ay pagbaling sa akin saka siya tumango. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at naglakad na kami palapit sa gate–ay teka, wala pa kaming ticket.“Eli, bibili pa tayo ng–” pero napahinto ako bigla para sabihin na wala nga kaming ticket nang makita ko si Esther at si Kio na pababa ng kahihinto pa lang na ferris wheel.Hala! Sumakay sila?“Pristine!” sigaw ni Esther sa akin at nauna na siyang lumapit. She’s smiling at me, nakasuot siya ng faded jeans at simpleng sky blue na blouse. Nakatali rin ang buhok niya. And Kio, who’s always wearing a bodyguard suit, was now dressed in casual clothes. Naka-faded blue jeans rin ito at sky blue na t-shirt. Para silang naka-couple attire ni Esther! Not to mention they’re both wearing a white sneakers!“Esther…” sambit ko nang yakapin ako ni Esther, napangit ako at hinimas ang likod niya. Si Kio ay dumiretso naman kay Eli at nag-abot ng ticket. At napaawang ang mga labi ko
Mas naramdaman ko na humigpit ang pagkakahawak ni Elijah sa kamay ko, hinila rin niya ako ng mas malapit at sa gilid ng mga mata ko ay pansin ko na napapatingin sa amin ang ibang mga nagdaraan.Sa sagot na ‘yon ni Eli ay mas napagtanto ko lang na tama ako kaya naman umiling agad ako sa kaniya.“I am not thinking that you cannot protect me alone, Eli, hindi ganoon, saka alam kong hindi mo ako pababayaan, masyado lang rin akong nag-iisip pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam natin pareho na hindi naman titigil ang lolo, but this time he won’t just take me away from you, m-malakas ang kutob ko na babalikan ka niya o si Ma’am Kamila at ‘yon… ‘yon ang ikinakatakot ko.”Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Sa sandaling ‘yon, dumaan ang malamig na hangin sa gitna naming dalawa. Nang idilat ko ang mga mata ko, at pagtingin ko kay Elijah, saka ko biglang narinig ang boses ng lolo na papatayin niya rin ako… katulad ng ginawa niya sa mama.My body trembled and I lowered my head again
Habang kasama ko si Elijah, hindi mawala sa isipan ko na baka ang saya na nararamdaman ko ngayon ay may kapalit. I couldn’t avoid overthinking. I tend to feel this a lot when I’m at my happiest—like something bad is bound to happen, waiting just around the corner to hit me.Siguro dahil sanay ako na ang buhay ko ay umiikot sa takot, lungkot, at puro pagbabanta. Na sandaling kaligayahan lang, hindi ko na ma-enjoy dahil sa isip ko na may mangyayari na mas mabigat.It’s just that what’s happening feels surreal, like a dream.Umangat ang tingin ko kay Eli na kasabay ko naglalakad. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko at nandito kami sa isang amusement park. Sinunod niya ang gusto ko kanina, pero hindi kami sumakay sa kahit anong rides. We just walked around, played some games, and walked some more while he held my hand. Masaya ako simula kanina, pero ito nga, at nawala ang saya na 'yon nang mapagtanto ko na pakiramdam ko may kapalit ang nararanasan kong ligaya.Hindi pa naman kasi tapos an
PristineI never thought that one day, Elijah and I would be out in the daylight, simply enjoying the view of the lake while watching the swans glide gracefully across the water. Kahit noong bodyguard ko pa siya, hindi ko talaga naisip na makakalabas ako ng ganito kasama siya. Siguro dahil dati, noong nasa bahay pa ako, hindi ko man lang sinubukan na magpaalam para lumabas o kahit maglibot sa mall. That’s because I knew Lolo wouldn’t agree, and Papa would also tell me to just stay at home.My world back then was limited to the mansion and school, doon lang talaga, kahit nga field trip? Hindi ako pwedeng sumama. It wasn’t just about strict rules, it was about safety. Lolo’s enemies were always lurking, and I knew that stepping outside meant taking a risk. Syempre, ayokong mag-alala ang papa noon kaya’t sumusunod rin ako. Isa pa, wala rin akong mga kaibigan na maaari kong maisama dahil nga takot na makipaglapit sa akin ang mga ito dahil isa akong Vera Esperanza.The surname alone speaks
“What did you say? Ulitin mo nga ang sinabi mo!”Rinig na rinig sa labas ng malaking gate ng mansion ng mga Ynares ang boses ni Halyago Vera Esperanza. Hindi siya makapaniwala na maaga siyang tumungo doon para makausap si Margus ngunit ang ibubungad sa kaniya ng guard ay bawal siyang pumasok! “Sinusunod ko lang po ang trabaho ko, sir.”What the hell just happened!“Bago ka lang ba dito, ha? Hindi mo ba ako nakikilala?!” he shouted. Umabante pa siya upang mas malapitan ang guard na bahagyang nakayuko. Ang dalawang tauhan niya na nasa likod niya ay naglakad rin palapit at ang isa ay nagsalita pa.“Kasosyo sa negosyo ni Mr. Ynares ang amo namin, pwede na tawagan mo siya at sabihin na narito si Mr. Vera Esperanza para makausap siya.The old man’s hands clenched as he took his phone out from his pocket. Dati-rati ay nakakapasok naman siya kaagad ng diretso sa mansion ng mga Ynares dahil pinagbubuksan siya ng kahit na sinong guard. “Kung bago ka dito, I’ll make sure you’re fired once Mar
Pierre ignored it before because he hoped that one day, his father would treat them well.“I-I’m sorry… I’m s-so sorry…”Nanghihina ang katawan ni Pierre na napahawak sa gilid ng sofa at muling napaupo. His head tilted to the side, his gaze unfocused and his eyes wide and unblinking in shock while tears kept on falling. Patuloy rin siya sa pagbulong ng patawad pero ganoon rin si Kamila, nagpatuloy rin ito sa paglabas ng saloobin at hinanakit sa kaniya.“Tapos ngayon gusto mo pa rin na kausapin ang ama mo? You tried last night, and for me, that was enough! Wala ka nang nakuhang maayos na salita, tapos sasabihin mo pa ‘yon for the last time? Gumising ka, Pierre! Your words will never change him! Even if you beg, or even if your life was on it, hinding-hindi na magbabago si Halyago!”His mind still refused to process it. Yet Kamila’s firm voice echoed in his ears. Alam ni Pierre na hindi ito magsisinungaling para lang idiin ang ama niya dahil ramdam niya ang bigat at sakit sa bawat salit