Tapos na siyang mag-ayos nang sarili ng may kumatok sa pinto ng kaniyang silid. Siguro ay si Pia iyon. Ito kasi ang palaging gumigising sa kaniya, maging sa mansion ay ang babae ang gumigising sa dalaga, nakasanayan na rin ito ni Pia.
Maaga itong pumupunta sa mansion para lamang siya’y gisingin. Masiyadong dedicated sa trabaho si Pia, siguro dahil dalaga pa naman ito. Hindi nga rin niya alam kung mayroon ba itong kasintahan.
“Come in.” aniya. Hindi na siya nag-abala pang tumayo para pagbuksan ito ng pinto.
“Good morning.” Natigilan si Shamia dahil sa boses na narinig. “Ipinatatawag ka na po sa hapag kainan Ms. Sandler.”
Nalingunan niya si Kaiser na nakasandal sa hamba ng pinto ng kwarto. Basa pa ang buhok nito, marahil ay katatapos lamang nitong maligo. Nakasuot ang binata ng puting t-shirt at maong pants.
“G-good m-morning. Ahm-- sige susunod na ako.” Nauutal na wika niya saka mabilis itong tinalikuran. Hindi niya matagalan ang titig nang binata. Animo binabasa ni Kaiser ang nararamdaman at iniisip niya. Baka mahalata nito ang kabang nadarama niya dahil sa klase ng tingin nito. Animo tumatagos sa kailaliman ng pagkatao niya.
“I’ll wait for you then.”
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa sinabi ng binata. Bakit ba hindi na lang ito mauna sa baba? Hindi na niya tuloy mailagay ng maayos ang mga gamit sa bag.
Nanginginig na ipinagpatuloy ni Shamia ang pagliligpit kahit na hindi maayos. Hindi niya alam kung paano siya muling haharap sa binata lalo na at pumasok sa isip niya ang nangyari sa hapag kainan kagabi.
“Tapos kana Ms. Shamia?” Muling tanong nang kaniyang bodyguard.
Nilingon niya ito at halos mabuwal siya dahil nasa likuran na pala niya ang binata.
“Okey. L-let’s go.” Mabilis siyang lumayo kay Kaiser saka nagmamadaling nagtungo sa pinto ng silid. Baka kasi marinig nito ang mabilis na tibok ng puso niya.
Natatakot si Shamia sa nararamdaman. Hindi niya mapangalanan kung ano ba talaga ito.
Mabilis siyang nagtungo sa dining area. Nadatnan niya na kompleto na ang pamilya doon.
“Good morning guys.” Bati nang dalaga sa mga ito. Lumapit siya sa mommy at daddy niya saka nagmano at humalik. Ganoon din ang ginawa niya sa kuya at sa asawa nito.
“Good morning din sa’yo Mia.” Sagot ni Mr. Sandler.
Naupo si Shamia sa tabi ni mommy. Mabilis naman siyang ipinaghila ng silya ni Kaiser saka ito nagpaalam at lumabas na ng hapag kainan.
“Ikaw Shamia huh! Hinintay mo pa talagang si Kaiser ang sumundo sa iyo sa kwarto mo ah.” Tudyo naman ni Misis Sandler na sinakyan nang kaniyang kuya.
“Ang tagal niyo din ah!”
Inirapan niya ang kapatid saka sumandok ng kanin at ulam. “Teka nga pala – asan si Pia?” Tanong ni Shamia ng hindi mapansin ang secretary.
“Nauna ng umalis. May aasikasuhin pa daw na papeles sa opisina na kailangan mong mabasa at mapirmahan. Ire-review daw muna nya!.” Ang mommy niya ang sumagot.
Hindi na sumagot pa ang dalaga at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Nagku-kwentuhan ang mga ito pero hindi na siya nakisabat pa baka ma-hot seat na naman siya ng pamilya.
Nang matapos siyang kumain, hinintay niya lamang na matapos din ang mga ito saka nagpaalam na aalis na.
“Say Hi to Kaiser for me!” Saad nang mommy niya na itinataas-taas pa ang mga kilay. Hindi na ata nila nakausap pa ang lalaki kanina dahil nag stay na ito sa labas kasama ang iba pang tauhan. Marahil ay umiiwas na din na matukso ng pamilya niya.
