Matapos ang stressful na problema sa Shamia’s Magazine ay agad na ring nakauwi ng Pilipinas sina Shamia.
Nahuli na ang salarin sa pagkawala nang 100 million pesos sa kompaniya. Ang CFO ng kompaniya. Inimbestigahan ito dahil ito lamang ang maaring maging suspek dahil ito ang humahawak ng pera ng kompanya. At napatunayan nga na totoo.
At sa kasalukuyan ay sakay na sila ng private plane pabalik ng Pilipinas.
Matapos ang problema ay napagpasyahan niyang agad ang bumalik. Ang sekretarya naman niyang si Pia Alvaro ay nagpa-iwan sa LA dahil may aasikasuhin daw, kaya’t si Kaiser lamang ang kasama niya sa plane. At ang piloto at ang private attendant.
Hindi niya na inusisa ang babae kung ano ang gagawin kung bakit nagpaiwan dahil hindi naman niya iyon gawain. Nagbibigay siya nang privacy sa mga tauhan niya so she can have it also.
Hindi pa man sila nakakatagal sa himpapawid ay nakaramdam na agad ng antok si Shamia. Marahil ay sa pagod sa pag-aasikaso ng problemang nangyari sa kompaniya.
Nagising lamang ang dalaga dahil sa pagkilos sa kaniyang harapan. Agad siyang nagmulat ng mga mata only to find out her bodyguard so close to her.
Napatitig siya sa maamong mukha nang binata. Bakit ba ang gwapo nang lalaking ito? Agad naghuramentado ang kaniyang puso ng magtama ang kanilang mga paningin lalo na nang ito ngumiti sa kaniya.
“We’re about to land.” Anito na ipinagpatuloy ang pagkakabit sa kaniyang seatbelt. Agad din itong lumayo ng matapos. Kinastigo ni Shamia ang aking sarili ng maramdaman ang panghihinayang sa pagbibigay distansiya nito.
Hindi niya pinansin ang binata hanggang sa pagbaba nang eroplano at sa pagsakay sa sasakyan na sumundo sa kanila.
“Diretso sa kompaniya, Manong.” Wika nang dalaga sa driver dahil tanghali pa lamang naman ng makalapag ang eroplano sa Pilipinas kaya naiisip niyang sa opisina magtuloy. Agad naman itong tumango nang hindi tumitingin sa dalaga.
“Sa mansion, Mang Ton-ton.” Narinig niyang kontra ni Kaiser.
“Aba’t ----”
“Hindi ka pa nakakapag pahinga ng maayos. Bukas ka na magtungo sa SM.”
Inirapan niya na lamang ito at hindi na nakipag-argumento pa. Alam naman kasi niya na hindi siya mananalo sa binata. Ipinikit niya na lamang ang mga mata hanggang sa pumarada ang sasakyan sa front door ng mansion.
Agad siyang bumaba at nagtungo sa silid saka nagmamadaling humilata sa kama. Tama si Kaiser hindi siya nakapagpapahinga ng maayos dahil sa problema. Kaya ngayong araw ay susulitin na niya ang pahinga at bukas ay saka na babalik sa trabaho.
HINDI alam ni Shamia kung ilang oras na siyang natutulog ng may maulinigang mga boses sa loob ng kaniyang silid.
Si Manang Leny at Kaiser. Nag-uusap sa mababang boses pero rinig pa rin niya.
“Hindi po siya nakapagpahinga doon ng maayos Manang. Inasikaso po niya ang problema sa kompaniya doon pero ng maayos na ay agad na nag-ayang umuwi na dito kaya hindi manlang siya nakatulog nang matagal-tagal.” Anito habang tumutulong kay Manang sa pag-a-unpack ng gamit niya sa maleta.
“Ganiyan talaga iyang batang ‘yan Hijo, hindi nakikinig sa mga payo ko kahit na nang magulang niya at kapatid ang katwiran e, kaya pa naman daw niya at titigil siya kapag hindi na.” paliwanag ni Manang saka nagtungo sa banyo upang ilagay doon ang ibang gamit nang dalagana para doon. At nang makabalik ay nagpatuloy sa pagku-kwento. “Mabuti nga at sumusunod sa iyo ang batang iyan.”