Parang pinipiga ang puso nang dalaga sa isiping umiiwas ito na tuksuhin ng family niya. Parang ang sakit isipin na ganoon nga. Pero mas lalong masakit isipin na umiiwas ito dahil may kasintahan ito.
Habang palabas ay iyon ang paulit-ulit na sumisiksik sa utak ni Shamia. Kaya hindi niya nakita na kasalubong pala niya ang lalaking kaniyang iniisip kaya hindi niya ito naiwasan at nabangga siya sa malapad at matigas nitong dibdib.
Napaatras ang dalaga dahil sa impact nang kanilang pagkaka-bangga. “A-ah so-sorry!”
Naiinis siya sa sarili dahil sa pagka-utal. Hindi naman siya dating ganoon. Hindi siya basta-basta naaapektuhan ng mga bagay-bagay.
Pero hindi basta bagay lang si Kaiser! Kontra nang kaniyang isip. Nakakairita.
Hinawakan siya ni Kaiser sa siko saka iginiya sa sasakyan na hindi niya namalayang nakaparada na pala sa harap ng mansion.
“Thank you.” She manage to say kahit na sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib.
Pinagbuksan siya ni Kaiser ng pinto sa backseat saka ito umikot patungo sa driver seat. Driver-bodyguard ang peg ng binata. Hindi na ang Lexus van ang gamit nila patungo sa opisina dahil ang binata na ang nag-volunteer na ipagmaneho siya kaya’t ang sasakyan na gamit nila ay ang BMW X5.
“San tayo Ms.Sandler?”
“Hmm... sa bahay muna.” Tumango naman ito. “And Kaiser?”
“Yes Mam?”
“Just call me Shamia.” Sabi nang dalaga na hindi makatingin sa binata na nagmamaneho habang sinusuri siya na tila may nasabi siyang kakaiba.
“Are you sure Ms. Shamia?”
“Could you drop the Miss?” saad niya na pinipilit na huwag maging sound na pinipilit niya ang kaniyang sarili sa binata.
Nagtagal ang mapanuring tingin ng lalaki sa dalaga. Kaya pinuna na niya ito. “Eyes on the road, please. Baka mabangga tayo!”
Kaiser chuckled that cause her heart to summersault. “Don’t worry Sham, It’s not going to happen hangga’t ako ang kasama at driver mo.”
Lalong nagwala ang puso ni Shamia dahil sa itinawag ni Kaiser sa dalaga. Sham? Only her friends call her Sham and only her family calls her Mia.
“So, should I say thank you huh?”
Ngumisi si Kaiser saka ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
Mas lalong nadepina ang kagwapuhan nito dahil sa pag-ngisi. At ang mga muscle sa braso nito na kitang-kita habang mahigpit itong nakahawak sa manibela.
Agad siyang nag-iwas ng tingin ng mahuli siya nitong tini-check ito. Hanggang sa makarating sila sa mansyon ay hindi na siya nagkamali pang sulyapan manlang si Kaiser dahil baka mahuli na naman siya nito. Nakakahiya!
Bumaba si Shamia agad paghinto ng sasakyan sa front door, hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya nito ng pinto. Agad siyang pumanhik sa kwarto, naligo at nagbihis para pumasok sa opisina. Baka nagawa na lahat ng secretary niya ang mga gawain niya sa opisina.“Manang pakisabi kay Kaiser na ihanda na ang sasakyan.” Wika nang dalaga habang bumababa ng hagdan na hindi nakatingin sa taong nasa baba.
Alam naman niyang si Manang iyon. Lagi nitong ginagawa na hintayin ang dalaga sa pagbaba ng hagdan at bilinan ng mga gagawin sa maghapon. Tulad na lamang na huwag magpapalipas ng gutom at kumain sa tamang oras.
Si Manang Leny ang nakalakihan niyang yaya kaya hanggang sa paglipat at pagbukod nang dalaga ng bahay ay sumama ito.
“Handa na Sham. Ikaw na lang ang hinihintay.”
Muntik na siyang mahulog sa hagdan nang hindi ang boses ni Manang ang marinig niya sa baba kundi ang boses ni Kaiser.
Nakangiti ang binata habang hinihintay ang pagbaba niya ng hagdan. Agad kumabog ang dibdib ni Shamia sa nakita. Hindi na talaga normal ang nararamdaman niya sa binata.
“Hmm ---good morning. Let’s go!” Turan niya saka nagtuloy na sa paglabas ng bahay.
Nakasunod naman agad ang bodyguard niya na mabilis na binuksan ang backseat.
“Ahm .. uhh dito na lang ako sa front seat.” She said.
Tumango naman ang binata sa sinabi niya saka mabilis na binuksan ang front seat at inalalayan siya sa pagpasok. Nakahawak pa ito sa kaniyang siko.
Kapag nadidikit ang balat niya sa binata ay talaga namang nagwawala na ang kaniyang dibdib. “Thanks!”
Ngumisi ito saka umikot patungo sa driver seat.
TILA naman nang-aasar ang panahon. Eksaktong pagdating nila sa harap ng kompaniya saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Wala pa naman siyang dalang payong!
Naka-ugalian kasi ni Kaiser na ihatid muna siya sa harap ng kompaniya bago nito i-park ang kotse.
“Naku naman!”
Nagulat siya ng lumabas ang binata kahit na malakas ang ulan saka nag-diretso ito sa reception area at kinausap ang babaeng naroroon. Hindi kilala nang dalaga ang receptionist ng kompaniya. Dahil hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang mga empleyado basta ginagawa nang mga ito ang kanilang tungkulin sa kompaniya ay walang problema iyon.
Sandali pang nakipag usap si Kaiser sa babae, grabe pa ang pagpa-cute ng babaeng iyon na ikinangitngit nang loob ng dalaga.
Nang makabalik sa sasakyan si Kaiser ay may dala na itong payong. Basang-basa na ito. Madramang bumabagsak ang tubig ulan galing sa buhok nito patungo sa mukha at panga nito.
Grabe talaga! Nagpacute muna nang husto bago magpahiram ng payong.
Naku ibibili kita nang sandamakmak na payong at ng magamit mo pag pinatalsik na kita sa emperyo ko!!
Masama ang tingin ni Shamia sa receptionist. Hindi niya na rin namalayan na nabuksan na pala ng binata ang pinto sa side niya dahil sa sobrang ngitngit na nadarama.
“Oh, mukha kang papatay?” Biro ng lalaki ng makita ang hitsura niya.
“Remind me to fire that bitch later!”
“Hah?”
Napatingin siya sa binata na naguguluhan sa kaniyang sinabi. Napalakas ata ang sinabi niya. “Huh? Uh, wala.”
Sa sobrang inis ni Shamia sa babae ay hindi niya namalayan na pinapanuod na pala siya ng bodyguard niya habang yamot na yamot siya sa receptionist.
Lumabas siya ng sasakyan. Mabilis naman siyang pinayungan ng lalaking sa kaniyang tabi. Dali-dali siyang naglakad patungo sa lobby ng kompaniya, ngunit bago lumampas sa reception ay hindi nakaligtas sa paningin ni Shamia ang pagsunod ng tingin ng receptionist sa kaniyang bodyguard na nasa kaniyang likuran.
Nang masiguro ni Kaiser na hindi na siya mababasa ng ulan ay bumalik ito sandali sa receptionist at ibinalik ang payong na hiniram nito sa babae.
“Thank you!” Narinig niyang wika ni Kaiser sa babae.
Hindi siya nakatiis kaya nilingon niya ang kinaroroonan ng mga ito. At talaga namang hindi na niya napigilang lumapit sa mga ito ng makita niyang nakahawak na sa braso ni Kaiser ang babae na tila pinipigilan pa ang pag alis nang lalaki.
What the heck?
Agad bumitaw ang babae sa bodyguard ng mapansin ang paglapit niya.
“Good Morning, mam.”
“What’s good in the morning Miss ---?”
“Rey po, mam.”
“Oh! Who-ever-you-are! You’re fired!”
Natigagal ito sa narinig. Nanatili namang tahimik sa tabi si Kaiser na nanonood lamang.
Dapat lang ano! Nakakayamot siya.
“Mam? Bakit po? Wala naman po akong ginagawang masama. Ginagawa ko naman po ang trabaho ko.”
“Did I give you the right to talk back?.” Tiningnan niya ang babae mula ulo hanggang paa. “Oh! hindi ko nakitang ginagawa mo nga ang trabaho mo. Trabaho mo ba ang lumandi at magpacute?”
Napayuko ito dahil sa kaniyang sinabi at saka hindi sumagot bagkus ay tumingin sa lalaki sa tabi niya kaya lalong nag-init ang ulo nang dalaga. “You’re fired so I don’t want to see your face when I get down later.”