“Hindi naman po sa sumusunod.” Ani Kaiser na nangingiti. “Nadadala lamang po sa pakiusap.”
Tumawa naman si Manang sa sinabi ng kaharap. “Kailan pa nadala sa pakiusap ang matigas ang ulong batang iyan? Nakuuu! Kung alam mo lang.”
Napairap si Shamia sa sinabi ni Manang. Tsk, kailangan talaga sabihin sa ng harapan?
“Siguro ay may namamagitan sa inyo kaya mo siya napapasunod?”
Muntik na siyang mapa-bangon at sigawan si Manang dahil sa sinabi nito, mabuti na lamang at napigilan niya kundi ay malalaman nang mga ito ang pakikinig niya sa usapan.
Iminulat niya ng bahagya ang kanang mata niya para makita ang dalawang nag-uusap sa loob ng kaniyang silid. Ibinabalik na ni Manang ang mga damit na hindi niya nagamit sa cabinet samantalang ang iba ay inilalagay ni Kaiser sa basket ng maruruming damit.
“Ano hijo? Totoo ang hinala ko ano?” pangungulit pa din ni Manang sa binata.
“Huh? Ah bawal po kami ma-inlove sa mga kliyente namin.”
Siya lang ba o sadyang may nahimigan siyang panghihinayang sa boses ng lalaki?
“Tss hindi na uso ngayon ang sumusunod sa batas hijo.” Pangungunsinti ng matanda. Ang binata naman ay natawa. “Kung mahal mo ipaglalaban mo walang makakapigil. Pero kung hindi mo kayang ipaglaban, ngayon pa lang iwasan mo na.”
“I don’t know what to say Manang.”
“Ako naman Kaiser hijo ay nagpapayo lamang ano! Kung talagang gusto mo itong alaga ko ay wag ka nang magpatumpik-tumpik pa—ay sandali parang ibinebenta ko na itong alaga ko sa iyo.” Anito saka tumawa. Wala namang reaksyon ang lalaki.
“Ay hala sige at lalabhan ko na itong maruruming damit ni Shamia.” Pagpapaalam nito.
Pinakiramdaman nang dalaga ang paligid. At nang masiguro na wala na ang presensya ng dalawa sa kaniyang silid ay dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata saka bumangon pero napabalik din sa pagkakahiga ng makita si Kaiser sa paanan ng kaniyang kama.
“I thought lumabas kana?” turan niya saka pasimpleng hinigit ang comforter para matabunan ang kaniyang katawan hanggang sa ulo.
“I know you’re awake so I’ve decided to wait for you. Alam ko din na nakikinig ka sa usapan namin ni Manang.”
Mabilis niyang ibinaba ang comforter para makita si Kaiser. At ang hudyo ang laki ng ngiti.
“Hindi ako nakikinig sa usapan ninyo ah!” tanggi ni Shamia.
“Oh, okey. Madali naman akong maniwala.” Anito. Pero halatang nang-aasar lang.
“Sisipain kita! Lumabas ka na nga!” bulyaw niya sa binata na naka-ngisi sa kaniya.
“Bumangon ka na jan Shamia Gyllette!” sabi pa ni Kaiser na hinila-hila pa ang comforter nang dalaga para maalis ang pagkakatakip nito sa katawan niya.
“Anak ng---”
“Bangon na Mahal na Prinsesa.”
Naiiritang tiningnan niya ng masama ang lalaki na malaki ang ngisi sa paanan ng kaniyang kama.
“Tatamaan ka sa’ken Kaiser Pineda!” Sigaw niya sa binata na dahilan ng pagbitaw nito sa comforter. “Labas!!”
“Oo… eto na nga po! Lalabas na po.” Tila nang-aasar pa na ani Kaiser bago lumabas ng silid.