Sabi niya saka mabilis na tumalikod at sumakay ng elevator. Hindi na tiningnan pa nang dalaga kung nakasunod ba si Kaiser.
Nakakainis! Nakakayamot! Ano ba itong nararamdaman niya? Nagseselos ba siya sa babaeng iyon dahil sa ginawa nito sa binata? Pero wala naman silang relasyon at wala siyang karapatan.
Dahil sa naiisip ni Shamia lalong sinilaban ang inis niya. Sinamahan pa ng hapdi na nararamdaman niya sa kaniyang dibdi. Oo nga wala siyang karapatang magalit at magselos sa mga babaeng lumalapit dito. Dahil walang kami!!
Nagdadabog siyang pumasok ng opisina. Hindi na pinansin si Pia na napatingin sa kaniyang nagtataka.
“Anong nangyari kay Ms.Shamia, Kai?.”
Narinig ko pang tanong nito sa kasunod ko pa rin palang si Kaiser. Hindi ko naman ito narinig na sumagot.
NASA kalagitnaan na nang pagtatrabaho si Shamia nang “Mam andito po si Ms.Garcera.” narinig niyang saad ni Pia sa intercom.
“Papasuk--”
Hindi pa man siya natatapos sa pagsasalita na papasukin ang mga ito ay bumukas na ang pinto at pumasok doon ang kaibigan.
“Anong kumosiyon ang nangyayari sa baba at nagkakagulo doon?”
“Hi to you too, Ms.Garcera.”
Hindi pa manlang ito nakakaupo pero iyon na agad ang tanong.
“Pumunta ka dito para lamang humanap ng tsismis? Naku, alis na busy ako. Sina Ysabell at Lourine ang pestehin mo.”
“Ano na naman ang ginawa mo Sham? Naku mauubusan ka ng empleyado kapag ganon!”
“That girl is a bitch! Malandi!” nanggagalaiti pa rin si Shamia kapag naalala ang babaeng receptionist ng kompaniya.
“Ano ba kasing ginawa?”
“Buwisit na iyon, sa lahat ng lalandiin si Kaiser pa at mismong sa harap ko pa talaga. Mabuti nga at hindi ko siya ipinakaladkad palabas.”
“Mukha kang papatay!” Anito saka pinagmasdan ang reaksiyon niya. “Oh my God – You’re inlove.”
Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ng madaldal niyang kaibigan. “Anong sinasabi mo jan?”
“Nagagalit ka sa mga babaeng lumalapit sa bodyguard mo?”
Tumango siya.
“Kinakabahan ka kapag tinitingnan ka niya?”
“Oo, lalo na kapag hindi sinasadyang magdikit ang balat namin sa isa’t isa.”
Nanlaki ang mata nito. “Gusto mo palagi siyang nakikita?”
Muli siyang tumango bilang sang-ayon.
“OMO!! Let’s party-party, wait tatawagan ko sila, ibabalita ko ang pangyayaring ito.”
“Hah?”
“Nakuu after so many years, na inlove ka na ulit! Hallelujahh.” Ani Krysta na dali-daling kumuha ng cellphone sa bag at nag dial.
Inisip niyang mabuti ang mga tanong ni Krysta kanina at ang mga sagot niyang walang pa-tumangga. At nang marealize niya ang mga sinabi ay mabilis ding natigilan.
Oh my god! I’m i-inlove with m-my bodyguard? Shit!
Wala pa halos dalawang buwan na kasa-kasama niya ito pero agad na siyang nahulog sa binata.
Now, she knows why she acted different when they’re girls flocking around him.
She’s jealous. Dahil kahit araw-araw niya itong kasama ay hindi niya magawa ang mga bagay na nagagawa ng mga babaeng lumalapit dito.
I’m jealous because I’m inlove!
Papasok pa lamang siya sa loob ng bar ay rinig na rinig na niya ang malakas na tugtugan.Kung hindi lamang siya napilit nang mga bruhang kaibigan ay hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon at oras para sumunod sa kapritso nang mga ito.Hindi siya tuluyang makapasok at hindi din niya maaninag manlang ang tatlong bruha dahil sa dami ng tao na nakaharang sa daan. Meron pa ngang hindi sinasadya na nababangga siya pero mabuti na lamang at todo alalay sa kaniya ang bodyguard.