Nang makalabas ang lalaki saka pa lamang siya bumangon para gawin ang kaniyang morning routine. Inayos ang kama saka nagtungo sa banyo at naligo.
Nang matapos ay pumili lamang siya ng isang simpleng kulay puting t-shirt at maong shorts. Saka lumabas na dahil may kumakatok na naman sa pinto ng kaniyang silid.
Binuksan niya ang pinto habang pinupunasan ang basa pang buhok. “Yes?”
“Oh?”
“Oh ka jan? bakit na naman ba?” Wika niya kay Kaiser na siyang napagbuksan niya ng pinto ng kwarto.
“Ah pinapatawag ka na ni Manang dinner time na daw.”
“Wait a minute.” Sabi niya. Tumango naman ito saka umalis.
Ipinagpatuloy nang dalaga ang pagtutuyo ng buhok saka lumabas na ng silid at nagtungo sa kusina. Naabutan niya roon si Manang na inaayos ang mga pagkain sa mesa.
“Kain na hija, hindi ka kumain ng tanghalian kanina kaya maaga akong nagluto para makakain ka na.” anito at ipinaghila pa siya ng upuan.
“Sabayan niyo na po ako Manang.” Yaya nang babae samatanda. “Tawagin niyo na rin po si---”
“Si Kaiser… Oo alam ko! Sandali at pupuntahan ko na sa likod.” Putol nito sa kaniyang sasabihin.
Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi nang matanda. Anong alam na nito? Sasabihin sana niyang tawagin na din ang ibang kasama sa bahay para sabay-sabay ng kumain. Pero iba ang dating kay Manang kaya kung ano ang nasabi.
Napailing siya ng dumating ang matanda kasunod ang bodyguard niya wearing a plain black shirt and black jogging pants.
“Andito na.” tila nanunukso pa na ani Manang.
“Asan yung iba Manang Lening?”
Tila nakuha naman ni Manang ang ibig niyang sabihin. “Andyan na din sila, tinawag ko na din. Alam ko naman na hindi ka kakain ng hindi kumpleto.”
Ngumiti siya sa matanda saka nagsimula ng kumain. Aabutin na sana niya ang bandehado ng kanin ng may maunang dumampot noon, si Kaiser, at ang nakakagulat ay nilagyan nito ang plato niya. Ganoon din ang ginawa nito sa ulam.
Hindi iyon nakaligtas sa mata ng mga kasama nila sa hapag-kainan kaya inulan sila ng tukso. Tumikhim ang dalaga para matahimik ang hapag.
Ipinagpatuloy niya ang pagkain. Hindi sinasadya na umangat ang tingin ni Shamia sa binata. Naabutan niya na nakatingin din ito sa kaniya.
Nagtama ang paningin nang dalawa, babawiin na sana nang dalaga ang tingin sa binata ng ngumiti ito at nag-wink pa sa kaniya dahilan ng muntik na niyang pagkahulog mula sa upuan.
Muntik nang mahulog sa silya at mabilaukan sa kinakain si Shamia dahil sa ginawa ng lalaki. Malakas ang topak!Mabilis niyang inabot ang tubig at uminom. Ano bang pumasok sa isip nito at may pakindat-kindat pang nalalaman? Masiyado na yata itong at ease sa pakikitungo sa dalaga?Mabilis na tinapos ni Shamia ang pagkain at nagpaalam na babalik sa kaniyang silid para ituloy na ang pagpapahinga.&ld
Hindi pa rin siya tinitigilan ni Krysta sa pangungulit. Panay pa rin ang usisa nito sa kaniya tungkol sa nasaksihan nito kanina.Si Kaiser ay agad ding lumabas matapos iabot sa kaniya ang miryenda. Kaya naiwan siya sa mangulit na kaibigan. Agad din nitong ibinalita sa dalawa pa nilang kaibigan ang nakita.“Yung totoo? Wala kayong label? Pero may kiss na agad na nagaganap huh?”“
“Ms. Alvaro can you call my bodyguard? Papasukin mo siya dito sa opisina ko.” Wika ni Shamia kay Pia gamit ang intercom.“On it Mam.”Hindi naman nagtagal at pumasok ang binata. “Yes Sweetheart? Miss me?”“I need to talk to you about something.”
It took an hour to reach the port where they can ride a ferry to reach the province. Hinayaan niya lamang si Kaiser na asikasuhin ang mga kailangan para makasakay ng barko. Hindi naman kasi siya pamilyar sa mga ganoong bagay dahil hindi niya alam ang paba-biyahe through sea.Nang matapos ang pagaasikaso nang binata ay itinaas na nang nagbabantay sa pagpasok ng barko ang harang para makadaan ang sasakyan.“Pwede kang lumabas ng sasakyan habang nagbi-biyahe. Maiinip ka jan sa loob ng van.” Anang binata nang mag-settle na ang van sa loob
“Nay... Tay si Shamia Sandler po girlfriend ko! Babe si Nanay Belinda at Tatay Karlito.” “Hello po sa inyo! Mam, Sir!”“Jusmiyong bata ari ee! Tatay at Nanay na lamang daw naman ang tawagan sa amin ening ay!” litanya ni Tatay Karlito na hindi mapigilang mapakamot sa ulo. Natatawa naman si Nanay Belinda dahil sa reaksyon ng asawa.“Ah opo... Nanay hmm&mda
Tila ilang oras pa lamang ang tulog nang magkasintahan ng naulinigan na agad ni Shamia ang pagtilaok ng mga manok. Mayroon rin siyang naririnig na bumubulong-bulong sa tabi niya. Hindi niya iyon pinansin dahil sa talagang inaantok pa siya ng sobra. Sumiksik pa siya lalo sa katabi.“Hayae na muna sina kuya mo! Wag maingay jan, mga pagod yan sa biyahe.”“Nanay ba’t napunta na dine si Ate Sham? Katabi ko kayang tumulog ari sa kwarto!”
It’s already four days since Shamia and Kaiser went to vacation. And she noticed something on Kaiser’s action. On there first day, ihinatid nila ang mga kapatid nang lalaki sa eskwelahan at saka sila namasyal pagkatapos. Pero ng mga sumunod na araw umaalis ang lalaki ng maaga at gabi na umuuwi. Ang sabi naman nang magulang nang lalaki ay may inaasikaso itong importante. Maging ang dalawa nitong kapatid ay ganoon din ang sinasabi sa dalaga.Tinatanong niya ito kung anong importante ang inaasikaso nito para sana malaman niya if she can help pero hindi naman nito sinasabi. Kaya siya, kung hindi sa bahay lamang ay namamasyal na mag-isa sa hacienda ang dalaga at minsan ay sa palayan o di k
ISANG buwan na matapos ma-discharge sa hospital si Shamia. At hindi siya hinahayaan na magbalik na kaagad sa trabaho. Kung lalabas naman siya para mag-ikot-ikot at mamasyal, hindi siya hinahayaan na walang kasamang pamilya bukod pa sa limang bodyguard na itinalaga nang ama sa dalaga.Ayon sa mga ito ay kailangan niya iyon para sa safety purposes. Naalala niya tuloy ang nangyari ng magising siya.***
“GYLLETTE!”“Po?”“Oh?”Natawa si Kaiser ng sabay na sumagot ang kaniyang mag-ina. Ang kanilang panganay na anak ang kaniyang tinatawag ngunit maging ang kaniyang asawa ay sumagot rin. Hindi maiiwasan na ganoon ang mangyari dahil nga sa pareho ang mag-ina nang pangalawang pangalan.
“KAISER!!!”“Ano ba Shamia, ang ingay-ingay mo! Natutulog ang kapatid mo!” singhal nang Mommy ni Shamia sa kaniya. Nakahiga sa kuna sa sala ang isang taong gulang niyang kapatid. Tinatawag niya kasi si Kaiser dahil inutusan niya itong kunin ang phone niya sa kwarto pero kanina pa ito hindi pa rin nagbabalik. Hindi na kasi siya makakilos ng maayos. Malapit na kasing lumabas ang first baby nila ni Kaiser.