Nagising si Shamia sa hindi pamilyar na silid. Agad siyang sinalakay ng kaba. Nag-madali siyang bumangon para sana makaalis na nang biglang sumigid ang sobrang sakit sa kaniyang sintido. Hindi niya alam kung dahil sa dami nang kaniyang nainom kagabi o dahil sa bigla niyang pagbangon.Pero nasan nga ba siya? Hindi niya na matandaan na nakauwi siya kagabi. Naging pabaya siya kagabi at uminom ng uminom, siguro dahil palagay ang loob niya na may mag-uuwi sa dalaga sa mansion. Si Kaiser. Pero mukhang nagkamali siya dahil nagising siya sa hindi niya kilalang lugar.
Nagising si Shamia Gyllette sa mararahang katok sa pinto ng kaniyang silid. Nakatulog siya dahil sa labis na pag-iyak. Masyado siyang naapektuhan sa kaniyang mga narinig kanina, masyado niyang dinibdib ang mga narinig na animo kasintahan niya ito na nahuling nagtataksil. Apektadong-apektado siya pero kahit ganoon ay kailangan niyang itago ang nararamdamn dahil anumang oras ay maari nilang mabunyag ang nararamdaman niya.Dahan-dahang bumangon ang dalaga, nahagip ng kaniyang paningin ang orasan na nasa side table. Alas nueve na nang gabi. Nangunot ang noo niya nang mapagtanto na gabi na nga pero bakit may kumakatok pa rin sa kaniyang silid.
Matapos ang stressful na problema sa Shamia’s Magazine ay agad na ring nakauwi ng Pilipinas sina Shamia.Nahuli na ang salarin sa pagkawala nang 100 million pesos sa kompaniya. Ang CFO ng kompaniya. Inimbestigahan ito dahil ito lamang ang maaring maging suspek dahil ito ang humahawak ng pera ng kompanya. At napatunayan nga na totoo.At sa kasalukuyan ay sakay na sila ng private plane pabalik ng Pilipinas.
Muntik nang mahulog sa silya at mabilaukan sa kinakain si Shamia dahil sa ginawa ng lalaki. Malakas ang topak!Mabilis niyang inabot ang tubig at uminom. Ano bang pumasok sa isip nito at may pakindat-kindat pang nalalaman? Masiyado na yata itong at ease sa pakikitungo sa dalaga?Mabilis na tinapos ni Shamia ang pagkain at nagpaalam na babalik sa kaniyang silid para ituloy na ang pagpapahinga.&ld
Hindi pa rin siya tinitigilan ni Krysta sa pangungulit. Panay pa rin ang usisa nito sa kaniya tungkol sa nasaksihan nito kanina.Si Kaiser ay agad ding lumabas matapos iabot sa kaniya ang miryenda. Kaya naiwan siya sa mangulit na kaibigan. Agad din nitong ibinalita sa dalawa pa nilang kaibigan ang nakita.“Yung totoo? Wala kayong label? Pero may kiss na agad na nagaganap huh?”“
“Ms. Alvaro can you call my bodyguard? Papasukin mo siya dito sa opisina ko.” Wika ni Shamia kay Pia gamit ang intercom.“On it Mam.”Hindi naman nagtagal at pumasok ang binata. “Yes Sweetheart? Miss me?”“I need to talk to you about something.”
It took an hour to reach the port where they can ride a ferry to reach the province. Hinayaan niya lamang si Kaiser na asikasuhin ang mga kailangan para makasakay ng barko. Hindi naman kasi siya pamilyar sa mga ganoong bagay dahil hindi niya alam ang paba-biyahe through sea.Nang matapos ang pagaasikaso nang binata ay itinaas na nang nagbabantay sa pagpasok ng barko ang harang para makadaan ang sasakyan.“Pwede kang lumabas ng sasakyan habang nagbi-biyahe. Maiinip ka jan sa loob ng van.” Anang binata nang mag-settle na ang van sa loob
“GYLLETTE!”“Po?”“Oh?”Natawa si Kaiser ng sabay na sumagot ang kaniyang mag-ina. Ang kanilang panganay na anak ang kaniyang tinatawag ngunit maging ang kaniyang asawa ay sumagot rin. Hindi maiiwasan na ganoon ang mangyari dahil nga sa pareho ang mag-ina nang pangalawang pangalan.
“KAISER!!!”“Ano ba Shamia, ang ingay-ingay mo! Natutulog ang kapatid mo!” singhal nang Mommy ni Shamia sa kaniya. Nakahiga sa kuna sa sala ang isang taong gulang niyang kapatid. Tinatawag niya kasi si Kaiser dahil inutusan niya itong kunin ang phone niya sa kwarto pero kanina pa ito hindi pa rin nagbabalik. Hindi na kasi siya makakilos ng maayos. Malapit na kasing lumabas ang first baby nila ni Kaiser.
“Sarap talaga kapag libre!” Matapos kumain ay agad na komento ni Krystaleen. Kahit kailan talaga kung umasta ang babae parang hindi kumikita ng milyones.“Kapal talaga ng mukha mo!” Pambabara agad ni Ysa dahil ito ang nanlibre ngayon. Hindi na sila nito pinagbayad dahil natural ini-reserve nito ang buong beach resort para sa bonding nila.Kasalukuyan silang naglalakad-lakad sa dalampasigan. Nauuna ang tatlo sa paglalakad samantalang sila ni Kai ay nasa hulihan. Panaka-nakang lumilingon si Lourine sa banda nang magkasintaha
“Aray... aray... w-wait! Pakibitiwan ang buhok ko! Masakit!”“Talagang masasaktan ka!”“Magpapaliwanag ako, Shamia!”Kahit gigil na gigil pa rin dahil sa ginawa nang mga ito binitiwan na rin niya ang buhok nang mahaderang babae. Kita pa niya ang pagkalaki-laking ngisi ni Kaiser na nakasandal sa pader malapit sa kinaroroonan nila ng magaling na babae. Napansin n
Today is Saturday so it means its friends bonding day.Naglalaan ang magkakaibigan ng oras upang magkasama-sama. Maliban na lamang kung may mga emergency sa trabaho o di kaya ay nasa ibang bansa for business matters.Maaga siyang nagising dahil napag-usapan nila na ang venue sa today’s bonding ay sa beach resort nang kaibigang si Ysabell sa Batangas. Naka-reserve na raw ang buong resort para sa kanilang magkakaibigan. Ganoon talaga ang ginagawa nila kapag gusto nang buong barkada ng out of town trip. Noong nakaraan ay sa hacienda Sandler ni
It was Friday afternoon. The thought of missing someone is really terrifying. Hindi alam ni Shamia kung bakit, pero bigla na lamang pumasok sa isip niya ang binata habang nakaharap sa laptop to process the on going procedures for the magazine that they’re going to launch this month.Shit! Why now? Bakit bigla niya na lamang itong na-miss? Siguro’y dahil sa araw-araw na naman itong nambubulabog.She hate to admit but she like him being around.
“Miss Shamia dumating na po iyong titulo ng hacienda na binili niyo sa probinsya.” Salubong ni Pia sa dalagang amo nang makapasok ito sa opisina.After another week pinayagan na rin si Shamia nang magulang na pumasok sa trabaho. Siguro’y naingayan na rin ito dahil sa loob ng isang linggo ay wala siyang ibang ginawa kundi ang ngawaan ang ina dahil sobrang tigas ng ulo.Sinabing huwag ng mag-gagalaw dahil bawal dito. Binawalan na rin kasi ito nang doktor dahil sa sobrang maselan na pagbubuntis nang mommy niya dahil na rin sa katan
She was in her office when her friends arrived. Sunod-sunod dumating ang mga ito at isa-isa siyang niyakap. Maliban kay Ysabell.“Oh my god! Are you okay?” agad na usisa ni Krysta. Na sinusuri pa siya.“Kumusta ka?” tanong naman ni Lourine na nakaupo na sa harap ng kaniyang table.“I’m fine.” Sagot ni Shamia saka isa-isa ang mga itong nginitian. “OA
ISANG buwan na matapos ma-discharge sa hospital si Shamia. At hindi siya hinahayaan na magbalik na kaagad sa trabaho. Kung lalabas naman siya para mag-ikot-ikot at mamasyal, hindi siya hinahayaan na walang kasamang pamilya bukod pa sa limang bodyguard na itinalaga nang ama sa dalaga.Ayon sa mga ito ay kailangan niya iyon para sa safety purposes. Naalala niya tuloy ang nangyari ng magising siya.***