“Sarap talaga kapag libre!” Matapos kumain ay agad na komento ni Krystaleen. Kahit kailan talaga kung umasta ang babae parang hindi kumikita ng milyones.“Kapal talaga ng mukha mo!” Pambabara agad ni Ysa dahil ito ang nanlibre ngayon. Hindi na sila nito pinagbayad dahil natural ini-reserve nito ang buong beach resort para sa bonding nila.Kasalukuyan silang naglalakad-lakad sa dalampasigan. Nauuna ang tatlo sa paglalakad samantalang sila ni Kai ay nasa hulihan. Panaka-nakang lumilingon si Lourine sa banda nang magkasintaha
“Aray... aray... w-wait! Pakibitiwan ang buhok ko! Masakit!”“Talagang masasaktan ka!”“Magpapaliwanag ako, Shamia!”Kahit gigil na gigil pa rin dahil sa ginawa nang mga ito binitiwan na rin niya ang buhok nang mahaderang babae. Kita pa niya ang pagkalaki-laking ngisi ni Kaiser na nakasandal sa pader malapit sa kinaroroonan nila ng magaling na babae. Napansin n
Today is Saturday so it means its friends bonding day.Naglalaan ang magkakaibigan ng oras upang magkasama-sama. Maliban na lamang kung may mga emergency sa trabaho o di kaya ay nasa ibang bansa for business matters.Maaga siyang nagising dahil napag-usapan nila na ang venue sa today’s bonding ay sa beach resort nang kaibigang si Ysabell sa Batangas. Naka-reserve na raw ang buong resort para sa kanilang magkakaibigan. Ganoon talaga ang ginagawa nila kapag gusto nang buong barkada ng out of town trip. Noong nakaraan ay sa hacienda Sandler ni
It was Friday afternoon. The thought of missing someone is really terrifying. Hindi alam ni Shamia kung bakit, pero bigla na lamang pumasok sa isip niya ang binata habang nakaharap sa laptop to process the on going procedures for the magazine that they’re going to launch this month.Shit! Why now? Bakit bigla niya na lamang itong na-miss? Siguro’y dahil sa araw-araw na naman itong nambubulabog.She hate to admit but she like him being around.
“Miss Shamia dumating na po iyong titulo ng hacienda na binili niyo sa probinsya.” Salubong ni Pia sa dalagang amo nang makapasok ito sa opisina.After another week pinayagan na rin si Shamia nang magulang na pumasok sa trabaho. Siguro’y naingayan na rin ito dahil sa loob ng isang linggo ay wala siyang ibang ginawa kundi ang ngawaan ang ina dahil sobrang tigas ng ulo.Sinabing huwag ng mag-gagalaw dahil bawal dito. Binawalan na rin kasi ito nang doktor dahil sa sobrang maselan na pagbubuntis nang mommy niya dahil na rin sa katan
She was in her office when her friends arrived. Sunod-sunod dumating ang mga ito at isa-isa siyang niyakap. Maliban kay Ysabell.“Oh my god! Are you okay?” agad na usisa ni Krysta. Na sinusuri pa siya.“Kumusta ka?” tanong naman ni Lourine na nakaupo na sa harap ng kaniyang table.“I’m fine.” Sagot ni Shamia saka isa-isa ang mga itong nginitian. “OA
ISANG buwan na matapos ma-discharge sa hospital si Shamia. At hindi siya hinahayaan na magbalik na kaagad sa trabaho. Kung lalabas naman siya para mag-ikot-ikot at mamasyal, hindi siya hinahayaan na walang kasamang pamilya bukod pa sa limang bodyguard na itinalaga nang ama sa dalaga.Ayon sa mga ito ay kailangan niya iyon para sa safety purposes. Naalala niya tuloy ang nangyari ng magising siya.***